Babala: Ang mga sumusunod na akdang iyong mababasa ay naglalaman ng MGA DI ANGKOP sa mga bata pa. May karahasan, kabastusan, murahan, bashing, trolling, gaguhan, at droga. Kung ayaw mo ng mga ito, wag mo na lang basahin at iwasang awayin ang author dahil siya ay nangangagat. FORLORN MADNESS A Masterpiece by direk_whamba Prologue: Kalaliman ng gabi at ang buwan ay perpektong bilog. May mga asong umaalulong; ngunit bukod pa iyon sa nagbibigay sa kanya ng matinding pangamba at takot. May taong sumusunod sa kanya kaninang-kanina pa paglabas niya ng apartment ng kanyang kasintahan. Simbilis ng pagbayo sa tambol ang pintig ng kanyang puso. Binilisan niya ang paglalakad kahit halos matapilok na siya sa suot niyang sapatos na may mataas na takong. Bigla na lamang may tumalon sa itaas niya at lumapag sa kanyang harapan. Napagmasdan niya ang anyo nito mula sa liwanag galing sa lamp post. Maliit na babae ito. Mukhang manika at nakadamit na parang manika. May hawak-hawak itong espada sa isang kamay. "S-sino ka?!" tanong niya dito. "Hindi mo na kailangang malaman dahil ngayong gabi ay sinisiguro kong mababawian ka ng buhay." Tinakasan siya ng dugo sa mukha. "Anong kasalanan ko sayo?" Nagsimulang humakbang palapit sakanya ang babaeng manika. "Wala kang kasalanan sa akin, pero sa amo ko, meron." Pilitin man niyang isipin kung kanino siya may atraso, wala talagang pumapasok sa kanyang isipan. "W-wala akong maalalang kaaway ko o ng pamilya ko!" "Sige, may sasabihin ako sa'yo para sa ikatatahimik ng iyong kaluluwa.. Ang tanging kasalanan mo lang naman ay pinaibig mo ang napiling prinsipe at hindi iyon nagustuhan ng aking pinagsisilbihang prinsesa." Wala yata sa tamang pag-iisip ang kanyang kaharap. "—P-prinsipe? Prinsesa? Nababaliw ka na—-" Tsssshk! Umagos ang kanyang dugo pagkatapos ng kanyang matinis na sigaw. A/N: May isasama po akong Titles of nobility para hindi confusing.. Prinsipe/Prinsesa Duke/Dukesa Marquis/Marquisa Konde/Kondesa Viskonde/Viskondesa Baron/Baronesa Baronet Knight —— Forlorn Madness Opus 1: Hio's POV: Namulat ako sa kakaibang uri ng pamumuhay. Basta ang alam ko ay mayaman ang aming pamilya. Wala na ang mama at papa ko. Namatay daw sila sa isang aksidente. Ang tanging kasama ko na lamang sa buhay ay ang kuya ko at si Lolo. Sa umaga kami natutulog at pagsapit ng gabi, doon kami buhay na buhay. Naiisip ko tuloy, nasa tamang lugar kami ngunit ang oras dito sa loob ng mansyon ay parang oras ng mga taong nasa kabilang panig ng mundo. Ayaw na ayaw din nila ng sikat ng araw dito sa mansyon. Lahat nga ng bintana ay nakukulapulan ng makakapal na kurtina. Mayroon daw kakaibang sakit sa balat ang aming lahi na lubhang maselan sa sikat ng araw. Nag-aaral ako ngunit hindi tulad ng ibang mga bata na pumapasok sa paaralan tuwing araw, ako naman ay may pribadong guro at nag-aaral kami tuwing gabi hanggang madaling araw. Parang tanga lang ang pamilya namin hindi ba? Nang ako ay sampung taong gulang, isinama ako sa isang enggrandeng piging. Unang beses ko pa lamang lumabas ng aming mansyon at sumakay ng karwahe. Nagtungo kami sa mas malaking mansyon. Unang beses ko ring makasalamuha ang napakaraming tao. Tuwang tuwa ako sa nagaganap na kasayahan na sa mga aklat ko lamang nababasa. Kakatwang 'mahal na duke' ang tawag nila sa kuya ko na labingwalong taong gulang pa lamang. Lahat ng humaharap sa kanya ay yumuyuko bilang paggalang bago bumati. "Kuya, may dugong-bughaw ba tayo? Bigtime ka ah?" Natawa si kuya at ginulo ang buhok ko. "Ikaw talagang bata ka. Mukhang masaya ka ah?" "Oo naman! Sa wakas, nakalabas din ako sa ating mansyon!" "Huwag kang lalayo masyado sa amin ng lolo ha?" Napaisip ako. "Bakit naman po kuya?" "Wala naman. May ipapakilala ako sa iyo mamaya." Naexcite ako. "SINO KUYA?" Bumulong siya. "Isang Prinsesa. Nakatakda ko siyang pakasalan sa tamang panahon—" "—TALAGA KUYA?" asteeg! Ay teka, naiihi ako! Lumayo ako kay kuya at pumunta sa kasilyas. Phew. Paglabas ko, may dalawang tao ang nakasandal sa pader katapat ng pintuan ng kasilyas. Isang babae at isang lalake. Nakatingin sila sa akin at nanlilisik ang kanilang mga mata. Tinayuan ako bigla ng balahibo. Lalo na ng lumapit ang babae sakin. Inilagay niya ang kanyang kamay na may mahabang kuko sa aking balikat. "—Nagugutom ka ba Alfredo? Kay inam ng kulay ng batang lalaki na ito—" Pak! May pamaypay na pumalo sa kamay niya. "Lapastangan! Ang batang ito ay hindi mo pwedeng kantihin." Napakalamyos ng kanyang tinig. Nag-angat ako ng paningin. Natameme ako. Ang ganda niya. Bagay sa kanya ang kanyang napakahabang buhok at ang suot niyang puting bestida. Parang nakakita ng multo ang dalawang timang at yumukod sa anghel. "Mahal na prinsesa, paumanhin!" Mahal na prinsesa?! Siya ba yung— "—Sana ay sumunod ka sa payo ng iyong kuya na huwag lalayo sa kanyang tabi." Ha?! Paano niya nalaman yun kung kadarating lang niya? "Halika at isasama na kitang pabalik sa bulwagan." Ginagap niya ang aking kamay at sabay kaming naglakad. Para akong lumulutang sa ulap! Iba ang pakiramdam na idinudulot niya sa akin. Parang isang paboritong musika na hindi nakakasawa. Pagpasok namin ng bulwagan, nakatingin sa amin ang lahat ng mga mata. Lumapit sa amin si Kuya. Kinuha niya ang kamay ni ate at hinalikan. "—Nagkakilala na pala kayo nitong si—" "Div Umbra, hindi mo man lamang binantayan ang iyong nakababatang kapatid. Kamuntikan na siyang—" "—Nagkakamali ka mahal kong Medea. Mainam na nakabantay sa kanya si Penumbra." Weh? Wala yata akong naintindihan sa mga pinagsasabi nila. Sino si Penumbra? Naputol ang kanilang pag-uusap dahil inanunsyo ang pagdating ni prinsesa Medea. Halinhinang lumapit sa kanya ang mga tao. Nang magsimula ulit na tumugtog ang orkestra, sumayaw sila ng aking kuya. Kitang kita ko ang pag-ibig sa kanilang dalawa. Ang swerte talaga ni kuya. Sana paglaki ko, makahanap din ako ng kagaya ni ate Medea. Pagkatapos ng unang tugtog, nilapitan nila ako. "Gusto mo bang sumayaw?" yaya iyon sa akin ni ate. Namilog ang mata ko. Sige sige sige! Pagkakataon ko na para ipakita ang pinag-aralan kong pagiging maginoo. Inilahad ko sa kanya ang aking kamay. "Magsayaw tayo magandang binibini." Angas kooooo! Masyado akong maliit para sa kanya. Pero ayos lang. Inilagay ko sa bewang niya ang mga kamay ko habang ang kanya naman ay nasa aking mga balikat. Sumabay kami sa banayad na musika. "Ang pangalan mo ay—" "—HUWAG MONG SABIHIN!" pinigil ko si ate. Ramdam ko ang pamumula ng aking mga pisngi. "Oh bakit? Ang ganda nga ng pangalan mo eh—" natawa siya. "Ang katunayan niyan, ayoko sa pangalan ko. Hio na lang ang itawag mo sa akin. Palayaw ko yun." "Hio.. Tatandaan ko yan." Pinakatitigan ko siya sa buong yugto na kami ay magkasayaw. "Ang ganda mo po. Kung hindi ka lang kasintahan ni kuya, gusto kitang pakasalan balang araw." Napahagikhik siya. "Siya nga?" Tumango ako. Hinaplos niya ang aking pisngi saka bahagya siyang yumuko at inilapit niya ang kanyang bibig sa aking tenga. "—Sumumpa ka na totoo ka sa iyong mga binitiwang salita.." aniya. "Sumusumpa ako!" mabilis kong sabi. Hindi ko makalimutan ang gabi na nakilala ko si ate Medea. As in napanaginipan ko siya instantly. Pero hindi ka kami muling nagkita. Takipsilim kinagabihan, dinala ako ni kuya sa isang bahay-ampunan. "Hio, patawad pero kailangang dumito ka muna sa bahay-ampunan." Mangiyak ngiyak ako. "Bakeeeet?!" "Nalugi na ang negosyo ng pamilya natin at naisanla na ang lahat ng ating mga ari-arian. Pero pansamantala ka lang naman mamamalagi dito eh. Gagawa kami ni lolo ng paraan tapos babalikan kita dito. Pangako." Yumakap ako sa mga hita niya. "Kuya wag mo kong iwaaan." kahit anong lakas ng paghagulgol ko, iniwan pa rin ako ni kuya bandang huli. Palakad ng mga madre ang ampunang yun. Kapag tumuntong ang mga ampon ng edad disiotso, pinapayagan nang lumabas sa ampunan. Laya na kumbaga sa preso. Noong una, nahihirapan akong mag-adjust. Suki ako sa parusa dahil puyat ako lagi. Tuwing umaga ay nagiging antukin ako. Pero imba din. Nakaranas na ako na mamuhay sa sikat ng araw. Hinihintay ko palagi si kuya.. kung babalikan pa nga ba niya ako.. Subalit pitong taon na ang lumipas, ni anino niya ay no show. "Hio, anong nililingon mo diyan sa bintana?" "Wala po mother superior." Ayoko kay mother superior. Hindi lang dahil pinapaluhod niya ako habang nakadipa sa asin, kundi dahil ang sunget niya at napakaistrikta. Nakakainis din ang boses niyang matutina. "Nagdarasal ka ba habang nakadipa diyan?" "Opo." Nangalay ako sa aking pagdipa at nagsugat na ang tuhod ko pero di pa rin niya ako pinapatayo. Ginabi na nga kami. "Sige, makakaalis ka na. Tandaan mo ang iyong mga pagkakamali at huwag na ito muling uulitin." Haysalamat! Praise the Lord! Paika-ika akong lumabas sa silid ng parusa. Ano ba ang kasalanan ko? Letse! Labimpitong taong gulang na ako, isang taon na laaaaang! Punyemas kasi, naparusahan lang ako dahil nagsabunutan sina Rose at Joannie. Pinag-aagawan nila ako. Eh hindi ko naman sila type. Kagaguhan! Ang sarap magmura sa isip! Tinuro yan sakin ng kaibigan ko. Si Lulu. Street children siya, labing-anim na taong gulang. Sa kanya ko natutunan ang lahat ng tungkol sa lansangan. Speaking of Lulu— pumuslit ako sa kusina at nagnenok ng pagkain. Tapos palihim akong nagpunta sa isang gilid ng gate. Railings ang style nun kaya kitang kita ang labas. "—Lulu, nandiyan ka ba?!" sumungaw ako sa pagitan ng dalawang bakal na bars. "Nandito ako!" Sinalaksak ko sa kanya ang mga dala kong pagkain. "Oh kumain ka." Gantong eksena ko rin siya nakilala. Dugyot pa siya dati, nanghihingi ng pagkain. "Nakapostura ka yata ngayon ah?" puna ko. Maiksi ang kanyang suot na paldang hapit. Kita ang kanyang cleavage, ano pa, nakamake-up siya— Wow hindi siya pulubi ha? Nahiya yata siya bigla at itinigil ang pagkain. "Ang nanay ang nag-ayos sa akin. Ang sabi niya, may katatagpuin daw akong kano." Oh? Bat ang sama ng nararamdaman ko? "—Hindi ka ba.. Ibinubugaw na ng nanay mo?" Hindi siya sumagot. Ilang saglit na katahimikan. "Hio.. Pwede ba akong humingi ng pabor?" "Oh?" Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at saka niya ako siniil ng halik sa mga labi. "—AY P*TANG INA MO LULU!" kumalas ako kaagad tapos pinahid ko ang labi ko. First kiss ko yun! HOW DARE SHE?! Ngumiti siya at dumila pa. "Bleah! Pampabuwenas!" "Lul!" hypertensive pa rin ako sa ginawa ni Lulu. "Sige aalis na ako!" Sandali lang Lulu! Hindi ko nasabing mag-iingat siya.. Nabalitaan ko na lang kinabukasan.. Namatay na siya. Natagpuan daw siyang naliligo sa sariling dugo sa isang motel. Hindi lang yan. Namatay din ng gabing iyon sina Joannie at Rose na kapwa din naliligo sa dugo. Natrauma ako sa nangyari. Baka may nagtatagong serial killer dito sa ampunan! Sa takot ko, nagpasya akong maglayas na. TANGENA I'M FREE! Sa sobrang free ko nga, nagpalaboy ako. Pero nakakita naman ako ng trabaho. Ang first job ko.. Isa akong— "Construction worker ang inaapplyan mo dito totoy, hindi ito modeling agency! Bakit ba sinasayang ninyo ang gandang lalake ninyo?" sabi sakin ni foreman nung nag-aapply ako. "Sige magsimula ka na. Sa ngayon, magbubuhat buhat ka muna. Di ka naman mason eh." "Yes boss!" Pagtalikod ni foreman, me kumalabit sakin. "Huy pare, bakit nakasemangut ka nung kausap mu se purman?" tanong sakin ni Coffee. Kosa kami. Nakilala ko siya sa lansangan habang namumulot siya ng basura na kinakalakal sa junkshop. Nagkapalagayan kaagad ang aming loob dahil pareho na kaming ulila. Pinatira niya ako sa bahay niya. Mula nun, magkasama na kami sa lahat ng kagaguhan, kabulastugan, at maging dito sa trabaho. BISAKOL yang si Kape. Bisayang Bikolano. Magkasingpogi kami niyan pero matinik siya mag-english. Laptrip ka overnight. "Eh pano, ang lakas ng putok niya! Ampota. Ang laki laki ng butas ng sarat niyang ilong, hindi man lang niya maamoy ang sarili niya!" umandar ang pagkapintasero ko. Bakit nga ba ako naging ganito? Siguro umakyat na sa ulo ko ang laging pagsasabi sakin na 'ang pogi mo'. Kaya ang pamantayan ko ng kagwapuhan ay ang sarili ko. Well kasalanan nila yun. "—Kuh, ekaw baya maghapon magdamag magcontraction, de ka ba puputukin?" HUTANGENA.. CONTRACTION DAW?! Ano kami, nagpapaanak? Lupet mo Kape! It’s you already! Dinaanan kami ni foreman. "Hoy kayong dalawa, kabago bago ninyo, daldalan agad inaatupag ninyo! Kilos na!" "Yes boss!" Sinimulan na namin ang paghahakot ng mga sako ng simento. Opus 2: Hio's POV: Pakenshet.. Kapagod. Nabatak yata ang muscles ko! Tas 300 pesos lang ang bayad. Takte. Sana nga sa modelling agency kami nagpunta ni Kape. Dang layo kasi. Walang pamasahe. Pero sige itatry namin minsan mag go-see. Stretch.. Stretch.. Pasado alas singko na. Malamang pauwi na kami. Bago umuwi, bumili muna kami ng bigas at isdang tanga na nasa lata. Umakbay ako sa kanya habang naglalakad kami. "Agi dong! Masakit uy!" reklamo niya. "Punyemas ka. Mas maaga ka ngang nagtrabaho ng mabigat kesa sakin tas kaw pa ang mahina ang katawan?" "Alam mo Heyo—" nababadtrip talaga ako kay Kape kapag sinasabi niya ang pangalan ko. "—naeesip ko kung mayrun pa ba tayong pyutsur.." Ba, nakakaisip din pala siya ng mga ganung bagay. Ako nga rin eh napapaisip madalas. Kung kamusta na ba sina lolo at kuya. Kung ano ang buhay namin kung di nila ako pinaampon. Binayo ko ang masakit na balikat ni Kape. "Alam mo Kape, wag kang mawalan ng pag-asa. Bata pa tayo. Basta wag muna tayong mag-aasawa at magkakalat ng lahi. Wala na nga tayong malamon, magdadagdag ka pa ng palalamunin—" "—Alam ko yan dong! Kaya nga bumele ako ng kundom!" Pak! Binatukan ko siya. Hanep sa alright. Sana pinambili na lang namin ng yosi yung pinambili niya ng condom. "Yawa ka! Kanena ka pa ah!" Pinakyuhan ko siya nang nakangiti. "Magsaing ka pag-uwi." Dito kami nakatira sa iskwater's area sa tabi ng ilog. Yung barong-barong na tinitirahan namin, nakatirik sa may tubigan. May banyo at yung buong ilog ang nagsisilbing poso negro. Kaya pag tinawag ka ng kalikasan, alam na yan. Rekta na yun na babagsak sa ilog. Jumper ang kuryente. Kinabit ko lang sa linya ng isa pang jumper. Pag nagkasunog, okey lang, wala naman kaming itatakbong ref o washing machine. Yung tubig dito, iniigib dun sa poso sa malayo. Pero dahil kami ni Kape ang only asset ng baranggay sa kagwapuhan, nililigawan kame ng mga chix dito; sila ang nag-iigib ng tubig namin. Minsan nakakairita rin. Siguro kapag dumura kami, me sasalo ng laway namin at lulunukin. Yak. Pagpasok na pagpasok namin ng bahay, kaagad binuksan ni Kape ang aming 14-inches Sonya TV pati na ang DVD player naming ang tatak ay Sumsung na napulot lang niya sa pangangalakal at pinarepair. Isinalang niya ang pirated na bala ng porn. Inamets. Kahilig ng kupal na to. Minsan nakikinood din naman ako sa mga ganyan; minsan din sabay pa kaming nagmamaster habang nanonood. Pero yung tipong pagod na pagod ka tas sumisige ka pa? Hell! That's HELL! Nahiga na lang ako kasi siya naman ang magsasaing. "Bebe? Bebe!" may tumatawag yata sa labas. Sumungaw ako sa bintana. "Kape, nasa labas si Bakekang!" Bakekang ang tawag ko kay Barbie Doll. Seryoso, yun talaga ang pangalan niya. Kahit ako di naniniwala nung una pwera nung makita ko na yung birth certificate niya. Anak siya ng barangay chairman at shinota lang ni Kape para makalibre sa renta ng bahay. Oo, tama. Sila ang may ari ng lungga na to. Astigin din tong si Kap. Iskwater na nga lang ito, me apartment business pa. Kumikitang kadugasan eh. Me hitsura din naman si Bakekang, kadiri lang yung kutis niya. Parang champorado na binurdahan ng piso. Nung bata siguro siya, trip niyang magswimming sa maduming ilog dito. "—Wag ka maengay baka marineg ka niya!" woo kunwari pa tong si Kape. Eh Bakekang din ang tawag niya kay Bakekang. Binuksan ko ang pinto. Nakangiti si Bakekang at iniabot sakin ang isang supot na puno ng isaw. Cheap ah. Pwede namang pork barbecue. Alam na. Kinuha ko ang gitara ni Kape at lumabas. Sa may hagdan ako umupo, nagyosi break bago nagstrum sa lumang gitara. Violin ang tinutugtog ko nung nasa mansyon pa ako. Magaling kasing magviolin si kuya kaya nagpaturo ako sakanya. Napabuntong hininga ako. May mga talent ka talagang hindi magagamit pag wala kang pera. Pero hindi naman ako naghahangad na magbuhay mayaman ulit. Imposible eh. Wala akong pinagkekwentohan tungkol sa buhay ko dati. Baka tawanan lang nila ako. Naaalala ko pa rin si Medea. Siya lang talaga ang babaeng pinakaiisip isip ko hanggang ngayon. Ano na kaya ang hitsura niya makalipas ang pitong taon? Natatandaan pa niya ako? Kung naghirap ang pamilya namin, malamang nag-asawa na siya ng ibang mayaman. At yung pinangako kong gusto ko siyang pakasalan? Wala na yun. Isa pa masyado akong bata para sa kanya. Humithit ulit ako sa yosi at pinagmasdan ko ang usok na binuga ko. Aaaahh! Aaahhh! Oooh! Si Bakekang parang sinasapian ng masamang espirito. Kinalampag ko yung pinto. "HUY WAG PANAY PANAY." Di pa ba tapos yan? Taena gutom na ko! Buti pa si Kape busog na. Di sinasadyang may nahagip ng aking paningin ang isang maliit na babae sa may isang sulok. Mukha siyang manikang life-size. Mas bagay sa kanya ang pangalang Barbie Doll. Nakatitig siya sa akin. Nagtama ang aming paningin at siya ang unang nagbawi bago tuluyang lumayo. Nahiwagaan ako sa kanya pero hindi naman sa puntong naging major pain. Kalaunan, nakalimutan ko na rin siya. Nagpatuloy ang buhay kong hindi ko alam kung saan tutungo. Trabaho. Bahay. Tambay. Hanggang isang gabi pag-uwi namin galing site, may nakita kaming parang papel na nakasiksik sa ilalim ng pinto. Hinablot iyon ni Kape at itatapon na sana kung hindi ko nagaapan. Binasa ko. Anunsyo iyon ng isang pribadong tao na naghahanap ng mga manunugtog. Hindi specified kung anong instrumento. May nakalagay na address at ang oras ng audition ay simula alas sais ng gabi. Naisip kong baka trip lang to ng kung sinong adik. Sino ba naman kasing timang ang magpapa-audition ng gabi—- "—TARA KAPE MAG-AUDITION TAYO!" "Ay gitara lang ang alam nateng tugtugen. Madameng marunong nun!" diskumpyadong sabi ni Kape. Binilot ko ang papel at pinalukpok ko sa ulo niya. "TANGA! Sa estado ng buhay natin ngayon, dapat wala na tayong hesitations! Lahat ng darating na opportunity ay dapat nating sunggaban!" "Ano? Resetesyon?!" Lord, biyayaan mo po ako ng pera. I swear bibilhan ko ng brain vitamins si Kape! Ganito na lang para maintindihan niya. "Pare, kuntento ka na ba sa buhay na ganito? Si Bakekang na ba talaga ang ihaharap mo sa altar at mamanahin mo na lang kay Kap ang pagpapalakad sa kanyang paupahang barung-barong?!" Tulala si gago. "Heyo, paano mo nalaman ang plano ko?" POTEK! Sinasabi ko na nga ba at naliligaw ng landas tong si Kape! In the end, nasunod din ako. Pinuntahan namin ang address. Wala sa hinagap ko na mapapadpad kami sa isang napakalaking mansyon. Malawak na malawak ang kanilang hardin na puno ng naggagandahang mga halaman. Marami ring estatwa ang nakadisenyo sa palibot. Sa may gitna ay may higanteng fountain. "—Pare seguradu ka bang eto yung tamang logar? Eh pangmayaman baya to!" "TONTO ka talaga. Pinapasok nga tayo ng guard hindi ba?" May punto rin naman si Kape. Bakit nga ba sa loob ng mansyon sila nagpapa audition at hindi sa studio. Wala din akong nakikitang mga kasabay naming aplikante. Diba pag mga audition, kadalasan dinudumog? Umihip bigla ang hanging napakalamig. Nanunuot sa balat ang lamig na yun. Nakakapangilabot na ewan. Sinalubong kame ng isang maid at ng mayordoma. Iginiya nila kami patungo sa isang silid ng ikalawang palapag. Harr.. Brings back the old memories. "Pare bat parang relaks ka diyan? Di ka ba kenakabahan at baka member sela ng kolto? Baka gawen tayong alay!" bubulong bulong si Kape. Aba'y swerte naman ng Diyos nila, dalawang gwapo ang iaalay ngayong gabi. Huminto kami sa tapat ng isang napakalaking double door. Kumatok ang mayordoma. "—Master.. Nandito na po ang inyong panauhin." "—Papasukin sila." sagot sa kabila ng saradong pinto. Boses ng lalake. Bata bata pa. Parang kaedaran lang namin. Binuksan nga nila ang pinto at pumasok kami sa isang magarbong study room. Carpeted ang sahig at eleganteng tingnan ang kandelaria na nakasabit sa gitna ng kisame. Di rin siguro biro ang presyo ng mga muebles na nandodoon. Hinarap kami ng master. Tama nga ako, kasing edad lang namin siya. Mukhang mamahalin ang suot niyang amerikana. Sige na gwapo na siya at natutuwa ako sa mga mata niyang may kakaibang ningning. "Maaari niyo na kaming iwan." sabi niya sa kanyang mga tagasilbi. Nung umalis ang mga iyon, saka lang siya muling nagsalita. "Maupo kayo.." itinuro niya ang isang pagkaganda gandang sofa. Sa sobrang ganda, parang gustong mahiya ng suot kong kupas na maong. "Ang pangalan ko ay Noir Andrea Rosseau. Kayo?" Whoa. Sounds pang-mayaman ang pangalan niya. Rosseau.. Parang pamilyar.. "—Ako si Hio. Siya naman si Coffee Mañego." ako na ang magsasalita para saming dalawa ni Kape. Mukha kasing mahihimatay na siya anytime. "Hindi mo man lang ba sasabihin ang tunay mong pangalan ginoong Hio?" Tumango ako. "Buweno.. Nandirito kayo dahil kayo ang napili kong maging mga kamiyembro sa itatatag kong banda." Napili? The fuck? Eh mag-aaudition pa lang kami! Oh siya. Hindi ko tatanggihan yan! "—Ako ang drummer.. Ikaw, Hio—" "—gitara lang po ang alam naming tugtugin—" singit ni Kape. Bastos ka talaga! Binibigyan na nga tayo ng career eh! "—Ayos lang! Bibigyan ko kayo ng sapat na panahon para magsanay." Yun naman pala eh. Dumaldal yatang bigla si Kape. "—Eh wag na lang brad. Wala kameng badyet sa mga ganyan—" Ngumiti si Noir. "Ako ang bahala sa lahat ng inyong gastusin, tirahan, pagkain, damit.. At bukod pa dun, sesweldohan ko kayo ng thirty thousand a month—" PANAGINIP BA TO?! Ayoko na gumising SYET! Mantakin mo, yung 300 pesos nadagdagan ng dalawang zero! Nganga kami ni Kape. At doon nga nagsimula ang buhay rakista ko. Binuo namin ang bandang 'Equinox'. Opus 3: Hio's POV: Equinox. Isa iyong penomenon sa mundo kung saan pantay ang oras ng araw at gabi. Pero sa pagkakaalam ko, minsan lang yun kung mangyari. Swerte na kung meron isang beses sa isang taon. Simula ng tumugtog ang bandang Equinox, nagsimula na rin kami ni Kape ng panibagong buhay. Well para sakin, parang bumalik lang ako sa dati kong buhay kung saan gising sa gabi at tulog sa umaga. Nakakaewan lang talaga ang trabaho namin. Pakiramdam ko kasi OVERPAID kami kumpara sa totoong kinokomisyon ng isang rakista. Buweno, mayaman naman kasi si Noir kaya malamang, naboboring lang siya at walang magawa sa pera. Ang masaya dun, iniwan na namin ang iskwater's area. Umupa kame sa mas magandang apartment sa mas magandang lugar. Iniwan na rin ni Kape si Bakekang dahil mas magaganda na ang mga chix na humahabol samin. Ako? May mga nagiging syota naman ako. Kaso... "PARENG HEYOOO GISEEEEEENG!" PUNYETA! May sunog?! "—Bakit ba?!" siniko ko siya. Antok pa ako eh. "SI CHERRY! Yung sinagot mo kagabi—-" oo totoo yung sinabi niya. May chix na nanligaw sakin at kagabi ko sinagot. Sinama ko siya dito kagabi dahil nagwaka-waka kame. "—Oh ngayon?" gusto mo? "—PATAY NA!" Muntik na akong mahulog sa kama dahil sa narinig ko kay Kape. Naupo ako at hinatak ko ang damit niya. "—Pare ayoko ng ganyang biro!" "Peks man! Napanood ko sa TV! Heto pa sa deyaryu!" inabot nga niya ang dyaryo. Binasa ko ang artikulong tinuro niya. Hindi nga talaga siya nagsisinungaling! Isang babae, edad bente ang natagpuang patay sa isang madilim na eskinita malapit sa kanilang bahay. Duguan ito at may saksak sa puso. Diyos ko.. Pang-labing dalawa na to! Noong una ang naiisip ko, baka nagkakataon lang. Pero habang lumalaon, lahat talaga ng nagiging girlfriend ko ay namamatay. Pinapatay. Nino?! Himala ring walang pagkakataong may lumapit sa aking inspektor upang magtanong. Kung pagtatagni-tagniin kasi nila ang mga krimeng naganap, lahat ng mga namatay ay may common denominator. LAHAT SILA AY MGA GIRLFRIEND KO! Pusang gala talaga. Lahat sila ni hindi man lang tumagal ng 2 days sa piling ko. Ngayon sigurado na talaga ako. MAY TAONG HINDI AKO HAHAYAANG MAGING MASAYA! Hrrgggh.. Anu to? FOREVER ALONE AKO?! AYOKOOOOO! Pero pag nagpatuloy akong dumikit sa mga babae, baka hindi matigil ang ganung krimen. TAMA! Kailangan kong magpakalalake at pasanin ang isang napakabigat na sakripisyo! Nasa aking mga kamay ang kaligtasan ng buhay ng mga kababaihan! Nice! Tang ina mo Hio, nakadrugs ka ba?! Pota. Nakakastress. Yosi yosi yosi! Kumuha ako ng yosi at lighter sa bedside. And I did the hithit-buga technique. Nangalahati agad ang sigarilyo. Ganyan ako kastress mga kapatid. "Yawa ka, inuna mo pa yusi! Di mo man lang eeyakan se Cherry?!" "Tang ina! Chinese yun! Eto ipinagsindi ko siya ng insenso!" Natawa na nailing si Kape. "Nga pala Kape, nainom mo na yung vitamins mo?" tanong ko habang dinudutdot ko sa ashtray ang yosi. Nangamot ng ulo si Kape. "Oo. Eh para saan ba yong vitamins na yon?" Ayan, gumaganda na ang accent ni Kape. Tama na ang pronounciation niya ng 'vitamins'. Nagbunga rin ang sakripisyo ko. "—Wag mo na itanong. Basta hindi yun lason at lalong hindi yun Viagra." Sinipat ko ang orasan. Alas singko ng hapon. Gising na siguro si Noir. Bumangon ako at nagshower. Pagkabihis ko, kinuha ko ang susi ng kotse. "—Saan ka pupunta Heyo? Maya pa live natin ah?" Nanay ba kita? NANAY BA KITAAA? "Bahala ka na dito." tipid kong sagot sa kanya. Nagdrive ako patungo sa condominium na tinitigilan ni Noir at ng isa pa naming bandmate na si Nue. Hindi na sa mansyon nakatira si Noir. Solo living na siya pagkatapos niyang mag-18 last month. Pagdating ko dun, pinagbuksan ako ni Noir ng pinto. Pumasok kami sa kwarto niya. Sa limang buwan naming magkakilala, naging palagay ang loob ko sa kanya. Hindi ko siya matroll gaya ni Kape. Kapag kaming dalawa lang, seryoso kaming nag-uusap na parang mga mature na tao. Umupo ako sa kama. "May problema ka ba Hio?" "Alam mo, may hindi ako maintindihan." Umupo naman siya sa katapat na armchair. "At ano ang tungkol dun? Maaari ko bang malaman?" "—Sa tingin ko kasi.. Involved ako sa isang krimen. Ewan. Di ko na maintindihan ang mga nangyayari." "Krimen?" "Lahat ng mga nagiging syota ko— pinapatay. Hindi ko alam kung bakit. Minsan nga naiisip ko baka may alter-ego ako at—" Natawa si Noir. Badtrip naman oh! Sabi na at di niya seseryosohin ang ganitong bagay. Tumayo siya at sa tabi ko naupo. "Kung ganun ang nangyayari, hindi ba dapat, tumigil ka na? Hihintayin mo pa bang mas dumami ang magbubuwis ng buhay?" Parang kinilabutan ako sa sinabi niya. Ayoko nun syempre. Ako ang kinukunsensya ah! "—Pero paano ako lalayuan ng mga babae?" "—Magpanggap tayong may relasyon." walang kagatol-gatol niyang suggestion. Muntik nang tumulo ang laway ko, buti na lang at nalunok ko last minute. He's gay? Seryoso?! Bingi ka Hio? PANGGAP NGA EH! "Eh, ano... Kasi.. Oo sige sige. Pwede." oo na lang ako. Malaki ang utang na loob ko kay Noir. Wala naman sigurong masama? Natawa na naman siya. May nakakatawa ba? "Sa bansang pinanggalingan ko, ang relasyon sa pagitan ng dalawang lalake ay mas tapat pa kaysa sa relasyon na mayroon ang lalake at babae." Bat ka nagpapaliwanag, hindi naman ako nandidiscriminate. Bago lang kasi sakin yung mga ganyan. "—Ang dami mong alam. Parang nabuhay ka na sa loob ng napakaraming taon ah." Sinapo niya bigla ang baba ko ng malamig niyang kamay.. At inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Huy, anong gagawin mo pare?! "Natatakot ka? O naduduwag? Alin sa dalawa, Hio?" Lintek na! Hindi ako takot at lalong hindi ako duwag. Halik ba gusto mo Noir?!—- MADALI LANG GAWIN YUN! Ako yata ang nag-initiate nun. Napakawirdo sa pakiramdam. Pero hindi ko masasabing nakakadiri o nakakasuka. Nag-enjoy din ako kahit paano. Now I know. SYET. Pengeng yosi! Dumukot ako sa bulsa ko. Wala akong dala. Sa may bedside table ni Noir, may Seven Stars. Nagsindi ako ng isa. Nagsalin na rin ako ng Vodka sa baso. Punung puno. Inistraight ko na parang tubig lang. Hithit ulit sa yosi hanggang—- WOO OKEY NA KO! Tinapik ko siya sa balikat. "Sige mauna na ako." Hindi ako umuwi sa apartment namin ni Kape. Kung saan saan ako nagpagala gala habang nakatanga. Tangena, AKO NA ANG OKEY! Inis nako sa sarili ko. Para akong babae na nadevirginized kung makapag inarte. Punyemas. Napatingin ako sa aking Technomarine. Alas nuebe y medya na at hindi ko man lamang naramdaman yun. Ay bobo! Late nako sa live namin! Nagmamadali akong sumakay sa kotse at pinaharurot iyon. Mga twenty minutes din ang nagastos ko para marating ang bar na pag-aari ni Noir. "Magandang gabi!" bati ko sa dalawang bouncer na nasa entrance. Talagang sa 'entrance' ako dadaan ano. "Boss nagkakagulo po sa loob. Ang mabuti pa, huwag na kayong pumasok." HANU DAW? GULO?! EH BA'T NANDITO PA SILA SA LABAS?! HINDI BA BOUNCER SILA? "May gulo pala, eh bat hindi kayo umawat?" amp, sayang yang laki ng katawan ninyo. Lumingon muna sa loob yung isang bouncer bago bumulong sakin. "Sir, VIP po yun. Mahirap banggain." P*TANG INA NIYA. Walang VIP VIP sakin! Pumasok ako ng bar. Walang tao bukod sa maliit na umpukan sa gitna. Nakahandusay sa lapag si Kape, putok ang nguso. Si Nue naman, nakaupo sa isang sulok at parang nanginginig na di mo malaman. Si Noir, nakaupo sa isang silya at pinapalibutan ng grupo ng kalalakihan. Lima sila nung binilang ko. Habang papalapit ako, dinig ko ang pinag-uusapan nila. "Pakiusap, umalis na po kayo mahal na Konde." ba, bakit magalang si Noir sa mga ungas na yun? Mahal na Konde? WTF! Binatukan ng isang lalake si Noir. Sa postura niya, parang siya yung lider sa grupo. "—Hoy, Baron ka lang. Wala kang karapatang paalisin ako sa lugar na gusto kong puntahan! Nandirito kami ngayon upang ipagdiwang ang pagiging esquire ng Knight kong si Italia" inakbayan niya ang katabi niyang lalake. "—Pero Konde.." first time kong nakitang helpless si Noir. Parang naaawa ako. May dahilan kung bakit niya ginagalang ang taong hindi naman kagalang galang. Ano kaya? Bakit? Eh kasi sanay akong nakikita siya bilang mataas na tao tapos heto— TEKA! Naalala ko, SINAKTAN NGA PALA NILA SI KAPE! "Hoy, kayong mga panget! Bakit ninyo sinaktan ang mga kaibigan ko?!" angas ko! Pero di ko pa alam kung paano ko sila mauupakan. Para silang nakakita ng multo pagkakita sa akin. Lahat sila, tameme. Lumapit pa ako lalo. Ano na? Yung apat bigla na lamang lumuhod sa harap ko. "Patawad po! Hindi po namin alam na mga kaibigan po ninyo sila! Patawarin niyo po kami!" Ako naman ang natameme. Bangisss! Wala pa akong ginagawa napaluhod ko na sila! Tinitigan ko ng masama yung nagmamayabang nilang lider. Konde pala ha? Nagbaba siya ng paningin. "Umalis na tayo at sa ibang bar na lang tayo magsaya." Parang gusto niya akong sapukin pero di niya magawa. Nagsialisan sila agad. "Ayos lang ba kayo?" tanong ko kaagad. "Ayus lang brad!" sagot ni Kape. Malamang siya ang unang sumugod sa mga dayo kaya siya ang unang nagulpi. Lumapit ako kay Noir at inilapat ko ang aking kamay sa kanyang balikat. "Ikaw, ayos lang?" Kinuha niya ang kamay ko na iyon at inilapit sa kanyang bibig. Wala na sakin kung ano ang pinaniniwalaan naming dalawa. Nakamove-on na ako sa malisya. Gusto ko siyang protektahan dahil may nasilip akong kahinaan sa kanya. Ginulo ko ang buhok niya. Parang yung ginagawa sakin nun ni kuya. Pagkatapos nun, magsyota na kami ni Noir. SERYOSO. A/N: Pakitulungan naman po ninyo ako sa cast pleeeease! —— Opus 4 Noir's POV: Nakasilip ako sa venetian blinds na bahagya kong ibinaba. Dapit-hapon. Wala na ang haring araw na nakamamatay sa isang tulad ko na bampira. Binuksan ko na ng todo ang blinds para naman mapagmasdan ko ang ganda ng mga skyscrapers. "—Kanina ka pa ba naghihintay?" umupo sa tapat ko ang nakababata kong kapatid. Kahit dati pa, mahilig na talaga siya sa mga manika. Pero wala sa hinagap ko na pati ang sarili niya ay gagawin niyang mukhang manika. "Hindi naman Patricia—" Tumikhim siya. "—Shall ang gusto kong itawag sa akin ng lahat." Nangiti ako. May tao akong naaalala na ayaw ring binabanggit ang kanyang tunay na pangalan. Si Hio. "Shall.. Ano ba ang gusto mong sabihin sa akin?" Bam! Binayo niya ang lamesa. "Ang relasyon mo sa Prinsipe, TOTOO BA?" Nakarating na pala yun sa kanya kaagad. Bilib na ako sa kanya. "Oo." sagot ko. Paano nga ba tumatakbo ang relasyon namin ng prinsipe: Parang matalik na magkaibigan lang na nagsasabihan ng aming mga damdamin. Bukod pa dun, wala na. Wala naman kaming ginagawang imoral sa paningin ng iba. At wala akong balak na gumawa ng mga bagay na sa tingin ko ay di angkop para samin. "—Alam mo ba ang ginagawa mo?!" histerikal niyang tanong. "Oo." Bam! Masyado talagang highblood itong si Shall. Tama sa kanya ang deskripsyong 'Small but Terrible'. Sa mundo ng mga kagaya naming bampira, kapag may natatangi kang kakayahan, maaari kang mailuklok sa pagiging noble ng konseho ng mga bampira. Ako ay nagawaran ng karapatan bilang Baron; ang pangatlo sa pinakamababang ranggo. Si Shall ay kabilang sa ranggo ng mga Knight, ang pinakamababang ranggo ng mga elitistang bampira. Ang mga knight ay walang espesyal na kakayahan subalit sila naman ay bihasa sa pakikipaglaban. Tagapagtanggol sila ng mga noble. At si Shall ay isa sa dalawang may pinakamataas na ranggo ng pagiging Knight. Sa kanya iginawad ang bansag na 'Galatea' bilang natatanging Knight ng mahal na prinsesa. Sa ngayon, ang pinakamataas na maharlika ay ang prinsesa. Matagal nang walang hari at reyna. Pero sa oras na mailuklok na ang bagong halal na prinsipe, maari siyang maitaas sa pagiging hari. Depende kung kaya niya ang mga kundisyon ng konseho. Matagal tagal na ring walang prinsipe; at ang angkan ng pinakahuling naging prinsipe ay nalipol, liban sa kanyang naging anak na isang tao. Damphir o kalahating bampira at kalahating tao ang anak niyang iyon. At ang masaklap pa, mas naging dominante ang pagiging tao niya. Ngunit nito lamang ay napagpasyahan ng konseho ng mga bampira na i-reinstate ang titulo sa kanya. Sa ngayon ay hindi pa niya alam ang tungkol doon at malalaman lang niya kapag dumating na ang araw ng kanyang koronasyon, na gaganapin pagsapit niya ng edad labingwalo. "Matanong nga kita Shall.. Ikaw ba ang may pakana ng nagaganap na pamamaslang sa mga kababaihan?" "Ako nga. Interesado ang prinsesa sa prinsipe kung kaya't ang utos sa akin ay huwag siyang palalapitan kahit sa kaninong babae." Kumunot ang noo ko. "Hindi tama ang ginagawa mong pakikialam sa personal na buhay ng prinsipe—isa pa, masyadong marahas ang ginagawa mo—" "—Alam ko." aniya Hindi ko na talaga kilala itong si Shall. Sobrang loyal na siya sa kanyang amo. "—Pero ngayon, baka hindi na yun maulit pa. Mula ngayon, babantayan ko na siya nang malapitan." Nagulat ako sa sinabi niya. "At bakit?" "Ang Paladin, siya na ang magiging knight ng prinsesa, habang ako ang naatasang maging knight ng prinsipe." Ang Paladin.. Kilala ko kung sino siya. Dati siyang Duke na bigla na lamang inalisan ng karapatan sa kanyang titulo isang araw; sa di malamang dahilan. Ang alam ko pa nga, magpapakasal na sila noon ng prinsesa. "Kaya paalisin mo na si Nue sa banda mo. Ako na ang papalit bilang vocalist. Sa anggulong yun, mababantayan ko ang prinsipe nang wala siyang kamalay-malay." Pinakatitigan ko ang aking kapatid. Seryoso nga talaga siya sa kanyang tungkulin. Buweno, si Nue ay ang napili kong Knight. Pero hindi talaga siya mahusay sa pakikipaglaban at napakaduwag niya talaga. Siguro panahon na para ipadala ko siya sa lugar ng pagsasanay. "Sige pumapayag ako sa plano mo." **** Hio's POV: "WHAT? AALIS NA NG PILIPINAS SI NUE?!" I don't think I heard that right. Ang scaredycat naming vocalist ay magmamigrate na daw sa Europe?! Kakatapos lang ng aming last song at heto kami ngayong apat, nag-uumpukan sa dressing room. Si Noir, naglalaptop. Si Kape, nagkakape. Si Nue, nagcecelphone. Ako, binubutingting ko lahat ng mga ibinigay sakin ng fans ko. Bulsa lng ako ng bulsa kanina eh. "—Oo pare. Aalis na nga talaga ako. Katunayan nga, bukas na ang flight ko." Hinawakan ko ang magkabilang balikat ni Nue at niyugyog yugyog ko siya. "—IIWAN MO NA ANG EQUINOX?!" Nakaramdam ako bigla ng matinding power surge! Yeah! Ibig sabihin ba nun— "Eh sino ang papalit na vocalist kay Nue?! AKO?!" GRABE! Nararamdaman ko na, ito na yung break na gusto koo! Napangiwi si Kape dun ah. "Pareng Heyo, alam naming poge ka, peru sa kasamaang palad, HENDE POGE ANG BOSES MO!" Nagtawanan ang tatlong herodes. Enang yan! This is THE FIRST TIME na na-bash ako ni Kape. Dang halay eh. "—Pati ba ikaw Noir?" sige na tawa lang.. Hindi ako magagalit! PRAMIS! "Pasensya na Hio, nakahanap na kasi ako ng papalit diyan kay Nue. Mayamaya, nandito na yun. Ipapakilala ko siya sainyo." MAY PAPALIT AGAD?! Sopas ah. [Sopas- so fast] La na. Kayo na. Binalikan ko na lang ulet ang pagtatanggal ng mga kung anong nasa bulsa ko. Nang mailapag ko na silang lahat, tiningnan ko isa isa. Shabu. Ecstasy. Shabu. Valium. Marijuana. Condom. After morning pill. Shabu—- MOTHER F*CKING EARTH! Ano to?! FREE SAMPLES para sa ADIK?! Alam kong Rakista ako… pero di ako DURUGISTA!!! Walang paglagyan ang badtrip ko kaya ibinalot kong lahat yun sa isang papel at sinilaban gamit ang lighter ko. "—NAMIRISTI, SUNOOoG!" sigaw ni Kape pagkakita sa apoy sa mesa. OA makareact to. Buti pa sina Noir at Nue deadma lang. Binuhos ni Kape ang iniinom niyang kape sa mesa at namatay ang apoy. Bumukas bigla ang pinto. Amp di muna kumatok! Pumasok ang isang may kaliitang babae at—- HOLY SYETE! Pamilyar siya! Hindi ako maaaring magkamali, siya yung babaeng nakita ko isang gabi sa may iskwater's area! Obyus namang siya yun dahil sa istilo ng kanyang pananamit. Nakasuot siya ng itim na bestida na ubod ng dami ng lace. Ang buhok niya ay kulot at may mga burloloy na ewan. Naka-net stocking pa siya. Hindi ba siya naiinitan? Para siyang boss kung umasta. Basta diretso na lang siyang lumakad at naupo sa tabi ko dahil yun na lang ang bakanteng pwesto para upuan. Mas maliit pala siya sa malapitan. Ni hindi man lang siya umabot sa balikat ko. Humarap siya sakin. "Magandang gabi. Ang pangalan ko ay—" "Patricia Antigone Rosseau ang pangalan niya. Nakababatang kapatid ko siya." singit bigla ni Noir. Tumikhim si Patricia. "—SHALL na lang ang itawag ninyo sa akin, maliwanag?" mas lamang na utos yun kaysa request. Tinitigan ko siya. Kakaiba ang ganda niya kumpara sa mga chix na kilala ko. Manikang manika nga ang datingan niya. Makapal ang mga pilik mata— malamang false eyelashes. Hinatak ko ang mga yun pero di naman matanggal. "—Pare hanung genagawa mo ke Shall?" Di ko pinansin si Kape. Pinisil ko sa magkabilang pisngi ang manika. Tapos dinutdot ko ng hintuturo ang maliit niyang labi—- Krunch! "ARAAY!" kinagat ni manika ang daliri ko! Hindi pa niya pinakawalan! Napatayo tuloy ako at sinubukang hatakin ang daliri ko na kagat-kagat niya. "—Nako kung di ka lang babae, papatulan talaga kitaa!" Lalo niyang idiniin ang kagat. Syet aray! Namagitan na samin si Noir. "Shall, easy ka lang.. Baka nakakalimutan mo kung sino siya—" Yan! Ganyan nga Noir! Pagsabihan mo yang bansot mong kapatid! Sa wakas pinakawalan na ni manika ang daliri ko. "—Hindi ako natatakot sa kanya nuh." bwelta niya. Aba't tingnan mo tong bansot na to. Porket maganda eh. Malamang operada to! Ngayon lang talaga ako nabadtrip sa isang chix. "—Hoy retokadang bansot, bakit ka naman matatakot sakin eh hindi naman ako mukhang maligno? Ang GWAPO ko nga di ba?!" Dinibdib yata niya ang sinabi ko kaya ngayon ay galit na galit siya. "ANONG SABI MO?! Ako—BANSOT?!" "Oh tama na yan! Di kayo dapat nag-aaway dahil mula ngayon, magkakasama na tayo." sumingit na naman si Noir. **** Shall's POV: Ang yabang pala ng tukmol na prinsipe sa personal. Nakakapag-init talaga ng dugo! Kala mo sinong gwapo. Gago naman. Tawagin ba namang akong BANSOT?! Anong karapatan niya?! Hindi ba niya alam kung bakit ako binansagang GALATEA?! Seryoso ba talaga ang mataas na konseho na siya NGA talaga ay gagawing prinsipe? Masaya na ako sa pagiging knight ng prinsesa eh, kung bakit pa kasi ako nalipat ng destino! Paano ko naman pagsisilbihan ang prinsipeng walang modo at ubod ng antipatiko? Sarap lang bugbugin eh! Palibhasa walang breeding! Naturingang nagbuhay mayaman at lumaki sa piling ng mga madre. Tumira lang sa iskwater, ugaling basura na! Hrrrggh! Buweno, ako ang masusunod saming dalawa! Makikita niya! "—Gaya nga ng plano, ako na ang lead singer ng banda. At dahil dun, papalitan ko ang band name at genre—" "Weh di nga?" singit na naman ni tukmol. Isa pang epal niya, sisikuhin ko na siya. "Dahil gothic lolita ako.. Dapat gothic din ang genre ng banda." Wala namang nagreklamo. Nagpatuloy ako. "At ang napili kong bagong pangalan ng banda ay 'Forlorn Madness'." Forlorn Madness.. Nabaliw sa pag-iisa. Patama yan para sa prinsipeng nuknukan ng yabang. Yan ang mararanasan niya sa piling ko.. Humanda siya. Hahahaha.. Opus 5 Medea's POV: Kasalukuyan kong inaayos ang aking ballet shoes nang dumating ang bagong talagang knight na siyang mangangalaga sa akin. Hay.. Mamimiss ko si Patricia. Napakamasunurin niyang bata.. Kilala ko ang taong papalit sa kanya. Hindi ko inaasahang sa ganitong pagkakataon pa kami muling magkikita. May kumatok sa pinto ng aking studio. "Pasok.." sagot ko. Umawang ang pinto at iniluwa nun ang isang matangkad na binata. Siya pa rin ay kagaya ng dati. Hindi ko maiwasan ang sikdo sa aking puso. Lumuhod siya. "Mahal na prinsesa, ako po si Div Umbra Claymore, isang Paladin na nakahandang magsilbi sa'yo." Nakakailang ang pormalidad niya. Parang ngayon lang kami nagkita. "Tumayo ka at may ipagagawa ako sa iyo." Itinuro ko ang itim na pianoforte sa gilid ng silid. "Hindi ba't marunong kang tumugtog niyan? Tulungan mo ako sa aking pag-eensayo." Nagtungo siya sa piano at binasa ang scores. "Tchaikovsky?" Tumango ako. "Swan Lake. Malapit na ang aking pagtatanghal. Nais kong huwag magkamali kaya't kapag may oras ay talagang nagsasanay ako.." Inaasahan kong sasabihin niyang 'Tulad ka pa rin ng dati'. Subalit nanatili siyang tahimik. Hindi na siya palangiti gaya ng dati. Ngayon ay halos wala nang mababakas na emosyon sa kanyang mukha. Nakakapanibago. Tinutugtog na pala niya ang piyesa. Mabagal iyon kaya lubhang napakalungkot sa pandinig. "—Pasensya na Div, nakalimutan kong sabihin na gusto kong tugtugin mo siya sa tempo ng Allegro." Inulit niya sa umpisa. Sinimulan ko ang sayaw sa galaw na croisé devant. Nakaturo paharap ang aking kanang paa habang nasa likod naman ang kaliwa. Ang kaliwa ko namang kamay ay nakataas at ang kabila ay nakadipa. Sunod ay ginawa ko ang cabriole, isang uri ng talon habang diretso ang binti. Naghanda ako upang gawin ang isang piroquette. Umikot ako gamit ang isang paa. Pagkatapos ng isang ikot, ibinababa ko ang kabilang paa upang suportahan ang una. Isa.. Dalawa.. Natisod ako sa pangatlong piroquette. Huminto ang musika at hindi ako sumadsad sa lapag. Sinalo ako ng aking knight. "Ayos ka lang ba mahal na prinsesa?" Sobrang lapit niya sa akin. Tumatama ang kanyang mabangong hininga sa aking mukha. Tumango na lang ako sa takot na baka manginig ang boses ko kapag nagsalita pa ako. "—Pahintulutan po ninyo akong magsalita. Sa tingin ko po ay hindi kayo nababagay para sa ballet. Lubhang napakahirap gawin ng ganung uri ng sayaw—" Ang mga sinabi niya ay naghatid ng kurot sa aking puso. Nakalimutan na ba niya kung bakit gustong gusto ko ang maging ballerina? "Marami akong mga taong napapasaya sa aking pagsasayaw. At marami din akong natutulungan." Ang lahat kasi ng kinikita mula sa aking pagtatanghal ay napupunta sa kawang-gawa. Bilang pinagpalang nilalang, gusto kong magdulot ng pag-asa sa mga taong hikahos sa buhay. Sumandig ako sa kanya at dahan dahan akong tumayo. Humarap ako sa bintana at tumingin sa malayo. "Ikaw Div, sa tingin mo ba ay bagay sayo ang maging isang Paladin? Mas gugustuhin ko pang makita ka na isang—" "—ang titulong prinsipe ay nakalaan na para sa iba." aniya. "At darating ang panahon na pakakasal ka sa kanya mahal na prinsesa—" Wala sa oras na napalingon ako sa kanya. "—Saan mo nakuha ang balitang magpapakasal ako sa bagong prinsipe?!" "Kahit sinong bampira po ay iyon ang iniisip. Si Galatea na aking kasamahan ay napabalitang pumaslang ng mga taong napapalapit sa prinsipeng hinirang sa ilalim ng inyong utos—" Nagpanting ang aking tainga. Wala akong iniutos na pumatay ng mga inosenteng tao! Talagang pati ako ay hindi pinapaligtas ng pamumulitika! Lumabas ako ng studio at binagtas ko ang kalawakan ng mansyon palabas sa courtyard. Tanging ang sinag lamang ng buwan ang nagsilbi kong gabay. "—FRANCES! FRANCES!" wala pa ako sa likod ng katedral ay isinisigaw ko na ang pangalan ng aking obispo. Kaagad niya akong sinalubong. "Mahal na prinsesa? Bakit ka lumabas nang nag-iisa? Nasaan ang iyong Knight?!" Pak! Inundayan ko siya ng sampal. "BAKIT MAY NAMATAY NA MGA INOSENTENG TAO?" Hindi siya nakasagot. Mas lalo iyong nakapagpagalit sa akin. Tinitigan ko siya. "M-mahal na prinsesa, huwag po kayong magalit sa akin— hangad ko lang kung ano ang makabubuti para sa inyo." nahihintatakutan na siya. Marahil ay napansin niyang kusang gumagalaw ang kanyang katawan na labag sa kanyang isip. Humaba ang kanyang mga kuko at itinapat niya sa kanyang puso. "—ma-maawa na po kayo prinsesa.. Bigyan po ninyo ako ng isa pang pagkakataon!" "Maawa? Naawa ka ba sa mga taong walang kalaban-laban mong ipinapatay? Bilang isang makapangyarihang nilalang, hindi ba't tungkulin nating magpakumbaba sa mga mas mahihina?" "MAHAL NA PRINSESA, ITIGIL NINYO IYAN!" Dahil sa sigaw ni Div Umbra, nabali ang konsentrasyon ko at nakawala sa aking kapangyarihan ang magaling kong obispo. Uulitin ko ulit. Inakbayan ako ni Div mula sa likod. "Tama na.." bulong niya. Nakaramdam ako ng biglaang pagkahilo. Naipikit ko na lamang ang aking mga mata. **** Div Umbra's POV: Kinalong ko ang mahal na prinsesa nung mawalan siya ng malay. Delikado para sa kanya ang basta na lamang gumamit ng kapangyarihan dahil may mga oras na hindi niya makontrol ang kanyang sarili. "—Magaling ang ginawa mo Paladin." kitang kita ko na nakahinga ng maluwag ang obispo. "Ipapasok ko na sa loob ang prinsesa." paalam ko. "Sandali nga. Ikaw ang nagsabi sa prinsesa ng mga nalaman niya hindi ba?" "Ako nga." Pinandilatan niya ako. "TALIPANDAS KA! Kung hindi ka rin ba madaldal!" Kumilos ang anino sa likod niya, at mula sa aninong yun lumabas ang pigura ng isang babae. Inipit niya ang magkabilang braso ni Frances. "S-SINO KA PANG PANGAHAS KA! Bitawan mo ako! Ako ang obispo ng prinsesa! Kayang-kaya ko kayong ipa—" "Ang pangalan niya ay Penumbra. Siya ang aking kambal-anino. Mag-iingat ka sa mga pagbabantang sinasabi mo. Hindi ako basta-bastang Knight. Dati na akong kamuntikang maging prinsipe." "Pwe! Kilala kita! Isang Duke na inalisan ng titulo dahil—-" Hindi na siya makapagsalita dahil sa napakaraming kamay na aninong sumakal sa kanya. Hindi siya tinigilan ng mga ito hanggang sa mapugot ang kanyang ulo. Kaagad siyang naging abo. "Pikon ka pa rin talaga Umbra. Totoo naman ang sinasabi nila eh.." "Manahimik ka Penumbra. Bumalik ka na sa pinanggalingan mo." "Oh siya sige na.." Tumalon siya at lumusong pabalik sa aking anino. Isinilang ako na kakambal ko na si Penumbra subalit wala siyang katawan na pag-aari niya. Minsan, pumapayag akong gamitin niya ang katawan ko upang makapaglakad siya sa lupa. Ang maganda sa kanya ay nakakapaglakbay siya sa anino ng kahit na sino. Nagagamit ko siya bilang espiya. Inayos ko ang pagkakakarga ko sa prinsesa. Napatingin ako sa kanyang maamong mukha. Pitong taon na ang nakakalipas mula nang bawiin sa akin ang pagiging Duke. Kung gugustuhin ni Medea, maaari siyang magpakasal sa iba pang Duke. Nasa puso pa rin ba niya ako, o talagang hinihintay lamang niya ang prinsipe? **** Hio's POV: Umarangkada na ang bandang Forlorn Madness. ForMad for short. Ako, bassist. Si kape, rhythm guitarist. Si Noir, drummer. At si manika, vocalist. Bilib na ako kay retokadang bansot. Ang ganda ng boses niya at.. di ko akalain na seksi pala siya. Dumoble ang bilang ng mga nagpupunta ditong lalake sa bar para lang panoorin siya. Hwoops, di ko pinagnanasahan ang warfreak na manika na yun ah! Nagulat lang ako, kaya naman pala niyang magsuot ng mini shorts, boots at hoodie na hanging. Every whisper Of every waking hour I'm choosing my confessions Trying to keep an eye on you Like a hurt lost and blinded fool Oh no, I've said too much I set it up Consider this The hint of the century Consider this The slip that brought me To my knees failed What if all these fantasies Come flailing around Now I've said too much Pag nagkakatinginan kame ni manika, sinisimangutan niya ako. PMS? I thought that I heard you laughing I thought that I heard you sing I think I thought I saw you try But that was just a dream That was just a dream That's me in the corner That's me in the spotlight Losing my religion Trying to keep up with you And I don't know if I can do it Oh no I've said too much I haven't said enough Lumapit nga ako sa kanya. For showmanship, hinawakan niya ang balikat ko, parang umakbay ba. Naghiyawan ang mga tao ng 'KISS!' Araaaaaaay! Tang inaaa! Pasimple niyang inapakan ang paa ko. Yung heels pa mismo ng boots! "Pare umayos ka!" sigaw ni kape sa kabila nang mapansin niyang medyo nahuli ako sa beat. Lagot sakin mamaya tong retokadang bansot na to! Pagkatapos ng aming live, nomu naaa! Naki-table ako sa isang chix na umaya sa akin. Isadora daw ang pangalan niya. Parang nabaon na sa kasaysayan ang pangalan na yun ah? Hindi ko alam kung bakit niya ako napapayag. May something sa sa kanya na mahirap ipaliwanag. Hindi siya makwento. Tinititigan lang niya ako na parang gusto niya akong lunukin nang buo. Pero syempre, nagbagong buhay na ako, no more chix to go. Napalingon ako bigla at ang nadapuan ng aking paningin ay si retokadang bansot. Nakasimangot na naman siya pero titig na titig sa amin. Nagseselos? "—May girlfriend ka na?" tanong ni Isadora. "Wala. Boyfriend meron." natawa siya. Ngumiti ako. "Hay.. Ang mga gwapo talaga sa panahon ngayon.. Kung hindi taken, shaken.." Di ko nagets yun ah.. Humawak siya sa hita ko at bumulong sa tenga ko. "Can I change your mind?" May naradaman akong kakaiba pagkasabi niya nun. Para akong nakainom ng isang case ng Red Horse. "Excuse me, may tama na yata ako." iniwan ko na lang siya. Sa may corridor, napasandal ako sa pader. May mga taong nakatambay dun, yung iba naghahalikan, yung iba tinitingnan lang ako at para silang nangingiti. Saan na ba ang papuntang dressing room? Parang ang layo ng nilalakad ko. Syet. May humila sa akin at isinandal ako sa pader. Si Isadora yun. May sinasabi siya. Pinilit kong pakinggan yun. "Sumama ka sakin mahal na prinsipe, I will take you to a paradise—" "—PARADISE MO MUKHA MO!" narinig ko ang boses ni retokadang bansot. Tapos nun, wala na. Black out na ako. Opus 6 Shall's POV: Kahit asar ako kay Prinsipe ng kayabangan, tungkulin ko pa ring pangalagaan siya sa lahat ng oras. Kredebilidad ko kaya ang nakataya dito. Ayokong isipin ang mga masamang sasabihin ng mga noble kapag ako, ang dakilang si Galatea, ay nabigong protektahan ang pinakamataas na noble. Tinaasan ako ng kilay ng nagmamagandang bampira na may tangkang masama sa prinsipe. "Ikaw bulinggit, wag kang makialam sa akin okay?" Hinigit niya ang prinsipe. So balak nga talaga niyang kidnapin si tukmol? Inugat ang aking kamay at humaba ang mga kuko ko sa bawat daliri. Gamit yun, tinibag ko ang pader na nasandalan ko. "Alam mo ba kung gaano kabigat ang kamay ko na ito? Baka gusto mong matulad ka sa pader na yan?" tinakot ko siya. Hindi yata niya alam kung sino ang binabangga niya. Mamaya matatauhan to sakin eh. "NOIR!" tinawag ko ang kuya ko. "—Ano'ng problema Shall?—" saglit siyang natigilan pagkakita sa amin. May mga lumapit sa kanya. Mga bampira din iyon. "PATULUGIN MO ANG LAHAT NG TAONG NANDITO NGAYON DIN!" utos ko sa kanya. Ang kapangyarihan ng mga Baron na kagaya ni Noir, ay ang pagbibigay ng disturbances sa isipan ng mga tao. Hindi iyon nakakaapekto sa mga bampira. Isa-isa na ngang nagbagsakan ang mga taong nasa loob ng bar. "—Noir!" hinawakan siya ng dalawang bampira na kasapakat yata ni panget. "Huwag mo akong intindihin, unahin mo si Hio!" Paglingon ko, patakas na si panget na bitbit si Hio. Nagsuot ako ng gloves bago ko inilabas ang isang maliit na krusipiho na gawa sa pilak. Kahinaan ng mga bampira ang silver, maging ako. Ngunit mainam itong gawing sandata laban sa kapwa ko. Lumaki ang krusipiho at nagbagong-anyo. Naging isang sibat. Nagkakaproblema yata si panget sa may pintuan. Parang hindi siya makalabas. "Bakit ayaw magbukas ng pintoo!" Sinamantala ko ang pagkakataon at sinibat ko si panget. Tumama ang sibat sa kanyang likuran. Umusok siya. Gumamit ako ng flash step at wala pang isang segundo, nasa likod na niya ako. Pagkabunot ko sa sibat, nag-anyong espada ito. Sinaksak ko siya sa puso. Nagsisigaw siya dahil sa hapding dulot ng silver bago siya tuluyang naabo. "—Pinatay mo si Isadora! Humanda kayo!" sumigaw ang lokolokong nanghostage sa kuya ko. Pinagbago ko ang espada at naging pana. Kaagad kong pinakawalan ang dalawang palaso na naghiwalay at tumama sa puso ng dalawang bampira na may hawak kay kuya. Pumalahaw din sila. Kinalawit ko ang buhay nila gamit ang pana kong naging kadena na ang dulo ay hook. Hinatak ko ang kwelyo ni Prinsipe tukmol at kinaladkad ko siya sa sahig hanggang mapalapit ako kay Noir. Ayos lang yun, wala naman siyang malay eh. "Nasaktan ka ba Noir?" Di siya sumagot. Kaagad siyang dumulog kay tukmol. Luminga linga ako sa paligid. Sinuri ko ang iba pang bampira na nasa pasilyo. "Kayo diyan, kung may natitira pang kasamahan yung mga pinaslang kong bampira kanina, LUMANTAD NA at nang maparusahan din!" Nangimi sila sa takot. "May napansin ka ba kanina Shall?" Nakatayo na si Noir at akay ang prinsipe. "—Meron. May barrier kanina sa may pintuan kaya't hindi nakalabas ang mga salarin. May Marquis na nandirito, panigurado." Ang mga Marquis ay eksperto sa paggawa ng mga barrier. Mas mataas sila kaysa sa mga Konde ngunit mas mababa kaysa sa mga Duke. Kanina, yung mga napatay kong bampira ay tinatawag na mga barbaro dahil sa tatlong bagay. Una, hindi sila noble. Pangalawa, wala silang pinagsisilbihang noble. Pangatlo, hindi nila kinikilala ang konseho bilang batas. Samakatuwid, gusto lang nilang manggulo. At nagkataong mali sila ng napasukang gulo. May biglang pumalakpak na ungas. "Galatea, napahanga mo na naman ako." Siya ang Marquis na tinutukoy ko kanina. Lumapit siya sa akin at humalik sa likod ng aking palad. "Ikaw pala Lord Holic." kung sino man ang nanay niya, bow ako. Akalain mo, sumakto ang pangalan niya sa ugali niya. Matagal na siyang nanliligaw sa akin at kahit matagal ko na rin siyang binabusted, ayaw pa din niya akong tantanan. Nang malaman niyang kumakanta ako sa bar na ito, halos gabi-gabi na siyang nandito. Bumulong sa akin si Noir. "Napakapihikan mo Shall, sa asta mong parang lalake, pasalamat ka nga at may nagkakagusto pa sa'yong noble." Tinitigan ko ng masama si Noir tapos ay iniwan ko na sila. Hindi ako pihikan. Hindi ko pa lang siguro natatagpuan ang lalakeng magpapatigil sa takbo ng mundo ko. Yung lalakeng kayang ariin ang aking buhay. **** Hio's POV: ANG SAKIT NG ULO KO! Kasing sakit ng likod ko! Syet. "—Gising ka na ba?" Pagdilat ko ng mga mata, nabungaran ko si Noir na nakaupo sa gilid ko at nakatunghay sa akin. Napabalikwas ako sa gulat kaya nagkauntugan ang mga noo namin. F^CK! Panibagong sakit na naman! Umayos ako ng upo. "—Anong nangyari? Anong oras na?" "Alas kwatro ng umaga. Nakatulog ka dahil sa kalasingan." Bago yun ah. Bakit naman ako makakatulong nang senglot eh hindi naman ako malakas uminom. Isinandal ko ang baba ko sa balikat niya tas hinipan ko yung buhok sa sideburn niya. Wala lang akong magawa. "Uuwi na ako ha?" paalam ko. "—Ihahatid kita." sabi niya. "Ah hindi na. Pagbalik mo dito, may araw na eh." Alam ko namang ayaw niyang nasisikatan ng araw; gaya ng lolo at kuya ko. Ang akala ko dati, sila lang ang ganun. Tinapik ko ang kanyang balikat. "—Sige na." Naglakad akong pauwi. Thirty minutes lang naman ang walking time mula bar hanggang bahay. Hilong-hilo pa din ako pero kaya pa naman. May intuwisyon ako na parang may sumusunod sa akin. Aso siguro? Lumingon ako sa likuran. Wala naman. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Pagdating ko sa apartment... BANG! BANG! BANG! "KAPEEE TANG INA KA BUKSAN MO ANG PINTOOO!" dapat talaga yung sisigaw ako na parang may sakuna. Pag hinde, nako mamaya pa yan. Parang nagkagulo sa loob. "—Sandale lang pare!" sigaw niya at parang may kinakausap na kung sino sa loob. Nang bumukas ang pinto, kinutusan ko nang malutong si Kape na nagzizipper pa ng pantalon. "—TARAGES KA! Di ba sinabi ko sayo na WALANG MAGWAWAKA-WAKA sa sofa?!" "Sore na dong, naexcite lang. Ganda nung chix ko eh!" ohoy di ako naiinggit. Pumasok na ako at inilock ang pinto. Pumasok na si Kape sa kanyang kwarto. Dumiretso ako sa kusina, kumuha ng tubig sa ref at uminom. Bumalik ako sa sala tas binuksan ko ang LED TV bago ako naupo sa sofa. Nood muna ako ng balita, papaantok lang. Kinapa ko ang remote. Paghablot ko sa remote, may sumabit na kung anong tela. Akala ko panyo. Pagbuklat ko—- PANTY! Shitness talaga. Eto yung mga eksenang napapa-'KILL KAPE NOW' ako eh. BAM! BAM! BAM! Hudas! Sino ba yun? Bakit kumatok pa siya? SANA SINIRA NA LANG NIYA ANG PINTO DIBA?! I opened the door anyway. Napatanga ako sa pinagbuksan ko ng pinto. Tentenenen... Si retokadang bansot! Di lang yan, may dalang maleta! Wag mo'ng sabihing... BAM! BAM! BAM! "KAPE, ENA MO KA LUMABAS KA DIYAN!" Padabog na nagbukas ng pinto si Kape. "HANU NA NAMAN BA HEYO?! Torbolence ka eh!" Anak ng butete, waka-waka is bad for your brain. Piningot ko siya palabas ng kwarto niya. Mabuti na lang at nakaboxers siya. "Pare magtapat ka nga? Ginalaw mo ba siya?" Wala si manika sa pintuan. Sitting pretty siya sa sofa at pinaglalaruan ang panty na parang saranggola. "Bat siya nandito pare?! I-wawaka-waka mo?" parang binaligtad ni Kape ang situation. Nakutusan ko si Kape sa sinabi niya. "Di ko type yan nuh! Ako nga ang magtatanong sana sayo kung BAKIT SIYA NANDITO?! Nabuntis mo ba? May dala kayang maleta!" "Agay, hende ah!" Eh kung tanungin ko na lang kaya mismo si manika? "Sige na Kape, ako na lang kakausap sa kanya, pasok ka na sa kwarto mo." Nilapitan ko si manika. "Bakit ka nandito?" "Saan ang kwarto ko?" ang galing din ah, overruled agad yung tanong ko! "Hindi naman dito ang bahay mo para maghanap ka ng kwarto mo." "Dito na ako titira mula ngayon. SAAN ANG KWARTO KO? Yung hindi masisikatan ng araw okay?" Ang hirap i-digest ng mga dinedemand niya. "—Dalawa lang ang kwarto dito, yun at yun." tinuro ko ang pinto ng kwarto ko at ng kay Kape na dapat sana ay di ko ginawa. Tumayo siya at kinarag ang maleta niya patungo sa aking kwarto. "HOOOOY, SAAN KA PUPUNTA?!" "Matutulog na ako." Pagkapasok niya, pabalibag niyang sinara ang pinto. Kwarto koooo! No choice. Dito ako matutulog sa sofa. Pasalamat ang bansot na yun at kapatid siya ni Noir. Tinanggal ko ang mga kalat na nasa sofa at inayos ang cushion. Papatayin ko na sana ang TV nang magkainteres ako sa isang patalastas. Anunsyo yun ng isang pagtatanghal ng ballet production na ang pamagat ay Swan Lake. Hindi naman ako into theater arts subalit nahuli ng atensyon ko ang sumayaw na prima ballerina na gaganap na bida. Kay ganda ng kanyang mga galaw na kasing lamyos ng musika. Nung naclose-up ang mukha niya, nakaramdam ng di mawaring saya ang puso ko. Sa wakas ay nakita ko siyang muli. Si Medea. Opus 7 Penumbra's POV: Literal na may sarili akong mundo. Sa isang espasyo ng kawalan kung saan kaming dalawa lamang ni Umbra ang nakakaalam. Hindi ko alam kung saan ang hangganan ng lawak ng lugar na ito. Sa pinakaitaas, na tinatawag kong kisame ay punung puno ng mga butas. Ang mga butas na iyon ay karugtong na anino ng bawat nilalang sa mundo na maaari kong lagusan. Alam ko kung kani-kanino ang bawat isa doon; kahit pa bilyon ang kanilang bilang. Pinili ko ang isang butas. Nagpalanguy langoy ako at bahagya kong iniangat ang aking ulo. Nasa anino ako ng isa sa mga nakatatandang miyembro ng konseho ng mga bampira. Nakaharap siya sa iba pang matatanda na nakasuot ng puting roba, at lahat sila ay nakapalibot sa isang napakalaking pentagram. Kasalukuyan silang may pagpupulong. "—Nalalapit na ang proklamasyon ng mahal na prinsipe, may balita na ba tungkol kay Antonia?" tanong ng isa. "Wala pa. Ngunit patuloy pa rin ang mga Konde sa pagtugis sa kanya—" "—Konde? Bakit hindi pa pakilusin ang mga Duke?" Sumingit ang matandang may-ari ng aninong nilusutan ko. "—Tsk tsk.. Bakit ba tayo namomroblema sa usaping yan? Patayin na lang kasi natin ang itinakdang prinsipe tutal isa lamang siyang damphir!" "Magtigil ka Zandros! Alam mo ba ang sinasabi mo?" pinagalitan siya ng pinakamatanda sa kanila. Nanahimik ang lahat nang siya ay magsalita. Siya marahil ang punong konsehal. "—Makinig kayo, simula nang mamatay ang pinakahuling prinsipe na dapat sana ay maitatalagang hari, humina na ang ating pwersa. Mistula tayong napilayan ng paa. Hindi tayo dapat umasa lamang sa ating prinsesa—" "—At kanino tayo aasa? Sa damphir na dominanteng tao pa?" muling sumingit si Zandros. "Kaya nga kailangan nating mahuli si Antonia at bawiin sa kanya ang dugo ng angkan ng prinsipe!" "Mahal na punong konsehal.. Bakit hindi na lamang natin hayaan na tadhana ang kumilos para sa ating mga layunin?" nagsalita ang nag-iisang babae sa grupo. Hinimas ng punong konsehal ang kanyang balbas. "Ano ang ibig mong sabihin Katerina?" "Sa tingin ko kasi ay lalapit at lalapit si Antonia sa prinsipe upang ibigay ang dugo. Bakit hindi na lamang natin pabayaang ganun ang mangyari? Bahala na si Galatea na dispatsahin si Antonia pagkatapos." Nagsitanguan ang lahat. "Mainam na suhestiyon Katerina. Ang mahalaga ay mapasaatin ang prinsipe bandang huli." Glob.. Glob.. Glob.. Lumubog na ako at muling lumangoy sa aking pribadong mundo. Muli akong umahon sa isa na namang butas. "Umbra, mayroon akong sasabihin sa'yo—" **** Hio's POV: May kumakalabit sa akin. "—Wag kang magulo diyan Kape. Kokonyatan kita." banta ko habang nakapikit pa. Di pa rin natigil ang pagkalabit. "—Kuya? Kuya?" boses ng babae. Bahagya kong dinilat ang mga mata ko. At nabungaran ko ang isang CHIX! "Oh baket ba?" "Kuya, may nakita ka bang... Ano—" parang nahihiya pa yata siya na di mo malaman. "Anong ano?" be specific ganda. Naupo na ako at nagkusot-kusot ng mata. Alas kwatro y medya na sa wristwatch ko. "Yung ano.. underwear.." halos pabulong lang niyang sinabi yun. "Ah.. Yung panty?" asan na nga ba yun? "Yun na nga po!" "—Ah, eh wala akong nakita. Kita mo na ngang kagigising ko lang di ba?" bahala ka sa buhay mo. Paghahanapin mo pa ko. Umuwi ka ng walang panty. Obyus na pulang pula na ang mukha niya sa hiya. "Ganun po ba.." Dire-diretso siyang lumabas ng pinto na di man lang nagpapaalam. Hay buhay.. Nagsindi ako ng yosi habang iniisip kung dito na nga ba talaga ako matutulog sa sofa everyday.. Kawawa ka Hio. Gising na rin lang ako, nagsaing na ako sa rice cooker at nagluto ng tuyo. Nagtimpla din ako ng sawsawan na suka na may maraming sili at pamintang durog. Wala na pala kaming stock ng pagkain. Kailangan nang magrocery. Mabuti na lang at off namin ngayon gabi. Pumasok lang ng kusina si Kape nung tapos na ako magluto. Ayos din. Mamaya siya paghuhugasin ko ng plato. "—Wow toyo! Alam mo ba pareng Heyo, yan ang da best na niloloto mo?" Bakit di na lang niya sabihing tuyo lang ang alam kong lutuin bukod sa instant noodles? Sipsip rin eh. Siya naman, ang nasisikmura ko lang sigurong niluluto niya ay yung nilagang saluyot. Yung saluyot na pinakuluan lang talaga sa tubig tapos nilagyan ng bagoong isda. Kumakain na kami ni Kape nang bumukas pabalibag ang pinto ng kwarto ko. Grabe talaga tong si manika, destructive. Di man lang magdahan-dahan. Nung pumasok siya sa kusina, nasamid kaming dalawa ni Kape. Ubo.. Ubo.. Ubo.. Tae, may pumasok pa yatang kanin sa ilong ko. Paano ba naman kaming hindi masasamid eh kala mo sinong porn star ang nakatayo sa harap namin. Naka-red na ternong underwear lang siya na puno ng itim na lace. May suot nga siyang pulang silk robe, wide open naman! Lumingon ako kay Kape. Laway na yata yung natulo sa ilong niya. Lumapit ako kaagad kay manika at sinuman ko siya sa robe niya tas tinali ko ang sash. "—House rules para sa'yo retokadang bansot, bawal gumala sa apartment na ito NANG NAKA-UNDERWEAR." lalo na at may kasama tayong mahilig. Dismayado si Kape sa kanyang narinig. "Hanu ka ba pare, gandang tanawen, tenakpan mo!" "Lul." sagot ko. Naupo na rin sa mesa si manika. "Hindi ko kayo maintindihan.. Alam mo ba, sa lugar ng pagsasanay, pantay lang ang tingin sa katawan ng babae at ng lalake? Kayo talagang mga tao, hindi mapigilan ang matinding pagnanasa." Wirdo. Kung magsalita siya parang ayaw nga niyang mapabilang sa mga tao. "Oh sige na panalo ka na. Kumain ka na." "Ano yan?" itinuro niya ang tuyo. "Pagkain ano pa?" paangas kong sagot. "Paano yan kinakain?" parang boba naman tong si manika. Kahit mayayaman kumakain din ng tuyo, diba guys? "Ganito, kukurutin mo, tas isasawsaw mo dito sa suka, sasamahan ng kanin.." with demonstration yan. Sambakol ang mukha ni manika. "Magkakamay lang? Seryoso ba ka—-?" Nung bumuka ang bibig ni manika, sinubuan ko siya. Dami pang arte eh! "Oh ano, masarap di ba?" Ngunguya-nguya siya. Humarap siya sakin. Pwoooooh! Binuga niya ang lahat ng nasa bibig niya sa mukha ko. TANGENAAA! GALIT AKO! Sasaktan ko talaga tong retokadang bansot na to! "PARE, RELAKS!!" inawat ako ni Kape at pilit pinabalik sa pagkakaupo. Kumuha ako ng napkin at pinunasan ang mukha ko. Unaffected si bansot. "—gusto ko ng cereal tuwing paggising." demand niya. "Wala kameng cereal Shall. Mamaya maggogrocery yan se Heyo—" Wala na ako sa mood. Tumayo na ako tapos naghugas ng kamay. "Maliligo na ako. Kape, ikaw na maghugas ng pinggan." Saktong alas sais nang makalabas ako ng bahay. Maggogrocery muna ako tas gagala para magpalamig ng ulo. Dineadma ko ang kotse. Mas trip kong maglakad lakad ngayon. May humawak sa braso ko. "Sasama ako sayo." si manika yun. Wala siyang masyadong lace sa get up niya ngayon. Naka-itim na mini skirt siya na maraming pleats tapos naka-oversized na puting top. Anak ng— DI BA NIYA NARARAMDAMAN NA BADTRIP AKO SA KANYA?! Huminga ako ng malalim. Kalma lang Hio.. Babae lang siya. Hayun, sinama ko siya sa paggogrocery. Parang first time nga niyang makapunta sa supermarket. Tinitingnan niya ang mga nakadisplay sa aisles. May time din na hinahawakan niya. Siya pinagtulak ko ng cart para may consuelo. Huminto kami sa aisles ng mga cereals. "Ano bang brand yung gusto mo?" tinanong ko siya. "Kellogs.. Yan yung binibili ng mayordoma ko eh." Nakita ko naman kaagad yun. Pinili ko yung pinakamalaking box. Shinoot ko yun sa cart. "Oh hayan, binilhan ka na ng cereal, siguro naman, pwede na tayong maghiwalay ng landas mamaya?" "Baket, may ka-date ka?" "Wala. May sumpa ako. Lahat ng mga babaeng dumikit sa akin ay mamamatay. Kaya binabalaan na kita habang maaga—" sana ay matakot siya para lubayan na niya ako. Natawa siya. "—Ako, mamamatay nang dahil sayo? You wish.." tingnan mo to, ang lakas talaga ng apog. Nung sa tingin ko ay nabili ko na yung mga kailangan ko, pumila na kami sa counter. "Gusto mo ng ice cream?" di ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at natanong ko yun kay manika. "Ice cream.. Hindi pa ako nakakatikim nun!" Talaga? Pagkatapos namin sa counter, bumili ako ng ice cream sa stall just after the counter. Strawberry flavor. Inabot ko kay manika yung isa. "Matamis. " sabi niya. Napakainosente niyang tingnan. Nakakatuwa. Naramdaman ko na lang na hindi na ako galit kay manika. Brat lang talaga siya at may mga oras din namang ayos siya kasama. Saan ko naman kaya siya dadalhin para ipasyal? Sa labas ng mall ay may mga nakatambay na nagbibigay ng mga flyer. Naabot ko ang isa. Iba talaga ang takbo ng puso ko kapag nakikita ko ang magandang mukha ni Medea. Sayang nga lang. "Bakit pa sila nagbibigay ng ganito kung sold-out naman na ang mga tickets?" Hinablot ni manika sa akin ang flyer. "Swan Lake ballet.. Mahilig ka sa mga ganitong palabas?" "Ah hindi naman. Nagkataon lang na bida yung babae na matagal na panahon ko nang gustong makita ulet.. Kaso— nung tumawag ako para bumili ng ticket, sold out na nga daw." siguro hindi pa panahon para magkita kaming muli. Pero maghihintay ako ng susunod na pagkakataon. "—Kilala mo si... Medea?" nag-aalangang tanong niya. "Nakilala ko siya pitong taon na ang nakakaraan.. Eh ikaw?" Umiling siya na pagkawagas wagas. "Hindi ko siya kilala.. Pero mayroon akong ticket sa palabas na yan. Gusto mong manood?" Ngayon lang yata ako natuwa nang husto kay manika. Sa sobrang tuwa ko, nahalikan ko siya sa pisngi. Opus 8 Shall's POV: Kadiri naman tong tukmol na to. May pahalik-halik pa sa pisngi ko! Sipain ko kaya siya? Pero dahil binigyan niya ako ng icecream, palalagpasin ko na muna to. "Alas syete pasado na.. Kung ngayon tayo manonood baka kalahati na lang ang maabutan mo sa palabas." Tumingin siya sakin. "Bakit dala mo ba yung ticket?" Sino'ng kailangan ng ticket? Tuwing may pagtatanghal ang prinsesa, nirereserved niya para sa akin ang isang theater box. "—Wag mo nga akong tinatanong. Di tayo close. Basta sumunod ka na lang sakin." Tatawid kami para makarating sa kabilang kanto patungong teatro. Nagpatiuna ako. Beeeeeeeep! Hinatak ako ni tukmol kaya napayakap ako sa kanya. "—SIRAULO KA BA? Nakita mong RED pa yung pedestrian light diba?!" pinagalitan niya ako. Paki ko. Eh kapag RED yung ilaw ng stoplight di'ba ibig sabihin hihinto ang sasakyan? Basta tama ako tapos! "GAGOOOO!" minura kami nung driver ng dumaang truck na sasagasa sana sakin. Nako kung di lang ako hawak ni tukmol baka winarak ko na yung truck na yun! Wala na ba talagang matinong tao sa panahon ngayon?! Hrrrgh.. Hinimas ni tukmol ang tuktok ng ulo ko. Nag-angat ako sa kanya ng paningin. Napakatangkad niya in fairness. "Bakit?" "Nakasimangot ka. May pinaplano kang masama nuh?—" Gago talaga siya kahit kelan. Ganun ba talaga ka-nega ang tingin niya sakin?! Nakarating kami sa teatro nang hindi ko siya iniimik. "Good evening ma'am. On-going na po ang sh—" Itinaas kong bahagya ang manggas ng aking pang-itaas at ipinakita ko sa kanya ang markang nakatattoo sa aking braso. "Ah kayo pala madam. Pasok po." "Kasama ko siya.." itinuro ko si tukmol. Nagulat ang checker. Akmang luluhod siya ngunit pinigilan ko siya. "Di na yan kailangan.. Isa pa baka lumaki pa lalo ang ulo niya." bulong ko. "—Ano yun?" singit ni tukmol. "WALA." hinatak ko siya sa damit niya. Umakyat kami sa ikalawang palapag at pumasok sa isang pinto. **** Hio's POV: Susyal tong si manika, may reservation talaga sa theater box. Naupo siya sa isang sulok. Ako naman, umupo sa gitna at kumapit sa balustrahe. Tama nga si manika, halos kalahati na nga ng palabas ang tapos na. Pero ayos lang. Alam ko ang istorya ng Swan Lake. Nabasa ko na yun dati sa isang libro ng mga kwento noong bata pa ako.. Tungkol yun sa isang dalagang nagngangalang Odette na isinumpa. Sa umaga ay nagiging swan siya sa lawa kasama ang iba pang swan. Pagsapit ng gabi, doon lang siya nagiging taong muli. Ang makakapagpabali sa sumpa ay ang panghabangbuhay na katapatan ng isang prinsipe. Nakakita siya ng pag-asa sa isang prinsipe na nagngangalang Siegfried.. Umibig ito sa kanya subalit.. **** Medea's POV: Masasabi kong kagaya ako ni Odette. Hindi man ako swan, parehas naman ang aming pinagdadaanan. Gusto kong makalaya mula sa pagkakatanikala sa gabi at sa kadiliman. Gusto kong masilayan ang araw at sumayaw sa liwanag. Adagio ang ginagawa naming step ng aking kaparehang lalake na ginaganapan ang papel ni Prinsipe Siegfried. Sinusuportahan niya ako sa pag-ikot at pagbabalanse. Sinimulan kong mag-jeté, isang talon na magkalinya ang dalawa kong binti. Lumapag ako sa posisyong arabesque at pagkatapos ay lumayo ako sa isang glissade hanggang marating ko ang backstage. "CHANGE COSTUUUME!" sigaw ng floor director. Nilapitan ako ng costume designer. Hinubad ko ang aking tutu at isinuot ang isa na may maraming balahibo ng ibon. Isinuot din sa akin ang headress na may mga balahibo. Inayos ng bahagya ang make-up ko at saka muli akong lumabas ng stage. Umaga na. Isa na ulit akong swan. **** Hio's POV: Habang pinapanood ko si Medea, lalo akong humahanga sa kanya.. Lalo akong.. Muling nawala sa stage si Medea. Ang sumunod na Act ay ginanap sa palasyo kung saan may nagaganap na piging at marami ang nagsasayaw. Napukaw ang atensyon ng prinsipe sa babaeng bagong dating.. **** Medea's POV: Ako rin ang gaganap bilang black swan o si Odile na inakala ni prinsipe Siegfried na si Odette dahil sa isang engkantasyon ni von Rothbart. Nag-cabriole ako patungo sa gitna ng stage. Ang mga galaw ni Odile ay kaiba kaysa kay Odette. Kailangang makumbinsi ko ang audience na iba si Odile hindi lang dahil sa itim na tutu. **** Hio's POV: Makapigil-hininga ang pagganap ni Medea bilang black swan. Parang nagbagong bigla ang kanyang aura. Kakaiba ang kanyang karisma. Bawat imbay ng kanyang kamay at paggalaw ng kanyang katawan ay mapang-akit. Ibang-iba sa white swan. Nagtagumpay ang black swan. Naakit niya ang prinsipe at sa kanya ito nagtapat ng walang hanggang pag-ibig. Namatay ang ilaw. Saglit na katahimikan ang pumailanlang. **** Medea's POV: Paglabas kong muli ng stage, balik ako sa pagiging si Odette. Nabigo siya sa pag-ibig.. Pareho kami. Ibinuhos ko ang lahat ng emosyon sa aking panghuling sayaw. Ito ang dahilan kung bakit gustung gusto ko ang ballet. Hindi lamang sa ekspresyon ng mukha mo maipapakita ang emosyon, kundi sa bawat galaw ng katawan. Unti-unti akong umaakyat sa rampa. Sa tuktok.. Tumingin ako sa kawalan at pagkatapos ay tumalon patalikod. Ito na ang wakas. Sa istorya, nagpakamatay si Odette. Pero ako, bumagsak lang sa malambot na cushion. Pagtayo ko, dinumog ako ng mga kasamahan ko at sila ay di magkamayaw. "Success!" sigaw ng gumanap na Siegfried. "Yehey!" sigaw naman ng iba. "Oh, wag kayong maingay, may appearance pa tayo." saway ko sa kanila. Nagsama-sama kami sa stage, naghawak-hawak ng kamay at saka nag-bow. Binigyan kami ng standing ovation. **** Hio's POV: Ako yata yung pinakaunang tumayo at pumalakpak. Kaso sa dami ng tao mukhang hindi naman ako napansin ni Medea. "Manika? Tapos na—" zzzzz.. Sleeping beauty oh. Lumapit ako sa kanya at tinampal tampal ko siya. Niyugyog ko na rin kalaunan. Ayaw magising. Eh kapag sinuntok ko kaya? Kaurat. Iniwan ko siya sandali at lumabas muna ako. Gumala gala ako at pinagbubuksan ko ang mga pintong nadadaanan ko. Ano bang iniisip ko? Na makakachamba ako ng dressing room tapos nandun si Medea? Siguro mga sampung minuto rin akong idle bago ko napagdesisyunang balikan na si manika at ng makagala pa kami sa ibang lugar. Pambihira. Pagbalik ko tulog pa din siya! Hanep. "HUY, GISING NA! Kanina pa tapos ang palabas! Mapagsasaraduhan na tayo dito—" Natigilan ako nang may marinig akong paparating. Tok! Tok! "—Patricia? Nandiyan ka pa ba?! Ang sabi ng checker—" Binuksan ko ang pinto at— HOLY KALABAW! Si Medea lang naman ang nasa harap ko. Pinagkatitigan ko siya at di ako kumurap. Wala siyang ipinagbago. Siyang siya pa rin talaga ang Medea sa piging pitong taon na ang nakakalipas. Ako ang nagbago. Lumaki na ako at kung dati ay hanggang dibdib lang niya ako, ngayon ay hanggang balikat ko na lang siya. "Medea.." usal ko. Sobra ang kabog ng aking dibdib. Marami pa nga sana akong sasabihin eh. Amp! "—Ikaw.. Lumaki ka na.." ouch. Kitang kita ko sa mukha niya na hindi niya TALAGA expected ang pagparito ko. Whu.. Tutal nandito na ito, kailangang malaman na niya ngayon ang damdamin ko! Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya tapos... HINALIKAN KO SIYA! Pumalag siya pero di ako tumigil. Kaso naisip kong baka magalit siya at mabastusan sakin. Pinakawalan ko na siya. Pareho kaming hinahabol ang hininga. Pak! Isang malutong na sampal ang dumapo saking pisngi. "—Bastos!" pagkasabi nun, nagwalk-out siya. Iyak-tawa ako. Potek, turn-off saken ang first love ko! BUSEEEEET! Pagpihit ko, nakatayo sa harap ko si manika, gising na gising at salubong ang kilay. "—Gising ka na pala—" Whack! Ampota, sinipa akong bigla sa alam-niyo-na-yun. TANG INAAAA! Syet ang sakit! Talagang namilipit ako! "BASTOS!" sigaw niya. "Oo na bastos na! Pero bakit kailangan mo akong sipain sa ano?! PAANO PAG NABAOG AKO?!" "Eh di sorry.." "Sorihin mo mukha mo. Nakadamage ka na sorry sorry ka pa." Iika-ika tuloy akong lumabas sa theater. Nang mawala na ang sakit, ibang sakit naman ang pumalit. Yung sakit ng puso ko. Ready naman ako kung sakaling may iba talagang mahal si Medea eh. Kaya bakit ang sakit sakit sakit?! Hay.. Sa paningin niya, ako pa rin ang batang sampung taong gulang. Sinalat ko ang mga labi ko. May naisip akong bigla. Badbreath ba ako kaya nagalit siya? Haaaah! Hiningahan ko ang palad ko tas inamoy. Hinde naman. "Hoy tukmol, napapraning ka na ba?" "OO NAPAPRANING NA AKO!" Kasi.. Kasi sa tingin ko mahal ko si Medea pero.. Bakit nung hinalikan ko siya, parang wala akong naramdamang— Ay pota! Ayoko nang mag-isip! Pumasok ako sa unang convenience store na nakita ko tas humakot ako sa chiller ng sangkatutak na beer in can. Gusto kong makalimot. **** Medea's POV: Kanina pa ako tulala sa harap ng salamin. Iniisip ko kung totoo nga bang nakita ko ang mahal na prinsipe.. At kung totoo bang hinalikan niya ako. Malaki na ang ipinagbago niya mula noong huli ko siyang nakita. Binata na siya. Nahagip ng mga mata ko ang repleksyon sa salamin. "Kanina ka pa nakatayo diyan?" nilingon ko si Div. "Hindi ka pa ba aalis dito?" Hindi ko sinagot ang tanong niya. Mas importante ang itatanong ko sa kanya. "Ang mahal na prinsipe, nandito siya kanina. Halos magkasing edad na kayo ngayon. Wala ka na ba talagang balak na magpakita sa kanya? Itinuturing ka niyang nakatatandang kapatid—" "—Meron naman. Hindi nga lang ngayon. Baka hindi kasi niya maintindihan kung bakit di man lang ako tumanda." "Tama ka.." sagot ko. "—Sa tingin ko ay may pagtingin siya para sayo. Binabati kita mahal na prinsesa." sinabi niya yun na walang kagatol-gatol. Sumakit ang puso ko.. Ang sakit sakit. Naisip ko, wala akong iniwan kay Prinsipe Siegfried.. Mahal ko ang puting swan. Pero itinutulak ako ng tadhana papunta sa black swan. Opus 9 Hio's POV: Strum.. "Saming bahaaay.. Maraming bangkay—" Strum.. "Merry Christmaaas.. Pengeng singkamas—" BLAG! Napatayo ako at nabitawan ko ang gitara. "LINTEK NA! BAKIT MOKO BINATO NG LATAAA?!" 'King ina talaga tong retokadang bansot na to kitang kumakanta ang tao eh. Tumayo din siya at dinuro ako. "—ANG PANGET NG BOSES MO TUKMOL!" Sumingit si Kape, hinawakan kami sa braso at pinaupo. "Mga bay, ang alak nelalagay sa tyan de sa ulo.. TAGAAAAY!" inabutan niya kame ng bagong bukas na lata ng beer. Pansin ko iba aura niya. "Kape bat ang saya mo ata? Me nadenggoy ka na namang chix?" "—Dong, iba ang saya na nararamdaman ko.." tinapik tapik niya ang balikat ko. "Oh? Saya ng bagong waka-waka?" Pailing-iling siya. "—Diri! Masaya ako kase nakahanap ka na ng bagong ensperasyon sa buhay.." Anung pinagsasabi ng gago na to? Lumagok ako ng beer. Pang-anim ko na yata to pero matino tino pa akong mag-isip. "Hindi kita magets Kape." sabi ko. "Eh de ba, NAGDATE KAYO NE SHALL? Ibig sabihen, KAYO NA! Kaya ka nga nagpanomu para ICELEBRATE YUN DE BA?" Nahirinan yata ako. TUKNENENG! YAN PALA INIISIP NI TANGA KANINA PA! "Pare, ilang beses ko bang sasabihin sayo na DI KO SIYA TYPE!" "—ISTORYAHE!" kantyaw pa lalo ni Kape. "—LALONG DI KITA TYPE UNGGOY!" dinuro na naman ako ni manika. Delikado pala to pag nalalasing. Mas lalong nagiging warfreak. Mayamaya, itinataas na niya ang laylayan ng damit niya. Kita na ang pusod hanggang malapit na sa dibdib. "—Ang init." Si Kape naman, ngiting aso at TUTULUNGAN PA YATANG MAGHUBAD SI MANIKA! Pow! Binigwasan ko si Kape. Napaupo siya sa sahig at tawa pa ng tawa. Positive. May tama na ang mga kainuman ko! "Pare walang bastusan! Singer natin yan!" Pero kay Shall siya tumingin. "—Kita mo na Shall, me gosto sayo se pareng Heyo! Hahahaha!" Tangena mo Kape. Praning! Umikot sa mesa si manika, hinatak niya ang damit ko. "BAKIT KA MAY GUSTO SAKIN?!" Hala? Feeling? Bog! Sinapak na lang niya akong bigla. Napasandal tuloy ako kay Kape. At tarantadong Kape naman to, tinulak ako. Napayakap tuloy ako kay retokadang bansot. Bog! Araaay! Sinikmuraan ako! "Tangina niyo, inuubos niyo talaga pasensya ko!" zzzzzzz.. Paglingon ko, tulog na si Kape sa sahig. zzzzzzz... Nang lingunin ko naman si manika, tulog na rin. Nakatulog siya habang nakayakap ako sa kanya. Inupo ko siya at isinandal ang ulo niya sa mesa. Si Kape, as is na lang sa sahig. Ako din umupo sa silya at ginawang unan ang braso ko. Pinagmasdan ko si manika. Kala mo sinong inosenteng anghel. Sana lagi na lang siyang tulog. Naipikit ko ang mga mata ko. Pagdilat ko, maliwanag na. Wala si manika sa pwesto niya kanina. Asan na yun— Parang may napansin akong usok paitaas, galing sa baba. Napatingin ako sa sahig. Si manika UMUUSOK! "Retokadang bansot, anong nangyayari sayo?!" dumulog ako sa kanya. Malala siyang tingnan. Nagsusugat at parang nababakbak ang kanyang balat. Hinawi niya ako at pinilit niyang gumapang palabas ng kusina. Ako naman, natataranta na. "Saan ka pupunta?!" "Dilim.." usal niya. Napaisip ako. Dilim? Alam ko na! Binuhat ko si manika tapos ipinasok ko siya sa kwarto ko na inangkin na niya. Thud. Tama nga ang sapantaha ko. Napakadilim dito. Tinakpan niya ang mga bintana ng makakapal na kurtina. Imba. Tumigil na lang ng kusa ang pag-usok ni manika. Nangapa ako sa dilim. Kung saan-saan nabunggo ang tuhod ko. Inihiga ko siya sa kama. "Ayos ka lang ba? Teka, gagamutin ko yung mga sugat mo.. Oh kung gusto mo dadalhin kita sa ospital—" Hinatak niya ako kaya napadagan ako sa kanya. Parang may kung ano sa mga mata niya.. O imahinasyon ko lang yun dahil madilim. Itinaas niya ng bahagya ang kanyang ulo at itinapat sa aking leeg. Hindi naman ako gumalaw. Gusto kong malaman kung ano ang balak gawin ni manika. Dinilaan niya ang leeg ko! Parang tinaasan ako ng balahibo. Sinasabi ko na nga ba at may lihim na pagnanasa itong babae na to sakin eh. Naramdaman ko na parang nakabuka ang kanyang bibig. Tumama sa aking balat ang kanyang ngipin. Bibigyan ba niya ako ng kissmark? Ang laki naman! Pero di yun natuloy. Paano tinulak niya ako. Nalaglag ako sa sahig. Solid. Di ko na talaga maiwasang mapatanong. "BAKIT MO BA AKO SINASADISTA? MAY GALIT KA BA SAKIN?!" Di siya sumagot. Badtrip! Nawiwili na talaga siya dahil alam niyang di ako nananakit ng babae. Lumabas ako ng kwartong yun at pabalibag kong sinara ang pinto. "—Pare kamosta, nakascore ka ba?! Mukhang entense yong ginawa niyo ah! Me narinig akong kalabog!" gising na pala si Kape. "GAGO!" sinigawan ko siya. Pag di niya ko tinigilan, gugulpihin ko siya. Alas onse pa lang ng tanghali. Masakit ang ulo ko pero nagbihis ako at umalis ng bahay. Wala nang ligo ligo. Maghahanap na ako ng bagong malilipatang flat. Kaurat na kasi mga kasama ko dito sa apartment. Gusto ko nang mag-solo. Ginamit ko ang kotse at nagdrive. Kung saan-saan ako nakarating. Kung sinu-sino ang nakausap ko. Bandang alas singko na yata nang mapadpad ako sa isang lumang simbahan. Parang may magnet na humila sakin papasok. Naupo ako sa may bandang gitna at luminga-linga. Walang tao. May bigat akong naramdaman sa isa kong balikat. Kamay iyon ng isang madre na itim ang suot na habito. Tiningnan ko ang kanyang mukha. Bata pa siya pero mas matanda siya sa akin. Maganda siya at nakakabighani subalit nakakatakot ang kanyang mga matang kulay pula. Nakadroga? "Orpheus.." kinilabutan ako nang sambitin niya ang ikatlong pangalan ko. "—Sino ka? Paano mo nalaman ang pangalan ko?!" Hinawakan niya ang mga kamay ko. "Matagal na kitang gustong makita—" Binawi ko ang mga kamay ko. May takot na basta na lamang bumundol sa aking dibdib. Huhuhu.. May umiiyak sa may pintuan ng simbahan. Isang batang lalake na sa tantsa ko ay edad walong taon. Sinamantala ko iyon at tumayo sa upuan. "Bata, bakit ka umiiyak?" Nilapitan niya ako at kumapit sa damit ko. "—Kuya, tulungan mo ako.. Ang nanay ko— inatake ng isang mabangis na hayop!" "Nasaan ang nanay mo? May dala akong kotse, itakbo natin siya sa ospital!" Tumakbo ang batang lalake palayo. Bago ko siya sinundan, nilingon ko ang madre. Nakangiti siya habang ang kanyang bibig ay lumulungad ng dugo. Hindi ako sigurado kung totoo ba yun o malik-mata. Kinusot ko ang mga mata ko. Sa pagmulat ko ng mata, wala na ang madre. **** Shall's POV: Nagkamali ako ng pagtrato sa prinsipe. Hindi ko inaasahang marunong pala siyang magdamdam at magtampo. Siguro nga ay kasalanan ko. Masyado akong naging marahas. "Anong oras pa ba siya umalis?" tinanong ko si Coffee. Kakasapit lang ng alas singko. Kritikal ang ganitong oras lalo na at wala ako sa paligid ng prinsipe. "Kanenang tanghale pa Shall. Dala niya ang kotse." Saan siya posibleng nagpunta? Sandali— "—Ano nga ba ulit ang sinabi mo? Dala niya ang kotse?" Tumango si Coffee. "Anong plate number?" tanong ko habang nagdadial sa aking cellphone. "—Ayun!" itinuro ni Coffee ang maliit na whiteboard na nasa pader ng kusina. Ring.. Ring.. "Hello Noir.. May ipapagawa ako sayo." "—Ano?" inaantok pa si Noir. Halata sa boses niya. Idinikta ko ang plate number ng kotseng sinakyan ng prinsipe. "—Maghanap ka ng mga taong nakakita kung saan nakahinto ang kotseng may ganyang plate number, tapos sabihin mo sakin kung saang lugar—" "—WAG MONG SABIHING NATAKASAN KA NI—" Piiit! Narindi ako sa boses niya kaya inend call ko na. Kahit magalit siya alam ko namang tutulungan pa rin niya ako. Naghanda ako sa aking pag-alis. **** Hio's POV: Parang ang layo naman ng nilalakad ko. Baka patay na yung nanay ng bata pagdating namin! "Bata, malapit na ba talaga tayo? Kanina pa tayo naglalakad, pag di natin binilisan baka matuluyan na talaga yung nanay mo." Tumakbo nga siya. Pulling away ang loko. "Teka, hintayin mo naman ako!" Likod na lang niya ang nakikita ko. Kung saan-saan siyang eskinita nagsusuot. Huminto ako saglit at nagpahinga. Hiningal ako nang husto! Takte, pagabi na. Baka pag wala nang liwanag e maligaw ako dito palabas. Huhuhu.. Narinig ko na naman ang iyak ng batang lalake. Palakas iyon nang palakas habang ako ay naglalakad. "Bata? Asan ka na?" huhuhu.. Pagliko ko sa isang eskinita, nakita ko ang batang lalaki. Nakatalikod siya sakin at sige pa rin siya sa kanyang pag-iyak. May pigura na nakahandusay sa harapan niya. Lumapit ako para makita ko nang maigi. Isang babae na may katandaan yung nakahiga. Nagkalat ang kanyang dugo. Ang obyus na sugat na nakita ko ay yung nasa kanyang leeg. Agad akong dumulog at niyugyog ko siya. "Ale, ale, gising.. Dadalhin ka namin sa ospital! Kapit ka lang! Kawawa naman tong anak mo, wag mo siyang iiwan!" Hahahahah! Tumawa ang bata. Nabaliw na yata dahil sa nangyari sa kanyang nanay. "—Hindi na siya gigising kahit anong gawin mo.." "Bata wag kang mawawalan ng pag-asa—" Nag-angat ako ng paningin sa bata. Gaya ng nakita kong pangitain kanina, ang bibig ng batang lalake; maging ang kanyang damit, ay may napakaraming mantsa ng dugo. Opus 10 Hio's POV: Napaatras ako nang humaba ang pangil ng batang lalake. Hindi kaya.. ISA SIYANG CANNIBAL?! Pasimple kong inilibot at paningin ko upang maghanap ng posibleng exit. Merong isa na nasa likod ng bata. Dun ako nanggaling kanina. Tumayo ako nung nagtangka siyang lumapit. Inikutan ko yung ale sa sahig. Umikot din yung bata. Tanga niya. Kung tumalon kasi siya baka nahuli niya ako. Tumakbo ako papunta sa daanang palabas ng eskinitang yun. Pero bigla na lang tumalon yung bata sa harap ko. Tinulak niya ako nang marahan pero tumalsik ako pabalik sa aleng nakahandusay sa sahig. Bumalik yung trauma na naramdaman ko noong bago ako lumayas ng ampunan. Nanginig bigla ang buo kong katawan lalo na nang sa isang kisap-mata ay nasa harap ko na ang bata. Sinabunutan niya ako para iangat ang ulo ko. "Wala kang kwenta gaya nga ng sinabi ng master ko." "S-sinong master?" curious kong tanong. Binanat niya pabalibag ang buhok ko kaya napasandig ako sa katawan ng duguang ale. "Papatayin na lang kita para matigil na ang kaguluhan sa konseho." Papatayin ako? Baket? Anong kasalanan ko?! Humabang bigla ang mga kuko niya at itinutok sakin— Katahimikan. Tanging ang isang uwak lamang na lumipad palayo ang gumawa ng ingay. Nahawakan ko ang kamay ng bata. "Wala kang karapatang patayin ako.. Gusto kong mabuhay—" sinabi ko yun sa bata pero sinabayan naman ako ng matinding sakit ng ulo. Parang binibiyak ang bungo ko sa sobrang sakit— Ahh.. Pucha ang sakit talaga! Ngayon pa ba ako hinang over?! Nabiwatan ko ang kamay niya at sinapo ko naman ang ulo ko. "—A-anong ginawa mo sakin?!" anang bata. Baket anong nangyari sa kanya? Thud! May bumayo sa batok ko. Kung sino yun, ewan ko. Nawala ang sakit ng ulo ko at nawalan din ako ng malay. **** Shall's POV: Nakaabot nga ba ako sa tamang panahon? Nasaktan ba ang prinsipe? Yumuko ako at sinuri ko ang walang malay niyang katawan. Mukhang hindi pa naman siya napano. Pinatamaan ko ang isang parte ng ugat sa kanyang batok para sadya siyang mawalan ng malay. Hindi pa ito ang tamang panahon para mamulat siya sa aming totoong mundo. Nakalabas na ang aking sandata na nag-anyong espada. "Konde Io.. Nakanino ang iyong katapatan?" itinutok ko ang espada sa batang lalake. Hindi iyon ang kanyang tunay na anyo. Ang mga noble na Konde ay may kakayahang makapagpalit ng anyo. Mahirap silang matukoy pero hindi sila makakaligtas sa aking paningin. Di niya ako pinansin. Mas concern pa siya sa kung ano ang nangyayari sa kanyang kamay. Nauupos iyon na parang kandila. "Sino ang may gawa niyan?" Ilang segundo ang lumipas. Di pa rin siya sumasagot. Inis na ako. "KONDE IO?!" binulyawan ko na siya. "WALA KANG KARAPATANG SIGAWAN AKO HA?! KNIGHT KA LANG ALALAHANIN MO!" Tingnan mo tong kumag na to. Ang YABANG! Mataas talaga ang tingin ng mga nobles sa sarili nila. Nakakainis! "—HINDI AKO SIMPLENG KNIGHT LANG KONDE IO. LORD KNIGHT AKO! KAYANG KAYA KITANG PATUMBAHIN KAPAG GINUSTO KO!" Nagsmirk siya tapos, nagbagong anyo. Bumalik na siya sa tunay niyang hitsura. Kaso yung kamay niya, nauupos pa rin. "Ano nga ulit ang sinabi mo Galatea? KAYANG KAYA MO AKONG PATUMBAHIN?" "Narinig mo naman pala tinatanong mo pa. Kundi ka ba kalahating tanga!" sagot ko naman. Tiningnan ko ang espada ko. Nagbago ang anyo nito. Naging kadena at hook. Pinaikot ko ang dulo ng kadena bago ko pinukol sa mayabang na konde. Mabilis siyang nakapagpalit anyo na isang uwak. Lumipad siya papaitaas at saka bumulusok paibaba patungo sakin. Hinabol siya ng kadena ko subalit napakaliksi niyang umilag. Paglapit niya, nagbalik ulit siya sa dati niyang anyo. Nasaksak niya ang tagiliran ko ng kanyang kabilang kamay na mahaba ang kuko. "—Asan ang yabang mo Galatea?" ngumisi siya. Nagbago ang sandata ko, naging isang malaking gunting. Snip! Nakalipad na naman siya bilang uwak. Talagang ginagalit niya ako! "Ewan ko na lang kung makakatakas ka pa dito—" nagpira-piraso ang sandata kong gunting. Bawat isa ay nagsisilakihan at nag-anyong mga ahas. Humahaba ang mga iyon depende kung gaano kataas ang target nila. Malikot ang mga iyon na parang galamay sa tubig. Hindi nila tinigilan ang uwak hanggang nalingkis nila ang dalawang pakpak nito. Napwersang magbalik sa dating anyo ang Konde. "Hayup ka Galatea! Pakawalan mo ko ngayon din!" "Pakawalan?—" natawa ako. "—Hindi pa ako tapos sayo. Ang dapat sa mga kagaya mong walang modo ay pinarurusahan!" Ang iba pang mga pilak na ahas ay nagtipon-tipon hanggang sa nabuo ang isang napakalaking ulo ng isang babae na ang buhok ay puno ng ahas. "Sa oras na dumilat ang mata ng Medusa, tapos ka na!" sigaw ko. Di maipinta ang takot sa mukha ng Konde. "Knight ka lang.. Paano kang nagkaroon ng ganyang sandata?!" Knight lang? Hindi ko yata kayang tanggapin yun. Hindi ako kuntento sa kung ano ang kaya ko kaya't palagi kong itinutulak ang sarili ko sa aking limitasyon. Pero hindi lang naman siguro ako ang may lihim na kapangyarihan. Ramdam kong mas malaki ang itinatagong sikreto ng Paladin. Crack.. Crack.. Nagbitak ang mukha ng Medusa. Mayamaya ay nadurog na lamang itong bigla. Kasabay nun ay may gumapang na malaking anino sa lupa na hugis napakalaking ibon. Nagtuloy yun patungo sa Konde. Umahon sa malaking anino ang isang magandang babae na may itim na pakpak. Yumakap siya sa Konde mula sa likuran. "—Mahal na Galatea, ibalato mo na lang sakin ang lalaking ito.." matamis ang kanyang tinig subalit nakakamatay ang kanyang lakas. Nagawa niyang masira ang Medusa ko sa isang iglap. "—At bakit ko naman gagawin yun?! Pinagtangkaan niyang saktan ang aking Prinsipe!" tinarayan ko siya. "Ako ay kaanib ng Paladin. Makasisiguro kang siya ang magpaparusa sa taksil na ito." "Sige, pumapayag na ako." pagkasabi ko nun, nagdive ang babae pabalik sa anino at nawala kasama ang konde. **** Div Umbra's POV: Tok! Tok! "Tuloy!" sabi ng boses sa loob ng silid. Pinihit ko ang seradura at marahan akong pumasok sa loob ng isang magarang kwarto. "Magandang gabi Zandros." binati ko ang taong nasa silid at nakaupo sa likod ng mamahaling mesa. Ako naman ay naupo sa isang upuan sa tapat nun. Tumayo siya, lumapit sa akin at lumuhod, tapos ay hinalikan niya ang aking sapatos. "Bakit po kayo naparito aking panginoon?" Sinipa ko siya dahil ang totoo ay galit na galit ako sa kanya. Bumalandra siya sa isang sulok. "—Bakit po?" maang niyang tanong. "Ang mahal na prinsipe ay ang kaisa-isang alaala na iniwan sakin ng matalik kong kaibigan. Ayokong masugatan ni dulo ng daliri niya." sabi ko habang pinipigil ko ang aking galit. "—Hindi mo pa rin naiintindihan panginoon. Siya ay KAAWAY—" Natigil siya dahil may aninong kamay ang sumakal sa kanya. "Isa pang salita Zandros— Buweno, nahuli ko na ang ipinadala mong papaslang sana sa Prinsipe.." Gumalaw bigla ang anino ko. Umahon mula doon si Penumbra na may kasamang Konde. May kakaibang nangyayari sa kanyang kamay. "Sino ang may gawa niyan sa kamay mo?" tinanong ko siya. "Hindi ako obligadong sumagot sa isang Knight!" aniya. Tiningnan ko ng makahulugan si Penumbra. Aaaaaaaah! Humiyaw ang mapagmataas na konde dahil pinilipit ni Penumbra ang kanyang mga binti. "—Ngayon, sasagot ka ba o mananahimik ka na ng tuluyan?" "—ANG PRINSIPE ANG MAY GAWA NITO! Hinawakan lang niya ang kamay ko tapos eto na ang nangyari!" "Sa tingin mo Umbra ay nagising na ang kanyang kapangyarihan?" tanong sakin ni Penumbra. Tumayo ako at sinuri ko ang kamay ng Konde. "Sa tingin ko ay hindi pa. Malamang na bugso lang yun ng damdamin. At hindi pa rin magiging ganap ang kanyang lakas hanggang hindi siya nagiging bampira nang buong buo—" "—PAANO ANG KAMAY KO?! Alam mo ba ang lunas dito?" Ngumiti ako. "Ang nangyayari sayo ay wala nang lunas. Isa yang uri ng sumpa kung saan unti-unting dinadala ang katawan mo patungo sa lugar ng kawalan. Samakatuwid, unti-unting nabubura ang eksistensya mo dito sa mundo. Kapag nawala ka, mawawala din ang lahat ng alaala ng mga tao tungkol sayo. Mas masahol pa yun sa kamatayan, hindi ba?" Napaluhod ang Konde. "Hindi maaari.. Ang mga Baronet, baka makagawa pa sila ng panlunas!" "Pakawalan mo siya Penumbra. Wala na akong ganang patayin siya. Mas gusto kong mapanood ang paghihirap niya." utos ko. Kumaripas ng takbo ang Konde pagkakawala niya. Bumaling naman ako kay Zandros. "Binabalaan kita. Huwag na huwag mo na uling pagtatangkaang saktan ang prinsipe." **** Hio's POV: "Hoy, gising!" Hay sino ba yun? Sarap sarap ng tulog ko eh.. Nagdilat ako ng mga mata. Ang una kong nabungaran ay si manika. Kaagad akong napabangon. "ANONG GINAGAWA MO DITO?!" "Sinusundo kita." may angas pa din sa pananalita niya kahit mukha siyang hinang-hina. Anong nangyare sa kanya? Teka asan nga ba ulit ako? Inisip ko ang mga pinakahuling naaalala ko. Nasa madilim akong eskinita, check. May aleng duguan sa lapag, wala. May batang aswang, wala din. Baka guni-guni ko lang siguro yung mga yun. Tumayo na ako at nilakad ang daang palabas sa eskinita. "—Saan ka pupunta?!" pahabol tanong ni manika. "Kahit saan basta malayo sayo! At hindi na ako babalik ng bahay! Magsama kayo ni Kape!" hayan, naalala ko na pati ang badmood ko kanina. Nahablot niya ang laylayan ng shirt ko. "—Umuwi ka na sa bahay." Pumihit ako paharap sa kanya. "At baket? Para may punching bag ka na naman?! Di na uy!" Bigla siyang lumuhod sa harap ko na ikinagulat ko. "—Pakiusap panginoon, bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon.." Nako, si manika, gumaganun?! Iba na yan! Itinayo ko siya. "Oh sige na uuwi na. Pero wala nang luhuran! Parang ako pa ang lumalabas na masama niyan eh—- HOY MANIKA!" Nahimatay siya. Mabuti na lang at nasalo ko siya. Opus 11 Hio's POV: Binuhat ko kaagad si manika at umeskapo sa madilim na eskinitang yun. Parang ang bilis yata naming nakalabas! Eh kanina ang dami dami kong nilusutan at inikutan. Pinasok ko siya sa loob ng kotse, sa front passenger's seat, habang ako naman sa driver's seat. Bago ko binuksan ang engine, tiningnan ko si manika. Nadako ang paningin ko sa tagiliran niya. May bakas dun ng dugo. Hindi ko kaagad yun napansin dahil itim ang suot niyang bestida. Hinawakan ko ang parteng may dugo. Sira ang bahaging yun ng damit niya pero wala naman akong nakitang sugat. Alam niyo, nahihiwagaan na talaga ako dito kay manika. Siguro may tinatago siyang sikreto. Kinapkapan ko siya. Hindi naman ako chancing mode. Nagbabakasakali lang na makakuha ako ng konting clue sa kanya. May tumunog. Cellphone. Takte nasan ang cellphone niya? Eh mukhang walang bulsa yung damit niya. Pinakinggan ko na lang kung saan malakas yung tunog. Sa may dibdib niya yun. Ayun dinukot ko yung cellphone sa loob ng damit niya— pero wala naman akong nakapa o KINAPA bukod dun. PEKSMAN! "Hello?" sabi ko. Di ko kilala kung sino yung tumatawag. 'Manong' ang pangalang nakaregister sa incoming call. "—Hio ikaw ba yan?" parang nabosesan niya ako at parang nabosesan ko rin siya. "Noir?" naks, boypren ko pala yung natawag. "—AYOS KA LANG BA?! NASAAN SI SHALL?!" parang bingi ang kausap niya. "Ayos lang ako. Si Shall, nahimatay siya. Dadalhin ko siya sa ospital." Di kaagad sumagot si Noir. "Saang ospital? Pupuntahan ko kayo!" Pero hindi ako yung nagdecide kung saang ospital. Si Noir ang nagsabi kung saang ospital kami pupunta. Pagdating namin ni manika dun, astig, NAUNA PA SIYA! May dumating na mga tao ng ospital at nilipat si manika sa stretcher bago nila binitbit sa emergency. Naiwan kami ni Noir sa pintuan. Pumasok din kame sa loob at binagtas ang tahimik na corridor. "Alam mo, malapit na akong mabaliw." umpisa ko. Umakbay sakin si Noir. "Bakit naman?" tanong niya. "—Hindi ko masabi at hindi ko maipaliwanag.." nyeta. Dapat pala di ko na lang inumpisahan to kung di ko rin naman pala masasabi ng maayos ang mga aparisyong nakikita ko nitong mga nakaraang— "Hio? May problema ba?" Natigil ako sa aking paglalakad. May isang madreng nakaitim ang nagtake-over bigla mula sa likod. Sa gilid ko siya dumaan. "—Hio?" Binilisan ko ang paglalakad upang makaabot sa madre. Nahawakan ko siya sa braso kaya't napatigil siya. "May kailangan ka ba iho?" May katandaan na ang madreng hinarang ko. Maling akala lang pala. "Wala po. Pasensya na.." humingi ako ng dispensa. Ngumiti ang matandang madre na yun. "Mukhang balisa ka iho.." Sa gulat ko, kinuha niya ang palad ko at may inilagay siyang maliit na rosaryong gawa sa kahoy. "Kapag natatakot ka, magdasal ka." aniya tapos nagpatuloy na siya sa kanyang paglalakad. Magdasal ako.. Kailan nga ba ako huling nagdasal? Naniniwala akong may Diyos pero hindi ako naniniwala sa kahit na anong relihiyon. Wala ni isa sa kanila ang nakapitan ko noong mga panahong tinalikuran ako ng aking pamilya. "Bakit mo hinabol yung madre? Malamang sa Hospice yun papunta.." sabi sakin ni Noir. Sa Hospice nakatengga yung mga taong malapit nang mamatay. Kumbaga isa sa mga counselors dun ang mga alagad ng Diyos para maihanda sila para sa kabilang buhay. "Ah.. Wala naman. Nabigla lang ako." **** Noir's POV: Kakaiba ang kinikilos ni Hio. Mayroon siyang dinadamdam ngunit alam kong hindi niya kayang sabihin yun. Posible kayang may nakita siyang hindi maipaliwanag mula kay Shall? Nang nasa tapat na kami ng pinagdalhang ward kay Shall, sinabihan ko si Hio na maghintay muna sa labas. Pumasok akong mag-isa. Nabungaran ko ang kapatid ko na nakaupo sa kama at sumisipsip mula sa isang 500cc blood pack na halos kalahati na lang ang laman. "Gutom ka lang naman pala kaya ka nahimatay. Pinag-alala mo pa ako.." Tinitigan lang niya ako na parang wala lang. Nagpatuloy ako. "—Si Hio, may napapansin na siya. Padalos-dalos ka sa mga ginagawa mo. Mas maigi pa siguro na bantayan mo siya mula sa malayo—" Tinungga muna ni Shall ang lahat ng laman ng blood pack bago siya nagsalita. "Expected ko na ginagawan mo ng paraan yang mga ganyang bagay." "Shall, may sasabihin ako sayo.. Hindi ko kayang makapasok sa isipan ni Hio. Kaya wala akong kakayahan para dayain ang alaala niya." "Pero tao siya di ba?" pagkasabi nun, tumayo na si Shall at dire-diretsong nagpunta sa pintuan. "Saan ka?" tanong ko. "Di ba may gig tayo ngayon?" oo nga pala. Nag-enjoy na rin yata si Shall sa buhay banda. Bang! Sinipa niya ang pinto. "—ARAY!" sigaw yun ni Hio. Mukhang mag-aaway na naman yata ang dalawa. Pero nagulat ako dahil yumuko si Shall. "Pasensya na. Hindi ko kasi alam na nandiyan ka sa tapat ng pinto at sinusubukang makinig sa pinag-uusapan namin. Kaya lang, wala ka namang narinig." Haha. Natawa ako. Kahit prangka pa rin siya, malaking malaki ang ipinagbago ng pakikitungo niya kay Hio. "Magaling ka na?" hindi makapaniwala si Hio. "Ah, dehydrated lang daw siya sabi ng doktor. Konting electrolytes lang ang kailangan niyan!" sumingit na ako. "Ah ganun ba—" Hinawakan ni Shall ang kanyang braso tapos nilingon niya ako. "May tugtog tayo mamaya di ba? Bilisan natin para may time pa tayo para magpractice." **** Hio's POV: Salubong ang kilay ko habang binabasa ko ang isa sa mga gustong kantahin ni manika. "Buhay pa ba kumanta niyan?" Inirapan lang niya ako. Pumuwesto siya sa harap ng mic. Tiningnan ko yung chords tas initsa ko na lang kung saan. ForMad! ForMad! Naghihiyawan ang mga tao. Mga atat. Inadjust ko ang amplifier ko bago tumayo. May mga chix na humihila sa binti ko. Lumayo ako at pumuwesto malapit kay Noir. Tick! Tick! Tick! Drumstick yun ni Noir. Hello darkness my old friend.. I've come to talk with you again.. Si Kape yung first stanza. Okey maganda boses niya. Mas maganda ng KONTE sa boses ko. Hanep din pag kumakanta siya tumutuwid ang dila niya. Pero ipupusta ko pati brief ko na hindi niya naiintindihan yung kinakanta niya. Because a vision softly creeping, Left its seeds while I was sleeping.. And the vision that was planted in my brain, still remains.. Within the sound of silence.. Dinikit na ni manika ang labi niya sa mic. Turn na niya. In restless dreams I walked alone narrow streets of cobblestone.. Malamig ang boses ni manika pero maganda sa pandinig ko. Neath the halo of a streetlamp.. I turned my collar to the cold and damp.. Sa mga taong nanonood at nakikinig sa amin, may napansin akong dumadaan sa gitna. Walang pumapansin sa kanya. Ako nga lang yata ang nakapansin sa kanya.. Itim na habito.. Magandang mukha.. Duguang bibig.. When my eyes were stabbed by the flash of a neon light, split the night.. And touched the sound of silence. Tip.. Tap.. May kung ano na pumatak galing sa itaas. Nabasa ang kaliwang balikat ko. Kulay pula yun. Halata ang mantsa dahil puti ang suot ko. Tiningnan ko ang paligid ko. Walang pumapansin sakin. Tuloy pa rin ang audience sa pakikinig at patuloy pa rin ang ForMad sa pagtugtog. Tip.. Tap.. Anak ng.. SAAN BA GALING YUN? Tumingala ako. Sa kisame may parang tumatagas na pulang likido. Parami yun ng parami. Malansa ang amoy.. Hindi kaya.. DUGO?! Huminto ako sa pagpluck ng bass guitar. "MGA TOL, MAY TUMUTULONG DUGO SA KISAME!" Nahinto sa pagkanta si Manika. Sumunod sina Noir at Kape. Tumingala sila. "Wala naman ah?" sabi ni Kape. Umingay ang mga tao sa bar. "ForMad bat kayo huminto?!" "Tugtog naaaa!" Lumapit sakin si Noir. "Hio? Ano ba ang sinasabi mong tumutulo mula sa kisame? Wala naman oh.. Malinis ang kisame!" TAENA! HINDI NILA NAKIKITA?! ANG LAKI LAKI OH! Tutuklawin na nga sila! Eh saan nga ba galing yung dugo?! Sa 2nd floor? Stockroom lang dun ah.. Baka may.. Baka may— Hinubad ko yung strap ng gitara at tinalon ko ang backstage. Nandun ang mga member ng isa pang band na kasama namin dito. Capella ang pangalan ng banda nila. "Oh Hio saan ka pupunta? Hindi pa tapos ang tugtog niyo di ba?" tanong sakin ng vocalist nilang lalake. "Diyan lang sa CR!" nako napakaususero! "Nga pala pare, kapag nakita mo si Choi, sabihin mo diretso na siya dito ha? Kanina pa siya nagpaalam na magCCR tas wala pa rin." Si Choi yung drummer nila. Eh swertihan na lang kung magkita kami kasi di naman ako sa CR pupunta. Lumabas ako ng pinto at umakyat ng hagdan. Medyo madilim paakyat. Patay ang ilaw sa 2nd floor. Pagdating ko sa top landing, kinapa ko ang switch. Bumukas yung ilaw pero patay sindi. Dapat na sigurong palitan dahil malapit nang mapundi. Hmm.. Saan ba banda ang katapat ng stage? Sinukat sukat ko ang lugar sa aking isip. Alam ko na! Yung stage ay nasa ibaba ng kwarto na pinaglalagyan ng spare guitars at drums! Ave Maria.. May narinig akong boses ng isang babae na halos bulong lang. Ave Maria.. Ramdam ko.. May taong nakatayo sa likod ko! Kinalamay ko ang aking dibdib.. Hindi pa man ako nakakarecover, may malamig na duguang kamay ang yumapos sa akin mula sa likod. Magdasal ka kapag natatakot ka.. Ginawa ko yun. Lahat na nga yata ng Santo eh natawag ko na. Marahas akong kumalas sa nakayakap sakin at pumihit ako para tingnan kung sino yun— Pero.. WALA! Walang tao sa likod ko! AT WALANG TAO DITO SA CORRIDOR KUNDI AKO LANG! Syet tuliro talaga ako! Pinihit ko na lang ang pinto sa harap ko— Creek.. Creek.. Natamaan ng patay-sinding liwanag ang isang nakahandusay na katawan sa maalikabok na sahig. Si Choi yun. Duguan at.. Wala nang buhay. Opus 12 Hio's POV: Ngayon lang ako natakot nang ganito. Yung tipong lutang na lutang at nanginginig ang bawat sulok ng katawan ko. Centralized ang aircon pero putcha pinagpapawisan ako ng malamig hanggang singet. Pota may sabit pa yata lalamunan ko! Sigaw na sigaw na kaya ako. Kaso di ko alam kung bakit walang boses na lumalabas sa bibig ko. Nganga lang talaga. Umatras ako nang umatras.. Thud! Hala.. May nabangga ako.. Di naman ako umabot sa pader eh.. "TANGENA NAMAN EH! Magsalita ka ngang impakto ka? Kung papatayin mo rin ako gaya ni Choi, PWEDE BANG DAANIN MO NA LANG DIN SA DAHAS? WAG MO AKONG PATAYIN SA SINDAK PLEASE LANG?" Pakshet lang, ako na ang biktima na gusto ng die hard! "Tukmol, anong nangyari dito?" Umikot ako. Si Noir at manika yung nasa likod ko. Di ko sila napansing umakyat ah. Pero nakahinga ako nang maluwang. "—Si Choi.. May pumatay sa kanya!" sumbong ko lang. Pumasok si Noir sa bukas na kwarto at tiningnan si Choi. "Sa tingin ko hindi pa siya patay. Tumawag kayo ng ambulansya bilis!" Inilabas ko ang cellphone ko. Tumawag ako sa 117. Yun po ang emergency hotline dito sa Pinas. Hindi po 911. Ano kayo susyal? In twenty minutes, may dumating na ngang ambulansya. Sus ewan ko lang kung kapit pa ang kaluluwa ni Choi sa katawang lupa niya sa tagal naming naghintay. Sabagay, ang mga masasamang damo matagal matigbak. Pinagmasdan ko siya habang nililipat sa stretcher. Yung dami ng dugo na nagkalat ay galing lahat sa pulso ng braso niya. Naglaslas ang loko. May nakita nga kaming blade sa sahig. Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit tumagas ang dugo niya mula dito. Naka-experience ako ng buhay sa construction site; at itong sahig sa 2nd floor ay slab, o binuhusan ng purong semento. Kaya imposible talagang may tutulong dugo sa kisame sa ibaba. Humawak si manika sa braso ko. "Halika na, bumaba na tayo." Banayad ang boses niya. Sana palaging ganito. Hindi siya bumitiw sakin hanggang sa makarating kami sa dressing room na ginawa naming tambayan. Tumabi pa siya sakin sa sofa. Ang sweet niya nuh? May gusto talaga sakin to, nararamdaman ko! Kunwari pang aangas angas pero pag nakatikim to ng halik sakin baka di na siya makapalag. Tatry ko sanang halikan to si manika eh kaso biglang sugod ng pasok si Kape sa kwarto. "—Pareng Heyooo, TOTOO BA? Naglaslas daw se Choi sa taas?" Ay hinde! Nakita na nga niyang may dumating na ambulansya magtatanong pa. "—Wag kang mag-alala, mabubuhay pa yun. Dapat siguro tumawag din tayo ng pulis—-" Napatingin akong bigla sa repleksyon ko sa malapad na salamin sa pader. May bahid ng dugo ang suot ko! Naalala ko, napatakan ako ng dugo mula sa kisame.. At may duguang kamay na yumapos sakin.. Pero bakit walang pumapansin sa suot ko?! Hinde.. Nagtanggal ako ng pang-itaas sa harap nila tas tinapon ko sa trashbin yung damit ko. "—Pare maenet ba? Erkon baya—" “Mukha ba akong NAIINITAN hinayupak ka?!” napagbuntunan ko si kawawang Kape. “—Eh ano? Nag-eenet?” talagang nambabash tong si Kape pag may pagkakataon e no. “AMBOT SA IMO!” Bumalik na naman yung trauma na nararamdaman ko. Nagsindi ako ng yosi. Pero kahit yun walang naitulong para pakalmahin ako. Ano bang kailangan ko? Valium? Shabu? Nang isusubo ko nang muli ang yosi, napatanga ako. Ang mga kamay ko.. Puno ng dugo! "SHIT!" naitapon ko ang sigarilyo dahil sa gulat. "SHIT!" ulit ko habang pinagmamasdan ang mga kamay ko. Dinampot ni Kape yung nakasinding yosi at dinutdot sa ashtray. "Pare, baket ka nagkakaganyan—?!" Iniwan ko sila sa kwarto at nagpunta ako sa banyo. Hinugasan ko ang mga kamay ko sa sink. Patuloy sa pagdaloy ang malamig na tubig pero parang hindi maalis ang mantsa sa aking mga kamay. Talaga bang papunta na ako sa pagkabaliw ko? Wala bang makakapag explain kung bakit to nangyayari sakin?! Nag-angat ako ng paningin sa salaming nasa harap ko. Nandun siya.. Yung madreng gusto yatang makita akong magdusa sa mental. Inalis ko sa pagkakasahod sa tubig ang mga kamay ko. "Patayin mo na lang ako." sabi ko. Wala namang kwenta ang buhay ko tas nararamdaman ko sa sarili ko na magkakasakit na ako sa pag-iisip. Ang saklap. Kuya.. Bakit mo ako pinabayaang mag-isa sa masalimuot na mundong ito? Mula sa repleksyon niya sa salamin, inilahad ng madre ang kanyang mga palad. "Halika, sumama ka sakin. Aalisin ko ang lahat ng iyong mga pag-aalinlangan." Sumama sa kanya. Saan ba? Sa langit? Dumukwang siya hanggang nasa tenga ko na ang labi niya. "—Sumunod ka sakin. Ituturo ko sayo ang tamang daan.." Bumukas ang pinto ng banyo at lumabas siya. Sumunod ako. **** Shall's POV: Naabutan ko ang prinsipe na kalalabas lang ng banyo. Wala siya sa sarili na naglakad. Hinabol ko siya. "Saan ka pupunta?" Hindi siya sumagot. Blangko ang kanyang mga mata na nakatitig sa malayo. Kanina pa kakaiba ang kinikilos niya. Parang may nakikita siya na tanging siya lang ang nakakakita. Oh di kaya'y may mga bagay na sinadyang siya lang ang makakita? Niyugyog ko ang prinsipe. "Ano ang mga nakikita mo? Sabihin mo sakin!" No response pa rin. Inulit ko. "ANO ANG NAKIKITA MO?!" Wala talaga. May sumagi sa isip ko. Kanina habang nasa stage kami, may sinasabi siya samin. May tumutulo mula sa kisame.. Dugo. "DUGO BA ANG NAKIKITA MO?" Mukhang napasailalim na siya sa matinding ilusyon. Mahinang klase ng kapangyarihan lang yun kung tutuusin. Pero kapag hindi iyon napansin kaagad, posibleng ang biktima ay tuluyan nang lamunin ng mga bagay na hindi naman talaga totoo. May dalawang paraan para kontrahin ang ilusyon. Sakit at Reyalisasyon. Kinuha ko ang daliri ng prinsipe at kinagat hanggang bumaon ang pangil ko. "—Aray.." Lalo ko pang diniinan. Nalasahan ko ang dugo niya. Masarap. Walang katulad. Parang naadik yata ako— "ARAAAAAY!" sumigaw siya at saka pilit na binawi ang kanyang kamay. Mabuti na lang at ginawa niya yun. Baka kasi hindi ko mapigilan ang sarili ko. "Bakit mo ako kinagat?! Aso ka ba?" tanong niya. Aso mukha niya! Pasalamat nga siya at nililigtas ko pa siya eh. PAHAMAK talaga yung mga taong tanga at walang alam. Binabawi ko na yung sinabi ko kanina. Eto na siguro yung tamang panahon para malaman niya kung ano siya. Para naman aware siya at di na ako masyadong maperwisyo. Tumingin ako sa kanyang mukha. "May sasabihin ako sayo.. Pero sikreto lang natin yung dalawa ha?" **** Div Umbra's POV: Natyempohan ko rin si Antonia. Matagal ko na siyang hinahunting pero masyado siyang madulas. Nahila ng anino ko ang kanyang paa habang papatakas siya mula sa isang bar. "Kamusta Sister Antonia. Hindi yata bagay ang lugar na ito para sa isang madreng kagaya mo.." Nawala siya mula sa pagkakagapos sa aking anino. Sa isang iglap, nasa likod ko na siya. "Alam mo naman siguro kung ano ang kailangan kong gawin?" aniya. "—Penumbra!" tinawag ko ang aking kambal-anino. Lumitaw siya mula sa anino ni Antonia. Hinawakan niya ang mga paa ng madre at hinila pababa. Hindi man lang siya pumalag. Lumabas mula sa anino ko ang aking espada na may napakahabang puting tela sa hawakan. Itinutok ko yun kay Antonia. "—Bakit hindi mo na lang siya ibigay sakin? May karapatan ako—" "Karapatan? Nakakatawa. Alam mo Antonia— Hindi mo na kailangang makialam! Maayos na ang buhay niya!" Mukhang nagulat siya. "P-pero.." Inamba ko ang espada. "Tapos na ang oras mo. Siguro naman nakapagdasal ka na?" Kamuntikan ko nang mahagip ang kanyang ulo pero nakasigaw siya. "UMBRA, AKO TO! SI PENUMBRA!" Nabitawan ko ang espada dahil sa sakit na naramdaman ko. May patalim na nakatusok sa isa kong paa. Nalusaw ang katawan ng inaakala kong si Antonia at napalitan ng pigura ni Penumbra. "Nasaan si Antonia?" tanong ko kay Penumbra. "Antonia? Nakita mo siya? Hindi ko siya nakita. Basta bigla mo na lang akong inatake." Bwiset. Naisahan ako ng babaeng hukluban na yun ah. Pinalabas niyang nandito siya pero ang totoo ay gumagamit siya ng ilusyon mula sa malayo. Siya ang bukod tanging nilalang na hindi matunton ni Penumbra. Mahusay siya; gaya ng dapat asahan sa dating saserdote ng pumanaw na prinsipe. Hindi ko siya dapat minamaliit. **** Hio's POV: Bumalik kami ni manika sa 2nd floor. Tinulak niya ako papasok sa isang spare room na katabi ng kwarto kung saan ko naabutan si Choi kanina. Ano bang sasabihin niya sakin? Ipagtatapat na ba niya na type niya ako? Game. Magsabi ka lang nang mabasted kita. Isinandal niya ako sa pader. Nice! Humawak ako sa bewang niya. "Oh sabihin mo na?" pahusky tone pa ako. Bat feel na feel ko yata ang posisyon naming to? Attracted na ba ako dito kay manika? Tog! Sinipa niya yung buto sa binti ko. Napaluhod ako. Pag-angat ko ng ulo ko, may nakapatong nang mahabang espada sa balikat ko. Waah! San galing yung espada niya?! Mas nakakatakot yata to kesa sa nangyari kanina! "P-papatayin mo ako?" Di niya sinagot yung tanong ko. Lalo pa niyang idinikit sa leeg ko ang talim ng espada niya. "Makinig ka prinsipeng bano. Una sa lahat— hay paano ko ba sasabihin yun—?" "—Ano nga?" naaatat na ako ah. "—Hindi ako tao." Sus yun lang? "—Eh ano ka? Bagay? Hayop? Lugar? Pagkain—?" Crack! Natibag niya yung bahagi ng pader sa gilid ko gamit lang ang barehand niya. GANUN KABIGAT ANG KAMAY NI MANIKA?! Seryoso?! O inaatake na naman ako ng kabaliwan? "Pag di ka tumigil sa pamimilosopo mo, matutulad yang mukha mo sa pader na yan." O titigil na po.. Nagsalita siya ulet. "—Hindi ako tao. Kami ni Noir, at pati na yung karamihan ng mga nagpupunta dito.. Mga bampira kami." Opus 13 Hio's POV: Bampira.. Sila. "Talaga?" mahinahon kong tanong. No violent reaction at lalong walang gulat expression mula sakin. In fact, isang pruweba na lang at malapit na akong maniwala sa kanya. Sumagi na rin yun sa isip ko dati pero ayokong ientertain dahil hindi naman ako naniniwalang existing talaga ang mga bampira sa mundo. "—Yun ang katotohanang dapat mong malaman at tanggapin." ani manika. Nagbaba ako ng paningin at dinama ko ang malalim na sugat sa aking daliri. "—Gusto kong makita— ang mga pangil mo." Naupo siya sa harap ko. Ibinuka niya ang kanyang bibig. Sumungaw dun ang mahahaba at mapuputing pangil. Kusang kumilos ang aking kamay upang hawakan yun. "Hindi ka natatakot?" tanong niya. Umiling ako. Kung tama ang naiisip ko, bata pa lang ako ay nabuhay na ako sa piling ng mga bampira. Nakakainis lang dahil nanatili akong ignorante nang napakahabang panahon. Ni wala man lang akong ginawang effort para maintindihan ang mga bagay na hindi sakop ng mga araling itinuro sa akin ng tutor ko. Pinadugo ko ang daliri kong may sugat at hinayaan ko si manika na lasahan yun. Napasinghap siya, nagdalawang-isip; pero sa huli, hinawakan niya ang kamay ko at sumipsip mula sa aking daliri. "—Maraming salamat." sabi ko sa kanya. "Pero may tanong pa sana ako." "Ano?" "Tao ako hindi ba? Bakit ako associated sa mga kagaya ninyo?" Binitawan ni manika ang kamay ko. "—Sa maniwala ka at sa hindi, ikaw ang aming prinsipe." HA? Ako? Sumimangot si manika. "—Bakit ka napatunganga diyan?! Malalaman mo din naman yun sa susunod. Sinabi ko lang yun sayo para magsilbing babala. Makinig ka, marami ang nagtatangkang kunin ka upang maging kaanib; at marami rin ang gusto kang patayin—" Teka teka! Ayaw yatang mag-sink in sa utak ko yung mga sinasabi niya! Bumuntong hininga muna siya. "Intindihin mo ang mga sinasabi ko para na rin sa kaligtasan mo— gaya ng mga tao, may pulitika rin ang mga bampira. Iyon ay ang monarkiya ng kapangyarihan kung saan ang mga malalakas na bampira ay nagkakaroon ng mataas na posisyon. Sa ngayon, ikaw at ang prinsesa ang nasa pinakaitaas na ranggo." Napakamot ako sa aking ulo. Makati lang. "Eh di ba.. Ang laging dapat na pinakamataas ay ang—" "—HARI. Pero walang hari dahil walang reyna." "Anong ibig mong sabihin?" "Pwedeng sabihin na ang prinsipe at ang prinsesa ay dalawang magkahiwalay na pamunuan. Pantay ang kanilang ranggo. Silang dalawa ay may kanya-kanyang mga kaanib at tagasunod. Pero kapag napasailalim ng prinsipe ang prinsesa sa kapangyarihan nito, maitataas na siya bilang hari. At prinsesa na naging reyna ang siyang magsisilbing pinakamalakas niyang tagapagtanggol—" "—Parang sa Chess?" "Tama. Pero kadalasan, digmaan ang kinahahantungan ng mga nagiging prinsipe at prinsesa. Palaban din kasi ang mga prinsesa, ayaw nilang pakasal sa hindi nila mahal, o pwede ring ayaw nilang magpasakop." Hep hep.. Bago ako mawili sa kwento ni manika, dapat kong itanong ito— "Bakit ako naging prinsipe?! Anong kapangyarihan ko? Mang-akit ng mga chix?" Tinitigan niya ako ng masama. "Hindi ko alam. Gusto ko ring malaman kung bakit ka napili at kung ano ang kaya mong gawin bukod sa maglandi sa mga babae." Hardcore naman tong magsalita. Babae kaya ang lumalapit saken. "—Kilala mo ba ang kuya ko? Matagal ko na siyang hinahanap. Iniwan niya ako sa ampunan nung sampung taong gulang pa lang ako." kay manika ko pa lang nabanggit ang topic na ito. Sana may alam siya. "—Kuya? Wala ka namang.. Ano ang pangalan niya?" "Div Umbra.." **** Shall's POV: Nagulat ako sa narinig kong pangalan mula sa prinsipe. Ngalan yun ng Paladin. Siya ang kumupkop sa prinsipe noon?! "—Hindi ko siya kilala." sabi ko na lang. Hindi ko naman talaga kilala nang personal ang Paladin. Nakikita ko siya noon sa mga pagtitipon lamang, tapos nun, wala na. Nakita ko lamang siya ulit noong knight na ako ng prinsesa. Bago yun, naglalakbay ako kung saan saan kaya wala talaga akong alam. Tumayo ako at pinagpag ko ang likuran ng bestida ko. Inalalayan kong makatayo ang prinsipe. "Ngayong may alam ka na, ang gusto ko ay sumunod ka sa lahat ng sasabihin ko at wag kang lalayo sakin. MALIWANAG? " "Bakit?" "Dahil ako ang iyong knight. Sa lahat ng opisyal na meron ka, ako lang ang may kakayahang kumilos nang malaya—" inilapat ko ang aking palad sa kanyang pisngi. "—Kung gusto mong maging hari, magtiwala ka sakin. Gamitin mo ako nang walang pag-aalinlangan." Hindi naman pala siya sing-ungas ng inaakala ko. Siguro naman hindi na siya aalegwa kung saan-saan? Kinuha niya ang kamay ko na nasa pisngi niya. "—Parang hindi tama yun." "Ang alin?" "Babae ka eh. Parang di ko yata kaya na babae pa ang poprotekta sakin." Hmp! DISKRIMINASYON! Binawi ko ang kamay ko dahil sasapakin ko siya. Pero nahawakan niya uli yun. "—Ang sabi mo, prinsipe ako at ikaw ay knight.. Hindi mo ako dapat sinasaktan di ba?" Nagbaba ako ng paningin. Eto na nga ang downside ng pagsasabi sa kanya ng katotohanan! Magmamalaki na siya at magyayabang! Tinalikuran ko siya. "—Wala akong magagawa kung ayaw mo sakin bilang Knight mo. Ito lang ang sasabihin ko sayo, AKO na lang ang knight na may kakayahang prumotekta sayo. Kung ayaw mo akong masaktan dahil nga sabi mo ay BABAE LANG ako... Pwes, wag kang pasaway! Umayos ka at sumunod sa mga precautions ko okay?!" Para siyang bata na humakbang at humarap sakin. Nakangiti siya at pinisil niya ang mga pisngi ko. "KUNG GANUN... HINDI NAMAN PALA AKO NABABALIW! Yesss!" Nababaliw? Iniisip niyang nababaliw na siya dahil sa ilusyon? Tinampal ko ang mga kamay niya para tigilan niya ang pagpisil sakin. "Pero malaki ang chance na iisipin ng iba na nababaliw ka nga kapag kinuwento mo yan kung kani-kanino. Inuulit ko, sikreto lang nating dalawa ang tungkol dito. Kahit kay Noir, wag mo sasabihing may alam ka na—" Hinawakan niyang bigla ang magkabilang balikat ko tapos unti-unti niyang inilalapit ang mukha niya sa mukha ko. "—Kanina, naisipan kong gusto ko tong gawin sayo.." aniya. Ang alin? Halikan ako? Ha! Tama si Coffee. May gusto siya sakin! Ang kapal din ng mukha niya. Pagkatapos niya akong maliitin— Eh anong gagawin ko kung may gusto nga siya sakin? Bubugbugin ko siya? Eh di ba.. Gusto niya ang prinsesa? Nakita ko siya na hinalikan si Medea noon. Bakit ganun ang mga lalake? Kung magpalit ng damdamin parang kasingbilis lang ng pagpapalit lang ng panty?! Halos isang sentimetro na lang yata ang layo ng mga labi niya sa labi ko. Ano kaya ang lasa ng halik niya? Kasingsarap ba ng dugo niya? SIRAAAA! Bakit di ako pumapalag na dapat ay kanina ko pa ginawa?! May pakpak ba ang kabaliwan at may kakayahan itong magpalipat-lipat sa kahit na sino? Kasalanan ng prinsipe na to eh! Nababaliw nga talaga siya at gusto pa yata akong hawaan ng kabaliwan niya! Ah hinde! KASALANAN TO NG KONSEHO! Kung di nila ako ginawang knight ng baliw na prinsipe eh di sana—- Kahit malakas ang tugtog sa ibaba, dinig ko at ramdam ko ang pagkabog ng aking dibdib—- Creak.. Biglang bumukas ang pintuan. "Ay— Sore! De ko alam na may tao pala!" nakangiti si Coffee habang tinitingnan kami. May kasama siyang babae na nakatingin din samin. Shucks! This is hell! **** Hio's POV: PATAY HULING HULI AKO NI KAPE! Tae. Amp. Hio, maghanda-handa ka na sa trololol na gagawin niya sayo! Istorbo din ang hayup! Malapit na eh! "Sino yang kasama mo Kape?" tanung tanung rin. "—Ah! Se Maggie.. Bago kong gerpren!" Mahusay. Panigurado ko, naghahanap lang ang mga to kung saan pwede magwaka-waka. "—Dun kayo sa CR!" utos ko. Hinatak ko si manika palabas ng kwarto na yun. Sinadya kong banggain si Kape. "—Eh kayo saan?" tanong niya pangontra sa sinabi ko. Tangena tong tao na to. WALA AKONG GAGAWING MASAMA KAY MANIKA OKAY? Tinitigan ko siya ng makahulugan. Sige asarin mo ko, aagawin ko yang chix mo! Hindi naman babaero yang si Kape. Kaya lang kasi, pag nag-uuwi siya ng girlfriend sa apartment at nakikita ako, binebreak siya para sakin maghabol. Unfortunately, hindi na nga ako nagsosyota. Si Bakekang nga yata ang destiny niya. Wahahaha. Makaalis na nga. Baka sabihin kinakawawa ko masyado tong si Kape. Tinapik ko siya sa balikat para iparating na kosa pa rin kame kahit lagi kaming nagbabasagan ng trip. Alam naman niya yun. Hawak ko pa rin ang kamay ni manika hanggang makarating kame sa loob ng GIRL'S CR. Palag-palag na yan! Pumasok kami sa isang cubicle at isinandal ko siya sa pader. Pakiramdam ko pag-aari ko siya. Binigyan niya ako ng dahilan para isubmit siya sa aking authority. NAKS! Gusto ko to! Kaya kasalanan niya ang mga susunod na mangyayari.. Tuloy na tuloy na to! Humalik ako sa mga labi niya. Syet! Eto yung halik na— MASARAP! Inosente humalik si manika pero wag ka, nakayakap na sakin! Seryoso, WALA PA BANG NAKAHALIK SA KANYA? Pwede ring ganun na nga. Yung warfreak niya na yun, malamang bugbog sarado na ang lalake bago pa mahawakan ang kamay niya. Oh sige, tuturuan ko siya kung paano humalik.. Humawak ako sa leeg niya. Kinagat ko nang marahan ang ibabang labi niya. Nang naibuka niya ang kanyang mga labi, pinasok ko ang dila ko sa loob ng bibig niya. Obyus, mas nasarapan siya dun. Pero bigla siyang kumalas. NAMANNN! "—Baket?" hinahabol ko ang hininga ko. Breathless eh. "Malapit nang mag-umaga.." sabi niya habang hinihingal din. —— Opus 14 Shall's POV: "—Mag-aalas tres pa lang.." tumingin si tukmol sa relo niya tas ngumiti sakin. Hrrrggh.. Pati ba sa pagtancha ng oras sumasablay na ako?! "Basta umuwi na tayo." demand ko kay tukmol. Naiinis ako. Naiinis ako! NAIINIS AKO! Hindi siya kumikilos. Pinagkatitigan lang niya ako. Feeling niya siya ang panalo saming dalawa. Tama nga yun. Kasi kahit bugbugin ko pa siya, totoo namang nagpahalik ako sa kanya. At kahit kelan, hindi ko na makakalimutan ang halik niya. "ANO?!" Nagkibit-balikat siya pero binuksan na rin niya ang pinto. Nauna siyang lumabas ng C.R. Nagbilang muna ako ng dalawang minuto bago lumabas. Hindi ako hinintay ng walangya. Basta nakita ko na lang siya na nakalabas na at nakaakbay kay Coffee. Pinalilibutan sila ng mga fans nilang mga babae. Yung iba nagpapa-autograph. Lumapit ako sa kanila. "Tama na yan!" hinatak ko silang dalawa para makapaglakad na kami pauwi. Nung malayo na kami sa umpukan, pinagalitan ko sila. "Papansin talaga kayong dalawa ano?—-" "—Nagseselos se Shall pareng Heyo!" "Tumahimik ka. Bilisan ninyong maglakad." "Ba't ba tayo nagmamadali?" tanong ni tukmol. "—Ah kase magwa—- Agaaay!" inapakan ko nga yung paa ni Coffee. Alam ko na kung ano ang sasabihin niya! Mas magandang wag ko na lang marinig! Pagdating sa apartment, dire-diretso akong pumasok sa kwarto at nilock ang pinto. Naghubad ako tas nahiga na sa kama. May kalahating minuto na ang nakalilipas pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Asar! Bumangon ako sa kama at binuksan ang ilaw. Inilibot ko ang paningin ko sa kwarto. May nakita akong nag-iisang lumang libro sa shelf. Stand out siya dahil lahat ng mga katabi niyang libro ay mas maliit at mas bago. So nagbabasa pala ang kumag na yun? Kinuha ko yung lumang libro. Nagulat ako. Divine Comedy yun ni Dante Alighieri. Binuklat ko ang pahina ng unang Canto. Sa kasagsagan ng paglalakbay sa buhay nating ito Nagising ako sa gitna ng madilim na kakahuyan Sapagkat ako ay nagliwaliw palayo sa tamang landas Oh napakahirap sabihin kung saan ba maihahalintulad, Itong kakahuyan ng ligaw, kabangisan at kapalaluhan. Isipin lamang ay muling nagbabalik ang lahat ng aking takot. Isang mapanglaw na lugar, na hindi kayang pantayan kahit pa ng kamatayan. Inferno.. Iyon ang laman ng Canto na nakasulat sa aklat. Saan nakuha ng prinsipe ang ganitong babasahin? Ito ay aralin ng mga maginoo may ilang siglo na ang nakalipas! Halos wala nang nagbabasa nito ngayon. Posible kayang bata pa siya ay inihanda na siya upang tanggapin ang titulo na prinsipe? Naisarado ko ang Divine Comedy dahil may bigla akong naramdamang kakaibang presensya. **** Medea's POV: "Mahal na prinsesa, hindi pa po ba kayo matutulog?" may pag-aalala sa mga mata ng aking mayordomang si Lizette. Isa siyang tao at may katandaan na siya. Naiintindihan niya at tanggap niya kung ano ako. "—Alam mo, kahit ipikit ko ang aking mga mata.. Hindi na ako nakakatulog." Sumulyap ako sa bukas na liham na nakapatong sa bedside table. Sinundan ni Lizette ng tingin ang sulat. "Iyan ba ang nakakapagpabagabag sa iyo kamahalan?" Tumango ako. Summon yun galing sa konseho. Itatakda na nila ang kasal ko sa mahal na prinsipe. Lumapit sa akin si Lizette at ginagap ang mga kamay kong sing lamig ng yelo. "Kung wala sa puso mo ang pagpapakasal, bakit hindi mo ipaglaban ang sarili mo?" "—Hindi ko kaya Lizette. Ang tanging paraan lang na natitira upang makaligtas ako ay ang pagiging reyna.." Kasalanan ko. Naging mahinang prinsesa ako. Halos wala nang naglilingkod na opisyal sa akin at umaasa na lamang ako sa proteksyon ng Paladin. Kapag hindi ako naging reyna, aagawan ako ng titulo ng isang Dukesa na patuloy ang paglakas ng pwersa at kapangyarihan. Hindi lingid sa akin na ginagawa ng mga kaanib niya ang lahat para ako ay mapaslang. Naramdaman kong pinisil ni Lizette ang aking mga kamay. "—Ipagdadasal kita kamahalan.. May awa ang Diyos.." Sana nga ay may awa Siya kahit pa sa mga isinumpang nilalang na gaya ko. **** Hio's POV: Naalimpungatan ako dahil sa isang masamang kutob. Bad—-trip! Wala pa akong five minutes nakakatulog eh! Kinusot-kusot ko ang mga mata ko. Napansin kong bukas at nakaawang nang bahagya ang pinto. "Kape bat di mo sinara ang pinto?" inaantok kong sabi na hindi naman yata niya narinig dahil nasa loob nga siya ng kwarto niya. Thud! Click! Rrrrrrrr.. Natigilan ako dahil may naramdaman akong parang humihinga sa may batok ko. Malamig. Di naman siguro si manika kasi pandak yun. "Kape?" Rrrrrrr.. Anong tunog yun? Mayamaya, nawala yung pakiramdam na yun. "Kape, wag mo nga akong pagtripan nang ganyan?" sabi ko habang kinakapa ko ang switch ng ilaw. Pero bago ko nakapa yun.. May malagkit at mabahong kung ano na tumulo sa ulo ko pababa sa mukha ko. Pinahid ko yun gamit ang kamay ko. Ang LAGKIT! Parang sipon na may glue! "SYET!" pumihit ako at halos mastroke pa yata ako dahil di ko talaga kinaya ang nakita ko. Rarrrrr.. Isang.. Nabubulok na tao ang nakabitin at nakaharap sakin. Kitang kita ko na nakalapat ang mga paa niya sa kisame. Lubog ang kanyang mga mata at ang kanyang bibig ay naglalaway.. Yaaaak! ANONG GAGAWIN KO?! Iikot para buksan ang pinto at tumakbo palabas? Pero maiiwan sina Kape at manika! Dumapa ako at saka gumapang nang mabilis papuntang pintuan ni Kape. Kumalas mula sa kisame yung bangkay at nahablot niya yung isa kong paa. "AHHH! LUMAYO KA SAKEEEN!" binato ko siya ng lahat ng bagay na mahawakan ko habang pilit kong binabawi ang binti ko na hawak niya. Nakarating ako kahit papaano sa pintuan ni Kape. Bang! Bang! "KAPE GISEEENG MAY ZOMBIE DITO HAWAK NIYA PAA KO!!" POTEK! Tulog mantika ang kumag! Maliksi yung zombie. Bigla na lang siyang lumundag at dumagan sa bewang ko. Aray. Potrages. "KAPE ANO BA?! PAG NAGING ZOMBIE AKO IKAW UUNAHIN KONG KAININ!—" Binabatak niya ang ulo ko. Ang sakit ah! Pshooong! May lumipad na palaso at tinamaan sa ulo yung zombie. Sinamantala ko yun para pumalag. Nakawala ako sa kanya pero nahablot na naman niya ang paa ko. Lumapit sa amin si manika. Langya. Naka-underwear na naman siya! Pero bet ko ang kulay. Itim na bikini. Wow ang galing, biglang nagtransform yung hawak niyang pana at naging espada! Tinaga niya ang braso ng zombie. Naputol yun at nakawala ako. Kaso yung kamay, buhay pa rin. Gumapang yun pataas sa binti ko— POTAAAA AYOKO NAAA!! Umapaw yata ang adrenaline ko. Kahit nakakadiri, dinakot ko yung buhay na kamay at ibinato ko. Tumalsik sa dibdib ni manika yung kamay. Parang nanigas siya—- SA SOBRANG GALIT! Naging maso yung espada niya. Crash! Aba't talagang may balak siyang paluin ako ng maso! Buti na lang nakaiwas ako! "HUUUY SORRY NA! DI KO SADYA—!" yung intermission namin na yun, biglang nawala si zombie. Asan na siya? "Ano bang klaseng nilalang yun? Zombie nga?" tinanong ko muna si manika. Vigilante siya at nakikiramdam. "—Gravehunter ang tawag sa kanila. Kadalasang bantay sila ng mga bampirang natutulog sa sementeryo. Kumakain sila ng laman at buto ng tao, bulok man o sariwa— pero hindi sila nakakahawa. Ginawa sila mula sa mga taong patay na gamit ang isang uri ng kapangyarihan." "—kapangyarihan?" "May mga bampirang malalakas pero hindi sila binibigyan ng ranggo dahil ang pinag-uugatan ng kanilang kapangyarihan ay ang kadiliman. Wala silang permanenteng tinitigilan dahil tinutugis sila at pinapatay—" May narinig na kaming kaluskos. Hayun ang gravehunter! Nag-aala spiderman siya at mabilis na gumagapang sa pader, kisame at balik ulit sa pader. Bangis ah. Defying gravity! Lalo akong natakot para sa buhay namin. Hinawakan ko si manika sa kamay. "Tumakas na tayo! Gigisingin ko lang si Kape!" "—Hindi tayo tatakas! Papatayin ko ang peste na yan!" cool ni bikini babe ah. Pinanood ko ang gravehunter na tumawid sa kisame at tumalon nang makalagpas siya. PINANOOD LANG TALAGA. Rrrrrrr... Ramdam ko na naman ang nakakapangilabot na feeling na anytime pag lingon ko, may bubulaga sakin. "DAPA!" hinablot ni manika ang shirt ko. Sa sobrang bigat ng kamay niya nasira yun at nahubaran ako. Hindi rin ako nakadapa, BUMALANDRA lang naman ako sa may pintuan ng kwarto ni Kape! Body pain! Tinagpas ni manika ang ulo ng gravehunter. Gumulong yun malapit sakin. Rarrrrr! Ngumanga pa yung ulo na para bang gusto pa rin niya akong kainin. Lumaki yung espada ni manika, naging parang pugon. Nag-aapoy sa loob nun. Tinipon niya ang lahat ng mga parte ng gravehunter dun at pinalamon lahat sa apoy. Mabilis nacremate yung bangkay at mabilis ding nawala yung pugon. Safe na ba? Tumayo ako at lumapit sa kanya. "Ayos ka lang ba? Sos! Magkakasakit ako sa puso! Ano naman kaya ang susunod na susugod dito? Alien naman?!" "—Siguro kailangan mo nang magkaroon ng kaalyansang Marquis—" Tlaaaak.. Bumukas ang pinto.. NI KAPE! "—Dong, ke ano maaringasa ba dida—" nawala ang antok niya nang makita niya kami. [Dong, bakit maingay ba diyan?] That awkward moment.. Ako, almost topless. Si manika, nakabikini. PAKTAY KA DIHA HIO! Ngingiti-ngiti si Kape habang sinasara ang pinto niya. "—tsk.. tsk.. Uragon ka lage!" Opus 15 Malapit nang sumikat ang araw kung kaya't hinahabol niya ang bawat patak ng segundo upang makabalik sa tahanan ng kanyang master; sa tahanan kung saan ikukubli ng kadiliman ang kanyang katawang mahina sa sikat ng araw. Huminto siya sa tapat ng isang matayog na gate ng pribadong sementeryo. Bumuwelo siya ng kaunti bago tumalon. Sa patuloy niyang pagtakbo, nadadaanan niya ang mga puntod ng mga kung sinu sinong pumanaw na. Hindi niya kilala ang mga ito sa mukha. Pero sa tinagal tagal niyang naninirahan dito, kabisado na niya ang lahat ng kanilang mga pangalan, petsa ng kapanganakan at kamatayan.. Wala nang oras! Ang kalangitan ay kulay kahel na! Pero swerteng nakaabot pa rin siya. Pumasok siya sa loob ng isang napakalaking musuleo na may malaking estatwa ni Arkanghel Gabriel at ng dimonyo. Naroroon ang kanyang master. Nakatingala sa napakalaking Krus sa pader na may imahe ni Hesukristo. Lumapit siya dito at humalik sa paa niyon. "Master.. napatay po ang aking gravehunter. Patawad po—" Ngumiti ang kanyang master at ginulo ang kanyang buhok. "Hindi. Ayos lang ang ginawa mo, Europa. Nasisiguro kong nagustuhan ng mahal na prinsipe ang iniregalo natin." "—Ni hindi ko man lang nagalusan si Galatea. Magsasanay pa po akong maigi upang makalikha ako ng higit sa isang gravehunter.." "Yan ang gusto ko sa'yo Europa.. Gutom ka sa kapangyarihan. Siguradong malayo ang mararating mo. Maniwala ka." **** Hio's POV: "Aray putcha! Dahan-dahan naman ba?" pinagalitan ko si Kape. Paano isa pang mabigat ang kamay! Nagpapalagay ako ng salon pas sa likod ko. Namaga eh. Naaalala niyo? Binalibag ako ni manika kagabi di ba? Pagkatapos ilagay ni Kape yung anim na salon pas, naupo siya sa harap ko. Ngiting aso. "Pare ang swerte mo ke Shall. Daeg mo pa nanalo ng lotto! Beruin mo, cariño brotal ang genagawa sayo!" Cariño brutal my ass. Okay nga sana kung sa waka-waka ako nasasaktan eh. Kaso wala! Battered housemate lang talaga! "—Pareng Kape.. Sa maniwala ka at sa hinde.. MATAGAL NA AKONG FASTING! Kaya pwede wag kang masyadong berde mag-isip dyan?!" Kelan ba ako last na nakipag-waka-waka? Hmm.. 1 month ago? Tagal na pala. Kaya naman yun ng kahit na sinong lalake, basta wag lang nilang isiping natitigang sila. "Pisting yawa. Hule ka na dong! Wag ka na magkaela! Kwento namaaaan!" Sinako ko ang mukha niya ng kamay ko sabay tayo sa sofa. "Oo kekwentohan kita PAG NAGAWA KO NA NGA!" Okey. Nahalikan ko na si manika. Pero waka-waka?!— Pwede.. Kaso ano ang basis para gawin namin yun? Trip lang? Tae. "—Pare hain ka?" Nilingon ko si Kape. "—Pupunta ako sa hospital. Dadalawin ko si Choi. Sama ka?" Pang tanga na tanong. Alam kong di siya sasama dahil di sila magkasundo ni Choi. Madalas highblood yun kay Kape dahil nasusulot lage nito ang mga chix niya. Eh kung di ba naman timang ang Choi na yun. Me asawa at anak na tumitikim pa ng ibang ulam. "—De na! Itutulog ko na lang. Ekamosta mo na lang ako sa kanya. Engat ka pare." kahit ganyan si Kape sa kaaway, di naman niya ipagdadasal na sana matuluyan na yun. Tinext text ko mga bandmates ni Choi. Sa Jose Reyes daw siya ngayon nakaconfine. Emo ang genre ng banda nila pero yung personality nila kapag wala sa stage, parang kami lang din nila kape; murahan, gaguhan. Kaya di ko rin maisip kung bakit nagawa ni Choi ang maglaslas na tipong buwis-buhay. Nagcommute lang ako papunta dun. "—Totoy, no watcher’s pass no entry. At hindi pa oras ng dalaw!" hinarang ako kaagad ni manong guard. Itinuro niya ang katamtamang laki ng blackboard sa tapat namin. Oras ng dalaw: 4:30pm. Anong oras na? 2:00pm. Pag hinintay ko pa ang 4:30, gagabihin ako. Hahanapin na naman ako ng asawa kong nagger, este ni manika. Taena naman kasi dapat sa private na lang nagpaospital si Choi para di na ako nakikipagpatintero sa guard. Lumibot ako sa kabilang entrance. Puro mga doktor at staff lang ang pinapapasok dun. Asaaar! Bumalik ako sa main entrance. Bahala na. Magdadahilan na lang ako. "—Boy bat ang kulit mo—?" nagtama ang aming paningin. Natigilan si manong guard. Natulala. Pwede na ba akong pumasok? Nagtuloy tuloy ako sa loob ng makitid na corridor tapos umakyat ako ng hagdan. May elevator naman kaso baka tumirik yun. Habang hinahanap ko ang ward ni Choi, napapatingin ako sa kung saan saan. Di rin nakatakas sa aking paningin ang mga nagpapanggap na pasyente. At alam ko kung ano talaga sila.. Mga nagkukubli mula sa sikat ng araw; mga nagbubungkal mula sa mga wastebasket para sa mga itinapong bloodpack; at yung iba na nagkakasya na lamang dilaan ang duguang benda. Kung ang mga mahihirap na tao ay tumitira sa iskwater, ang mga mahihirap na bampira naman ay namamahay sa ospital. Opinyon ko lang yun. Wala naman silang sinasaktang tao dahil siguro may nagbabantay sa kanila. Dinatnan ko si Choi na natutulog sa ward niya. Dahil charity ward yun, marami siyang kasama. Sampu yata ang kama na nasa loob ng ward, at pito dun ay may nakahigang pasyente. "Hio, paano ka nakapasok?" manghang tanong sakin ng ka-live in ni Choi na si Zyra. Kaedad ko siya at mas matanda samin si Choi ng limang taon. May anak na sila, isang taong gulang, tas heto, malaki na naman ang tiyan ni Zyra. Chix 'daw' dati yang si Zyra sabi ng mga taga Capella. Kaso ang naabutan ko nang Zyra ay payat, maitim at di na palaayos. Tingin ko nga, nagdodroga pa ata siya. Kunsumido kay pareng Choi. "—Nagmagic ako." pabiro kong sabi. "Nagpunta na ba dito sila Rhien?" tinutukoy ko yung mga kabanda ni Choi. Puro tao ang members ng Capella kaya uso naman siguro sa kanila ang dalaw. "Kagabi nandito sila. Hindi ko alam kung dadalaw mamaya—" Grabe ang inet dito. Hot na mga pasyente. Dapat aircon! Napasulyap ako sa table. Madaming papel na nakaipit sa bote ng mineral water. "—Ano ang mga yan?" itinuro ko. "Ah, mga reseta.. Yung iba kagabi pa ibinigay, tas meron ulet." parang maiiyak na ang boses ni Zyra. Wala silang pera?! Ganun ba kaliit ang komisyon nila at hindi nakakabuhay? Eh sabagay, iba ang handler ng Capella. Kami ni Kape, hindi bar ang nagpapasweldo samin eh. "—Oh eh panu ngayon yan?" tanong ko. "Humingi na ako ng tulong sa mga magulang namin, pati na sa mga kaibigan. Kaso wala pa din." Paubos na rin ang dextrose ng pasyente. "Halika Zy, may sasabihin ako sayo." hinatak ko siya palabas ng ward. Nung nasa isang sulok na kami, dinukot ko ang wallet ko. Meron dung nine thou na cash. Tinira ko yung five hundred pangtaxi ko tas binigay ko yung eight five kay Zyra. Eto yung mga pagkakataong nagpapasalamat ako dahil wala akong binubuhay na pamilya, hindi ako batang ama, at hindi ako nagdodroga. Yung pera ko, tambay lang. Kaya wala akong panghihinayang. Nahihiyang ngumiti si Zy. "—Hayaan mo babayaran—" "Wag na, hindi naman akin galing yan, bigay yan ng manager nila, pinaabot lang sakin." ang sinungaling ko rin eh no. "—Basta unahin mo na yung mga kailangan dito sa ospital para walang problema. Pag may kulang—" si Kape na magbubuno.. De joke. "—Tawag ka lang." Nagpaalam na ako sa kanya nung oras ding yun. Wala naman akong sasabihin kay Choi kung sakaling magising siya. Di naman ako pari para pangaralan siya. Sa dulo ng corridor, may tatlong tao na parang pinagmamasdan ako. Dalawang babae at isang lalake. Yung dalawang babae sa palagay ko ay mga doktor dahil sa suot nilan puting coat at puting slacks. Yung lalake ay pasyente. May benda ang kanyang braso at naka-sling sa kanyang leeg. Bumulong siya sa isang doktor, at ang isa naman ay lumapit sakin pagdaan ko. "Magandang araw sa'yo. May dinalaw ka bang pasyente?" uso tsismisan dito sa hospital dahil yun ang next to goodness na past time ng mga bantay, pasyente, doktor at nurse; hindi ko lang expected na ganito pala kataas ang level ng kanilang pagka-FC. Nakaka-culture shock lalo na nang hawakan ni doktora ang ilang hibla ng aking buhok. Chix din siya. Sobra nga lang sa pagkapula ng mga labi niya, at talagang pinaglaruan niya ang buhok ko. May kamay na nag-alis ng kamay ni doktora. Isang nurse naman. Tas siya naman ang humawak sakin, pero sa siko naman. Amp! Ang dami palang chix dito sa ospital! "Doktora, hinahantay ka na ng mga pasyente mo." angas ni nurse ah. Iginiya niya ako palayo sa tatlo. "Kahit sa liwanag, may lilim na maaaring magkubli sa mga mapanlinlang. Mag-iingat ka." Bumitaw si nurse sa akin nang nasa tapat na ako ng malaking bintana. Hindi na siya maaaring sumunod pa mula dun dahil na rin sa sikat ng araw. "May.. ranggo ka ba?" kusang lumabas yun sa aking bibig, di ko lang napigilan. Ngumiti ang magandang nurse. "—Ang mga opisyal po na nandito ay mga Baronet, kamahalan." Baronet.. Itatanong ko pa sana kung ano ang kapangyarihan ng gaya nila, kaso naisip ko, mahirap ang maraming alam. Iba na lang ang itinanong ko. "Anong pangalan mo?" "Ophelia, kamahalan.." **** Io's POV: Akalain mong napakaliit ng mundo. Wala sa hinagap kong magagawi dito ang prinsipe. Hindi niya ako namukhaan dahil gamit ko ang tunay kong anyo. Pero siya, hinding hindi ko malilimutan ang kanyang pagmumukha. Lalung lalo na ang ginawa niya sa kamay ko! Mabilis gumapang ang iginawad niyang sumpa. Naglaho na ang kalahati ng aking braso. Sa ngayon ay nasa ilalim ako ng pangangalaga ng mga Baronet na hindi sang-ayon sa pagtatalaga ng prinsipe. "—Peste talaga ang Ophelia na yan Lord Io. Makukuhanan na sana namin ng dugo ang prinsipe!" ani Elara. Siya ang lumapit kanina sa prinsipe. "May nalaman ka ba?" tanong ko. Kailangang makontra namin ang sumpa sa lalong madaling panahon! Itinaas ni Elara ang kamay niyang may hawak ng isang pirasong buhok. "Wala. Pero tao siya Konde.. Maaari ko siyang kulamin basta iutos niyo lang." Kulamin.. Napangiti ako. Magandang ideya. Opus 16: Elara's POV: Wala nang iba pang magandang pagkakataon kundi ngayon upang gawin ang binabalak kong pangungulam. Dito ko iyon isasagawa, sa isang madilim na kwarto na ang tanging liwanag lamang ay nagmumula sa mga kandilang nakapalibot sa akin. Gumuhit ako ng isang pentagram gamit ang isang yeso. Tapos ay inilagay ko sa gitna ang voodoo doll na naglalaman ng buhok ng prinsipe. Kumuha ako ng patalim at sinugatan ko ang aking palad. Umagos mula sa sugat ang masaganang dugo. Ipinatak ko yun sa ginuhit kong pentagram. Tila ba naglakbay sa bawat linya ang aking dugo. Nang humalo na ito ng tuluyan sa yeso, umilaw ang pentagram. "—Hay, masyadong malamya yan Elara.. Bakit hindi na lang natin siya barangin?" dumantay sa likuran ko si Naiad. Kasama ko siya kanina nang kitain namin ang prinsipe. Eksperto siya sa pambabarang. Kapag binarang ang isang tao, tinutubuan ito ng mga nakakadiring sugat at nilalabasan ng kung ano anong insekto. Gusto ko ngang ganun ang sapitin ng prinsipe. Pero— "Tanga ka ba Naiad? Masyadong obvious yun! Kung papatayin natin siya, mas maganda kung walang nakakaalam ng pinagdaanan niya kundi siya lang!" Inirapan ako ng gaga. "Sige, ikaw na ang bahala!" Umupo siya sa isang silya upang manood na lang. Naglabas ako ng malaking karayom. At itinusok ko yun sa— **** Hio's POV: —Lalamunan. Biglang sumakit ang lalamunan ko na para bang may tumusok na kung ano. Naubo ako ng maraming beses. "—Pareng Heyo, ayos ka lang?" Ibinuka ko ang bibig ko para sagutin si Kape.. Kaso.. Kamote! Di ako makapagsalita! Pero deadma lang. Sinukbit ko sa aking likuran ang itim na bag na naglalaman ng gitara ko. Ako na ang nagbukas ng pinto. Blag! Bigla na lang akong bumagsak. Amp! Sobrang sakit ng ulo ko! "HEYO PARE?!—" nahintatakutan si Kape. Hindi ko talaga siya makausap kahit anong gawin ko.. Ang lalamunan ko.. Ang ulo ko.. Ang.. Araaay.. BUONG KATAWAN KO MASAKIT! "—Shall?! SHALL! YONG ASAWA MO NAESTROK NAAAA!" PAKYU KAPE! Anung ASAWA sinasabi mo diyan?! Paa lang ang nakita kong naglakad papalapit. Si manika na yata yun. Kahit kasi ang mga mata ko ay hindi ko na maigalaw. May nagtanggal ng bag ko at itinihaya ako. Parehas na nakatunghay sakin sina Manika at Kape. May sinasabi sila na di ko maintindihan dahil ang labo ng pandinig ko.. Ano na naman itong pinagdadaanan ko? Kailan ito matitigil? Kapag patay na ako? **** Shall's POV: Positibong may umaatake na naman sa prinsipe mula sa malayo. Nakasisiguro akong hindi na yun ilusyon. "—Coffee, umalis ba siya kanina habang tulog ako?" "Oo.. Pumonta seya ng ospetal kanena. Denalaw se Choi—" Mga Baronet. Sila kaagad ang sumagi sa isipan ko. Mga Baronet ang may pinakamababang ranggo sa mga nobles. May kakayahan silang manggamot ngunit maaari ring kabaligtaran. Sinasabi ring ang ilan sa kanila ay natuto ng pangungulam at pambabarang.. Hindi kaya— Ah! Pupunta ako ng ospital! Kailangang managot ang gumagawa ng ganitong kalapastanganan! Pero.. Hindi ko pwedeng iwan ang prinsipe. Paano kapag may biglang sumugod dito?! Kinuha ko ang cellphone at nagdial. Ring.. Ring.. "Hello Noir?" **** Noir's POV: "—Hello Shall?" sinagot ko ang tawag ng kapatid ko. Alam ko na to eh. May gana lang naman siyang tumawag sakin pag may ipapagawa siya. "—May kumukulam sa prinsipe!" Napatuwid ako ng upo. Hindi na ba talaga matatapos ang unos sa buhay ni Hio? UNLI BA? Pansin ko, simula nang dumating sa eksena tong si Shall, puro kamalasan ang inaabot ni Hio. Kawawang bata. "May kumukulam.. Baronet ba ang may gawa?" "OO! Pumunta ka dun sa ospital na pinagdalhan kay Choi, at ikaw na ang bahala. BILISAN MO DAHIL WALA NANG ORAS.. BAKA—-" Binabaan ko ng phone si Shall at mabilis na kumilos para pumunta sa ospital na tinukoy niya. Bahala na kahit sumugod ako nang walang Knight na kasama. Pagtuntong ko sa lugar, sinalubong ako ng isang Baronet na babae. Nakasuot siya ng unipormeng pangnurse. "Mahal na Baron, napasyal ka yata? Ano ang aking maipaglilingkod sa inyo?" "Ano ang pangalan mo? Ilan ang Baronet na nandito bukod sayo?" Napaisip siya sa mga itinanong ko. "Tatatlo lang po ang Baronet na nakatalaga dito. Ako po si Ophelia. Ang dalawa pa ay sina Elara at Naiad." Pingmasdan ko siya. "Kung ganun, isa sa inyong tatlo ang nagpapahirap ngayon sa mahal na prinsipe." "Po?" "Ang sabi sakin ng Knight niya—-" "Nagpunta nga po dito ang prinsipe. Nilapitan siya kanina ni Elara—" Ginagap ko kaagad ang kamay ni Ophelia. "ITURO MO KUNG NASAAN SI ELARA! BILISAN NATIN!" Pumasok kami ng lobby. Pinagana ko ang aking kapangyarihan. Lahat ng taong naririto ay mawawalan ng pandama sa oras. Tumigil kaagad sa pagkilos ang mga tao; ang mga bampira naman ay nagsilapitan sa amin. Tila mga sabik sa atensyon ng isang noble. "Mahal na Baron.. Kamusta?" bumati ang isang matandang bampira. Nagbulungan naman ang mga mas bata sa kanya. "Makinig kayo, ang pakay ko kung bakit ako naririto ay ang Baronet na nagngangalang Elara. Gagantimpalaan ko ang sinumang makakatulong sa akin." Ang iba ay nangilag ngunit marami ang nagmatapang. Sumunod sa amin ni Ophelia ang mga bampirang interesado sa gantimpala. **** Elara's POV: "MATAGAL PA BA YAN?" reklamo ni Naiad na hindi mapakali sa upuan. "Matatapos na. Tatapusin ko na ang buhay niya—" Inilubog ko sa isang palangganang puno ng tubig ang voodoo doll. Tiyak na wala na siyang kawala. Mauubos ang kanyang hininga at mabilis na siyang mababawian ng buhay. **** Shall's POV: Ano bang ginagawa ni Noir?! ANG TAGAL! Alam kong malakas ako. Pero bakit wala akong magawa pagdating sa mga ganitong uri ng laban? "Shall, dalhen na naten seya sa ospetal!" Istorbo ang tao na to! Lalong di ako makapag-isip! Hinampas ko si Coffee sa may batok, doon sa daanan ng hangin papuntang utak. Mabilis siyang nawalan ng malay at napahiga sa tabi ng prinsipe. Hay.. Paano na to?! Umubo ang prinsipe. Nagbago rin ang kanyang paghinga. Para siyang kinakapos ng hangin. Isinandal ko ang aking ulo sa dibdib niya para mapakinggan ang tibok ng puso niya. Pabagal nang pabagal yun. Napayakap ako sa kanya. Hindi ko matatanggap to.. Hindi siya pwedeng mamatay sa piling ko. Ginagawa ko naman ang lahat para pangalagaan siya pero—- Ano tong nararamdaman ko? Napagtanto ko na lang na lumuluha na pala ako.. **** Hio's POV: Hindi ko na kaya.. Hindi ako makahinga.. Nanlalamig ang katawan ko. Para akong nilublob sa isang mababaw na ilog. Nakikita ko ang tubig sa ibabaw ko. Kaya ko sigurong umahon kung nakakakilos lang ako. Hindi umalis sa tabi ko si manika. Nag-aalala siya dahil hindi niya alam kung paano niya ako tutulungan. Iniangat niya ang ulo niya at tumingin sakin. May mga luha sa mga pisngi niya. Umiyak ba siya? Iniyakan niya ako? TALAGA?! Langya. Di ako sanay na ganun siya. Ang pasaway ko talaga. Tatanggapin ko na lang ang kamatayan ko para wala na siyang aalalahanin. Fail talaga ako. Prinsipeng wala na ngang silbi, puro kamalasan pa ang dala. Ubos na ang hangin ko. Pinabayaan ko nang pasukin ng tubig ang baga ko. Ipipikit ko na lang ang mga mata ko nang may kung sino ang dumukwang sa tubig. Inilubog niya ang kanyang mukha. Sa pagkawala ng mga bula, unti unti kong nakilala kung sino siya. Ang baliw na madre. Bumuka ang kanyang bibig. Waw. Nagsasalita siya habang nakalublob sa tubig. "Parusahan mo ang mga nagkasala.." Narinig ko siya. Parusahan ang mga nagkasala? Paano? Ang gusto ko lang naman ay mawala ang tubig na lumulunod sakin; at mawala ang gumawa nito.. Mawala.. **** Noir's POV: Sinipa ko ang pinto ng isang kwarto na sinasabi nilang opisina ni Elara. May tumiling babae pero hindi yun dahil sa pwersahan kong pagsira sa pinto. Ang sumigaw na babae ay nakatingin sa isa pang babae na nakaupo sa sahig. May kakabi sa kanya. Nanlalabo ang kanyang buong katawan. Parang, gaya sa mga multo sa pelikula. Lumapit ako sa kanya. Katapat lang niya ang isang pentagram. Sa gitna ng pentagram ay may palangganang walang laman. "IKAW SI ELARA?!" hinawakan ko siya pero tumagos lang ang kamay ko. Nagkagulo ang ibang bampira pagkakita sa kanya, pero siya, kalmado lang. "Ang prinsipe.. Pinarusahan niya ako dahil sa aking kapangahasan. Dapat sana ay pinangilagan ko na siya nung una pa lang.." Lalong naging malabo ang kanyang pigura. Para siyang unti-unting naglalaho. Iyon na ba ang tunay na kapangyarihan ng prinsipe?! Nakakapangilabot. Ilang saglit pa ay nawala na nang tuluyan si Elara.. ... ... … Teka.. Bakit ako.. nandito?! "—Bakit ako nandito?" may nagtanong sa aking likuran. Si Ophelia. Nagpalinga-linga ako. Ang alam ko, may tinutugis kame.. Pero di ko maalala kung sino at kung bakit.. Posible ba yun? "Kanino bang kwarto ito?" tanong ko. Lahat sila ay umiling. Pare-pareho kaming walang ideya. Hay nako.. Kaysa magtangahan kaming lahat dito.. Makaalis na lang. Lokong Shall yun ah. Pinapunta punta ako dito tas wala naman pala akong gagawin. **** Hio's POV: TOTOO?! Mabuti na pakiramdam ko?! Hindi na ako nalulunod? Wala nang masakit?! FREAKING SYET!! Bigla akong bumalikwas, wala sa isip kong nakapatong pala sakin si manika. "Magaling ka na?" tanong niya agad. "—Bakit? Nagkasakit ba ako?" "May.. Ewan ko. Hindi ko alam.. Pero— kasi. Ah basta hindi maganda ang lagay mo kanina eh—" Taena. Di ko nagets? Binayo niya ako hanggang sa naubo ako. "Kainis kaaa! Pinag-alala mo ako! Tas di ko maalala—-" Hinawakan ko ang magkabilang pisngi ni manika tas hinalikan ko siya. Ang dami pang satsat eh. Oh di natahimik siya. Opus 17 Hio's POV: Hay.. Nawiwili na ako dito kay manika. MAS masarap pa pala ang second kiss kaysa sa first kiss? Pagkatapos ng halik namin, niyakap ko siya. Ganito pala yung feeling kapag may nag-aalalang chix sa tabi mo ano? Pero di ko pa din masasabi kung in-love ako. Siguro dapat maging friends na kami nito ni manika. Tas bahala na kung magkadevelopan o hindi. Brr.. Ganto nga siguro mag-isip ang lalaking sabik sa girlfriend. Lalo kong hinigpitan ang yakap ko. Ang bango niya eh. Pagtingin ko kay Kape, pakurap kurap siya. Powtek. Hule na naman ako. Last minute akong kumalas kay manika. Siya namang bangon ni Kape. As usual, mapang-asar na naman ang ngiti niya. Sarap niyang upakan. LAGI NA LANG SIYANG TIMING! "—Ah.. Tara na, baka hinahantay na tayo ni Noir!" pagkasabi ko nun, sabay tayo ako. Kinuha ko ang guitar bag ko at nagpaunang lumabas sa kanila. Sumunod na lumabas si Kape bago si Shall. Ako ang naglock ng pinto tas inabot ko kay kape ang susi. Nung nagstart kaming maglakad, tinulak ko siya para mauna siya samin. Lumingon lang siya isang beses tapos mas binilisan pa niyang maglakad. Pasimple kong hinawakan ang kamay ni manika. As in yung mga daliri ko, nasa pagitan ng mga daliri niya. Hindi naman siya nagrereklamo eh. Maliit yung kamay niya. Parang nakipagholding hands lang ako sa bata. Nakangiti ako na parang engot. "Tayo na ba?" mayamaya ay tanong ni manika. Muntikan ko nang makagat ang dila ko. Wow pare, HEAVY! Sana itinanong na lang niya kung gusto ko ng french fries at baka masagot ko kaagad. "—Hindi pa naman kita nililigawan eh." katwiran ko. Na-offend ko ba siya sa sinabi ko? "Ligawan mo ako." parang utos ah. Si manika.. LILIGAWAN KO?! End of the world ba bukas? "—Eh sasagutin mo ba ako pag niligawan kita?" "Anong sagot?" maang niyang tanong. Tangena.. NAGKAKAINTINDIHAN BA KAMI? Iisipin ko muna ha.. Si manika bilang girlfriend.. Maganda. Sexy. Petite. Singer. Warfreak. Mainitin ang ulo. Nambubugbog. Suma total.. DUSA! Napakamot ako sa ulo. Sabagay hindi naman ako makakatakas sa kanya either way. Knight ko nga pala siya. Ang prinsipe, umibig sa kanyang knight. Parang sa fairytale. Asteeg. **** Shall's POV: Ako, nagpapaligaw sa prinsipe. Tatawanan ako ni Noir kapag narinig niya yun na nanggaling sakin. Siguro nga ay may namumuong pagtingin dito sa puso ko para kay tukmol. At siguro, mali ang mga susunod na mangyayari DAHIL gusto ng lahat na makasal ang prinsipe at prinsesa. PERO— Nasanay akong nakukuha ko ang lahat ng bagay na gusto ko. Ipinaglalaban ko yun kung kailangan. Narealize ko lang na.. ang tanging gusto ko lang ngayon, ay ang halik ng prinsipe! Maiinis siguro ako kapag may ibang aagaw nun sakin— Bumitaw sakin si tukmol. Napatingin ako sa kanya. "—Nandito na tayo." aniya. Ah talaga? "—Mahal kong Patricia!" may sumigaw sa likuran namin. Parang kilala ko na kung sino. Hinarapan ko siya. "Lord Holic, ikaw pala.." isang Marquis nga pala itong si Holic. Kailangang mapaalyansa ko siya samin. Gaya ng dati, kinuha niya ang kamay ko at humalik sa likod ng palad ko. Bigla na lang hinila ng prinsipe ang kamay ko at halos kaladkarin niya ako papasok ng bar. Binitawan lang niya ako nung nasa tapat na kami ng pintuan ng dressing room. "Ano ba?" tanong ko. "—Sino yun? Bat may pahalik-halik pa sa kamay mo?" Kainis! Hindi ba niya alam na para sa kabutihan niya ang pagpansin ko sa Marquis na yun?! "—Marquis ang bampira na yun. Marami siyang maitutulong satin—" "—Hindi ko siya kailangan." kaagad niyang sagot sakin. Bumalik na naman ang pagkamayabang niya. "Nagseselos ka siguro?" Natigilan siya. "Ako? Magseselos? Fuck that." Grrr.. Gusto talaga niya yung masasaktan siya eh! Itinaas ko ang kamay ko para hampasin siya— Pero may bigla akong naramdamang kakaiba sa kanya. Sa tingin ko.. Tingin ko lang.. Nagpalit ng kulay ang mga mata niya. Mabilis na mabilis lang. Tapos nun, parang may nangyayaring kakatwa sa paligid namin.. Natutuklap nang kusa ang pintura sa pader.. Naglalaglagan bigla ang mga alikabok galing kisame. Ang sabi sakin ng konseho, kahit isa siyang damphir, posibleng lumabas pa rin ang kanyang kapangyarihan. Itinanong ko kung ano ang kapangyarihan ng prinsipe, maging ng kanyang pumanaw na ama. Ngunit tikom ang kanilang bibig. Pero ngayong pinagmamasdan ko ang prinsipe, naisip kong ayokong makita ang kapangyarihang iyon kahit pa gaano ako kacurious. Baka matakot lang ako. Ayoko siyang katakutan. Mas gusto kong may kontrol ako sa kanya. Nasanay ako at sinanay niya ako na ganun kami. Kinalabit ko siya. "HOY—!" Tila natauhan si tukmol. Awa naman at natigil ang komosyon sa paligid. "Ano nga ba uli yun?" Binuksan ko ang pinto at di ko siya pinansin. Tumabi ako kay Coffee na tinitipa ang kanyang electric guitar.. Sinabayan ko ng kanta ang himig na nililikha niya. Nobody knows who I really am I never felt this empty before.. Umupo si tukmol sa harap namin. Tahimik siyang nakinig sa jamming namin ni Coffee. But if I ever need someone to come along Who's gonna comfort me and keep me strong? We are all rowing a boat of fate The waves keep on coming and we can't escape—- Tumayo si Noir mula sa desk niya at pumunta sa gitna namin. May inilapag siyang sandamakmak na envelopes sa coffee table. "—Oh ano yan?" tanong ko. Kung fan letter lang, di ako interesado. "Requests mula sa iba't ibang recording company. Madami na ang gustong kumuha sa ForMad as a recording talent. Anong gagawin natin?" Ano ba ang goal ng ForMad in the first place? Ang sumikat ba? "—Asteg, gagawa na tayo ng albyum!" ani Coffee. Pero si tukmol, tahimik lang sa upuan. Aaminin ko, gusto ko na ang ForMad. Gusto ko na ang buhay rakista. Gusto ko na rin ang mga kagrupo ko. Ngayong may chance para magkaroon pa ng higit na dahilan para magpatuloy ang ForMad.. Bakit hindi? Inabot ko ang isang envelope. "Yung ibang banda, halos ialay na ang buhay magkaroon lang ng break. Tayo, heto na— kaya pumili na tayo ng company sa lalong madaling panahon—" Pansin kong may pag-aalala sa mata ni Noir. "—Pero Shall.." Ah walang pero pero! Kumuha uli ako ng isa pang envelope. Pumatong sa kamay ko ang kamay ni tukmol. Nagkataong pareho kami ng gustong damputing envelope. Saglit kaming nagkatinginan. Binawi niya ang kamay niya ngunit ngumiti siya sakin. "Nakapili na ako." announce ko at iwinagayway ko ang pangalawang envelope na yun. "Seryoso ka Shall? Ni hindi mo pa yan binabasa ah?" amused na napatanong sakin si Noir. Bahala siya. **** Hio's POV: Pagmulat ko ng aking mga mata, nasa harap ako ng isang napakalaking itim na gate. Tas nakatuntong ako sa mababaw na tubigan. Hanggang sakong lang ang tubig. AY POTA! MAY MATA ANG GATE! Nalaman ko yun kasi dumilat yun. Parang mata ng palaka na nakausli. "Master koo.. Salamat sa pagkain! Matagal na akong gutom.." WAAAH! SYET! May bibig si manong gate! Masangsang ang amoy nang ibuka niya yun. Napaatras ako.. Konti lang. Tumama ako sa isang salamin na wala yatang katapusan ang haba at taas. Repleksyon ko lang ang nakikita ko at wala ang repleksyon ng nagsasalitang gate. Hinarap ko si gate. "Anong pagkain? May gate bang kumakain?!" TAE NABABALIW NA NAMAN AKO! "PAGKAIN!" Sigaw ng gate. Nabingi pa nga yata ako dun. Binuksan niya ang kanyang sarili. Nahati ang kanyang bibig dahil nasa gitna yun ng bukasan. Lalong tumindi ang masangsang na amoy. Napasandal na naman ako sa salamin dahil sa nakita ko. "Mahal na prinsipe! Patawarin mo po ako.. Maawa ka, pakawalan mo ako!" Kilala ko talaga siya eh! Siya yung chix na doktora sa ospital! BAKIT SIYA NANDUN?! At bakit—- Naaagnas na ang kalahati ng kanyang katawan, luwa ang isa niyang mata at may lumalabas na nana kung saan saan. Puno rin ng butas ang katawan niya at may mga labas masok dun na mga uod. Gapos siya ng napakaraning itim na galamay. Bahagya ko siyang nilapitan. "Bakit ka.. Napunta dito?!" Teka nga, di ba ang dapat kong tinatanong ay kung BAKIT AKO NANDITO?! Nagulat ako dahil para siyang gagamba na gumapang palabas ng gate. Nahablot niya ang paa ko. "—BITAWAN MO AKO!" sigaw ko. MAS KADIRI siya sa malapitan. Gustong bumaligtad ng sikmura ko! "Prinsipe maawa kaa, hindi ko na uulitin.." Umiiyak siya na tumatawa. Ewan, pati ako mababaliw na din dito sa lugar na to! Nabitawan niya ako dahil hinihila siya ng mga galamay pabalik sa loob ng gate. "BAKIT DI MO SIYA PAKAWALAN?!" kausap ko ang gate. HAHAHAHAHAHA Hindi ako yung tumatawa pero kaboses ko yung tumatawa. Mula yun sa likuran ko. Humarap ako at lumapit sa salamin. Repleksyon ko lang ang nakikita ko. At— HOLY MACARONI! Gumalaw ang repleksyon ko kahit di ako gumalaw! "ANG TANGA MO RIN ANO? IKAW ANG NAGPADALA SA KANYA SA LOOB NG TARANGKAHAN! Hahahahaha!" Badtrip ah. Hindi naman ako tumatawa ng ganyan kalutong! "Sino ka ba?" Huminto siya sa kakatawa at tumingin sakin. Napaatras ako dahil nagbago ang anyo niya. Dala pa rin niya ang anyo ko pero nagkaron ng mga itim na tattoo ang kalahati ng kanyang mukha at katawan. Namula ang kanyang mga mata. Umitim ang kanyang bibig. "SINO AKO?! Ako ang dapat na nandiyan ngayon sa kinatatayuan mo!" Change mood yata si tanga. Galit na galit siya saking bigla. Binayo niya ng binayo ang salamin. Kinabahan ako. "HAHAHAHA.. Humanda ka Hio kapag nakawala ako dito. IKAW NAMAN ANG IKUKULONG KO DITO!" Patuloy siya sa pagbayo hanggang sa parang nagkakalamat na ang salamin.. Anong kasalanan ko sa kanya?! CRASH! AAAAAAAHHHHHH! Blag! Tog! ARAAAY! Pestee! Nahulog ako sa sofa.. Takte. Alauna ng hapon sabi sa wallclock. Malamang tulog pa sina manika at Kape. Mabuti yun. Ayokong mabash pag nalaman nilang tumambling ako sa sofa. Sinapo ko ang ulo ko. Hay. Ang sama ng panaginip ko.. Teka.. Ano nga ba yung napanaginipan ko? A/N: Pinaghandaan ko talaga tong POV ni Kape wooooooh!!!! For full KAPE EXPERIENCE… READ ALOUD please..hahahhaa —— Opus 18 Kape's POV: Tok! Tok! Agi desturbo talaga tong se pareng Heyo kahet kilan! "Honey, sino ba yung kumakatok?" tanong sakin ng gerpren ko. Pareho kameng nageseng lang. "KAPE TAE KA! Pag di mo to binuksan KAKALTUKAN KITA!" "Yan na!" Haaaawhrr.. Onat-onat muna. "—San ka pupunta honey? Bubuksan mo yung pinto?!— Eh teka, MAGBIBIHIS muna akoo!" Nagkokomahog se Maggie na tumayo para hanapen yong mga baro neya. Pero nitulak ko ulet seya pahega sa kama. "—Hokey lang yan. Ako den naman nakahubo." Syempre pag naketa kame ni pareng Heyo na nasa state op kalameti, mababawasan ang kakoletan neya. Click! Penagbuksan ko na nga seya ng pinto. Tuk! AGAY! Penetek niya ang noo ko! Kagwangang yawa! Kokolatahen ko na to eh! "—Inaano ka diha?!" yusles magtanong ke Heyo. Basta nakapanaket na seya, wala nang eksplanesyen eksplanshh—TSE! Nabolol na! Bute na lang at domating se Shall deto sa bahay. Seya ang kumokolata sa sadestang lalake na to. Para na rin akong nakarebenj! Tenolak neya ang pinto at pumasok sa kwarto ko. Ahhhh! Otomatik na napatele ang gerpren ko at nelumpia neya ang sareli neya sa komot. Ako naman, la pakelam. Senarado ko na lang ang pento tas humiga ako sa tabi ne Maggie. "Hano ned mo pare? Naheheya na to sayo oh?" tanong ko. Lakeng gulat ko lang nong tumuntong sa kama se Heyo at humiga sa getna namen. "—YAWA! Wag mo sabeheng—" Pinotol neya ang pagsasaleta ko. "—Kape, may itatanong nga ako sayo.." Hoooh? Saken seya nagtatanong pero ke Maggie seya nakatengin. Nelaro pa neya ang mga labi nun gamit ang daliri neya. "Ano?!" ako naman ang nagtanong sabay enales ko ang kamay neya sa cheks ko. Dam! No fuuu—lirting alawd! "—Paano ba MANLIGAW?" Huwatdapak? "Seno ligawan mo?" keta mo tong lalake na to. Mey Shall na manglegaw pa gihap. Tomingin seya saken. Seryus ba. "Pare.. Liligawan ko si manika!" Maneka.. Oh eh se Shall lang naman netatawag neyang maneka. "—Ingots ka parekoy! Naka-Home run ka na nga ke Shall legaw legaw pa ka!—" Blag! Aruu! Benagsak neya ang pisting braso neya sa sekmura koo! Humarap saken se Heyo, tinuro pa neya ang sarele neya. "Tong pagmumukha kong to, NAKA-HOMERUN sa SADISTANG MANIKA na yun?! Pakyu ka!" Deny deny pa de naman artesta! "Sigi na tolongan keta Dong—" "—Ano ngang gagawen?—" "—HMP! Ang swerte naman ng babaeng yun! Buti pa siya may manliligaw sa kanya!" nagpapareneg yata se Maggie? "Hane, de na oso yang legaw legaw na yan.." Bumangon seya at dumukwang ke pareng Heyo. Tapos.. Tapos HINALEKAN neya se Heyo! Palag-palag se Dong na parang isdang nalolonod. Me isda na bang nalonod? HEYO ang pangalan ng isda na yon. "—Pota bat mo seya henalikan?! AKO BOYPREN MO AH?!" Ngumiti lang seya. Nak ng teteng naman oh. "Palayasin mo na yan Kape!" sulsol saken ne Dong. Semangot se Maggie "—Bakit moko palalayasin?! Ayaw mo bang—" Tumayo se Dong sa kama. "O yes! Gusto namin ng chix pero ayaw namin ng BITCH." "—Hoy! Kung makapagsalita ka, akala mo kung sino! WALANG BREEDING! Palibhasa hindi nag-aral! Mga BULAKBOL! Mga STUPID!" Ansaket naman magsaleta purki mayaman! Kahet ganon, de ko pa ren seya papatolan kase babae seya. Pero se Dong mukhang galet na galet. Bumangon na ako at henawakan ko seya sa braso. De naman totoong wala kameng penag-aralan. Grumadweyt baya ko ng hayskol. Gosto nga ne Heyo magkolehiyo ako next year eh. Se Heyo.. De ko alam. Pero maheleg seya magbasa ng kong ano anong libro na maherap basahen. Kaya ko nasabeng maherap kase nakasolat sa ibang lenggwahe. Napatingen ako sa mga mata ne Heyo. Parang nag-iba bigla ang kolay. "Pare?" no anser. Badterp pa ren segoro to. "GO TO HELL, the two of you!" pagkasabe nun ne Maggie, henatak neya ang kumot at kenuha neya ang mga damit neya sa sahig. "Hahahaha.. Impyerno? Alam mo ba kung ano ang impyerno? Nakapunta ka na ba dun?!" uy se pare, begla yatang nag-iba ang awra.. Lumalim ang boses neya at diri seya kumukurap. "Pare, wag mo na dibdibin yong senabe ne Maggie, wala lang yon—" "IMPYERNO?! Malay ko! Mauna kayo dun tas kwento niyo sakin! K bye!" BLAG! Paglabas ne Maggie, pabalebag neyang senara ang pinto. Tinalon ko ang kama at sumunod ako ke Maggie. Kaso pagbokas ko ng pinto— WALA na seya? Asan yon nagponta? Kita ko yong main door namen nakalock pa sa loob eh. "May hinahanap ka ba pare?" grabi, ngayon lang ako nikilabotan sa boses ne Heyo. "Se Maggie Dong! Baka nasa banyo se—" "—Sa impyerno. Nandun siya.." "Dong, lamu, may napapansen nako sayo.. Netong mga nakaraan parang me kakaiba sayo.. Tas bigla ka na lang naeestrok.. Magtapat ka nga— NAGDODROGA KA BA?" HAHAHAHAHA! Tomawa ng malotong se Dong. Nilapetan neya ko— Malapet na malapet at parang hahalikan neya ko. Walang ngiti man lang sa mukha neya. "Bakit naaalala mo ang babaeng yun? SAGOT!" Nagolat ako dun! "—I Dong baket ko naman seya makakalemutan eh nandito seya kanina lang?!" Etenulak neya ko. Plakda ako sa gilid ng kama. "Hindi ako makapaniwalang malakas ang kamalayan sa eksistensya ng isang gaya mo.. KAYA DAPAT KA NA RING MAWALA!" "Pareng Heyo—" relaks.. Baka penagtetrepan lang ako neto. Wala naman seyang genawa. De neya ako nelapitan. Pero yung paligid namen parang yumayaneg. Natotoklap nang kusa ang mga nakikita ko. #hanobagagawenkooo?! Bang! Bang! Natigil ang pagyaneg. Nagolat se Dong sa malakas na katok. "TUKMOL, NANDIYAN KA BA?! IGAWA MO AKO NG CEREAAAAL!" Se Shall yon! "—Shall, nandeto nga se Heyo!" HEYOOOO! Bumagsak na lang seya sa sahig. **** Hio's POV: Pota bat nandito na naman ako?! Akala ko nakalimutan ko na ang nakakaburyong na lugar na to—- Nasa harapan na naman ako ng higanteng gate at nasa likod ko ang salaming may crack. Sa pagitan ko at ng gate, may babaeng nakatapis ng kumot. "—Teehee.. Ang ganda ganda naman ng babaeng alay mo sakin, master." Teka.. Kilala ko yung babae ah— "—MAGGIE?! Ikaw b yan?" pagkasigaw ko, nag-angat siya ng paningin. "Hio?! Asan tayo?" lalapit sana siya sakin pero biglang bumukas ang gate. Naglitawan ang mga itim na galamay at pumulupot kay Maggie. Nahablot ko ang kamay niya. "Aaaahhh! Tulungan moko! Ayokooo—" Peste! Masyadong malakas ang humihila sa kanya! Nabitawan ko din siya bandang huli. "—GATE PAKAWALAN MO SIYA!" "Hindi ko magagawa yun master. Sa oras na may ipinadala ka dito, nagkakaroon tayo ng kontrata. Hindi ko patatakasin ang kahit na sinong sagabal sayo master koo.." Tsk.. Bwiset! "Hio, parang awa mo naa! TULUNGAN MOKOOO!" huling sigaw yun ni Maggie bago tuluyang sumara ang gate. Wala akong nagawa kundi ang maawa at matakot sa kahahantungan niya sa loob. Paano ko nagagawa ang ganitong kasalanan?! I HAVE NO IDEA! Hahahaha.. Bwahahah! Narinig ko na naman ang nakakainis na tawa. Pumihit ako paharap sa salamin. Face to face na naman kame ng hudas kong kamukha. "—ANO BA KASI ITONG LUGAR NA TO? IMAGINATION KO LANG BA LAHAT NG TO?!" siguro kakabasa ko ng Divine Comedy kaya kung anu ano ang pumapasok sa isip ko eh! "Hio oh Hio.. Tsk.. Tsk.. Lumaki kang tanga.." Oh di ako na ang tanga! Gago ka pala eh. Crash! Sumuntok siya at nabasak ang isang bahagi ng salamin sa pagitan naming dalawa. Naglaglagan ang mga tipak ng bubog. Inilusot niya ang kanyang kamay at sinapo ang isang pisngi ko. Hindi ko alam kung paano ako magrereact sa ginawa niya. Basta stay put lang ako. "Kahit pa pinalaki ka nila sa kasinungalingan, darating talaga ang tamang panahon kung saan aabot sa maturidad ang iyong kapangyarihan.." Wooo kapangyarihan kapangyarihan. Sa anime lang yan! Naglakbay ang kamay niya. Bumaba iyon sa aking leeg at sinakal niya ako. Ano man ang gawin ko, hindi ko maalis ang kamay niya! "ALAM MO BA HIO, HINDI AKO KUNTENTO NA NANDITO AKO! Gusto kong lumabas! Gusto kong— ASAR! MAKITA KO LANG YANG PAGMUMUKHA MO, KATING KATI TALAGA AKONG PATAYIN KA!— Kaso.. HINDI PWEDE EH!" "—BITAWAN MOKO!" giit ko. Naging usok ang kamay niyang sumakal sakin. Pero bumalik ulit yun sa dati pagkapasok sa loob ng salamin. Di ako patatalo sa dialogue syempre! "HINDI KO ALAM KUNG BAKIT HIGHBLOOD KA SAKIN! AKO DIN NAHAHIGHBLOOD NA SAYO! Hindi ko matatanggap na MAGKAMUKHA TAYO! As in IISA LANG ANG MUKHA NATIN!" Lalo pa siyang nagwala. Binayo na naman niya niya ang salamin. "MAGKAALAMAN NA TAYO! LAGOT KA SAKIN—-hantayin mo! MABABASAG KO NA TONG PESTENG HARANG NA TO!" Gigil na gigil si loko. Napaatras ako dahil nagliliparan na yung mga bubog. "WAG NA WAG KANG LALAPIT SAKIN UNGAS KA!" sigaw ko. Pagkurap ko, nabuong muli ang salamin na harang. Wala kang makikitang kahit na anong lamat! "HAYUP KA HIO PAKAWALAN MO AKO DITOOO!" Ay nako.. Ganyan ba talaga siya? Always hyper?! Siya pala ang tanga eh. Kahit alam ko kung paano siya palalabasin sa harang na yun, hinding hindi ko siya tutulungan! Tinalikuran ko siya kaso nawalan ako ng panimbang. Napapikit ako. Sa muli kong pagdilat, nasumpungan ko ang sarili kong nakahiga sa kama ni Kape. "Nakatulog ka daw sabi ni Kape.." paglingon ko sa gilid, kita ko si manika. Katabi ko siyang nakahiga sa kama. Syet! "Nasaan si Kape?" Nag-isip muna si manika. "Umalis." Off nga pala namin. Malamang maghahanap na naman yun ng chix. Tae di ako hinantay magising eh. Di ba siya concern sa well-being ko? "Bakit ka nakasimangot?" tanong sakin ni manika. "Ah.. Wala.. May nakaaway lang ako sa panaginip ko." takte. Sana nakalimutan ko na lang yung napanaginipan ko eh! Hinawakan niyang bigla ang kamay ko. Dun ko lang napapansin na nanginginig pala yun. "Natatakot ka ba?" Oo natatakot ako.. Sa sarili ko. Naupo ako kaya naupo din siya. Magkaharap kami. Imagination ko lang din ba o talagang gumaganda lalo sa paningin ko tong si manika? "—Sa tingin mo ba.. Isa akong salot na dapat mawala sa mundong to?" amp ang deep ng tanong ko. "Bakit ganyan ka na mag-isip?" "Parang.. Wala na kasi akong matinong nagagawa—" Inilagay ni manika ang hintuturo niya sa mga labi ko para pigilan ako sa pagsasalita. Tas ikinawit niya ang mga braso niya sa aking leeg. "—Wag kang magsalita ng ganyan. Kahit palpak ka, may nagagawa ka pa rin namang maganda." "Gaya ng—?" Humalik siya akin. Nagets ko na kung saang bagay ako magaling. A/N: Capella’s song, ‘Namarusa’ lyrics by ©direk_whamba —— Opus 19 Hio's POV: Labu-labo ang aking nararamdamang emosyon habang kahalikan tong si manika. Kami na ba talaga? Panu na yung ligaw-ligaw? Naligaw na? Takte. There should be a relationship status for 'I don't even know what's going on'. Sasabihin siguro ng ibang tao na wala talaga kaming chemistry. At totoong wala nga. Yun din ang paniniwala ko. Hoho. Eh kase.. Matagal kong inalagaan ang pag-ibig ko para kay Medea. Kelan ko lang nakilala si manika. Pero si manika ang nasa tabi ko ngayon. Sa kanya ako nakakaramdam ng security at insecurity. At.. Sa kanya ko naramdaman ang GUSTO kong maramdaman kapag hinahalikan ako ng isang babae. Babae pa rin naman ang tingin ko kay manika kahit astang siga siya. Kung di lang niya ako binubugbog, baka mabilis kong masasabing mahal ko na siya! Ang dami kong iniisip kaburaot. Nahiga ako kaya naputol ang kissing scene namin. Napasandal siya sa dibdib ko. "Mahal mo ba ako?" tanong ko sa kanya. Magkaiba ang 'mahal' at 'gusto'. Kung hindi niya ako gusto, baka mahal niya ako. One minute.. Five minutes.. No answer.. Sense of obligation nga lang yata ang feelings niya para sakin. Nag-angat siya ng ulo. Nagkatitigan kami. Napakainosente niyang tingnan. Kalma lang ako pero yung puso ko parang bulkang sumabog. Chomp! Aaaaggh.. Kinarate chop akong bigla! "—NAKAKAINIS KA! Bakit ba nagtatanong ka ng mga NAKAKAHIYANG BAGAY?!" Weh? Alin ang nakakahiya? Tinanong ko ba siya kung ano ang kulay ng suot niyang underwear?! Kakastiguhin ko na talaga to! Pumihit ako pakanan hanggang sa umibabaw ako at siya naman ang nasa ilalim. Tingnan natin ang galing mo manika! Hinimas himas ko ang kanyang leeg. Napapikit siya. Sinamantala ko yun at naglapat uli ang mga labi namin. Lumalaban na siya ng halik. Ang isa ko namang kamay ay gumapang sa hita niya. Tinataas ko ang mahaba niyang palda na napakaraming hapslip. Syet, ang kinis! Napasingap siya. "—Ano aangal ka?" tanong ko kahit magkadikit pa din ang mga labi namin. "T-tuloy mo.." malumanay niyang sabi. Okey pala eh. Ngayon ko lang yata siya mapapasunod. Ibinababa ko na ang zipper ng damit niya nang may—- Cring! Cring! Cring! POTAH! Bat di ako nakasilent mode?! Umupo ako at dinukot ko ang cellphone ko. Inagaw yun ni manika at ibabato sana. "Waaag! iPhone 4s yaaan! Saka baka may emergency.. Akina please.." may please talaga eh no. Awa naman at binalik niya. Rhien calling.. "HELLO?!" sigaw ko sa kabilang linya. "—Pare pwede ka bang support drummer? Wala si Noir eh. Ge na pare.." Hay istorbo.. Pero kawawa naman pag humindi ako. Wala pa rin si Choi eh. "—Sige sige.. Punta na ako diyan." Hinarap ko si manika pagbaba ko ng tawag. "Accidental gig. Sama ka?" Kahit di naman ako magsabi, sasama at sasama siya. Nakarating kami sa bar pagkalipas ng kulang kulang tatlumpung minuto. Diretso kaagad ako sa stage. Chineck ko ang mics at inadjust adjust ko ang amplifier. Sunod ay tinesting ko ang drumset. Inapakan ko ang peds ng bassdrum at hi-hat. Pinalo ko ang snares, tom-toms at hinampas ko ang mga ride at crash cymbals. Naupo sa isang table si manika. Pinagmamasdan lang niya ako. Elibs ba siya dahil marunong din akong magdrums? Isang beses lang ako tinuruan ni Noir nito; di ko akalaing madali lang pala. Marami na akong kayang tugtugin. Kahit anong mahawakan kong musical instrument ay madali kong natututunan. Talent lang siguro. Sinabi nga noon ng kuya ko na may taglay daw akong musika simula nang ipinanganak ako; gaya daw ng tatay namin. Kaya ang huling pangalan ko ay isinunod sa pangalan ni Papa.. Orpheus. Sa isang kwentong bayan, si Orpheus daw ay isang napakagaling na musikero. Umibig siya sa isang nimpang nagngangalang Eurydice. Ngunit namatay ito di kalaunan. Dahil di niya yun matanggap, naglakbay siya patungong underworld. Ang sabi, wala nang nakakabalik kapag nagpunta sa lugar na yun. Ginamit ni Orpheus ang kanyang musika at matagumpay niyang napahinuhod si Hades upang ibalik ang kanyang mahal. Sa isang kondisyon.. Sa kanilang paglalakbay, huwag na huwag daw niyang titingnan si Eurydice kundi ay mawawala na ito ng tuluyan. Hindi siya sumunod sa kundisyon. Nilingon niya si Eurydice at naglaho na ito habangbuhay. Naglaho.. May kilabot na gumapang bigla sa aking sistema. Yun din ba ang mangyayari sa babaeng mamahalin ko?! "—PARE!" kinalabit ako ni Rhien. Nasa stage na pala sila. "Oh?" Inabot niya sakin ang mp4 niya. "—Pakinggan mo muna bago tayo magsimula. May iniisip ka ba? Kanina pa kita tinatawag eh—" Sorry di ko pwedeng sabihin! Sinuot ko ang earphones at pinakinggan ang tutugtugin namin. Sinasabay ko ang paa ko at mga kamay ko sa naririnig kong beat. Mock drumming. Madali naman pala. "—Paano pare, kaya mo na yan?" Si tango ako. Bahala na. Gumagawa na ng sariling kanta ang Capella. Mga talentado. Pero mas sikat pa din ang ForMad. "—Start na tayo." ani Rhien. Pinauna ko muna ang guitars. Tanikala sa iyong makasariling pag-ibig Kahit duguan, luhaan Handa pa rin akong magpasakit Masabi ko lang na ikaw ay akin Kahit hindi ka para sakin Aba.. Nandito pala si Kape. Nasa bar counter siya at tumotoma. May kumakausap sa kanyang chix. Patuloy akong nagdarasal Patuloy akong nagkakasala Hindi ako humihiling ng awa Hindi ako humihingi ng tawad Parusa ang kailangan ko Parusang dudurog sa puso kong baliw sayo.. Parusa.. Napaisip akong bigla. Sa mundong ito, sino ba ang dapat pinaparusahan? At sino ang nagpaparusa? **** Kape's POV: "—Coffee pansinin mo naman akoo!" Neyogyog ako ng cheks na makolet. Waray ako sa mood ba. Tenungga ko ang beer. May naalala ako. "Ekaw se Ronah de ba?" Umalewalas ang mukha neya. Natowa ata seya kase naalala ko pangalan neya. "Yiee, mabuti naman at kilala mo pa ako.." "Di ba, kaibigan mo se Maggie?" Nagsalobong ang mga kelay neya. "Sinong Maggie?" Wos.. Imposebleng de neya kilala se Maggie. Seya kaya ang nagpakelala nun saken! Kenuha ko selpown ko. Nagpektyor pektyor kame ne Maggie nong isang gabe. Pagkita ko sa mga pektyors sa files.. HALA KA! Mag-esa na lang ako sa lahat ng pektyors na alam kong magkasama kame! Benalekan ko ng tungga ang beer ko. Masama talaga ang kotob ko. Baket ganto? Nakalorong na ako?! [Lurong-baliw] "—Coffee.. Ang kyut ng pangalan mo—" kumawet saken se Ronah. Astang syuta eh. "—Bakit Coffee ang pangalan mo ha?" "—Ah kase.. Maheleg sa kape ang parents ku. Gret Teys Kopi.. Dun nga daw ako nipaglehe. Yong nanay ko netago pa yong pakete para de neya makalimotan ang ispelling!" "Wahahahaha.." natatawa se cheks sa kwento ko. Oy totoo yon ah. Sa subrang hileg ng madir ko sa kape, ang penapadede nga neya saken ay kape rin! Yawa. Kwento yon ne lola. Maherap talaga ang bohay sa Bicol. Yong mga wala nang makaen sige pag gawa ng bata. De na inisep kung waray pambele ng gatas. Ang penapadede sa mga anak nela ay kape na gawa lang sa tinostang bigas. "—Balita ko share kayo sa apartment ng bassist niyo. Asan na ang pamilya mo?" Susyalworker ka teh? Mga tanongan eh. "Ah ulila na ako. Wala na kong pamelya. Tagal na." Lomayas ako samen nong kinse ako. Kakagradweyt ko lang ng hayskol. Kamamatay lang den ne madir. Enuwe ne pader yong nabuntes neyang babae. Ang masama sa loob ko, ang nabuntes neya ay kaedad ko lang. TAE. Mey kapetbahay kameng pahenante ng truck papontang Meynila. Penaangkas neya ako. Nong nakarateng ako sa Meynila, wala din palang buhay akong maabutan. Penagmagandahang loob ako ne Kap sa eskwaters area. Tas namolot na ako ng basora nangalakal. Simpleng patapon ang bohay ko. Nong makilala ko se pareng Heyo, benegyan neya ako ng pag-asa. Napakaambesyoso neya at lider lideran. Pero hanga ako sa kanya! Lahat kase ng gustohen neya ay nangyayare. Hay.. Ginosto din ba neyang mawala se Maggie? Pati na yong mga ex neya na penatay? "—Si Hio yun ah!" mey nareneg lang akong sumigaw. "—Ang galing niya! Marunong din pala siyang magdrums!" Nandito se pareng Heyo?! Lumingon ako sa stage. Andon nga seya! Penanggigigilan neya ang mga drums. Sigorado ako na nakatengen seya saken. Nakangiti seya na nakakaloko. Simola nang domating se Shall, marame nang kakaiba kay Dong. Para seyang nalurong na ambot. Wala seyang nikekwento man lang saken. Parang sela na lang dalawa ne Shall ang nagkakaintindehan. Ispekeng op Shall.. Handun seya sa table malapet sa stage. Mokha naman seyang hende nakikineg sa kanta. Penapanood lang ata neya se Heyo. Genayuma ba neya se Heyo kaya nabalew na? O se Heyo ang gumayoma sa kanya? Ang masama neyan nanghahawa selang pareho ng kabalewan eh. Enewan ko se Ronah at penontahan ko ang table ne Shall. Naupo ako sa tabe neya. "Oh, nandito ka rin pala.. Bakit ka biglang umalis kanina?" Sabe na nga ba't eyon ang etatanong neya. Nagpanic lang ako kanena kaya ko umales. Kase.. Hende ko naintindehan ang nangyare. Paano ko yon sasabehen? Dapat ba akong magtewala sa kanya? Ayukong masabehang lurong ba. "—Shall.. Wala ka bang napapanseng kakaiba kay pareng Heyo?" Nangalumbaba seya. "MAY napansin ka bang kakaiba sa kanya?" Dahan-dahan akong tomango. Muli akong somolyap kay Dong. Penagpapawisan na seya pero sege pa ren sa headbang habang tumatambol. "—Hoy Coffee?" pukaw saken ne Shall. "Sa tengin ko kase.. Se pareng Heyo.. Ay se kamatayan." A/N: Walang private private sakeeeen!!!! ALL THE WAAAAY!!!! hahahah... \m/ —— Opus 20 Shall's POV: "HAHAH.. Laseng lang ako.. Dyuk lang yong senabe ko ha Shall!" Siraulo din tong Coffee na to. Akala ko naman seryoso siya. Tas biglang babawiin. Inoobserbahan ko siya. Anxious pa rin siya gaya kanina nung bigla siyang umalis. Hindi ko binabalewala ang sinabi niyang sa tingin niya ay si Kamatayan si tukmol. May nakita ba siyang kakaiba mula kay tukmol? Itatanong ko ba.. o wag na? WAG NA! Baka maungkat pa ang pagiging bampira namin. "—Wag ka masyadong maglalasing ha? Di ka namin bubuhatin pauwi sige ka." sabi ko kay Coffee. Ngumiti lang siya. Hindi ako sanay na nakikita siyang balisa. Magagawan siguro to ni Noir ng paraan. Nang matapos ang number ng Capella, DJ naman ang nagpasikat. Nagpatugtog iyon ng mga mix na malalakas ang beat. Nagtayuan ang mga nakaupo at humataw sa pagsayaw. Tinalon kaagad ni tukmol ang stage at lumapit samin pagkatapos niyang makipagkamayan sa mga taga Capella. Bagay sa kanya ang pinagpapawisan, maganda ang effect sa dim light.. Mas gumagwapo siya. Di ko nga napigilan ang sarili ko; naglandas ang mga daliri ko sa mga labi niya. Basa ang kanyang labi kaya dumulas pababa sa kanyang baba ang aking daliri. Napakagat-labi ako— "—Ehem.." tinapik-tapik kami ni Coffe sa balikat. "Dun mona ako mga bay. Hanap cheks." Oh sige umalis ka na! Magpapaalam ka pa! Panira ka ng moment! "—Gusto mong sumayaw?" anyaya ni tukmol sakin pagkaalis ni Coffee. Duh?! Ayokong sumayaw! Gusto kong— "Umuwi na lang tayo." pakli kong sagot sakanya. Naglakad kami pauwi.. Hawak na naman niya ang kamay ko. Kung palaisipan para sa kanya kung ano ang feelings ko, palaisipan din para sakin ang feelings niya. Gusto ba niya ako o mahal niya ako.. Mahirap mag-assume. Sigurado naman akong ganito rin siya sa ibang babae. Pinagtatyagaan lang yata namin ang isa't isa dahil NO CHOICE. Stucked kame kasi siya ay prinsipe at ako yung knight. Knight lang ako.. Pero kapag kasama ko siya, parang gusto kong tawirin ang borderline. Ah pano ko ba ipapaliwanag.. Para siyang droga. Alam kong masama siya saking kalusugan. Pero nung natikman ko na, nawala na sa isip ko yang sama sama na yan. Isa siyang bisyo na nagsisimula ko nang kaadikan. Hinahanap-hanap ko ang halik at haplos niya. Pinadama niya sakin na hindi ako knight at hindi siya prinsipe; kundi na ako ay babae at siya ay lalake. Ibang-iba sa pinagdaanan ko sa piling ng mga lalake noong nasa kasagsagan ako ng pagtetraining. Namulsa ako. Nadampian ng daliri ko ang pilak na krusipiho. Aah! Madali kong iwinagwag ang kamay ko dahil nag-usok yun. "Huy, ano nangyari sayo?!" naalarmang bigla si tukmol nang makita niyang nagsugat-sugat ang kamay ko. "Wala ito. Ayos lang ako." paniniguro ko. Ilang segundo nga lang at naglaho na ang usok at gumaling ang mga sugat ko. Tama, ayos lang ako. Tanga lang naman siguro ang mamamatay sa sarili nilang sandata. Kung tututsin, maaari akong gumamit ng kahit na anong uri ng bakal upang maging sandata; hindi ko lang maitapon ang krusipihong pilak. Ang hapdi at sakit na dulot nun ang tanging alaala ko ng mga kahinaan ko.. Dahil babae ako. **** Hio's POV: Nakauwi kami sa apartment NANG HINDI NAG-UUSAP. Ewan ko. Bigla na lang nagbago ang mood ni manika. Dire-diretso siya sa kwarto niya. Wala kahit goodnight. Pareho sila ni Kape na mukhang may pinagdadaanang kung ano at ayaw i-share. Tang inang Kape yun eh. Di na nga ako pinansin, bumira pa ng layas kanina sa bar. Makikita niya! Amp! Itulog ko na nga lang to! —KASO.. Hindi ako makatulog! Paiktad-iktad ako sa sofa. Namimiss ko katawan ni manika. Takte. PAGNANASA! Aphrodisiac yata ang drumplaying. Oh anong gagawin ko?! BANYO. Sa kasamaang palad, hindi ako nakarating ng banyo. Absent-minded akong kumakatok sa pinto ni manika. Wala lang. Pag binuksan niya, okey. Pag di niya binuksan, okey din. Tlaaaak! Asteeg.. Pinagbuksan niya ako ng pinto. Usong tanawin na marahil ang makita siyang naka-underwear. Favorite color ko. Alam niyo na yun. Pinagmasdan ko si manika. Wala akong idea na ganito kaganda ang hubog niya. Diyosa eh. I never look at her like this nung mga panahong hindi ako inaatake ng kaanuhan, o nung MATINO pa akong mag-isip. Matagal tagal din kaming idle ha. Hinatak niya akong bigla papasok. Kinubli kami ng dilim nang nagsara ang pinto. Isinandal niya ako sa pader. Pinakiramdaman ko siya. Sakto lang ang ritmo ng kanyang paghinga. Saming dalawa, ako pa yata ang kinakabahan. Halik na halik na nga ako eh. Pero laking gulat ko nang lumuhod siya sa harap ko. SYET! Anong gagawin niya?! Tinanggal niya ang sinturon ko, ibinaba ang pantalon ko at pati— ang boxer's ko. Imbang foreplay ang gusto ni manika. Shocked ako. Wala sa hitsura niya, pero talagang SHE LICKED THE MICROPHONE! Ahh! Baligtad eh. Ako ang umuungol. "Sige pa.." usal ko. Gago mode. Ginanahan ako sa sobrang sarap. Hinatak ko na lang basta si manika. Siya naman ang sinandal ko sa pinto. Nakatalikod siya sakin. Humalik ako sa kanyang leeg habang yung mga kamay ko, tamang chancing. Ang isa, umistroke sa kanyang balakang at ibinababa ang kanyang G-string. Ang isa naman ay nasa dibdib niya na nangangapa sa loob ng bra. Isang magic na di ko alam kung paano ko nagawa ang pag-alis ng MGA underwear niya NANG DI KO NAMAMALAYAN. At di ko rin namalayan na napasok ko na siya. Boy walang daplis! Ohh.. Aaahh.. Pag naririnig ko ang magandang ungol ni manika, lalo akong sumisigasig. HuuuuTANGENA.. Nangawit kaagad ako.. Yan ang kumplikasyon pag ang isang six-footer na gaya ko ay may ka-do na 4'10. "BAKET KA TUMIGIL?!" reklamo niya. "—Tympers lang! Makukuba na ako eh! Upo na lang tayo!" Naupo ako sa kama at kumandong siya sakin. Yan! Better position! Nakayakap siya sakin all the way. Hawak ko naman siya sa may batok habang alam niyo na.. Kinapa ng mga labi ko ang mga labi niya. Torrid pa sa torrid ang halikan namin. May mga pagkakataong humihiwalay ang mga labi niya dahil napapasinghap siya. Pero hinahatak ko ang buhok niya para magkahalikan ulet kami. Sadista lang eh. Payback yan sa pananadista niya sakin. Ang ganda ng climax. Muntik ko nang maabot ang langit! Nahiga kami na united pa rin. Nakatingala ako sa may kisame. Dahil cool down na, nalungkot akong bigla na nadismaya.. Kasi.. Kasi.. Nalaman kong HINDI na virgin si manika. Pero di naman isyu sakin yun. Nag-expect lang ako.. Na di naman dapat. Akala ko lang na takot ang mga lalake sa kanya. Ah, bahala na! Nirerespeto ko ang kung ano mang nakaraan niya. Hindi niya yun kabawasan bilang tao. Este bilang bampira. Pero sino kayang hudas ang nakauna dito kay manika? "Hoy.." kinalabit niya ako. "Baket?" "—Isa pa!" anak ng—! Galit pa siya nung sinabi niya yan! Ibang klase.. Parang umeextra rice lang! **** Div Umbra's POV: Pinagmamasdan ko ang bilog na buwan mula dito sa balkonahe. Ganito rin ang buwan isang gabi, ilang taon na ang nakalipas. Kinuha ko mula sa insidepocket ng suot kong itim na amerikana ang isang maliit na gintong krusipiho. Hindi ito isang medalya ng karangalan. Ang katunayan niyan, isa itong vendetta mula sa taong nagbigay sakin nito. Mula sa isang babae. Hindi biro ang maging isang Knight. Kung malala ang pagtrato sa mga lalake, MAS higit sa mga babae. Bihira at mabibilang sa mga daliri ang mga babaeng nasa puso ang pagiging knight. Isa na akong paladin nang dumating sa samahan ang isang napakaliit na babaeng bampira. Gusto daw niyang maging knight. Pinagtawanan lang siya sa umpisa. Subalit sa kalaunan ay umangat siya bilang napakahusay na mandirigma. Nandoon ako nang iginawad sa kanya ang titulo ng pagiging Lord Knight. Pinili ng pinakamataas na saserdote ang bansag na Galatea para sa kanya. Ang ritwal ay ang pagtapik ng talim ng espada sa magkabilang balikat, tanda ng pagiging knight. "—At bilang isang Knight, kailangang alisin mo ang lahat ng iyong kinatatakutan. Dahil sumumpa ka upang protektahan ang buhay ng mga nobles, marapat lamang na alisin mo ang bagay na iyong pinoprotektahan sa sarili mo." "Ano po ang ibig niyong sabihin?" mababakas ang pangamba sa maamong mukha ni Galatea. Yumukod ang punong saserdote at sinapo ang pisngi ni Galatea. "Ang mga babaeng knight ay kailangang sumailalim sa isa pang ritwal. Nakahanda ka ba?" Isang mahabang patlang bago siya sumagot. "Gagawin ko po.." Ako ang naatasan para sa inisasyon kay Galatea. Labag yun saming dalawa pero iniisip ko na lang na mabuting ako kaysa iba. "—Ibigay mo ito sa kanya kapag tapos na ang ritwal." may iniabot sa akin ang punong saserdote na isang woodbox. Isang krusipihong maliit na gawa sa pilak ang laman niyon. Ibinibigay lamang yun sa mga babaeng knight. Pumasok ako sa isang napakalaking silid dala ang woodbox. Sa gitna ng silid, may malaking bilog na kama. Nakaupo doon si Galatea at nakapiring ang mga mata. Nakasuot siya ng isang puting roba na lubhang malaki para sa kanya. May suot din siyang gintong kwintas na ang pendant ay isang krusipiho. Naupo ako sa tabi niya at sinimulan ko siyang hubaran. Hindi ako pinapayagang magsalita kaya tahimik lang kami sa buong yugto na nag-isa ang aming mga katawan. Ibinigay ko kaagad sa kanya ang woodbox. Hinaklit na lang niya basta ang kanyang kwintas at inilahad sa kawalan. "Kunin mo to!" utos niya. Kinuha ko ang pendant. "—Hindi kita kilala kaya binigyan kita ng palatandaan. Kapag nagkrus ang landas natin, papatayin kita.. Tandaan mo yan.." nagsimula siyang humikbi hanggang sa tumulo na ang luha sa mga pisngi niya. Pinahid ko ang mga iyon pero umiwas siya. Kahanga-hangang babae. Hindi ko alam kung saan niya hinuhugot ang katapangan niya. Bago pa ako makaramdam ng awa, iniwan ko ang silid. Nagpatuloy naman siya sa buhay pagkatapos ng gabing yun. Nagkikita kame pero hindi niya alam kung ano ang namagitan samin. "—Kung tutuusin, madali lang itapon yan para di ka na niya makilala.. Ewan ko na lang sayo. Hindi mo ba siya makalimutan dahil masarap siyang ikama?" Ibinulsa ko ang gintong krusipiho at nilingon ko ang pangahas kong kambal-anino. "Napakataklesa mo talaga Penumbra. Malapit na kitang putulan ng dila." Humalukipkip siya. "At wala kang kasing pikon, mahal kong Umbra." Di ko na lang siya pinansin at muli kong tiningala ang buwan. Naramdaman kong yumakap sakin si Penumbra. "Kay raming nakakaawang nilalang sa mundo.." "Alam ko yun." sabi ko. "—kaya nga tayo nandito hindi ba?" Para sa pagbabago. Opus 21 Noir's POV: Nakakaasar lang. Pinatawag ako ng konseho tapos heto, ang sigla nilang paghintayin ako. Balak ba nilang paabutin ako dito hanggang pagsikat ang araw?! Creeeeeaaak.. Sa wakas bumukas na rin ang pagkalaki-laking double door na nasa harap ko. Lumabas mula dun ang isang utusan at lumapit sakin. "Mahal na Baron, maaari na po kayong pumasok." Nasa tapat pa lang ako ng pintuan nang masumpungan kong palabas ng hall na ito ang prinsesa. Kaagad akong tumabi at nagbigay-daan. Hindi niya ako pinansin. Halatang may pinangangambahan siyang kung ano. Pagkasarado ng pinto, pinagpatuloy ko ang paglalakad. Sa dulo ng hall nakaabang ang konseho. Sampu ang kabuuang bilang ng mga miyembro ng konsehong iyon. Ang iba ay mga saserdote at ang iba ay mga pinuno. Lahat sila ay puro matatanda na. Ang sabi sa mga kwento, sila na lamang ang natitira sa mula sa mga pinakasinaunang henerasyon ng mga bampira. Ang kanilang katandaan ay bunga ng hindi pag-inom ng dugo. Ang dugo kasi ang elixir naming mga bampira. Kapag hindi kami uminom niyon, magkakaedad ang aming katawan tulad ng ordinaryong tao. Mababawasan din ang aming kapangyarihan. Dati ring makapangyarihan ang mga taga-konseho. Subalit dahil nga pinili nilang mag-fasting, wala na silang kahit na anong kakayahan. Umaasa na lang sila sa proteksyon ng mga maharlikang bampira. Nahinto ako sa paglakad nang isang metro na lang ang layo ko mula sa pinakahuling councillor. Nakahanay sila sa dalawang pila, kaharap nila ang kanilang katapat. Isang metro pa mula sa pwesto nila, may hagdan na napakaraming baitang, pataas patungo sa apat na trono. Bakante lahat ng iyon ngayon. Pero kanina, tiyak kong naupo sa isa sa mga yun ang Prinsesa Medea. Mula sa kaliwa pakanan, designated ang mga trono para sa apat na pinakamataas na opisyal ng pamahalaan ng mga bampira: trono ng prinsesa, trono ng reyna, trono ng hari, trono ng prinsipe. Elevated ang trono ng hari at reyna ng mga ilang baitang. "Magandang gabi panginoon." sabay-sabay nilang bati sakin. "Magandang gabi rin." ganting bati ko. Umalis mula sa pila ang punong ministro at lumapit sa akin. "—Nagpapasalamat kami sa iyong kabutihan nang kupkupin mo ang ating itinakdang prinsipe." Actually, hindi naman ako ang nagkusang ilagay sa kustodiya ko ang prinsipe. Sila ang pumili sakin. Kahit Baron lang ako, pagdating sa kalakaran sa mundo ng mga tao, ako ang pinakamayamang maharlika; mas higit pang mayaman kaysa sa mga Duke. Dating nasa pangangalaga ng isang Duke ang prinsipe. Hindi pa siya nabibigyan ng titulo noon kaya hindi isyu ang kustodiya niya. Naging prinsipe siya kasabay ng pagtatanggal ng titulo sa Duke. Tapos nun, pinagtalunan nang sobrang TAGAL kung kanino mapupunta ang prinsipe. Alam ko ang hirap ng buhay na pingdaanan niya dahil dun. Mayaman naman ang pamilya ng prinsipe maging ang kanilang angkan. Pero dahil wala pa siya sa wastong gulang, on-hold pa ang lahat ng kanyang mga namanang ari-arian. "Iyon lang po ba ang gusto ninyong sabihin?" tanong ko. "Nalalapit na rin ang kaarawan ng prinsipe. Gusto kong malaman mo na maaari mo nang ihinto ang pagsuporta sa kanya. At bilang pasasalamat, umasa kang ikaw ay magagantimpalaan." "Hindi po ako interesado sa gantimpala pero may kahilingan ako." "Ano ang iyong hiling aming mahal na Baron?" Dapat ko pa bang sabihin? Posibleng ikagalit nila yun. Sa oras na ganap nang prinsipe si Hio, sigurado akong liliit ang mundo niya; katulad ng hari sa larong Chess. Bilang isang taong nagmamahal sa kanya, hangad ko ang kanyang kalayaan— "—Baron? Naghihintay kami ng iyong pahayag.." Napakurap ako. "—Pasensya na.. Buweno— hiling ko na sana ay mabuhay siya nang masaya." Masaya.. "Haha.. Natitiyak ko yan, mahal naming Baron." anang isang ministro. "Maaari ba akong magtanong sa inyo punong ministro?" Tumango tango si tanda. "Sige lang.. Ang konseho ay nandirito upang magbigay kasagutan." Nilakasan ko na ang loob ko kahit alam kong wala ako sa posisyon para itanong ito. "—Gagawin po ba ninyong bampira ang prinsipe?" Nagbulungan ang iba pang mga ministro. Ngumiti lamang ang matandang nasa harap ko. "Nakapagdesisyon na ang konseho sa bagay na yan! Subalit ikinalulungkot ko kung hindi ko maaaring ibahagi yun sayo." Sabi ko na nga ba at wala silang sasabihin. Matapos ng ilan pang walang kwentang talastasan, umalis na rin ako. Nakauwi ako sa unit ko pasado alas singko na. Bukas ang unit ko para sa lahat ng miyembro ng ForMad kaya hindi na ako nagulat kung may narinig akong impit na tunog galing sa studio ko. Soundproof ang practice studio na yun. Sa loob, sandamakmak ang mga naka-install na amplifiers at speakers. Dun ako nagtungo. Si Coffee ang naabutan kong nandun. Maganda ang ginagawa niyang damping. Damping o choking, isa yung teknik sa pagri-rhythms. Dinidiinan niya ang mga strings gamit ang kanang palad. Nahinto siya nang makita niya ako. Mukhang ayaw pa niyang matulog. "—Ekaw pala Nowa." Haha. Nakakatuwa talaga ang punto ni Kape. Nabibigyan ng ibang pronounciation ang pangalan ko. Nilagpasan ko siya at naupo sa harap ng drumset. Inapakan ko ang peds ng kickdrum. "—Sige tugtog ka lang Coffee.. Ipagbi-beat kita." Bass mode lang ako kaya di ko na tatambulin ang iba pang drums at cymbals. Tumugtog ulet si Coffee. Gumawa siya ng riff, o pwede mong sabihin na refrain. Paunti-unti na rin kasi kaming bumubuo ng kanta. At si kape ang creative pagdating sa harmony. Bali siya ang nagbibigay ng rhythmic pulse na umaagapay sa pagkanta ni Shall. Mayamaya, umawang ang pinto. Pumasok si Hio na may dalang guitar bag. Haggard na haggard ang dating niya. Ganyang ganyan ang hitsura niya kapag—- ano ba ang term nila dun?— 'nakipagwaka-waka' siya kinagabihan. "Good morning.. Pwedeng maki-jamming?" hinubad niya ang bag at inilabas dun ang kanyang gitara. Dahil bass na si Hio, kumuha na ako ng drumstick. **** Hio's POV: TAENANG Kape to nandito lang pala. At di talaga niya ako pinapansin! Iniwan ko si manika sa apartment eh. Aba'y pagkatapos akong parausan, pinalayas ako ng kwarto! Ampness. Dadaanin ko na lang sa tugtog ang ginagawa niyang kagaguhan sakin. May araw din siya saken! Plinug ko ang gitara ko sa amplifier at speaker. Di ko magets ang logic kung BAKIT may amplifier at speakers dito kung SOUNDPROOF naman tong studio. Binibingi lang namin ang mga sarili namin. Pero importante na mas hardcore ang speakers ng bass. Overpowering kasi ang rhythm eh. Mas oks kung magcocomplement ang tunog ng bass dito. Sige, let's rock! Rock! Rock! Aapat lang ang strings ng bass guitar ko na nakatono ng parang sa double bass— yung MALAKING violin. Samakatuwid, mas mababa ito ng isang octave kaysa sa E, A,D at G. Ang galing magdala ng damping at riff ni Kape. Ang bilis din ng kaliwang kamay niya sa fingerboard. Fretting max si gago! May pinaghuhugutan yata to. Nang magsawa kami sa tugtugan, nagpaalam nang matutulog si Noir. "—Kape!" busy-busyhan siya sa pagmamarka ng ginawa niyang chord chart. "KAPE!" punyemas tumingin ka saken! "Oh baket pareng Heyo?" "—Kausapin ko lang si Noir. Sabay na tayong umuwi. WAG KANG AALIS DITO HAA?!" subukan mo lang maging tokis. Matutuluyan tayong di na magpapansinan! Tumango naman siya kaya sinundan ko si Noir sa kwarto nito. Bukas ang fluorescent kaya maliwanag kahit nakasara ang mga venetian blinds. Naabutan ko siyang nakasemi-higa, nakasandal sa headboard at nagbabasa ng isang novel. Naupo ako sa tabi niya. Eh ano nga ba ang sasabihin ko? Na tinuhog ko silang magkapatid? Dipota.. ANG SAGWA! Ang sagwa ko! Kumuha ako ng isang Seven Stars mula sa bedside at sinindihan ko. Humithit muna ako. Pagkabuga ko ng usok, ang sinabi ko— "—May nangyari na samin ng kapatid mo." Naghintay ako ng reaction. Sana sapakin niya ako. Sana! Sana! Iba ang nakuha kong reaction eh— "Enjoy ba?" Natulala ako. SHITBRIX! Anong klaseng boypren ka Noir?! De joke.. "Ganyan ba talaga kayong magkapatid? Walang pakialam sa nararamdaman ko?" kalmado kong tanong. They're freaking me in.. And then they're kicking me out. Inalis niya ang kamay niya sa libro at sinapo sa aking pisngi. "—Alam mo Hio, laging may tamang oras para sa mga kasagutan." Pisti. I call it SUSPENSE. Ewan ko sa kanila. Parang ayaw nilang magkaron ng gaanong attachment saken. Wala naman akong virus. "—Sige na, matulog ka na. Hinihintay ako ni Kape." kinuha ko ang novel kay Noir at inilapag sa bedside table. Hinantay kong ipikit niya ang mga mata niya bago ko pinatay ang ilaw at lumabas ng kwarto na yun. Naghihintay si Kape sa couch. Tumayo siya pagkakita sakin tas iniabot niya ang guitar bag ko. "—Tara." Dala ko ang kotse kaya nagpasya akong magstop-over muna sa isang bukas na coffee shop. Nilibre ko ng mochaccino si Kape. Ayaw niya ng matapang na timpla eh. Gusto niya yung manamis-namis. Kung makapagcoffeemate nga yan sa bahay, yung halos kulay gatas na ang kape niya. Magkatabi kami sa isang couch. Tahimik siyang umiinom. Ako naman, tinutuhog-tuhog ko ang croissant ko. Iniisip ko kung ano ba kaya ang dapat kong sabihin dito kay Kape. "—Pare, wala namang deadmahan. Di ako sanay eh." Dahan-dahan niyang inilapag sa mesa ang baso. "Mey Shall ka na, baket ned mo pa ako kaosapen. Diri mo nga ako kenakaosap netong nakaraan." Agoy.. Nagseselos si Dudong! Bestfriend nga talaga ang turing niya sakin. Sina Noir at Shall, ginugusto ako tapos pinangingilagan akong bigla. Pero tong si Pareng Kape.. Alam kong di niya ako ilalaglag. Kung alam niya lang! Marami akong gustong ikwento sa kanya. Kaso baka di siya maniwala. ..Pero itong ikekwento ko, syento por syento, MANINIWALA TO! Siniko ko siya. "—Pareng Kape, alam mo ba kung anong ginawa ko kagabi?" Nabuhayang bigla si ugok. Sabi na eh. Opus 22 "—Master.. Sa tuwina ay lagi ka na lamang nakatingala sa napakalaking krus na iyan sa pader.. Kung hindi kapangahasan, maaari ko bang malaman ang iyong iniisip?" ani Europa sa kanyang iginagalang na master. Ngumiti naman iyon sa kanya. "—Ang Diyos, Europa.. Naisip mo na ba kung gaano siya kadakila?" Umiling ang alagad. "—Kapag humiling ka sa kanya, sadyang mabagal ang kanyang pagpapala. Ngunit kapag ikaw ay nagkasala, kaagad kang maparurusahan." Walang ideya si Europa kung ano ang sinasabi ng kanyang master, subalit tumango pa rin siya. "Alam kong hindi mo ako naiintindihan.. Kaya tatapatin na kita— Gusto kong maging kagaya ng Diyos ama!" "—Kaya po ba interesado kayo sa mahal na prinsipe?" Nagpawala ng isang nakakapangilabot na tawa ang kanyang master. "Nagkakamali ka. Hindi ako interesado sa prinsipe.." Nangunot ang noo ni Europa. "—Kung ganun po.. Kanino?" "Kay Thanatos." "Sino si Thanatos, master?" Bago tuluyang humiga sa isang magarbong ataul ang master niya, sinagot ang huli niyang katanungan. "—Si Thanatos ay walang iba kundi si Kamatayan.." **** Hio's POV: "GISEENGG!" Amp. Eto ang disadvantage kapag sa sala ka natutulog. PWEDENG PWEDE KANG GISINGIN ng kahit na sino! "Oh?" naupo ako pero nakapikit pa rin ang mga mata ko. "—Igawa moko ng cereal." Anak ng tupang sabog namaaan! "Nakakuha ka ng alipin mo ah?" Heh. Di na ako susunod kay manika. Saming dalawa, AKO YATA ANG BOSS! Idinilat ko ang isa kong mata. Nasa harap ko siya. Yumakap ako sa bewang niya at isinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya. "—Say please." Pustahan tayo, di niya gagawin yun. "Please." At dahil sa please niyang napakamalumanay ang pagkakasabi, napasugod ako sa kusina. Naglagay ako ng cereal sa isang bowl na binuhusan ko ng gatas galing sa ref. Hoy pusa kain na! Pinagmamasdan ko lang siya habang sumusubo. Gutom na gutom lang eh. May bakas ng gatas sa mga labi niya at— SHIT! Di pa rin talaga ako nakakarecover sa ginawa niya sakin kagabi! Hinila ko siya at siniil ng halik sa labi. Kapeste ka manika! Baliw na ko sayo! Ehem.. Itinigil ko ang ginagawa ko at baka kung saan na naman mapunta ito. Hindi naman lagi dapat 'doon' ang pinupuntahan eh. Lalo na at labu-labo pa ang relationship status namin. "May gusto akong gawin." sabi ko sa kanya. "—Ano?" Bumuntong-hininga muna ako. "Nakapagpasya na ako. Hindi ako maghihintay ng sagot. Ako na ang lalapit sa sagot." "Anung ibig mong sabihin?" ani manika. Pinagkrus ko ang mga braso ko. "Hahanapin ko ang kuya at lolo ko. Aalamin ko ang tungkol sa pamilya namin." Ito na siguro ang tamang panahon para may gawin ako upang malaman ang totoo.. Gaya ng sabi ng ugok kong kamukha— pinalaki daw ako sa kasinungalingan. Patutunayan ko sa kanya at sa mga nanggugulo sakin na HINDI AKO TANGA. Kung akala nila ay hindi ako marunong maglaro ng Chess, pwes iyon ang pinakaepic fail nila. **** Shall's POV: Tama ba ang narinig ko? Gusto ni tukmol na alamin ang tungkol sa kanyang pamilya? "—Alam mo ba kung saan magsisimula?" tanong ko sa kanya. Tumango siya. Binuhat ko ang bowl at hinigop ko ang gatas. "Kung ako sayo, hindi ko na gagawin ang bagay na yun." "At bakit naman?" "—Maaaring may malaman ka na hindi mo magugustuhan." saad ko pa. "Ngayon pa lang, may mga bagay na akong hindi nagugustuhan." Napukaw ng sinabi niya ang aking interes. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko ang magkabilang balikat niya. "—Sabihin mo, ano ang mga bagay na hindi mo nagugustuhan?" "—Panaginip. Tungkol sa isang gate na kumakain ng tao.. At sa—" "—Pareng Heyo, mey pagkaen ba tayo?" biglang pasok sa kusina si Coffee kaya hindi namin naipagpatuloy ang pag-uusap. Nabagabag ako sa kinuwento ni tukmol. Kaya pagdating na pagdating namin sa bar, hinila ko kaagad si Noir para kumpirmahin ang suspetsa ko. Nag-usap kami sa loob ng manager's office. Walang tao dun bukod saming dalawa. **** Noir's POV: "Shall, pwede bang maupo ka na lang?" suhestiyon ko sa aking kapatid dahil nahihilo nako sa kakaparoo't parito niya. Sa wakas ay sumalampak siya sa armchair katapat ng armchair na kinauupuan ko. "—Noir, may alam ka ba tungkol sa mga Darktower?" Darktower.. Wag mo sabihing— "—Darktower ang pinanggalingang angkan ng prinsipe hindi ba?" diretsahang tanong ni Shall. Marahan akong umoo. Noong unang panahon, ayon na rin sa kwento ng mga kabilang sa konseho ng lahing bampira, may tatlong kilalang angkan ng bampira ang sinasabing nakapagbukas ng magkakaibang tarangkahan patungong impyerno. Ang pangunahing dahilan nila ay upang mas lalong maging makapangyarihan sa lahat. Ang mga Claymore ay nabuksan ang Nyx o ang tarangkahan ng walang katapusang gabi. Ang mga Esodel ay nabuksan ang Erebus na siyang tarangkahan papunta sa walang hanggang bangin ng kadiliman. At ang pinakamalagim sa lahat ng tarangkahan ay nabuksan ng mga Darktower— Ang Thanatos na tarangkahan ng walang katapusang kamatayan at pagkabulok. Biyaya ang mga lagusang ito subalit isa rin daw itong sumpa. Kapalit ng kapangyarihan, humihingi ang mga ito ng mga kaluluwang ipapadala sa impyerno bilang kabayaran. Bawat isa sa mga tarangkahan ay may kumakatawang ispirito. Sila ang pumipili sa kanilang master. Kapag dumating ang panahong hindi na katanggap-tanggap para sa kanila ang pinili nilang master, sila mismo ang nagpapadala dito sa impyerno bago muling pipili ng panibagong pagsisilbihan. "—Noir, makinig ka sakin.. Sa tingin ko, muli na namang nakapili ang Thanatos ng kanyang bagong master— at walang iba yun kundi ang prinsipe!" "Itikom mo yang bibig mo Shall baka marinig ka niya!" saway ko sa kanya. "—Bakit kailangan yung ilihim sa kanya?" napakagat sa kuko si Shall. "Darating din ang panahon na magkakaroon ng linaw ang lahat... basta, hindi pa yun ngayon!" "Naku, paano ba to?" "—Mukhang nag-aalala ka para sa kanya ha?" Hindi siya nakasagot. Ano nga ba ang posisyon namin tungkol sa isyu na ito? Kung para sa takot lang namin, baka tinapos namin kaagad ang buhay ni Hio habang hindi pa buo ang kanyang pagkatao at kapangyarihan. Ang isang gaya niya bagamat may kakayahang maging Prinsipe, ay banta rin sa buhay ng marami. Pero nakasama na namin si Hio. Wala siyang kaalam alam kung ano ang tadhanang kanyang ginagalawan. Parte na siya ng buhay namin.. Kung totoong kasuklam-suklam ang kanyang eksistensya, bakit siya naririto? **** Div Umbra's POV: Tinalon ko ang matayog na gate para makapasok sa loob ng isang sementeryong para sa mayayamang tao. Inalalayan ako ni Penumbra. Ikinampay niya ang malalapad na itiman niyang pakpak. Sa paglapag ko sa damuhan, naglabasan ang mga gravehunter. Rrrrr.. Rarrrr.. Masasabi kong marami-rami din sila. Lahat sila ay mukhang binalatan ng buhay, masangsang ang amoy at hindi kanais-nais sa paningin. Pinagapang namin ni Penumbra ang mga anino. Isa-isang naglubugan sa kumunoy ng anino ang mga gravehunter. "Ahhh.." Humiyaw si Penumbra. Tumalsik palabas ng itim na kumunoy ang mga gravehunter. "Walang kaluluwa ang mga gravehunter kaya hindi mo sila kayang dalhin sa impyerno!" anang isang tinig ng babae sa may di kalayuan. Halatang nainis si Penumbra. "Tsk.. Tama ka. Kaya ikaw na lang ang ipapadala ko dun!" Akmang susugurin niya ang babaeng bampira ngunit pinigilan ko siya. "—Penumbra! Ipaubaya mo na sakin ito." Binunot ko ang espada ko na may mahabang puting tela. Inikit ko ang dulo ng tela sa aking kamay at hinayaang maglambitin ang espada na nagliyab ng kusa. "Ano kamo? Penumbra? Nakakatawa.. Hindi ba siya si Ny—-" Hindi niya naituloy ang kanyang mga sasabihin dahil bigla na lamang akong naglaho at lumitaw sa likuran niya. Hinagod ko siya ng aking sandata subalit mabilis siyang nakailag. Sumugod ang mga maliliksing gravehunter. Iwinasiwas ko sa kanila ng ubod ng bilis ang espada ko hanggang sa nakagawa ako ng apoy na may talim. Dahil nga walang kaluluwa ang mga gravehunter, kahit magkaputol-putol pa ang katawan nila ay patuloy silang nakakagalaw. Mainam na sunugin sila gamit ang apoy. Napansin yata ng babaeng bampira na walang kalaban laban sakin ang kanyang mga alagad. Umatras siya at may balak tumakbo. Lumabas mula sa anino niya si Penumbra at nahinto siya sa kanyang paggalaw. "Sinabi kong ako na ang bahala sa kanya hindi ba?" Hindi nakikinig sakin si Penumbra. Desisido talaga siyang parusahan ang aming kalaban. "PENUMBRA!" sigaw ko na. Ako pa rin ang kanyang master kahit ano pang gawin niya. Tinitigan niya ako ng masama ngunit lumusong din siya pabalik sa anino. Sa pagkawala niya, muling nakagalaw ang tampalasang bampira. Nawalan siya ng panimbang kaya't napahiga siya sa damuhan. Inapakan ko siya sa kanyang leeg. "Ano ang pangalan mo?" "—E-Europa.." sagot niya. "Europa.. Kay gandang pangalan. Sigurado akong malulungkot ang master mo kapag nawala ang isa sa mga hangal niyang alipin." "—HINDI ALIPIN ANG TURING SAKIN NI MASTER KALIX— Aaaarggh!" diniinan ko ang pagyapak sa kanyang leeg. "Matuto kang gumalang sa mas malakas kaysa sa iyong master. Pakisabi sa kanya na isa lamang itong babala. Huwag na siya muling gagawa ng bagay na ikagagalit ko." Pinakawalan ko rin ang bampirang si Europa at agad na umalis ng sementeryong iyon. Opus 23 Hio's POV: Wala ang ForMad sa bar ngayong gabi. Sa isang recording studio kami pumunta. Langya. Kami na ang magrerecording nang gabi! Importante para samin ang oras kaya pumunta lang kami dito nang prepared na talaga kami. Ready na ang mga songs namin at pre-recorded na ang mga gusto naming arrangements. Bago ang actual recording, nagbriefing muna kami kasama ang mga staff at recording engineer. Pinalitan namin ni kape ng mga bagong heads ang gagamiting drums at pinalitan din namin ng bagong strings ang mga guitars. Mas maganda daw ang tunog kapag fresh ang mga strings at heads. Tumulong din kami sa pagpaplug ng mga instrument sa amplifiers at mics. Tapos nun, nagvocalization sina Kape at Manika. And finally, pagkatapos ng 983762 years, nagsimula na kami ng session. Pack up na kami bandang alas tres ng madaling araw. Nakatapos kami ng ilang kanta. Hindi pa rin totally tapos ang buong recording kaya babalik pa kami. Sa kotse na lang talaga kami nagkausap-usap ng kaswal. Si Noir ang driver. Nasa front passenger's seat si manika. Kaming dalawa ni Kape ay magkatabi sa backseat. "—Malapet na pala berdey mo no pareng Heyo?" sabi ni Kape. Taeng yan. Pinaalala pa. "Wala akong balak magcelebrate." maagap kong sagot. "Bakit wala?" singit ni Noir sa amin. "Ordinaryong araw lang ang tingin ko sa mga ganyan. Kahit kasi taunan mo pa icelebrate, hindi mo naman talaga mararamdaman kung ano nga ba talaga ang ipinagdiriwang mo. Eh nung lumabas tayo sa mga nanay natin wala pa tayong malay—" tangena, talaga bang galing ang mga salitang ito sa bibig ko? Side effect na yata to ng pakikipaglaplapan kay manika! "—Kehet enuman man lang pareng Heyo?" "Yon! Pwede!" dun lang naman kami magaling. Ilang araw na nga lang ba bago ang birthday ko? Binilang ko sa mga daliri ko simula sa petsa ngayon. Pitong araw na lang. Saktong isang linggo mula ngayon. May mababago na ba sa akin o sa paligid ko o sa takbo ng buhay ko kapag nadagdagan na ng isa ang edad ko? Ano ba ang magiging kahulugan ng edad disiotso sakin kung matagal na akong pinalaya ng sarili kong pamilya? Pagkalipas ng tatlumpung minuto, narating namin ang apartment. Bumaba kaming tatlo at naiwan si Noir dahil dun pa siya sa condo niya. "Ingat ka." pahabol ko sa kanya. Madilim pa rin at naglipana pa ang mga nilalang ng dilim. Naunang umakyat si Kape sa hagdan para buksan ang pinto. Pagpasok, kanya kanya nang punta ng kwarto. Syempre ako, walang kwarto kaya diretso higa sa sofa. Itinabi ko lang ang gitara ko pero hindi ako nagtanggal ng sapatos. Iidlip lang ako saglit at hihintayin kong sumikat ang araw. Pagsikat ng araw, aalis akong mag-isa at susubukan kong hanapin ang dating mansyon na tinitirahan namin. Wala akong alaala kung saan eksaktong nakatirik ang mansyon; lalong hindi ko alam ang mga kalyeng dadaanan para marating yun. Sa sampung taon kong tumira doon, ni hindi ko man lang nakita ang buong mansyon na yun mula sa labas. Dadalawang beses lamang akong lumabas doon: noong nagkaroon ng enggrandeng piging at noong pinaampon na ako ni kuya. Pero, alam ko ang address. Kapag may nagpapadala ng sulat sa mansyon, nagagawa kong usisain ang mga yun. Tinitingnan ko ang tatak na petsa, mga selyo, at mga address na nakasulat sa harap. Syempre palihim ko lang na ginagawa yun. Sabik talaga ako dati na maexperience ang buhay sa labas ng mansyon. Yung address ng mansyon, isinulat ko yun sa isang pahina ng Divine Comedy— ANAK NG KABUTE! Nasa kwarto pala yung libro na yun! Brrr.. Kukunin ko ba yun o hinde? Magdududa kaya si manika pag kinuha ko? Malalaman ba niyang may balak akong gawing soloflight investigation habang tulog siyaa?! Bumangon ako at kumatok sa silid ni manika. "AYOKO!" sigaw niya kaagad mula sa loob. AYOKO?! Anu yun? Baket pag kumakatok ba ibig sabihin waka-waka na? Hindi ba pwedeng kukunin ko lang ang libro ko? Tok! Tok! "—May kukunin lang ako saglit!" Tlaaaak! Umawang na lang bigla ang pinto. Kasunod nun, umihip ang lamig na nakakapanuot ng balat. Wala si manika sa kama. Nakatayo siya sa— KISAME! Buti na lang at alam kong bampira siya. Kundi, NAKO! Mamamatay ako sa pangingilabot! Nakalahad pa ang kamay niya. Para bang binuksan niya ang pinto gamit yun nang walang physical contact. May suot na puti at mahabang linen si manika. Maganda yun tingnan; parang eleganteng kurtina na nakabitin. Nakapikit siya at napakaganda niya. Dumaan ako sa gilid niya. Ang ulo niyang nakabaligtad ay halos kalevel lang ng ulo ko. Hinawi ko ang linen na nakaharang sa dadaanan ko. Nang gawin ko yun, napalingon ako kay manika. Nakaharap na pala ang inverted niyang mukha sakin na kanina ay nakatagilid. Dumilat ang kanyang mga matang kulay pula. Nakaramdam ako ng takot. Iba talaga ang aura niya pramis! Lumunok ako upang alisin ang bara sa aking lalamunan. Hindi naman siya gumagalaw. Dahan-dahan ko siyang nilagpasan at nagpunta ako sa may bookshelf. Mabilisan lang! Kinalawit ko kaagad ang librong pakay ko. Madali naman kasi siyang matukoy kahit sa dilim eh. Siya kasi yung pinakamalaki sa lahat ng mga libro ko. Pagpihit ko— WALA NA SI MANIKA SA KISAME! Wala siya sa paligid. BASTA WALA SIYA SA PANINGIN KOO! Potek! Wala namang takutan oh?! May isang malamig na kamay ang dumampi sa braso ko. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko. "Haha! Matatakutin ka nga talaga ano tukmol?" Whew! Kala ko nawala na siya sa sarili! Amp! Tamang trip eh. Hinarap ko siya. Nahuli ko siyang nakangiti. Sinapo ko ang isa niyang pisngi at bahagya akong yumuko para maabot ang mga labi niya. Gusto kong makasiguro na siya pa rin talaga yung manikang kilala ko. Mainit pa rin ang kanyang halik. Nababaliw pa rin ako pag natitikman yun. Sana wag siyang magbago. Okey lang na sinasadista niya ako. Okey lang na pagalit siya pag kinakausap ako. Basta.. Ganun lang siya.. Wag sanang magiging malamig at nakakatakot ang pakikitungo niya sakin. Lumabas ako ng kwarto nang nakatayo pa rin siya kung saan ko siya iniwan. Creeek.. Naisara ko ang pinto na may di maipaliwanag na bigat ng loob sa aking sistema. Di pa nga ako umaalis, nagiguilty na kaagad ako. Pero sigurado naman kasi akong hindi niya ako tutulungan eh. Ewan ko lang; para kasing mas mabuti kung 'wala akong alam'. Mag-iingat naman ako eh. Atsaka hindi ako magpapagabi. Naupo ako sa sofa at kaagad kong binuklat ang aklat. Nakita ko kaagad ang hinahanap ko. Kinopya ko yung address. Pasado alas kwatro na. Kapag umalis ako ngayon, mas malaki ang posibilidad na maaga kong mahahanap ang mansyon. Maaga rin akong makakabalik. Dinala ko ang kotse. Inabutan ako ng sikat ng araw sa kalsada. Nagdrive ako hanggang sa wala na ang mga nagtatayugang building at mga establisyemento; napalitan na ng mga malalawak na bukirin. Pahinto hinto ako kapag may taong naglalakad sa gilid ng kalsada. Magalang ko silang tinatanong. Hanggang sa napadpad ako sa bayan na nakasaad sa address. Bihira lang ang tao sa labas. Inapakan ko ang break at ibinaba ko ang salamin. "—Manong, pwede po bang magtanong? May alam po ba kayong mansyon dito sa bayang ito?" Tumingin sakin ang matandang tinanong ko. Medyo sunog ang kanyang balat dahil siguro sa magdamag na pagbababad sa araw. Sa tingin ko isa siyang magbubukid. Hinubad muna niya ang kanyang lumang salakot bago sumagot. "Totoy, iisa lang ang malaking bahay na nakatayo dito. Doon sa may dulo ng bayan. Ang alam ko'y matagal nang walang nakatira doon—" "Salamat po manong." pinaharurot ko kaagad ang kotse. Narating ko ang tinutukoy niyang bahay nang wala pang kinse minutos. Hindi ako sigurado kung yun nga ang bahay namin dati. Wala man lang tao para mapagtanungan. Tama nga si manong, wala na yatang tumira dito nang matagal na panahon. Kinakalawang na ang mga railings ng gate. Pati ang malawak na hardin ay napabayaan na. Patay na ang mga magagandang halaman at ang nabubuhay ay mga damo, baging at halamang ligaw. Bumaba ako sa kotse at sinipat ko ang gate. "TAO PO?!" Creeeek! Umawang ang gate pagkahawak ko sa railings. Kakatwang bukas yun? Niluwagan ko ang pagkakabukas ng gate bago ako muling sumakay ng kotse. Pinasok ko yun hanggang sa loob ng courtyard. Nilakad ko ang natitirang distansya papunta sa mismong malaking bahay. Lumang luma na iyon. Bakbak na ang pintura, may mga bitak na kahit saan, at basag na ang karamihan sa mga salamin ng bintana. Habang palapit ako, lalong nagiging pamilyar ako sa mansyon. Pamilyar sakin ang malaking double door dahil natatandaan ko pa rin ang mga disenyong nakaukit doon. Inakyat ko ang may kababaang marmol na hagdan para marating ang main door. Nang mahawakan ko ang bahagi ng napakalaking pinto, marahan iyong bumukas gaya ng gate kanina. Alam ko na yung mga eksenang ganito eh! Para akong bida sa horror movie, yun nga lang, medyo malakas ang loob ko kasi umaga pa. Pustahan tayo pagpasok ko, biglang sasarado ang pinto! So papasok ba ako o hindi? Game. Papasok ako. Sa bintana na lang ako dadaan kapag nagkayarian. Pagpasok ko, hindi naman sumarado ng kusa ang pinto. Stay put lang siya. Maalikabok ang marmol na sahig. Kita ko kaagad ang grand stairwell na dati ay pinapalamutian ng napakaraming bulaklak kapag kaarawan ko. Halos walang laman ang bahay. Wala na ang mga naglalakihang estatwa, mga mamahaling paintings at mga muwebles. Kahit sofa wala. Pumapasok naman dito sa loob ang sikat ng araw pero nakakaramdam pa rin ako ng pinaghalong lungkot at kilabot. Sa pagbagtas ko sa hall, may naririnig akong tunog na parang galing sa isang hayop na kumakain ng laman. Tumitindi rin ang nakasusulasok na amoy. Sinundan ko ang naaamoy ko. Pinagbubuksan ko ang bawat pintuang madaanan ko. Ang mga pintuan dito sa unang palapag ay gawa sa kahoy at salamin kaya makikita mo kung ano ang meron sa loob. Sa huling pintuan na nasumpungan ko, may malaking bakal na krus ang nakadikit sa pader. Prayer room ito dati. Pinihit ko ang pinto. Maraming bahaging hindi naaabot ng sikat ng araw dahil may nakatabing na butas butas na kurtina. At sa bahagi ng dilim, may isang babaeng nakahandusay at walang buhay. Biyak ang kanyang tiyan. Nakasubsob doon ang isang nilalang na tila pinagpepyestahan ang kanyang lamang loob. direk_whamba A/N: Dedicated————————>>>>> Salamat sa pagbabasa sa kagaguhan ko… XD —— Opus 24 Hio's POV: Dahan dahan akong umatras nang hindi tumitingin sa aking likuran. Kinakabahan ako na baka sa oras na tumalikod ako ay mabaling ang atensyon sa akin ng nilalang na inaalmusal ang bangkay ng isang babae. Gusto kong masuka dahil sa masangsang na amoy. Tinakpan ko na lang muna ang ilong at bibig ko ng dalawa kong kamay. Atras.. Atras.. Tang inis! Bat ang layo ng pinto?! Thud! Ayun, nabangga ako sa pinto. Nag-angat kaagad ng ulo ang nilalang. Middle aged lamang siya. Puti ang kulay ng mga mata niya. Para siyang may katarata. Nakanganga ang kanyang bibig at nakalitaw ang napakahaba niyang mga pangil. Kahit pa may bahid ng dugo ang kanyang mukha, hindi ko maipagkakailang namumukhaan ko siya. Paano bang hindi.. Siya lang naman si— "L-lolo.. I-ikaw yan di ba?" nauutal ako syet! Dumagan siya sa patay na babae. Kinaluskos niya ang mahahaba niyang mga kuko sa marmol na sahig gaya ng isang mabangis na leong nakahandang sumugod sa kanyang next prey. "L-LOLO, A-AKO PO ITO, SI HIO!" habang sinasabi ko yan, umatras atras pa rin ako. Tengena, to open this fucking door, kailangan mong i-pull.. Ang kaso mo, push ako ng push! Sa pagka-absorb ni lolo sa pagtitig sa akin, nausog ang kamay niya sa may parteng nasisinagan ng araw mula sa bintana. Umusok yun at nagkasugat sugat, gaya ng kapag binuhusan ng asido ang balat. Umalulong siya at nagpagulong gulong sa ibabaw ng babae. Tumalikod ako para hatakin pabukas ang pinto— FREAKING SYETS! AYAW! Kakatulak ko kanina, napwersa na yung mga hinges. Pero hindi pa rin ako sumuko. Buong pwersa kong hinila ang seradura hanggang sa— Nahila ko ang doorknob. YUNG DOORKNOB LANG TALAGA! Nakalas yung kalahati nun na nasa kabilang side. Pag pinagtitripan ka nga naman talaga sa mga horror scenes eh no. "Hwaaargh.." hala?! Nararamdaman ko na.. Nasa likod ko na siyaaaa! Inikot niya yung mga bahaging hindi naaarawan para makarating dito sa akin. Kinalma ko ang sarili ko. Lalo akong malilintikan kapag naunahan ako ng takot. Bigla akong yumuko nang napakababa. Saktuhan lang ang ginawa ko dahil sasakmalin na pala niya ako. Pagkatapos nun, wala na akong maisip na gawin. Pero siya, meron pa. Hinampas niya ako sa ulo kaya napahiga ako sa lapag. Wala na. Katapusan ko na. Kung sana ay mamamatay ako agad agad. Hindi eh. Mararamdaman ko munang tsinitsibog ako. Ng sariling lolo ko pa! Napatingala ako dahil may napansin akong nakatayo sa aking uluhan. Nakasuot siya ng ternong itim na amerikana at pormal na pormal ang postura niya. Gaya ng dati. "K-KUYA?!" Hindi siya sumagot. "Arrrgkhh!" Nabalik ang tingin ko kay lolo. May tila sumasakal sa kanya na di ko alam kung ano. Anino ba yun? "Tumayo ka Hio." utos sa akin ni kuya na agad kong sinunod. Palaisipan para sakin kung paano siya nakapasok dito sa loob kung sarado ang pinto. Patuloy sa panlalaban si Lolo. Naaawa na ako sa kanya. "Kuya, ikaw ba ang gumagawa niyan kay lolo?" Pilit ang pagtango niya. "Itigil mo na yan! Baka.. Baka mamatay siya!" Hinawakan ako ni Kuya sa isang braso at itinulak niya ako sa gawing nasisinagan ng araw. "Diyan ka lang. Habang nandirito ka sa loob ng mansyon, mas makabubuting kumanlong ka sa liwanag. Ituring mo ang kadiliman bilang kalupaan habang ang bahagi ng liwanag ay lawa ng tubig. At ikaw ay isa lamang maliit na isda na maaaring maging pagkain ng mga ligaw na hayop ng kalupaan." Sa madaling salita, stay on the light! Ang dami niya talagang sinasabing talinhaga. Natigil ang nangyayaring pananakal kay lolo kaya bumalik na naman siya sa pagtatakam sakin. Para nga siyang pusa na minamatyagan ang isdang si Hio na nasa tubigan. "Anong nangyari kay lolo? Bakit siya nagkaganyan?!" tanong ko. "Mukhang may nalalaman ka na. Kaya nga nagpunta ka dito hindi ba? Buweno, ang gumawa niyan sa kanya ay isang duke na may kapangyarihang alisan ng tamang pag-iisip ang isang bampira." "Pero bakit?!" "—Una sa lahat, hindi natin siya lolo, at hindi mo rin ako kuya. Tayong tatlo ay hindi magkakaano ano." "HAAA?!" Parang hindi ko yata kakayanin ang mga rebelasyong malalaman ko pa lang. Huminga muna ng malalim si hindi-ko-pala-kuya. "Dati akong isa sa mga Duke ng lahing bampira, at siya—" nilingon niya si hindi-ko-pala-lolo. "—si Galahad. Ang dati kong Knight." Pamilyar na ako sa mga Knight at pati sa mga nobles. Siguro may hindi matatawarang samahan sina kuya at lolo kaya kahit nawala ito sa tamang pag-iisip ay hindi pa rin niya ito maiwan. Magiging masakit nga para kay Kuya kung sakaling natuluyan niya si lolo kanina. Pero eto talaga ang on-topic kong tanong— "Sino ang mga magulang ko?!" "Halika, sumunod ka sakin." yaya ni kuya. Kahit di ko siya totoong kapatid, kuya na lang din ang itatawag ko sa kanya. Sandali lang niyang nabuksan ang pintong nasira ko. Angas! Pinauna niya akong makalabas. Nilingon ko si lolo. Hindi siya makagalaw sa kinatatayuan niya. "Wala ka nang dapat ipangamba Hio, hindi siya makakagalaw dahil bihag siya ng sarili niyang anino." Ahhh.. Ganun naman pala. "Anino? Parang kanina ko pa yun naririnig sayo kuya." "Pagmamanipula sa mga anino ang aking kapangyarihan." aniya. Halos magkasabay kaming naglalakad pabalik sa hall na pinanggalingan ko kanina. Siya ay nasa lilim, ako ay nasa sikat ng araw. Magkasingtangkad na pala kami. Nakakailang. "Ang mansyong ito ay nakaharap sa silangan. Ibig sabihin, habang tumatakbo ang oras, kumakalat agad ang kadiliman. Bukas ang tahanang ito sa mga ligaw na nilalang. Maiging lisanin mo ang lugar na ito bago sumapit ang ikaapat ng hapon." nagbabala siya bago nagpatiunang umakyat ng magarang stairwell papuntang second floor. "—Kuya.. Bakit hindi mo na ako binalikan?" sa wakas naitanong ko na rin ang bagay na yun. Huminto siya sa paghakbang. "—Dahil yun ang makabubuti. Maiintindihan mo rin.." Maiintindihan ko? Ewan. Hindi ko kayang intindihin. Siguro dahil sila ang nakagisnan kong pamilya sa mundong ito. Pinaniwala nila akong masaya kaming magkakasama. Minahal ko sila. Pero sila, minahal ba nila ako? O kasinungalingan lang talaga ang lahat?! Kumurap kurap ako dahil baka may tumulong luha sa mata ko. Kunwari hindi ako apektado. Gaya ng ipinapakita niya. Sa secondfloor, nilagpasan namin ang dating kwarto ko at tumuloy sa kanyang silid. Mahigpit niya akong pinagbabawalan noon na huwag na huwag papasok ng kwarto niya. Sinunod ko yun dahil takot ako sa kanya. Hindi ko pa siya nakikitang magalit sakin at ayokong mangyari yun kahit kelan. Parang dinaya ang aking mga mata pagbukas niya ng pinto. Ibang iba ang kanyang kwarto. Magara at parang hindi naapektuhan ng lumipas na panahon. Kumpleto ang mga muwebles. May mga malalaking paintings. Malinis ang carpet, mga kurtina at pati ang kobre-kama. Pinaupo niya ako sa isang eleganteng silya sa tapat ng fireplace. Malay ko kung bakit may fireplace e hindi naman nagwiwinter dito sa Pinas. Pumunta si kuya sa kanyang study table at binuksan ang isang nakalock na drawer. May kinuha siya doong mga lumang envelopes. Parang mga lumang sulat. Naninilaw na ang kulay ng papel. Lumapit siya sa akin at ipinatong niya sa aking kandungan ang mga iyon. Nasa ibabaw ng mga sulat ang dalawang lumang litrato. Ang isa ay si kuya mismo. May kasama siyang isang lalaki na may hawak na violin— SHIT AKO YUN! Napatingin ako kay kuya. Gusto kong itanong kung paano nangyari yun. "Magkamukhang magkamukha kayo ni Orpheus, hindi ba?" Nanlaki ang mga mata ko. "—Siya ang tatay ko?" Nginitian niya ako. "Oo. Naging matalik kaming magkaibigan sa kasagsagan ng alitan ng mga pamilya namin." Tiningnan ko ang ikalawang litrato. Ang ama ko ang nandun. Wala si kuya pero may kasama siyang isang pagkaganda-gandang chix. Hula ko iyon ang nanay ko! Salamat sa kanilang pamanang magandang lahi. Bow. Teka nga. May napansin ako sa litrato. Sa may bandang likod ni mama, may nahagip ang lente ng camera na babaeng nakaside view. Nakasuot iyon ng itim na habito. "S-sino yung madre na yun?" "Si Sister Antonia. Ang saserdote ng iyong ama." "Saserdote?" maang kong tanong. "Sila ay isa sa mga opisyal ng isang prinsipe o prinsesa." "Ganun ba.." "Wala na akong sasbihin pa. Nasa mga sulat na iyan ang sagot sa iyong mga tanong." "Maraming salamat po kuya." sinuri ko ang dalawang sulat. Makapal sila na parang napakaraming papel ang siniksik sa loob. Mukha ring hindi pa nabubuksan ang mga iyon. At lalong hindi iyon pwedeng maihulog sa post office dahil walang address. Pero may nakalagay kung para kanino ibibigay ang sulat. Napakaganda ng handwriting ng kung sino mang sumulat nun. Para kay: Henna Iryl Orpheus Darktower ANAK NG KABAYONG BAOG! Binuo talaga yung pangalan ko eh no. Ayoko pa namang me bumabanggit ng full name koo! Yun ang nakalagay sa dalawang envelope. Pansin ko lang na naiba ang handwriting ng ikalawang envelope. Mas makulot yun kaya hula ko babae ang sumulat nun. "Umalis ka na sa lugar na ito Hio." si Kuya. Waring may pinakikiramdaman siya. Tumayo na ako at inilagay ko ang sulat sa loob ng vest na suot ko. Sana wag silang mahulog. Saktong pagkababa namin ng hagdan ay biglang nagdilim ang paligid. Sa sobrang dilim, di ko na alam kung nakadilat pa nga ba ako o nakapikit na! "HIO, WAG KANG MAGPAPANIC. Wag kang gagalaw sa kinatatayuan mo!" narinig ko si Kuya pero di ko siya maramdaman. "BAKIT BIGLANG NAGDILIM ALAS DOS PA LANG AH?!" "Iyon ang pinagkaiba nating tatlo sa ibang mga bampira. Nakakalusot tayo kahit saan basta may kadiliman.. Hahahaha.." Huweyt lang! Si-sino yun?! Kaninong boses yun?! A/N: Isang maagang bakbakan from Forlorn Madness!!! \m/ Rock out!!!!! —— Opus 25 Hio's POV: "Kuya?!" No answer. "KUYA?!" Mayamaya, parang nawawala ang kadiliman. Madilim pa rin naman dahil gabi. Pero naaaninagan naman ang hall ng kaunting liwanag mula sa buwan— ANAK NG TIKBALANG! GABI NA KAAGAD??! Ano bang nangyayari dito? Nang maka-adjust ang paningin ko, naaninag ko si Kuya na may dalawang talampakan ang layo mula sa akin. Hawak niya ang isang espadang malapad ang dulo at may mahabang tela sa hawakan. Sa likod niya ay may nakalutang na babaeng sexy. May mga itim na pakpak iyon. Si kuya at yung babae ay nakatingin sa taong nakatayo sa may main door. Mas matanda yun ng konte kesa sa amin. Mahaba ang kanyang buhok at lila ang kulay ng kanyang mga mata. Nakasuot siya ng damit na parang pang pari. May hawak din siyang sandata gaya ni kuya. Isang mace na korteng malaking krus ang dulo. "—Anong ginawa mo sa aking kadiliman?!" galit ang tono ng lalake. "Nakalimutan mo na Kalix? May kakayahan ang aking Nyx na hilahin ang araw upang maging gabi. Sa pagsapit ng gabi, nagsisilbing palamuti na lamang ang kadiliman." sabi ni Kuya. Astig! Totoo ba ang mga ito?! "HIO, DOON KA SA LIKOD. Gagawa ako ng daan para makalabas ka—" Habang naglalakad ako naririnig ko ang muling pagtawa ng lalakeng tinawag ni kuya sa pangalang Kalix. "Bihira lang magkasama sama ang tatlong tagapag-ingat ng tarangkahan. KAYA MAGLARO MUNA TAYO!" "—Hindi ka siguro makamove-on nung sinabi ko sa alila mo na MAS MALAKAS ako kaysa sayo!" May tinatago din palang kayabangan tong si kuya. Astig men astig! Napa-rock sign ako. Pinagmasdan ko ang ginagawa ni Kalix. Itinukod niya ang dulo ng kanyang mace sa marmol na sahig. Nagkaroon ng waves na parang sa tubig. Kasunod nun, umitim ang tinatapakan namin— at naging mababaw na tubig! "Simple lang ang larong ito. Ang tinatapakan natin ngayon ay ang unang lagusan papuntang impyerno. Lahat tayo ay maaaring buksan ang ating mga tarangkahan. Ang mahulog.. PATAY! HAHAHAHAHA!" **** Div Umbra's POV: Masama ito. Walang kapangyarihan si Hio. Kapag isa sa amin ni Kalix ang nagbukas ng tarangkahan, tiyak na mahuhulog siya! Balak nga talaga ni Kalix na dispatsahin si Hio. Kumulo ang itim na tubig sa ilalim ng mga paa namin. Walang duda. Binubuksan na ni Kalix ang tarangkahan ng Erebus. Dahil siya ang may ari nun, nunca siyang mahuhulog. Naglabasan ang daan daang maliliit at malalaking itim na pangil sa paligid namin. Sa gitna ay parang napakalaking lalamunan na lunok ng lunok. Nababalutan ito ng malagkit na asido. Lumundag kaagad ako. Ginamit ko ang kapangyarihan ng mga anino para makagawa ako ng pakpak. Bumubukas sara ang Erebus na parang bibig. Gamit ang anino, iginapos ko si Hio at itinaas sa ere. "WAAAH KUYAAA!" hiyaw niya "Diyan ka lang." Sinugod ko si Kalix habang si Penumbra naman ay sinubukang wasakin ang harapan ng mansyon. Nasangga ni Kalix ang atake ko. "—Makapal ang kapangyarihang nakabalot sa mansyon." ani Penumbra. Bumwelo siya at sumugod na rin sa aming kalaban. "Mag-iingat ka Penumbra. Nakasanib sa kanya ang Erebus—" Huli na para sa babala. Natamaan siya ng itim na apoy ni Kalix. Tumilapon siya sa isang haligi. Ayaw mamatay ng apoy na iyon kaya't nagsisigaw sa sobrang sakit si Penumbra. "Anong gagawin mo ngayon Umbra? Pababayaan mo na lamang ba siya?" Asar! "TINATAWAGAN KITA NYX!" di tulad nina Erebus at Thanatos na sumasanib sa kanilang master, si Nyx ay kay Penumbra sumasanib imbes na sa akin. Namatay kaagad ang apoy sa katawan ni Penumbra. Nag-iba ang kanyang anyo. Naging walo ang kanyang pakpak at ang buo niyang katawan ay nilabasan ng mga itim na markang guhit. "Kamusta master Umbra. Mas lalo ka yatang gumagwapo.." sarkastikong bati sa akin ni Nyx. Alam kong galit siya sa akin dahil bihira ko lamang siyang tawagin. "Pakitaan mo siya ng takot Nyx." utos ko. "HAH! Mga walang kwenta! Hindi sila papasang kalaban ng dakilang si Nyx na kinatatakutan kahit ni Zeus!" nagyabang na naman siya. "Hindi ako nasisindak sainyo!" sagot naman ni Kalix. Naging mabilis kaagad ang pagkilos ng tarangkahan niya. Sumisigok na ang malagkit nitong asido. Ibinuka ni Nyx ang kanyang mga pakpak. Nagpaulan ang mga iyon ng napakaraming patalim. Siya namang pagbubukas ng tarangkahan ng Nyx. Naglaho ang mga ngipin at lalamunan. Bumalik ang mababaw na tubig itim ngunit sa ibabaw ay namuo ang itim na usok. Nagsilabasan mula sa ilalim ang walang katapusang dami ng mga patalim. Ang iba ay tumatalsik sa ere. Walang magawa si Kalix kundi ang umilag sa lahat ng atake na nanggagaling sa magkakaibang direksyon. "Magdahan-dahan ka Nyx. Baka masaktan si—-" Nabaling ang mga ginintuang mata ni Nyx kay Hio na nakagapos pa rin sa ere. "Naaamoy ko sa kanya ang lansa ni Thanatos. Kailangan niyang mamatay!" "HUWAG NYX!" sigaw ko. Nahablot niya si Hio at pinalaya mula sa mga aninong nakagapos dito. "—B-bitawan mo ako.." nagpupumiglas ito. Umismid si Nyx. "WAG KANG MAG-ALALA, BIBITAWAN NAMAN TALAGA KITA EH." Gamit ang isang kamay, initsa niya si Hio para ipakain sa mga patalim ng tarangkahan.. **** Hio's POV: AAAAAHHH! MATUTUSOK AKOOOO! Blag! Solid akong lumagapak mula sa lapag ng isang lugar na pamilyar sa akin. Pineste, NANDITO NA NAMAN AKO?! "Hoy tanga! Wag ka nang patumpik tumpik diyan! Papatayin na tayo ni Nyx!" Tumayo ako at hinarap ko ang aking repleksyon na nasa salamin. "Eh.. Anong gagawin ko?!" tinanong ko siya. "Ilusot mo ang kamay mo dito sa salamin." utos niya. "Ayoko nga!" "GAWIN MO NA!" dumagundong sa buong lugar ang boses niya. Sinunod ko siya. Inilapat ko sa salamin ang isa kong kamay. Dahan dahan yung lumubog. Sinunggaban niya kaagad ang kamay ko. Kita ko ang kanyang nakakalokong ngiti. **** Div Umbra's POV: Yumanig ang aming kapaligiran. Nagsisilubugan ang mga patalim pabalik sa ilalim ng tubig. "Hah, naglalaho na ang tarangkahan mo Umbra!" sigaw ni Kalix sa kabila. May umaahon na mga kalansay ng tao. Ang masagwa dun ay gumagalaw sila. Sa gitna ng lawa ay umahon ang isang sira-sirang trono na nasa ibabaw ng bundok ng mga patong patong na kalansay. Nakaupo doon si Hio. Asul ang kulay ng mga mata niya. May marka din siya sa mukha. Indikasyon na sumanib sa kanya ang Thanatos. Sa ibabaw niya ay may napakalaking kalansay na may pakpak at may hawak ng karit. "Kamusta na Nyx at Erebus. ANG KAKAPAL DIN NG MGA MUKHA NINYONG PAGTRIPAN ANG TAONG MAY-ARI NG KATAWANG ITO—!" itinuro pa niya ang kanyang sarili. "Mga kalansay, ano pang hinihintay niyo?! Hilahin niyo na sila pababa sa pinakailalim na bahagi ng impyerno! HAHAHAHA!" Kumilos ang mga kalansay. Humanap ako ng lilim na pinakamalapit kay Hio. Lumusot ako dun at tumagos ako sa harap mismo ng trono. "Hio, gumising ka na! Hindi mo dapat tinawag ang Thanatos!" "Masyado kang pakialamero bampira!" Psssswk! Kinarit ako ng dambuhalang kalansay kaya umilag ako. "Hoy, mga tangang kalansay! Bat sinusundan niyo lang ng tingin si Nyx?! HULIHIN NIYO SIYAAA!" "IKAW ANG TANGA THANATOS! Talagang hindi nila ako mahuhuli kung hindi nila kayang lumipad!" ani Nyx habang pinapaulanan ng patalim ang mga kalansay. Sinasalag ng higanteng kalansay ang mga patalim na gumagawi sa trono gamit lang ang karit. "NANDITO PA AKO—" mula sa kung saan, nakaposisyon si Kalix. Kalahati lamang ng kanyang katawan ang maaaring saniban ng Erebus kaya't masasabi kong mahinap pa rin siya. Iwinasiwas niya ang kanyang espadang may itim na apoy. Kumalat sa buong lugar ang apoy. Nakasalag ako gamit ang anino; si Nyx gamit ang pakpak; si Thanatos naman ay prinotektahan ng kalansay na may karit. Lahat ng hindi ko nabanggit, partikular na ang mga gumagalaw na kalansay, ay nagkikisay sa itim na apoy. Inamba ng higanteng kalansay ang kanyang karit. Subalit pinigil siya ng kanyang master. "Tama na Jack. Ako na ang bahala sa mga kutong lupa na yan!" Tumayo mula sa trono si Thanatos at inilabas ang kanyang sandata; Isang napakahabang latigo na gawa sa gulugod ng mga hayop. Matatalim ang mga nakausling buto doon. Sunod sunod niyang hinambalos ang latigo sa kahit saang direksyon. Tumama ang mga iyon sa poste, haligi, bintana, maging ang mga sarili niyang alagad na mga kalansay ay hindi pinatakas ng kanyang hagupit. Patuloy kaming tatlo sa pag-ilag habang humahanap ng anggulo para makaatake. Mas lalo pang binilisan ni Thanatos ang pag-atake hanggang sa parang ginigiba na niya ang buong mansyon— HINDI, MALI AKO! Sinisira niya ang barrier na nakabalot sa mansyon! **** Hio's POV: HALA?! Bakit hawak ko ang kamay ni ungas? Bumitaw kaagad ako at lumayo sa salamin. Pagkahakbang ko, biglang nag-iba ang lugar. Bumalik ako sa— MAS SIRA-SIRANG MANSYON?! Eto pa! Nawala ang solid na tinatapakan ko. Waaaah! Malalaglag ako! Tae solid marmol yung sahigggg! Pero saktong bago ko mahalikan ang sahig, nahawakan ni Kuya ang likod ng damit ko. "HIO TUMAKBO KA NA PALABAS NG MANSYON BILIS!" hardcore makasigaw tong si kuya parang 1km apart lang kami eh. Sinunod ko naman siya. Habang tumatakbo ako, dinudukot ko ang susi ng kotse sa bulsa ko. Ting! May narinig akong tunog ng nagtamang bakal mula sa likuran. Bahagya akong pumihit para maki-usi. Nakita ko si kuya, salag salag niya ang mace ni Kalix. "HIO TAKBO NA!" sigaw ulit ni kuya. Oh eto na eto na eto na! Natataranta kong binuksan ang kotse. Nakasakay na ako't lahat lahat, pagtingin ko sa backseat— MAY GRAVEHUNTER! —— ©direk_whamba Opus 26 "NAGMANIPESTO ANG KAPANGYARIHAN NG NYX! Ano ang gagawin natin?!" Nagkakagulo sa loob ng great hall ng napakalaking tahanan ang mga miyembro ng konseho. Ang kapangyarihang tinutukoy ng pinakabatang ministro ay ang kakayahang hatakin ang gabi kahit taliwas ito sa tamang oras, o yung may araw pa. Iyon ang natatanging kapangyarihan na kayang baliin ang kalikasan ng oras at panahon. Walang kamalayan ang mga tao sa penomenong ito. Umikot nang mabilis ang oras kasama ng kanilang pandama ukol dito. Pero ang mga bampira, alam na alam nilang manipesto ito ng nag-iisang Diyosa ng gabi na si Nyx. Si Nyx na alipin ng Paladin. "—Sinasabi ko na nga ba at hindi dapat pagkatiwalaan ang dating kaaway!" anang isa pang ministro. "Maghunus dili muna kayo!" singit ni Zandros. "Maaaring may paliwanag dito ang Paladin! Bakit hindi muna natin hingin ang kanyang panig bago tayo maghusga?" "TAMA SI ZANDROS MGA KASAMA" laging sa huli may sinasabi ang matandang punong ministro. Hinihintay muna niyang magbigay ng opinyon ang mga kasama. Titimbangin niya ang bawat isa at saka maglalatag ng konklusyon. "HINGIN ANG PALIWANAG NG PALADIN!" **** Hio's POV: Dinakma kaagad ng gravehunter ang braso ko sabay kinagat niya ako sa balikat. "ARAAAAY AH!!" pilit kong inilalayo ang mukha niya habang binubuksan ko ang car door. Sa intense ng pagpalag ko, gumulong ako palabas ng kotse. Tshaak! Isang talim mula sa espada ang bumaon sa lupa malapit sa tenga ko. WOOOH buti na lang nakailag ako last minute! Hawak yun ng isang babae. Hindi ko masabi kung maganda ba siya? Losyang eh! Gula-gulanit din ang suot niyang bestida. Hinatak niya ang espada at muling iaamba sa akin. Naharang yun ni Kuya. Tinadyakan niya sa tagiliran yung babae. Tumalon si kuya sa itaas ng kotse ko. Balak niyang saksakin ng umaapoy niyang espada ang gravehunter na nasa loob. "TEKA WAAAGG!" saway ko. "Bakit Hio?" "Wag mong sirain yung kotse! Wala akong gagamitin pangtakaaas!" Bumaba siya kaagad at binuksan ang pinto nun. Hinila niya yung gravehunter sa loob at initsa niya paitaas. Nung pabagsak na yun ay pinalo niya ng nag-aapoy na espada. Tumulpit ng napakalayo ang gravehunter habang nasusunog. HOMERUN! Hinatak akong bigla ni kuya. Ting! Kung nasaan ako nakahiga kanina, doon tumama yung mace ni Kalix at yung espada ni losyang! "—Tigilan na nga natin ang kalokohang ito. GALIT NA AKO!" sabi ni kuya. Wow galit na siya! Kumilos ang anino ni kuya. Lumaki yun at pumalibot sa dalawa naming kalaban. May mga itim na kamay na humihila sa kanila paibaba. Hindi pa diyan tapos ang wrath ni Kuyang ubod ng angas. Lumitaw sa malaking anino ang iba't ibang klase ng patalim. Tumalsik ang mga yun at pagkatapos ay umulan pababa sa kanila. "MASTER KALIX, AKO NA ANG BAHALA DITO, TUMAKAS KA NA!" sigaw bigla ni losyang. Ang galing niya, nasasangga niya ang mga patalim na tumatama sa kanilang dalawa gamit lang ang espada niya! "BAHALA SAKIN?! ANONG AKALA MO SA SARILI MO MALAKAS?!" may lahing pikon din itong si kuya eh no. Umahon sa gitna nila ang babaeng maraming pakpak. Pero kinilabutan ako kasi.. SA AKIN SIYA NAKATINGIN! "INAALAY KO SILA SA IYO NYX—!" "Hindi ako interesado. Ang gusto ko ay ang lalakeng yan!" itinuro pa talaga ako! Kuyaaa wag mo akong ipa-rape sa babaeng ibon na yaaan maawa kaaaa! "NYX! SUNDIN MO ANG UTOS KO!" "Ayoko." Nakasimangot na si Kuya. "Kung ganun, mahimlay ka nang muli." pagkasabi niya nun, nalagas ang mga balahibo sa pakpak ni Nyx. Nag-evaporate din ang kanyang mga tattoo sa katawan. Bumalik ang dati niyang anyo. "Penumbra, tapusin na natin ang mga hangal na yan!" "Masusunod Umbra." Nagdive si Penumbra sa ilalim. Pag-ahon niya, hinawakan niya ang mga paa ni losyang at pinilipit ang mga iyon. Naging itim na elastic na parang lubid ang kanyang buhok at ipinulupot niya sa kalaban. "Ikaw ang uunahin ko dahil may atraso ka sakin nung huli tayong magkita!" Hindi na makapagsalita si Losyang dahil may lubid sa kanyang leeg at bibig. "EUROPA!" sigaw ni Kalix. Ah so Europa pala ang pangalan ni losyang. Now I know! Bumuga si Kalix ng itim na apoy mula sa kanyang bibig. Nadeformed bigla si Penumbra, parang nalusaw na chocolate at bumalik sa ilalim bago tumama ang itim na apoy. Kaya ang natamaan nun ay si Europa. Nagsisigaw siya. Imbes na masunog, para siyang nauupos. "Europa! Patawarin mo ako!" sabi ni Kalix. Parang timang yung mga ganyan nuh? Nakapanakit na nga magsosorry pa! Parang si manika lang.. Si manika! Dapat na pala akong umuweeee! Lumapit ako sa kotse. Nang bubuksan ko na ang pinto, may dambuhalang deformed na ibon ang dumagit sakin. Inilipad niya ako. Nagpumiglas ako hanggang sa lumanding kami sa loob ng mansyon. **** Div Umbra's POV: SINO YUNG TUMANGAY KAY HIO?! Naupos na nang tuluyan si Europa. Parang baliw si Kalix na sinubukang humuli ng abo nito na tumatakas na sa hangin. "Pagbabayaran mo ang ginawa mo kay Europa! Isinusum—" "—INUTIL! Kaninong apoy ba ang tumupok sa kanya?! Hindi ba SAYO?! PAGBAYARIN MO ANG SARILI MO!" singhal ko. Yan ang mahirap satin eh. Kasalanan mo, isisisi mo pa sa iba! Iwinasiwas ko sa kanya ang espada ko pero binalot siya agad ng kadiliman at naglaho sa aking paningin. Tumakas ang walangya! Masama ito! Hindi ko na maramdaman ang gapos ko kay Galahad. Malamang nabitawan ko ang anino niya habang abala ako sa pakikipaglaban kay Kalix. Nasa loob pa naman ng mansyon bumagsak si Hio! Lumubog ako sa sarili kong anino at lumitaw sa isang madilim na dingding sa loob ng mansyon. Nakahiga si Hio sa sahig. Nakatunghay sa kanya ang dambuhalang anaconda na tapyas ang ulo at ibang bahagi ng katawan. "Nakikilala mo ba ako Knight?! Ako ang dakilang si Konde Io! Ilang gabi akong hindi pinatulog ng walang kwentang prinsipe! Ni hindi ko na masikmura ang sarili kong hitsura!" Isa pa itong tanga na ito. Kasalanan din naman niya ang nangyari sa kanya. Hindi ko akalaing magagawa pa niyang mamerwisyo pagkatapos ng nangyari sa katawan niya. Papaslangin ko na siya! "Hwaarr!" may lumundag sa likod ko. Nakagat niya ako sa tagiliran. "GALAHAD!" hindi rin siya makikinig kahit ilang libong beses ko pang tawagin ang pangalan niya. Sumanib ako sa anino sa sahig at lumabas sa likuran ni Galahad. Napaling kaagad ang atensyon niya kay Hio. Kumaripas siya ng takbo. Masyado siyang malikot kaya hindi siya mahuli ng anino ko. Pareho sila ng konde na susugod kay Hio. Penumbra? Asan ka na?! Hindi ko maaaring hayaan na mamatay na lang ang anak na hinabilin ni Orpheus— Bumalikwas ng bangon si Hio. Nagbalik ang kanyang asul na mata at marka sa mukha. Ang Thanatos na naman?! Ganun lang nito kabilis kontrolin ang katawan ni Hio? "JAAAAAAACKK!" yumanig ang mansyon sa sigaw niyang iyon. Tapos ay naubo siya. Lumitaw ang higanteng kalansay na may pakpak at may karit. "HAH! Walang kaso kung higante yang kalansay mo! Kaya kong tapatan ang laki niyan!" pagyayabang ng konde. Lumaki nga siya ng lumaki hanggang sa magkasing laki na sila ni Jack kalansay. Naghikab si Thanatos. "MGA ISTORBO KAYO SA BUHAAAAAY! HINDI NIYO BA NAIINTINDIHAN NA DI NIYO PA PWEDENG TIGUKIN ANG TAO NA TO DAHIL WALA PA SIYANG ANAAAAAK! HINDI BA KAYO MAKAPAGHINTAY NA MAGKAANAK MUNA SIYA BAGO NIYO SIYAA PATAYIN?!" makalabas-litid na naman siyang sumigaw kaya naubo ulit siya. Nakuha ko na ang ikinakatakot ng Thanatos. Kapag namatay si Hio, mawawala na ng tuluyan ang Thanatos. Wala na itong pagsisidlan dahil si Hio na lang ang nag-iisang Darktower. Kumilos si Jack. Kinarit niya si Galahad. Pababayaan ko na lang bang mamatay na si Galahad o— Kung may tatapos man sa buhay ni Galahad, walang iba yun kundi AKO! Kumilos ako. Sinugod ko si Jack. Bumaon ang karit niya sa isang haligi. Tinalon ko yun hanggang makarating ako sa balikat niya at tinaga ko ang isa niyang pakpak. Gumewang gewang siya. Paluhod siyang bumagsak sa marmol na sahig. "AHH! ANONG KARAPATAN MONG SAKTAN SI JAAAACK—?!" tinuklaw siyang bigla ng malaking ahas pero nakailag siya. Kinarit ni Jack ang ahas. Dahil malaki yun, mahirap umilag. Nahati ang sawa sa dalawa. Kinarit pa yun muli ni Jack. Humiwalay ang ulo nito. Kaagad itong nag-abo. Paalam na ng tuluyan sa konde ng kayabangan. Hinawakan ko ng maigi ang espada ko. Si Galahad naman ay mahigpit na gapos ng aking anino. Hinawakan ko siya sa kanyang balikat. Wawakasan ko na ang paghihirap ng aking tapat na Knight. Tama na ang walong taon. "Paalam Galahad. Hangad ko ang payapang paglakakbay ng iyong abo sa lugar kung saan ka nararapat mamahinga." Sa huling sandali, tumitig ako sa kanyang blangkong mata. Kumilos ang aking braso at kamay. Nahiwa ko sa isang iglap ang kanyang ulo. Mabilis siyang naabo. Pagkatapos nun, hinarap ko si Thanatos. "Maglaban tayo." hamon ko sa kanya. Tumawa siya. "Pagbibigyan kita bampira. Siguro ay sawa ka na sa buhay mo at gusto mo nang mamatay—!" Napaluhod siya sa sahig. Kasabay nun ang panlalabo ng buong katawan ni Jack. "KABWISET ANG TAO NA TO! Ngayon pa gumigising—! Grrr.." Pag-angat niya ng ulo, siya na si Hio. Naglaho na lang sa hangin si Jack. "Kuya?" inosente siyang kumurap kurap. Lumapit ako sa kanya. "Halika, ihahatid kita pauwi." —— Till next time XD!!!! direk_whamba Opus 27 Medea's POV: Dumungaw ako sa aking bintana upang kumpirmahin ang ibinalita sa akin ni Lizette. Mula dito, tanaw ko ang papasok na magarang palanquin na buhat ng apat na bampira. Bago ang palanquin, may dalawang opisyal na maginoo ang nangunguna sa paglalakad. Sigurado akong ang isa doon ay Marquis. Malalayo ang mansyon ng bawat nobles; mayroon pa ngang mga naninirahan sa ibang bansa. Maaasahan ang mga Marquis hindi lamang sa mga barriers, kundi pati na rin sa pagdudugtong ng dalawang magkalayong lugar. Kaya't maituturing kang makapangyarihan kung may kaanib ka mang isa sa kanila. Lumayo ako sa bintana at hinarap ko ang mayordoma ko. Mas hindi siya mapalagay kaysa sakin. "Haharapin ko ang Dukesa." "Pero mahal na Prinsesa—" Itinaas ko ang kamay ko upang patigilin siya. Alam kong sinadya ng Dukesa na dalawin ako ngayong wala ang Paladin. Kung naparito siya para manggulo, hindi ako natatakot sa kanya. Para saan pa at ako ang naging pinakamataas na opisyal? Nawala ako na parang usok sa harapan ni Lizette. Sa tanggapan ng mga panauhin ako nagpunta at matyaga ko silang hinintay. Liban kay Lizette, wala na akong iba pang kasambahay dito sa mansyon. May mga tagapaglinis na nagpupunta dito ngunit lingguhan. Nawala na rin na parang bula ang aking obispong si Frances. Kusang bumukas ang malaking pinto. "Maganda ang gabi ng Diyosang si Nyx, hindi ba mahal na Prinsesa?" anang maliit na boses ng isang dalaga. Pinagmasdan ko ang tatlong tao na nasa pintuan. Nasa gitna ang Dukesa. Ang balita ko ay ganid siya sa pag-inom ng dugo nga mga babaeng birhen dahil gusto niyang mamintina ang katawan ng isang dalawampung taong gulang na dalaga. Nakasuot siya ng traje de boda kahit hindi naman siya ikakasal at kahit walang gustong magpakasal sa kanya. Pulang pula ang kanyang mga labi. Sa kanyang tabi ay ang Knight niya at ang Marquis. "—Ano ang sadya mo Dukesa Mionette?" tanong ko. Ngayon pa lang ay puputulin ko na ang lahat ng pagpapaliguy ligoy niya. Lumakad siya at umupo sa isang armchair. Nasa mesang nasa harapan niya ay may nakapintang chessboard. Gawa yun ng isang tanyag na Italyanong pintor may isandaang taon na ang nakalilipas. Kumpleto ang mga itim na piyesang naroroon. Samantalang tatatlong opisyal na lamang ang nakatayong puting piyesa: ang Knight, Hari, at Reyna. Nangalumbaba si Lady Mionette at nilaro ang baso ng juice na nasa gilid. Pinaikot ikot niya ang straw nun. "Mukhang desididong desidido ka na talagang maging reyna.." Naiinis na ako sa kanya! Wala siyang karapatang sabihin ang mga bagay na yan lalo pa at kaharap namin ang mga mas mababang opisyal! BANG! Sumara nang pabagsak ang mabigat na pinto. Napagsarhan ang Knight at ang Marquis. Naupo ako sa silya katapat ni Lady Mionette. Isa-isang nagtumbahan ang mga itim na pyesa. Gumulong ang mga iyon hanggang sa nagsilaglagan sa mesa. "—Iyan ba ang pinagmamalaki mong kapangyarihan mahal na Prinsesa?" sinipat niya ang mapula niyang nailpolish. Iniwasan niya ang aking mga mata. "Ano ba ang gusto mong ipahiwatig?!" galit kong tanong. "—Dismayado lang ako sa kaduwagan mo. Inaasahan kong lalaban ka ng patas kapag inagaw ko sayo ang titulo ng Prinsesa. Pero nakagawa ka ng paraan para lang hindi mawalan ng katungkulan.. Tsk.. Tsk—" Umismid ako. "Hindi ka pa ba masaya dahil magiging prinsesa ka na kapag Reyna na ako? O baka gusto mong agawin sakin pati ang prinsipe?" "—Gwapo ba siya? Makapangyarihan? Mapera? Matalino? Bata?" sunod sunod niyang tanong. Parang sinabi na niya ang kanyang marriage recquirement. "Oo." agad kong sagot. "—pero sa tingin ko hindi siya magkakainteres sa isang matandang dalaga na pinagpipilitang magpakabata." Nanlisik ang kanyang mga mata. Gumalaw ang juice na nasa baso. Splash! Pinahid ko ang mukha kong naligo sa juice. Ang mahaderang to! Kaya ni Lady Mionette na manipulahin ang tubig. Kabilang siya sa house of Elemental Dukes. Lahat ng mga Duke/ Dukesa sa ilalim ng alyansang yun ay may kontrol sa mga elemento ng mundo. Tumayo siya at binuksan ang pinto. Humabol pa talaga ng last words. "—Sa pagkakaalam ko, may karapatan ang prinsipe na tumanggi sa isang kasal. Humanda ka dahil SISIRAIN KO ANG PANGARAP MO!" Tumayo ako sa kinauupuan ko paglabas niya… Sisirain niya ang pangarap ko?! Nakakatawa. Ni hindi nga niya alam kung ano talaga ang pangarap ko. **** Hio's POV: HAAAACCHOOOO! Lintek! Me nakaalala ba sakin? O pinagchichismisan ba ako ng mga chix? Sumulyap sakin si kuya tapos muli siyang nagconcentrate sa kalsada. Siya ang pinagdrive ko eh. "Ayos ka lang ba Hio?" "Opo Kuya." namamaos kong sagot. Aaack! Ang sakit ng lalamunan ko! Sorethroat! Bakit kayaa?! "Hio, may itatanong ako sayo, ayos lang ba?" "Sige lang po kuya." kuya ako ng kuya pero magkaedad kame. Ang awkward! "Nakita mo na ang Thanatos?" Thanatos.. "Sino yun?" Umiling siya. "Hindi yun 'Sino'. Isa iyong napakalaking tarangkahan—" "OO NAKAKITA NA AKO NG NAPAKALAKING GATE SA PANAGINIP KO!" teka nga, yung gate ba na tinutukoy ni kuya ay yung naiisip ko? Di ko nga alam kung totoo yun eh! "—Mag-iingat ka Hio. Pag-ingatan mo ang lahat ng mga nararamdaman mo, at huwag kang basta bastang susunod sa kahit sinong nilalang na hindi mo kilala." Yan na naman si kuya sa mga talinhaga niya. Pero seryoso, pag ganyan siya magsalita, may pinipinpoint siya. "Kuya.. May nagawa ba akong masama?" *puppy eyes* First time since kanina, ngayon ko lang ulit nakita ang ngiti niya. Inabot niya ang ulo ko at ginulo niya ang buhok ko gaya ng dati niyang ginagawa. Hindi naman niya sinagot yung tanong ko. Tumahimik ang ambience hanggang sa nasa tapat na kami ng apartment ko. Hapon yung may-ari ng apartment na inuupahan namin ni Kape kaya imba ang style nun. Nasa second floor ang maindoor. Aakyat ka muna ng hagdan, lalakad sa terrace. Presto! Nakapamewang sa terrace si manika. Sino pa ba ang hinihintay niya? Ehem.. Ako lang naman.. Parang ayoko na bumaba ng kotse. Bubugbugin ako nun eh! Naunang bumaba si Kuya. Sumunod ako. Bigla akong napatakbo sa may pader. SI MANIKA, TATALON NG TERRACE! "WUY WAG KA MAGSUSUICIDEEE!" paikot ikot ako at tinatancha ko kung saan siya lalanding! Talagang tumalon siya! Pero parang lightweight na papel ang katawan niya paglapag sa semento. Effortless! Sinalubong ko siya pero nilagpasan niya ako. Pumunta siya kay kuya. I was petrified nang halikan niya ang kamay ni kuya! Syeet ano yaaaan?! "Maraming salamat sa paghatid sa kanya dito, mahal na Paladin." "Walang anuman Galatea. Sa susunod ayusin—" Yumakap ako kay manika mula sa likod. Nakapulupot sa leeg niya ang mga braso ko. Bahala siyang masakal. OO binabakuran ko siya! Hindi pa man, gusto ko nang iparating na akin siya kuyaa! Pak! Inapakan ni manika ang paa ko. Awts! Hinarap ko siya sakin at niyugyog yugyog. "BAKIT MO INAPAKAN ANG PAA KOO?!" naubo ako pagkasigaw ko. Nakalimutan kong masakit ang lalamunan ko. Inalis ni manika ang mga kamay ko at dinuro duro niya ako. "—BASTOS KA TALAGAA! HINDI MO BA ALAM NA SUPERIOR KO SIYAAA?!" Superior.. "Knight din siya?" "OO! Siya ang Paladin, ang pinakamataas na Knight!" paangas na sagot ni manika. Naging Knight si Kuya? Astig! "—Galatea, bakit ganyan ka makitungo sa kanya?" singit ni kuya. "Patawad po." napayukong bigla si manika. Yehey! Superior pala ha. Napagalitan ka nuh? "May aasikasuhin pa ako. Paalam na sainyo." "Mag-iingat ka kuya. Sana magkita pa tayo ulit." pahabol ko. Nang wala na sa view si kuya, sinikmuraan ako ni manika! Sabay yakap sakin para di ako magreact. "—PINAG-ALALA MO AKO! PASAWAY KA TALAGANG LALAKE KAAA!" Dumukwang mula sa itaas si Kape. Nakahawak siya sa railings. "PAREEE WALA NANG KOPEMEEET!" Usong uso ang sigawan ngayon eh. Mga bingi na nga kami kakapractice sa SOUNDPROOF studio! Hinawakan ko ang kamay ni manika. "Tara grocery tayo." **** Div Umbra's POV: Pinagmasdan ko sina Galatea at Hio mula sa isang bahagi na madilim na eskinita. Kailan lamang sila nagkasama pero mukhang mayroon na silang espesyal na koneksyon sa isa't isa. Nakita ko yun kay Hio kanina nang yakapin niya si Galatea. "—Nagseselos ka Umbra dahil may minamahal na ang babae mo?" Pumihit ako para harapin ang walang kasing taklesang si Penumbra. Bigla na lang siyang nawawala kapag kailangan ko siya; pero ang mas nakakainis ay yung bigla na lang siyang lumilitaw para lang guluhin ako sa mga iniisip ko. "Bakit ganyan ka makatingin sakin? Itatanggi mo ba yun Umbra?" pangiti ngiti pa siya. "Hindi." agad na sagot ko para matigil na siya. "Hay nako.. Paano na ang prinsesang patuloy na umaasa sayo? Napakasalawahan niyo talagang mga lalake.." "Hindi ako salawahan Penumbra. Alam mong wala naman talaga akong gusto kay Medea. Ipinilit lang siya sa akin noon para maging prinsipe ako. Ngayong malaya na ako sa batas ng mga maharlika, malaya na rin akong pumili ng mamahalin ko—" "At yun si Galatea? Pag-aari na siya ng prinsipe." "—Dadating ang panahon at maiisip din ni Hio na si Medea ang itinadhana para sa kanya." Inilabas ko ang gintong krusipiho at sinipat ko yun mula sa aking palad. Si Galatea ay pag-aari ko. Ako lang. "Halika na Penumbra— kailangan kong magpakita sa mga hangal na ministro." —— Till next time po mga ka-madness!!! direk_whamba A/N: Ako na ang mahilig sa pag-ibig! Hahaha.. ganto talaga mga walang lovelife sa totoong buhay.. =_= —— Opus 28 Shall's POV: Nakatingin ako kay tukmol habang naglalakad kami. Gusto kong itanong sa kanya kung bakit umalis siyang mag-isa kanina. Pero what for?! May kasalanan din naman ako sa nangyari. Sinabi niya sakin ang plano niya. Diniscourage ko siya. Ano ba kasi ang iniisip niya? Ganun ba kahalaga sakanya ang pekeng pamilya na binuo para sa kapakanan niya? Napatingin siya sakin. "Bakit ka nakatitig diyan? Gusto mo ng kiss?" Inirapan ko siya. "Siraulo ka talaga. Mabuti na lang at nandoon ang Paladin. Lagi ka na lang nagpapasaway—" diniinan niya ang paghawak sa kamay ko. Nahinto kami sa paglalakad. "—Bakit ka concern sakin? Dahil Knight kita? Yun lang?" May gusto pa ba siyang marinig mula sakin? "Oo yun nga." tipid kong sagot. "Hindi yan ang gusto kong isagot mo." aniya. Kung ayaw mo sa isinagot ko EH BAKIT KA PA NAGTANONG?! ENGOT! Binawi ko ang kamay ko na lalo niyang hindi pinakawalan. "—At bakit kung kelan malapit ka na sakin, lumalayo ka pa rin?" Hah! Bakit ba niya ako pinahihirapan?! HINDI ko kayang sabihin na nababaliw ako pag magkasama kami. Na MAS nababaliw ako pag hindi kami magkasama. PERO LAGI NA LANG AKONG NAUUNTOG kapag naiisip kong may expiration date ang ganitong pagsasama namin. Malapit na siyang maging ganap na opisyal. Yun ang katotohanan na gumigising sakin sa tuwing nahuhulog ako sa napakagandang panaginip kasama siya. Pinuwersa kong hilahin ang kamay ko. "—Lalayuan na kita nang tuluyan. Pero babantayan pa rin kita mula sa isang distansya, gaya ng ginagawa ko nung hindi mo pa ako kilala." Bwiset ang drama na. Niyakap niya ako! NIYAKAP NIYA AKO! "—Paano kung sabihin kong ayoko? Wag mo akong layuan!" Wag ko daw siyang layuan?! NAKAKATAWA YUN. Siguro.. Siguro pag sinabi ko sa kanya ang bagay na to, maglulundag siya sa saya at makakalimutan na nga niya ang tungkol samin— Mamili ka, babaerong prinsipeng tukmol.. "—Ang Prinsesa Medea, magpapakasal siya sa iyo sa oras na nakoronahan ka na.. Matagal nang naitakda ang inyong pag-iisang dibdib!" **** Hio's POV: Ako at si Medea.. Magpapakasal? Hala! Siguro kung narinig ko yan last year baka ikamatay ko yan sa sobrang saya. Humihikbi si manika. Umiiyak siya habang nakasandal sa dibdib ko. Ayoko nang magtanong ng obvious. Pinapapili niya ako.. Siya ba o si Medea. Pitong taon kong pinangarap si Medea. Pero masasabi kong 'bata' pa ako nun. Lalake na ako nang dumating sa buhay ko si manika. Kung may hindi ako igigive-up— "—SAAN KA PUPUNTA?!" mabilis siyang lumayo sakin. Hinabol ko siya. Manika! Tae. ISIGAW MO! "SHALL!" ngayon ko lang siya tinawag sa 'gusto' niyang pangalan niya. Huminto siya sa paglalakad. Alam kong nagpahid siya ng luha. Pumihit siya paharap sakin. Nakangiti siya. "Bakit Hio?" First time lang din niya akong tinawag sa pangalan na gusto kong itawag sakin. Ang gandang pakinggan pag galing sa kanya. Nakakahiya mang aminin, hanggang ngayon hindi pa ako sigurado kung mahal ko na nga siya. Basta ang nararamdaman ko, kailangan ko siya sa tabi ko. Siya lang. Inilahad ko sa kanya ang palad ko. "Tara na. Ang tagal nating idle. Dapat nasa grocery na tayo eh." Humakbang siya papalapit sakin at inabot ang kamay ko. Agad ko siyang hinila at niyakap. "Wag ka nang lalayo sakin Shall. Akin ka lang." nakakapanibago na tawagin siyang Shall. Pero dahil gusto kong tumuntong sa next level, para-paraan mga dre! Dug! Aggh.. Sinikmuraan na naman niya akoo! "—Chancing ka na ah! IKAW ANG CAUSE OF DELAY DITO EH! Dapat nasa grocery na tayo kanina paaa!" Awa naman at nakarating kami sa patutunguhan. Si manika este si Shall ulet ang nagtulak ng aming cart. "Creamylatte.. Type kaya to ni Kape?" tinanong ko ang sarili ko. Na hindi ko din naman nasagot. Shinoot ko na lang sa cart. "Cereal! Cereal! Cereal!" pangungulit ni Shall na nasa likuran ko. "Okay, okay—" lumipat kami ng aisle. Pag-uwi namin, nag ice cream kami. Magnum. Alam niyo kung magkano ang Magnum? Whopping fifty pesos. Kung ordinaryong Pinoy ka, mamamahalan ka sa presyo nito. Pag-uwi namin ng bahay, NAKALOCK. Mabuti na lang at dala ko ang spare keys. May iniwang sticky note si Kape. Makikipagdate 'daw' siya. Nagtext naman siya at yun din ang sinabi niya. Ngayon ko lang nabasa dahil silent ang profile ng phone ko. Buset eh. Nagpapautos bumili ng coffeemate tas aalis naman pala. MAOOVERKILL ko ang ungas na yun eh! Iniwan ko sa kusina yung grocery bag at naupo ako sa sofa. Mayamaya lumabas si Shall sa kwarto niya. Nakasuot lang siya ng oversized t-shirt na sa sobrang laki ay halos umabot na hanggang tuhod niya. Ang design? Angry Birds. Kinuha niya sa eskaparate yung acoustic guitar at naupo siya sa tabi ko. Nakatanga lang ako sa kanya. Yun bang kuntento lang akong mag-aksaya ng oras para titigan siya. Inistrum niya yung gitara. Tas kumanta siya . I'm strong, I'm sure I'm in control A lady with a plan Believing that life is a neat little package I hold in my hand I've got it together They call me 'the girl who knows what to say and do' Still I fumble and fall, run into the wall Cause when it comes to you.. Hinaharana ba ako ng aking si Shall? *goosebumps* I'm just another woman in love A kid out of school A fire out of control Just another fool You touch me and I'm weak I'm a feather in the wind And I can't wait to feel you touching me again With you I'm just another woman, just another woman in love.. Ang dami niyang alam na old songs.. Yung tipong sumikat nung di pa ako naipapanganak. At yung tipong di mo alam kung buhay pa ba yung kumanta nun. Pero bow ako sa mga lumang kanta. Maganda ang lyrics. Simple pero dama. Kahit tapos na siyang tumugtog, nakatunganga pa rin ako sa kanya. Inaappreciate ko lang na nandito siya. "May balak ka pa bang umalis ulit? Bat hindi mo pa hubarin yang vest na suot mo?" tanong niya. Eh di hubarin. Problema ba yun. May nalaglag na mga envelope at picture pagkahubad ko sa vest. Pusang gala.. Muntik ko nang makalimutan ang tungkol sa mga yun! Nakidampot si Shall sa mga nahulog sa sahig "Anong mga ito?" "Bigay sa akin ni kuya— este ng Paladin.." Binuksan ko ang mga envelopes. Ang una ay naglalaman ng limang page ng scores na pang piano. Ang laman naman ng pangalawang envelope ay isang maiksing liham. Akala ko ay babae ang nagsulat nun dahil magkaiba ang handwriting. Mali pala ako. Walang petsa ang nasabing sulat. Magandang gabi sa iyo Henna Iryl. Ako nga pala si Orpheus, dalawampu't apat na taong gulang (habambuhay). Kung nabasa mo ang sulat na ito, ibig sabihin, nasa hustong gulang ka na. Isa itong pagsubok mula sa akin. Kapag nakapasa ka, may karapatan kang malaman ang lahat ng tungkol sa akin. Kapag bumagsak ka, MAMALASIN KA SA BABAE.. Biro lang! Weh?! Lakas-trip din pala tong tatay ko. Isa akong manunugtog na may kapangyarihan ng musika at ito ang pinakahuling mahika na iniwan ko sa mundong ito. Simple lamang ang ipagagawa ko sa iyo Henna Iryl.. Pagmasdan mo ang mga scores na nakalagay sa unang envelope. Kabisaduhin mo ng buo ang composition dahil sa loob lamang ng isang oras, maglalaho ang mga notang nakasulat doon. Kapag nagawa mo na yun, tugtugin mo siya sa Piano at.. HINDI ka maaaring magkamali kahit isang nota. Hindi ka rin maaaring huminto. Pag nagkamali ka, o huminto ka.. Mababali ang mahika. May parusa yun. Binasa ko ng malakas ang pinakahuling sentence sa sulat. "—MAKAKATULOG KA AT HINDI NA MAGIGISING KAHIT KAILAN?!" the HECK! Sleeping Pogi ang peg? Tiningnan ko ulit ang mga scores. Napabulalas ako. "Hah! SIMPLE ba yung kabisaduhin ko to in 1hr?!" "Kaya mo yan Hio.." wow fantastic! Chineer ako ni Shall. "Susubukan ko.. Pero.. Walang piano dito—" "—Sa studio! Sa condo ni Noir.. Hindi ba? Halika na!" Hinatak niya ako palabas ng bahay. Mas excited pa yata siya kesa sakin. Siya ang nagdrive ng kotse habang nasa front passenger's seat ako at pinag-aaralan ang NAPAKAHIRAP na score. Habang dumadaan ang bawat minuto, lumalabo nga ang mga markang nandoon. Di naman katagalan, naaanalize ko na ang tugtog. Kahit napakacomplex niya, paulit ulit naman siya. Wala si Noir sa condo niya nang makarating kami dun. Wala namang kaso dahil may keycard kame. Dumiretso kami sa loob ng practice studio at naupo sa harap ng piano. Sinulit ko ang natitirang panahon at pinagkatitigan ko ang lumang scores bago mawala ang pinakahuling nota sa papel. Wooh! Wish me luck! Crack! Crack! Pinatunog ko muna ang mga daliri ko. Sumulyap muna ako kay Shall. Sinimulan kong patugtugin ang musika mula sa aking memorya. Bawat nota na aking tinitipa ay nagpoproduce ng sparkling light na tumataas at lumulutang sa ere. Parang mga alitaptap! Parami ng parami ang mga yun hanggang sa halos mapuno na ang buong studio. Putcha mauubusan pa yata ako ng naaalalang nota.. Ipinikit ko ang mga mata ko.. Concentrate Hio, matatapos mo na ang first movement.. Nung makumpleto ko yun, madali na lang ang mga sumunod dahil uulitin ko lang mula sa umpisa ang tugtog. "Dumilat ka." anang isang boses ng lalake. Dumilat ako. Muntik na akong mahinto sa pagtugtog dahil sa gulat. Wala si Shall sa tabi ko; at nasa ibang lugar ako! Di lang yan.. May taong nakatayo sa tapat ng piano. Hindi ako yun pero kamukhang-kamukha ko siya. Si Orpheus marahil. Ngumiti siya sakin. "Sige, tapusin mo ang musika—" Hinintay niyang matapos ko ang pagtugtog. Tapos ay lumapit siya sakin. Sinunggaban niya ang kamay ko. Para siyang naging tubig na unti-unting pumapasok sa loob ng aking katawan mula sa kamay kong yun. Nagpanic ako siyempre— "Wag kang matakot." pag-aassure niya. Nang makasanib siya sa akin nang tuluyan, pakiramdam ko nawalan ako ng kontrol sa sarili kong katawan. Gumalaw ako nang kusa at humarap sa malaking salamin na nasa silid. "Nakakapanibago hindi ba Henna Iryl? Sa espasyo na ito, isa ka lang ligaw na kaluluwa na pansamantala kong kinupkop sa loob ng aking katawan. Ang maaari mo lang gawin ay manood at makinig." Hanep ah. Ako pa ang nawalan ng katawan bandang huli? "Ang musikang tinugtog mo na komposisyon ko ay may kakayahang paglakbayin ang kaluluwa ng kung sino mang tumugtog sa kanya." Nababasa niya ang iniisip ko! "Oo naman. Sa mga sandaling ito, kasalo ka sa aking diwa. Babalik din sa dati ang lahat kapag naubos na ang oras ng espasyo na ito." Anong ibig mong sabihin? "—Wala na akong oras para magpaliwanag. Nandito na siya.." umupo 'kami' sa harap ng piano. Tumugtog si Orpheus. Napansin kong gumagalaw ang mga anino sa loob ng silid. Nagtipon-tipon sila sa gitna at mula dun, may umahon na isang binatang may hawak na espada. Si kuya! Ipinatong niya sa balikat ni Orpheus ang espada. "—Magandang gabi mahal na prinsipe, nandito ako upang paslangin ka." —— Bukas na lang yung chapter 29... nagawa ko na ngayon kaso kulang pa telege X_x direk_whamba A/N: Ito na po ang Flashback part… again kung nalilito po kayo, magtanong po kayo sakin, or ieedit ko rin.. HINDI matatapos ang Flashback hanggat hindi ko sinasabeeee… Kung hindi po kalabisan, please vote and comment nemen, or kahit ano, basta paramdam kayo sakeeeen! Hahaha.. kung masama mabitin ang readers, marunong magtampo ang authors.. choz! Salamat sa pagbibigay ng time para basahin ito.. At dahil ginanahan ako, 2 chapters ang UD ko ngayon.. Buweno… konting briefing po! Often misinterpreted po natin ang word na ‘Patron’.. Hindi po ito yung mga Santo sa simbahan.. Patron po ang tawag sa mga deboto or fan ng isang tao o bagay.. And lastly, pasensya na po kung walang masyadong humor.. umiba ang lumabas na personality ni Orpheus… sareeh! —— F L A S H B A C K Opus 29 Orpheus' POV: Hindi ako natatakot sa espada na nakaabang para kitilan ako ng buhay. Matagal ko nang kalbaryo ang mga may tangka ng masama sa buhay ko. "Kung isa kang mamamaslang, sana ay hindi ka na nag-aksaya pa ng oras. Kanina pa siguro ako patay." "Kalmado ka ba dahil alam mong ikaw ang pinakamalakas?" tanong niya sakin. Ngumiti ako at ipinagpatuloy ko ang pagtipa sa piano. Kilatis ko na ang taong ito. Isa siyang maginoo. "Nagkakamali ka. Hindi ako malakas. Ang tanging maipagmamalaki ko lang ay ang aking musika." Ting! Bumagsak sa carpeted na sahig ang hawak niyang espada. Napaatras siya at sinapo niya ang kanyang dibdib kung nasaan ang kanyang puso. "A-anong ginagawa mo sakin? Bakit ako nakakaramdam ng—" "—Kalungkutan? Lahat tayo ay may itinatagong lungkot sa ating puso. Ang nararamdaman mo ay ang kalungkutan ko. Nalulungkot ako kasi gusto kitang maging kaibigan. Ngunit dahil sa magkasalungat nating paniniwala ay hindi maaaring—" "—TUMIGIL KA! Ano ang alam mo sa mga emosyon? Isa kang mapanganib na nilalang!" Sinapo niya ang kanyang ulo. "Magdahan dahan ka sa bugso ng damdamin mo. Ang balita ko ay kelan mo lang namana ang pag-iingat sa Nyx." "Ano'ng pakialam mo?" "Iniisip ko lang kung bakit tayo nagpapatayan. Hindi ba dapat damayan natin ang isa't isa dahil pareho lang tayo ng pinagdadaanan?" "Hindi ko ginusto ang nangyari sakin. Pero ikaw, halatang masaya ka sa buhay mo." Tumayo ako. "Siya nga?" Pinulot ko ang espadang nilaglag niya. Ginagap ko ang kamay niya at inilagay doon ang espada. "Hihintayin ko ang araw na handa ka nang patayin ako." Bumalik ako sa aking piano. Narinig ko siyang napaluhod sa sahig. "H-hindi ko kaya.. Ma-masyado kang malakas.." nahintatakutan niyang bulong. "Ano ang nakikita mo?" "I-isang dambuhalang kalansay na may pakpak ang laging nakasunod sayo. Nakaabang ang kanyang malaking karit—" "Mahusay ang iyong mata. Alam mo bang ayaw ko siyang nakikita hanggat maaari?" Nag-angat ng paningin sa akin ang binata. "Ayaw mong nakikita?" "Kung natatakot ka sa kanya, mas lalo ako. Para siyang isang magnanakaw na basta na lamang kumukuha ng inosenteng buhay sa isang imbay ng kanyang karit." Tok! Tok! "Mahal na prinsipe? Handa na po ang inyong karwahe." "Ang marquis ko yun. Aalis na ako upang magtungo sa simbahan. Kung ayaw mong mailigaw sa malayong lugar ng aking marquis, mainam na umalis ka na. Magandang gabi sayo ginoo—" "Ako si Div Umbra Claymore, mahal na prinsipe." aniya bago siya naglaho sa kanyang anino. **** Sister Antonia's POV: "—Ang pangalan ko po ay Antonia, father.." hindi iyon ang pangalan ko noong pinanganak ako. Ibinigay lamang yun sakin nang magpasya akong pumasok ng kumbento at maging novitiate. Bata pa lamang ako ay dedicated na talaga akong magsilbi sa panginoon. "Napakagandang pangalan." tinayuan ako ng balahibo nang hawakan ng may katandaang kardinal ang aking balikat. Ang turo sa amin ay hindi kailanman dapat mabali. Pinagbabawalan kaming tingnan ang aming mga sarili sa salamin, bawal ding tingnan ang sarili naming kahubaran. Kapag magpapalit nga kami ng habito ay may panuntunan. Habang nagbibihis, ang mga mata namin ay dapat nakatingin lamang sa krusipiho na nasa pader ng aming silid. Ang mga kagaya kong novitiate pa lamang ay pinagbabawalang makipag-usap sa mga lalake. O ang magpahawak kung saan. Si Father ay alagad ng Diyos. Isa siyang banal na tao. Dapat ba akong mapalagay sa ginawa niya dahil dun? Nandito ako ngayon sa katedral sapagkat sinamahan ko ang may katandaan na naming reverend mother upang dumalaw sa kardinal. Matyaga akong naghihintay dito sa isang sulok nang bigla akong tawagin at kausapin ni father. "—B-baka po hinihintay na kayo ni reverend mother sa loob?" pinaalalahanan ko siya. Ngunit hindi niya pinansin ang sinabi ko. Nakangiti siya. "Halika Sister Antonia, may nais akong ipakita sa iyo." Hinawakan niya ang braso ko at hinila niya ako hanggang sa loob ng isang stockroom sa likod lamang ng altar. Itinulak niya ako sa maruming sahig at isinara niya ang mabigat na pintuan. "Ang mga kagaya mo ay sugo ng diablo! Kayo ang tumutukso sa mga kalalakihan upang gumawa ng kasalanan!" Napasiksik ako sa isang gilid. Natumba ko ang isang may kalakihang lumang krus. "F-father.. Hi-hindi ko po kayo maintindihan.. A-ako po ay a-alagad din ng ating panginoon.. Hindi po ako sugo ng diablo—" Lumapit siya at kumubabaw sakin. Hayok na hayok siya habang dinadama ng katawan niya ang katawan ko. Hinawakan niya ako kung saan-saan. "FATHER MAAWA KAA—" "—Shh.. Wag kang sumigaw.. Lilinisin natin ang iyong bahid ng dimonyo." sinimulan niyang itaas ang laylayan ng aking habito. Wala akong nagawa kundi ang magdasal lalo nang madama ko ang isang matalas na kung ano na dumampi sa gitna ng aking mga hita. ABA GINOONG MARIA NAPUPUNO KA NGA GRASYA.. ANG PANGINOONG DIYOS AY SUMASAIYO.. BUKOD KANG PINAGPALA SA BABAENG LAHAT.. ABA GINOONG MARIA.. Ahhhhhh! Nararamdaman ko ang sakit habang pinupunit ang pagkababae ko. Mahapdi. Winasak niya ang puri ko. Ako na walang ginawang masama sa kanya. Pagkatapos niyang makaraos, mabilis siyang nagbihis. Tiningnan niya ako na para bang isa akong ketongin. "Paano kapag.. nagdalantao ako?" blangkong tanong ko. "MAGDADALANTAO?! Hangal ka!" nagalit siya sa sinabi ko. Kinuha niya ang natumbang krus at ipinalo sakin nang paulit ulit. Tumama yun kung saan saang bahagi ng aking katawan. Hindi niya ako tinigilan hanggang dumanak ang aking dugo at halos manghiram na ako ng mukha sa aso. Panginoon.. Bakit mo ako pinabayaan? **** Orpheus' POV: Palabas pa lamang ako ng karwahe ay sinalubong na ako ng butihing kardinal. Patron ako ng katedral na ito at isa ako sa mga may pinakamalaking ambag na buwanang donasyon. Nagpupunta ako dito upang magdasal. Hindi ako nagdadasal upang humingi ng kapatawaran sa mga kasalanan ko dahil nasisiguro kong sobrang dami ko nun. Nagdadasal ako upang magpasalamat. Naniniwala pa rin ako sa kaligtasan na tanging Siya lang ang makapagbibigay. "Magandang gabi Lord Darktower." Kakaiba ang amoy ng kardinal ngayon. Napakabango niya. Malansa. Humalik ako sa kanyang singsing. "Malalim na po ang gabi Kardinal, hindi ba dapat ay nagpapahinga na po kayo?" Sanay na siyang sa gabi ako bumibisita dito. Ni wala siyang ideya na isa akong bampira na ang kaluluwa ay nakasanla na sa impyerno. "Wag mo akong intindihing bata ka. Ano ba ang konting sakripisyo para salubungin ang patron ng aking katedral?" iginiya niya ako papasok sa loob ng gotikong katedral. Nagpaalam na din siya nang maupo na ako sa bangko. Mas lalong tumindi ang halimuyak na naaamoy ko. Tumayo ako at sinundan ang pinagmumulan ng amoy. Sa likod ng altar ako dinala ng mga paa ko. May pintuan dun na kaagad kong binuksan. Tumambad sakin ang isang kaawa awang nilalang. Walang saplot at naliligo sa sariling dugo. Naririnig ko pa rin ang mahinang pintig ng kanyang pulso. Buhay pa siya. Hinbubad ko ang suot kong overcoat at ibinalabal sa kanyang katawan. "P-panginoon.. Ba-bakit.." Pilit niyang itinaas ang isang kamay niya at waring may gusto siyang abutin sa kawalan. Ginagap ko ang kamay niyang iyon. "Binibini, kahit anong sama pa ang nangyari sa iyo, huwag mong sisisihin ang Diyos.. Huwag kang magtatanim ng galit sa Kanya—" hindi ko alam kung makakatulong sa kanya ang mga sinabi ko. Patuloy siya sa pag-iyak. Ramdam ko na ang nalalapit niyang kamatayan. "T-Tulungan m-mo ako.. pakiusap.." pagsusumamo niya. Pinisil ko ang kamay niya na hawak ko pa rin. "Ano ang gusto mong tulong binibini? Dalawa lamang ang magagawa ko para sa iyo at gusto kong pumili ka ng maigi." "A-ano ang p-pagpipilian—?" "Ang una ay ipagdarasal ko ang mapayapang paglalakbay ng iyong kaluluwa.. Ang pangalawa ay bubuhayin kita ngunit kailangan mong magpaalam sa liwanag ng mundong ito." Wala sa kanya ang naging desisyon. Iniangat ko ng dahan-dahan ang kanyang ulo. Inilapit ko ang aking bibig sa kanyang leeg. Lumabas ang aking mga pangil. Sumigaw siya sa sakit na naramdaman niya nang bumaon ang mga iyon sa kanyang laman. Pagkatapos nun, kumagat ako sa aking braso. Ipinainom ko sa kanya ang dugong bumulwak mula sa aking sugat. Sunud-sunod ang kanyang pag-ubo hanggang sa naging maayos na ulit ang tibok ng kanyang pulso. **** Sister Antonia's POV: Napabalikwas ako ng bangon. Panaginip! Ang sama ng napanaginipan ko! Teka.. Bakit iba ang suot kong damit? Nasaan ang aking habito?! "Magandang gabi binibini.. Magdamag kang walang malay. Mabuti at nagising ka na." boses ng lalake! May lalakeng nakaupo sa gilid ng kamang hinigaan ko! Nasaan ba ako? Ginagap niya ang kamay ko. "—Payapain mo ang iyong sarili. Nasa mabuti kang mga kamay." Nasa mabuti akong mga kamay.. Katotohanan ba ang lahat ng mga nangyari kagabi? "—Maraming salamat sa tulong mo.." "Bakit hindi ka tumingin nang diretso sa akin?" Sinubukan ko para hindi nakakahiya sa kanya. Napakagandang lalaki niya. Makisig at mukhang maginoo. Ngayon lang ako humanga sa isang lalake. Binawi ko ang kamay ko mula sa kanya. "—Isa akong madre.. H-hindi ako dapat nandito—" "Nakalimutan mo na ba ang nangyari sa iyo dahil madre ka?" Pinaalala pa niya.. Napuno ako ng pighati. Nagpatuloy sa pagsasalita ang ginoo. "—Sa maniwala ka at sa hindi, tadhana ang nagdala sa iyo dito. At ikinalulungkot kong hindi na kita mapahihintulutang lumayo sa akin simula ngayon." Opus 30 Sister Antonia's POV: "—G-ginoo.. Hindi ko po yata nakuha ang inyong sinabi." Pinamulahan ako ng sobra. Ito ang unang beses na may lalaking nagsabi sa akin ng mga sinabi niya. Na hindi niya ako hahayaang malayo sa kanya.. Pero paano na ang aking bokasyon? Tumawa siya ngunit hindi ganun kalakas. "Binibini, mayroon tayong kontrata na nangyari kagabi. Ako na ang iyong master dahil ako ang gumawa sayo—" "—Gumawa sa akin? Nagkakamali ka ginoo. Tanging ang panginoong Diyos lamang ang may kakayahang magbigay ng buhay sa mga tao—" Wala pa ring pagbabago sa kanya. Kalmado siya at nakangiti sa lahat ng oras. "—Ikinalulungkot ko pero.. hindi ka na isang tao. Kauri ka na namin." Naguguluhan ako.. Ano ang ibig niyang sabihin? Bahagya niyang iniangat ang kanyang kamay. Kusang humaba ang mga kuko nun. Sinugatan niya ang hintuturo niya gamit ang kuko ng hinlalaki. Umagos ang dugo.. Bigla akong natakam pagkakita ko sa pulang likido. Hindi na ako nakapag-isip. Sinunggaban ko ang kanyang daliri at isinubo sa aking bibig. Ang naaalala kong lasa ng dugo ay lasang kalawang. Pero ngayon, akalain mong napakasarap pala nito. Malasa. Matamis. Binawi niya ang kamay niya. Saka ko lang naisip na nakakahiya ang inasal ko. Kaagad akong napayuko. "—Tayo ay bampira, binibini." Bampira?! Nakakatakot.. Paano na? Inilagay ng ginoo ang kanyang kamay sa aking balikat. Naalala ko ang kardinal kaya kaagad akong pumalag. "Pasensya na. Wag kang matakot. Gaya ng nasabi ko na, nasa mabuting mga kamay ka na." "B-bampira ako?" nangangatal kong tanong. May dinukot ang ginoo sa inside pocket ng suot niyang amerikana. Isang maliit na punyal yun na inilapag niya sa aking kandungan. "Kung ayaw mo na maging kaisa namin, itarak mo iyan sa iyong puso. Ipagdarasal ko pa rin ang iyong kaluluwa." Gusto niyang magpakamatay ako?! Isang mortal na kasalanan ang pagpapakamatay! Napaluha ako. Nadismaya ako dahil ang akala ko ay may pagpapahalaga siya sa buhay. "Alam ko ang iniisip mo binibini. Pinapapili lamang kita. Kung gusto mong maging tao, katumbas yun ng pagkitil sa buhay mo na dinugtungan ko—" "Ginoo.. Ako ang hindi mo naiintindihan—" lakas loob kong pinutol ang iba pa niyang sasabihin. "—Wala akong anumang pintas sa mga bampira.. Kaya lang.. natatakot pa ako. Sana ay pangalagaan mo pa rin ako." Nauwi sa hagulgol ang hikbi ko. Wala akong kahit na anong lakas. Umaasa akong bibigyan niya ako nun. Pagkatapos mawala ng iniingatan kong pagka-birhen, hindi na ako kailanman makakabalik pa sa pagiging madre. Hinaplos niya ang aking walang kabuhay-buhay na buhok. Hindi ko na naaalagaan yun simula nang magsuot ako ng coif. "—Ang pangalan ko ay Orpheus Darktower. Ako ang ikalabing-tatlong prinsipe ng aming lahi, at ang may pinakamataas na ranggo sa kasalukuyang henerasyon. Poprotektahan kita kaya wag ka nang matakot." May monarkiya pala ang mga bampira. Sadyang kaunti lamang ang alam ko tungkol sa kanila. Kung totoo mang siya ang kanilang pinuno, ang swerte ko. "—Antonia ang pangalan ko.." Uhaaaaa! Uhaaaaa! Pumailanlang ang iyak ng isang sanggol. "—Ah.. Nagising na yata ang aking anak." ani ginoong Orpheus. Anak.. MAY ANAK NA SIYA?! "M-may asawa ka na?" parang ayokong marinig ang sagot sa aking tanong. Tumango siya. "Oo may asawa na ako. Pero pinalayas ko siya dahil sa nagawa niyang kasalanan sa aming anak. Gabi-gabi siyang pumupunta dito upang dumalaw at humingi ng tawad." Uhaaaaaa! Uhaaaaaa! "Hay.. Ano ba ang ginagawa ng tagapag-alaga niya? Sandali lang ha Antonia? Pupuntahan ko lang ang anak ko." Tumayo ako mula sa kama at sinundan ko siya. Gusto kong makilala ang kanyang anak. Katabi lamang ng aking silid ang silid ng bata. Huminto ako sa bukas na pintuan at pinagmasdan ko ang ginoo. "Master.. Sa tingin ko ay hinahanap po niya ang kanyang ina—" sabi sa kanya ng isang may katabaang babae na nakasuot ng puti. Binaliwala ni ginoong Orpheus ang sinabi ng tagapag-alaga. Yumuko siya sa kuna at kinuha ang isang munting sanggol. Hinele niya ito. Tumigil naman ang bata sa pag-iyak. Bumaling sa akin si ginoong Orpheus. "Halika Antonia, ipakikilala kita sa aking anak—" Lumapit ako at tumunghay sa bata. Nakakita ako ng inosenteng anghel dito sa mundo sa unang pagkakataon. Napakaputi niya at sensitibo. Mayroon siyang kakayahan na patigilin ang iyong kamalayan sa kanyang mga blangkong titig. "—Henna Iryl Orpheus ang pangalan niya. Wag sana siyang magagalit sa kanyang mga magulang kapag hindi niya nagustuhan ang kanyang pangalan—" "Pero bakit nga ba iyan ang ipinangalan mo sa kanya?" "Henna ang paborito kong kulay na mamula-mulang kayumanggi— iyon ang kulay ng kanyang mga mata. Iryl ang magpapaalala sa kanya ng aking hilig sa musika. Ang ingles ng salitang liriko na 'lyric' ay binaligtad ko at tinanggal ang letrang 'C'. Ang Orpheus ay sunod sa aking pangalan." Tumango tango ako. Nakakatuwang isipin na pinag-isipan niya ang ipapangalan niya sa kanyang anak. "Buhatin mo siya." utos niya sakin. Kaagad kong kinalong ang sanggol. May kakaiba sa kanya.. Napakabango niya. "—isa siyang tao, kaya sana ay magtimpi ka." ani ginoong Orpheus. "Paanong naging tao ang anak ng bampira?" di yata't kayraming hiwaga ng mga lahing bampira ang ngayon ko pa lang matutuklasan. "Dahil—" "—KAMAHALAN!" isang utusan ang humahangos na huminto sa may pintuan ng silid. "Ano'ng problema Felix?" kalmadong tanong sa kanya ni ginoong Orpheus. "Ang mahal na Kondesa po.. Parating na dito ang kanyang karwahe!" Sumulyap sa akin si ginoong Orpheus. "Antonia, dito ka lang. Pakiusap, huwag kang bababa sa unang palapag." Bagamat hindi ko alam ang kanyang balakin, susundin ko siya. Dapat. "Gagawin ko ang gusto mo ginoo." Lumabas siya ng silid at sumama sa utusan. Hinablot kaagad ng tagapangalaga mula sa aking bisig ang sanggol. "Wala kang karapatang hawakan ang anak ng Kondesa! Lumabas ka dito ngayon din!" Napabuntong hininga na lamang ako at lumabas ng silid na yun. Kahit pa ganun ang inasal niya, wala sa prinsipyo ko ang makipagtalo sa aking kapwa. **** Orpheus' POV: Hinintay ko sa tanggapan ng bisita ang parating na Kondesa. Di katagalan ay bumukas ang malaking pinto. Nakatayo doon ang isang magandang babae. Hawak ng kanyang mga kamay ang bahagi ng palda ng kanyang bestida upang bahagyang itaas ang laylayan. Nakapusod ang itim niyang buhok na napapalamutian ng mamahaling perlas. Nakaladlad ibang bahagi ng buhok at medyo kulot ang dulo. Mugto ang kanyang mga magagandang mata. Lumapit siya sa akin at lumuhod sa aking harap. Kasalukuyan akong nakaupo sa isang armchair. "—Asawa ko.. Hanggang kailan mo ako balak tikisin? Tatlong buwan na ang nakakalipas—" nagsimula na naman siyang umiyak pero hindi ko pa rin nararamdaman sa kanya ang sinseridad. "—Mahal na Kondesa, iyan at iyan na lamang ba talaga ang gusto mong gawin? Ang lumuhod, umiyak, at magmakaawa?" "Pati ang pagtawag sakin ng 'asawa ko' ay hindi mo na magawa. Ganyan na ba talaga katindi ang galit mo sakin?" Sinapo ko ang kanyang pisngi. "Hindi ako galit sayo. Tinuturuan lamang kita ng leksyon." Yumakap siya sa aking binti. "Pwes nagsisisi na ako! Patawarin mo na ako. Magsimula tayong muli.. Pinapangako ko, bibigyan kita ng tunay na tagapagmana—" Hindi ko gusto ang mga naririnig ko sa kanya. Wala talaga siyang amor sa aming anak. Karma ko siguro to dahil nagpakasal ako sa taong hindi ko mahal. Nagpakasal ako dahil iyon ang gusto ng konseho. Ngayong may problema kami ng aking asawa, kasal na naman ang nakikita nilang solusyon. Malabo na ang sinasabi nilang pagmamahal. Hindi ako binigyan ng pagkakataong makaramdam nun. "—Natatakot ka ba dahil nabalitaan mong gusto nilang magpakasal ako sa isang Dukesa?" Iba ang batas naming mga bampira. Maaaring magpakasal ang prinsipe at hari sa panibagong babae kung may isyu sa magiging tagapagmana. Tuminis ang kanyang iyak. "—Mahal na mahal kita. Wag kang magpapakasal sa iba! Ang gusto ko ay ako lang ang asawa mo!" Ayoko ring magpakasal. Talagang tatanggi ako sa gusto ng konseho. Si Henna Iryl lang ang nag-iisa kong tagapagmana. Kung marami akong anak, dadating pa yun sa puntong magpapatayan pa sila para lang malaman kung sino ang karapat dapat na magmana ng aking trono. Tumayo ako sa upuan at itinayo ko ang nakaluhod kong asawa. "Makakaalis ka na mahal na Kondesa." "—Pero asawa ko.. kadarating ko lang! At.. at gusto kong makita ang anak natin—" "Hindi ko pinahihintulutan. Gumagawa ka lang ng paraan para patawarin kita." mariin kong sagot. "Ano bang gusto mong gawin ko?!" "Ang gusto ko ay umalis ka na ngayundin. Kung ayaw mo, ipapatawag ko ang marquis para ipatapon ka sa malayong lugar." Wala siyang nagawa kundi ang sumunod. Tinalikuran niya ako at lumabas ng silid. Bumibigat ang pakiramdam ko tuwing pagkatapos naming magharap ni Amalthea. Dapat sigurong huwag ko na siyang harapin sa susunod. "—Mukhang mahirap ang pasanin mong problema ginoo.." Nakasalubong ko si Antonia sa may hagdan. Nakangiti siya. Napangiti na rin ako. Ngayon pa lang ako nakakilala ng kagaya niya. Napakabait niyang babae, taliwas sa mga mahaharlikang babae na lagi kong nakakasalamuha. "Orpheus na lang ang itawag mo sa akin." "Ah sige.. Orpheus.." Pinagmamasdan ko siya. Waring may gusto siyang itanong. "May itatanong ka Antonia?" Nahihiya siyang tumango. "—Kasi.. May nakikita akong mga kakaibang bagay.." "Kakaibang bagay?" ulit ko. "Ang imahinasyon ko.. Nakikita ko sila sa aking harapan.." aniya. —— Opus 31 Orpheus' POV: Isang magandang senyales ang sinabi ni Antonia. Mayroon siyang nakuhang kapangyarihan mula sa akin. "—Alam mo bang pinasaya mo ako? Bihira lamang sa mga taong naging bampira ang magkaroon ng kapangyarihan! Isa ka ngang espesyal na nilalang." "—Ano ba ang sinasabi niyo?" Sa ngayon, nakikita ko sa kanyang naguguluhan pa siya. Hahayaan ko muna siyang masanay sa bago niyang buhay. Pagkatapos nun, sasanayin ko siya para magamit niya sa tamang paraan ang bahagi ng aking kapangyarihan. Inilahad ko sa kanya ang aking kamay. "Halika, umakyat ulit tayo. Marami akong gustong malaman tungkol sa buhay mo bilang tao." Nakangiti niyang inabot ang aking palad. "Simple lang ang naging buhay ko kaya't nasisiguro kong hindi yun pupukaw ng iyong interes." "Simpleng buhay? Nakakainggit ka naman kung ganun." biro ko sa kanya. "Bakit mo naman kaiinggitan ang kagaya ko?" tanong niya. Bakit? Kasi yun ang bagay na hindi ako magkakaroon kahit na kailan. Magulo ang buhay ko. Kasing gulo ng mundo noong unang panahon. Mas matanda pa ako sa kahit na sino sa mga ministro. Isa akong sinaunang bampira. Ngunit may nauna pa rin naman sa akin syempre. Ang ama ko. Siya ang nagbukas ng tarangkahan ng Thanatos, ang daan patungong impyerno. Hindi niya kinaya noon ang kapangyarihang nakuha niya. Kaya't nung mamamatay na siya, sinabi niyang ipapamana niya sa isa sa amin ang pag-iingat sa tarangkahan. Labindalawa kaming magkakapatid. Sa panganay inihabilin ni ama ang Thanatos. Kinainggitan siya ng iba pa naming kapatid kaya't kinalaban siya ng mga ito. Nagpatayan sila, gaya ng mga sumunod na tagapagmana. Pinanood ko lamang ang mga kaguluhan. Hindi nila alam na sa ginagawa nila ay lalong natutuwa ang Thanatos. Mas maraming namamatay, mas maraming mapupunta sa impyerno. Mas masaya. Masasabi kong masyado nang huli nang mapagpasyahan kong makialam. Yun yung mga panahong sawa na ako sa nakikita ko. Inubos ko ang aming angkan. Inisa isa ko sila hanggang sa wala nang mapiling master ang Thanatos kundi ako. Ginamit ko ang kapangyarihan ng Thanatos sa ibang paraan. Umupo ako sa trono at pinangasiwaan ang kapayapaan gaya ng ginawa ng mga nagdaang hari at prinsipe. Nakakalungkot nga lang isipin na sinusunod nila ako dahil sa takot at hindi dahil sa pagmamahal. Sa ngayon, mayroon akong huling pangarap na gusto kong matupad bago ako mahimlay. Ang maisara ang tatlong tarangkahan. Bukod sa Thanatos, hanggang ngayon ay nananatiling bukas ang Nyx ng mga Claymore, at ang Erebus ng mga Esodel. At lahat kami ay kalaban ng bawat isa. Dalawang paraan lang ang nakikita ko upang matupad ang pangarap ko; Ang hikayatin silang maging kaisa sa aking layunin, o ang ubusin ng tuluyan ang lahi nila. Sana ay wag nang humantong sa dahas ang lahat. **** Div Umbra's POV: PAK! Umalingawnaw sa buong silid ang malutong na sampal sa akin ng aking ama. "—ANONG KARAPATAN MONG HARAPIN AKO NANG HINDI MO NAGAWA ANG INIUTOS KO?!" Minasahe ko ang panga ko. "Kakaligtas ko lang sa kapahamakan kaya AYOKO MUNANG MAMATAY AGAD-AGAD. Bakit hindi na lang kaya ikaw ang pumatay sa prinsipe kesa ako ang inuutusan mo tutal ikaw naman ang may gusto?!" Pikon daw ako sabi nila. Ayoko lang ng mga taong walang sentido komon. Lalo na kung tatay ko pa. Sasampalin pa sana niya ako pero umangat ang aking anino, nag-anyong kamay iyon at sinampal siya. "—WALANGYA KA TALAGANG TALIPANDAS KAA!" nanggagalaiti na si ama. Inilabas na niya ang kanyang mahahabang pangil. Lumapit sa kanya ang kanyang kanang kamay na tauhan upang payapain siya. "Master Callisto, kalma lang.. Siya ang ating pinakamakapangyarihang tauhan hindi ba?" Tauhan?! PWE! Kaya ba ako sinilang sa mundong to ay para gawing tauhan lang ng mga ungas na to?! Binunot ko mula sa aking anino ang espada ko. "ANG KAKAPAL NG MUKHA NIYO! Matapos niyong pagsabungin kaming walong magkakapatid, TAUHAN LANG PALA AKO?!" Kumukulo lalo ang dugo ko pag naaalala yun! Pinagsabong talaga nila kami ng aking mga kapatid. Matira ang matibay. Napatay ko silang pito. Laking hinayang ko kasi pinatay ko kahit yung mga paborito kong kapatid! "M-master Umbra, nagkakamali po kayo—" Kita mo tong ungasero na to! AKO PA ANG NAGKAKAMALI?! Itinutok ko sa kanila ang hawak kong sandata. "Tutal tayong tatlo na lang ang natitirang Claymore, tatapusin ko na kayo para wala na akong sinusunod na kung sino!" "WALA KANG UTANG NA LOOB! Pati sarili mong ama ay tataluhin mo?!" "EH IKAW NGA SARILI MONG MGA ANAK TINATALO MO! Mana lang ako sayoo!" Inapakan ni ama ang anino ng kanyang alagad. Kumilos ang alagad niya patungo sa direksyon ko. Inamba niyon sakin ang matatalas na kuko. Ang lahat ng kilos ng tauhan ay kontrolado ni ama. Hrrggh.. Ang kulit nila. Binigyan ko na sila ng pagkakataon para maging mabait sakin pero sinayang nila. PASENSYAHAN. "PENUMBRA GAWIN MO NAAA!" Mula sa anino ni ama, umahon ang aking kambal-anino. Sabay kaming ipinanganak pero kahit kailan ay hindi siya kinilalang anak ni ama. Ako pa ang nagbigay sa kanya ng pangalan niyang Penumbra. Isinunod ko yun sa pangalan kong Umbra na ang ibig sabihin ay anino. Ang Penumbra naman ay lilim. Hinawakan ni Penumbra ang baba ni ama gamit ang isa niyang kamay habang ang isa ay nasa dibdib. Pinuwersa niyang ikutin ang ulo ni ama hanggang sa mapugot iyon. Naging abo si ama. Paalam sa kanya. At dahil wala nang kumokontrol sa kanyang naiwanang alipin, mabilis ko iyong napatay gamit ang espada. Lumapit sa akin si Penumbra nang hindi man lamang gumagalaw ang kanyang mga paa. "Anong plano mo ngayon Umbra?" "WALA. Bahala na." Ngumisi si Penumbra. "Talaga? Wala?" Ang lakas niya talaga mang-asar kahit kelan! "Pupuntahan ko ang mahal na prinsipe—" natigilan ako nang haplusin niya ang aking baba. "—Wag mo sabihing, napaamo ka na ng manunugtog na yun?" may kakaiba kay Penumbra. Nagpapalit ang kanyang anyo. Tinutubuan siya ng mga pakpak at kung anu anong marka sa katawan. "Hahahahaha! Si Thanatos! Dalhin mo ako sa kanyaaaa!" "PENUMBRA? NAPAPAANO KA?!" humakbang ako palayo sa kanya. Lumipad naman siya palapit. Sinubukan siyang atakihin ng mga anino ko pero bumabalikwas lang ang mga yun. "—Halika Umbra, dalhin mo ako sa kanya!" Yumakap siya sa akin at binalot kami ng itim niyang mga pakpak. Pagkalayo niya, nasa loob na kami ng ibang silid. Nabungaran ko ang prinsipe at ang kasama niyang babae na nakaupo nang magkaharap. "THANATOS, LUMABAS KAAAA!" hindi maaari ito! Nagwawala si Penumbra! "—Mahal na prinsipe.." gusto kong magpaliwanag sa kanya pero hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko! "Antonia, pakikuha ang harpang yun." itinuro ng prinsipe ang isang may katamtamang laki na harpa na nakasandal sa haligi ng silid. Kinuha iyon ng babae at ibinigay sa kanya. "THANATOS!" ibinuka ni Penumbra ang lahat ng kanyang pakpak. Umusbong doon ang parang matutulis na patalim. Paano ko siya mapipigilan?! Napatingin akong muli sa prinsipe. Nakangiti lamang siya. "—Hindi ba't sinabi ko sa iyo na mag-iingat ka sa iyong damdamin? Hayan at nagising mo ang Diyosang si Nyx.." Dinampian ng kanyang mga daliri ang ilang pisi na nasa harpa. Napakaganda sa pandining ko ang tunog na gawa nun. Siya namang sigaw ni Penumbra. Para siyang nasaktan kahit wala namang umatake sa kanya. Naglagas ang ilang bahagi ng kanyang pakpak. Ipinagpatuloy ng prinsipe ang paghaharpa. Kumalma ang puso ko. Naglagas na ng tuluyan ang mga pakpak ni Penumbra. Nawala na rin ang mga marka sa kanyang mukha at bumalik na siya sa dati. Bumulusok siyang pababa pero nasalo ko naman siya. Kinuha siya ng aking anino di katagalan. Kaagad akong yumuko sa prinsipe. "Pagpasensyahan mo na ang nangyari. Hindi ako naparito upang patayin ka." "Alam ko yun." sagot niya habang nakangiti pa rin. Ano bang meron sa kanya? Bakit ako napapayapa kapag magkaharap kami? "Aalis na ako." paalam ko. "—Sandali lamang.. May mapupuntahan ka ba? Ang balitang narinig ko sa mga paniki ay pinaslang mo ang iyong pamilya." Punyemas. Pinaslang ko ang sarili kong pamilya. Ang sama palang pakinggan. Paniki ang tawag sa mga tsismosang bampira. Pinapasa nila ang mga mensahe o balita sa pamamagitan ng telepathy. Nakikipag-ugnayan lamang sila sa mga ministro at sa prinsipe lalung lalo na kapag para sa mga konpidensyal na ulat. "Kahit saan." Tumayo ang prinsipe at lumapit sa akin. "Alam mo kung ano ang tama sa mali. At alam mo ang magiging silbi ng iyong kapangyarihan kapag ginamit iyan sa mabuting dahilan. Sumama ka sa aking pamunuan. Iwan mo ang buhay barbaro at maging isang maharlika.." Barbaro ang turing nila sa pamilya ko at ang pamilya ng Esodel dahil hindi namin kinikilala ang monarkiya na pinamumunuan ng isang Darktower. Para sa akin, WALA NA AKONG PAKIALAM. Pinalaya ko na ang sarili ko. Kakampi ako kung kanino ko gustong kumampi at kakaibiganin ko ang gusto kong maging kaibigan— "Mahal na prinsipe, ayokong maging alipin mo.. Ang gusto ko ay maging magkaibigan tayo." Hiniling ko yun nang wala akong ideya kung ano nga ba ang pagkakaibigan o kung ano ang isang kaibigan. Pero yun ang unang pansariling desisyong ginawa ko na hindi ko pinagsisihan kahit kelan. —— Opus 32 Div Umbra's POV: "HAAAY! Bat pa kailangan kong magsuot ng mga ganitooo— uck!" Hinigit ni Orpheus ang kurbatang itinatali niya sa leeg ko. SAKALAN NA LANG?! "Masanay ka na Div. Hindi kasi papasang pangmaharlika ang bihis mo dati." paliwanag niya. BIHIS ko dati. Langya di nga ako nagdadamit eh. Pantalong itim lang ayos na sakin. Itinaas ko ang mga kamay ko— "Ang init init nito sa katawan oh! Hindi makahinga ang kili-kili ko! At pwede bang wag nang magkurbata? Nasasakal akoo!" "—Ang dami mong reklamo sa pananamit. Daig mo pa ang babae.." Nanlaki ang mga mata ko pagkakita ko kay Antonia. "BAKIT KA PUMASOK DITOO?! Nagbibihis ako di ba?!" "Oh, eh nakabihis ka na." aniya. Dating madre ba talaga ang babaeng ito? Sumasagot pa eh! Gumitna sa amin si Orpheus. "Div, hindi lang pananamit ang kinakailangan mong baguhin. Pati na rin dapat ang pakikitungo mo sa mga tao." Ewan. Kalokohan na to! "Div?" "Oh?" "Sumusuko ka na ba sa pag-aaral ng pagiging maginoo?" may ngiti na naman sa kanyang labi. Mayroon na ba siyang nabalitaan na ang dakilang si Div Umbra ay MAY SINUKUAN?! Tumikhim ako.. Ehem. "—Ano ba ang mga dapat kong gawin?" "Una, kailangan mong magtimpi at maging kalmado SA LAHAT NG ORAS." UWIAN NA! "Huy Div!" tinawag ako ni Orpheus kaso di ko siya pinansin. Palubog na ako sa ilalim ng aking anino nang may marinig akong maka-alog lugang tunog. Arggh! Ang sakit! Parang binabarena ang bungo ko! Kagagawan yun ng siraulong Orpheus. 'Pandisiplina' ang tawag niya sa tunog na galing sa tinutugtog niyang harmonica. Nagpazigzag zigzag pati ang mga anino sa paligid— Peste! Ang lupit niya talaga. Sa ilang araw na pamamalagi ko dito sa kanyang mansyon, napag-aralan ko si Orpheus. Tama nga siya na walang espesyal sa kanya kundi ang kanyang musika. Ang bawat musikang nililikha niya ay may kanya-kanyang silbi at gamit. Hindi iyon nakakaapekto sa kapaligiran kundi sa mga may buhay lamang. Samakatuwid, kahit gaano pa kamakapangyarihan ang kanyang kalaban, basta marinig kahit isang nota na likha niya, madali na para sa kanya na mapasok ang sistema nito. Nalalaman niya ang pinanggagalingan ng kapangyarihan at nakokontrol niya ang daloy niyon. "Bilang isang lalaking maginoo, hindi mo pwedeng takasan ang mga araling ibinigay sa iyo. HALA, TAYO DIYAN!" Tumayo nga ako. At may dalawang oras akong nakatayo. Wala siyang ipinagawa sa akin kundi ang makinig sa kanyang mga turo. May mga natutunan din naman ako. Ang sabi niya, mahalaga ang pagiging kalmado at payapa sa lahat ng oras. Bukod sa matutulungan ka nun na makapag-isip ng maayos, nakadaragdag yun sa pagiging misteryoso mo kaya magiging mahirap para sa iba ang basahin kung ano ang mga iniisip mo. Itinuro din niya ang wastong paglalakad ng mga maginoo. Kadalasan ay gumagamit pa nga daw ng walking stick. Sa mga sumunod na araw naman, pinag-aralan ko ang mga tamang gawi at asal sa hapag-kainan. Ang arte ng mga maharlika. Kailangan pa ba nun pag umiinom ng dugo? Basta gutom ka palag-palag na yun eh. Nang sumunod ay nag-aral naman ako ng pagsasayaw. LAHAT mula sa pag-aya sa isang binibini hanggang sa pag-akay dito sa bulwagan. Ang nakakainis dun ay nagboluntaryo si Antonia na kapareha ko. Kala mo sinong marunong sumayaw, puro apak sa paa ang inabot ko! May mga araw din na tinuturuan ako ni Orpheus na magbiyolin at mag piano. Maigi daw kasi kung may alam akong tugtuging musical instrument. At nung akala ko ay tapos na ang aking pagsasanay—- BRAAAM! Ibinagsak ni Orpheus ang bunton ng makakapal na libro sa harapan ko. "—Kabisaduhin mo ang laman ng mga aklat na yan SA LOOB NG ISANG LINGGO." Inisa isa ko ang mga pabalat ng libro.. Pythagoras, Aristotle, Dante, AT KUNG SINU-SINO PANG PANTAS! "Seryoso ba yan Orpheus?" putcha tinitingnan ko pa lang kung gaano sila kakapal, NAHIHILO NA AKO. Tas isang linggo ko lang silang aaralin?! PATAYIN MO NA LANG AKO DRE! Pinatong niya ang isa niyang kamay sa balikat ko. "Kung kami kinaya namin, alam kong kaya mo rin." Oo nandun na nga tayo eh! Tama bang pahirapan mo ako dahil nahirapan ka nung panahong ikaw ang nag-aaral?! Nako, kung ako ang magiging tutor ng anak niya balang araw, ISINUSUMPA KO, mas mahirap pa dito ang ipagagawa ko. Bwahaha! "—Oy saan ka pupunta Orpheus?" "Kailangan ng pagsasanay ni Antonia." sagot niya at tuluyan na niya akong iniwan dito sa aklatan. Sa tingin ko may namamagitan sa dalawa na yun. Nakakatawang eksena kapag dumarating ang asawa ni Orpheus. Bigla na lang nawawalang parang bula si Antonia! Hindi pa ako nakakakita ng dalawang babaeng naggugulpihan; baka sa mga susunod, makakita na ako! Ewan ko ba kay Orpheus. Masyadong pabling. Kung ayaw na niya sa asawa niya, patayin na niya at pakasalan si Antonia. Tapos ang problema. At bakit ba problema ng mga kalalakihan ang mga babae? Ano ba meron sa kanila bukod sa kanilang—- Ah peste! Kailangan ko na palang basahin tong mga to! Binuklat buklat ko ang unang aklat na akda ni Pythagoras. Di ko akalaing maeengganyo ako nang ganito sa Matematika. Komplikado ang mga teorya ngunit simple ang mga paliwanag kaya madaling intindihin. Bago ko namalayan, nasa huling pahina na pala ako. **** Sister Antonia's POV: "—Antonia, nakikinig ka ba?" Hindi ako nakikinig sa kanya. Mas gusto ko lang siyang tingnan habang nagsasalita siya. Sayang ang bawat pagkakataon kapag pinalagpas ko na hindi siya makita. Sa dalawampu't tatlong taon kong nabubuhay, ngayon lang dumating ang isang kagaya niya. Ang sabi ng puso ko, tama ang nararamdaman ko; pero ang sabi ng utak ko, itigil ko na ang kahibangang ito. Alam ng utak ko na mali ito, pero sadyang hindi matuto ang puso ko. "ANTONIA?" lumakas ang kanyang boses pero hindi naman galit. Parang gusto niyang matawa o ano. "May sinasabi ka ba Orpheus?" Natuloy nga ang tawa niya. "—Ang sinasabi ko, kapag lumilikha tayo ng ilusyon, dapat ay yung MALAPIT o NAGMULA ito sa katotohanan. Kaya nga ito tinawag na ilusyon hindi ba? Upang dayain ang mga mata—" "—Alam ko na ang mga bagay na yan at hindi mo na kailangang ipaalala." sabi ko sa kanya. Di naman ako si Div Umbra para paalalahanan niya maya't maya. "Kung ganun, bakit umuulan mga talulot ng rosas? May mga tanim bang rosas dito sa hardin ko ang namukadkad na? WALA di ba?" OO NGA NAMAN. Pati kapangyarihan ko, hindi na ako sinusunod. Humuli siya ng isang talulot mula sa hangin. Ikinulong niya yun sa kanyang mga palad, at pagbukas, lumipad ang isang napakagandang paru-paro. Ilusyon kontra sa ilusyon. Ngumiti ako. "Sumuway ka sa iyong sariling turo—" "Wala namang masama kung maglaro paminsan-minsan." Maglaro paminsan-minsan.. Nakaramdam ako ng pangamba. Ang namagitan ba sa amin kagabi ay isa lamang paglalaro? Panginoon, nagkamali na naman ba ako? "—Antonia.." lumapit siya para pahirin ang luha ko. "Sa tingin ko ay alam ko na kung bakit ka nagkakaganyan." Wala na talaga akong kayang itago sa kanya. Ipinakita ko na ang lahat. Ibinigay ko na ang lahat.. Dahan-dahan siyang humalik sa aking mga labi. Ibinigay na naman niya sa akin ang pakiramdam ng walang hanggan. May umiiyak, at dinig ko yun. Nang imulat ko ang aking mga mata, nakita ko sa aming harap ang isang napakagandang babae. Luhaan ang kanyang mga mata. Kaagad kong itinulak palayo si Orpheus. "—K-kaya pala malamig na ang pakikitungo sa akin ng mahal kong asawa ay dahil inaahas mo siya!" imbes na yung asawa niya yung pagalitan niya, sa akin niya napagdesisyunang ibunton lahat ng galit na kanyang nararamdaman. Tumayo si Orpheus. Itinayo din niya ako at hinawakan niya ang aking kamay. "Mahal ko siya Amalthea, at nakahanda akong ipaglaban yun." Natuliro ako sa mga sinabi ni Orpheus sa harap pa mismo ng kanyang asawa! Lumuhod sa harapan niya si Amalthea. "Asawa ko, tama na. Maawa ka sakin, wag mo akong saktan—" "Palayain mo na ako Amalthea. Pinilit ko pero kahit anong gawin ko, hindi kita matutunang mahalin—" "Ayoko! Mahal na prinsipe, pakiusap.. Alang-alang sa anak natin—" Sa isang banda, nasasaktan ako. Naaawa ako kay Amalthea. Ako pa ang nakasira sa isang pamilya na maaari pa sanang maayos. Mariing pumikit si Orpheus. Marahan siyang dumilat. "Patawad mahal na kondesa. Nakapagdesisyon na ako. Hihingiin ko sa konseho ang iyong kamatayan." Kung nagimbal ang kondesa. Mas lalo ako. Bakit kailangang umabot ang lahat sa puntong may magbubuwis ng buhay para lang magbigay-daan sa pag-ibig? Hindi maaari.. Napaka-unfair! Humagulgol lalo ang kondesa. Kulang na lang ay maglupasay siya sa damuhan. Kumalas ako sa pagkakahawak sa kamay ni Orpheus at dumulog sa babae. Pinalo niya ang kamay ko. "WALA KANG KARAPATANG HAWAKAN AKO! Madumi kang babae! Hinila mo sa pangangalunya ang asawa ko!" Makasalanan ako. Kung ganun, tama ang kardinal. Ang mga kagaya ko ay sugo ng diablo para tuksuhin ang mga kalalakihan. Ang sama.. "Antonia, saan ka pupunta? ANTONIA—" di ko pinansin ang tawag ni Orpheus. Tumakbo ako palayo sa hardin. Kung saan ako pupunta, bahala na ang mga paa ko. Nadaanan ko si Div Umbra sa may pasilyo. Napanood ba niya ang naganap kanina? Siguro. Sarkastiko ang kanyang ngiti at waring gustong ipahiwatig na 'yan ang napapala ng ambisyosang gaya mo'. "Alam kong ayaw mo sakin una pa lang. Pero wag mo sana akong huhusgahan—" Nagkamali ako ng iniisip kay Div. Ang mga sinabi niya ang unang nagpatatag sa akin. "Bat naman kita huhusgahan? Natuwa lang ako dahil may nakita akong eksena mula sa imahinasyon ko. Oh ano na ang balak mong gawin niyan?" "Hindi ko alam." sagot ko. "Mukha namang patay na patay sayo si Orpheus. Kung ako sayo, sunggaban mo na. Kapag patay na ang kondesa, maaari na kayong ikasal—" Nangunot ang noo ko. "Anong sinabi mo? Mamamatay ang Kondesa?" "Oo. Yun ang batas. Kung gusto ng prinsipe na magpakasal ulit sa panibagong babae, papatawan ng kamatayan ang kasalukuyan niyang asawa—" Lumayo ako kay Div na nanginginig ang buong katawan ko. Anong dapat kong gawin, Panginoon? Opus 33 Orpheus' POV: Umupo si Div sa silya katapat ko. Napagmasdan ko siya. Ang laki na ng ipinagbago niya. Mapangangatawanan na niya ang ibibigay kong titulo sa kanya sa darating na kabilugan ng buwan kung kailan ginaganap ang buwanang pagpupulong ng mga nobles. "Naihatid ko na sa karwahe ang asawa mo." aniya. "Salamat." Nangalumbaba siya sa mesa at tumingin sa kawalan. "Gusto mong mamatay ang asawa mo na ina ng anak mo.. Parang hindi ikaw ah." Pinagpatong ko ang dalawang kamay ko sa ibabaw ng mesa at matamang tumingin sa kanya. "Tutol ka ba sa desisyon ko?" Hindi ko na rin alam kung ano ang ginagawa ko. Basta ginagawa ko ang lahat dahil nalulong ako sa pag-ibig na natagpuan ko na. Ayokong may mamatay. Ngunit nakakulong ako sa trono ng prinsipe. Ang lahat ng gagawin ko ay dapat naaayon sa batas namin— Bakit ba kung kelan nasa pinakaitaas ka na, saka pa napakalaki ng presyo na dapat mong bayaran katumbas ng napakaliit na kaligayahan? "—Hah.. Wala naman akong pakialam. Hindi lang talaga kita masakyan. Yang mga babae kasi, ang tingin ko sa kanila ay mga PERWISYO. Maaarte sila at madaming hiling!" ayan na, nawawalan na naman si Div ng hinahon. Umiling ako. "Hindi babae ang problema ko kundi ang puso ko—" sinapo ko ang dibdib ko. "—balang araw maiintindihan mo rin ang ganitong pakiramdam." Ang pakiramdam na naging makasarili ka pero hindi mo pinagsisisihan. Ang pakiramdam na handa mong kalabanin ang buong mundo kung kinakailangan. At ang pakiramdam na tatalikuran mo ang mga nagmamahal sayo para lang makaharap sa minamahal mo. "Ayokong intindihin at ayokong maintindihan. Isa yang sakit na tinatawag nilang 'kabaliwan'." tumayo si Div at akmang babalik na sa loob ng mansyon. Kakainin din niya ang mga sinabi niya isang araw. "Nga pala Div—" may naalala ako na dapat kong sabihin sa kanya. Nilingon niya ako. "Ano yun?" "—Maupo ka ulit. Gusto kong pag-usapan natin ang tungkol sa mga ari-arian mo." Padabog siyang umupo sa tapat ko. "Hindi ako interesado. Kung gusto mo, ipamigay mo na—" BAM! Hinampas ko ang mesa. "Kailangan mo ng sapat na kayamanan para maging isang maharlika!" nakakaubos din siya ng pasensya minsan, lalo na kung tungkol sa kung ano ang gusto niyang mangyari sa buhay niya. Hindi pa niya naiintindihan kung gaano siya kayaman dahil wala siyang pagpapahalaga sa pera. "AT BAKIT?" Muli akong nagsalita. "Tandaan mo ito Div Umbra, ang pera ang magiging pinakamakapangyarihan mong sandata sa pulitika." "Oo na po." tinatamad niyang sagot. "Nasa akin na ang listahan ng mga minana mong ari-arian. Ibebenta ko ang mga lupain na hindi masyadong napapakinabangan at bibili ka ng mansyon mo." "HA?! TITIRA AKO SA IBANG MANSYON? AYOKOOO!" tutol niya kaagad. "Eh saan mo gustong tumira, sa sementeryo?" nagbibiro lang ako, pero seryoso pala siya. Crack. Crack. Gumalaw ang anino ng mesa, nahati iyon. Kung ano ang nangyari sa anino, yun din mismo ang nangyari sa mesa. Itinaas ko ang kamay ko at inilagay ko sa ulo niya. Crack! Nakita kong pumilipit ang anino ng braso ko. "Binali mo ang buto ko sa braso— ang sama mo talaga." Kung tao lang ako, baka nahimatay na ako sa kirot. Hindi niya tinigilan ang braso ko hanggang sa umagos ang dugo dahil umusli na ang mga nagkadurog-durog na buto niyon. "Dahil inis ako sayo Orpheus, gusto kong baliin lahat ng buto mo sa katawan." Ngumiti lang ako. Bumaba ang lantang kamay ko sa mukha niya. "Binibiro lang kita. Patawad na." "Ayaw mo na bang nandito ako sa bahay mo? Ganun ba ako kapasaway?" Nakakatuwa siya. Para siyang isang ligaw na hayop. Ngayong nakahanap siya ng kalinga at pag-aaruga, ayaw na niyang pumahiwalay. Pero hindi naman pwedeng lagi na lang siyang nakasandal sa akin. Uunti-untiin ko na ang pagbibigay sa kanya ng kalayaan hanggang sa masanay na siyang hindi umaasa sa akin. "—Pwede kang mamalagi dito buong gabi. Pagsapit ng umaga, doon ka matutulog sa sarili mong mansyon. Ayos na ba sayo ang ganun?" Tumango siya. Mabait na bata. Naghilom ang braso ko nang ilayo ko yun sa kanya. **** Sister Antonia's POV: Nakapagdesisyon na ako. Hindi ako magiging masaya kung alam kong may nasagasaan ako. Gagawin ko kung ano ang nasa puso ko. Magsisimula ako sa umpisa. Kalilimutan ko na ang banal na daang tinatahak ko dati. Tutuntunin ko ang makasalanang landas na ibinigay sa akin. Tumingala ako sa altar kung saan nakapinta ang istorya ng buhay ni Hesukristo at ng iba pang mga santo. Panginoon, wala po akong sinisisi sa mga kasamaang dinanas ko. Kung hindi mo ako kayang patawarin sa mga kasalanan ko, sana ay manatili pa ring bukas ang iyong tenga para pakinggan ang aking mga dasal. Masyadong nanginginig ang mga kamay ko kaya't nabitawan ko ang rosaryong nakakuyom sa pagitan ng aking dalawang palad. Tumayo ako mula sa pagkakaluhod. Pinabayaan ko ang rosaryo sa marmol na sahig ng katedral. May taong pumulot nun para sakin. **** Ang Kardinal: "Binibini, hindi mo dapat pinababayaan ang iyong rosaryo." Ngumiti sa akin ang dalagang nagmamay-ari nun ngunit kakatwang hindi niya yun kinuha kahit iniaabot ko na sa kanya. Pamilyar ang kanyang mukha, parang nakita ko na siya noon.. Pero iba ang aura ng dalagang ito. Sa kanyang postura, halatang anak-mayaman siya. "Father, alam mo bang pangarap kong maging isang madre?" Nagpapatawa siya. Sasayangin lang niya ang kanyang ganda sa kumbento. "Ganun ba iha?" "Maaari ba akong humingi ng pabor sa iyo? Gusto kong makapagsuot ng isang habito—" "Iha, kung gusto mo ng habito, magpagawa ka sa sastre—" Tumikhim siya. "MAY habito DITO kardinal.. Gusto ko siyang isukat." MAY habito nga akong naitabi. Puno yun ng bakas ng dugo ng isang madre na hindi ko na muling nakita. Hindi ako tanga para ilabas ang habito na yun. Subalit may kakaiba sa titig ng dalaga. Napahinuhod ako sa nais niya. Tinungo ko ang aking silid at inilabas ang pinakatatago kong lihim mula sa isang tokador. Bumalik ako sa may altar at iniabot sa kanya ang duguang kasuotan na pangmadre. Gulilat ako nang hinubad niya ang sarili niyang bestida sa aking harapan. "—IHA, MAGHUNUS DILI KA! Bakit ka naghuhubad sa harap pa ng ating Panginoon?!" Hinablot niya ang kamay ko at inilagay niya sa kanyang dibdib. Tumawa siya. Nakakapanghilakbot! "Hahaha! Hawakan mo ako father, gaya ng ginawa mo sa walang kalaban labang madre—" Araaay! May ulo ng ahas ang biglang lumabas sa kanyang dibdib. Nagkasya sa bunganga nun ang buong kamay ko. "I-isa kang kampon ng diablo!" hindi maaari ito! Pinasok ng dimonyo ang sagradong tahanan ng Diyos! Tumuro siya sa ere. "Tingnan mo Father, ang mga uwak, narito sila upang maghanap ng makakain!" Pinutakte ako ng mga uwak. Pinagtutuka nila ako kung saan-saan! ANG DIYOS ANG PANANGGALANG KO SA MGA KAMPON NG DILIM! HINDI ITO TOTOO! ISA ITONG KASINUNGALINGAN! Ipinikit ko ang mga mata ko. Nagdasal ako. "Kung ako sayo Father, hindi ako pipikit.. Ikaw rin.." Umuugong sa akin ang tinig ng babaeng kampon ng lagim. Unti-unti akong nakakita ng mga imahe. Nakagapos ako sa isang napakalaking puno. Hiwa ang aking tiyan at nakalabas ang aking mga laman-loob. Nanginginain sakin ang sari-saring ligaw na hayop! Dumilat ako. Ganun din ang nangyayari! Pagpikit ko.. WALANG PAGBABAGO! Diyos ko, ihadya mo ako sa masasama! Ihadya mo ako sa masama.. Hindi ako makahinga. Isang ahas ang nakalingkis sa aking puso. Hinigit niya ng hinigit ang aking.. **** Sister Antonia's POV: Ang kaawa-awang Kardinal, inatake sa puso. Sinunggaban ko ang duguang habito mula sa kanyang nakalupasay na katawan. Pasimple ko iyong itinago sa loob ng suot kong panlamig. Tahimik akong lumabas ng katedral. Sinigurado kong walang kahit na sino ang nakakita sa akin. Bago ako muling tumuntong sa mansyon ng mahal ko, suot suot ko nang muli ang habito. Wala akong balak linisin ang mga mantsa ng dugo subalit itatago ko iyon sa isang ilusyon. "Bakit ganyan ang suot mo Antonia?" mangha si Orpheus pagkakita niya sa akin. Lumuhod ako sa kanyang harapan. "Sinabi mong mahal mo ako hindi ba? Ito ang sagot ko kamahalan." "Pero Antonia—" Pinilit kong wag umiyak. "Tanggapin mo ang aking pagmamahal.. Bilang isang tapat mong alipin." Yumuko siya upang itayo ako. Itinulak ko siya palayo. Matigas ang ulo niya at naupo pa siya sa sahig. Niyakap niya ako. "Tumakas tayo, iiwan ko ang trono para sayo." "—HINDI. Ayusin natin ang magulo kamahalan. Patawarin mo na ang Kondesa. Makipagbalikan ka sa kanya. Iyon ang tama—" "PAANO AKO ANTONIA?" ang tanong niya. Hindi ko masasagot. Sa buhay naming ito, hindi mangyayaring masunod kung ano ang gusto namin. Ang pag-ibig namin ay parang isang damong ligaw. Tumubo ito sa isang matabang taniman ng bulaklak. Nakikiagaw ito sa tubig at nutrisyon. Kapag hindi ito binunot kaagad, masisira ang mga bulaklak. Nakakatawa lang isipin kung nagkaroon na nga ba ng lugar kung saan pwede kang mag-alaga ng mga damong ligaw. Sa huling pagkakataon, humalik ako sa kanya. Dinama ko ang kanyang mga labi. Ito na ang huling beses na maaangkin ko ang mga yun. "Kamahalan, nakilala kita bilang isang bampirang may prinsipyo at panindigan. Hindi ako makakapayag na pag-ibig lang ang sisira sayo." —— Till next time po! direk_whamba A/N: Click on the video for more added ambience... Gregorian chant rocks me \m/ —— Opus 34 "—B-bigyan mo pa ako ng i-isa pang pagkakataon! Maawa ka—" nakahamba ang isang lalake sa may eskinita. May kalakasan ang ulan nang gabing iyon kaya't walang katao tao sa lansangan. Kung isang ordinaryong tao lamang ang makakakita sa lalake, maiisip nitong nababaliw na iyon; mistula kasing kinakausap nito ang sarili. Gumalaw ang lalake. Natumba siya sa basang sementadong daan. "WAG! Wag mong kunin ang katawan ko— Waaaaag!" Kakatwang naglabasan ang mga itim na ugat ugat sa kanyang katawan. Ang kanyang mga mata ay mabilis na nagpalit-kulay na lila. Kagila-gilalas na pagkatapos niyang dumaan sa matinding sakit ay nakatayo siya nang tuwid. "Mahina sila.. Ang mga mahihina ay walang karapatan sa kapangyarihan ng Erebus— HAHAHAHA!" **** Kalix' POV: Hindi ako isang sakristan pero gaya nila, nagsisilbi ako sa mga pari, sa simbahan, at sa Diyos. Dalawampung taong gulang ako ngayon. Ibig sabihin. Labinlimang taon na akong nakatira dito sa lumang simbahan. Noong limang taong gulang ako, isinama ako ng aking ina upang magsimba, isang Linggo ng hapon. Naalala ko pa noon, napakabait ni ina. Ipinasuot niya sa akin ang pinakamagandang damit na meron ako. Bago magsimba, kumain kami sa gotohan. Bihira na naming gawin yun. Lumuhod at nagdasal si ina sa loob ng simbahan. Pagkatapos ay nagpaalam siya saking bibili ng Sampaguita. Hinintay ko siya. Naghintay ako hanggang ang minuto ay naging oras; at ang araw ay naging gabi. "Iho, magsasarado na ang simbahan, at nandirito ka pa? Nasaaan ang iyong ina?" marahan akong niyugyog ng isang pari kaya naalimpungatan ako. Siya yung nagmisa kanina. Umiling ako. Doon ako naging balisa. Lalo't hindi ko siya masasagot. Nagsimula akong umiyak gaya ng ginagawa ng ibang bata kapag nawalay sa ina nila. "—Bakit hindi ka magsalita? Anong pangalan mo?" Naiintindihan ko naman siya. Hindi lang talaga ako makakasagot sa kanya. "Pipi ka?" tanong niya. Maraming salamat at nahulaan niya. Tumango ako. "Kung gusto mo, dito ka muna magpalipas ng gabi. Baka bukas ay balikan ka ng iyong ina." Tumigil ako sa pagtangis at nagpahid ako ng luha sa pag-asang ibinigay niya. Ang pangalan ng paring nagmalasakit sa akin ay Benjamin. Father Ben ang tawag sa kanya ng lahat. Kinabukasan, hindi pa rin ako binalikan ng aking ina. Maging nung mga sumunod na araw. Naawa sa akin si father Ben kaya't nagpasya siyang kupkupin ako dito sa simbahan. Tinuruan niya akong bumasa, sumulat, magbilang ng numero, at magdasal. Higit sa lahat, binigyan niya ako ng pangalan.. Kalix. Katunog ng Chalice, na kopita na nilalagyan ng alak o banal na dugo ng Diyos. Dahil sa kanya, pinangarap ko ang maging isang pari kahit pa hindi ako makapagsalita. Bilang ganti sa kanyang pagmamagandang loob, tumutulong ako sa mga gawain sa simbahan. At lumipas nga ang labinlimang taon. Pumanaw si father Ben nung nakaraang taon at may pumalit na bagong Kura Paroko. Istrikto siyang pari. Mas lalong bumigat ang mga gawaing ibinigay sa akin. Bukod sa pagiging utusan, paglilinis ng mga santo, pagwawalis at paglalampaso, ako rin ang kampanero ng simbahan. Paborito akong pagkatuwaan ng mga sakristan. Porke't magiging pari sila, nilulubos na nilang gumawa ng mga biro. Ngayong gabi nga, inutusan nila akong patunugin ang kampana para sa alas syeteng misa, na maluwag kong sinunod. Pagbaba ko ng tore, sarado ang pinto palabas! Kinalampag ko ang pinto ngunit walang nagbubukas nun para sakin. Akyat panaog ako sa tore. Nang huli kong akyat, umuulan ng malakas. Kumukulog at kumikidlat. Pauwi na ang mga tao. Nagtagal pa ang pagkakakulong ko sa loob hanggang sa pinatay na ang mga ilaw sa simbahan. KRRRRGGG! Kumulog. Nagtakip ako ng tenga. Umakyat muli ako sa tuktok upang sumilip sa iba. Saktong pagdungaw ko, sinuwag ako ng isang kidlat na gumuhit mula sa langit. Namanhid ang buong katawan ko. Saka ako bumulusok na bumagsak sa lupa. Tulong! Alam kong buhay pa ako.. TULONG! Sandali, may taong nakatayo sa harapan ko. "—Tao.. Hmm.. Walang masama kung susubukan ko.. HAHAHA!" Kamatayan? Ikaw ba yan?! Sinadya niyang ibinagsak ang kanyang katawan sa ibabaw ko. Wala akong nararamdaman, pero malinaw kong nakikita ang lahat. Humaba ang kanyang mga pangil sa bibig at kinagat niya ako sa may bandang leeg. Kasabay nun, parang mga bulateng gumapang ang kanyang mga itim na ugat patungo sa aking katawan! Pumasok ang mga iyon sa lahat ng butas ng mukha ko: sa mga tenga, sa bibig, sa mga mata, sa ilong. Kusa ring gumalaw ang buo kong katawan. Ngumanga ako at kinagat ang leeg ng lalakeng nakadagan sakin. Nalasahan ko ang kanyang dugo. Dahan dahan siyang naging abo habang sinisipsipan ko siya ng dugo. "HWAHAHAH! Kalix pala ang iyong pangalan.. Napakaganda!" sigurado akong may narinig akong nagsalita! "S-sino ka?!" natakpan ko ang aking bibig. Hindi ako makapaniwalang NAKAKAPAGSALITA AKO! "—Nagustuhan mo ba ang biyaya ko sayo, ha Kalix?" Biyaya?! SINO KA? Ikaw ba ang Diyos?! "—Isa akong Propeta, Kalix! Nandito ako upang magparusa sa mga makasalanan! Hahahahaha!" P-Propeta?! Ibig sabihin— "Tama Kalix! Ikaw ang napili ko upang maghatol sa mga makasalanang nilalang ng mundong ito!" Pinili ako ng Diyos upang parusahan ang mga makasalanan.. Lalong umalingawngaw sa isipan ko ang boses ng propeta. "Hahahaha! Halika, ituturo ko sa iyo ang pagbibigay ng hustisya!" ikinumpas ko ang kamay ko. Bumukas ang napakalaking double door ng simbahan na sa mga oras na ito ay nakakandado na. "Halika pumasok ka Kalix.. Ihatid mo ang mensahe ng impyerno!" **** Orpheus' POV: Ipinatong ko sa armrest ng trono ang aking siko at nangalumbaba ako. Pinagmasdan ko ang aking tagapagsalita habang binubuklat niya ang kasulatang nagmula sa akin. Sa ibaba ng trono nakatayo ang sampung ministro; at ilang talampakan mula sa kanilang pwesto nakatayo ang tatlong taong itatalaga ko sa posisyon. Sa magkabilang gilid naman ng napakalaking hall na ito nagsisiksikan ang mga maharlikang bampira. Tumikhim ang tagapagsalita. "ITO ANG PAHAYAG KO, ANG INYONG MAHAL NA PRINSIPE— Itinatalaga ko bilang aking personal na saserdote si Sister Antonia. Itinatalaga ko sa pagka-duke si Div Umbra Claymore. At ang panghuli, itinataas ko ang dukesa na si Lady Medea Swing sa pagiging Prinsesa. Iyon lamang." Nagbulungan ang mga maharlika gayundin ang mga ministro. "—Kamahalan, bakit ka nagtalaga ng Prinsesa?!" "—At hindi ba, barbaro ang mga Claymore?!" "—Ang balita ko, dating TAO ang itinalaga mong saserdote!" "MAGSITAHIMIK KAYO!" sigaw ko. "—Wala akong dapat ipaliwanag sa inyo. Kung gusto ninyong kayo ang masunod at hindi ako, AGAWIN NINYO sa akin ang trono." Sa kabila ng aking mga sinabi, tahasan pa ring nagsalita ang punong ministro. "Kamahalan, kaya po ba kayo naghalal ng Prinsesa ay upang siya ang humalili sa inyo balang araw? Hanggang ngayon po kasi ay hindi pa kayo nagkakaroon ng tagapagmana.. At tinanggihan ninyo ang aming suhestiyon na muli kayong magpakasal! Patawad kung hindi namin maiwasang magtaka." Hindi alam ng Konseho ang tungkol kay Henna Iryl. Ang alam lamang nila ay namatay ang aming anak ng kondesa sa pagkapanganak. May lihim ang Kondesa na itinago niya sa lahat. Dati siyang tao na naging alipin ng isang konde. Sa pagsasabampira niya, nagkaroon siya ng kapangyarihan kagaya ng kanyang master. Pinatay niya ang konde kalaunan at ginawa niya ang lahat upang maging Kondesa. Kung ang Prinsipe ay tagapagtalaga ng mga Duke, itinatalaga naman ng mga ministro ang mga Marquis, pababa sa mga Baronet. Ayon sa batas namin, hindi maaaring maging maharlika ang bampira na dating tao kahit pa nagkaroon siya ng kapangyarihan. Ngunit sa kabila nun, ang ministrong si Sandros ang nagsulong sa Kondesa upang mapangasawa ko. Tinanggap ko naman si Lady Amalthea bilang asawa kahit pa may nalaman ko tungkol sa kanya dahil gusto kong hulihin ang ministrong si Sandros. Nagbunga ang una at huling beses naming nagsiping ni Lady Amalthea. Nasa sinapupunan pa lamang ang anak ko, minahal ko na ito. Nang isilang siya, binalak siyang patayin ni Amalthea dahil naging dominante sa kanya ang pagiging tao. Mahal ko pa rin ang anak ko kahit tao siya. Kaya nagalit ako kay Lady Amalthea at pinalayas ko siya ng mansyon. Magpahanggang ngayon ay itinatago ko ang pagiging eksistensyal ni Henna Iryl. Gagawa ako ng paraan upang mabuhay siya, kahit sa mundo pa ng mga tao; at bilang tao. "Tama ka punong ministro! Napagpasyahan kong gawing kahalili si Lady Medea balang araw—" "Kamahalan—" tumawag ng pansin ng lahat ang panawagan sa akin ni Lady Medea. "—Maging ako ay nagulat.. H-hindi po ako karapat-dapat sa napakabigat na responsibilidad.." Tumayo ako mula sa aking trono. "Kung hindi mo tatanggapin ang posisyon, kamatayan ang para sa'yo." Ayon sa aming monarkiya, kapag nakasal ang prinsipe at prinsesa, sila ay magiging hari at reyna. Sa kasong ito, na ang prinsipe ang nagtalaga ng prinsesa, walang pag-iisang dibdib na maaaring maganap sa pagitan namin. Dalawa lamang ang maaaring ituring sa akin ng Prinsesa ngayon; bilang tinitingalang mas nakatataas o bilang isang kaaway sa pulitika. Pero isa lang ang masasabi ko— Hindi si Lady Medea ang pinakamakapangyarihan sa ranggo ng mga duke. Napakabata pa ng pamamalagi niya sa mundo, mahinhin, walang kasanayan sa pakikipaglaban at pusong mamon. Nakikita ko siya bilang isang tagasunod at hindi bilang pinuno. Balang araw, siya ang magbibigay daan para magkaroon ng hari ang monarkiyang ito. Samakatuwid, kasama siya sa isang istratehiyang pampulitika na ginawa ko. Malalaman din nila ang dahilan ng aking mga desisyon; yun ay sa oras na pumanaw na ako. —— Magdodouble UD sana ako kaso kapos pa ako ng 500 words sa chappy 35 kaya bukas na lang ^_^ direk_whamba Opus 35 Div Umbra's POV: "Lord Div Umbra, ako po si Galahad, ang itinalagang Knight ninyo. Ibibigay ko po sa inyo ang aking buong katapatan." Pinagmasdan ko ang bampirang nakaluhod sa aking harapan. Malaki ang bulto ng kanyang katawan kahit puti na ang kanyang buhok. Unang tingin pa lang sa kanya, halatang napakarami na niyang nalagpasang digmaan. Noong unang panahon, gustong gusto ng mga bampira na may digmaan ang mga tao. Pagkatapos ng madugong labanan, nagpepyesta ang mga bampira sa dugo ng mga namatay na kawal. Si Galahad, ayon sa paniki ni Orpheus, ay dating tao na isang heneral ng taong hari. Napuksa ang kanyang pinamumunuang pwersa sa isang digmaan. Nakahiga siya sa tabi ng bangkay ng kanyang mga kasamahan upang mailigtas ang kanyang sarili sa kalaban. Kung sa akala niya ay ligtas na nga siya, yun ang pagkakamali niya. Pagsapit ng gabi, dumating ang pulutong nga mga bampira. Tiniis niya ang sakit ng napakaraming kagat. Habang nilalantakan siya ng mga bampira, mabilis ang naganap sa kanyang pagsasabampira. Nakaramdaman siya ng dagliang paglakas. Nanlaban siya at sila naman ang kanyang ninakawan ng dugo. Umalis siya sa lugar na yun bago pumutok ang araw. Walang buhay para sa mga bampirang hindi kinikilala ang monarkiya. Ang mga barbaro ay tinutugis at napakaliit ng mundo. Ayaw niyang matulad sa mga iyon na kuntento na lang mamalagi sa mga sementeryo. Kaya't nagsilbi siya sa monarkiya bilang sundalo. Nagsikap siya upang maging Knight, at heto siya ngayon sa aking harap. "Tumayo ka na Galahad." sabi ko. Hindi ko na kailangan ng Knight pero masarap sa pakiramdam na ako naman ang may mauutus utusan. Lahat ng mga maharlika ay may Knight, liban lang kay Orpheus. Pero mayroon siyang Marquis, Saserdote at Kondesa. Parang ganun ang mga gusto kong alipinin ah. Tss. Di bale na. "Panginoon, hindi po kayo maniniwala pero— may bisita po kayo!" Nandilat ako sa anunsyo ng aking bantay sa tarangkahan ng mansyon. Eh paano naman kasi, bukang liwayway na! Kung sinong bwisitang bampira yun, GUSTO NIYANG MAGPAKAMATAY! "Sino? Pauwiin mo na dahil umaga naaa!" Ay peste. Hindi ako sinunod ng aking utusan. Nanatili siyang nakatayo sa tapat ng pintuan. "Panginoon, ang mahal na prinsesa po ang inyong bisita!" Mas lalo akong nagulat. Ang mahal na prinsesa?! Si Medea Swing?! Bakit naman ako bibisitahin nun eh isang beses pa nga lang kami nagkita at hindi pa kami nag-usap KAHIT KELAN. "Sige na nga, tara na!" nauna ang aking utusan. Sinundan ko siya hanggang nasa silid panuluyan ng mga bisita na kami. Naroon ang prinsesa at nakaupo sa gitna ng magarang sofa at nagtsatsaa. "Iwan mo na kami." ang sabi ko sa utusan. Babae. Paano ba makitungo sa isang babae? Mukha naman siyang matino di gaya ni Antonia. Naupo ako sa tabi niya. Nagulat yata siya kaya nabitawan niya ang hawak niyang teacup. Nabasag yun at natapunan ng Earl Grey ang kanyang bestida. "NAPASO KA BA?!" ano bang tanong to, kahit mapaso siya, di naman siya masasaktan eh! Kinuha ko ang panyo ko at ipinahid sa kanyang bestida. Ewan ko ba kung anong katangahan ang ginagawa ko. Hindi naman mawawala ang mantsa kahit pa anung pahid ko. "A-ayos lang ako, pasensya na!" malamyos ang kanyang tinig. "Dapat siguro umuwi ka na sainyo. Umaga na." mukha bang tinataboy ko siya? "A-ayos lang.. Gusto kasi kitang makita—" kinikilabutan ako sa Prinsesang ito. "Bakit mo ako gustong makita?" hinigpitan kong maigi ang anino ko para hindi makalusot si Penumbra. Kapag nakita niya ang eksenang ito, isang buong linggo niya akong pagtatawanan! Ang tagal sumagot ni Medea. Naiihi na ako. Humawak siyang bigla sa lapel ng amerikana ko at tumingin siya nang diretso sa akin. "Alam mo kasi, nahulog na ang loob ko sayo.. Nung makita kita sa pagpupulong—" BLAG! Ako din, NAHULOG! Sa sofa. Ganun ba talaga kabilis yun?! May sabi-sabi akong naririnig na kapag umibig daw ang puso ng isang bampira, isang beses lang daw yun sa buong buhay niya at sa iisang nilalang lang. Ang masaklap pa dun, kahit sino, pwedeng mangyaring ibigin nito. "G-gagawin ko ang lahat para— para ibigin mo rin ako!" aniya pa. HINDI ITO MAAARIII!! **** Orpheus' POV: Di ko mapigilan ang tawa ko habang nagkekwento si Div tungkol sa pagbisita sa kanya ni Lady Medea kagabi— "ANONG NAKAKATAWA?!" sambakol lalo ang mukha ni Div. "Isang magandang balita ang ibinahagi mo. Masasabi kong ganap ka na ngang maginoo—" Mas lalo siyang nawalan ng hinahon. "NABABALIW NA ANG BABAENG YUN— ang mga maharlika, pati ikaw— MGA BALIW!" "Div itahimik mo yang bibig mo! Baka marinig ka ng mga paniki!" nagawa ko pa siyang sawayin kahit natatawa ako. "EWAN!" Hindi ko inaasahan na magkakaroon kaagad ng bunga ang aking pinaplano. Sumeryoso ako. "Mas maganda kung tutugunin mo ang damdamin ng prinsesa. Para rin yun sa kapakanan mo pag wala na ako—" Kumunot kaagad ang noo ni Div. "ANONG PINAGSASABI MO?!" "Wala.. Huminahon ka nga—" Mabuti na lamang at pumasok sa silid si Amalthea. "Asawa ko, handa na ang litratista sa may hardin." "Susunod na ako.." sagot ko. "Magpapakuha kayo ng litrato?" tanong ni Div. "Oo. Para kay Henna Iryl ang litrato na yun. Gusto mo bang magpakuha din tayong dalawa mamaya ha?" Tumango naman siya. Naabutan ko sa may hardin si Antonia. Sumulyap ako sa kanya. Magkasama kami pero napakalayo pa rin niya sa akin. Nilapitan ko siya. "Mag-usap tayo mamaya Sister Antonia. May ipagagawa ako sa'yo." nakatingin sa amin si Amalthea kaya't pinilit kong magpakapormal. "Sige po kamahalan." ang sagot ng aking saserdote. Hinintay ko si Antonia sa aking silid-pahingahan bago magbukang liwayway. Kasalukuyang akong nasa harap ng aking grand piano. Minamarkahan ko na ang mga huling nota sa ginagawa kong komposisyon. Nang dumating siya, lumapit ako sa kanya at ginagap ko ang kanyang palad. Inilagay ko dun ang isang maliit na botelya na naglalaman ng ilang patak ng sarili kong dugo. "Para saan ito kamahalan?" Lumayo ako sa kanya at naupong muli sa harap ng piano. "—Umaasa akong poprotektahan mo ang aking anak sa hinaharap—" "Hindi kita maintindihan—" Ngumiti ako. "Mabubuhay ang anak ko bilang tao. Gusto kong makita niya ang araw at madama niya ang init niyon; bagay na hindi ko nagawa. At kapag nasa hustong gulang na siya, ang gusto ko ay siya ang magdesisyon kung gusto niyang manatiling tao o maging bampira. Tulungan mo sana siya." Nakakunot pa rin ang kanyang noo. "BAKIT AKO?" "Sister Antonia, iyon ang utos ko bilang master mo." Kaagad ko siyang pinaalis upang makapag-isip ako. Nasapo ko ang aking dibdib. Nararamdaman ko ang ispirito ng Thanatos. Gusto niyang kumawala. Simula nang mapalapit ako kay Div, mas lalong lumalala ang kondisyon ko. At lalo pa iyong nadagdagan dahil nararamdaman ko ring nasa malapit lamang ang Erebus. Nabigo ako nung huling beses kong makasagupa ang nag-iisang Esodel na may-ari sa Erebus. Natakasan niya ako at akala ko ay hindi na siya mabubuhay pa. Bigla akong may naramdamang kakaibang presensya. Nagmadali ako at sinulat sa score ang katagang 'D.C. al fine'. Da capo al fine ang buong terminolohiya nun na ang ibig sabihin ay bumalik ulit sa umpisa ng buong passo hanggang sa matapos. E N D * O F * F L A S H B A C K **** Hio's POV: Itinaas ko nang kusa ang aking isang braso. Tumakas mula sa aking bukas na palad ang kung anong likido. Tumapon yun sa sahig pero nagtipon tipon yun hanggang sa unti-unting mabuo ang pigura ni Orpheus. "Tapos na ang musika Henna Iryl.. Sundin mo ang da capo al fine kung ayaw mong makulong sa espasyong ito habambuhay." Wah.. TAPOS NA?! Eh wala pa nga akong gaanong naiintindihan?! "T-teka saglit lang! Marami pa akong gustong malaman!" ayos bumabargain ako! Umiling iling siya. "Ikinalulungkot ko Henna Iryl.. Balak ko sanang dugtungan ang musikang ito KUNG nakaligtas ako sa naganap na sakuna. Subalit hindi na nga nadugtungan. Ibig sabihin—" "Ano bang pinagsasabi mo? Eh ayan ka nga sa harapan ko!" Napakahinahon niya. Nakakatakot.. Ama ko siya hindi ba? Bakit wala akong maramdamang lukso ng dugo o luksong baka, at kahit anong uri ng lukso?! "Henna Iryl, ang lahat ng ito ay nangyari na at itinala ko sa pamamagitan ng mga nota bilang musika. Ang lahat ng nakita at narinig mo ay pawang mga ilusyon na lamang dito sa nilikha kong espasyo." Ilusyon.. Ibig sabihin, pati siya? "PATI IKAW HINDI TOTOO?" "Tama. Paalam sa'yo. Patawad kung hindi ko nasubaybayan ang iyong paglaki. Pero nagagalak akong nakita mo ako kahit sa isang ilusyon lang." Tumalikod siya sakin at tinungo niya ang pinto. "Saan ka pupunta?" "—Hindi ko masasagot dahil hindi iyon nakatala. Paalam mahal kong anak." "Papa.. Mag-ingat ka.." bulong ko. Nakakalungkot. Malakas ang pakiramdam kong hindi na siya muling papasok ng silid na ito para tumugtog. Gusto kong malaman kung bakit. Pero natatakot ako. Ayokong makita kung paano siya namatay o paano siya pinatay. Sa isang iglap, mabilis na gumuguho ang buong paligid. Wala akong maisip gawin kundi ang sundin ang isinulat na da capo al fine ni Papa. Inulit ko ang musika mula sa umpisa. Ipinikit ko ang mga mata ko upang makapagconcentrate ako. Contrasting naman kasi. Destruction ang nakikita ko tas ang tinutugtog kong music ay mellow. Nang matapos ko ang kahuli-hulihang nota, dumilat ako. Nagbalik ako sa studio sa unit ni Noir. Katabi ko si Shall na nakasandal sakin at mahimbing na natutulog. —— Ayan po sinabi ko na END OF FLASHBACK NA PO!!.. I know.. hiatus pa rin.. pero mey next flashback pa po akong gagawin kaya stay tuned.. Till next update ulit! direk_whamba Opus 36 Hio's POV: Anong oras na ba?! At nagulat ako pagtingin ko sa wristwatch ko— Quarter to six ng umaga. Pusang inang yan. Hindi ba tumigil ang oras or something? Ang nangyari, kung gaano kahaba yung oras ng tintugtog ko, ganun din kahaba ang lumipas na oras. "—Shall umaga na." dapat nga siguro sinasapak siya para magising. "SHALL UMAGA NAAA!" Ayaw mo ha? Bumulong ako sa tenga niya. "Mahal, umaga na—" Nagising naman siya. May kasama nga lang violent reaction. Pinang-uppercut niya sakin ang siko niya. "—AMP KA NAKAGAT KO DILA KOOO!" sakit nun ah! Dumila lang siya. "Bleah!" Oh siya sige panalo ka na. Kunwari di ako nasaktan! Ayokong pagsisihan na naging syota kita— "Umaga na, dito ka matutulog?" "AYOKO. Uuwi tayo!" sagot niya. Uuwi tayo. Gusto mong matusta? "Oh paano tayo uuwi?" "—May anti-UV Body bag si Noir. Ilagay mo ako dun tas isakay mo ako sa back compartment ng kotse—" Ha? Yun na ba yun? Hindi ba gawain yan ng mga taong sangkot sa massacre? Pero dahil mukhang masaya yun, naghanap ako ng sinasabi niyang body bag. Marami akong nakitang ganun sa isang cabinet sa stockroom. Inilatag namin yun sa sahig. Pumasok dun si Shall at zinipper ko. "Buhatin mo na ako bilis!" Wait lang! Iniisip ko kung kaya kong buhatin to. Yung kamay nga lang niya mabigat na eh, buong katawan pa kaya?! "HIO!" "Oo yan na!" yumuko ako sa harap ng bag. Kinapa ko kung saan yung bewang niya. WOW ang gaan niya! Katunayan nga isang braso lang ang gamit ko para buhatin siya! Ipit ipit ko siya sa bewang niya. Eto na yung challenging part— ang paglalakad sa corridor na may mga tao. Pinagkakatitigan ako nga mga nakakasalubong ko. Tapos nilagpasan ko na nga, hinahabol pa ako ng tingin. "Di kaya ireport nila akong serial killer or kidnapper? Halata kayang may buhat akong tao—" Pumasok ako ng elevator. May CCTV dito nuh? Ano ba tong krimen na pinasukan ko.. Ting! Pagdating ko sa lobby, I tried my best para dumaan sa mga kasulok sulukan; yung tipong buddy na kami ng pader. Salubong ang kilay ni manong guard pagkakita sa dala ko. "Ser ano yan?" tanong niya. Ano to? Bampira ito! Nangangagat ito ng ususerong guard! De joke. "Labahan ko. Dadalhin ko sa laundry shop!" "Pwede ko bang tingnan?" Syempre hindi pwede. Pag nakita mong babae ang laman nito, katakut-takot na delay ang aabutin namin dito. "Manong nagmamadali ako eh, pwede bang tingnan mo na lang pagbalik ko?" "—Ser di po pwede ang gusto natin— blah blah blah.." Hinanap ng paningin ko ang kotse. Niready ko na ang susi. Mabilisan lang tong gagawin ko— bat ngayon ko lang yun naisip?! Kinuha ko ang shades na dala ko sa bulsa. Malabo naman ang CCTV eh. Hindi naman siguro ako makikilala kaagad. Bumalik ulit ako sa loob, sumakay ng elevator at bumaba ng second floor. Naghanap ako ng fire alarm. Pinatunog ko yun at saka mabilis akong bumaba ng fire exit. Pagbalik ko sa parking, nakatalikod si manong guard at nagraradyo ata sa iba niyang kasamahan. Tinulak ko siya. Hindi ko na alam kung saan siya bumalandra. Tinakbo ko ang kotse, inistash sa back compartment si Shall, at sumakay ng driver's seat. Sakto lang, nakalusot ako sa pababang checkpoint. Phew. WTF. Siguradong mapaplakahan nila ang kotse. Yahoo! Wanted na ako! Nakauwi naman kami ng apartment ng walang aberya. Ewan ko na lang si Kape, baka may inuwi na namang aberya. Tok! Tok! "—KAPE? BUKSAN MO ANG PINTO!" tatanggalin ko na nga ang lock sa loob para hindi na hassle! No answer. BANG! BANG! "TANG INA PAG DI MO BINUKSAN TO—" Narinig ko ang tunong ng lock sa loob. Nagbukas ang pinto. "Enumaga ka yata pare—" ani Kape. Nakatapis lang siya ng tuwalya kala mo ang ganda ng katawan eh. Siya rin inumaga. Mukhang di pa siya natutulog. Tinulak ko siya para makapasok ako at yung body bag. Dire-diretso ako sa kwarto ni Shall. "Dong hanu yang dala mo?" "WALA. Unan. Sige na matulog ka na." Pagkapasok sa madilim na kwarto, initsa ko yung bag sa kama. Ako naman, nahiga sa tabi nun. Haay namiss kong matulog nang nakaunat! Hindi na hinantay ni Shall na i-unzip ko yung bag. Winasak na lang niya yun. "Bat ka nakahiga diyan?!" sita niya sakin. Ang arte arte niya di ko naman siya rerape-in. Baka ako pa nga ang irape niya eh. "Patulog. Hindi naman siguro bawal?" Binalibag niya sa sahig yung bag. Salamat hindi ganun ang nangyari sakin. Naghubad siya ng damit at itinira ang underwear bago siya umayos ng higa sa tabi ko. Leche naglaway ako. Waha. May mga bampira palang preferred matulog nang nakaunderwear lang. Yumakap siya sakin. Pota pag di ako nakapagtimpi— "Anong nangyari kanina?" tinanong niya ako. So wala siyang alam sa nangyari ganun? "Ewan ko. Nagkamali ako ng isang Fermata kaya walang nangyari." ang sinungaling na tao ko talaga. Eh tinatamad kasi akong magkwento. "Ang bobo mo kase, parang ang dali dali lang kabisaduhin ng score na yun!" Maka-bobo naman to. FYI hindi ko nga alam na marunong pala akong magbasa ng komplikadong song sheet! BAHALA KA. Basta secret ko na lang lahat ng nalaman ko— "Marami ka na sigurong alam tungkol sakin. Pero ako walang alam sayo. Magkwento ka naman." divert DIVERT! Pero sa tingin ko wala na naman siyang sasabihin. "—Sa France ako pinanganak. Dati akong Dukesa na naging myembro ng House of Elemental Dukes; at ang elemento ko ay metal." NOSEBLEED. "—Eh bat Knight ka na ngayon?" "Pakialam mo?" ang ganda ng sagot niya. Kaurat. Lord maaga akong tatanda sa babaeng to. Siya na LANG ba talaga? Tatanda ako.. "Shall gusto mo ba akong tumanda?" seryosong tanong to mga dre. Pumasok lang sa isip ko kung ano ang future: magkatabi kami ni Shall; ako na kulubot, panot, puti na buhok, uugod ugod, ulyanin, umiihi sa salawal; tapos siya nananatiling bata, fresh. Yung pag pinagtabi kami, mukha kaming maglolo. Wahahahaha! Laptrip.. Ayokong maging bampira kahit natatakot akong tumanda. Gusto kong mabuhay sa sikat ng araw at ayokong dumating sa puntong isa isa nang namamatay lahat ang mga kakilala ko habang ako, still kicking. "Mamahalin mo pa ba ako kahit maputi na ang buhok ko?" pangalawa kong tanong. "Iiyak ka ba pag namatay na ako—?" pangatlo. Manlalalake ka ba pag nasa 6-feet under na ako at pinuputakte ng mga uod, dili kaya'y hinuhukay ng gravehunter? Ah hindi ko na naitanong yang fourth question. Paano dinaganan niya akong bigla. Kinapa niya ang mga labi ko ng kanyang dila. Ang lakas niya mang-seduce. Inaantok na ako pwede ba? Hinalikan niya ako, yung pasa laway. Ampness pag di niya talaga ako tinigilaaaaan—! Nadako sa leeg ko ang bibig niya. Kaso para siyang napahinto. Alam ko na kung anong gusto niya. Mas malala pa sa waka-waka. "Sige." bulong ko. Wala man lang siyang pagdadalawang-isip. Ibinaon niya sa leeg ko ang mga pangil niya. UNHOLY SHIT! DANG SAKIT MEN! Napayakap ako sa kanya ng sobrang higpit. Parang binaback-hoe ang laman ko sa leeg. May punit sound. At pakiramdam ko bumabaon pa rin. Ang haba naman ng pangil nento! Pagkatapos ng sakit, namanhid ako. Ibang sensation yung pumalit. Mas high pa kesa sa anung high na kayang ibigay ng droga. Nag-angat siya ng ulo kaya nalaman kong tapos na. Nakatingin siya sa mukha ko kahit madilim. Kahit bangag, nagawa ko pang iangat ang braso ko para pahirin ang dugo sa bibig niya. Habang ginagawa ko yun, mas lalo akong nagiging desidido. Mahal ko si Shall. Susundin ko lahat ang gusto niya. Itatakas ko siya. Tatakas kami. Kung bakit, kung kelan, kung paano; bahala na. **** (Kinagabihan) Div Umbra's POV: "Naghihintay ang konseho sa iyong sagot, Paladin—" Nakayukod na naman ako sa harap ng mga gurang na myembro ng konseho. Matagal-tagal na rin nang huli akong magawi dito. Katunayan pangatlong beses ko pa lamang makapunta dito. Una ay noong itinalaga akong Duke ng mahal na Prinsipe; at yung pangalawa ay nung inalis sakin ang titulong yun. Naaalala ko ang sarili ko labimpitong taon na ang nakakaraan. Isa akong napaka-walang modo at mainitin ang ulo na bampira. Lahat ng bagay, gusto ko man o hindi ay kinaiinisan ko. Ayokong magbago kahit pilit akong binabago ni Orpheus. Katakut-takot na panggagalaiti ang naramdaman ko habang inaantay ko noon ang anunsyo ni Orpheus. Kahit siya mismo, nababagot sa kinauupuan niyang trono. Namimiss ko ang matalik kong kaibigan. Pero hindi ko na hihilinging bumalik siya mula sa hukay kung maaari lang. Kahit malalim ang naging samahan namin, mas malalim ang inukit ng pagpapahalaga ko sa kanyang naiwang anak. Si Hio na itinuring ko nang sarili kong anak at kapatid. Nagbago ako dahil sa batang yun. Ginawa ko ang lahat para maging huwaran sa kanya. Pero isang araw, nagbago ang lahat ng yun. Kinain ko ang lahat ng sinabi ko kay Orpheus. "—Ang Erebus, nagparamdam na itong muli at hinahabol nito ang bagong Prinsipe. Nakipaglaban ako sa kanya at di maiwasang gamitin ko ang kapangyarihan ng Nyx." Pagbibigay-paliwanag ko sa konseho. "Tsk.. Tsk.. Masyado bang malakas ang Erebus para hindi siya mapuksa? Nabigo na dati ang—-" "—Wag na wag ninyong iinsultuhin sa harap ko ang pumanaw na Prinsipe. Hindi ninyo alam ang nangyari." bahagyang lumalim ang boses ko. Natakot sila kaya mga nagsipagtahimik. Wala namang pakialam ang konseho sa Erebus. Itinuturing lang nila itong isang pwersa na hindi makakapuhing sa mundong binubuo ng mga maharlikang bampira. Mas may pakialam pa silang kwestyonin ako tungkol sa ginawa kong pagpapabilis ng gabi. Sabagay, kahit gaano ka pa kalakas, balewala yun kapag nag-iisa ka lang. Sa henerasyong ito, hindi mo na mabilang ang mga Duke na kayang patumbahin ang Erebus kapag nagsanib pwersa sila. "Makakaalis ka na Paladin." ani Zandros. Pinagtinginan siya ng kanyang mga kasamahan. "—Wala na akong nakikitang dahilan para manatili dito ang Paladin. Tama ba punong ministro?" Sumang ayon naman iyon. "Humayo ka Paladin. Subalit bibigyan kita ng babala. Huwag mong gagamitin ang iyong kapangyarihan sa kapararakan— dahil katumbas niyon ang pagkasira ng balanse ng mundo." "Maraming salamat punong ministro." Naglaho ako sa harapan nila pagkatapos ng huling katagang sinabi ko. —— Till next time ulit mga ka-madness >_< direk_whamba Opus 37 Kape's POV: "Babes, uwi na ako ha? Magtext ka ha? Ummwuaah—" Homalek saken se— hano bang pangalan neya? Ambot. Senglot ako kagabe eh. "Uki." sagot ko. Anong oras na ba? Antok pa ko. Zzzzz— "SINO KAAA?!" somegaw se Shall, dang lakas. Nageseng ang natotolog kong diwa! Henatak ko ang komot at benuksan ang pinto. "—Shall, wag ka ngang sigaw ng sigaw? Syota yan ni Kape!" kita ko se pareng Heyo, hawak neya sa balikat ang asawa neyang maengay. Nakaopo sela sa sofa at may penagkakaabalahang ambot. Nays, Shall na tawag neya kay Shall. Ang dip na. "Oo Shall gerpren ko siya—" susog ko. "Sorry po—" yuko yuko pa key Shall ang gerpren ko bago seya tomingen saken. "Babes, alis na ako!" tas nag playing kes pa seya. Pagkasara ng main door, humagalpak ng tawa se Heyo. "HAHAHAHAHAHA! Babes babes pang nalalaman ampota! Pare jackpot ka na naman— mukhang mayaman ah, ang kinis— ARAAY!" kenotongan seya ne Shall. Bote nga! Lomapet ako sa kanila, hawak ko pa ren yong komot. Nasayad baga sa saheg. "—de ko nga alam pangalan ng cheks na yon." "Puro ka na lang tikim pareng Kape. Kelan ka ba magseseryoso?" Kilan nga ba dapat magseryoso? Lahat naman ng mga babae manloloko, kaya ang mga lalake poro manloloko den. Oh keya, uso sa mga lalake ang nanloloko, nakekesakay lang ako sa uso. Ey baket ba saken ang pokus? Wala baya akong matenong lablayp. Mabote pa tong se Heyo nahanap na neya ang troo lab neya. Unang tengen pa lang sa kanelang dalawa noon, lam ko nang selang dalawa ang magkakatoloyan. Eh pareho man sela ng ogali. Masaya ako para key Dong. Sameng dalawa, alam kong mas keylangan neya ng seryosong pag-ebeg. Ba, lahat ba naman ng gerpren neya noon eh penapatay! Hoosh, somalanget nawa sela. Mga cheks pa naman. Ehem. "Hanong genagawa neyo ba?" **** Shall's POV: "Nilalagyan ko ng itim na nailpolish si Hio." sagot ko kay Coffee. "Uh, pare, pate eylayner meron ka man!" "Oo, nababakla na ako." si Hio. Binawi niya yung kamay niya na hindi ko pa tapos lagyan ng nailpolish tapos binugkos niya ang buhok ko, yun bang ipopony-tail. Winagwag ko ang ulo ko. "ANO KA BA?! BASA PA YUNG NAILPOLISH SA KAMAY MO TAS HAHAWAKAN MO ANG BUHOK KOO! Grr" wala trip ko lang lagyan ng itim na nailpolish yung kuko niya. Gusto ko lang malaman kung bagay sa mga lalake. Bagay naman kasi maputi si Hio. Mamaya si Coffee naman ang lalagyan ko. Hahampasin ko dapat siya. Pero inawat ko ang sarili ko. Nasaktan ko na nga pala siya kanina. Namamaga ngayon yung leeg niya dahil sa kagat ko. Para siyang bata, napakasensitive ng katawan. Quack! "Agay, baket mey raber dak deto?" naapakan ni Coffee yung rubber duckie na nasa sahig. Pinulot niya yun. Maliit lang. Ang cute. "AKINA YAN!" sigaw ko. Ewan ko kung kanino yun. Baka dala nung girlfriend ni Coffee tas nahulog lang. Eh bakit siya magdadala ng rubber duckie? Hinablot ko yun mula kay Coffee— Quack! Quack! Quack! Quack! Quack! Pinisil ko ng pinisil yun kasi.. Gusto ko lang! "ANG INGAAAAY—" inagaw sakin ni Hio si rubber duckie. "Akin na lang to!" sabay bulsa kaya di ko na naagaw. Hmp! Akin yuuun! Tip. Tap. Tip. Tap. May parang pumapatak sa bubong. "UMUULAN?" magkapanabay naming sigaw ni Hio. Nagkatinginan pa kami. Ngumiti siya. Sumilip si Coffee sa binatanang katabi ng pinto. Kinapa niya ang switch para sa lamplight sa labas. Nagliwanag; nakita namin ang libo libong maliliit na patak ng ulan. Agad akong tumayo para buksan ang pinto. Nagpatong ang kamay namin ni Hio sa seradura. Yung kanya ay nasa ibabaw ng kamay ko. Diniinan niya ang hawak sa kamay ko hanggang sa napihit ang seradura. Pinauna niya akong lumabas ng pinto, tapos sumunod siya. Wala akong pinalalagpas na ulan simula nang makatikim ako ng kalayaan. Ang ulan na dati ay pinapanood ko lamang mula sa malaking bintana ng mansyon. Itinaas ko ang aking mga kamay para saluhin ang iba sa libong patak. Namamangha pa rin ako sa ulan gaya ng dati. Napatingin ako kay Hio. Ganun din ang ginagawa niya. Iniimitate lang ba niya ako? Hindi. Dahil gaya ko, ipinagkait din sa kanya noon ang kasayahan na makapagtampisaw sa ulan. **** Hio's POV: Gustong gusto ko ang ulan. Nung kabataan ko, pinagbabawalan akong lumabas ng mansyon. Nakikiramay ang ulan sa nararamdaman kong pag-iisa. Pero gusto ko pa rin siyang makilala; yun bang mahawakan ang kanyang sangkaterbang luha. Kalokohan na yun ngayong malaki na ako. Nalaman ko kasing hindi mo makakayang saluhin ang lahat ng patak ng ulan. Pero nandun pa rin yung sabik-feeling kapag umuulan. Taken for granted na lang ang ganitong phenomena lalu na ng mga taong busy. Hindi nila alam na may mga masaya at malungkot kapag may ulan. May mga masaya, gaya ko; yung iba, umaasa sa ulan para magkaroon ng tubig-inumin o kaya patubig sa tanim. Yung iba malungkot dahil kapag umuulan, wala silang matutulugan. Naget's nyo? Maraming naikukwento ang ulan pero hindi napapansin dahil walang may gustong sumalo sa mga patak. Parang yung mga daan-daang kwento sa Wattpad na nasasayang dahil hindi binibigyang pansin kasi mas importante kung ano ang uso. **** Kape's POV: Nagbaro lang ako saglet tas lomabas den ako at nagpaulan. Penagmamasdan ko ang dalawa kong hawsmet. PI BE BE TINS! Tong dalawa na to kala mo ngayon lang nakaketa ng ulan. "Gosto neyo ng ulan?" "Dati hindi ako pinapayagang lumabas pag umuulan—" asteg, sabay pa sela ng senabe! Kow, duon sa Bicol, magsawa ka sa ulan. Daanan don ng bagyo. Nga lang natatakot lage ang mga tao, kase baka tangayen ang bubong. Kung kanenong bubong ang trep matangay, se Lord lang makapagdesisyon nun. Pag wala kayong bubong, ebakyowet sa kuberd kort. Marami kang makilalang kapetbahay dun, mga kakwintohan mo pampalepas uras, piro mga kagalet mu kapag andeyan na ang rasyon at relep guds. Naketa ko yong basyong lata ng beer sa geled. Denampot ku yon. Nong bata bata pa ku at magaan lang ang ulan, hileg namen maglaro ng tombang priso ng mga kaebegan ko— "Laro tayo tombang priso!" Lumingon selang dalawa saken. "—TUMBANG PRESO?!" **** Hio's POV: HAHA. This is the timang-trip of my life. Ang magtumbang preso sa ulan. Sabi ni Kape, nilalaro daw nila yun nung seven years old pa lang daw siya. Wala naman sigurong age limit ang paglalaro nun di ba? Ipinaliwanang niya sa amin ang mechanics ng game. Ilalagay ang lata sa gitna at babantayan yun ng taya. Ang objective ay ang mapatumba ang lata na yun. Teka—ano pa ba—?! Hinatak ni Kape ang mga kamay namin. "Para malaman seno ang taya, pute item lang— MAEBAAAAA TAYAAA!" Palad ang nakaharap sakin at kay Kape. Si Shall parang hindi niya ginalaw ang kamay niya. As is eh. "Dahel item se Shall at tayo pote, seya ang taya—" ah ganun pala yun. Ang galing! Nice, may tinatago palang talino itong si pareng Kape. Pumuwesto si Shall sa harap ng lata. Kami naman sa guhit. "Lagot kayong dalawa sakin—" Crack. Crack. Pinatunog ni Shall ang mga buto niya sa kamay. Natakot ako para saming dalawa ni Kape. Niready na namin ang mga buhay namin, este mga tsinelas. Unang tumira si Kape— Eeeeeewng! Nasalo ni Shall ang Ipanema bago tumama sa lata. Binato niya iyon pabalik kay Kape. KAPUL si Kape sa ulo! Dahil sa sinapit ni Kape, nawalan ako ng ganang tumira, palobo lang. Tae wala siyang patawad! Kinuha niya pa rin yung Havaianas— Tuk! Flat yung tsinelas na lumagapak sa mukha ko. Daig ko pa ang na-front slap! IKAAAAAAW—! Hinubad ko ang isa pang tsinelas. This time inasinta ko na siya. Puk! Nasalag niya! "Ako na tetera ha?!" urat na Kape to, titira na lang magpapaalam pa eh! Habang umaasinta siya. Umikot ako. Wala naman sinabing rules si Kape na bawal lapitan ng tao ang lata. Pagdating ko sa likod ni Shall (di niya ako pinansin, mas focused siya sa ibabato ni Kape.) sinipa ko na ang lata. Ayun tumba siya. "Talo ka Shall— natumba ko na yung lata! Hahahaha!" sabi ko. "Talo ako?" nakanguso siya. Ma-juice? Sabay tingin kay Kape. "Talo ako Coffee?" Sinenyasan ko si Kape na umoo. "Oo Shall talo ka na!" "Grrr.. Ang panget ng larong to! Ayoko na." hahaha boba. Hindi niya naisip na dinaya namin ang rules. Walang anu-ano'y biglang kumidlat ng malakas. Lumapit ako kay Shall para i-cover siya. "Tara pasok na tayo—baka may bagyo! Delikado pa naman kapag may kidlat kidlat—" may napansin akong kakaiba. Tumataas ang tubig! At ang bilis. Waw baha. Ngayon lang yata to ah? Hindi naman barado ang mga estero dito sa amin. "TARA AKYAT NA TAYO!" sigaw ko. WTF! MAY TSUNAMI AGAD?! Seryoso?! Dito sa suburb MANILA?! Binayo kami ng malakas na hambas ng malaking tubig. Nahawakan ko si Shall at si Kape. Kinakapos na kami ni Shall ng hangin, pero si Kape, easy lang at mukha lang nagugulumihanan. Ahh! Hindi ko na kaya! **** Kape's POV: Naunang bomagsak se Shall sa basang semento, somonod se Heyo! Nelapetan ko agad sela. "GESENG KAYO! HUY! HANO NANGYAYARE SEINYO!" "—Ah, hindi ka naaapektuhan ng mga mahika? Kakaiba ka para sa isang tao." mey nagsaleta! Nag-angat ako ng panengen. Nasa tapat ne Heyo ang esang Madreng nakaitem at duguan. "S-s-sino ka?" tanong ku. Kakatakot seya grabi! "Noir, kaya mo bang pasukin ang kanyang isip?" "Kaya ko Sister Antonia. Direktang tumatama sa isipan ang kapangyarihan ko at hindi sa persepsyon gaya ng ilusyon." Nowa? Sinubokan kong lengunen ang taong nasa lekod ko. Kaso bago ko magawa yon, begla akong enantok. Ang hule kong naketa, benobohat ng madre se Heyo. —— >_< ahooo Noir ikaw ba yan?! Y U sangkot there?! direk_whamba A/N: Nandito na po ang 2nd flashback ko.. dadating yang bigla... at may 3rd flashback pa ko in the future.. >_< —— Opus 38 Shall's POV: Napabalikwas ako ng bangon. Sinipat ko ang buong lugar. Nasa kama ako, sa isang magarang silid. Nasisiguro kong pag-aari ito ng isang maharlikang bampira. Pero bakit ako nandito?! "—Hio, Coffee?" humawak ako sa aking sentido. Isa na namang kapabayaan ang ginawa ko! Bumukas ang pintuan, biglaan lang. Hindi na ako nakapag-isip kung mananatiling nakaupo o hihiga ulit. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagsino ko ang pumasok na yun. "PALADIN?!" Lumapit siya sakin at naupo sa gilid ng kama. "—Nakuha ni Antonia ang Prinsipe." Kaagad akong yumuko. "Tatanggapin ko ang ibibigay saking parusa pero hayaan ninyo akong umalis upang bawiin ang Prinsipe—" "Hindi na kailangan. Ako ang tutugis kay Antonia paglipas ng ilang araw." aniya. Bakit parang hindi siya nag-aalala?! Hindi ba siya ang nag-alaga kay Hio? Paano kung— Bumangon ako sa kama para tunguhin ang veranda. Tatalon ako mula dun. Yun nga lang, nahawakan ng Paladin ang braso ko. Gusto ko siyang bulyawan; hindi ko kaya. Natatakot ako sa kanya sa di ko malamang dahilan. Pero pinilit ko pa ring makawala sa pagkakahawak niya. Masyado siyang malakas. Naramdaman ko na lang na yumakap siya sakin mula sa likod. "Paladin?!" "—Div Umbra ang pangalan ko." Nalilito na ako. Bakit siya ganito? Itinaas niya ang isa niyang kamay sa harap. Naglambitin dun ang isang gintong kwintas na ang pendant ay pamilyar sa akin— Ang gintong krusipiho. SIYA?! Siya yung— "Hindi ba ang sabi mo noon ay papatayin mo ako kapag nagkita tayo?" Oo sinabi ko nga yun. Pero sa tinagal tagal na panahon na ang lumipas, naaalala kong nasaktan ako pero hindi ko na maalala yung eksaktong pakiramdam kahit pa mapaso ako sa pilak kong krusipiho. At masyadong makapangyarihan ang Paladin. Baka ako pa ang mapatay niya. Hindi ko pa matatanggap ang kamatayan sa ngayon. Kailangan ako ni Hio. Gumalaw ang gintong krusipiho. Natunaw iyon hanggang sa mawala na ang porma nito at tuluyang bumagsak sa sahig. "Sa dami ng lalaking dumaan sakin, hindi na ako interesado diyan. Alam mo natutunan kong gamitin ang katawan ko upang makuha sa isang lalake ang anumang gusto ko—" "Kung ganun, itigil mo na ang ginagawa mo." Inuutusan niya akong itigil ang pagiging Knight?! "Bakit?! Sabihin mo kung bakit dapat akong tumigil?" "Magpakasal ka sa akin." sabi niya. Malinaw ang pagkakadinig ko. "MAHAL KO SI HIO. Aalis na ako at babawiin ko siya—-" napasinghap ako dahil ibinaon ng paladin ang mga pangil niya sa leeg ko. Hindi ako nasaktan pero namanhid ako na hindi ko na maigalaw ang buong katawan ko. Babagsak ako sa sahig kung hindi niya ako nasalo. "Pabayaan mo na ang Prinsipe. Hindi siya sasaktan ng kanyang ina—" yun ang naulinigan kong huling sinabi ng Paladin. **** Hio's POV: Gaaaahd ang sakit na naman ng ulo koo! WHAA— hindi ko maigalaw ang katawan ko! May tumutulo sa bibig ko, at nalalasahan ko ang pait nun. Anong nangyayari ba?! Dumilat ka Hio UTANG NA LOOB! Nakatunghay sa akin ang madreng recurrent sa buhay ko. Hawak niya ang maliit ng boteng ang alam ko ay pinagkatiwala sa kanya ni Papa. Umaagos ang laman nun. Ayoko.. AYOKOOO! Hinagod niya ang lalamunan ko. Nalunok ko ang dugong naipon sa bibig ko. Pagkatapos.. Bumilis ang pagpintig ng puso ko. Mabilis na mabilis as in heart attack— "—AHHHHHHHHH!" ang SAKIT! Napapaso ako! Sa isang iglap, naigagalaw ko na ang katawan ko. Pabiling biling ako DAHIL SOBRANG SAKIT! Blag! Ayun, plakda ako sa sahig. Nanginginig ang bawat sulok ng kalamnan ko. Takte. Bakit ako pinagtitripan ng madreng ito?! Di ba kung tutuusin, wala na dapat siyang pakialam.. Kasi.. Kasi— Ahhhrggh.. Gumapang ako sa carpet. Kailangang makaalis ako dito! Naitaas ko pa ang kamay ko para buksan ang pinto. Gumapang ako ng gumapang, at pagdating sa hagdan, nagpagulong-gulong ako. Pagbagsak ko sa landing, maganda na ang pakiramdam ko. Nakatayo pa nga ako ng diretso eh. Tinakbo ko ang main door, binuksan at— WTF ARAAAAAAY! Umuusok.. UMUUSOK AKOOO! Hapdi hapdi hapdi! TUBEEEEEEGG!! Sinarado ko ang pinto. Ginulat ako ng mabilis na paghilom ng nasunog kong balat! ETO PA— Nagugutom ako dude! "Huwag kang lalabas ng bahay anak, umaga pa.." ANAK?! Who's that pokémon? Nilingon ko si madre. May hawak siyang mug. Kung ano man yung nasa mug na yun, ang bango. May nagbago sakin alam ko. Hindi na ako yung dating ako. "Bakit.. Bakit mo ako ginanito?!" naks nagawa ko pang mag-emo, sabay tanong. "—Ano ba yang hawak mo? Akina nga yan." Iniabot niya sakin yung mug. Punung puno yun ng dugo. Sumimangot ako pero yung braso ko parang may sariling mechanism. Basta iniinom ko na pala yung lamang ng mug. Asteeeg! Ang sarap! Hain ng Diyos! Crash! Nabitawan ko ang mug at dahan dahan akong umatras. HINDI PWEDE TO! Isa na akong—?! Aaaaaah! NAPAPRANING NA AKO! Fully loaded! Di ko ba pwedeng ishare ang kapraningang ito?! "Hio, kumalma ka naman. Pakiusap—" aw, nasa tabi ko na pala si madre. Sinunod ko siya. Kinalamay ko ang aking dibdib. Hinawakan niya ako sa braso at inakay paakyat ng hagdan. Hinayaan ko siyang mag-guide sakin patungo sa isang kwartong nakita ko na sa alaala ni Papa. Ang silid kung saan siya tumutugtog ng piano! Pinaupo niya ako sa isang armchair at siya, naupo sa lapag, sa harap ko. Minasahe niya ang tuhod ko habang nakatingin siya sa akin. "—Anak ko.. Ang laki laki mo na.. Kamukhang kamukha mo ang iyong ama. Patawad kung hindi man lang kita naalagaan simula pagkabata mo.." lumuluha ang mga mata niya habang sinasabi niya yan sakin. Maka-anak naman to. Parang aanim na taon lang ang tanda niya sakin tas ANAK?! Ang awkward ate. "—Ahh.. S-sister, hindi mo ako anak— natugtog ko na ang ibinigay sa aking scores ni Papa.. at—" Di ba ang pangalan ng Mama ko ay Amalthea? Nasaan na siya? Umiling si sister. Sa totoo lang, naaawa ako sa kanya na di ko malaman. "Hindi para sa iyo ang komposisyong iyon. Ang totoo niyan, hindi ka pa nakikita ng ama mo kahit kelan." "HA?!" gulilat ako. Yep that's the best reaction sa mga ganyang eksena. "Hindi ikaw ang totoong si Henna Iryl." aniya. Dapak?! Masyadong masalimuot ang buhay para sa isang simpleng taong gaya ko. Nagpatung-patong na ang mga kasinungalingan! HWAAARGGH.. "Kung ganun, sino ako—" alangan namang putok ako sa buho?! At lalong hindi naman siguro mapupulot sa tae ng kalabaw ang heartthrob na gaya ko? "Makinig ka sa isasalaysay ko.. Ito ang nangyari pagkatapos ibigay sa akin ni Orpheus ang maliit na botelyang naglalaman ng kanyang dugo—-" —— A/N: This is Flashback… Again, hindi po matatapos ang flashback HANGGAT HINDI KO SINASABI. F L A S H B A C K Sister Antonia's POV: May kakaibang presensya akong nararamdaman. Napakalakas na kapangyarihan iyon at papalapit yun dito sa mansyon. Ang mahal na prinsipe? "—AAAAAHHH!" dahil tahimik sa buong mansyon, nakarinig ako ng sigaw ng isang babae. Ang kondesa ba yun?! Umakyat ako sa ikalawang palapag. Nauna akong nagtungo sa silid ng bata. Anu't anuman ang mangyari, ang sanggol ang prayoridad kong pangalagaan. Nanlumo ako sa naabutan ko. Nasa sahig ang damit ng Kondesa. Wala na ang kanyang katawan, naging abo na ang lahat sa kanya. Tinungo ko ang kuna. Napa-sign of the cross ako sa sinapit ng walang kalaban-labang sanggol. Halos hindi na siya makilala at nagkalat ang kanyang dugo. May mga bakas akong nakita, patungo yun sa bukas na bintana. "Sister Antonia, anong nangyari dito?" Natutop ko ang bibig ko. Humarap ako sa aking kamahalan. "Patawad, nahuli ako ng dating—-" Natakot ako sa hitsura ng mahal na prinsipe. Halos hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko. May kakaibang marka sa kanyang mukha; at ang mga mata niya ay nagliliwanag sa dilim. "K-kamahalan.. A-ano po ang mga markang nasa inyong mukha—?" "Ito ang pruweba ng aking kontrata sa isang diablo." ang sagot niya. Panginoong Diyos na mahabagin, paano ko maiintindihan ang lahat? Kung masama po ang makipagkasundo sa mga diablo, bakit niya ako napaibig? Isang uri lang ba ng panlilinlang ang ipinakita niyang kabaitan? "Lumayo ka Antonia. Mas makabubuting mauna kang tumalon ng bintana at umalis na sa lugar na ito—" Hindi maaari ang gusto niya! Ako ang kanyang ispiritwal na gabay! Tinangka kong lumapit sa kanya— "SINABI KONG LUMAYO KA KUNG AYAW MONG MAMATAY!" Ikinagulat ko ang sigaw niyang yun. Sumunod na lamang ako sa kanya. Tumalon ako ng bintana. Nakita ko si Div na nakatayo ilang talampakan lang mula sa binabaan ko. Nakaharap siya sa isang hindi pamilyar na binata. Nakasuot iyon ng robang gamit ng mga pari. Tumakbo ako at nagtago sa mga mababang halaman. Ilang saglit pa, namataan ko ang Prinsipe na lumabas sa veranda. "Mukhang nakahanap ka na ng bagong katawan, Erebus." hindi ko masyadong narinig, pero parang ganyan ang sinabi niya. Itinaas niya ang kanyang kamay at itinuro sa estranghero. "SUGOD NA JACK!" bumaling siya kay Div. "Iwasan mo ang karit niya Div. Namamatay ang lahat ng nadidikit dun." Biglang may lumabas na dambuhalang kalansay. May pakpak iyon na parang sa paniki at may hawak na mahabang karit! "Jack the reaper?! Hahaha! Nakakatuwa ang alaga mo!" Pinaulanan ng maitim na apoy ng estranghero ang kalansay. Pinananggalang nito ang karit. Umatake si Div gamit ang kanyang anino pero— "ASAAAR!" sigaw ni Div. "HAHAHA! Ang Erebus at ang Nyx ay halos walang pinagkaiba! Nakikita kong hindi kayang lamunin ng gabi ang dilim! Nakakaawa!" Makapangyarihan ang nilalang na katunggali nila.. Paano na? —— Tamang bitin po muna… por 2 reasons.. 1. Quota ko na… 1500-1800 words lang po per chaps.. 2. Sumasakit din ang ulo ko sa mga kinukwento ko >_< wuuuuu… mag-iisip pa ko ng karugtong. Kaya see you next update? direk_whamba A/N: This is a wrong way of telling this part >_< pero kasi may mga internal dialogues na hindi ko na maikekwento unless I do this.. so let’s do it!!! Hahaha.. AGAIN, THIS IS FLASHBACK.. —— Opus 39 Orpheus' POV: Nakatuntong ang binatang nakasuot ng roba ng pari sa ibabaw ng pinaghalong itim na tubig at apoy. Sumusunod sa kanya iyon kahit saan siya magpunta. Inamba ni Jack ang kanyang dambuhalang karit ngunit hindi niya pinatamaan ang binata kundi ang tinutuntungan nito. Ngayon, hindi na siya makakagalaw. Tumalon ako mula sa veranda at inilabas ang aking Harmonica. "Div Umbra, pasikat na ang araw, kunin mo si Antonia at magkubli na kayo sa dilim." utos ko sa Duke. "Kaya kong pahabain ang gabi—!" matigas talaga ang ulo niya at napakahirap niyang pasunurin— Pinipilit palayain ng binata ang kanyang sarili. Nagmadali ako at hinipan ang Harmonica. Namilipit siya sa sakit. Ibig sabihin, hindi pa siya ganap na nakokontrol ng Erebus. "DIV, KUMILOS KA NA!" Mabigat niyang sinunod ang gusto ko. Nagtungo siya sa may halamanan at hinila mula doon si Antonia. Pagkapasok nila ng mansyon, hinarap ko ang binata. Nilapitan ko siya hanggang sa walang isang hakbang ang layo niya sa akin. Naglilitawan ang mga itim na ugat sa lahat ng butas sa kanyang mukha. "Nakakadiri ang tunay mong anyo. Isa kang parasitiko!" "HAHAHAHA! Dahan-dahan ka sa sinasabi mo bampira! Ako ang hari ng kadiliman—" Inilapat ko ang kamay ko sa dibdib ng binata. "Kung ikaw ang hari ng kadiliman, HINDI KA DAPAT NANDIRITO." Ipinikit ko ang mga mata ko, at pagdilat ko, nasa harapan ko na ang tunay na Erebus. Ang hitsura niya ay isang napakalaking mata na lila ang kulay at ang nagsisilbing katawan niya ay ang libu libong itim na mga ugat. Nakalutang siya at sa ibaba niya ay ang kanyang bibig na may pagkarami-raming pangil. Dumudura ang bibig na iyon ng malagkit na asido. Umabante ang mata patungo sa akin. "NAPAKAHUSAY MO PARA MATUNTON MO ANG AKING DIWA! Kahanga-hanga!" "Erebus, nais ko nang isara ang tarangkahan mo—" Habang nandito ako sa teritoryo niya, hindi ako maaaring kumurap. Sa isang iglap lang, marami na siyang maaaring gawin. Ganyan kalayo ang agwat ng oras ko at ng oras niya. Dumagundong ang lalamunan ng malaking bibig "WAHAHAHA! INUUTUSAN MO AKO?! HANGAL!" "Pakiusap. Binabalak kong isara na ang mga tarangkahan." Lalong lumakas ang kanyang tawa. "Bampira, walang makagagawa nun! PAGSISIHAN NG LAHI NINYO ANG PAGIGING GANID SA KAPANGYARIHAN!" Tama siya. Ngayong nandito ako, wala akong makitang paraan para gawin yun. Hindi ukol ang kapangyarihan ko para isara ang tarangkahan. Pero— Umatras ako hanggang sa madikit ako sa pader na mistulang napakalaking gilagid. Nabaon ako dun at tumagos ako sa kabilang bahagi. Bumalik ako sa totoong sitwasyon: nasa harap ako ng binata na bihag ni Jack. Kung hindi ko kayang maisara ang Erebus, ikukulong ko na lamang iyon sa katawan ng binatang ito para hindi makapagpalipat-lipat pa kung kani-kanino. Nakakaawa ang naging kapalaran ng binata dahil biktima lamang siya. Ngunit sana maintindihan din niya ang kanyang responsibilidad sa mundo. Hinipan kong muli ang Harmonica. Gumising ka, kung sino ka mang tunay na may-ari ng katawang iyan. Nagsisigaw siya. Kasabay nun, umurong pabalik sa kanya ang mga ugat. Pagkatapos ng aking musika, tila nahimasmasan ang binata. Lila pa rin ang kulay ng mga mata niya pero nasisiguro kong wala na siya sa kontrol ng Erebus. "Anong pangalan mo binata?" mahinahon kong tanong sa kanya. "—Kalix." tipid niyang sagot. "Kalix, dahil tinulungan kita, ako na pinuno ng mga bampira, oobligahin kitang tumanaw ng utang na loob. May ipagagawa ako sayo at wag mo sana iyong mamasamain." "A-ano iyon?" aprehensibo siya sa kung ano man ang isasagot ko. "Lumayo ka sa kabihasnan. Ngunit pilitin mong mabuhay hanggang sa dumating ang katapusan ng mundo at paghuhukom." "H-ha?" Kahel na ang kulay ng kalangitan, anumang oras ay sisikat na ang araw. "Humayo ka na bago ka sikatan ng araw. Tahakin mo ang madidilim na sulok. Sa paglalakbay mo, may mga makikilala kang kauri natin. Malalaman mo kung ano tayo." Natatakot siya na hindi mo malaman. Subalit lumakad na siyang palayo. "Halika na Jack—" Pero kanina pa wala si Jack. "ORPHEUS!" tinawag ako ni Div na nakatayo sa bukas na pintuan. Nakalahad pa ang kamay niya sa akin. Tatlong hakbang na lamang ang layo ko kay Div nang— "Orpheus, tampalasan ka.. Tapos na ang oras mo bilang master ko!" Sa isang kisapmata, nawala ang aking diwa sa realidad dahil nandito ako ngayon at kaharap ang Thanatos. Ano ang hitsura niya? Hugis tao siya pero wala siyang mukha. Ang mukha niya, nasa malaking tarangkahan sa likod ko. Bumukas iyon at naglabasan ang daan-daang itim na dila. Iginapos ako ng mga iyon. "Nakapagpaalam ka na ba sa mga mahal mo sa buhay? Ha Orpheus?" Sinipa niya ang tipak ng bubog ng nabasag niyang salamin. Hindi ko na muling mabubuo ang salaming harang kahit ano pang gawin ko. Masyado na akong mahina sa tagal ng panahon kong nabuhay. Idagdag pa roon ang inilagi ko sa loob ng diwa ng Erebus... malamang, katumbas iyon ng ilang libong taon kahit pa sasandaling panahon lang. Lumapit siya sa akin at sinalat niya ng palibot ang mukha ko gamit ang kanyang mahabang kuko. "Ang ginawa mo sa Erebus, ganun din ba ang balak mo sa akin? Huuu napakasama mo Orpheus!" "Huwag ka nang maraming sinasabi. Matiwasay akong papasok ng tarangkahan kung yan ang gusto mo. Pero—" "Pero?" "Gusto kong magpaalam sa kaibigan ko sa huling pagkakataon." Inilapit niya ang mukha niya at nagtawa. "Hohoho! Maaari! Pero bayaran mo ako!" Mautak talaga ang Thanatos kahit pa sa katapusan ng aming kontrata. Simple lang ang kontrata namin ng Thanatos. Kapag nabasag niya ang salaming harang, tapos na ang buhay ko. Muli siyang magpapakita sa susunod na henerasyon ng angkan ko upang makipagkontrata. Malas niya. Wala na ang kaisa-isa kong anak. "Anong kabayaran?" "Hiiiee.. IBIBIGAY MO SAKIN ANG MUKHA MO! Yahahaha!" Napakababaw niya. Sabagay hindi ko na kailangan ng mukha sa paglalakbay ko sa tarangkahan niya. Mabubulok din ako kalaunan. "Oo na pumapayag ako." hindi sa nagmamadali ako, pero parang ganun na nga. Hindi ako nagkaroon ng oras para magluksa sa pagkamatay ng aking mag-ina; at hindi rin ako nagkaroon ng oras para magluksa sa namatay kong pag-ibig para kay Antonia, pero siguro naman, marami akong oras para sa mga iyon kapag nasa impyerno na ako. "—Hee hee.. Kung ganun.." ibinaon ni Thanatos ang kanyang kuko sa gilid ng aking mukha. **** Div Umbra's POV: Paimportante talaga tong Orpheus na to kahit kelan! Kita mo, tatatlong hakbang na lang, naeestatwa pa! Sa banas ko, hinila ko na ang kamay niya, na agad naman niyang binawi. "ANO BA ORPHEUS?! AYAN NA ANG ARAW! MAGPAPAKAMATAY KA—-?!" Nagulat ako dahil WALA NA SIYANG MUKHA! Bungo na lamang ang nakikita at umaagos ang kanyang dugo. "ANTONIAAAA!" tinawag ko ang saserdote niya. "Baket Div?!" maging siya ay gulilat pagkakita kay Orpheus. "I-ilusyon ba yan ha?! Nagbibiro lang siya di ba?!" tanong ko kay Antonia. Umiling iling naman siya. Ayun na nga ang araw! Nagsimula nang umusok si Orpheus. Tinulak kong papasok si Antonia. Ako naman ay humakbang ng konti patalikod. "Orpheus abutin mo ang kamay ko, AWA MO NA!" Parang nakinig naman siya, inilahad niya ang umuusok niyang kamay sa akin. Yung braso ko din, umusok. Mahapdi, oo, pero wala yun. Mas naghahari sakin ang kabang nararamdaman ko. "Div Umbra, paalam— tinatanggap ko na ang katapusan ko, kaya matanggap niyo rin sana ang pagkawala ko." Hinatak ko siya. AYAW PA RIN! "Orpheus!" si Antonia gustong sumuong sa araw pero tinulak ko siya ulit paloob. "ORPHEUS, SIRAULO KA! KUNG NAGBIBIRO KA LANG, PANALO KA NA!" lintek, lumuluha na ako, paawat ka naman dre! "Hindi ako nagbibiro— Oras na. Mabilis ang oras ng Thanatos kumpara dito sa mundo. Alam mo ba, humingi ako ng anim na raang taong palugit para makapagpaalam sayo? Kaso.. Dito, katumbas lang yun ng animnapung segundo." HAYUP KA! Pinakargo mo pa talaga yan sa kunsensya ko! "ORPHEUS, WAG MO KAMING IIWAN!" nagdudrumama na rin si Antonia. "Antonia, mahal na mahal kita—" yun na marahil ang huling salita ng matalik kong kaibigan. Bumitaw ako bago tuluyang malusaw ang buto ko sa kamay. Pinanood ko ang pagliyab ng buong katawan ng dakilang prinsipeng si Orpheus. Tinangay ng mahamog na hangin ang kanyang abo. Bakit biglaan naman yata, Orpheus? **** Sister Antonia's POV: Wala na siya.. Ang bampirang pinakamamahal ko. Kaybilis ng mga pangyayari. Hindi ko matanggap— Paano na ako.. Paano na ang dinadala kong magiging anak namin? Hindi ko alam. Maghapon yata akong nakatunganga at wala sa sarili sa harap ng saradong pinto. Hindi pa tuluyang lumulubog ang araw ay binuksan ko na ang mabigat na pinto. Dumulog ako sa mga naiwang damit ni Orpheus. Niyakap ko ang mga iyon. Sa gitna ng aking pagdadalamhati, isang matalas na talim ng espada ang naipatong sa balikat ko ng kung sino. "Dahil namatay ang Prinsipe, ang lahat ng kanyang mga alipin ay kailangang sumama sa kanya sa kabilang buhay." "ANONG IBIG SABIHIN NIYAN?!" narinig ko si Div mula sa loob. "Mahal na Duke, isa po akong sugo ng konseho. Kailangang sundin ang batas. Ang lahat ng alipin ng pumanaw na prinsipe, ay papatawan ng kamatayan." Magandang ideya ang kamatayan. Subalit, kailangan kong mabuhay para sa magiging anak namin ng mahal ko. Sumilip ako ng pagkakataon. Tumayo ako at hinarap ang may hawak ng espada. Nahuli ko ang kanyang paningin. "Tumakas ka na Antonia!" utos sakin ni Div. Kaagad akong tumakbo palayo nang walang malinaw na direksyong tinatahak. **** Div Umbra's POV: "Mahal na Duke, hindi mo dapat pinatakas ang alipin—" anang isang boses ng kung sinong matanda. "Magpakita ka!" hamon ko. Lumabas naman siya at humarap sa akin. Myembro siya ng konseho ng mga bampira ayon sa kanyang kasuotan. Lumuhod siya sa akin. "Ako ang ministrong si Zandros. Isa akong dating Claymore. Ngayong wala na ang Prinsipe, magtiwala ka sakin upang ikaw na ang magmana ng kanyang iniwang trono.. O kaya'y maging hari!" Tss.. Wala akong gana sa mga ganyan. "Makakaalis ka na." "Masusunod. Pero pasasaan din at maiisip mo na kailangang mapasaiyo ang trono." "HANGAL!" sigaw ko sa kanya bago siya tuluyang naglaho. —— A/N: Idodouble up-date ko sana ito kaso... bukas na lang XD direk_whamba A/N: FLASHBACK pa rin po ito! —— Opus 40 Div Umbra's POV: Tumahimik ang mansyon pagkawala ng ministro. Nag-iisa na lamang ako ngayon dito dahil pinaalis ko si Antonia at maging ang Marquis ng Prinsipe na si Janus. Napatingin ako sa aking kamay na may bahid ng dugo. Galing ako kanina sa loob ng silid ng anak ni Orpheus at naabutan ko ang mga labi ng kanyang mag-ina. Hinawakan ko ang sanggol, umaasang maisasalba ko pa siya. Subalit wala na talagang pag-asa. Kung sino ang gumawa nito, malamang ay ang ministrong si Zandros. Maaaring nadiskubre niya o ng mga tauhan niya ang tungkol sa bata. Ang binatang nagngangalang Kalix ay walang kinalaman sa pamamaslang. Nataon lang sa mga nangyari ang kanyang pagsugod dito. Sigurado ako dahil malayo pa lang ay inaabangan ko na siya. Ano na ang gagawin ko ngayong wala ka na Orpheus? Sa pagdaan ng mga araw, wala nang nagsasabi sakin ng mga dapat at hindi dapat gawin. Kalaunan, tinanggap ko na rin ang inaalay na katapatan ng ministrong si Zandros. At sa paglipas ng panahon, tinanggap ko na rin sa buhay ko si Medea. Dumadalaw ako sa kanya kapag pakiramdam ko ay nag-iisa na lamang ako. Matagal na akong walang balita kay Antonia; hanggang sa isang araw, gumawa siya ng paraan upang magkaroon kami ng komunikasyon. Nasa isang malayong lugar siya at kasalukuyang nagtatago. Maliit at masikip ang kanyang tinitirahan; ni hindi mo masasabing bahay. Nang puntahan ko siya, kasama ko si Janus. Doon ko nalamang lihim siyang nagsilang ng isang sanggol na lalake. "—Pakiusap Div, tulungan mo ako. Kailangan ko ng proteksyon upang mabuhay ang aking anak!" Nagmakaawa sa akin noon si Antonia. Naninirahan siya sa bayan ng mga tao. Naitago niya ang kanyang pagbubuntis sa loob ng kanyang itim na habito. Ngunit ngayong iniluwal na niya ang bata, may mga nabubuo nang usap-usapan lalu na kapag may naririnig na iyak ng sanggol. Isa siyang dating madre. At madre pa rin ang tingin sa kanya ng mga tao. Ang problema niya? Wala siya ni singkong kusing para manirahan sa mas tahimik na lugar. "Gusto kong makita ang sanggol." hiling ko. Dinala niya ako sa mas maliit na kwarto. Naroroon, sa may duyan ang maliit na nilalang. Natutulog siya. Ibang iba siya kaysa sa naunang anak ni Orpheus. Hindi ko maipaliwanag ang sikdo ng puso ko habang tinitingnan ang bata. Nakikita ko sa kanya si Orpheus. "Pwede ko ba siyang buhatin?" Kumilos si Antonia at kinalong ang kanyang anak. Nagising iyon, nagulumihanan, ngunit ngumiti. Kinuha ko ang bata mula sa kanya. Mas lalo akong natuwa. "Kukunin ko siya at ituturing bilang anak." "—Kukunin mo ang anak ko? Pero Div, ang sabi ko tulungan mo lamang kaming makalayo.. Kailangan niya ako—" "Janus—" Tumango ang Marquis. Gamit ang kanyang mahabang setro, gumuhit siya ng linya sa sahig. Nag-ibang bigla ang lugar sa kabilang bahagi ng linya. Umuulan ng nyebe doon. Itinulak ko si Antonia at napunta siya sa kabilang bahagi. "DIV PAALISIN MO AKO DITO!" sigaw niya. Hindi siya makatawid ng linya dahil may harang na hindi nakikita. Pinaghahanap siya ngayon ng mga sugo ng konseho at delikado kung magsasama sila ng kanyang anak sa iisang lugar. Mas ligtas sa akin ang bata. "Isarado mo na ang lagusan Janus." Inapakan niya ang linya at winasiwas ng paa hanggang sa mawala iyon. Naglaho rin ang ibang lugar kasama si Antonia. Pagharap sa akin ni Janus, sinaksak ko siya sa puso gamit ang aking espada. "M-mahal na Duke.. B-baket—?!" nakakaawa. Namatay siya sa pagtataka. Kung nagkaroon pa siya ng konti pang oras, sasabihin ko sa kanyang hindi ako nagtitiwala sa kapwa ko maharlika. Iniuwi ko ang bata sa aking mansyon at doon siya inalagaan ng palihim. Ibinigay ko sa kanya ang pangalan at edad ng kanyang nakatatandang kapatid. "Masyadong mahaba ang pangalan mo. Iisip ako ng magandang itawag sayo.." Nakatunghay ako sa kanyang kuna at pinapanood ko siya habang nag-iisip. "Hio.. Gusto mo ba ang ngalang yun?" pinagsama-sama ko lang ang tatlong simulang letra ng kanyang pangalan. Walang tunog na tawa ang isinagot niya sakin. Hinawakan ko ang kanyang ulo. "Ikaw si Hio." Nang tumuntong si Hio ng edad apat, binalak kong gawin siyang isang bampira dahil gusto ko ay habambuhay siyang ganun kaliit. Subalit nabigo ako. Nananatili ang kanyang pagiging tao. Patuloy siyang lumaki hanggang sa ang tawag niyang 'ama' sa akin ay napalitan ng 'kuya'. Matalinong bata si Hio at ang lahat ng kanyang aralin na inaral ko noon ay itinuturo sa kanya ng kanyang guro sa wikang italyano at latin pa. Masaya ako sa aming pamilya ngunit wala akong malinaw na plano para sa kanyang kinabukasan. Hindi siya maaaring manatili sa poder ko dahil isa siyang tao. Kailangang pakawalan ko siya at hayaan siyang mamuhay sa piling ng kapwa niya tao. Ngunit hindi ganun kasimple yun. Wala siyang pamilya at marami ang magtatangka sa buhay niya kapag nalamang anak siya ni Antonia, na itinuturing ngayong isang takas na alipin. Palihim akong nakipagkita kay Katerina, na isang myembro ng konseho. Siya ang ikalawang mataas na ministro sunod sa punong ministro. Ang mga desisyong ginagawa niya ay laging patas sa magkabilang panig. Humingi ako ng kanyang tulong. Sinabi kong mayroong naiwang anak si Orpheus at ang Kondesa ngunit iyon ay tao. "—Maaari mong gawing tunay na bampira ang damphir na dominanteng tao, kung ipaiinom sa kanya ang dugo ng bampira niyang magulang. Ngunit matagal nang patay ang kanyang ama kaya wala nang pag-asa ang kasong iyan." Saglit akong nag-isip. Naalala ko ang napakinggan kong huling pag-uusap ng Prinsipe at ni Antonia. "Ministro, may iniingatan ang kanyang aliping si Antonia na dugo ng Prinsipe—" Ngumiti ang matandang babae. "Dahil diyan, malaki ang tsansang maisusulong ko ang pagtanggap ng lahing bampira sa anak ng Prinsipe, at ikaw ang magpapatibay nun." "Ako? Paano?" nagugulumihanan kong tanong. "Pakasalan mo na ang Prinsesa. Tutulungan kitang maging Hari. Pagkatapos, italaga mo ang bata bilang Prinsipe—" May kakaiba kay Katerina dahil lahat ng gusto niyang mangyari, kahit gaano pa kaimposible, ay nagiging posible. Isang gabi bago ang kasal ko kay Medea, nagkaroong ng enggrandeng piging. Isinama ko si Hio upang makilala siya ng lahat. "—Masyadong pakipot si Lord Div. Akalain mong pinaghintay ng sampung taon ang prinsesa bago siya pumayag na magpakasal sila? Ibang klase." narinig ko yun nang madaanan ko ang grupo ng mga Dukeng elemental. Isang Dukesa ang nagsalita ngunit hindi ko kilala kung sino. "—Anong pakialam mo Lady Mionette?! Mabuti na yun kesa walang magpakasal na lalake sa Prinsesa." may sumagot sa kanya na isa ring dukesa marahil. Maliit na babae ang dukesa na yun, mukha siyang manika. Napahanga niya ako kahit wala siyang ginagawang kung anuman. "NAGPAPAHAGING KA BA LADY PATRICIA—?!" Mukhang mag-aaway pa yata sila. Kinalimutan ko ang Dukesa at pumasok ako sa isang silid na walang tao. Mula sa aking anino, humugot ako ng itim na roba. Isinuot ko yun pati ang pandong na tumatakip sa kalahati ng aking mukha. Lumusot ako sa aking anino at lumabas sa mga anino ng mga halaman sa ilalim ng napakalaking veranda. Nakakatamad sa loob. Naisip kong magpahangin saglit. Masyadong madali ang mga nangyayari; pakiramdam ko ay may hindi tama sa mga ito. "HOY IKAW! TUMABI KA DIYAN!" napatingala ako. May babaeng parang tatalon mula sa balkonahe. Yun ang dukesa na mukhang manika. "Eh di tumalon ka. Problema mo?" "Grr. NAKAHARANG KA SA TATALUNAN KOO!" sa tingin ko mainitin ang kanyang ulo. At nakakainis ang kanyang pagmamando sakin. "Binibini, ang dami daming pwesto para talunan mo hindi ba? Wag kang nang-iistorbo ng iba pwede ba?" Tumalikod ako sa balkonahe at humarap sa mga halaman— Bigla akong lumagapak sa damuhan at ang bigat ng likuran ko. DINAGANAN AKO NG MAKULIT NA BABAE! "Aray! Umalis ka nga diyan sa likuran ko?!" utos ko sa kanya. Mabuti't agad niya akong sinunod kundi malalagot siya sakin. Aba, pumapatol ako sa mga pasaway na babae ano? "Sino ka ba? Bakit ka nakasuot ng ganyan? Myembro ka ng kulto? Paano ka nakapasok dito?" pinaulanan niya ako ng sangkaterbang tanong. Napagmasdan ko siya mula sa liwanag sa balkonahe at sa sinag ng buwan; mas maganda ang babaeng ito sa malapitan. May nararamdaman ako para sa kanya na kakaiba. Ewan. Tumugon ako sa kanyang mga tanong "Isa akong paniki kaya itinatago ko ang aking anyo." posibleng maniwala siya dahil ganito manamit ang mga bampirang mensahero. "Ah ganun ba? Kung ganun pwede mo bang ipagkalat na ANG PANGET NI DUKESA MIONETTE?!" yun ata ang nakaaway niyang Dukesa kanina. Mga babae talaga. "—Hay! Alam mo ba paniki? Dahil ako ang pinakabatang myembro ng grupo, AKO ANG MAY KASALANAN AT AKO ANG PASIMUNO NG GULO?! Pinaluhod nila ako sa harap ng daan daang mga maharlikang bampira para lang humingi ng tawad sa gaga na yun?! Pati tuloy mga Baronesa pinagtatawanan ako! AYOKO NA! Simula sa gabing ito, HINDI NA AKO DUKESA! Mas maigi pang maging Knight na lamang ako—" "Knight? Maaaring maging knight ang isang maharlika?" Inirapan niya ako. "—Paniki ka ba talaga?! Syempre pwede! Pero dapat mong maipasa ang mga pagsubok nila. Dahil may kapangyarihan ako, mas malaki ang tsansa na maging Lord Knight ako. Kapag naging Lord Knight ako, magiging malaya ako sa lahat ng bagay at may lisensya akong pumatay ng mga maharlika. Isinusumpa ko, UUNAHIN KO ANG PANGET NA YUN— Sige na! Aalis na ako." Walang lingon-likod niyang tinakbo ang damuhan palayo sa akin. Knight? Masaya ba yun? Teka nasaan na nga ba si Galahad? Bumalik ako sa loob at isinama ko si Hio. Hinanap namin si Galahad. Niyugyog ni Hio ang balikat ko. "—Kuya, kuya, sino po si Penumbra? Narinig ko kasing binanggit mo siya kanina kay ate Medea—" May kakaiba dito. "PENUMBRA!" Lumitaw si Penumbra sa anino ni Hio. Tinakpan niya ang mga mata ng bata at nawalan iyon ng malay. "Iuwi mo na si Hio." "Sige." ani Penumbra. Gumalaw lang ako sa kinatatayuan ko nang tuluyan na silang lumubog sa anino. "GALAHAD?" sinambit kong muli ang pangalan ng aking knight. Pagliko ko sa dulo ng pasilyo, nandun siya. Puti na ang kulay ng bola ng kanyang mga mata. Nasa likuran niya ang isang Duke na may gawa sa kanya niyon. —— Till next time again >_< Marami po pala akong inedit sa mga ibang chapters.. yung mga cntradicting…pero konti lang.. direk_whamba Opus 41 Div Umbra's POV: "Magandang gabi Lord Div Umbra. Ang pangalan ko ay Ganymede. Gaya mo, isa rin akong Duke." Ang dukeng nasa likuran ni Galahad ay hindi mo masasabing isang maginoo. May pagkarebelde ang kanyang datingan. Marami siyang hikaw sa tenga, at mayroon ding isa sa kanyang kilay. Ang buhok niya ay kulay mais ngunit may mga bahaging kulay pula. Umabante si Galahad, animo'y nakahandang umatake gamit ang kanyang matatalim na kuko at pangil. Sa hitsura niya, mukhang wala na siya sa tamang pag-iisip. "Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa aking Knight." galit kong banta sa duke. "Ang Duke, ipaghihiganti ang Knight? Nagpapatawa ka! Mga kasangkapan lamang sila. Wala silang mabuting dulot kundi ang salagin ang unang atake laban sa kanilang amo." Nag-init ang ulo ko sa mga sinabi niya. Napakawalang kwenta talaga ng mga maharlika. Hinantay kong umatake si Galahad. Paglapit niya sakin, natigilan siya. "Walang sinuman ang nakakadikit sa akin nang hindi ko pinahihintulutan—" Ang pinakamalakas kong depensa at opensa ay hindi si Penumbra kundi ang sarili kong anino. Kapag ang anino ng isang kalaban ay sumalo sa aking anino, magagawa ko na ang lahat ng gusto ko sa kanya. Maaari ko siyang pakilusin sa gusto ko, o kaya naman wasakin na ng tuluyan ang kanyang katawan. Ngunit dahil pinahahalagahan ko si Galahad, inilubog ko siya sa ilalim ng anino. Babagsak siya sa madilim na imbakan ng alak doon sa aking mansyon. Nakakandado yun kaya may katagalan bago siya makakawala. "Napakahusay Lord Div—" "—Tumahimik ka mababang uri ng nilalang. Ang kapangyarihan mo ay gumagana lamang kung direktang titingin sa mga mata mo tama ba? Ang gagawin ko lang ay tumingin sa sahig—" binunot ko ang espada ko na nanggaling sa aking anino. "HAH! Makakaya mo bang umatake nang nakatingin lamang sa sahig?!" Ugok. Wag mong mamaliitin ang isang dating barbaro. Di hamak na mas matalas ang aming pandama at mas bihasa kami sa pisikal na pakikipaglaban. "TELESTO!" humiyaw si Ganymede. Tinawag niya siguro ang kanyang Knight. Duwag. Isang pares nga ng paa ang nakita kong dumating. Tsk. Walang sisihan. Kayo ang nauna. Tumalon ako at winasak ang malaking kandelabra sa itaas namin. Bumagsak yun at nagsipag-iwasan sila. Pumanglaw at kumalat ang dilim. Pinalawak ko ang aking anino, kumabit iyon sa iba pang nagkalat na anino sa aming paligid hanggang sa nabuo ang isang mapakalaking itim na lawa. Umahon ang pagkarami-raming patalim. "Ginalit niyo ako kaya kamatayan ang para inyo!" "AAAARGGHH!" pumalahaw sa sakit ang duke at ang kanyang Knight dahil sa mga sibat na tumuhog sa kanilang katawan. Hindi nasasaktan ng ordinaryong sandata ang mga bampira; pwera na lamang kung napaliguan ito ng lason na nanggaling sa impyerno. Ngayon, hihilahin na sila pababa sa kanilang huling hantungan. "ITIGIL MO YAN LORD DIV!" may sumigaw galing sa likuran ko. Nilingon ko ang pangahas. "At sino ka para makialam sakin?!" Yumuko siya. "Hyperion, ang inyong abang lingkod. Ako ang pinuno ng alyansang House of Elemental Dukes." Isa na namang mayabang na duke. Elemental?! Ano ang kanyang elemento? Lupa? Tubig? Hangin? Metal? A—- Naglagablab ang kisame pero hindi gumagapang ang apoy. Nagliwanag muli sa pasilyo. Dahil dun, humina ang epekto ng aking lawa ng patalim. Nakagagawa ng liwanag ang apoy para itaboy ang mga anino. Nag-iisip din pala siya kahit papaano. Hindi siya nakuntento sa kisameng apoy. Sinilaban din niya ang mga pader— "—WAAH! Lord Hyperion! Pati ba ako ay balak mong sunugin?!" Gumawa si Hyperion ng mga bolang apoy na lumulutang sa aming paligid. "Pasensya na Lord Ganymede, inaalis ko lang ang lahat ng aninong posible niyang magamit laban sa atin." Nakakatawa. Pero naiinis ako. Hindi ko nga talaga magamit ang kapangyarihan ko dahil walang anino! May mga anino sa labas maging sa iba pang parte ng mansyong ito. Subalit kung manlalaban ako, baka hindi ko malaman ang dahilan kung bakit ako pinagtutulungan ng mga duke. Kung gusto akong patayin ni Hyperion, bakit hindi siya umaatake? "Bakit ninyo ito ginagawa sa akin?" tanong ko. "Ipinaaaresto ka ng mga ministro." Ah talaga? Sinasabi ko na nga ba at may kabig ang Katerina na yun. "Sige, sasama ako ng matiwasay—" Sa palasyo ng trono nila ako dinala, pero sa pinakamataas na palapag. Doon ginanap ang pagtatanong sakin. Pabilog ang hugis ng silid. Nakatayo ako sa gitna habang nakapalibot sa akin ang sampung pedestal na tinutuntungan ng sampung ministro. Kahit pa kaya kong manlaban at tumakas, hindi ko ginawa. Para ito sa kinabukasan ni Hio. At para din sa sarili ko. "—Mahal na Duke, kaya mo ba isinusulong ang pagtanggap sa anak ng Prinsipe ay upang mailuklok ka bilang aming Hari?" Pulitika nga naman.. Ako pa ang binaligtad. Sinong gustong maging Hari? Ako? Mukha niyo! "Hindi ako interesadong maging Hari. Ang gusto ko lang ay ang kaligtasan ng anak ng kamahalan." Tumikhim si Katerina. "Punong ministro, hindi ba nakapagdesisyon na tayo? Hindi na kailangan pang tanungin ang Duke dahil puro kasinungalingan lamang ang sasabihin niya—" "ANONG KASINUNGALINGAN?!" sigaw ko. "Palibhasa nanggaling ka sa angkan ng mga barbaro kaya't wala kang naiintindihan. Ang posisyon ng Hari ay para lamang sa mga dakilang lahi ng maharlikang bampira at hindi iyon maaaring bahiran ng maruming lahi. Wala kang karapatan ni pangarapin ang titulong yun. Mas gugustuhin pa ng konseho na patawarin ang anak ng kamahalan sa kanyang pagiging damphir at siya ang iluklok sa trono." Tinitigan ko ng masama si Katerina. "Ah ganun? Kasalanan ang pagiging damphir?!" Doon pumasok ang magaling na si Zandros. "Wag ka namang masakit magsalita Katerina. Hindi kasalanan ang pagiging damphir kundi isa iyong PAGKAKAMALI. Isang genetikong pagkakamali dahil ang prinsipe at ang kondesa ay mga purong bampira." hah! Ipinagtanggol niya ang Kondesa! Kapag nalaman nilang dati iyong tao na naging alipin, malalagot siya. "Buweno. Ibababa na namin ang hatol sa ginawa mong pagtatago sa anak ng kamahalan at paggamit sa kanya at sa Prinsesa upang maitaas sa pagiging Hari" Umubo muna ang isa pang ministro bago nito binuksan ang hawak na kalatas at saka binasa ang nakasulat. "—ITO ANG PINAL NA DESISYON NG KONSEHO. Inaalis sa pagiging Duke si Div Umbra Claymore. Ngunit bibigyan siya ng layang magdesisyon kung magsisilbi sa monarkiya o babalik sa pagiging barbaro; ANG HATOL NAMAN SA ANAK NG KAMAHALAN: Iniluluklok bilang ikalabing-apat na prinsipe si Henna Iryl Orpheus Darktower habang wala pang napipiling mas karapat-dapat. Ipag-uutos na pag-igtingin ang paghahanap kay Antonia upang mabawi ang dugo ng kamahalan. Sa loob ng sampung taon at hindi naging bampira si Henna Iryl, o wala siyang kakayahang maging Prinsipe, siya ay papatawan ng kamatayan." Ang dami ng nilang sinabi, bandang huli, nagdesisyon akong pumasok sa guild ng mga Knight. Inaprubahan ako bilang isang pawn, ang pinakamababang Knight. Bago magbukang liwayway, nakabalik na ako sa aking mansyon, pagsapit uli ng gabi, lalakad ako kasama si Hio at ilalagak ko siya sa isang bahay-ampunan dahil yun ang kagustuhan ng mga ministro. "Hio, hindi naman masama ang nangyari. Sa tingin ko nga, nakabuti ang lahat para sakin. Hindi ko lang alam kung ganun din ba ang magiging tingin mo." hinaplos ko ang buhok ng bata habang payapa siyang natutulog. Tahimik akong lumabas ng silid niya. Sa pasilyo nagpakita sa akin si Zandros. "Panginoon, maigi pang tapusin na ang buhay ng batang iyan. Hindi ba siya ang anak ni—" "Ah? Tapusin ba kamo? Gaya ng ginawa mo sa anak ng Kondesa?" inilabas ko na agad ang aking espada. Nakahanda akong pagulungin sa sahig ang ulo ng ministrong ito sakaling hindi ko magustuhan ang mga susunod niyang sasabihin. "Hkk.. Bakit ba patuloy mo pang pinoprotektahan ang batang yun?! Kita mo ang nangyari sayo! Abot kamay mo na sana ang pagiging hari—!" Ipinatong ko sa kanyang balikat ang dulo ng espada. "BAKIT NGA BA? Hindi ko alam. Pero wag mo akong pakikialaman. AT ISA PA, hindi ko kailangang maging Hari ng mga bampira kung matagal na akong Hari ng impyerno—" "Panginoon, bakit ganyan ka mag-isip? Hindi lahat ng nabubuhay na nilalang ay nakikita o napupuntahan ang impyernong sinasabi ninyo!" Umismid ako. "Gusto mo bang makita ang lugar na yun Zandros?" Gumapang patungo sa kanya ang mga anino. "—H-hindi! Salamat na lang!" kitang kita ko ang takot sa kanyang mga mata. Inialis ko na ang talim ng espada sa kanyang balikat. Baka sa susunod, mapakinabangan ko pa siya. "Mabuting desisyon. Makakaalis ka na. Marami pa akong gagawin." Pagkaalis niya, wala naman akong ginawa kundi ang maupo buong maghapon sa may sala. Hindi na ako makatulog sa dami ng iniisip ko. Sa oras na sumapit na ang gabi, hudyat na yung ng pagsisimula ng bagong buhay para sa aming dalawa ng batang si Hio. Paggising niya, pinag-empake ko siya. Sinabi kong dalhin lamang niya ang mga paborito niyang damit at ang mga paborito niyang babasahin. "Kuya, saan ba tayo pupunta?!" masaya siya dahil makakalabas na naman siya ng mansyon. Akala niya siguro ay magbabakasyon lamang kami. "Basta—" ngumiti ako. Napawi yun nang makita ko ang isang aklat na ipinapasok niya sa loob ng maleta. Divina Comedia. "Hio? Dadalhin mo iyan?" Tumango siya. "Alam mo kasi Kuya, parang isang mapa ang mga nakasulat dito. Madalas akong nakakapanaginip ng mga lugar na kagaya sa libro, at madalas akong maligaw dun. Dahil sa librong ito, natutukoy ko ang mga tamang direksyon sa aking panaginip—" Pinabayaan kong isilid niya sa maleta ang aklat. Yumakap ako sa kanya pero pinagalitan ko siya. "Hio, kaya ka nagkakaroon ng mga ganung panaginip ay dahil iyon ang gusto mong mapanaginipan. Bago ka matulog, payapain mo ang iyong isipan at lagi kang magdasal. MALIWANAG?" "Opo kuya." Iyon na ang pinakahuling beses ko siyang napangaralan. Saktong palubog ang araw nang makarating kami sa isang bahay-ampunan. Iniwan ko na siya sa piling ng mga madre. Kahit pa sinabi kong babalik ako, hindi ko na yun matutupad. E N D * O F * F L A S H B A C K —— Meow tapos na po ang flashback ^____^ wala na po akong flashback pramis. direk_whamba A/N: Naglagay ako ng mga Doll casts ^___^ kung andito ka na... browse backwards para makita mo yung iba... source—-> www.dreamofdoll.com —— Opus 42 Hio's POV: Dapat ba akong maniwala sa mga kinukwento ng madreng nakasalampak sa harap ko? Ilang beses niya akong tinakot tapos.. NANAY KO PALA SIYA?! Tatawagin ko ba siyang— "Ina.." Tumingala sa sakin kaya alam kong narinig niya. Isang napakatamis na ngiti ang isinukli niya. Putrages, yan talagang bibig mo Hio! Tumayo siya at ipinatong ang palad niya s ulo ko. "Gusto ko nang umuwi samin. Tamang tama, hapon na." namimiss ko na si Kapeee! Nagkakawithdrawal syndrome ako pag di ko siya nakokonyatan. "Hindi maaari anak. Dito ka lang sakin—" Tsk.. Hinawi ko ang braso niya at tumayo ako. "Malaki na ako. Sanay na akong mabuhay mag-isa. Nakakailang naman kasi kung magsasama pa tayo ngayon. Mapagkamalan pa tayong magsyota." It's too late ina.. "Nakalimutan mo? Isa ka nang tunay na bampira. Hindi ka na pwedeng makisalamuha sa mga tao!" Brrr.. Kaya ayoko sa mga nanay eh! Marunong pa sa anak! SHEESH. At ano ang narinig ko? BAMPIRA NA AKO?! Sinimangutan ko siya. "BAKIT KA NAGDESISYON PARA SAKIN?! Alam mo ba ang gusto ko?!" Badtrip ako! Sinabunutan ko na lang ang sarili ko dahil walang mapagbuntunan ng galit. Wala si Kape eh. XD! Tinangka ni ina na hawakan ako pero agad akong lumayo. "Hindi mo naiintindihan anak, ginagawa ko ang lahat para ilayo ka sa kapahamakan!" "Sorry. Magkaiba tayo ng logic. Mas lalo kang lalayo, mas lalo kang lalapitan ng gulo. Nakahanda akong humarap sa kahit ano." Iniwan ko siya. Binuksan ko ang pinto— LANGYA! UMUULAN NG SNOW MGA PRE! Kaya kinusot kusot ko ang mga mata ko. Pagmulat ko, umuulan TALAGA ng snow. Nagtatakbo ako palabas at sinalo ang nagbabagsakang nyebe. "LOL May snow sa PINAS!" di pa ako nakuntento, nagpagulong gulong pa ako. Dang sayaaa! After ten minutes, ayun nilamig ako. Grrrrrrrr... Bampira na DAW ako di ba?! Expected ko immune na ako sa mga ganito. "Haha! Nilalamig ka na." nasa harap ko na lang bigla si Noir. Nakacoat siya. Inalis niya ang striped na scarf sa kanyang leeg at ibinalabal sakin. Inalalayan din niya ako para makatayo. Tae nakita ba niya akong naglalaro kanina?! Sipain sana ako ng kabayoo! IT'S SO EFFIN NAKAKAHIYA! "Bakit ka nandito?" tanong ko sa eks ko. Tae nagbreak ba kami? "Kasi kaibigan ko si Sister Antonia." Lumabi ako. "Hooh paano kayo nagkakilala?" "Pag-aari ko ang mansyong ito. Minsan noong nagkataong nandito ako para magbakasyon, nakita ko siya sa tapat ng gate, nilalamig at parang naliligaw—" tak.tak.tak.tak. Nag-chatter na ang mga ngipin ko. Sagad na ako sa sobrang lamig. "Halika, bumalik tayo sa loob para mainitan ka." ani Noir. "E-extreme c-c-clim-ate ch-ange na i-ito. E-end of t-the world na b-ba?" Ngumiti siya. Yung me laman. "Hindi pa naman Hio. Wag kang mag-alala. Wala tayo sa Pilipinas. Northern Japan to." HWE?! Paano kami nakapunta dito?! "—Mayroon akong kaibigang Marquis kaya hindi mahirap isiping nandito tayo." dugtong pa niya. "E-eh bakit a-ako g-gini-ginaw? Di b-ba ang mga bam-pi-ra ay manhid?" "Ah! Ang klima dito ay pinag-ibayo ng isang bampira. Pinoprotektahan niya ang lugar na ito kaya may epekto ang lamig dito sa mga bampira." "S-sino?" Pumalakpak si Noir. Dalawang beses. Biglang nagconcentrate ang hangin sa harap namin, na naging buhawi. Itinatalsik nun ang mga nyebeng naiipon sa may gitna nito. Putcha lalo akong nilamig! Nang mawala ang buhawi, siya namang pakita ng isang babaeng singkit, may bangs, hanggang paa ang itim na buhok, at nakaputing yukata na SINADYA YATANG in-offshoulder para makita ang kanyang cleavage. Labas din ang isa sa kanyang magandang legs. Isa na namang Diyosa to. "Siya si Yukihime. Elemental din siya kung tutuusin, pero tumanggi siyang maging isang Dukesa. Kaya, parang.. Barbaro siya." Ano nga yung sinasabi ni Noir? Can't concentrate. Natutunaw ako sa mga titig ni Yukihime. Kakaiba yung mga mata niya parang matubig, yun bang maiiyak na hindi? Lumapit siya sa akin, sobrang lapit at nauubos na ang katinuan ko. "Goshujin-sama.." iba ang lengguwahe niya pero himalang naiintindihan ko siya. It must be a Vamp power! Siniko ako ni Noir. "Inumin mo ang dugo niya." There's this TANGA LOOK on my face. Hindi na nakuntento si Noir sa paniniko, inalog alog pa niya ako. "—Gusto ka niyang maging master! Bilisan mo baka magbago pa ang isip niya! Hindi siya nagpapaalipin kahit kanino—" —Pwera sa pogi. Noir naman eh! Magugulpi ako ni Shall nento! Wag ka, hinawakan ko ang magkabilang balikat ni Yukihime! Naramdaman kong humahaba ang mga pangil ko. This is it.. First bite! Krunchhhh.. "Ahh.. Ah.." syet wag kang umuungol ng ganyaan! Awa mo na! Masarap siya. Pero mas masarap yung nainom ko kanina. Yun ata ang pinagkaiba ng dugo ng tao at dugo ng bampira. Lumayo kaagad ako kay Yukihime. Mahirap na uy! Pinahid niya yung bakas ng dugo sa labi ko ng kamay niya, tapos dinilaan niya yun— AYAWAN NA. Dire-diretso ako pabalik sa loob ng mansyon. Lord wag niyo naman akong bigyan ng maraming tukso. HINDI KO KAYA EH. One at a time lang. Natuwa ang nanay ko pagkakita sakin na bumalik. "Giniginaw ka.. Halika, dun ka sa tapat ng tsimineya." **** Shall's POV: Nakapako ang aking mga mata sa napakalaking stained glass ilang metro ang layo mula sa kinatatayuan ko. Ang dominanteng disenyo niyon ay ang napakalaking krus na nasa gitna. Nasa aking tabi ang Paladin. Magara ang suot niyang itim na tuxedo ngayong gabi, kapares ng suot kong puting bestida na napakahaba ng laylayan sa likuran. Humakbang siya. Humakbang din ako. Ang bawat paghakbang niya ay ganun din ako. Pinipilit ko mang manlaban, wala akong magawa. Hindi ko maigalaw nang malaya ang sarili kong katawan. May sinusunod ito na sa kasamaang palad ay hindi ako. Papalapit kami nang papalapit sa may altar kung nasaan ang ministrong nagdadaos ng ganitong seremonya para sa mga bampira. Talaga bang ito ang dapat mangyari?! Paano na ako? Paano na kami ni Hio? Ayoko.. Saglit akong natigilan. Nakaya kong humakbang ng isa paatras. Pero hanggang dun lang. Muli akong sumailalim sa kontrol ng Paladin. "Kahit manlaban ka, hindi ka pa rin makakawala nang buo" Naniniwala akong may paraan pa. Kailangan kong mag-isip! Hindi ako makakapayag na ang isang gaya lamang niya ang magtatakda ng kinabukasan ko! "Nandirito kayo ngayon upang mag-isang dibdib. Tatandaan ninyo sana na sa oras ng inyong pag-iisa, kamatayan lang ang makapagpapawalang bisa sa ritwal." anang ministro. Hindi! Humarap sa akin ang Paladin kaya't humarap din ako sa kanya. Mayroong lumapit saming utusan. Dala niya ang dalawang maliit na punyal. Kinuha ng Paladin ang isa. Kinuha ko ang isa. Ipinatong ng Paladin ang patalim sa kanyang kabilang palad. Isinara iyon, o pwede ring sabihing hinawakan niya ang talim. Pagkatapos ay hinila ang patalim nang mabilis, palayo sa nakasaradong palad. Ganun din ang nagawa ko. Bumulwak ang aming dugo. Kasabay nun, lumapit sa amin ang ministro. Hawak niya ang isang chalice. Inilahad niya yun sa pagitan ko at ng Paladin. Itinapat ng Paladin ang kanyang duguang palad sa chalice at ang palad ko ay ganun din. Naglapat ang aming mga palad at ang dugo namin ay nagsamang pumatak sa chalice. Ganun pa rin ang aming posisyon pero inialis na ng ministro ang chalice. Ipinainom niya ang laman nun sa Paladin. Sunod sa akin. "Binabasbasan ko kayo bilang ganap na mag-asawa sa oras na ito." pagkasabi ng ministro nun, agad itong umalis at iniwan kami. Gumaan na ang pakiramdam ko. Parang wala nang kumokontrol sa mga kilos ko. Sa akin na uli ang katawan ko. Nawalan ako ng panimbang dahil sa panlulumo. Napaupo ako. Tiningnan ko ang palad ko. Naghilom na ang sugat pero may naiwang isang marka. Fleur de lis. Isang simbolo na ang akala ko ay si Hio ang makapagbibigay sa akin. "Halika na—" sapilitan akong itinayo ng Paladin. Nanlaban ako. "HINDI AKO SASAMA SA'YO! BABALIK AKO SA KANYA!" "Pahihirapan mo lang ang iyong sarili. Habang nabubuhay ako, hinding hindi ka na niya mahahawakan." "WALANGYA KA!" sa galit ko, nagbago ang anyo ng hawak kong patalim. Humaba yun at naging isang espada. Wala akong pag-aalinlangang itarak iyon ka kanyang puso. Ngunit hindi ko magawa. Mayroong pwersang pumipigil sakin. "Hindi mo maaaring paslangin ang iyong kabiyak, nakalimutan mo na kaagad?" Galit ako sa kanya. Wala siyang kasing sama! Ibinaligtad ko ang talim ng espada. Itinutok ko yun sa sarili kong dibdib. "Sigurado kang gusto mo nang mamatay?" tuya niya. "Sinira mo ang buhay ko. Bakit ko pa—" "Inuutusan kita, hindi ka maaaring magpakamatay!" Nabitawan ko ng kusa ang espada. Oo alam ko. Kailangang sumunod ng mga babae sa lahat ng iuutos ng kanilang kabiyak. Teka— unti unti akong lumulubog! "Aalis ako at mahaba ang aking lalakbayin. Magpakabait ka habang wala ako." yumuko siya para halikan ako sa aking mga labi. ANG WALANGYAAA! "Aaaahh!" bigla akong nahulog sa kung saan. Tapos bumagsak ako sa ibabaw ng malambot na kama. Nandito ako sa silid kung saan ako dinala ng Paladin kagabi. At saan naman kaya pupunta ang magaling na lalaking yun?! Tinungo ko ang pinto. Bukas yun. Wala naman akong natatandaang may sinabi siyang wag akong aalis dito. Kaya umalis nga ako. —— direk_whamba Opus 43 Hio's POV: First time kong maexperience ang kapangyarihan ng isang Marquis. Ewan ko sa nanay ko, biglang nagbago ang isip niya. Pasado alauna ng madaling araw nang payagan na niya akong bumalik ng apartment ko. Niyakap niya ako at ang sabi niya: "Mahal na mahal kita anak." Na-moved ako. Isa akong love child pero hindi ko naramdaman ang mga magulang ko. Biktima kami ng tadhana. Siguro dapat may magbago sa sistema, para sa mga susunod na henerasyon, wala nang bata ang magugutom, este wala nang bata ang lalaking walang magulang! Okey back to the ball game. Ipinakilala ako ni Noir sa kaibigan niyang Marquis. CHIX YUN.. pag laki. Dalagita pa kasi, mga nasa edad trese ganyan. Ang pangalan ay Minerva. Bangis nitong si Noir andaming kilalang chix. Maharlika ang mga Marquis pero libre silang kaibiganin. Friends with benefits ika nga. Dapat tutugunan mo rin ang mga naitutulong nila sayo; sa ibang bagay, depende kung ano ba ang hiling nila. Sa may hardin kami nag-umpukan; ako, si Noir, si Minerva, at si Yukihime; Yuki for short. Isasama ko si Yuki dahil siya ay alipin ko na. Hoho.. luluwa mga mata ni Kape pag nakita niya to— ah hinde.. LULUHA YUN NG DUGO! Wahahaha! —At para maiwasan yun, inobliga kong magsuot si Yuki ng maid uniform. Astig parang nagtake home lang ako ng maid sa maid café. Tama na nga ang kwento.. Pinanood ko ang ginagawa ni Minerva. May hawak siyang mahaba at payat na sanga ng puno. Gamit yun, gumuhit siya ng tuwid na linyang isang yarda ang haba sa lupang natabunan ng makapal na nyebe. Umilaw ang linya, pagkatapos ay nag-iba ang lugar sa kabila nun— "—Ito ang kapangyarihang pagdugtungin ang dalawang magkalayong lugar. Isa itong technique na matututunan lang kapag ganap ka nang Marquis." ani Minerva. Ahh.. Ang galing. Lumingon sa akin si Noir. "May mga independent guilds o samahan na pwedeng salihan ang isang noble. Kapag kabilang ka sa isang 'house', may pribilehiyo kang mag-aral para sanayin ang iyong kapangyarihan." "Kabilang ako sa House of Sacred Way. Isang guild ng mga Marquis." dagdag ni Minerva. Ilang saglit pa, nagkaroon ng linaw ang lugar sa kabilang linya. Street namin yun. Medyo may kadiliman at walang tao. "Ang gagawin mo lang ay tawirin ang linya. Voila! Nandun ka na sa lugar mo nang wala pang dalawang segundo!" tila proud tong si Minerva. Dahil excited akong masyado, nagpatiuna ako. Humakbang ako sa linya. Wala akong naramdamang ekek; feels like lumabas ka lang ng pinto. Nang makahakbang na kaming lahat sa linya, inapak apakan yun ni Minerva hanggang sa mawala. Awtomatikong nawala pati yung winter wonderland sa kabilang side. Nasa tapat kami ng apartment ko. Tiningala ko ang second floor. Bukas ang ilaw sa salas dahil illuminated ang bintanang katabi ng pinto. "Bahay mo ba yang tinitingnan mo?" ang tanong ni Minerva. Alam niyo, nakakahalata na ako sa kanya. May pagkamadaldal siya nuh? "Oo. Pero may kasama akong nakatira diyan kaya bukas ang ilaw. Nanonood siguro yun ng TV. Gusto mo bang pumasok?" naka-cross fingers ako. Eh paano pag may winawaka-waka pala si Kape?! "SIGE SIGE!" aba'y excited! Nauna pa siya sa may-ari! Tinalon niya ang second floor at kumatok! Pinalo palo ko ang noo ko. Tsk tanga tangaaa! Nagulat ako dahil bumukas kaagad ang pinto. NA HINDI PA NANGYARI SA KASAYSAYAN NG PAGIGING MAGHOUSEMATE NAMIN NI KAPE! This is epic! **** Kape's POV: Deto ko natambay sa sala namen. Bokas an TV piro de ako nanonood. Esang araw nang nawawala se pareng Heyo at se mayora Shall. Hain na ba hiraa?! Naesep ko, de na ako sanay na wala sela dito ha amung balay. Hende ako makaturog sa aking kwarto. Para baga akong gintakot sa molto kehet matanda na ko. Tok! Tok! Uy mey komatok! Tenalon ko ang sofa. Napated man ako! Lagpak baya ako sa saheg. Piro uki lang— Benoksan ko agad ang pento dahel mumurahen na naman ako ne Dong. Pag-awang ng pento— Esang cheks ang naketa ko. Yawa. Pagkaganda ganda neya! "Sino ka?" tenatanong neya ko. De ba dapat ako magtanong kong seno seya?! "Kape na lang etawag mo sa aken." "KAPE?! Heheheh.." bumongesnges se cheks. Lomabas ang kanyang dempols. "Ekaw ano pangalan mo?" dale na sabehen mo na. "Minerva von Hairenn." tawa tawa pa ren seya. Menerva ano?! Henawakan neya ang kamay ko. Mey balak ata seyang kagaten yon piro— **** Minerva's POV: "HUWAG MINERVA!" psh.. Kumochorus pa ang Prinsipe at ang Baron. Halfway na sila sa pag-akyat ng hagdan nun; pero nagdouble time sila nang makitang kakagatin ko ang taong kape. Eh seryoso, sinabi niyang kape siya di ba? Hindi ko na kinagat ang taong kape pero mahigpit kong hinawakan ang kamay niya. "—Ibigay niyo sakin ang taong to. Sige naaaa!" Masyado siyang good-looking para maging tao lang! Kailangang maisama ko siya sa koleksyon ko ng mga alipin! Lumapit si Noir sakin at bumulong. "Lady Minerva, hindi pwede. Magagalit ang prinsipe!" Bumaling ako sa Prinsipe at hinila ko ang laylayan ng shirt niya. "Kamahalaaaan, IBIGAY MO SIYA SAKEEEN!" **** Hio's POV: 'Isip-bata' ang tamang word para idescribe si Minerva. Kung hingiin niya si Kape parang nagkeclaim lang siya ng free toy sa Happy meal. Inalis ko ang kamay ni Kape sa pagkakahawak ni Minerva. "Hindi pinamimigay si Kape." "—EH DI BIBILIHIN KO!" human trafficking talaga? Ah bahala ka. "BASTA HINDI PWEDE—" sabay baling ako kay Kape. Yumakap ako sa kanya. "KAPEE NAMISS KITA PAREEE!" ANO TO bat amoy food siya?! Lumayo agad ako kasi baka kagatin ko na lang siyang bigla eh. Kayo na ang umimagine: para kang nakayakap sa isang human-sized at human-shaped Belgian chocolate with clotted cream, toffee and almonds; Oh, kakagat ka diba?! "Dong saan ka galeng? At seno yang mga cheks na kasama neyo ne Noir?" "Ah.. Ah— May pinuntahan ako kasama si Noir. Sa—-" tangena paano ba ito lulusutan? Kakagulat… HINDI YATA NIYA GAANONG PINANSIS SI YUKI! "Sinamahan niya ako dahil naghanap kami ng manager para sa ForMad!" mabuti na lang at sumingit si Noir. "Oh—OO TAMA YUN!" gumatong ako. Pero hindi pa rin kumbinsido si pareng Kape. "Ih seno ang nakoha neyo?" Naloko na yata. Napatingin ako kay Yuki at kay Minerva. Tumuro ako. Sa malas ko, si Minerva ang naituro ko. "Seya ang manedyer?" "ANONG M—" Tinakpan agad ni Noir ang bibig ni Minerva. "Neloloko neyo ba ako?" Hinila ko sa isang tabi si Minerva at ako ay bumulong sa kanya. "Hoy bata, sumakay ka na lang sa mga sinasabi namin ni Noir okey? Pag sinunod mo ako, baka ibigay ko sayo si Kape." 'BAKA' lang. Mahirap mangako ng tapos sa isang bampira. Dinidibdib nila yun. "Sige po kamahalan." good girl naman pala to kahit paano. Lumapit uli kami sa kanila. "YUP, AKO ANG MANAGER!" sigaw bila ni Minerva. "UKI." Yun! Nanahimik na rin ang duda ni pare. Teka parang may nawawala— "—Kape, nasaan si Shall?!" Pinandilatan niya ako. "IBEG SABEHEN DERE NEYO SEYA KASAMA?!" Nagkatinginan kami ni Noir. Umiling siya. Hala ka? Shall kooo! Di kaya kinain siya ng mahiwagang gate?! "NANDITO AKO." Napalingon kami sa may hagdanan. Nakatayo nga doon si Shall. Oh, ano yung suot niya? Parang galing lang sa wedding ah? Lumapit ako. Hahawakan ko sana siya sa balikat. Kaso.. Di ko maipaliwanag.. Parang naground yung kamay ko at nagrepel. "Shall bakit—" Tumikhim siya. "Simula ngayon, ayokong lalapitan mo ako at lalong ayokong HAHAWAK KA SAKIN." "—PERO BAKIT?!" heto na naman kami sa usapang malabo. Lagi ko na lang inaassume na NAGKAKAINTINDIHAN KAMI. Mamamatay na lang ako one day sa maling akala. Lumapit sa kanya si Noir at hinatak ang kamay niya. Oh, pwede naman pala siyang hawakan— "Buksan mo ang palad mo Patricia." utos ni Noir. Sumunod si Shall pero ang mga mata niya ay nakatingin sa sahig. May marka sa palad ni Shall na ngayon ko lang nakita. Marka na hugis bulaklak na apat ang talulot. Para din itong krus. Tinangka kong hawakan ang marka pero naulit uli ang nangyari kanina. "Hio, kapatid ko siya kaya nagagawa ko siyang hawakan. Liban sakin, mga lalaking tao na lang ang madidikitan niya—" "Mga Dong hano ba nangyayare—?" nilingon ni Noir si Kape. Nagbagong bigla si Kape kaya naisip kong baka ginamitan siya kung anong hipnotismo ni Noir. "Ah, may gagawen pala ako sa loob, pasok mona ako ha?" "ANO NGA ULIT ANG SINASABI MO NOIR?" gusto kong malaman kung hindi ko mahawakan si Shall! "Ang nangyari ay—" "—TUMAHIMIK KA NOIR! Ako ang magsasabi sa kanya!" bumaling nga sakin si Shall. "Hio.. Ako ay nagpakasal na sa iba." Nabasag ang kanyang tono at tumulo ang kanyang luha. Kasal?! Isang gabi lang kami di nagkita TAS KINASAL NA SIYA?! DAMN! ANG LABO! "PAANO NA AKO?!" narinig ko na ang dialogue na ito kung saan. Hindi ako makapaniwalang sasabihin ko rin pala ito. Yung feeling na para kang iniwan sa ere. Nauwi sa hikbi ang kanyang iyak. Nararamdaman kong hindi niya ginusto ang nangyari. Kaso helpless talaga eh. "Isa sa mga matitibay na sumpa ang kasal ng mga bampira. Ngunit mayroong dalawang paraan para mabali ang sumpa—" di na nakatiis si Minerva kaya nakisabat siya. Lumabas ang kanyang konting maturity; pero kids, wag siyang tutularan. Masama ang sumasali sa usapan ng mga nakatatanda! "ANO?!" sabay naming tanong ni Shall. "Una, patayin niyo ang ministrong nagsasagawa ng ritwal." "—Malaking sugal yan. Kung papatay ka ng isang ministro, daan daang maharlika naman ang papatay sayo." sagot ni Noir. "Eh ano yung pangalawa?" tanong ko. "Napakadali lang! Patayin mo ang napangasawa niya! Eh sino ba ang napangasawa niyang si ate?" "—Ang Paladin na si Div Umbra Claymore." sagot ni Shall. Opus 44 Div Umbra's POV: Sa kumpas ng aking kamay, bumukas ang napakalaking pinto ng isang mansyong nasa lupain ng taglamig. Habang tinatahak ko ang pasilyong papasok, dinig ko ang lutong ng nasusunog na kahoy sa tsimineya. Humahalimuyak ang tamis ng maple kahit saan. Huminto ako sa pintuan ng silid pampanauhin. Kumatok ako bilang isang maginoo na bumisita sa bahay ng kanyang dating kaibigan. "Pasok.." sabi ng malumanay ngunit mapanglaw na tinig mula sa loob. At bago ako pumasok, naghanda ako ng isang patalim na puno ng espesyal na lason. Ibinaon ko yun sa aking palad hanggang sa tumagos sa aking laman. Masakit. Mahapdi. Ngunit kailangan ko nun sakaling may nakahandang bitag sa loob. Ang taong nasa loob kasi ay maihahalintulad ko sa ibong Adarna. Kapag umawit ang ibong Adarna, paniguradong makakatulog ang kanyang biktima. Saka niya iyon iiputan upang maging bato. Hindi man umaawit gaya ng ibong Adarna ang taong nasa silid, tiyak kong mas mapanlansi siya ng mas maraming ulit. Ganun ang dapat asahan sa mga nilalang na pinilit magpakabait subalit itinulak pa rin sila ng kapalaran tungo sa kasamaan. Binuksan ko ang pinto at pumasok ako. Dama ko ang pagtulo ng dugo sa aking kamay. Sinasalo ng aking anino ang bawat patak. "Magandang gabi Sister Antonia." bumati ako sa kanya bago ako naupo sa isang couch. Nakatalikod siya sa akin dahil nakaharap siya sa tsimineya at dinadagdagan niya ang mga panggatong. Nang masiyahan siya sa temperatura, naupo siya sa isa pang couch na katapat ng kinauupuan ko. "Ang tagal nating hindi nagkita Div Umbra." aniya. "Bakit ka nagbigay ng palatandaan para matunton kita? Iba na ang takbo ng isip ko ngayon. Mas pabor ako kung mawawala ka na sa mundo—" "Yun ang hihingin ko sa'yo kaya kita hinintay." Gaano kaseryoso si Antonia? Hindi ko alam. Marahan akong humipan. Namatay agad agad ang lahat ng bagay na nagbibigay liwanag sa silid na ito: ang apoy sa tsimineya at ang apoy sa mga kandelaria. Gumapang ang lamig. "Ang akala ko ay gagawin mo ang lahat upang mabuhay para sa kapakanan ng iyong anak?" Humikbi si Antonia. Humuhuni yun sa katahimikan. "—Malaki na siya. Lumaki siya nang wala ako sa kanyang tabi. Kahit gustuhin ko pang makasama siya nang mas matagal dahil ina niya ako, tiyak kong mas gugustuhin pa rin niyang lubayan ko siya. Ganun ang anak hindi ba?" Malay ko. Kahit naging magulang ako ng sampung taon sa batang hindi ko tunay na anak, di ko pa naramdaman ang nararamdaman ngayon ni Antonia. Tumayo siya. "Ang aking anak ang nagpapaalala sa taong minamahal ko Div. Pero sa puntong ito na tapos na ang dapat kong gawin, mas gusto ko nang makasama si Orpheus kaysa ang maalala lang siya." Malinaw na hinihingi niya ang kanyang kamatayan. Sinipa ko ang mesita sa pagitan namin. Nagmanipesto ang itim na lawa. Lumutang sa ibabaw nito ang mga gamit sa loob ng silid. Mistula kaming binaha. Umangat mula sa itim na lawa ang aking espada na agad kong itinutok kay Antonia. "Sandali lang Div. Hindi kamatayan ang hinihingi ko sa iyo—" "Kung ganun ay ano?" binitawan ko ang espada at hinayaan iyong lumubog sa tubig. "Isang paglalakbay.." ang sagot niya sa aking tanong. "Isang paglalakbay?" ulit ko. "Nalalaman mo bang mas maskit pa yun kaysa sa sayaran ng aking espada ang iyong puso?" Tumango siya. "Kung tama ako, dumaan din si Orpheus sa isang paglalakbay. Gusto kong pagdaanan ang pinagdaanan niya, kahit gaano pa kasakit." Matigas ang ulo ng madreng ito. Mas matigas pa sa ulo ni Orpheus. Ang mga babae talaga. Masyadong maraming hiling. Pero pagbibigyan ko ang gusto niya. Unti-unting umangat mula sa tubig ang isang sarcophagus na gawa sa makapal na metal. Nababalutan iyon ng mga kadena na agad kumalas pagkalutang nito. Puno ang sarcophagus ng iba't ibang laki at hugis ng butas. Bumukas ang takip niyon. Sa loob, kasya ang isang tao ngunit malalasog ang kung sino mang pumasok dito. Sa oras kasi na magsara ito, madaming patusok ang iipit sa katawan. Bukod pa dun— Umahon ang daan daang espada at sibat na pawang matatalim ang dulo. "Iyan ang tarangkahan ng Nyx. Pumasok ka Antonia. Pero pinaaalalahanan kita. Ang paglalakbay papuntang impyerno ay kasing sakit ng pagtusok sayo ng lahat ng nakikita mong talim." Ininda niya ang sinabi ko. Pumasok siya sa loob ng sarcophagus. Mabilis yun na sumarado. Ikinumpas ko ang aking kamay. Umikot paharap sakin ang sarcophagus. Bumukas ang silipan niyon. Kitang kita ko ang maamong mukha ng madre; waring hindi siya nasaktan sa mga talim na tumusok sa kanya sa loob. Nagsimulang umagos ang dugo niya sa mga mata, ilong, at bibig. "Mayroon kang huling habilin?" tanong ko. "W-wala na. A-lam kong b-bantayan mo ang a-anak ko. S-salamat Div. Ka-hit hin-di t-tayo mag-ka-sundo noon, ini-i-sip kong m-magkaibigan t-tayo—" Tssnk! Sumara ang silipan. Nagsigalawan ang mga kadena at muling bumalot sa sarcophagus. Thud. Thud. Thud. Thud. Thud. Lahat ng sandata ay tumusok sa bawat butas na nandodoon. Lumubog ang sarcophagus pailalim sa lawang itim. Paalam Antonia. Sana ay makahanap ka ng kaginhawaan pagkatapos ng sakit. **** Hio's POV: Ina.. Parang may malamig na hanging dumampi sa batok ko. Nanindig ang aking balahibo. Tapos naisip ko ang aking ina. Wirdo. Bakit naman kaya? Siksikan kami ngayon dito sa aming dining room slash dirty kitchen. All this time, nakatunganga lang ako kay Shall. Hanggang tingin na lang ako. Pagkatapos kong maramdaman ang kakaibang hangin, napatingin ako kay Noir na nakatingin naman kay Kape na nakatingin kay Minerva na nakatingin kay Yuki na nakatingin sakin. Sandali isa-isahin natin. Pinanonood ni Noir si Kape na nagtitimpla ng kape. Nailagay na ang mainit na tubig at 3-in-1. Umiscoop si kape ng isang kutsara ng gabundok na coffeemate. 1 scoop. 2 scoop— "2 spoons?" takang tanong ni Noir. "—NO SIR, 3!" epal ko. "Wag mo nang pansinin yan Noir. Adik lang yan sa coffeemate." Pero iba yata ang tama ni pareng Kape tonight. Malagkit ang tingin niya kay neneng Minerva. Type niya yata. Tumikhim ako. "Hindi pa ba kayo magsisiuwian ha?" "Oo uuwi na ako. Dadalhin ko na sina Yuki at Minerva." ani Noir. Nalamukos ang pagmumukha ng pare ko. "Heyo, MAAGA PA BAYA." Lumapit ako sa kanya tas pinitik ko ang noo niya. Tuk! "—AGAY! Yawa ka maul-ol!" [maul-ol-masakit] "TANGA KA KASE! Yun na nga ang point dun, umaga na!" for some reason, biglang parang gusto kong mapag-isa. "Sige na Noir, uwi uwi rin." Nagsitayuan na nga silang lahat liban kay Shall. "Ikaw?" nilingon ko siya. "Hindi ka na titira dito simula ngayon." Blangkong tingin ang ipinukol nilang lahat sa akin. "Pero Hio—" "WALANG PERO PERO. BASTA SUNDIN MO ANG UTOS KO." Napayuko siya. "Opo kamahalan." Umalis sila pero dito lang ako sa kusina. Si Kape ang naghatid sa kanila sa labas. Pagbalik niya, naabutan niya akong nagdadabog. Winasiwas ko ang mga baso sa harapan ko at inuntog untog ko ang noo ko sa mesa. "—HEYO HANU BA MERUN? Baket ka ganun key Shall? AT BAKET KA NAGWAWALA DIHA?!" "Kape.. BAKET?! TANG INA NIYA BAKET SIYA NAGPAKASAL SA KUYA KO?!" Ginusto nila yun! GINUSTO NIYA YUN! PAASA AMPUTEK! Dug! Dug! Binayo ko nang binayo ang kawawang mesa. "SHIT! MAGPAKASAYA SILA MGA #@%&$@ NILAAA!" Natatarantang lumapit sakin si pare. Hinagod niya ang likod ko. "Heyo, kalma lang, nu ka ba?" Kumalma? Nag-angat ako ng paningin kay Kape. Nagulat ako dahil para siyang clay na nadedeformed at narereshape. Yumayanig ang paligid namin, lumulubog sa parang lawa ng tubig. "HWAHAHAHAHA.. KAWAWA KA NAMAN HIO—" ang dating pigura ni Kape, napalitan ng pigura ng kupal kong kamukha. Nakatayo siya sa harapan ko. Buset. Misery loves company. "Wala akong panahon para makipagtawanan sayo kung sino ka mang ungas ka—" Nainis siya sa sinabi ko. Sumipa siya at lumagabog ang salamin sa pagitan naming dalawa. "SIRAULO KANG TALIPANDAS KA! Baka kapag nakilala mo na ako ay maihi ka sa takot!" "Neknek mo." tuya ko sa kanya. Wag niya akong paaandaran ganitong badtrip ako! Akala ko magwawala na naman siya. Pikon siya di ba? Pero mahinahon siyang nagsalita. "Hoy bata, gusto mo bang makuhang pabalik ang kasintahan mo?!" Kasintahan.. Ang deep! "Hindi ako interesado. Maraming chix ang nagkalat diyan. Madali lang pumulot." "Grr. Bwiset ka talagang bata ka. Ikaw ang bwiset sa lahat ng bwiset!" Bat ba galit na galit siya?! Nakiki-moment eh. "Ano ba ang kailangan mo sakin? Hindi naman pwedeng dalawa tayong galit ngayon di ba? Inaabala mo ang anger management ko alam mo ba yun?" Lumayo siya ng kaunti mula sa salamin. "Kontrata. Gumawa tayo ng isang kasunduan bata—" "Ayoko." sagot ko. Mahirap yang mga contract signing ah. Mamaya mademanda pa ako. Bumalik na naman ang angry face ni tanga pero saglit lang. Bigla siyang ngumiti; halatang pilit. "Alam mo bata, mayroon akong napakagandang laruan. Baka interesado ka?" Oh sige para matigil lang siya. Kawawa naman eh. "Patingin nga?" Itinuro niya ang malaking gate sa harap namin. Bumukas na naman yun. Masangsang than ever! Nagsiksikan ang mga galamay na parang may napakalaking kung ano ang lalabas. At yun nga— Una ang ulo, sunod ang isang braso. Sa sobrang laki niya, hirap siyang ilabas ang mga balikat niya. Kalahati lang ng katawan niya ang nailabas niya. "Asteeeeeeeg.." nakatunganga kong pinagmamasdan ang higanteng kalansay. Yun ang toy for big boys! "Ayos ba bata? Siya si Jack the reaper. Marami rami na rin ang nagmay-ari sa kanya. Hee hee.. Gusto mo ba siya?" "Oo. Pero—" "Pero?" "Hindi siya kasya sa loob ng bahay ko. Hindi rin siya pwedeng magstay sa labas dahil baka gawin siyang teether ng mga aso—" Humaba ang mga kuko ni manong, mga isang dangkal, tas kinalahig niya ang salamin. "Bakit sobrang tigas ng ulo mong bata kaaa?! Sino ba ang nanay mooo?! Hindi ka naman siguro nagmana sa tatay mo dahil matino tino yun kausap—" "Pag-aari dati ni Papa ang kalansay na ito hindi ba? Naikwento ito sakin ni Ina.." Humalakhak si manong. Napakalakas na naman ng tawa niya. Saka niya hinawakan ang kanyang mukha. Parang maskara niyang hinubad iyon. "ALAM MO BA KUNG KANINONG MUKHA ITO, HA HIO?!" Nakakadiri ang totoong anyo niya. Para siyang utak na tinubuan lang ng katawan, or katawang tinubuan ng utak? Yung buong mukha niya kasi itsurang utak. Tumitibok tibok pa! Pinagmasdan ko ang hawak niyang mukha— HINDI KAYA—?! "Ito ang mukha ng iyong ama! WAHAHAHAHA!" Nadagdagan ang galit sa puso ko. Lumapit ako sa salamin at inilapat ko ang mga kamay ko. "HAYUP KA! BAKIT MO YAN GINAWA SA KANYA?!" Nagulat ako dahil lumubog sa salamin ang kamay ko. Hindi ko yun mabawi! Muling isinuot ng taong nasa likod ng salamin ang mukha ni Papa. Hinawakan kaagad niya ang mga kamay ko. "HEE HEE.. HULI KA! Ngayon simulan na natin ang ating kontrata." Ang mga itim na markang nasa mukha niya ay nagsipaggalawan. Gumapang ang mga yun pababa sa kanyang leeg, balikat, braso— lumipat ang mga yun patungo sa akin. Naglakbay sa braso ko, leeg, mukha. Nakaramdam ako ng sakit na para akong pinapaso. Kita ko pa ang mga usok na tumatakas sa aking mukha. "Hahahaha! Ang pangalan ko ay Thanatos bata.. at simula sa araw na ito, ikaw na ang bago kong master." —— direk_whamba Opus 45 Hio's POV: Bumalik ang kamalayan ko sa totoong mundo pagkatapos naming mag-usap ni manong Thanatos. Tae siya. LUGING LUGI ako sa ginawa niya! Isang araw mapepektusan ko din yung bugok na yun. Isang araw.. Isang araw mamamatay din ako.. Tas alam ko kung paano ako mamamatay.. The F. Amp. Marami rami siyang sinabi at marami rami akong tinanong. Kung ano ang napagkasunduan namin, saming dalawa na lang yun. Bumalikwas ako ng bangon sa kama. Madilim. Nasa kwarto KO ako. Malamang binuhat ako ni Kape. Tumayo ako tas hinawi ko ng konti ang kurtina. Maliwanag pa. Goodbye sunshine. Bwiset. Bakit ba naaabo sa araw ang mga bampira? SINO BA NAGPAUSO NUN?! Bumalik ako sa kama at nangapa ng yosi sa bedside table. Nagsindi ako ng isa. Hay.. Refreshing. Namiss kong lumapa ng usok. So dahil bampira ako, hindi na ako takot sa lung cancer! WUHOO! Eto trip na trip kong gawin matagal na eh! Kumuha ako ng apat pang yosi at sinindihan silang lahat! Tas sinubo ko lahat! PUTA HIGH! It rocks! Tas nasamid ako sa dami ng usok. Ubo. Ubo. Ubo. Tengenang yan.. Ano bang ginagawa ko. Tama na nga baka may gumaya. Lahat ng yosi, diretso sa ashtray. Nag-indian seat ako sa kama at nag-isip. Sober naman ako mga paps. Di naman kami tumoma kagabi. Namimiss ko si Shall. Di ko dapat siya pinalayas kagabi. Nadala lang ako ng galit ko. Ewan ko kung kanino ako galit. Kunwari kay manong Thanatos na lang. Eh ayokong magalit kay Shall o sa kuya ko, lalung lalo naman sa sarili ko. Eh no ngayon kung nagpakasal sila? EH NO NGAYON KUNG DI KO MAHAWAKAN SI SHALL?! Wala pa akong ginagawa! Gusto kong malaman kung anong heights ang kaya kong abutin para sa kanya. At.. Teka—speaking of heights!!! May naalala akong gusto kong itry. Tumayo ako sa kama at itinapak ko ang paa ko sa pader. Tas sinunod kong itinapak ang kabila kong paa. Pakiramdam ko lumipat ang center of gravity ko. ANGAS NITO MGA DRE! Try niyo lang! Naglakad ako hanggang bumaligtad na ako dahil nasa kisame na ako. Pagdating ko sa gitna, PARTY PARTY. Nagsasasayaw ako na parang timang habang nakabitin sa kisame. Biglang bumukas ang pinto. **** Kape's POV: HULY KANGKUNG! Se Dong nakabeten sa kesame! "AAAAHH WAKWAK! Ge-genaya mo peslak ne pareng Heyo!" segaw segawan ko an wakwak habang nakatoro pa ang dalere ko. [Wakwak-aswang] Eka.. Mey wakwak ba pag omaga?! "PARENG KAPEEE—WOOOO HALIKA.. Aswangin kitaaaa." golat man ako nang iangat ng wakwak ang mga braso neya parang sumbi! [zombie] Homanap ako ng pamalo— nahawakan ko ang wales tambo. Wenasewas ko sa kanya yun. "BAD ESPERET, O WAKWAK KA MAN, LAYAS KAAA! Piro elowa mo mona se pareng Heyo kong nelunok mo seyaaa!" "PUTANG INA KA KAPE MARUMI YAAAN!" tomalon baya ang wakwak mola kesame! Napaatras ako. "AKO TO, SI HIO!" aneya. **** Hio's POV: TARANTADONG KAPE TOH WALISIN DAW BA PAGMUMUKHA NG PRINSIPENG TULAD KO?! Amp. Amp. "LUMAPIT KA SAKIN KAPE!" pepeltokan ko siyaaaa. Pero isang beses lang siguro. Ako naman nauna eh, tinakot ko siya. Wahahaha! "HYI BAT AKO LALAPET HA IMO?! Baka lonoken mo ren ako gaya key Dong!" nanginginig ang tuhod niya habang hawak ang tambo. Laptrip talaga! Para siyang bading na nanalo sa Ms. Gay hawak ang trophy. EKSDIII! "LALAPIT KA O HINDI?!" galit kong sigaw. Lumayo ako ng konti para maengganyo siyang pumasok. "L-lapet na nga ih—" dahan dahan siyang pumasok ng kwarto ko. **** Kape's POV: Pagkapasok ko sa loob— THUD! NAGSARA NANG KOSA ANG PENTO! Netry kong boksan piro ayaw ba! "—Oh, bat binubuksan mo ang pinto?" naonat lahat ng pyobek heyrs ko sa tanong neya. TAKOT NA KO YAWAA! "P-pare.. Tampers mona.. Si-CR mona ko. NATATAE AKO!" "Marunong ka nang magsinungaling sakin. Ganyanan na pala ah." sabe neya. Eh sa natatae ako. Hano magawa neya? Nawala se Dong sa kenatatayoan neya. HAIN NA YON?! "—Amp nawala lang ako sa harap mo namiss mo na ko kaagad. Adik ka talaga Kape." YAWA NASA LEKOD KO NA SEYA?! Panu yon?! Naramdaman kong nesandal neya ang olo neya sa olo ko, keya nalaman kong magkatalekoran kame. Shoooh. Homepan seya. Amoy osok. Nagyuyusi se Dong. "Oh—" me enabot seya na nakasendeng yusi. "—bago yan. Di yan yung hinihithit ko." Kenoha ko na lang. Yon nagyusi brek kame nang talekoran. Hano ba nanyayare key Heyo.. O baka ako na ata ang me sayad deto?! "Pare.." aneya. "Baket Dong?" "—Isa akong bampira." BAMPERA?! Ows? "Totoo yun. Marami kami, hindi mo lang napapansin. Ayos lang kung ayaw mo na akong maging kaibigan." Siryoso, maherap panewalaan mga senasabe neya.. Piro—yong kanena sa kesame.. Ambot. Hende seya ganto kasiryoso pag penagtetrepan neya ku. "—Dong, kehet alien ka pa, de mo naman ako papatayen de ba? La yan—" Humarap seya saken. Nagnengneng sa dilim ang mapola neyang mga mata at ang mahaba neyang pangel. Ayos lang yan pare. Asteg nga eh. Me kaebegan akong— malegno? Ah bampera. Haha! Yomakap seya saken. "Oh Dong, magsore ka na key Shall. Keta mo, magiging ukey den ang lahat." **** Medea's POV: "Lady Medea, tahan na.. Magdamag ka nang umiiyak—" Hinahagod ng mayordoma ko ang likod ko. Pinipilit niya akong bumangon sa higaan para kumain pero wala talaga akong gana. "Lizette, iwan mo na lang akong mag-isa parang awa mo na." Malungkot siya sa nangyayari sakin pero minabuti niyang iwan na ako dahil alam niyang wala siyang magagawa para pagaangin ang nararamdaman ko. Nagkaganito na ako simula ng makatanggap ako ng balita mula sa mga paniki. Nakipag-isang dibdib na si Div sa ibang babae.. Ayoko sanang maniwala.. Pero hindi kailanman nagsinungaling ang mga paniki. Masakit talaga ang balitang yun sa parte ko. Si Div LANG ang laman ng puso ko. Nagawa kong maghintay ng sampung taon noon para sa kanya, at panibagong walong taon na naman. Tapos— Bakit ganito ang puso ko?! Bakit pumili siya ng taong mananakit sa may-ari sa kanya?! Humaba ang mga kuko ko. Dapat nang mawala ang pusong ito! Itinapat ko ang mga kuko sa aking dibdib— May malamig na kamay ang naglayo sa kamay ko mula sa aking dibdib. "Mahal na Prinsesa, maghunus dili ka—" Si Div ang pumigil sakin. Nandito siya ngayon sa harap ko. Oo nga pala.. Sa mga babae lamang malupit ang ritwal ng kasal kaya niya ako nahahawakan nang malaya. Wala talaga siyang awa. Nagawa pa niyang harapin ako na parang walang nangyari. Bumitaw ako sa kanya. "Bakit ka nandito?!" "Dahil ako ang iyong Knight." ano pa nga ba ang inaasahan kong isasagot niya?! Naupo ako sa gilid ng kama tapos ay nagpahid ng mga luha. "Balang araw.. Makakaganti rin ako sa mga sakit na ibinigay mo sa akin Div." useless ang pagpahid ko ng luha dahil naiyak na naman ako. "Kung gusto mong gumanti, dapat kang mabuhay—" sabi niya. Napakalamig ng boses niya. Mabuhay? Matagal na niya akong pinatay. Pinahid ko ulit ang pisngi ko. Sinampal sampal ko na rin. Naalala ko, sa nakaraang pitumpung taon, hindi ako ganito kahina. Kinagat ko ang gilid ng aking labi hanggang sa magdugo yun. Lumapit ako kay Div, inangkla ko ang mga braso ko sa kanyang batok at tumingkayad ako. Humalik ako sa kanyang mga labi. Naging mapusok siya dahil sa lasa ng dugo. Tapos ay itinulak ko siya sa kama. Hindi niya dapat makalimutan ang babaeng nasa harapan niya ngayon. Pagsisisihan niyang ipinagpalit niya ako sa iba. **** Shall's POV: Nagpunta pa rin ako dito sa bar kahit malabong pumunta ngayon dito si Hio. Mga mag-iisang oras na rin akong idle na nakaupo sa harap ng salamin dito sa dressing room. "—Ate ate ate! Di ba talaga pupunta dito ngayon yung Kape ha? Ha?! HA?!" Tinitigan ko ng masama ang makulit na babaeng Marquis na kaibigan ni Noir. Maka-ate ang bruha akala mo sinong bata samantalang dalawampung taon ang tanda niya sakin! Nalaman niyang may banda kami at kamember namin si Coffee. Tas heto kulit siya ng kulit kung sisipot ba yun. Trip na trip niya si Coffee. Well goodluck. Bumukas ang pinto ng dressing room. Napatayo kaagad ako nang makita ko mula sa salamin kung sino yung pumasok. "—KAMAHALAAAN! KAPEEEE!" sinalakay este sinalubong ni Minerva ang mga bagong dating; pero mas concentrated siya kay Coffee. Hinawakan ni Coffee ang kamay niya. "—Tara Menerva labas tayo deto." Paki ko sa dalawang yun. Kay Hio ako nakatingin. Nakakainis mas gwapo siya ngayon pang galit siya sakin. Anong hitsura niya? Kung ibang tao ang magdedescribe, mukha siyang tinamad lang mag-ayos. Plain shirt na lukot at kupas na maong na butas sa tuhod lang ang suot niya. Tas nakatsinelas lang siya. Grabe, pumunta siya sa bar nang naka-magsasaka outfit. Bampira na nga pala siya.. Kinuwento sakin ni Noir ang nangyari. Tss.. Ang dami niyang drama nung isang isang araw tungkol sa pagtanda niya tapos bandang huli forever young pa rin naman pala ang bagsak niya. Inilapag niya sa couch ang kanyang guitar bag. "Ang ganda mo ngayong bihis-tao ka." sabi niya sakin. Ewan ko kung compliment yun dahil pareho kaming mukhang magsasaka. Eh sa naka plain shirt na lukot din ako, maong shorts na tastas at tsinelas lang. Hindi yata siya galit? Lumapit siya sakin. May kung anong nakatali sa isa niyang wrist. Yung dulo nun na mahaba haba pa, iniabot niya sakin. "Para saan yan?" tanong ko. Ngumiti siya. "Tae. Ang slow mo. Tas sasabihan mo akong bobo! Itali mo yan sa kamay mo gaya neto—" itinaas niya ang braso niya. Iniisip ko kung bangungot na nagalit siya sakin kagabi, o itong nangyayari ngayon yung bangungot? Which one? Sana ito na lang, kasi mas ayoko nang magising ngayon. Itinali ko nga yung kabilang sash sa wrist ko. Kaya ngayon, nakatali kami sa isa't isa. Haha! Ano ngayon kung hindi kami pwedeng magdikit? Nakakapag-usap pa naman kami. At kayang kaya ko pa ring sabihin sa kanyang— "Mahal kita Hiong tukmol—" Nagsmirk siya. "Mas mahal kita retokadang bansot." Tinawag kami ni Noir after five minutes. Natuloy ang live namin kahit ubod ng delay. Marami ang nagtataka kung bakit nakatali kami ni Hio sa isa't isa. Siguro iniisip nilang gimik lang yun ng banda. Ano bang alam nila. If you're lost You can look And you will find me.. Time after time.. If you fall I will catch you I'll be waiting.. Time after time.. —— direk_whamba Opus 46 Hio's POV: Rarrr.. Bat ba di ako nagpick? Yun oh, panget tuloy ng kuko ko. Hinatak ko yung tali namin ni Shall para alam niyang gagalaw ako. Bumaba kami ng backstage. Tapos na ang live namin pero yung mga hinayupak naming fans 'more' ng 'more'. Sarap nilang pagkukutusan isa isa. Kaya nung makita ko si pareng Kape, ALAM NA! Pinalo palo ko ang likod niya. Sabay hirit ng "PRE INUM TAYO MANLIBRE KAAA!" para hindi halatang hinarass ko lang talaga siya. "Agi! Oo na Dong! Manahemek ka mona diha ukey?" aniya. Di niya kasi mailagay nang maayos sa case yung gitara niya. "OKEY Pass muna ako—" sagot kagad ni Noir tas nauna na siyang umexit. 'PASS MUNA' niya mukha niya. Ni minsan hindi nga siya sumama saming mag-inuman sa labas eh. "TALAGA IINOM TAYOO?!" yun isa pang adik. Bat nga pala nandito itong neneng Minerva na to? Ohh manager NGA PALA.. "Hoy Ne, umuwi ka na senyo. Bawal uminom ang bata—" "—Bata ka diyan. Fifty years old na kaya yan—" ibinuking siya ni Shall. Tumili si Minerva pagkarinig ng 'fifty years old'. "Ano sabe ne Shall?!" tanong ni Kape. Yeah right bingi na siya. Pagkatapos naming mag-ingay sa backstage (inis na samin ang mga taga-Capella), lumayas na kami sa bar. Apat lang kami. Nauna si Kape, nakasunod sa kanya si Minerva; tas sabay kaming dalawa ni Shall na nasa likod nila. "—Saan tayo iinom baa? Di ba yun na nga yung bar?" ayun kinukulit ni Minerva si Kape. Tsekwa ang haba ng pangalan ng babaeng yun. "HOY MINERVA!" napalingon silang lahat sakin. "Yes po?" tae nagpa-cute pa. Don't be fooled! Alalahanin natin ang edad niya! "—Mie na lang ang itatawag namin sayo ha? Dang haba ng pangalan mo e." at ang panget din. De joke. Naaalala ko lang kasi yung nakalaban kong secret boss sa nilaro kong PSP game na Final Fantasy VII Crisis Core. Minerva pangalan. "Ah sige po kamahalan!" pagkatapos nun, bumaling na naman siya kay Kape. Hinigit ko ang tali. Napalingon si Shall. "Bagalan mo lang maglakad." utos ko. Siguro umabot ng mga dalawang dipa ang layo namin kanila Kape. Inangat ni Shall yung braso niyang nakatali. "Magsasawa ka rin katagalan." Saan ako magsasawa? Sa set up naming to? Tsk.. Ang dali niya talagang sumuko sa mga laban na hindi pisikalan. Hinigit ko ulit yung tali. Yun lang kasi yung paraan para maramdaman niya ako. "Wag ka nang mag-alala. Mawawala din yang kung ano mang humaharang sating dalawa." "PAANO?! Papatay ka? Sino?" Quick thinker ang babaeng to. Mano man lang sumakay siya kahit konti sa mga comforting words ko di ba? Ang ginawa ko, nanahimik ako. Nakarating na nga kami sa barbecue-han. Oha, bukas sila ng madaling araw dahil sa mga mababait na batang katulad namin ni Kape. Dito e may mga monoblock chairs at mesa sa ilalim ng napakalaking tolda. Walang masyadong tao ngayon. May mga ibang gabi din naman na halos wala ka nang maupuan. Yun yung mga panahong alam ng mga chix na pupunta kami dito. Ehem... kami lang namang dalawa ni Kape ang main attraction dito. Pero WALA kaming tinetable ni isa. SERYOSO. Yun ang tinatawag naming FAMILY TIME. Lintek... Family time ang inuman! Maraming nag-iihaw ihaw dito, pero syempre kanya-kanyang suki. Naabutan namin sila Kape na tumitingin sa isang pwesto. "Good morning manang Tess!" Binati ko ang tinderang nagpapaypay sa mga iniihaw. "Oh antagal niyong hindi natambay dito ah?" sabi ni manang. Gusto pa niya akong paluin ng pamaypay niya. Mukhang bad business sila dahil hindi na kami tumatambay dito. "Oo nga po eh—" "ANONG MGA TO?" tinuro ni Shall yung mga paninda. Dinampot niya yung adidas at pinagkatitigan. Tas dinampot yung betamax at isaw. "Spare parts." sabi ko. Collective noun! Haha. Naalala ko nung una akong sumama kay kape sa barbecue-han. Hotdog lang ang kilala ko! Lahat naman sila masarap kainin wag mo na nga lang aalamin kung saang parte sila galing. Marami kaming pinaihaw, nangalahati yung paninda ni manang. Tas umupo kami sa isang table. Umorder si Kape ng isang case ng redhorse. Ito ang tama! Nag-inuman na kami kahit wala pa yung pulutan. "Cheers Kape!" pinag-untog namin ang mga baso. This is the first time na nag-inuman kaming dalawa dito na may ka-table na chix. Lumapit si manang dala yung mga isaw namin. Kinuha ko yung isa. Nagulat ako dahil kumagat sa isaw ko si Shall. Tinakpan ko kaagad ang mukha ko. "OY WAG MONG IDUDURA SAKIN YAN!" "Masarap pala." aniya. Ayun, pinakain ko siya. Susyal talaga to nakahanap ng alipin eh. Prinsipe pa! Pinapanood ko siya all the time. SHIT eh. Hanggang kelan ko ba siya hindi mahahawakan? Baka tama siya.. Baka magsawa rin ako kaagad. Ang masama niyan.. BAKA NGAYON NA YUN?! Asar! Gusto ko na siyang— Ewan kusang kumilos yung mga kamay ko. Basta hahawakan ko ang mga pisngi niya! Bahala nang ma-ground! **** Shall's POV: Ang kulit talaga ng tukmol na to. Sinabi nang HINDI nga niya ako mahahawakan di baa?! Pero ano to—?! —NAKADIKIT ANG MGA PALAD NIYA SA MGA PISNGI KO?! "Paanong—?" Nagtitigan kami. Salubong ang mga kilay ko at hinihintay ko ang paliwanag niya. Kaso blangkong tingin lang ang ibinigay niya. Tas ngumiting bigla? Wierd ha. Humawak ako sa mga braso niya; tinapik tapik ko ang mga yun. Hindi ako makapaniwala! Yung sumpa—?! Tss.. Iisipin ko pa ba yun?! Ang mahalaga— **** Minerva's POV: Psh.. NAGHALIKAN SA HARAP NAMIN ang kamahalan at ang kanyang Knight! May shooting lang ng kissing scene dito?! Luminga linga ako.. Parang no big deal naman. May sariling trip yung mga nasa karatig table. Si Kape tuloy lang sa pagtungga ng beer. So ako lang talaga ang pumansin? Ako na nga! At may napansin rin ako— Yung nangyaring nagdikit sila! Nabuwag yung sumpa ng Fleur de lis?! Imposible! Actually may pangatlong way pa akong alam kung paano mababali ang sumpa ng kasal. Hindi ko na nga lang sinabi sa kanila dahil mukhang irrelevant at lunatic. May mga ancient vampires kasi na ang kapangyarihan ay may konek sa 'creation and destruction'. May kakayahan silang gawing eksitensyal ang isang bagay na hindi naman talaga nag-eexist; or worst, burahin ang existence ng isang tao o bagay on the face of the planet. Kakatakot ano? Pero yung mga bampirang ganun, hindi mo masasabing malakas dahil TSAMBAHAN lang ang epekto ng kapangyarihan nila. Minsan gumagana, pero mas madalas na hindi. Yun nga 'sana' yung 3rd option, maghanap ng ganung bampira at ipa-wala ang epekto ng sumpa ng Fleur de lis. Pero sa nakikita ko, ang kamahalan na mismo ang may kapangyarihang ganun. Alam niya kaya yun? Hindi yata. Kinalabit ako ni Kape. Bumalik ako sa 'huwisyo'. "Mee baket mo sela penapanood, naeengget ka ba?" Mee?! Kambing. Ang kyut talaga ni Kape. Kelan naman kaya siya ibibigay sakin ni kamahalan?! Ump. **** Hio's POV: Nagising akong katabi si Shall sa kama ko mga bandang alas tres ng hapon. Angas wala akong hangover! Naghagilap ako ng yosi tas nung makasindi ng isa, sumandal ako sa headboard. Naalimpungatan si Shall. Sumiksik siya sakin at yumapos sa bewang ko. Tae. Tamang eksena kame ng unfaithful wife at kabet. 'Isa' rin siguro sa mga rason kung bakit hindi maiwan ng isang lalake ang isang babae ay dahil sa 'performance'. Yang mga ganyan ang puno't dulo ng kasalanan sa Earth! Masarap eh. Pero mahal na mahal ko talaga siya, at ako ang totoong nagmamay ari sa kanya. Inagaw ko lang siya pabalik. Getbacker. "Birthday mo na bukas di ba?" humigpit yung pagkakayakap sakin ni Shall. Bumuga muna ako ng usok bago ako nagrespond. "Oo nga no. Bigyan moko ng regalo ha?" Nakakatawa. Nabuhay ako gamit ang hindi ko tunay na pangalan at hindi ko tunay na edad. Malamang hindi rin totoo ang birthday ko. Hindi ko man lang naitanong sa nanay ko kung ano ba dapat ang pangalan ko at kung kelan ba ako totoong pinanganak. Sabagay ayos na rin ang lahat. Nagpalipas kami ng maghapon sa kama at lumabas ng kwarto bandang alas syete dahil papasok kami sa bar. Hehe. Sana walang mainggit sa lifestyle namin. Hindi yun maganda para sa mga taong may pamilya ngunit walang pera. Naunang lumabas ng main door si Kape. Nagulat ako nang bigla siyang pumasok ulit at ang hitsura niya, hindi mo malaman kung iiyak ba siya o tatawa. "Bakit ba?" tinanong ko siya. Speechless pa rin pero tinuro niya ang labas. Lumabas na lang ako to see for myself. Kasunod ko si Shall at—- OH WOW. Ang daming tao sa labas! At mas maraming chix. Anu to FANS DAY NG FORMAD?! Lahat sila nakatingala sa akin! Humawak ako sa railings ng veranda. "Magandang gabi, ANONG MERON?" libreng lugaw? Bigla na lang silang nagsiluhuran lahat! Tae wag kayong ganyaaaan! Ano na lang ang sasabihin ng mga kapitbahay ko?! "—Kamahalan, nandito po kami ngayon upang batiin ka sa iyong kaarawan." "—Kamahalan, inaalay ko po ang aking sarili upang maging tapat mong alipin." "—Ganundin ako kamahalan!" Natuturete ako sa mga pinagsasabi nilaaa! Hindi ko kailangan ng alipin! SINO BANG MAY SABING PWEDE NILANG GAWIN TO?! May umakyat sa hagdan, isang chix na naka wedding gown at may nakasunod sa kanyang dalawang lalake. "Magandang gabi kamahalan, ako si Mionette Helena Pavlov, isang Dukesa. Nagustuhan mo ba ang inihanda kong pagsalubong?" SYEMPRE HINDE! Anong akala niya sakin FAMEWHORE?! Nagstep forward si Shall. "Makakaalis na kayo Lady Mionette." Nainis ako dahil itinulak ng Dukesa si Shall. Mabuti na lang at nahawakan ko ang kamay niya. "Hindi mo ba narinig? Makakaalis na kayo." Pero nagbingi bingihan si Dukesa. "Ikaw si Lady Patricia hindi ba? Ang tiwalag na Dukesa ng House of Elemental. Grabeh, mabilis na kumalat ang balita tungkol sayo— na mukhang totoo naman—" kung makatingin siya kay Shall ko, para bang nandidiri siya na ewan. Niyakap ko si Shall. "HINDI NIYO BA TALAGA AKO SUSUNDIN?!" "Masyado ka naman yatang hambog kamahalan.. Ni hindi pa nga namin alam kung karapat-dapat ka nga ba talagang galangin bilang aming Prinsi—" "—ITIGIL NIYO NA YAN!" nagmula sa itaas ng aming bubong ang sigaw. Wala yun. Si Mie lang pala— Parang nagback-out ang mga bampirang nasa tapat ng bahay namin. Takot sila kay Mie?! Kinalabit si Mionette ng isa sa kasama niyang lalake. "Lady Mionette tara na! Siya si Lady Minerva von Hairenn— ang pinakamalakas na Marquis ng henerasyon at pinuno ng House of Sacred Way! Mas maiging wag natin siyang banggain!" Nagtagis ang bagang ni Mionette. "PWEDE BA THETYS?! Hindi ako natatakot sa bubwit na—-" natigilan siya na para bang kinakapos ng hininga. Nakita ko si Mie na nakangisi. Angas! "Dukesa ka kamo? Papasa ka lang sa kayabangan siguro— DALAWANG TALAMPAKAN MULA SA TIMOG, HILAGA, SILANGAN AT KANLURAN MO. ANG ESPASYONG YAN AY WALANG HANGIN." "Tama na na yan Mie!" ayokong magkapatayan dito! Awa naman at mukhang sinunod niya ako. Nakita ko namang nakakahinga na yung Dukesa eh. Inalalayan siya ng mga lalake at sabay sabay silang nagdisperse kasama ng mga bampira sa baba. Tumalon pababa ...samin si Mie. "KAPE ANYARE SAYO?" WAH? Saka ko lang naisip na NANDITO PALA SI KAPE! Amp nakita yata niya LAHAT LAHAT! Nakatanga siya nang nakanganga. Niyugyog ko siya. "Halika na ikekwento ko sayo lahat habang naglalakad tayo." Well hindi naman lahat. —— Hehe >_< bad influence talaga ako... kids.. wag niyo silang tutularan pakiusap x_x direk_whamba Opus 47 Shall's POV: Nakakapag-init ng dugo ang malditang Mionette na yun. Duh?! Mukha lang siyang tagabitbit ng tsinelas ko! At ang sarap tsinelasin ng pagmumukha niya ha?! Kaso kanina sinadya ko lang magpigil. Ang totoo niyan hinayaan kong ipagtanggol ako ni Hio. Iba ang feeling, parang— ewan kilig ba ang tawag dun? First time na pinahalagahan ako ng isang lalake bukod kay manong (Noir). Pero sa susunod na magpang-abot talaga ulit kami ng dukesang yun, aba PATI MATA NIYA LALAGYAN KO NG TETANO! Uh? Nagulat ako kasi pinaghiwalay ni Hio ang mga kilay ko. "—Oh nakasimangot ka na naman?" Umiling ako sa kanya. Tapos na yata silang mag-usap ni Coffee. Naglalakad na naman kaming apat; yung parang kagabi lang, ang naiba nga lang ngayon ay yung mga suot namin. Balik na kami sa dati naming porma. Ako? Nakasuot ng itim na corset, black mini shorts, black-and-white stripe socks na lagpas tuhod at high platforms.. to compensate for my height! May suot akong elf hat na kulay black at yung tangkay niya hanggang bewang ko. Mukha na akong seksing itim na duwende ano? Hmp. Sana lang di ba pumapartner sakin si Hio. Wala talaga siyang kalatoy-latoy pumorma. Ngayon ang suot niya, isang negativi-tee na ang nakalagay ay "Madamot". Then as usual, fitted jeans and chucks. Coffee is wearing an untucked white polo shirt na may lose necktie, tooled jeans and belts, and tooled boots— tss gusto kong magkaroon si Hio ng ganyang fashion sense! Sumulyap ako kay Mie. Nakasuot siya ng itim na hoodie na may bunny ears. Nakakapit siya sa bisig ni Coffee. Ginaya ko siya, kumapit ako sa bisig ni Hio. Okay pagpalagay na nga nating FC na FC siya. Pero di ko sukat akalain na papatulan niya si Mionette. Nagpapasikat? Ano ba siya, adik na kay Coffee? Sabagay pabor para samin yun. Atleast hindi ko na sisikmurain si Lord Holic. Nasa panig na namin ang pinakamalakas na Marquis! Minerva von Hairenn.. Pagkatapos ng nangyari sa kanya at sa kanyang Knight, mabuti at nakakangiti na siya ulit—- "—Shall?" Tumingala ako kay Hio. "Ano?" Ngumiti siya at sinabing. "Wala lang. Gusto ko lang tumingin ka sakin. Hindi ko kasi makita ang mukha m—" STOMP! Inapakan ko ang paa niya. So pinagdidiinan niya talagang pandak ako at siya kapre ganun?! Such a LOSER. "Wooo hindi ako nasaktan!" Bampira na nga pala siya ano? Heh, subukan mo to— Humablot ako ng bakal sa pantalon ni Coffee. Nagpalit anyo yun at naging dos por dos na tubo, three rulers long. Ihahampas ko yun kay Hio nang biglang— TING! —Itinalon ni Mie si Coffee sa itaas ng bubong ng isang bahay at ako, dumausdos ng ilang metro habang salag ang napakalaking karit ng isang HIGANTENG BUTO-BUTO?! Saan to galing?! Hindi magkandatuto si Hio na nasa likod lang ng higante. "—AHH WAG KAYONG MAGPANIC! Kaibigan ko siya—!" bumaling si Hio sa kalansay. "—JACK, umalis ka na bilis! W-walang umaaway sakin dito! Dali na!" JACK?! Yaks ang baduy ng pangalan. "PARE HANU NANYAYARE SENYO?! Seno kaosap mu?!" Lumalabo ang pigura ng kalansay hanggang sa mawala iyon. Lumundag pabalik si Mie bitbit pa rin si Coffee. "ANO YUN?!" sabay-sabay naming tanong kay Hio. **** Hio's POV: Napakasadista talaga ng syota ko. Seryoso talaga siyang bigyan ako ng body pain! Dapat pala nagpanggap na lang akong nasaktan. "ANO NA?! SAGOT!" Napakamot ako sa ulo ko. "—Kapag may panganib, basta na lang siyang lalabas para ipagtanggol ako." Humalukipkip si Shall. "BAKIT KA NIYA IPAGTATANGGOL? ANO MO SIYA?!" Ano ko si Jack? Sandata. Pero masyadong mahina ang kapangyarihan ko kaya hindi ko makokontrol kung kelan siya lalabas. Ang okey lang dun, pwede ko naman siyang paalisin dahil makikinig naman siya sakin. "Ah! Familiar ang tawag dun hindi ba—?" hilig talaga makisabat ni Mie. Pero may kwenta naman mga sinasabi niya kahit papaano. "De ako makarelet!" ani Kape. Wala talaga. Hindi kasi nakikita ng tao ang isang reaper. "Ano ang familiar?" tanong ko. "Hmm.. Ang familiar ay mga hayop o kakaibang nilalang na kakontrata ng isang bampira.. At sa pagkakaalam ko, ang mga Vizconde lang ang may kakayahang magkaroon ng Familiar." Nangunot ang noo ko. Vizconde? Maharlika din yata sila. Pero bakit ganun— "—Bakit wala pa yata akong nakikilalang mga Vizconde?" Naging seryoso bigla ang dalawang chix. Muling nagsalita si Mie. "—Mas mababa ang mga Vizconde sa mga Konde pero pwede silang mas maging makapangyarihan. Tatandaan mo kamahalan, sa monarkiya ng mga bampira, hindi nalilimitahan ng ranggo ang kapangyarihan. Ngayon, tatatlo na lamang ang bampirang may titulong Vizconde." "Bakit ang konti nila?" "—May dalawang klase ng mga Vizconde, ang mga Tamer at mga Charmer— gaya nga ng sinabi ko, may kakayahan silang magkaroon ng Familiar. Pinangilagan noon ang mga Charmer dahil may kakayahan silang magpasunod ng kapwa bampira sa maraming paraan kahit walang eye-contact. Karamihan sa mga Charmer ay pinaslang at ang iba sa kanila ay kalaban na ngayon; ngunit ang pinakamalakas na Charmer ng henerasyon ay ang dating pumanaw prinsipe: Si Lord Orpheus, ang iyong ama.” Mula sa mga alaala ni Papa, sinabi niyang hindi siya malakas at ang tanging maipagmamalaki niya ay ang kanyang musika. "Kung nasa level lang siya ng pagka-Vizconde, bakit siya naging Prinsipe?" FAQ mode kami ah. Hehe! "—Ah! Dalawa lang ang paraan para mapili kang prinsipe. Yung isa, kailangang mayroon kang dalawang uri ng kapangyarihan. Kung hindi naman, dapat nagtataglay ka ng kapangyarihang nawala na sa henerasyon o yung kapangyarihan na mula sa mga ancient. Ganun din ang requirement sa mga Prinsesa. Pero kahit sinong Dukesa pwedeng maging Prinsesa regardless basta itinalaga siya ng Hari o Prinsipe." Tumango tango ako. OKEY. Ayoko nang magtanong. Nakakanosebleed. At nakanguso na si Kape. Siguro mga dalawang blocks na lang kami papuntang bar nang may lumabas na isang lalake mula sa isang madilim na eskinita at sinadya niyang maglakad nang pasalubong samin. Huminto siya; huminto kami. Naging agitated tuloy si Shall. "Sino ka?!" Amoy bampira siya. Hindi ko maipapaliwanag nang literal, pero basta iba ang amoy ng tao sa bampira. Malinis siyang tingnan, naka- uniform siya ng isang private school, bagsak ang itim niyang buhok, at may suot siyang brown-rimmed eyeglasses. Mayroon din siyang wireless headphone na nakasabit sa leeg niya. Isa siyang dakilang POSER. Basta yun. Mahirap makapag-aral sa isang normal school kapag ikaw ay bampira kahit may night shift night shift pang nalalaman. Kasi hindi ka makakapag-concentrate eh. Para kang nasa supermarket at napakaraming free-taste! Bahagya siyang yumuko. "Magandang gabi, ako si Race Phalanx, isa akong Tamer—" Oh di ba Vizconde yun?! "Kilala kita. Isa ka sa tatlong Vizconde ng monarkiya. Nandito ka ba para batiin ang kamahalan o para manggulo lang din?" Ngumiti si loko. Itinaas niya ang dalawa niyang kamay na parang nakasandal sa salaming pader pero wala naman. Para siyang nagma-mime. "Nagkakamali ka Lady Minerva. Nandito ako upang hingin sa Prinsipe na paglingkuran ko siya. Ibibigay ko sa kanya ang aking buong katapatan." Sa lahat ng birthday ko, BAKIT NGAYON ATA YUNG MARAMING UME-FC?! "Okay." nag-snap ang kamay ni Minerva. Biglang bumaba ang mga kamay ni Race. Tumingin siya sakin. "Kamahalan, di sinasadyang nakita ko ang tagpo kanina. Kahanga-hangang nagkaroon kayo ng Familiar na isang reaper. Ang mga tamer na gaya ko ay sumusuot sa iba't ibang dimensyon, oras at lugar upang mangaso subalit kahit kelan ay wala pang nakabalik ng buhay mula sa paglalakbay sa mundo ng mga patay. Para sakin, nararapat lamang na kayo ay galangin." Masyadong magalang ang taong ito amp. Tama na ang isang Noir dito. Lumapit ako sa kanya at tinapik ko siya sa balikat. "Dre easy ka lang. Wag kang masyadong pormal pormalan ha?" **** Race's POV: Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ng kamahalan. Yeah astig! Nakakabadtrip kayang magpakamaginoo kuno kung ayaw mo naman talaga. "Ang totoo niyan, fan ako ng ForMad pero bihira lang ako makapunta ng bar niyo. Busy lang. Tas nabalitaan ko sa mga paniki na magkakaroon kayo ng album. Kaso ang tagal tagal na wala pa— Eh kaya ngayong day-off ko, pupunta sana ako para itanong sainyo kung kelan kayo magrerelease ng album." Nagkatinginan sila. "Ah yun! Nako! Hindi nga pala kami nakakaattend ng recording session!" sagot ni kamahalan. Anong klaseng banda ba sila, walang pagpapahalaga sa mga fans? "—De ko alam mey pans na pala tayo?" mukhang gulat na gulat yung guitarist nilang may kakaibang lenggawahe. Whoa hindi sila aware na may fans talaga sila?! Nilingon siya ni kamahalan at bigla na lang siyang nakatikim ng konyat. "—ENGOT KA TALAGA KAPE! Palibhasa puro chix na nagpapa autograph lang ang binibilang mo!" Mukhang ang saya nilang kasama. Kinalabit ako ni Galatea. Siya yung vocalist nila! Mas maganda siya sa malapitan. Marami ang nagkakacrush sa kanya dahil mukha siyang manika. Maliit nga talaga siya ano. Tas nakacosplay pa siya na parang itim na duwende? A weird vampire. "—Lord Race, pasensya na sa ugali ng Prinsipe— Ahh kung may request kang kanta sabihin mo lang—" Hinatak siya ng kamahalan. Relaks po. Hindi ko aagawin si Galatea. "—BASTOS KAAA HINDI PA AKO TAPOS SA SINASABI KO SA KANYA DI BA?!" "BAWAL KANG MAKIPAG-USAP SA IBANG LALAKE OKEY?!" Madamot! Ang sweet nilang magsigawan sa harap ko grabe. Pero pleasant naman si kamahalan nung kinausap niya ako. Nagpass the message lang. "Oo, pag may request ka, sabihin mo lang! Tara na, kanina pa naghihintay si Noir eh." Naglakad nga kami ng ilan pang minuto. Pagdating sa bar, naghiwa-hiwalay na kami. Naupo ako sa isang table na hindi ko shineshare sa iba kahit pa sa mga magagandang babae. Hindi ako masyadong pinapansin ng mga bampirang clubbers. Popular ang pangalan ko ngunit mabibilang lang sa kamay ang mga nakakakila sakin sa mukha. Hindi naman kasi ako sumisipot sa buwanang pagpupulong ng mga maharlika. Mas buhay barbaro nga ako kaysa buhay maharlika. Sa nangyari kasi sa mga kapwa ko Vizconde, mahirap nang magtiwala. Pero ngayong malakas na ako, susubukan ko namang ako ang pagtiwalaan lalo na ng kamahalan. Alas diyes ng gabi, dumoble ang mga bampirang nandito. Dinig ko pa nga mula sa taong bouncer na nasa entrance na mayroon pang mga nasa labas at di na makapasok. Karamihan sa kanila ay hindi naman talaga ForMad ang sadya kundi ang mangyayari mamayang ikalabindalawa ng hatinggabi. Ang pangyayaring tatatak sa kasaysayan ng mga maharlika. Ang pinakahihintay na koronasyon. —— Meow, finally after 47 chapters, na-sort out ko din to.. :) NOBLES -DUKES- +Telekinetic- Strongest among the dukes. May kapangyarihan silang magpagalaw ng mga bagay/tao using their mind. +Elemental- nature benders, particularly the major elements. +Disabler/Canceller- may kakayahan silang alisin ang senses ng isang tao o bampira. More powerful ones can permanently disable another vampire's power. +Illusion Masters- nakakagawa sila ng mga ilusyon na pwedeng fatal lalo na kapag hindi iyon narealize. -MARQUIS- +Divider- Nakakagawa sila ng mga invisible closed boarder. Actually, nagagawa din nila ang mga nagagawa ng mga Shielder at Porter. May instances ding may mga malalakas na marquis (like Minerva) na nakakagawa ng conditions sa loob ng isang closed boarder. +Shielder- specialized sila sa mga barrier na ang purpose ay pang ward-off ng mga magic/enchantments +Porter- specialized sa pagdudugtong ng mga magkahiwalay na lugar. -COUNT- +Morpher- Kaya nilang magpatubo ng extra parts sa sarili nilang katawan. E.g: wings. +Transfigurer- they could transfigure into anything. -VISCOUNT- +Charmer- may kakayahan silang magpasunod ng isa pang bampira depending on their method. E.g- Orpheus uses music. +Tamer- hunters ng mga kakaibang nilalang then make a contract para maging familiar nila. -BARON- +Seers- nakakabasa ng mga iniisip ng isang tao. +Mobilizers-same as Charmers pero ang kapangyarihan nila ay umeepekto lamang sa mga tao. -BARONET- +Healers- healing by physical contact. Tinatawag silang faith healer ng mga tao. +Brewers- Expert in concocting potions/medicine. Pwede na ring witch dahil ang iba sa kanila ay nangungulam talaga. *INDEPENDENT GUILDS— sinusweldohan sila ng mga maharlika for the service rendered. KNIGHT +Lord Knight +Squire +Pawn BATS/ Telepathic vampires +Royal messengers-exclusively para sa mga ministro at prinsipe. +Special- for nobles. +Ordinary-mga nagkakalat lang ng tsismis at blind items. A/N: Dumodobol update ako >_< really I just realized na I can’t write without batteries! Please enjoy reading! —— A/N: Dumodobol update ako >_< really I just realized na I can’t write without batteries! Please enjoy reading! —— Opus 48 Pagpatak ng alas onse ng gabi, huminto ang isang magarang itim na limosine sa tapat ng isang sikat na bar na ang pangalan ay 'Feral'. Napakarami ang naroroon subalit nagbigay daan ang mga iyon para sa sasakyan. Lumabas ang footman at umikot sa dulo upang buksan ang pintuan sa likod ng limo. Umibis mula doon ang isang binata, na ang suot ay mamahaling itim na tuxedo. Umayos siya ng tindig habang agapay ng isang walking stick ang kanyang timbang. Inayos niya ang kanyang tophat bago inilahad ang kamay niya sa loob ng limosine. May umabot niyon at inalalayan niyang makababa ang isang mabining dalaga. Kabaligtaran ng binata, simple lamang ang pananamit nito. Ang dalaga ay nakasuot ng maluwang na polo katerno ang napakaiksing maong na shorts at sandalyas na walang takong para sa mga paa niya. Nagsiyukod ang mga ususero pagkakita sa kanila. "Lady Larissa, gawin mo na." anang binata sa dalaga. Kumumpas ang mga kamay ni Larissa at sinabing "Lahat ng taong naririto ngayon ay mawawalan ng pandama sa oras—- Maaari niyo nang batiin ang mahal na Duke." "Magandang gabi Lord Hyperion!" sabay sabay ang mga bumati. Tumangu tango ang Duke. Inilibot niya ang kanyang paningin sa paligid. Walang sinuman ang nakatigil sa mga naririto sa labas. Ibig sabihin, nasa loob ang mangilang tao na naaamoy niya. "Pumasok na tayo sa loob Lady Larissa." yakag ng mahal na Duke. **** Hio's POV: —For they could not love you But still your love was true And when no hope was left inside On that starry starry night.. You took your life as lovers often do But I'm telling you Vincent, this world was never meant for one, as beautiful as you.. Kinikilabutan ako sa rendition ng ForMad ng kantang 'Vincent'. Ewan ko ba. Lahat halos ng kanta namin, luma. Kadalasan mga mellow naman, pero kapag tinutugtog na namin, para bang nabubuhay ang totoong sinasabi ng lyrics. Gumo-goth eh! Mapapasecond thought ka tuloy.. Si Vincent Van Gogh yung inalayan ng kantang ito. Sikat siyang painter. Pero.. Sino ba si Vincent na nasa lyrics ng kanta? Bampira din ba siya? Starry starry night.. Portraits hung in empty halls Frameless heads on nameless walls With eyes that watch the world and can't forget Like the strangers that you've met The ragged men in ragged clothes.. A silver thorn, a bloody rose Lie crushed and broken on the virgin snow.. Now I think I know what you tried to say to me.. How you suffered for your sanity And how you tried to set them free They would not listen they're not listening still.. Perhaps they never will— Biglang tumigil ang rhythm. Kaagad akong tumingin kay Kape. Hindi siya gumagalaw. Sa mga nanonood samin, marami rin ang hindi gumagalaw. Para silang naging mannequin! WTF is their problem? Lumingon ako kay Noir— umiling siya. Meaning hindi siya ang may gawa ng nangyayaring malawakang stroke. Yung mga nakakagalaw— mga bampira— binuhat nila yung mga taong pakalat kalat at itinabi sa gilid gilid. Nagmemake-way yata sila para sa kung sino man ang dadating. At pumasok nga ang isang lalakeng balot na balot akala mo winter lang. Takte ako ang naiinitan sa suot niya! Tuloy tuloy siyang naglakad papalapit sa stage at may kasunod siyang chix na hindi naman masyadong standout; yung tipong makakasalubong mo lang sa Glorietta. "Magandang gabi kamahalan, ako si Hyperion Liore, isa akong Duke. Nandirito ako upang ihatid kayo sa palasyo ng trono." May magagawa ba ako kung yun ang gusto nila? Amp. Hinubad ko ang strap at inilapag ang bass guitar kung saan na lang dito sa stage. Burara lang eh. Hinawakan ko ang kamay ni Shall. "—Hindi mo maaaring isama ang iyong Knight." dugtong kaagad ng Duke. "Ayoko." pagmamatigas ko. Pero si Shall ang kusang bumitaw sakin. Nagtitigan kami. "Sige na, sumama ka na sa kanila." wooo ganun ganun na lang niya akong ipamimigay? Wala man lang konting resistance? Salbaheng girlfriend. Sumama na nga ako sa Duke (nang hindi nag-iingay). Nadaanan ko ang table ni Poser— este ni Race. Okey wag siyang idiscriminate dahil tropa siya. Talagang siya lang ang nakaupo sa table na pang-apatan ha? Tumango siya sakin, parang 'goodluck'. Ganun din ang gesture ng mga bampirang nilalagpasan ko along the way. NAKAKALOKO. Hindi naman siguro ako ilelethal injection di ba? What the— sa labas, naghihintay samin ang magarang limo. Asteeeeeg! Sa TV ko lang naeencounter ang ganyang wheels! Pinasakay nila ako sa pinakadulo at pagkatapos, sinandwich nila ako. Sa may kaliwa ko, katabi ko yung chix, at sa kanan, yung duke— tae nakalimutan ko kaagad ang pangalan niya! Hehe. Nabuhay ang makina ng sasakyan. Hindi pa siguro aabutin ng metro ang tinatakbo namin, nakaramdam na lang ako ng urge na matulog. **** Shall's POV: Naupo ako sa stool pagkalabas ni Hio. Nangyari na— dumating na ang gabi na ayoko sanang sumapit. Tss. Hindi ko pa nababati ng 'Happy Birthday' si Hio! "—Shall? Asan se Dong?" Ah! Natauhan na si Coffee, pati yung ibang mga taong guests. Pero nagsisilabasan na sila. Uuwi na? Kagagawan na ito ni Noir. Malamang. "May sumundo sa kanya. Pero wag kang mag-alala kasi kilala ko naman kung sino yun at alam ko din kung saan sila pupunta." "Eh piro—" kung makapag-alala kay Hio ha?! So gay— ah teka, may naiisip ako.. "MIEEEE!" asan na ba yung bruha na yun?! "Bakit?" tanong niya. Nakasungaw siya mula sa backstage. Obyus na pinagtaguan niya yung dumating na Duke kanina. Sa pagkakaalam ko, yung Duke na yun at yung nakababatang kapatid ni Mie ay magbestfriend. Nilapitan ko siya at may ibinulong lang. " Wala na ang kamahalan kaya pwede mong iuwi sa bahay mo si Coffee. Bilis na! Pero wag mo siyang gagawing bampira ha?" Sorry Coffee, I sold you! Pero para din naman yun sa ikakabuti niya ngayong gabi lang naman. Baka kasi pagdiskitahan pa siya ng mga siraulong bampira sa tabi-tabi. Hindi kasi ako uuwi ng bahay ngayon dahil maghahanap ako ng regalo para kay Hio! Ngiting abot hanggang tenga ang isinagot sa akin ni Mie. Tumabi kaagad siya kay Coffee at kumapit sa braso nito na parang ahas lang. "Tara Kape!" "Ika, saan tayo popontaaa?!" sige ingat! Nang makababa sila sa stage, hinabol ko si Noir na pababa na rin. "Pupunta ka sa buwanang pagpupulong?" tanong ko. Tipid siyang ngumiti at diniinan niya ang balikat ko. "Wag kang mag-alala, mayroon akong paniki. Padadalahan kita ng mensahe—" "—Ako rin!" napalingon kami ni Noir kay Lord Race. Umakyat na pala siya ng stage. "—Ah hindi kasi ako dumadalo doon eh!" aniya pa. "Ikaw pala Lord Race! Ang tagal nating hindi nagkita! Sige makakarating din sayo ang ulat ng aking paniki kung yan ang gusto mo." Ang daya talaga ng manong na to. How come napakarami niyang acquaintance? "Oh Galatea, anong nangyayari sa anino mo?" itinuro nga ni Lord Race ang likuran ko. Bahagya lang akong lumingon. Gumagalaw ang anino ko at sa gitna nun, parang mayroong lalabas na kung ano. At yun nga, unti-unting umahon mula doon ang isang binata. Pagkakita ko pa lamang sa ulo niya, inilayo ko na agad ang aking paningin. Muntik ko nang makalimutan ang tungkol sa kanya. Eh, wala naman talaga akong pakialam sa kanya. Hindi na niya ako mapanghahawakan dahil wala na kaming problema ni Hio. Pero seryoso, magpapakita siya ngayon? Sa harap pa ni Noir? May mga brasong yumapos sa akin mula sa likuran. Hindi ako natinag. Pero ang kapatid ko, halatang namangha. "Ikaw ang Paladin hindi ba?" "Ako ang asawa ni Galatea. Nandito ako para kunin siya." sagot ng lalaking nakayakap sakin. Oo na! Siya nga yung Paladin! At sino siya para tawagin ang sarili niyang 'ASAWA KO'?! Ang kapal! "Totoo pala ang balita! Ang galing talaga ng mga paniki, hindi padadaig sa Twitter!" bulalas ni Lord Race. Tititigan ko siya ng masama. "Hindi ako sasama sayo—" kakasabi ko pa lang pero nandoon na kaagad yung feeling na parang lulubog ako sa isang kumunoy— Noir? Konting tulong here? "Pasensya na Paladin pero mukhang ayaw sumama sa iyo ng aking kapatid—" hinatak ako ni Noir. Phew. Dahil malaki pa rin ang difference ng Baron sa Knight, obligado ang Paladin na galangin si Noir. Akala ko tapos na ang kalbaryo ko. Yun pala, pasimula pa lang. Lalo na nang sabihin ng Paladin na: "Kung ayaw niyang sumama sakin, ako na lang ang sasama sa kanya." Tumawa si Lord Race. Kainis! "Oh siya, baka nakakaabala na ako dito. Uuwi na ako samin." wag ka na sanang bumalik! "Sige na Shall, kailangan ko na ring umalis dahil baka mahuli pa ako—" paalam ni Noir. Ganundin pala. Maiiwan at maiiwan ako sa piling ng lalaking kineclaim na mag-asawa kami. Asar! Bumaba na rin ako ng stage kalaunan. Naupo ako sa table kung saan nakaupo si Lord Race kanina. Sinundan ako ng 'asawa' ko at naupo siya sa aking tabi. Naging upbeat ang music. Mga remixes. May DJ na kasi na nasa boombox nagsisayawan ang mga bampirang adik sa party. Nilapitan kami ng aming bar girl na si Cindy. "Drinks?" "Vodka." itinaas ko ang hintuturo ko meaning 'one vodka'. Tas itong katabi ko ang pagbabayarin ko dahil wala akong dalang pera. "Yun lang?" Tumango ako kay Cindy. Wala naman sigurong balak mag-inom tong katabi ko? "Hanggang kelan mo ako susundan? Paano na ang Prinsesa mo?" tanong ko sa Paladin pagkaalis ng bar girl. "Magiging Reyna na siya kaya hindi na niya kakailanganin ng Knight pwera na lang kung maglalakbay siya." "REYNA?! Ayoko." akin lang si Hio. Period. Umakbay na lang siyang bigla sakin NANG WALANG PAALAM! "Wala ka nang magagawa tungkol dun dahil wala ka na sa monarkiya—" Brr.. Dinidiscourage niya ako and it’s creeping into my brain like rabies. Alam kong wala akong dapat ikatakot. Pinili na ako ni Hio. Nandito na kami. Kaso.. Kaso bat ganun? Kinakabahan ako na hindi ko malaman. Really weird feeling— Naibottom's up ko tuloy yung inorder kong isang shot ng vodka pagkalapag nun ni Cindy sa table. Kulang yung init na gumuhit sa lalamunan ko para pakalmahin ako. In the end, nauwi sa isang bote ng vodka ang tinutungga ko! "Ang lakas mo palang uminom." komento sakin ng pa— ah leche Div na lang ang itatawag ko sa kanya. So turn off na siya dahil malakas akong uminom? Mabuti naman kung ganun. Wah! Maghahanap nga pala ako ng regalo para kay Hio! Tumayo ako. "Bayaran mo ang bill ha?" Gagawin nga niya. Habang dumudukot siya sa inside pocket ng suot niyang amerikana, sumibat na ako palabas ng bar. Haaay.. Umiikot na ang paningin ko. Saan nga ba ako pupunta? May bukas pa bang tindahan? Wala pala akong dalang pera.. Ang daming hassle ngayon kaasar! Uuwi na lang ako ng apartment. Opus 49 Shall's POV: Kakalabas ko lang ng entrance nang may nakasalubong akong grupo ng mga bampira. Lahat sila, mga lalake; at lahat sila, panget! Nagkabanggaan kami ng braso ng isa sa kanila sabay hablot nun sa braso ko. "Hoy ikaw duwende, nakita mo ba rito ang bampirang nagngangalang Lord Race Phalanx?!" Akala ko hunter si Lord Race? Bakit mukhang siya pa yata ang hinahunting? At teka! Tama ba ang narinig ko?! 'Hoy ikaw duwende' at hindi 'Hoy ikaw babae' ang sinabi niya?! "Hindi ko siya kilala." pagsisinungaling ko. Suminghot ang kasama nilang nasa likod. Siya yung pinakapanget sa kanila. Greasy ang buhok niya, kasing greasy ng mukha niya! "Nagsisinungaling siya! Malakas ang amoy ni Lord Race sa kanya!" BASTOS! Anong karapatan niyang SINGHUTIN AKO?! Inuubos niya ang natitirang mabangong hangin sa paligid namin! "Hoy Mister! Baka sarili niyo lang ang naaamoy niyo? AMOY ANGHIT KAYA KAYONG LAHAT PATI ANG BABAHO PA NG MGA HININGA NINYO!" Kahit mga bampira tayo, ligo ligo rin! Paanong naassociate kay Lord Race ang mga dugyot na to?! Kaimba. Nagtagis ang bagang ng pinakamalaki at pinakamabaho ang katawan sa grupo. "SUMASAGOT KA PANG BUBWIT KA?!" "Aba talagang sasagot ako. Tinatanong niyo ako remember?" okey I get it. Mga bobo din sila. Naubos ang pasensya niya sakin kaya inunday niya ang kamay niyang may mga marumi at mahahabang kuko. May balak naman talaga akong gulpihin sila, naunahan nga lang ako ni Div. Dinurog niya ang braso ng bampirang sasakmal sana sakin. Sinapak niya, hinigh kick, chinoke slam, kinarate—basta yun— yung mga nakabanggaan ko. Kinalabit ko siya. "Huy tama na yan." "Mamaya papatayin ko sila—" "Huwag!" pigil ko. Nangunot at noo ni Div. "Bakit? Di ba may balak nga silang saktan ka?" Tinaasan ko siya ng kilay. "As if namang papayag akong saktan lang ng mga alipin? Alipin sila ni Lord Race Phalanx—" "Duwende— paano mo nalamang—" Bobo talaga sila! "Syempre, tatawagin mo bang 'Lord' ang isang bampirang hindi associated sayo?!" Lahat sila nag-"Oo nga naman!" "Bakit niyo ba hinahanap ang amo niyo?" "—Ah.. Kasi ipapaalam sana namin sa kanya na nasa malapit lang si Lord Trace!" Trace?! Pakialam ko kung sino yun? Makaalis na nga. Humawak si Div sa kamay ko. Tss.. Kesa mainis— Look on the brighter side Shall! Ang ganda mo! Isa kang Diyosa kaya baliw na baliw sayo kahit pa ang nakakatakot na Paladin! "Sigurado ka bang mapagkakatiwalaan ang Vizconde na yun?" kapagdaka ay tanong ni Div. "Ewan. Hindi ko siya kilala. Pero mukha namang mabait yun." sagot ko. "—May mga pagkakataong nasa iisang lugar lamang kami. Maaaring isa siyang mabait at palakaibiganing bampira subalit usap usapan ang pagkakaroon niya ng dalawang magkasalungat na sakit sa pag-iisip na nakuha niya noong pagkatapos niyang makitang isa-isang pinapaslang ang mga kapwa niya vizconde sa kanyang harapan." "Sakit sa pag-iisip?" "Hindi ko maidedetalye. Malaki ang patong ni Race Phalanx sa ulo kahit hindi naman siya kriminal. Ibig sabihin, mapanganib nga siyang bampira dahil marami ang handang magbayad mapatay lang siya." Oh? Ang nerd na yun? Parang mahirap paniwalaan. **** Race's POV: "Lumabas ka na tutal ay nararamdaman naman kita." sinukbit ko sa mga tenga ko ang headset ko at pagkatapos ay namulsa ako. Naroroon siya sa tuktok ng isang establisyemento na dalawang palapag lang ang taas. Hindi ko na siya kailangan pang tingalain, sayang lang sa muscle power. Siya ang may kailangan, siya ang humanap ng good angle para magkaharap kami. "Ang tagal na nating hindi nagkita Race. Tinataguan mo ba ako?" anang bampira sa itaas. Umismid ako na ewan ko kung nakita ba niya. "Ikaw? Tataguan ko? Pwede ba yun eh matagal na nga kitang gustong tapusin?" "Masyado kang mainit Race. Hindi pa nga ako nakakabawi sa ginawa mo sa mukha ko eh." Apat na bampira ang humarang sa magkabilang dulo ng eskinitang ito. Dalawa sa kaliwa at dalawa din sa kanan. "Mababang uri sila Trace.. Charmer ka pa naman." sabi ko nang hindi pa rin nakatingin sa kanya. Sino si Trace? Kakambal ko siya at sabay naming tinanggap ang pagiging Vizconde pitumpung taon na ang nakalipas. Isang gabi, bigla na lang siyang kumalas sa monarkiya at pinagpapapatay niya ang mga ka-guild naming Vizconde. Magkamukhang magkamukha kami kaya binigyan ko siya ng napakalaking pilat sa gilid ng mukha niya nung unang beses kaming nagkasagupa bilang mortal na magkaaway (pag nasugatan ng sandatang gawa sa silver ang isang bampira, nagpepeklat yun). Dahil dun, may pagkakakilanlan kung sino si Race at Trace. Kumilos ang mga bampira— sabay-sabay. Inalis ko sa bulsa ang kanang kamay ko. Tatlo sa mga daliri ko ang may nakatatak na simbulo. Ang isa doon ay nagliwanag. "Adara, lumabas ka ngayundin!" Lumitaw sa itaas ko ang isang Harpy o isang napakalaking ibon na may katawan ng babae. Ang kanyang mga paa ay katulad ng sa agila na may matatalas na kuko. Nag-screech si Adara at lahat sila ay nagsipagtakip ng mga tenga. "Aba.. Buhay pa rin pala ang munti mong ibon!" ani Trace. Correction, familiar ko siya! Inatake kaagad ni Adara ang pinakamalapit sa kanya. Mabilisan naman ang ginawa kong pagkilos. Tumalon ako ng napakataas hanggang sa maabot ko ang kinatutuntungan ng magaling na si Trace. Napakalapit ko sa kanya. Dumukot ako ng punay kaso nung ipupukol ko na yun sa kanya, humarang bigla ang isa sa mga alagad niya. Umagos ang dugo sa katawan ng alagad Pula.. Pagkaganda gandang kulay! Parang gusto ko silang pagpira-pirasuhin! Nanigas ang kanan kong kamay at humaba ang matatalim na kuko. Sinaksak ko ang alagad gamit lang ang kamay kong yun. Dinukot ko ang puso niya at ibinato ko kay Trace. Ibang klaseng adrenaline! Tsk. Gusto ko paaa! "HAHAHA! Ang gandang pagmasdan!" hindi pa ako tapos. Ayokong tumigil. Pinunit ko ang laman ng alagad hanggang sa mapugot ko ang ulo. Dinukot ko ang isang mata at pinisak. "Nababaliw ka nga talaga pag nakakakita ng dugo Race—" oh? Nangininig yata ang boses ni Trace? Ipinasok ko ang kamay ko sa bibig ng pugot na ulo at mula dun, hinila ko ang katiting na utak meron doon. Inihagis ko yun sa ere habang tumatawa! Ang ganda eh! "Nakita mo yun Trace? Ganun ang gagawin ko sayo— halika lumapit kaaa—" Napalingon ako kay Adara. Simigok siya. Nabilaukan sa kinakain niya. Bewang na lang ang hawak niya. Nalulon na niya ang kalahati eh. Inaatake siya ng dalawa pang bampirang alagad. Tumalon ako at pumatong sa balikat ni Adara. Nahablot ko ang isa sa kalaban. Winakwak ko ang kanyang sikmura at pinaulan ko sa ere ang kanyang mga lamang loob. Yan ang tinatawag kong 'sabog confetti'! yun nga lang naging abo. Sinakmal naman ni Adara yung huling alagad. Hinatak kong patayo at binarena ko ang bungo niya. Mula ulo, naibaon ko ang kamay ko hanggang sa puso niya. Punung puno ako ng sariwang dugo—ang saya! Hahaha! Pinanlisikan ko ng mata si Trace. Sumakay ako sa likod ni Adara para sugurin siya. Wala siyang ginawa kundi tumakbo ng tumakbo. "Bilisan mo pa nga Adara!" utos ko sa aking familiar. WALA NA! Hindi ko na nakita si Trace! KAASAR! Bumaba ako sa familiar ko. "BUMALIK KA NA!" nanlabo ang kanyang katawan at nag-ilaw na naman ang marka sa aking daliri. Nang mapag-isa ako, nagsimulang manginig ang buong katawan ko. Heto na naman ang takot ko. Ang takot na lumulukob sakin kapag nababalutan ako ng nanuyong dugo. **** Hio's POV: Sigurado akong may narinig akong parang malakas na 'Snap' kaya nagbalik ako sa aking kamalayan. Weird. Nakatayo kasi ako. Tas nasa gitna ako ng isang bulwagan. Sa harapan ko ay may mahabang isle na sa magkabilang gilid ay punung-puno ng mga tao-este bampirang magagara ang kasuotan. Sa dulo ng isle, may sampung senior citizen na nakatayo at sa likod nila, may hagdanan pataas sa apat na trono. Napansin kong iba na ang suot kong damit pagyuko ko; isang itim na suit na ang overcoat ay mahaba ang laylayan, lagpas lagpas pa sa height ko. Okey. Hindi ako nashock kahit first time ko pa lang makapunta dito. Ang nagpagulat sa akin ay ang babaeng umangkla sa braso ko at sinabi niya saking "Halika na—" Walang iba kundi si MEDEA! Oh God why?! Ang ganda ganda niya. Napahanga na naman niya ako gaya ng unang beses naming magkita. Pinuwersa niya akong simulan na ang paglalakad. Mga ilang minuto ang nakalipas, huminto kami sa harap ng sampung old people. Lahat sila ay yumuko. May isang lumapit sakin, siya yung pinakamatanda at kinuha niya ang free arm ko. Itinaas niya ang manggas ng suot ko tas inilapat niya ang palad niya doon. Ssssshhh.. Umusok bigla ang parte ng balat kong nasayaran ng palad niya. Pag-alis niya ng kamay niya, may naiwang itim na marka. Isang royal signet. Ata. Pagkatapos, humigpit ang pagkakahawak ni Medea sa aking kabilang braso. Pumihit kami hanggang sa nakaharap na kami sa mga bampira. "Ang ating mahal na Prinsipe na sa wakas ay tumuntong na sa palasyo ng trono!" ewan ko kung sino yung nagsabi nun. Basta lahat ng mga bampira sa harap namin, nagsiluhuran. Pero iba ang pakiramdam ko. Feels like a prodigal son lang. Ganun. Mabilis ang mga naging pangyayari sa buhay ko. Akala ko kailangan kong magsikap, mag-aral, magsurvive, magtrabaho dahil yun ang life cycle ng isang ordinaryong tao. Akala ko rin na masyadong akong ambisyoso sa palagiang pag-iisip na ipinanganak ako para sa isang malaking break, o great things. Yun pala ang tadhana. Hindi ito yung coincidence na nangyayari dahil nasa tamang lugar ang mga bagay bagay; kundi, ito yung mga pangyayari na hindi mo maiiwasang dumating at lalung lalong hindi mo matatakasan. Parang utang sa 5-6. Muli kaming tumalikod sa mga bampira. Nagbigay daan ang mga matatanda at kami ni Medea ay umakyat sa hagdan. Inihatid niya ako sa huling trono sa kaliwa at siya ay pumuwesto sa huling trono sa may bandang kanan. Ang layo namin. Sabagay lagi naman daw magkalaban ang mga nakaraang Prinsipe at Prinsesa liban kay Papa at Medea noon. Sabay kaming naupo. Kusang gumagalaw ang katawan ko. Parang may kumokonrol. Nilingon ko ang dalawang magkatabing trono na nasa pagitan ng trono namin ni Medea. Yun siguro ang para sa Hari at Reyna. —— direk_whamba Opus 50 Trace's POV: Tatanga-tanga talaga si Race! Hahaha! Hindi papasang kakambal ko ang lintek! Sisiguraduhin ko na talaga ang katapusan niya! Pinagmamasdan ko siya mula dito sa ituktok ng isang panibagong building na pansamantala kong pinagtaguan kanina nung nagkahabulan kami. Nasa estado na siya ngayon kung saan inaatake na siya ng kanyang phobia. Ipinain ko sa kanya kanina ang mga alagad na sadyang mahihina. Yun ay ginawa ko para lang i-trigger ang sakit niya. Hemophiliac ang ungas kong kakambal. At the same time, Hemophobic din. Dapat sa mga baliw na ganyan di na pinapatagal sa Earth! Bwahaha! Masyadong mabait si Race at ewan ko kung bakit. Pilit ko siyang hinihilang pababa sa putik kung saan nakalubog na ang mga paa ko; pero ayaw niya akong damayan. Dapat nga nagpapasalamat pa siya sakin eh. Dahil sakin kaya nakakatamasa siya ng kalayaan ngayon. Malupit sa amin noon ang aming mga magulang. Kaunting pagkakamali o pagsuway, hahagupitin kaagad kami ni ama ng pilak na latigo. Kaya ang gaganda ng likod namin eh! Isang araw napuno ako. Nanlaban ako at napaslang ko ang ama namin. Simula nun, magaan na ang buhay namin bilang mga Vizconde. Sabay naming pinamunuan ang House of Royal Hunters kasama ang iba pang mga kapwa namin Vizconde. Habang lumalaon, mas pinahahalagahan pa niya ang mga kasamahan namin kesa sakin na kanyang kakambal. Nagselos ako. Gusto ko ako lang ang sinusunod at pinapansin niya! Niyaya ko siyang tumiwalag sa monarkiya pero ayaw niya. Kung ayaw niyang lumayo sa kanila, sila ang ilalayo ko sa kanya! Pinaslang ko ang lahat ng mga Vizcondeng kaibigan ni Race— sa harap niya! "K-kuya, i-itigil mo na ito!" ang ugok ugok niya talaga. Nakakasampung vizconde na ako pero hesitant pa rin siya. Hindi siya lumalaban, o mas tamang sabihin na hindi siya kumikilos dahil hindi niya alam kung kanino siya kakampi. Hinigit ko ang mga pisi sa aking kamay. At nilingon ko ang dalawa kong tapat na alagad. Sina Teresa at Claire. Kambal din sila.. Fraternal. At hindi sila mga ordinaryong alagad lamang. Mga Kondesa sila; ang pinakamalakas sa hanay ng mga Konde. Pwede niyong sabihing nabiktima sila ng aking kapangyarihan. Gumagamit ako ng mga pising nababalutan ng aking kapangyarihan upang makontrol ang sino mang tanga na magpapahuli sakin. Yun nga lang hindi tatalab ang pangongontrol ko sa kapwa ko Vizconde. Tch.. Labinglimang Vizconde pa ang nakapalibot sakin. Lahat sila nakalabas ang kani kanyang mga Familiar. Kumilos na muli sina Teresa at Claire. Hindi na sila mukhang normal kung tutuusin. Meron silang higanteng panusok na gaya sa alakdan, mga sipit gaya sa talangka, mga galamay ng pugita. Kanin na lang ang kulang, PAELLA NA! Sa bandang huli, kaming dalawa na lang ni Race ang natira. Napakaraming dugo ang nagkalat kung saan saan. Hindi niya napigilan ang kanyang gutom. Doon na siya nagsimulang mapraning. Bigla na lang siyang lumapit sakin. Akala ko sasama na siya sakin para tumakas. Pero ewan ko kung saan niya nakuha yung silver na kutsilyo. Nasaksak niya ako sa gilid ng mukha at kinarag niya ang kutsilyo. Napakahapding experience punyeta! Natadyakan ko siya. Bumalandra siya sa pader. Tumawa siya ng tumawa. Wala siya sa tamang huwisyo para mag-usap kami. Patalikod na ako nang nahinto ang tawa niya. "Wala kang kasing sama. Papatayin kita Trace. Itaga mo yan sa bato." nilingon ko siya. Umiiyak siya at nanginginig ang kanyang buong katawan. At nilayasan ko siya. Na pinagsisisihan ko hanggang ngayon. Kung alam ko lang na mas lalakas pa siya dahil sa kabaliwan niya, sana ay pinatay ko na siya noon pa. Masyadong masikip ang mundong to para saming dalawa. At ayokong nakikita ang pagmumukha ko sa kanya! Hah! Hindi pa rin siya gumagalaw sa pwesto niya. "Teresa, Claire!" nasa tabi ko na ang dalawa kong Familiar. Sabay-sabay kaming susugod. Pinahaba ko ang aking mga kuko. Mas maappreciate ko kung sa mga kamay kong ito mamamatay si Race! Isa.. Dalawa.. Tatlo! BLAG! DAG! ASAR! Iisang pulgada na lang ang lapit ng kuko ko sa ulo ni Race nang may parang kung anong solid ang pumader sa pagitan namin! Wala naman akong nakikita! Hindi.. Isang Marquis ang may kagagawan nito! At sino ang pangahas?! Dog! Dog! Pumapalag ang mga familiar ko. Para silang nakakulong sa loob ng isang kahon na hindi naman nakikita! **** Minerva's POV: Binatukan ko si Kape at kanina pa siya walang malay na nakasalampak sa maalikabok na sidewalk. Kanina ko pa pinapanood ang laban ng magkambal. Yep cause of delay sila kaya hanggang ngayon ay di pa kami nakakauwi ng bahay. Kanina kasi naghahanap ako ng good spot para idugtong sa way ng mansion ko. Tapos timing, nakita kong nagkasagupaan sila Lord Race. Nakakadiri nga pala talaga si Lord Race gaya ng mga ibinabalita. Pero kagagawan yun ng salbahe niyang twin! Kung tutuusin hindi ako dapat makialam, pero ayaw ng puso ko. Humakbang ako palabas ng aking tinataguan. Nakakulong ngayon sa tatlong box sina Lord Trace at ang dalawang Kondesa na sa tingin ko ay familiar ng nauna. "Kaya mo bang tumayo Lord Race?" nanginginig pa rin siya kaya inalalayan ko na siya. "Ikaw si Minerva von Hairenn di ba? PAKIALAMERA! Palayain mo ako dito ngayon din!" kinakalabog ni Lord Trace ang closed border na ginawa ko. Goodluck na lang. Sampung patong ang kapal ng electric force field ang ginamit ko sa kanila. Hindi yun masisira ng kahit na anong talim. Yun nga lang, hindi ko pwedeng bigyan ng condition ang loob. "Diyan lang kayo hanggang pagsikat ng araw! Hehe!" ay anong oras na ba? Pagtingin ko sa watch ko.. Quarter past midnight! Malayong malayo pa ang umaga! Golly.. Tumawa ng malutong si Lord Trace. Napansin yata niya ang frown ko. "Bakit Minerva? Hindi mo ba kayang i-hold ang force field na to hanggang umaga?!" Brr.. Gusto niya akong subukan?! May point siya.. Magastos sa energy ang ginawa kong barrier at hindi ko alam kung hanggang kelan ko yun kayang i-hold. Psh.. Parang ako pa ang naipit dito ha! So pakialamera me kaseee! Hindi pa naman pwedeng atakihin ang force field from the inside and outside.. Pag dinisperse ko naman, matagal bago ako makakapag-cast ng panibagong pangkulong! By the time na makapagcast ako.. Baka deads na kami?! Kondesa pa naman yung mga familiar ni Lord Trace. "—Kakayanin ko!" matigas kong sabi. Umalingawngaw ang tawa ng tiwalag na vizconde. "Bakit ka nakikipagmatigasan?! Bakit ano ba sayo si Race?" Nilingon ko siya. "Wala. Pero galit ako sa mga kapatid na tumatabla ng kanilang sariling kapatid!" Inalalayan ko si Lord Race hanggang sa makapunta kami sa hinihigaan ni Kape. Kaagad kong pinagdugtong ang lugar papunta sa bahay ko. Aggh.. Nasapo ko ang dibdib ko. Mas nanghina ako sa paggamit ulit ng kapangyarihan— Pero kinaya ko. Namanage kong bumuhat ng dalawang lalake hanggang sa loob ng aking mansyon. Iniupo ko si Lord Race sa isang sofa. Si Kape nauna ko nang inihatid sa isang guest room at mahigpit ang bilin ko na WAG siyang KAKAININ! Nagpakuha ako ng isang basin ng tubig at isang bimpo. Lumapit ako kay Lord Race at pinunasan ko ang mga braso niyang balot ng nanuyong dugo. Medyo nawash-out na yung iba nang hawakan niya ang braso ko. "—Tama na. Mabuti na ang pakiramdam ko." sagot niya. Nawala na rin ang panginginig niya. "Gusto mong maligo? Ipapakuha kita ng damit." Tumango siya. Tinawag ko ang isa kong alipin upang samahan siya sa paliguan. Pagkaalis nila, umayos ako ng upo at ipinikit ko ang aking mga mata. Mahaba pa ang gabi ngunit hindi ko na yata matatagalan ang nasasaid kong lakas. **** Race's POV: Nakapikit ako habang nakatingala sa pumapatak na tubig mula sa shower. Payapa na ang aking kalooban kaya ayoko na munang makakita ng dugo. Malaki ang utang na loob ko kay Lady Minerva. Wala sa hinagap kong ililigtas niya ang buhay ko. Napakabuti niya para maging isang bampira. Pagkatapos kong magbihis— isang ternong silk pajamas na kulay puti ang ibinigay saking pamalit— tinungo ko agad ang sala kung saan ako unang dinala ni Lady Minerva kanina . Nandoon pa rin siya. Nakaupo siya sa sofa habang nakapikit. Napatanga ako pagkakita ko sa kanya. Unti unting naglalaho ang ganda niya! Lumulubog ang kanyang mga laman at dumidikit sa buto ang kanyang balat. Humuhumpak ang kanyang pisngi at nahahapis ang mukha niya! I can tell.. Masama na ang nangyayari! Dumulog ako sa kanya at bahagya ko siyang niyugyog. "Lady Minerva, itigil mo na ang paggamit mo ng kapangyarihan! Alalahanin mo ang sarili mo!" "Hindi, ayos lang ako. Kailangan kong matagalan ito hanggang pagsikat ng araw para matusta na ang mayabang na yun." pati boses niya ay nawawalan na ng energy— Masyado niyang pinapairal ang ego niya! Muli ko siyang niyugyog. "Tama na! Pabayaan mo na siya! Kung may tatapos man sa kanya, walang iba yun kundi ako!" Iminulat niya ang kanyang mga mata. Halos lubog na ang mga iyon. "Sige ititigil ko na. Alang alang sa pakiusap mo." Bigla na lang siyang hiningal na parang hinihika. Pumunit ako sa laylayan ng pang-itaas ng aking suot na pantulog. Ginamit ko yun upang ipiring ang mga mata ko. "Inumin mo ang aking dugo. Wag ka nang tumanggi. Isipin mong tumatanaw ako ng utang na loob sa pagliligtas mo sakin." Hindi siya nagsalita pero naramdaman ko ang kanyang paglapit, ganun din ang pagbaon ng mga pangil niya sa aking leeg. Nang mamanhid ako, nahiga ako sa sahig. Bahala na kung malinis o hindi. Nakakakiliti sa tenga yung mga himulmol ng carpet. Pagtanggal ko ng piring, nabungaran ko ang mukha ni Lady Minerva. Nakahiga rin siya sa carpet at magkaharap kami. Hindi ko pa siya nakikitang ganito kaganda. Napakabata niya at napakainosente. Tas ngumiti siya sakin. Bigla siyang bumangon at tinungo ang pintuan. "Pupuntahan ko si Kape." aniya. **** Trace's POV: PUNYEMAAAS! Talo ako sa kaba ha?! Walangyang Marquis na yun! WAHAHAHA! Sinabi na nga ba at hindi niya kayang tagalan ang pagbihag sakin! Pero malakas siya para sa isang Marquis. Kung nagkataon malapit na ang pagsikat ng araw, baka nga naabo na ako. Humanda sila sakin dahil hindi ako papayag nang walang resbak! Dumadami ang utang sakin ng Race na yun. Babayaran niyang lahat yun. Sisiguraduhin ko! —— direk_whamba Opus 51 Race's POV: Hindi ko na sinundan si Lady Minerva. Nang mawala ang pagkamanhid sa aking sistema, tumayo ako mula sa sahig. Inilibot ko ang aking paningin. Makaluma ang istruktura ng mansyong ito. May apoy sa tsimineya ngunit nakakaramdam pa rin ako ng bahagyang lamig. Sa tancha ko, ang mansyong ito ay nasa Norteng panig ng mundo, sa Europa marahil? Ang swerteng nilalang ng mga Marquis. Lumapit ako sa isang antigong tokador na nakasandig sa isang pader. Pila pila ang mga picture frames na nandoon. Tumingin ako sa isa. Hindi ko naiwasang mamangha. Kinuha ko ang frame at pinakatitigan. Litrato yun ni Lady Minerva. May kasama siyang lalake at nakakapit siya sa braso niyon. Ang lalakeng yun.. Kahawig ng taong isinama ni Lady Minerva dito! Yung.. Yung gitarista ng ForMad! "—Siya ang dating Knight ng aking Mistress." napalingon ako sa nagsalita. Isang alipin yun. Marahil? Nakasuot siya ng unipormeng pang maid. Lahat ng mga kasambahay ni Lady Minerva, puro gwapo at magaganda. Mahilig sa mga beautiful people! Binawi sakin ng maid ang frame, inalikabukan niya yun bago ibinalik sa dati nitong pwesto. "Ayaw ng Mistress na may gumagalaw ng mga litrato dito." bulong ng maid. Pero nacurious na ako. "Ano'ng nangyari sa Knight?" kasi sabi niya 'dating Knight'. Meaning hindi na ngayon? Lumingon lingon muna ang maid bago bumulong. "Namatay na matagal na— ang alam namin pinatay siya ng Mistress." Pinatay ni Lady Minerva ang kanyang Knight? Sa anong dahilan? Inisa isa kong tingnan ang mga litrato. Sa ikalawang frame sa kanan, may picture naman dun ng isang lalakeng pamilyar sakin. Isa siyang Duke kung tama ako. "—Si Lord Ganymede yan, nakababatang kapatid ni Mistress." Nakababatang kapatid pero mas mukhang bata pa si Lady Minerva. May itatanong pa sana ako sa maid kaso yumukod siya at bumira ng alis. Pumunta ako sa bintana, tiningnan ko kung may hulugan ng pera. May nakita naman ako. Medyo malakas ang hangin pagkabukas ko ng bintana. Kinuha ko sa bulsa ko ang aking coin purse. Dahil sa iba't ibang bansa nakatira ang mga bampira, syempre iba't iba rin ang currency. Kaya to make life easier, may sarili ding currency ang mga bampira: gold, silver, and bronze coins. Mostly ibinabayad lang ang perang yun sa mga paniki. Tas yun sila na bahalang magconvert to any cash. Malalaman mo na bahay ng bampira ang isang mansyon kapag may ganitong parang alkansya na nakasabit sa mga bintana sa pinakaitaas na palapag. Naghulog ako ng tatlong ginto at isinara ang bintana. Naupo ako sa isang couch. "Magandang gabi, ano ang gusto mong malaman?" relaks, paniki ang nagsalita. Kinakausap niya ako via telepathy. At sa buong lugar na ito, ako lang ang nakakarinig sa kanya. Wala akong ideya kung sino siya at kung nasaan siya. Ang alam ko lang ay babae siya dahil sa boses niya. Nagconcentrate ako at nagsalita sa isipan. "Gusto kong malaman kung ano ang nangyari sa dating Knight ni Lady Minerva von Hairenn." Kailangan clear ang iniisip mo. Para silang Google na may search engine; vampire google! Hehe. "Alam ko ang tungkol dun. Sisimulan ko na bang magkwento?" tanong ng anonymous paniki. "Oo sige." **** Minerva's POV: Nakatunghay ako kay Kape habang natutulog siya. As in nakaupo ako sa kama katabi niya. Inilapit ko pa lalo ang mukha ko sa mukha niya. Ganito yung feeling na nararamdaman ko noon nung kasama ko pa si—- Pero posible nga ba yun? Hindi ko pwedeng ituring na siya at si Kape ay iisa. Malayo. Malabo. "Eva.. Naniniwala ka ba na ang isang nilalang ay maaaring mabuhay muli pagkatapos ng kanyang kamatayan?" ump. Naalala ko na naman yung itinanong niya noon sakin, one night habang nagsstargazing kami. Naaalala ko rin, tumingin ako sa mga mata niya. Kasing kinang yun ng mga bituin. "Ano ba yang iniisip mo ha Rai? Bakit gusto mo pang mabuhay ulit kung imortal na nga tayo?" Si Rai, ay naging Knight ko noong ako ay naging Marquis. Siya lang ang nagmamay-ari ng puso ko. Marami ang kumokontra sa relasyon namin, marami din ang bawal. Hindi kami pinayagang magpakasal dahil nga Knight lang siya. Pero dahil matigas ang ulo namin, marami kaming mga bagay na ine-endure. Bahala sila, ang mahalaga magkasama kami. Kapag kasi ang maharlika umibig sa Knight, considered 'immoral' yun. Hindi kayo ikakasal ng ministro kahit mamatay pa kayo ng dilat. Hindi rin kayo titigilan ng mga paniki. Ibobroadcast nila kayo! Awa naman dahil staying strong kami kahit bato sila ng bato. "—Gusto kong magpaedad, ano sa palagay mo? Hindi tayo proportional eh para tayong May-December love affair." sinabi ko yan kay Rai nung first anniversary namin. Eh kasi naman, pang trese anyos tong katawan ko tas siya, disinuebe. At paano na lang kung mapatingin siya sa katawan ng iba?! Kelangan kong magkaroon ng womanly curves, boobs, bumper, mahabang legs— anu pa ba? Actually isa sa mga wonders ng ipinanganak kang bampira ay hindi mo alam kung kailan hihinto ang pisikal mong pagtanda mula pagkababy. Kumbaga sa tao, hindi mo alam kung kelan ka magmemenopause. Surprise! Pang-edad trese (human age) huminto ang aking physical aging. Good thing at nareremedyohan yan ng mga Baronet (Brewers particularly). May mga potion para i-adjust ang physique mo. Pero may catch. Pampatanda potion lang ang mostly available sa market. Once na ginamit mo yun, hindi ka na babalik sa dati mong physical age, pero pwede ka pa ulit magpatanda nang magpatanda hanggang uugod ugod ka na. Yung pampabatang potion kasi bihirang bihira yun dahil bihira lang din ang Baronet na nakakapagbrew nun. Hinawakan ni Rai ang mga pisngi ko habang nakangiti siya. "Ano ka ba Eva? Gustong gusto ko nga na ganyan ang itsura mo." gusto niyang mukha lang kaming magkuya? The Ef. Naawa naman siya sakin kaya hindi niya magawang tumingin sa mga seksing bampira. Joke. Alam kong mahal niya ako. Ayos na ang lahat eh.. Hanggang sa dumating ang isang gabi— "Rai?" wala siya sa kwarto niya. "RAI?!" Namaos lang ako ni hindi man lang siya sumagot. Galing ako sa buwanang pagpupulong kaya siya ang naiwan dito sa bahay. Kinakabahan ako kasi hindi ko nakita si Ganymede kanina sa palasyo ng trono. Wag naman sana? Tss.. Bakit ko ba pinag-iisipan ng masama ang kapatid ko? Magka-vibes naman kami kahit paano right? Ah! Baka gusto lang akong isurprise ni Rai.. Hmm.. "RAI NANDITO NA AKO!" Rrrrrrr... Rai? Rrrrr.. Lumingon ako sa likuran ko— Nandun siya. Pero imbes na matuwa ako, nanlumo akong bigla. Puti na ang kulay ng kanyang mga mata. Hindi ko na makita dun yung kislap na kagaya ng sa mga bituin. Wala na siya sa katinuan niya. Kung hindi ako naging maagap, malamang na sinasakmal na niya ako by now. Kinuyom ko ang palad ko. "GANYMEDE WALANGYA KA! ALAM KONG NANDITO KA PA!" hiyaw ko. Nagpakita nga si Ganymede. "Siguro naman ay ititigil mo na ang kahibangan mo ate Minerva." Balak niyang lapitan si Rai upang patayin sana sa harap ko pero— Ikinulong ko siya sa isang espasyo. "Ang kondisyon: hindi ka makakahinga dahil walang hangin." Naiiyak ako habang pinapanood ko ang kapatid kong nahihirapan nang huminga. "—Ate! P-pakawalan mo ako d-dito!" Bandang huli, pinairal ko pa rin ang pagiging magkapatid namin. Pinakawalan ko siya. "LUMAYAS KA SA HARAP KO GANYMEDE! AYOKO NANG MAKIKITA PA ANG PAGMUMUKHA MO!" mabilis siyang naglaho sa manipis na hangin. Naupo ako sa harap ni Rai. Maghapon magdamag ko siyang binantayan. Hindi ako umaalis sa pwesto ko. Hindi kumakain, hindi umiinom ng dugo. Ang mga araw ay naging linggo, hanggang sa naging buwan. Inabot kami ng kalahating taon. May lakas pa ako ngunit si Rai, halos wala na. Para na siyang buhay na bangkay. "—Lady Minerva, nagpapakamatay ka ba?" "S-sino k-ka?" tanong ko habang hindi inaalis ang paningin ko kay Rai. Sa loob ng kalahating taon, siya ang naging altar ko. Nakaluhod ako sa harap niya, at nagdarasal kung kaya ko. "Ako ito, si Noir. Pakiusap, palayain mo na siya, kapag pinatagal mo pa siya, mas lalo lang siyang mahihirapan." "Hindi ito ang lugar para samin. Sabay naming lilisanin ang lugar na ito—" "LADY MINERVA! Sa tingin mo ay ganyan ang gusto niyang mangyari?!" Tuyot na ang katawan ko pero may luha pang pumatak sa mga mata ko. Paano ako mabubuhay ng wala si Rai? May mali dito eh. "—Ang mga batas natin. Yun ang mali." ani Noir. Tumingala ako sa kanya. Tama siya. "Kailangan mong mabuhay Lady Minerva. Itama natin ang mga mali para wala nang maaapi gaya natin." at inilahad niya sakin ang palad niya. 'Gaya natin'. May nangyari din sigurong hindi maganda sa kanya. Nagpaakay ako sa kanya. Hinarap ko ang hinang-hinang katawan ni Rai. Pinahaba ko ang aking mga kuko. "Alam kong pagod ka na. Susunod ako sayo, sa tamang panahon. Mahal na mahal kita, Rai ko." ibinaon ko ang kamay ko sa kanyang puso. Sigurado akong wala ka na nung mga panahong yun, hindi ba Rai? Bumalik ka nga ba? Binalikan mo ako? Ikaw ba itong natutulog sa kamang ito? RAI? **** Kape's POV: Basa pesnge ko. Hayop baka natolo baga ang laway ko? Penelet kong domilat at— Nabongaran ko se Mee. Umeeyak seya. Senasahod neya ata yong luha neya sa pes ko. Penahed ko agad ang pesnge neya. "Mee, baket ka naeyak? Seno umaway ha imo?" "RAI, IKAW YAN DI BA? BINALIKAN MO AKO DI BA?!" hano na naman nesasabe neya? Piro baket nararamdaman ko yong saket na nararamdaman neya? Baket? Anong alam ko? Naupo ako at neyakap ko seya. "Mee wag na eyak—" Homegpet ata yakap neya. "Wag mo na akong iiwan ha?! Promise hindi na kita pababayaan. At— h-hindi na kita papatayin." Hee?! **** Race's POV: Isinara ko ang bahagyang nakaawang na pinto. Pasensya na hindi ko sinasadyang mapakinggan ang mga sinasabi ni Lady Minerva habang umiiyak siya. Pareho lang pala kaming trinaydor. Ang masakit dun, kung sino pa ang kadugo namin sila pa ang nanakit samin! Namasdan ko kanina ang kahinaan ni Lady Minerva habang siya ay umiiyak. Nalulungkot din pati ang puso ko. Ang alam ng lahat ay siya ang pinakamalakas na Marquis. Bukod dun, wala na silang malalaman pa. Pero paano na ang puso niyang sariwa pa rin sa sugat? Sino ang poprotekta dun? Kung wala man lang gagawa nun para sa kanya.. Ako na lang. —— Yun oh trumatriangle! XD direk_whamba Opus 52 Div Umbra's POV: Bumalik ako sa loob ng bar dahil bumalik ang asawa ko sa loob. Ang ginawa niya— mas lalong naglasing. Ang bigat siguro ng pinagdadaanan niya. Ang lakas ng toyo. Kahit minsan di ko pa yata siya nakikitang tumawa o ngumiti man lang. Kung hindi siya seryoso, galit. Pinaglihi ba to sa sama ng loob? Sinasayang niya ang ganda niya eh. Sabagay ganyan ako dati. Naiintindihan ko siya, marami talagang nakakainis sa mundong ito. Binubuksan na niya ngayon ang pangatlong bote niya ng Vodka. Wala akong balak pigilan siya sa paglalasing niya. Gusto ko lang siyang panoorin. Napasandal siya sakin. Lasing na lasing na nga, sige inom pa rin! Mayamaya, pumikit na ang kanyang mga mata at nakatulog na siya. Hinubad ko ang overcoat ko at ibinalabal sa kanya. Sinipat ko ang aking relo. Kapag lumipas ang tatlumpung minuto at hindi pa dumarating ang hinihintay ko, iuuwi ko na ang asawa ko. Habang naghihintay, hinawakan ko ang kamay niya kung saan nakamarka ang fleur de lis. Naroroon pa rin naman ang markang yun pero alam kong wala na iyong bisa. Napansin ko yun kanina nang may makabanggaan siyang mga alipin. Idiniin ko ang aking hinlalaki sa gitna ng kanyang palad. Kung gusto ko siyang mapasakin nang buo, kailangang umibig siya sakin.. yun na lang. Nakakainis nga talaga ang puso ng bampira. Daming inarte! "—Hinihintay mo ba ang pagdating ko?" anang binatang huminto sa harap ng aming mesa. Sa wakas dumating na ang kapatid ng asawa ko. "Ikaw si Noir tama? Nararamdaman mo bang gustong gusto kitang makausap ngayon?" Tumango siya. Lumingon ako sa asawa ko. Tumayo ako at binuhat ko siya bago ako nagtanong kay Noir. "Saan ko siya pwedeng ihiga pansamantala?" "Sa dressing room katabi ng backstage. Mayroong mahabang couch dun." sagot ni Noir. Sinamahan niya ako papunta dun. Nang maihiga ko na sa couch ang aking asawa, sumama ako sa kanya. Tumungo kami sa loob ng isang maliit na opisina katabi lang ng dressing room. Iminuwestra niyang maupo ako sa isa sa mga silya. Siya naman ay naupo sa likod ng desk. "Hindi ka isang bampira pero nagpapanggap kang bampira. Hindi ka naman din isang tao. Napapaisip tuloy ako." panimula ko. Ayoko ng paligoy ligoy. Ngumiti muna siya. "Napakagaling mo para makilatis mo ang pinakatatago kong lihim." aniya. "—Isa akong ancient, alam kong alam mo yan. Kalahati ng edad ng mundong ito ang aking tanda." Tumikhim si Noir. "Buweno.. Iniiwasan ko pa man ding makaengkwentro ng bampirang gaya mo, pero alam ko namang darating din ang araw na ito—- isa akong Anima. Nag-eexist ako para sa kapakanan ng iisang nilalang." Hindi ko inaasahan ang isinagot niya. Isang Anima?! Ang mga Anima ay sa mga kwentong alamat ko lang naririnig. Hindi sila nilalang. Sila ay kapangyarihan. Espesyal na kapangyarihan ng isang nilalang. "Dapat ba akong maniwala? Sino ang nagbigay ng eksistensya mo?" Ngumiti na naman si Noir. "Kilala mo siya. Ang mahal na Prinsipe. Si Hio." "Kailan ka pa nangyari sa mundong ito?!" aprehensibo kong tanong. "Ang alam ko ay mas matanda ako sa iyo. Wag mo nang alamin ang eksaktong taon. Nilikha ako ng isang makapangyarihang nilalang. Walang masyadong magawa noong unang panahon. Nakikita niya ang hinaharap. Nalaman niyang magbabago ang mundo. Maghahari ang mga higanteng hayop, mamamatay ang mga ito, magbabago ang klima, sisibol ang sibilisasyon ng mga tao, magkakagera, magkakaroon ng kapayapaan, uunlad, magmomoderno. Pinili ng nilalang na mahimlay at muling manumbalik sa panahon kung saan tapos na ang gera at maunlad na ang pamumuhay. Habang ako, naiwan sa mundong ito, bilang katunayan na siya ay magbabalik pa." "At si Hio nga yung nilalang na tinutukoy mo?" Tumango si Noir. "Bakit niya pinili ang panahong ito?" tanong kong muli. "Hindi ko masasagot. Pasensya na." Kaya niyang sagutin yun kung tutuusin. May iniiwasan lang talaga siyang mga tanong. "Ano ang ginagawa ng isang Anima na gaya mo?" "—Simple lang, ang tuparin ang lahat ng kahilingan ng aking master.. Yung mga posible lang mangyari sa mundong ito." "—Samakatuwid, maaari ka ring tawaging 'tadhana'?" Tumango siya. "Tama. Pero dumidepende ako sa lakas ng 'desire' ni Hio. May mga pagkakataong nakakaya kong gawing eksistensyal ang mga bagay na hindi nag-eexist." "Halimbawa ng?" "Halimbawa ay ang existence ko bilang ang bampirang si Noir. Nasa tabi ni Hio si Noir dahil iyon ang tadhanang gusto niya. Mula sa pagkakakilala nila ni Noir, may nabuong chain reaction o nagkasala-salabid ang mga tadhana na parang sapot ng gagamba. Dahil kay Noir, nakilala niya ang iba pang sangkot sa buhay niya ngayon. Walang kaso dun ang oras—gaya na lamang ng pagkikita namin noon ni Antonia bago pa maisipan ni Hio na gusto niyang makilala ang kanyang ina. May mga pagkakataong natutupad din ang hiling ng mga bampira o taong napapalapit kay Hio." "Ano pa ang iyong kakayahan?" Saglit na napaisip si Noir. "Basta ginusto ko, magiging magkakilala kami ng kahit na sino; kahit hindi naman talaga kami magkakilala. At—" binuksan niya ang isang drawer ng mesa. Kumuha siya ng gunting at isinaksak niya sa kanyang puso. Wala man lang dugo na umagos doon. At hindi siya naabo! "—Wala akong kamatayan. Si Hio, maaari siyang mamatay at mabuhay muli sa ibang panahon. Naroroon ako lagi para umagapay sa kanya. Lagi lang akong standby sa mundong ito. Pero.. maglalaho ako kapag ginusto yun ni Hio. Pag naglaho ako, wala na siyang tsansang isilang muli." Ibang klase. Hindi mapanganib sa labanan ang Anima pero malakas naman ang epekto nila sa takbo ng mundo! "Bukod sayo, MAY iba pa bang Anima si Hio?!" Umiling si Noir. "Ang pagbubura ng mga eksistensya ay diskresyon na mismo ni Hio. Pero bihira lang gumana ang kapangyarihan ng destruksyon. Kaso, sa sandaling magkaroon ng Anima na kabaligtaran ko, may posibilidad na masira ang mundong ito." Nanlaki ang mga mata ko. "Posibleng magkaroon ng Anima ng destruksyon?!" "Oo. Lalo pa at nagpakita na ulit ang Thanatos." "Ano ang kinalaman ng Thanatos dito?" "—Si Thanatos ay ispirito na posibleng maging Anima kapag nakalaya siya mula sa gapos ni Hio—" BANG! Nasuntok ko ang desk. "HINDI MAAARING MAY MAKATAKAS NA ISPIRITO GALING SA IMPYERNO! BAKIT WALA KANG GINAGAWA TUNGKOL SA THANATOS?!" "Pasensya na. Hindi maaaring may malaman si Hio tungkol sakin. Posible kasing magulo ang isip niya. Pag nangyari yun, hihina ako at lalakas naman ang kabilang pwersa." Bumuntong hininga ako tapos tumayo. Tinungo ko ang pintuan. "Sa tingin ko ay sapat na ang mga nalaman ko. Aalis na ako. Dadalhin ko ang aking asawa." "—Ang tatlong tarangkahan, posibleng maisara na rin sa wakas. Manalig ka lang." pahabol ni Noir bago ako tuluyang nakalabas. Alam nga niya ang lahat ng bagay pero wala siyang magagawa kundi ang mag-obserba lang. Sana nga ay mangyari ang sinabi niya. **** Hio's POV: Sakay ng isang karwahe, umalis kami sa trono ng palasyo para tumungo sa mansyon ko 'daw'. Kasama ko pa rin si Medea. Magkatabi kami pero hindi kami nag-uusap. Nakatanga ako sa bintana ng karwahe. Wala naman akong madungaw kundi itim. "Uso pa ba ang karwahe ngayon?" tanong ko kay Medea. Eh kasi pwede naman siguro ulit kami maglimo di ba? "Pasensya na. Ganito maglakbay ang mga maharlika sa tulong ng isang farer." "Farer?" ulit ko. "Mga bampirang may kakayahang maglakbay sa kung saang panig ng mundo nang mas mabilis kesa sa transportasyon ng mga tao. Dumadaan sila sa isang tunnel na sila lang ang nakakagawa." "Ah.. Para silang Marquis ganun?" "Mas mabilis maglakbay ang mga Marquis. Pero dahil maharlika din sila, hindi available para sa lahat ang kapangyarihan nila." Hindi na ako nagsalita kaya natahimik na naman sa karwahe. Parang touch move itong si Medea. Kapag di mo kinausap, hindi magsasalita. Nakaramdam ako ng relief nang makita ko na ulit ang buwan, at may scenery na kaming nadadaanan. Ibig sabihin malapit na kami sa aming pupuntahan. Titingnan ko lang ang sinasabi nilang 'mansyon ko'. Pero wala akong balak tumira dun. Aalog lang ako dun. Mas pipiliin ko pa rin tumira sa apartment namin ni Kape. Kamusta na kaya ang tropa? Tae kasi sino ba nagbihis sakin? Di man lang binalik yung iPhone ko! Kaurat. "HOOO!" sigaw ng kutsero namin. Tumigil yung mga kabayo. Tumigil din ang karwahe syempre. Sa tapat kami ng matayog na gate huminto. Maliit pa sa paningin ko yung mansyon sa kabilang side, meaning mahaba habang lakarin pa muna ang mangyayari. Anak ng. Bat di na lang ipasok ang karwahe di ba? Bumukas ang pinto ng karwahe. Inalalayan ako ng footman. Nang makababa ako, inalalayan kong bumaba si Medea. Kumapit siya sa braso ko. "Ayos lang ba sayo ang maglakad?" tanong niya. Tumango ako kahit ang totoo ay HINDI ok sakin. Sa kumpas ng kamay niya, bumukas ang gate. Pumasok kaming dalawa. Sa aming paglalakad, nadaanan namin ang mga naggagandahang bulaklak sa hardin. Sa tingin ko mas maganda silang tingnan kapag may sikat ng araw. "Nagustuhan mo ba ang mga rosas?" "O-oo." tipid kong sagot. Nadaanan namin ang isang malaking fountain, mas malaki pa yata sa sala ng apartment namin. May estatwang nasa gilid. Para siyang nananalamin sa tubig. Dumukwang ako ng bahagya. Malalim yung tubig kasi may estatwang nakalubog sa tubig. Babae naman yun at nakatingala sa lalakeng nananalamin sa tubig. "Si Narcissus yung binata at yung dalaga ay yung nimpa ng tubig, sila ba?" naitanong ko kay Medea. Napatingin siya sakin. Nangiti siya. "Paano mo nalaman?" "Nabasa ko lang.. Mula sa The Alchemist ni Paolo Coelho. Hindi ko na maalala ang eksaktong tagpo. Pero ang natatandaan ko, tinatanong ni Narcissus yung nymph kung bakit iyon umiiyak." Imagination ko nga lang ba na napahigpit yata ang kapit sakin ni Medea? "—Siguro iniisip ni Narcissus na ga-ilog na ang dami ng nailuluha ng nymph." sabi niya. Ang sabi ng nymph, naiiyak siya kasi, mula sa mga mata ni Narcissus, nakita niyang may nagpapahalaga pala sa katulad niya. Blind assumption. Kasi ang tunay na pinahahalagahan ni Narcissus ay ang hitsura ng repleksyon niya sa tubig. Walang iniwan sa pag-ibig. Kapag umiibig ka, nakakakita ka ng brighter side sa kahit anong bad romance. —— direk_whamba A/N: Double Update ^____^ Warning: Be a responsible reader.. those reading ForMad who were UNDERAGE please wag na wag tutularan ang sangkot sa chapter na to. ——- Opus 53 Noir's POV: Napakagaling kong magpanggap hindi ba? Maging kayo ay napaniwala ko. Tama, nagpapanggap ako bilang isang bampira. At bilang bampira, nagpapanggap naman ako bilang isang tao; naisip ko yan habang pinanonood ko ang bandang Capella mula dito sa backstage. Sila ay nandito dahil sa piniling tadhana ni Hio. Nararamdaman ko ang bawat tibok ng puso niya at malinaw kong naiintindihan ang lahat ng kagustuhan niya. May pangyayari na namang mabibigyan ng katuparan sa mga susunod na gabi. Hio.. Alam mo ba na hindi lahat ng gustuhin mo ay makabubuti para sayo? Pero anong magagawa ko.. Hindi ako nag-exist para saliwain ang daloy ng tadhanang ako mismo ang nagpapaagos. At sa kahilingan ng bandang Capella? Kung matupad man yun, may panibagong ugat na naman ang tutubo sa puno ng tadhana ni Hio. At pagkatapos, mayroon na namang uusbong na sanga. Buweno.. Sisimulan ko na. May mga bagay sa mundo na bigla na lamang ibibigay sayo kahit hindi mo hiniling. Ngunit mas madaling makuha ang mga bagay na matagal mo nang minimithi. Pero dahil minsan matsatsambahan mo ang kadamutan ng tadhanang kinakapitan mo, malamang na ikaw ay sisingilin. Handa na kaya sila? Rhien's POV: Then you held my hand 'Thought you won't let go— Nadako ang paningin ko sa isang dalaga na nakatunghay sa amin sa gilid ng stage. Nakangiti siya at para bang absorbed siya sa pakikinig ng aming kanta. All of a sudden, your hand slipped away I loved you You gave me suicide babe.. Alam niyo ba yung feeling na nararamdaman ko ngayon? Yung tipong six months na yung banda niyo, you write your OWN lyrics and you compose your OWN melody tapos— tapos walang nakakapansin sa talents niyo. AT naungusan pa kayo ng ForMad na walang originality dahil rinerearrage lang nila ang mga oldy songs. Good looks lang ang puhunan nila mga papi! Frustrating! That's the effin word. FUCK. SAGAD. Ewan ko ba sa kanila. Magagwapo din naman kaming mga taga-Capella; pero masasabi kong iba yung hatak ng sex appeal ng mga taga-ForMad. Head-turner ika nga nila. Frustration ko rin ang makitang parang wala silang problema sa buhay— I mean, hindi sila nahirapang maghanap ng gig dahil owner mismo ng bar ang drummer nila. Wala din sa kanila ang may financial difficulties. Sa banda ko, ako lang yata ang stable dahil may allowance ako sa Overseas parents ko. The rest of my bandmates, isinusuka na ng families nila dahil wala daw buhay sa rock n' roll. Parang 'hey get a life!'. Kaya siguro si Choi, nagsuicide attempt eh. Our unpopularity had its toll on us. No don't get me wrong, hindi ako NAIINSECURE sa ForMad. Or maybe yes, pero konti lang. I'm thinking that life is unfair. FREAKING UNFAIR men. Kaya nang makita ko itong si Miss Seksi sa gilid ng stage, nabuhayan ako. Imagine, lahat ng drinkers dito ay nakaupo. Siya lang talaga yung may effort na tumayo at lumapit pa ng stage. One listener made all the difference to me. To my struggling band career to be exact. I can't help it. Inilahad ko sa kanya ang kamay ko. She looked at it with curiosity. Pero inabot naman niya. Inakay ko siya paakyat ng stage na ngayon ko lang ginawa. Then I sang to her the last lines of the song. I want you now babe But if I can't have you I'll give you the sweetest death.. It's as if hinaharana ko siya because I'm still holding her hand. Marami ang tumili, may pumito pito pa, at may mga nagpalakpakan. Wow. This girl had been my lucky charm tonight. So after ng live namin, airing na naman ang DJ ng Feral. Niyaya ko si Miss na uminom. Umupo kami sa isang table sa may gilid, yung tagong parte, just in case na maligaw dito si girlfriend o kaya yung gay benefactor ko, madali ko silang maiispotan, at madali akong makakasibat. Inilapit ko ang bibig ko sa tenga ni Miss. "Anong pangalan mo?" Gahd she's hot. I wanna make out with her. NGAYON NA. She grinned. "—Call me Naiad." pretty EXOTIC name. "—Asan nga pala yung mga bandmates mo?" "Ah.. Nasa 'dressing room'. Doing their thing I guess." I lied. Malamang nasa banyo yung tatlo, nagpapot session. I don't need shabu now. I just had ecstasy earlier. Cloud nine pa naman papi. "—Alam mo, palipat lipat ako ng bar every night. Pero ngayon lang ako napadpad dito. At ngayon lang ako nakapakinig ng napakagandang song." drawing ba itong si Naiad? Flat na ako sa sobrang flattered ko. I didn't reply. Instead, I engaged in a liplock with her. SHIT. She's good! Kung game siya, whatelse sa kama di ba? Hmm.. Where to check-in, Victoria court or Sogo? Sa pad ko na lang kaya? Ah no, di pwede baka dumating ang GF ko. Nagvibrate ang celphone ko. Humiwalay muna ako saglit kay Naiad. I checked my phone. Mother fucker. Kala ko sinong tumatawag, GF ko lang pala. Jesus. "Sagutin mo na babe." ani Naiad. "HELLO?" sigaw ko sa phone ko "Rhien? Andito ako sa labas ng Feral. Meet me!" bakit di na lang kaya siya pumasok ano? Oh sabagay pabor yun sakin. Forewarning. "Sorry I have to go." tumayo na ako at lumabas ng bar. I'm pissed. Why? Dahil wala akong new chick tonight. Napurnada. "Over here love!" kumaway kaway sakin si Ronah. Yup, she's my GF. GF na habol ng habol kay Kape, yung guitarist ng ForMad. I liked Ronah despite of that. Kasing tanga na lang ni Kape ang hindi papatos sa kanya. San ka pa, may supplier ka ng condom at ecstasy. Oh yeah, she's a rich, spoiled bitch. Yumakap ako sa kanya. "Bakit ka nandito? Akala ko finals niyo at magrereview ka?" Hindi ko na inintindi yung isinagot niya dahil fixated agad ang mga mata ko sa chick na lumabas ng bar. That's Naiad. Nasundan ko siya ng tingin kaya— PAK! Sinampal ako ni Ronah. Hindi ako aware na tiningnan niya kung kanino ako nakatingin. "PUTANG INA RONAH!" kaya ayokong nagugulat eh. Napapamura ako ng murang-kalye. Ang sagwa parang Hio lang. Ayokong lumebel sa lalakeng yun na lahat yata ng mura nakapirma na sa dila niya. Shit siya mga ser! "Why are you staring at that bitch—?! HEY!" enough for nagging. Hinila ko siya papasok ng bar. Sana tumotoma na sina Choi. Nananahimik kasi tong si Ronah kapag may kasama kami. Napatingin ako sa table namin kanina. May gamit na naiwan dun. Lumapit ako para tingnan kung ano yun. I found an old book. Bulky siya dahil may bookmark na matigas. Nang mahawakan ko yun, may instant urge akong naramdaman para buklatin yun. "Kanino yan? Yucks ha parang pang-kulto?" komento ni Ronah. "Ronah diyan ka lang ah? Dadalhin ko to sa office, baka kasi balikan ng may-ari." my excuse. Okay that's a lie. "Sige, hihintayin kita dito." Sa banyo ako dinala ng mga paa ko. Sarado ang pinto amp. Tok! Tok! "Rhien to, open the door assholes." Si Lex yung nagbukas para sakin, our dreadlock-headed guitarist. "—Dickheads. Di pa ba kayo tapos?" sita ko. Lumapit si Choi at inabot sakin ang tooter. "Bilis Ding tunaw na ang bato!" "Shit kayo di ba kayo nakakaintindi ng 'pass'?" Nagtawanan sila. Mga high na eh. "Pare ikaw na ang english version ni Hio!" sabi ni Ali, our bassist. Binatukan siya ni Choi. "LOLS ALI! Anung panama ni Hio kay ser Rhien? Half Canadian yan pre! Si Hio half iskwater half tae!" Nagtawanan ulit sila kahit wala akong nakitang sense sa sinabi ni Choi. Para wala nang ingay, sinubo ko yung dulo ng tooter na itinapat ko ang kabilang dulo sa nag-iinit na foil. Hinithit ko yung usok. "Pag ako naoverdose bahala na kayo. Basta gusto kong kulay ng ataul, green!" biro ko. The fuck. Walang tumawa ah? Corny? "Pare ano yan?" lahat sila nakatingin sa dala kong libro. Inangat ko ang braso ko at tiningnang maigi ang libro. Itim ang bookcover niya tas may embellishing na red pentagram. Binuklat ko yun sa pahina kung saan may matigas na nakaipit. Maliit na bronze dagger pala yun na intricate ang design. Dinampot ko yun at ipinaikot ikot. "Para saan to?" "May nakasulat oh!" Tiningnan ko yung lumang pahina. May drawing dun, drawing ng dagger na hawak hawak ko, at may katabing phrase. Hindi ko maintindihan yung phrase, it's written in Latin. Pero may tissue napkin na nakapatong sa page. Parang inipit kasama ng dagger. May nakasulat dun. Good thing it's in English. "I shall bury this knife on the heart of a virgin maiden. See my deepest desire, and let it be granted." granted what?! Sorry, high na ako. Dried brain. Inagaw sakin ni Choi ang dagger. "Mukhang magandang panlaslas to ah. Hehe." parang lumalim ang boses niya. Inagaw ni Ali yung dagger. "Virgin? Uso yon? Pre sinong chick ang nandiyan?" Pinandilatan ko sila. "DON'T TELL ME TRIP NIYONG GAWIN YUNG NAKASULAT?!" Jesus what have I done? Inagaw ni Lex kay Ali yung dagger. "Pareng Rhien, trust me. This is our salvation!" "SALVATION MY ASS—!" siniko ako ni Lex. Nabitawan ko yung libro pero di ko na yun pinulot kasi isa-isa silang naglabasan. Sinundan ko sila dahil hawak pa rin ni Lex yung dagger. "Lovey bat ang tagal mo?!" sinalubong kami ni Ronah nang nakapout. Ewan ko pero kinabahan ako. Binulungan ko siya. "Ronah, get the fuck out of here. NOW." "What did you—?!" "Hi Ronah! Lalabas kami, bar hop, sama ka?" si Ali. Kakaiba silang tatlo. Parepareho lang naman kaming tumira pero bakit sila kakaiba?! No. "COOL! Tara? I brought my van!" sagot ni Ronah. Hindi ko na rin napigilan ang nangyari next. Naging sunud sunuran ako dahil sa takot ko. They're my bandmates. My responsibility. Sumakay kami ng van. Ako ang nagdrive at lahat sila nasa likod. I drove all the way to a creek somewhere dahil yun ang gusto nila. Nagkakatawanan sila nung una, na nauwi sa pagtili ni Ronah, and lastly, silence. I saw what my bandmates did to her. Then they threw her on the creek. That's it. We fucked up. Fucked up BIGTIME. **** Naiad's POV: Pinulot ko ang Ritual book ko na nailaglag ni pogi. Di ko man lang naitanong ang pangalan niya; pero wala naman akong pakialam dun. Natawa ako sa pagka-naive niya. Wala siyang idea na by reading what I've written sa tissue napkin, inuutusan na pala niya ang mga kasamahan niyang gawin ang ritwal. Marahil ngayon, katakut takot ang mararamdaman niyang trauma at guilt. Hahahaha.. Pero sigurado akong makakalimutan niya kaagad yun— lalo na kapag natanggap na niya ang kanyang reward. —— direk_whamba Opus 54 Kalix' POV: "—Maaari ba?" Ito ang isa sa mga gabing napakahaba. Ganun talaga siguro kapag may nagaganap na pagtitipon ang mga bampirang akala mo kung sino. Alas dos pasado nang tumapak sa teritoryo ko ang isang ginoong nagpakilalang Trace Phalanx. Aminado siyang isa siyang dating vizconde na ngayon ay tiwalag na. Hinihiling niya na bigyan ko siya ng matutuluyan pansamantala. Nasanay na ako sa mga barbarong napapadpad dito. Itinuturing nila ang sementeryong ito bilang santuaryo upang pansamantalang tumigil kapag maaabutan sila ng umaga. Hindi ko naman pag-aari ang hekta-hektaryang sementeryo na ito sa titulo; pero ako ang bampirang iginagalang sa loob nito. Mahigit labinwalong taon na rin buhat nang ako mismo ay napadpad dito. Ang alam ko lang noon ay bampira ako. Yun lang. Wala akong alam sa kalakaran ng mga gaya ko. Una sa lahat, aksidente lang ang pagiging bampira ko. Pangalawa, yung bampirang nagngangalang Orpheus, di ko maipaliwanag pero isinapuso ko ang kanyang utos: ang lumayo sa sibilisasyon ngunit piliting mabuhay hanggang sa katapusan ng mundo. Sa totoo lang, tinitingala ko siya. Diyos ang tingin ko sa kanya dahil nagawa niyang hugutin ako pabalik nang ako ay lamunin ng buo ng Erebus. Ang gusto ko ay mahigitan pa siya. "Ginoo?" pukaw sakin ng binata. "Pumapayag ako basta huwag na huwag kang gagawa ng kaguluhan habang nandito ka." Tumango siya. Binuksan ko ang aking ataul at nahiga ako sa loob niyon. Gusto ko ang katahimikan. **** Penumbra's POV: Lumabas kaagad ako mula sa anino ni Umbra nang oras na maramdaman kong pwede ko nang gawin yun. Nasa terasa na naman siya at nakatanaw sa malayo. "NAKAKAINIS KA UMBRA! Bakit mo yun ginawa sakin?!" Nakakapagtampo! Ilang araw na niyang hinarangang makalusot ako sa mga aninong nakapalibot sa kanya, NG ISANG MILYA! May ginawa siguro siyang kalokohan nitong mga nagdaang araw kaya ayaw niyang nasa paligid ako. ANG SAMA NIYA! Inuuto lang siguro niya ako nung sabihin niyang ako ay KAKAMBAL NIYANG KAPATID. Haist. Kainin niya yang sinabi niya. Isaksak niya sa baga niya! Sa dinami ng iniisip ko na gusto kong sabihin sa kanya, nginitian lang niya ako. "Kamusta ka na Penumbra?" Kamusta na ako? Mukha mo! "Halika lumapit ka sakin. Wag ka nang magtampo—" Lumapit nga ako at yumakap sa kanya. Tinapik tapik niya ang likod ko. Sige na naiintindihan ko siya. Kailangan niya ng privacy lalo na at magkaiba ang aming kasarian. "May nakilala akong Anima, Penumbra—" napatingin ako sa kanya. "Talaga? Sino?" tanong ko. Umiling siya. "Hindi ko pwedeng sabihin." "Naiintindihan ko Umbra." Hindi rin naman ako interesado. Sigurado akong naiinggit nang husto si Umbra sa kung sino man ang master ng Anima na yun. "—Ikaw kaya Penumbra.. Kailan— Ah kalimutan mo na." Lumayo ako sa kanya at tumingala sa kalangitan. Alam ko na yung tanong niya kahit hindi niya tinapos. Kailan ako magiging isang ganap na Anima. Ang sagot.. Malabo. Kung tutuusin, isa rin akong uri ng kapangyarihan gaya ng Anima o ang kapangyarihan na nagkaroon ng kakayahang mag-isip. Yun nga lang, masyadong kulang ang aking pundasyon kaya hindi ako pwedeng mabuhay sa mundo nang walang suporta. "Kailangan ko pang mas maging malakas para magkaroon ka na ng sarili mong buhay" ani Umbra. Hindi ko alam kung ang sinasabi niyang yan ay para sa kapakanan ko o para sa pansarili niyang kapakanan. Kilala ko siya. Madalas ang pagkamakasarili niya. At sa pagiging makasarili niya, ni hindi na niya nagagawa pang magdalawang isip kung minsan. Pero ako, palagi lang nasa tabi niya. Yun ang purpose ko eh. "Ayos lang sakin kahit ano pa ang maisipan mong gawin Umbra." **** Hio's POV: Alas tres ng madaling araw ang latest kong basa sa orasan. Tatlong oras nang kapit-tuko sakin si Medea. Nalibot na namin ang kabuuan ng unang palapag. Tapos ngayon, paakyat na kami sa second floor. Sa grand stairwell kami umakyat. Sa unang landing, naka-hang ang higanteng portrait ng aking nasirang ama at ng Kondesa. Isa lang daw ito sa mga mansyong pag-aari ni Papa. Walang tumitira dito pero may nagha-housekeeping. At teka, alam niyo ba kung saan to?! Surprisingly.. Sa Pilipinas. Sa isang liblib at tagong kagubatan. Walang Starbucks dito. At lalong walang kapitbahay. Gothic ang style ng mansion. May mga cupola, at spires na parang sa isang cathedral. Sa loob, carpeted ang mga sahig, kahit saan may mga eleganteng chandeliers, mga nakasabit na paintings, at mga statues. Ayun pagod na ako kakadescribe, basta mansion nga to! Pumasok kami sa isang silid na sa tingin ko ay ang library dahil sa dami ng mga varnished bookshelves. May nauna na samin dun. Isang lalakeng naka-business attire na sa tantsa ko ay nasa edad tatlumpu. Sitting pretty siya sa isa sa mga green armchairs kaharap ang mababang mesa. May nakapatong na stack papers sa mesang yun bukod sa bukas na attaché case ng lalake. Pagkakita samin ng lalake, kaagad siyang tumayo at bahagyang yumuko. "Magandang gabi Kamahalan, ako po si Mr. Sunny, ang financial manager ng pamilyang Darktower—" Pagkarinig ko pa lang sa word na 'financial', ayoko na. Pero naupo pa rin ako sa katapat na armchair dahil pinaupo ako ni Medea. "Ehem.." umubo muna si Mr. Sunny. "—Gaya po ng nakikita ninyo kamahalan, ang mga papel na ito ay mga deeds ng lupain sa iba't ibang panig ng mundo na namana ninyo mula sa inyong angkan." nanlaki ang mga mata ko. Yung isang dangkal ng papel sa mesa, lahat puro DEEDS?! Tiningnan ko nga yun isa isa. Meron sa Prague, France, Turkey, Poland at kung saan saan pa. "At inaayos ko na rin ang inyong local and Swiss bank accounts." asteeg ah. Hindi naman pala ako dapat mainggit kay Renato Corona! Nangamot ako ng ulo. "—Eskyusmi.. Pwede ko bang ipamigay ang mga yan?" tanong ko. Napa-"HA?!" sina Medea at Mr. Sunny. "Ah.. Pwede naman po yun kamahalan.. Pero may proseso." ani Mr. Sunny. Nag-isip ako. Okay, 1/2 ng kayamanan ko ay ipapamana ko kay Kape. 1/2 ay mapupunta sa charity. Ngumiti ako kay Mr. Sunny. "Aayusin ko na ang last will ko. Bigyan mo ako ng kumpletong listahan tapos ibibigay ko na lang sayo ang summary ng gusto kong mangyari next time." Napa-"HA?!" na naman sila. "S-susundin ko kung ano ang kagustuhan mo kamahalan." sagot ni Mr. Sunny. Pagkatapos niya akong bigyan ng listahang hinihingi ko, nagpaalam na siya. Kami naman ni Medea, sinimulan na naming libutin ang 2nd floor. "Mukhang hindi ka interesado sa kayamanang ibinigay sayo ng iyong pamilya." komento sakin ni Medea "Alam mo, kapag wala kang pera, marami kang pangarap. Pero pag nandiyan na ang pera, nakakagawa ka naman ng mga maling desisyon." takte ano ang pinaghuhugutan ko?! Ayoko lang talaga tanggapin ang kayamanan na hindi naman talaga para sa akin. Kaso nararamdaman kong masama ang tumanggi. Kaya ipapasa ko na lang! Patuloy ang paglalakad namin sa isang pasilyo nang may marinig akong tunog na parang nanggaling sa isang music box. Lumingon ako kay Medea. "May naririnig ka bang tunog?" Ngumiti siya. "Oo. Ito pala yung usap-usapan ng mga tagapagbantay ng mansyong ito—" Nakahinga ako nang maluwang nang malaman kong pareho kaming may naririnig. Pero yung mga sinabi niya? Wirdo eh. "Anung usap-usapan?" "May batang pagala-gala dito. Wala siyang pagkakakilanlan. Wala rin siyang kinakausap na kahit na sino bukod sa taong nakabili ng mansyong ito labinwalong taon na ang nakaraan." Hala? May housemate ako dito sakaling tumira ako dito?! Bampira din? "B-bakit siya nandito? Kapamilya ko ba ang batang yun?" Umiling iling si Medea. "Ang batang yun ay matagal nang patay." Napakapit ako sa braso ni Medea. AYOKO NG GANYANG KWENTOOO! Pero nagpatuloy si Medea. "Isang mayamang tao ang unang nagmay-ari ng lupaing ito. Siya ang nagpatayo ng mansyon. May pamahiin daw dati, na para tumibay ang pundasyon ng isang itatayong istruktura, kailangan daw maghalo ng dugo ng isang bata sa semento—" Tama naaaa! Tae. Ayoko naman magpahalatang nababading nako sa takot. Inalis ko ang bara sa lalamunan ko. "—At yung bata na yun ang nabiktima ganun ba?" usisa ko. "Oo." naiiyak yata si Medea. Kumilos ako at pinahid ang luha niya. Habang humihikbi, patuloy siya sa pagkekwento. "Hanggang ngayon ay hindi pa matahimik ang kaluluwa ng bata. Nagpaparamdam siya at paborito niyang paglaruan ay ang music box na nasa master's bedroom. Maraming beses na iyon itinapon pero himalang bumabalik daw yun sa dati nitong pwesto. Mula nun, kinatakutan ang mansyong ito at halos wala na ang gustong magmay-ari nito. Hanggang sa nabili ito ng iyong ama—" Paliko na kami tungo sa panibagong pasilyo nang may makita akong isang batang babae. Mukha siyang nakadungaw mula sa bukas na pintuan ng isang kwarto. Kulay pink ang bestidang kanyang suot, at nakatirintas ang kanyang buhok. Basang-basa siya na para bang nagswimming siya sa balong malalim. Nakangiti siya sa kabila ng putok at nagdudugo niyang ulo. Tumutulo ang dugo sa kanyang mukha. Bumubula ang kanyang bibig.. bakit kaya? Ipinaling niya ang kanyang ulo at tuluyan siyang pumasok ng kwarto na yun. Dapat akong matakot hindi ba? Pero nakaramdam ako ng kakaibang koneksyon sa pagitan naming dalawa. Kumalas ako kay Medea— "Bata sandali lang!" tinakbo ko ang kwartong pinasukan ng bata. Habang papalapit ako, mas lalong nagiging distinct ang tunog na galing sa music box. "Kamahalan? Saan ka pupunta? May nakita ka bang kakaiba?!" Nilingon ko si Medea. "Diyan ka lang okay?" Pagkapasok ko sa silid, kusang sumara iyon. Napansin ko kaagad ang mga footprints na dugo at sinundan ko ng tingin kung saan yun patungo. Huminto ang bakas sa likuran ng batang babae. Nakatalikod siya at nakaharap sa isang antigong music box. "Kuya.. Ginawa ko ang ipinangako ko sayo. Hindi ko na ito pinatunog kahit kailan; kundi ngayon na lang nang bumalik kang muli dito." Sa palagay ko, akala niya ay ako si Orpheus.. Humarap siya sakin. Bigla siyang nawala sa aking paningin— Dahil siya ay nakayapos na sa aking bewang. "Kuya.. Nandito ka para tuparin ang ipinangako mo di ba? Parang awa mo na.. Tulungan mo akong makuha ang aking mga labi.." —— direk_whamba A/N: Whew ito yung pinakamahabang chapter sa kasaysayan ng ForMad… nasasayangan ako kung puputulin ko pa sa bandang dulo.. Ayan.. ginawa ko nap o ang request ng isa nating ka-madness XD enjoy reading! —— Opus 55 Ang Prinsipe ng mga bampira na kasalukuyang nasa loob ng pinakamalaking silid sa mansyon ay nanatili sa kanyang kinatatayuan. Nakatingin siya sa malayo at tila malalim ang iniisip. "—Ipinangako mo yun di ba Kuya?" anang isang batang babae na nakayapos sa kanyang bewang. Hindi nito alintana ang nagdurugong sugat sa sentido. "P-paano ko naman gagawin yun, eh napakalaki ng mansyong ito." nag-aalangang sabi ng Prinsipe. "Nalaman ko na kung nasaan yun pero hindi ko makuha—" tiningala siya ng batang babae. "—ipahiram mo sa akin ang iyong katawan kuya, parang awa mo na." Bumuntong-hininga ang mahal na prinsipe, halata sa kanya na di siya sigurado kung pagbibigyan ang bata. "S-sige na nga." Ngumiti ang bata. Unti unting lumubog ang kanyang katawan papasok sa katawan ng mahal na Prinsipe hanggang sa sila ay tuluyan nang maging isa. Ano ang magiging komplikasyon ng pagiging maawain? **** Hio's POV: Conscious ako. Nararamdaman ko ang paligid ko— hindi gaya sa mga napanood ko sa mga pelikula na kapag sumasapi ang multo sa isang tao, nakokontrol nito pati na ang pag-iisip. Pero nagulat ako nang kusang kumilos ang katawan ko. Pumihit ako at binuksan ang pinto. Nabungaran ko si Medea. Nilagpasan ko lang siya pero sinundan niya ako. Binilisan niya ang paglalakad; nag overtake siya sakin at humarang siya sa dadaanan ko. "Saan ka pupunta kamahalan?" "Maglalakad. Magpapahangin." sagot ko. Nagpalit ng kulay ang mga mata ni Medea. Naghihintay ako kung ano ang mangyayari. Pero wala. "B-bakit.. hindi kita makontrol?" nagmumble siya. Parang ganyan yung sinabi niya, di lang ako sigurado dahil hindi ko masyadong narinig. Again, kumilos ulit ang katawan ko. Hinawi ko siya sa tabi at nagpalakad lakad na naman ako. Amp. Ganito ang feeling ng de remote control. "Kamahalan saan ka pupunta?!" hinahabol pa rin Ako ni Medea. "Dito ka lang sa loob. Sundin mo ako." sabi ko habang naglalakad pa rin. Wala na akong narinig na yapak kaya siguro huminto na siya sa pagsunod sakin. Bumaba ako ng stairwell at nadaanan ko na naman yung napakalaking portrait. Pagdating ko sa pinakalast landing, naglakad ako palabas ng main door. Dirediretso ako at sa isang direksyon lang talaga ako headed; patungo doon sa napakalaking fountain. Bakit kaya napakalalim ng fountain? Para talaga siyang mini swimming pool. Malaki yung mga estatwa eh, mga seven feet rin. Tas yung isa nakalubog pa. Sa tancha ko, nasa ten feet yung lalim ng tubig. Yun, huminto ako sa tabi ng estatwa ni Narcissus. Dumukwang ako at naaninag ko na naman ang statue ng nymph. Nagulat ako sa sunod kong ginawa! Ikinawit ko ang binti ko sa rim ng fountain na para bang maglulublob ako dun! "Waaah! Hindi ako marunong lumangoy!" nanlaban ako para makakuha ng kahit konting kontrol sa sarili kong katawan. Pero makulit ako! Amp! Nung naibaba ko ang binti ko, yung kamay ko naman ang kumawkaw sa tubig. Much worse dahil para akong gustong magdive! Nyeta. SINABI NANG DI AKO MARUNONG LUMANGOY DI BA?! Ewan ko kasi biglang may parang kalansay na kamay ang humila sa kamay ko. Malabo yung tubig banda dito eh. Sobrang lakas ng pagkakahila sa kamay ko kaya natuluyan talaga akong nalublob sa fountain. Splash! Medyo maluwang naman dito pero dahil madilim, nakakaclaustrophobic. Wala akong maaninag kundi puro bula. Amoy lumot. Lasang lumot. Pagkawala ng mga bula, binulaga ako ng batang babae. Nakadilat siya at nakatitig sakin. Malinis na na kanyang mukha dahil nawash away na ng tubig ang mga dugo dugo. Hawak hawak niya ang kamay ko. "Alam mo ba kuya, wala akong pinagkukwentohan tungkol sa totoong nangyari sakin. Kahit sayo. Pero sa tingin ko, dapat lang din na may maiwang kwento tungkol sakin—" TANG INA HARDCORE! Nagsalita ang batang babae habang nakamarinade kami sa nilulumot na tubig! Take note— malinaw na malinaw ko siyang naririnig! Shit. Nauubusan na yata ako ng hangin. Hindi ako makahinga.. Tulong— **** Ang Batang Babae: Hindi totoo yung nabuong kwento na ako ay pinatay upang ihalo ang dugo ko sa semento. Pero pinabayaan ko na lang ang mga usap usapan. Dumating ako dito sa mansyon, edad walong taon. Bagong gawa lamang ang mansyon noon. Kasakasama ko ang aking ama na pumasok sa loob. Ang sabi niya ay dito na daw ako titira simula ngayon. Sobrang nagulat ako dahil hindi ko inaakalang nagmamay-ari ng isang magarang mansyon si ama! Napagpasyahan niyang kunin ako dahil pumanaw na ang aking ina noong isang linggo lang. Dumadalaw si ama sa aming bahay pero ni minsan hindi pa siya natulog sa amin. Ang sabi ni ina, lubha lang daw siyang abala sa trabaho. Umakyat kami ni ama sa ikalawang palapag at kumatok sa pinakaunang silid na aming nadaanan. "Pasok." sabi ng malamyos na tinig ng isang binibini mula sa loob. Binuksan ni ama ang pinto. Nabungaran namin ang isang napakagandang babae na nakasuot ng mamahaling alahas at bestida. "Asawa ko, nagustuhan mo ba ang ipinatayo kong mansyon para sa iyo?" sabi agad ni ama. Asawa ko? Pero bakit—? Lumapit ang babae kay ama at nagyakap sila! Halos wala pang dalawang linggong patay si ina ay pinalitan na siya agad ni ama?! "Napakaganda mahal ko.. Teka, sino ang batang yan?" Nagbaba ng paningin si ama. Ginagap niya ang dalawang braso ng babae tapos ay lumuhod siya. "Patawad Luzviminda.. Anak ko siya— sa ibang babae." Bakit ganun.. Hindi ko maintindihan si ama? Dahil sa sinabi niya, naiyak ang babae. "S-sinasabi ko na nga ba! Ilayo mo sa akin ang bastarda mo ngayon din—!" Niyugyog siya ni ama. "Luz tanggapin mo na ang bata! Tanggapin mo na ring hindi mo ako kayang bigyan ng anak!" Marahas na pumalag ang babaeng si Luzviminda. "—SA SINABI MONG YAN SILVESTRE, PARA MO NA RIN AKONG SINAMPAL! Pinagtaksilan mo ako! Tingnan mo! Malaki na ang bastarda mo! Nagawa mo talagang itago ang kalokohan mo nang napakaraming taon!" Tumayo si ama at humarap siya sa akin. "Rose, lumabas ka muna ng silid na ito. Mag-uusap lang kami ng tiya Luzviminda mo." Agad akong sumunod lalu na nang tingnan ako ng masama ng babae. Paglabas ko, dinig ko ang sigawan nila. Hindi ko talaga naiintindihan ang mga sinasabi nila. Dumating sa puntong parang nagkakasakitan sila. Nang muling buksan ni ama ang pinto, nakita kong nakasalampak sa sahig ang babae. May pasa sa isa niyang pisngi at parang may sugat sa ilalim ng kanyang mata. Pero hindi pa rin nagbabago ang mga titig niya saking may bahid ng pagkamuhi. Kalaunan, tinanggap na rin ako ni Tiya Luz. Madalas wala si ama dahil sa negosyo. Halos buwanan kung siya ay umuwi. Natatakot ako kay Tiya Luz. Hindi naman niya ako inaalila pero palagi niya akong sinasaktan kapag nakakagawa ako ng mali. Sa sobrang takot ko sa kanya, halos hindi na ako lumalabas ng aking kwarto. Isang beses na umuwi si Ama, pinasalubungan niya ako ng isang magandang music box. Gustong gusto ko yun pati na ang tunog na nililikha niyon. "BWISET KA TALAGANG BATA KA! Sinabi nang ayoko ng maingay!" kinuha ni Tiya ang music box ko at dun niya inilagay sa loob ng silid nila ni ama. Palaging nakasarado yun at nagkasya na lang akong silipin ang music box ko mula sa keyhole ng pinto. Nahuli niya ako minsan. Piningot niya ako at pinaratangang magnanakaw. Ikinulong niya ako sa isa sa mga bodega at di pinapakain. Dadalawang araw lamang akong nakulong doon pero sa tingin ko ay magtatagal pa kung hindi lang umuwi si ama. Isinumbong ako ni Tiya Luz kay ama na nauwi na naman sa kanilang pag-aaway. Sa huli, nasaktan na naman si Tiya. Emosyonal at pisikal. Hindi ko makakalimutan ang narinig ko mula sa kanya. "Wala akong laban. Patay na siya pero siya pa rin talaga ang laman niyang puso mo!" Pagkatapos nun, biglang bumait sa akin si Tiya Luz. Hindi niya ibinalik ang music box pero pinapayagan na niya akong pumasok ng kwarto nila isang beses isang araw upang patunugin iyon. Siya na rin ang naghahanda ng pagkain ko. Pero nagsimula akong makaramdam ng pagbabago sa aking katawan. Nagiging mahiluhin ako at madalas nanghihina. Nitong huli ay palagi na akong sumusuka. Matutulog na nga lang ako, napabangon ako dahil sa nasusuka ako. Hindi ko napigilan at napasuka ako sa kobrekama. Nagkalat din ako sa carpet, pababa ng hagdan. At pagdating ko ng kusina upang kumuha sana ng tubig— Naabutan ko si Tiya Luz na nagtitimpla ng gatas. May ibinubuhos siyang kung ano mula sa isang botelya ng gamot na di ko alam kung para saan. Nagkatinginan kami ngunit ngumiti siya. "T-tiya Luz, masama po ang pakiramdam ko—" "Tamang tama, ipinagtimpla kita ng gatas. Nilagyan ko na ng gamot yan para bumuti na ang pakiramdam mo." Agad kong sinunggaban ang gatas. Nangangalahati pa lang ang baso nang sumuka na naman ako. Napakapit ako sa laylayan ng pantulog ni Tiya. "T-tiya sa-bi mo bubuti na ang pakiramdamam ko. P-pero—" Tumawa siya habang inaalis niya ang mga kamay ko sa damit niya. "Bubuti ang pakiramdam mo kapag namatay ka na! Kuha mo?" Mamamatay na ako? Pero ayoko pa— Nasukahan ko ang pantulog ni tiya. "LUMAYO KA SAKIN NAKAKADIRI KA! KASING NAKAKADIRI NG PAGKATAO MO!" "Tiya.. ay-oko pang m-mamatay." hindi pa rin ako bumibitaw. Nahawakan niya ang isang babasaging pitsel. Pinukpok niya yun sa ulo ko. Inulit ulit niya akong pinukpok sa ulo pero may lakas pa rin akong kumapit sa kanya. "BAKIT HINDI KA PA MAMATAY?!" Pinagbubuksan niya ang mga tokador— nakaladkad niya ako dahil hindi talaga ako bumibitaw sa kanya. Nakakita siya ng sako. Dahil wala na rin akong lakas at ulirat, naisilid niya ako sa isang sako. Hindi ko alam kung saan niya ako dinala. Naramdaman ko na lamang na lumubog ako sa malamig na tubig. **** Hio's POV: Sunod-sunod ang ginawa kong pag-ubo. Pagdilat ko ng mga mata ko, ang una kong nabungaran ay ang mukha ni Noir. Wet look si pogi. BAT NANDITO SIYA?! "Hio bakit ka naman nagnanight swimming tas di ka naman pala marunong lumangoy?" sige nang asar pa! "Nasaan si Medea?" "Nasa loob. Sinabi niyang inutos mo na huwag siyang lalabas. Para sa Prinsesang tatanggapin ang pagiging Reyna, absolute ang utos ng Prinsipe. Sino ba yang kasama mo Hio?" at itinuro ni Noir ang hintuturo niya sa may gawing kanan ko. Nang lingunin ko— Bigla yata akong nangilabot. Katabi ko ang isang bukas na sako. May kalansay duon na naka-fetal position. May mga buhok pa sa ulo niya. Tas ang mas nakakakilabot ay yung kamay niyang nakausli NA NAKAHAWAK SA BRASO KO! Pinawala ko ang takot ko. Mas nangibabaw sakin ang awa para sa kanya. Nagtagal siya sa ilalim ng tubig dahil wala man lamang nakakapansin. Nakita ko rin yun eh kanina nung unang beses kong tiningnan yung nymph. Hindi lang ako nacurious dahil mukha siyang latak ng statue or parang parte lang ng pedestal. Niyakap ko ang kalansay. Bahala na kung may natakot o nandiri sa ginawa ko. HINDI NIYO ALAM ANG FEELING. Bumigat ang mga mata ko. Umiyak ako para sa kanya dahil alam kong walang gumawa nun. Hindi siguro nalaman ng tatay niya na dinedo siya. "Halika Hio, ilibing natin siya." sabi ni Noir. Doon kami sa backyard naghukay. 3 feet lang. Di namin kaya i-6 feet. Tapos tinuhog namin yung isang sanga bilang palatandaan. Magpapagawa ako ng krus later. Siguro natatakot siya dahil ngayon pa lang siya tatawid sa kabilang buhay. Napatingin ako sa braso ko na hawak kanina ng kalansay. Natitigan ko ang rosaryong ginawa ko nang bracelet. Ito yung binigay sa akin ng isang matandang madre noon. Hinubad ko yun at isinabit sa sanga. "Rose.. May nagsabi sakin na kapag natatakot ako, magdasal daw ako. Alam mo, hindi ako nagdadasal eh kaya patuloy akong natatakot. Sana wag mokong tularan. At sana, kapag nagdasal ka, idamay mo na rin ako." Bukang liwayway na at papasok na kami ng mansyon nang umihip ang pang umagang hangin. May narinig akong bulong. "Kuya, salamat.." lumingon ako at sa may paahan ng kakahuyan, nakita ko ang malabong pigura ng batang si Rose. Kumakaway siya nang nakangiti. Huminto ako saglit at kumaway. Pinanood ko siyang maglaho. "Halika na sa loob Hio." nagpakay ako kay Noir. Hinatid niya ako ng silid. Naglinis ako ng katawan at naabutan ko siyang naupo sa kama ko. Nakapaglinis na rin siya. Tumabi ako sa kanya. Mas lumapit pa siya. Sobrang lapit tas hinawakan niya ang kamay ko. Tae nababading na naman ako dito kay Noir. Iba yung pakiramdam kapag dalawa lang kami. Gusto kong malaman kung bakit iba yung dating niya— "Noir bakit—" anak ng! Di ko naituloy yung itatanong ko sana DAHIL hinalikan na lang niya akong bigla sa mga labi. Shit enjoy na naman ako. Ano ba talaga ako mga dre?! Naparespond ako sa ginagawa niya. Tapos.. Tapos bumukas ang pinto. Nakita kong nakatayo dun si Medea. —— direk_whamba Opus 56 Noir's POV: Kumalas sakin si Hio pagkakita niya kay Lady Medea na nakatayo sa may bukas na pintuan. Nilingon ko ang Prinsesa. Halatang hindi niya inaasahan ang tagpong nakita niya. Tutop niya ang kanyang bibig ngunit nagawa niyang magsalita nang siya ay makabawi. "—Pasensya na, hindi ko sadya. Dapat ay kumatok ako." biglang nagsarado ang pinto pagkasabi niya nun. Tumayo si Hio hindi para sundan si Lady Medea. Lumapit siya sa isang mababang tokador at pinatunog niya ang isang antigong musicbox. Nahiga siya sa kama nang magsimula ang tunog. "Hindi mo ba siya susundan?" tanong ko. Hindi ako gumalaw sa aking pwesto. "Ayos lang yun. Mabuti nga at turn off na siya sakin. Siya na ang kusang lalayo— alam mo na. Ayoko ng problema habang maaga." "Ano ang ayaw mong problema?" "Alam mo kasi Noir, may espesyal na puwang si Medea dito sa puso ko. Ewan. Di ko maexplain— Ayokong mangyaring mainlove ako sa kanya." "Dahil ba kay Shall?" Tumango siya. Tas itinuro niya ako. "Ikaw rin. Gusto kitang lumayo sakin." nagiging prangka na siya habang lumalaon. Ngumiti ako. "Imposible ang hinihingi mo dahil magkabanda tayo. Wag kang mag-alala, wala akong pagtingin sayo. Lalake ako gaya mo—" ayan prangkahan kami. Napaupo siya at napatanga sakin. "Magkaibigan tayo di ba Hio?" "Oo?" Tumayo ako at tinungo ang pinto. "—Kaya naisipan ko lang pagtripan ka kanina. At dahil dinibdib mo yun, talo ka pare." **** Hio's POV: BOOM! Bihira lang sa bihira kung mantrip si Noir; pero pag nangtrip naman, SAGAD. Ayun, panalong panalo ang lolo na lumabas ng kwartong to. Tang inis! Gago yun ah. Pahiya pepot tuloy ako dun. Pero ayos ayos rin at timing. Gusto ko nga kasi talagang gumawa ng paraan para layuan ako ni Medea. Yun, sa nakita niya, malamang tatanggi na siyang makasal kami. Hehehe! Ironies nga naman. Dati gumawa ako ng paraan para lumapit sa kanya. Tas nung heto na siya, gusto ko na siyang lumayo. Kung hindi lang ako takot kay Shall baka nanchix na nga ako. Si Medea yun oh! Nagpagulong gulong ako sa malapad na kama. Kaurat dito! Wala akong magawa dahil naabutan na ako ng sikat ng araw. Simula nang maging bampira ako, nagkiss goodbye na ako sa halos kalahati ng one day ko sa ilalim ng araw. Nahagip ng mata ko ang landline sa tabi ng musicbox. Tumayo agad ako at inangat ang reciever— yes nagana! Idinial ko ang cellphone number ni Kape. Ring.. Ring.. Ring.. Putrages sagot! "Hello?" may nagpick up sa kabilang linya pero boses ng batang babae. "ASAN SI KAPE?!" sigaw ko. Ano ba ulit ang sasabihin ko kay Kape? Magpapasundo ako dito? Paano ba siya pupunta dito? "—Kamahalan ikaw ba yan? Ako ito, si Mie!" hala? MAGKASAMA SI MINERVA AT KAPE OVERNIGHT?! Tang inang Kape to oo, walang patawad! Child abuse! Mukha ngang di pa dinadalaw ng buwan si Mie tapos— POTEK! Gugulpihin ko talaga siyaaa! "—Kamahalan?" "Mie? Ni-rape ka ba ni Kape diyan? Isumbong mo lang sakin, bubuntalin ko yang gago na yan!" amp ngayon ko lang naalala na makunat na pala edad ni Mie! Narinig ko ang bungisngis niya sa kabilang linya. "Ano po ba yung mga sinasabi niyo? Wala pong nangyaring ganun! Nasaan ka ba kamahalan?" "Eh nandito ako sa mansyon sa gitna ng gubat tralala. Papasundo sana ako kay Kape dahil ayoko na dito— kaso di ko alam ang address dito!" Toot.. Toot.. Shit naputol ang linya. Wala na akong load?! Tss landline naman to ah? "Kamahalan!" napalingon ako. NANDITO SA KWARTO KO SI MIE! LIVE NA LIVE! Nasa likod niya ang isang linyang guhit sa sahig at karugtong nun ang ibang lugar pero looks like sa loob lang din ng isa pang mansyon. "Diyan ba kayo nag-istay?" sinilip ko ang 'the other side'. Malamig lamig dun. "Nasa Italy kami Kamahalan!" susyal. Nakarating ng Italy si Kape nang walang passport at VISA! "Kung gusto mong sumama sakin, halika na!" Wala pang 1second, nakatalon na ako sa kabila ng linya. Inantay ko muna na mabura ni Mie ang ginuhit niyang linya bago ko inilibot ang aking paningin. Mas luma ang mansyong ito kesa sa mansyon 'ko'. "Kamusta Kamahalan—" binati ako ng binatang nakaupo sa may couch. Si pareng Race. "Nasaan na si Kape?" "Natutulog pa—" sagot ni Mie. "Tara samahan kita sa kwarto niya." Nilakad namin ang mahabang pasilyo. "Nako wag kang maingay kay Kape na nasa Italy tayo! Maggagagala yun pihado— hindi pa naman tayo nakakalabas pag may araw." babala ko. "Yes po!" masiglang sagot ni Mie. Iba aura niya. Inlab? Nakarating kami sa isang guestroom. Tinakbo ko ang kama at bayolenteng niyugyog si Kape. "Hoy gising!" sinampal sampal ko na rin siya. Naalimpungatan si Kape after 45 minutes. Putangina. "Dong hain ta?" [nasaan tayo?] "Ha balay ni Mie." sagot ko. "Gumising ka na diyan at may ipapagawa ako sayo—" "Ano man?" "Eh kasi gusto kong—" "—ANO YUN KAMAHALAN? Pwede ba akong tumulong sayo?!" singit ni Mie. Langya la pa nga akong nasasabi! "Oh siya, lapit ka dito!" yakag ko. Nang magkakadikit na kaming tatlo— "Kasi ganito sana ang gusto kong mangyari ma—" "—Mukhang masaya ang pagpupulong niyo diyan ah? Pwede ba akong jumoin?" ani Race na nakasilip sa bukas na pinto. Sana patapusin niyo na ako sa sasabihin ko di ba? "Tara pasok pareng Race." Nang nag-umpukan na kaming apat sa malaking kama, sa wakas ay nasabi ko na sa kanila ang plano ko. Nakakunot ang noo ni Kape. "Ih pare, marame keyang prusiso. Kelangan mu ng ganto ganyan tapos—" Pak! Binonyatan ko siya. "Sinong me sabing susundin ko yun?! Kaya nga ko nagpapatulong sainyo di ba para maging posible yung GUSTO KONG MANGYARI?!" "Aweee! Gusto ko yaaan! Akong bahala sa venue!" excited na sabi ni Mie. "Saan naman?" tanong naming mga boys. "—Meron dito nun. Halos lahat ng lumang palazzo dito sa Florence, merong ganung lugar." Tumango tango ako. Si pareng Kape di na naman naintindihan. "P-Plorins?! Pates yun de ba?!" "—Kung wala kang mabuting dulot pare, MANAHIMIK KAAA." "Tamang tama, pagkatapos nun, pwede na tayong mamasyal. Matagal tagal na rin akong di nakakapasyal sa Piazza della Signoria kahit everyday akong nauwi dito. Ewan ko ba, mas masaya sa bansang Pilipinas eh. Maraming masasayang nilalang." pagkatapos ng mahabang litanya ni Mie, sabay kapit siya sa braso ni Kape. Tumingin si Race sa kanyang relo. "Tamang-tama ang oras, pwede na siguro natin yun gawin mamayang alas singko ng hapon." At yun nga, sinimulan na namin ang paghahanda para sa gagawin naming kabalbalan. Yun ang naisip ko para icelebrate ang birthday ko. Kung ano yun, abangan niyo na lang. **** Shall's POV: Pagmulat ko ng aking mga mata, inalala ko ang mga nangyari kagabi para naman mabigyan ko ng logic kung bakit ako nandito sa isang kwarto, nakaunderwear lang, AT KATABI SI DIV NA NAKAYAKAP PA SAKIN! Wala naman sigurong nangyari samin dahil nakapantulog naman siya? Di naman siya mukhang nagsasamantala ng mga babaeng tulog di ba? Brr.. Naghubad ba ako sa harap niya?! Di ko na maalala eh.. Pero nakakahiya! Sabagay anong paki nila kung gusto kong matulog nang nakaunderwear. Flawless naman ako eh. Kumilos ako at itinulak ko ang braso ni Div. Nagawa ko naman yun pero ibinalik din niya ang braso niya sa dating pwesto, at mas hinigpitan pa niya ang yakap sakin. Grr inis na ko ha. "Saan ka pupunta asawa ko?" "Diyan sa tabi tabi. Manlalalake." pilosopo kong sagot. Pumihit siya hanggang sa nakadagan na ang katawan niya sakin. Nagkatinginan kami. Malamlam ang kanyang mga mata na ngayon ko pa lang napagmasdang maigi. "Ayaw mo ba talaga sakin?" tanong niya. Napakasincere. Di ko maexplain yung pagleap ng puso ko sa tanong niya. Ayaw ko ba sa kanya? Sa totoo lang, siya yung perfect dream guy ko. Gwapo, simpatiko, magaling pumorma, misteryoso, a man of few words, hindi gagawin ang ayaw mo, walang bisyo, hindi trashtalker, hindi pinagyayabang ang 6feet na height, at napakaseryoso pero pag ngumiti eh makalaglag panty. Bukod sa good looks at height, KABALIGTARAN SIYA NI HIO. "H-hindi naman sa ayaw ko sayo. Naiinis ako dahil pinilit mong BIGLA ang sarili mo sakin. Ni hindi pa nga kita nakakasama nang ganun katagal." bakit ko pa nga ba siya sinasagot ng ganyan? Kay Hio na ako eh.. "Ganun ba? Kapag humingi ba ako ng chance, bibigyan mo ako?" Ayoko nang sumagot. Baka magkamali ako at pagsisihan ko pa. Tinanong ko na lang siya. "Bakit tayo nauwi sa isang kasalan? Dahil ba hadlang ako sa Prinsipe at Prinsesa? Dahil inutusan ka ng konseho? Bakit tayong mga Knight ang laging dapat nawawalan ng kaligayahan?" Akala ko dati, pag naging Knight ako, magiging malaya ako. Hindi rin pala ganun. Kapag Knight ka, hindi mo maiiwasang gawin ang mga bagay na ayaw mong gawin. Ako? May pinagsisihan na ba? Hindi ako natatakot pumaslang. Pero yung papaslang ka ng mga taong walang kasalanan at walang kalaban laban, masakit sa ego. At kapag nalaman yun ni Hio, kamumuhian niya ako panigurado. Ngumiti si Div habang ganun kalapit ang mukha namin sa isa't isa. "—Siguro hindi ka maniniwala kapag sinabi kong matagal na kitang kilala, at araw araw ay gumagawa ako ng paraan para makita kita. Araw araw ring nahuhulog ang loob ko sayo." "Nagsisinungaling ka." paratang ko. Kung totoong gusto niya ako. Sana matagal na niya akong inilayo bago pa ako nafall para kay Hio. Napawi ang ngiti ni Div. Galit siya? Inilalapit niya pa lalo ang kanyang mukha hanggang sa naglapat ang aming mga labi. Hindi dapat ako gumanti sa halik niya. Pero bat ganun? Natangay niya ako sa ibang lugar kung saan sinasabi ng utak ko na gusto ko ang nangyayari. Bakit nawawala ako sa sarili ko?! Hindi namin kasalanan kung ano ang nangyari samin dati. At kung ano ang nangyari samin ngayon, hindi niya pa rin kasalanan. Kasalanan ko. —— direk_whamba A/N: Fresco is a painting technique kung saan inaapply ang color pigments (water color) sa basang plaster sa pader.. Ito ang usong painting noong mga 1500s. Piazza della Signoria———-> Enjoy reading ^_^ —— Opus 57 Shall's POV: Mag-aalas singko ng hapon nang tumunog ang phone ko. Lumabas ako ng kwarto at sinagot ang tawag. Number lang. "Hello? Sino to?" "—Ate si Mie ito. Susunduin kita ha?" Susunduin ako? "Ha? Ngayon na ba—?" Nakaramdam ako ng kalabit sa likuran ko. Nang lingunin ko, si Mie na nga yun. Inend call ko na. "Halika na ate naghihintay na ang Kamahalan." Patawid na lang ako sa kabilang side ng pinagdugtong na lugar ni Mie, bigla pa akong di makagalaw! "Saan ka pupunta Galatea? Hindi ka man lang ba magpapaalam sa asawa mo?" Babae ang nagsalita. Sino? Pinilit kong ipaling ang ulo ko. Nasa likod ko, nakatayo siya mismo sa aking anino, ang isang babaeng tan-skinned. Kung di ako nagkakamali, siya yung nakasira noon sa Medusa ko! Pareho sila ni Div na nakakadaan sa mga anino? Ano siya ni Div? "Hoy bruha, lumayas ka diyan sa likuran ko." utos ko sa kanya. "Sino ba yan ate?" himalang walang alam si Mie tungkol sa kanya. Kailangang makaalis ako dito kahit anong mangyari. Hinihintay ako ni Hio! "Mie, ihagis mo nga yang bracelet mo?" Hinubad ni Mie ang suot niyang Amethyst bracelet. Di ako sure kung magiging matibay yun pero— Habang nasa ere, nagbago ng anyo ang bracelet. Lumaki pagkatapos ay bumuka at nadivide sa anim na magkakakonektang talim na kaagad sumibat sa babaeng nasa likuran ko. Hindi siya tinamaan dahil lumubog siya at nagtago sa ilalim ng anino. Nagliwanag bigla ang anino ko. Pero nawala rin. Tapos ay hindi na muling umahon yung babaeng anino. "Wag kang mag alala ate, ako ang may gawa ng liwanag na yun. Nilagyan ko ang mga anino natin ng barrier para hindi na siya makalusot." as expected sa pinakamalakas na Marquis. Nakahinga ako ng maluwang. Yey wala nang magpapop out na kung sino sa anino ko! Since wala nang disturbance, tinawid na namin ang kabilang side. "—Salamat pala sa barrier.." sabi ko kay Mie habang binubura niya ang linya. "—Hindi ba ka nahihirapan maging isang Marquis?" Humarap siya sa akin at ngumiti nang may halong lungkot. "Eto pressured dahil sinasabi nila ako daw ang pinakamalakas na Marquis ng henerasyon. Marami kasi sa mga closed border na ginawa ko ang hindi na mawawala kahit kelan; pwera kung patay na ako. Pero kasi yung mga border na yun, ako ang power source. Kaya may mga pagkakataong mas mahina pa ako sa pinakamahinang Marquis." Lumapit ako sa kanya at tinapik ko ang balikat niya. "Poprotektahan ka namin." matagal na siyang walang Knight eh. Ayaw na niya. Tumango lang siya. "Teka nasaan nga pala tayo?" di ko na need itanong ito dahil obvious namang nasa isang silid tulugan kame. Sinadya ko lang ibahin ang topic. "AH! Oo nga pala!" nagbago agad ang mood niya. See? Halos magslide na siya patungong kama. Kinuha niya dun ang nakalatag na puting dress. "Isuot mo to!" aniya. Para sumaya pa siya, sinuot ko nga ang damit nang tahimik. SURPRISINGLY, fit na fit yun sakin. "Ang galing talaga ni Kamahalan! Siya nagbigay ng size mo sa sastre ko!" saad ni Mie habang tinataas taas niya ang mga chiffons sa dress. Umarko ang kilay ko. "Mie, may sasabihin ako tungkol sa mga lalake. Kapag ang isang lalake, alam ang size mo kahit di mo naman sinasabi, MANYAKIS YUN! Kaya mag-iingat ka OK?" "Weee si Kape kaya alam ang size ko?!" Tinampal ko ang noo ko. BAHALA KA! Eh pero teka— "Ano bang meron bat ako may dress?!" Dineadma niya ako at pinaupong pilit sa kama. Then may nilagay siyang kung ano sa ulo ko. **** Hio's POV: Habang naghihintay ako, inilibot ko ang paningin ko sa mga altar frescoes na nakapinta dito sa chapel ng palazzo ng mga von Hairenn. Noong panahon ng mga Medici dito sa Florence, sinecelebrate nila si God bilang art. Hanggang ngayon ay evident pa rin yun. Ang kadalasang subject ng mga altar frescoes ay gospels ng mga Santa at Santo. Depende yun kung kanino patron ang master ng palazzo. Pwede mong sabihing 'comics' or 'manga' ito dati dahil may kwento ang bawat parte ng painting. AT ang mga mukha ng family members ang bida sa paintings syempre. Dinedepict nila ang mga tauhan na sangkot sa istoryang napili nila. Uso na din pala dati ang mga POSER nuh? Kanina nung nagkakwentuhan kami ni Mie, ang sabi niya ay bago lang ang mga frescoes dito, thirty years ago lang ginawa. Pinapatungan niya yung mga lumang frescoes pagkamatay ng parents niya. Ang naplili niyang Gospel para ilagay sa altar ay ang life of the Virgin at yung kay John the Baptist. Edi kaninong mukha ibinase ang mukha ni Virgin Mary? Kay Mie kanino pa! Pero sinulsulan daw niya ang pintor na gawing mature ang mukha niya para Mary na Mary. Si Joseph? Imba eh.. KAMUKHA KASI NI KAPE! Yung si Angel Gabriel naman, yung kapatid daw niya na hindi na niya kinikibo. The rest ng mga nasa paintings.. Puro mga alipin na daw niya ang nagmodel. Nagets ko na kung bakit mahilig siya sa mga magwapo at maganda. "—Huy pare andyan na sela." kinalabit ako ni Kape na katabi ko lang. Nilingon ko si pareng Race. Good thing at mandatory 'yata' sa mga maharlikang bampira ang mag-aral ng violin. Inipit niya sa leeg at balikat niya ang violin at nagfiddle. Tinugtog niya ang Tristesse ni Chopin. **** Shall's POV: Bwiset talaga tong lalake na to. Ang dami niyang dinamay para lang gawin ang kalokohang to! Ang bilis ng karma ko. Kahit gustuhin kong maging masaya ngayon din, di ko magawa. Mas nangingibabaw yung guilty feeling sakin. "Halika na ate." escort ko si Mie na nakabihis as abay slash flower girl. Habang naglalakad kami sa isle, nagsasaboy siya ng mga petals. Nakangiti si Hio habang hinihintay niya ako sa may altar. Ang gwapo niya at super like ko ang suot niyang itim na suit. Ok binabawi ko na ang sinabi kong ang perfect dream guy ko ay yung mga Div ang datingan. Kung di ako nagkakamali, ganito ikasal ang mga tao right? Eh nasaan yung magkakasal? At saka hindi ba bigamous tong gagawin namin? Alam naman niyang may asawa na ako? Sa may unang step paakyat ng altar, binitawan ako ni Mie at naupo siya sa front pew. Inilahad sakin ni Hio ang kamay niya. Inabot ko yun. We stood in front of each other. Oh tapos ano na? **** Hio's POV: ITO ANG DREAM WEDDING KO at sisiguraduhin kong maiinggit kayooo! Walang pagkahaba habang seremonyas. Walang pagkarami raming tao. "Kape, akina yung singsing bilis!" Binigay ni Kape yung dalawang singsing sakin. Yung isa isinuot ko kay Shall. Yung isa ibinigay ko sa kanya para isuot niya sakin. Inangat ko ang veil niya. Yan ganyan kabilis! Kiss the bride na! Hinalikan ko siya sa mga labi niya. Kasama nun yung pangako kong siya lang ang mamahalin ko. Nag enjoy yata siya sa halik ko dahil hinawakan pa niya ang magkabilang pisngi ko at—- Pinisil niya na sobra sa panggigigil! "—AKALA KO KUNG ANO NA TO! AT TALAGANG NAPAPAYAG MO SILANG SAKYAN TONG KAENGOTAN MOOO!" baliw na tong si Shall. Nagagalit pero umiiyak! Niyakap ko siya. "Di ba nanghihingi ako sayo ng gift? Yung pagsipot mo dito, yun na yung hinihingi ko." gumanti siya ng yakap at mas mahigpit pa. Kaso lalong napalakas ang hikbi niya. POSITIBO. May kasalanan to sakin! Binulungan ko ulit siya. "Dahil birthday ko ngayon, kung anuman yung kasalanang GINAWA MO, pinapatawad ko na. Tahan na." "H-hindi mo ba itatanong kung ano yun?" tanong niya habang umiiyak. "Hindi na. Wag mo akong saktan. Wag ngayon." hindi naman ako lumalabas na masokista nito ano? Ganito lang kasi yan mga paps— Ang mga bagay na di ko alam ay hindi makakasakit sa akin. Tama? Lalo na at alam kong may asawa na siya. Sabit na lang ako eh. Singit na lang, third wheel—basta lahat ng sinabi ni Athena sa Kuya niya sa SDTG! "Guys di pa ba tapos yan? Ngawit na ko!" nagrereklamo na si pareng Race. Sino ba kasing may sabing WAG siyang tumigil magviolin? Where's the fuckin' common sense?! Pagkatapos ng eksena namin sa chapel, nagdinner kami sa loob ng palazzo (dahil nasa Italy tayo, palazzo ang tawag sa mansyon). Naghanda ang cook ng Italian cuisine. 7 p.m. nang lumabas kami at pumunta sa Piazza della Signoria. L-shape town square ito. Nandito yung city hall nilang tinatawag na Palazzo Vecchio na ang arkitektura ay Romanesque. Lahat kami may dalang DSLR at nagpicture picture like there's no tomorrow! Pota Italy to dre! Hindi kalayuan, tanaw ang replica ng Statue of David ni Michaelangelo. May statue of lion.. Ano pa ba? Ah yung Equestrian—- yung nangangabayo! At yung fountain of Neptune ata yung pinakamalaki sa lahat ng statues. Buti pa dito ano out for display yang mga ganyan. Dun yan sa Pilipinas, wasak! Yun ang background namin nang magpapicture kaming dalawa ni Shall, holding hands. "Mi scusi? Sei un attore? Possiamo fare una foto?" may lumapit saking chix, tinatanong niya kung artista daw ba ako at nagrerekwes siyang magpapicture kami. Oo nakakaintindi ako ng Italian! Actually pinagtitinginan na nga kami dito eh. Akala siguro nila mga artista kami na nagpipictorial. "Chi sei?!" tinarayan kaagad siya ni Shall. [Sino ka?] Inawat ko si Shall at pinagbigyan na lang namin yung request. Tas yun dumami yung nagpapapicture samin. Hehe, wala pa ding idea si Kape na nasa Italy talaga kami! Ang dami daw foreigners dito. Di niya alam kami ang foreigners. Nagpunta kami next sa Loggia dei Lanzi. Gallery dun ng mga statues at tapos nagrelax kami saglit sa café Rivoire sa may Palazzo delle Assicurazioni Generali. Marami pa kaming pinuntahang mga piazza. Pero ang talagang marami dito at di mawawala sa view ay mga simbahan. Ang favorite ko ay yung Santissima Annunziata. Dahil siguro maganda siya sa paningin ko. Hindi amin ang umaga kaya bumalik na din kami ng palazzo ni Mie. Siya yung pinakadisappointed saming lahat dahil gusto pa niya kaming ipasyal sa iba pang mga lugar. "Next time Kape, ipapasyal kita sa Chianti! Lapit lang kasi nasa gitna lang yun ng Florence at Siena. Yun ang pinakamagandang countryside dito! At yung wine nila—-yiee! BASTA!" kinikilig kilig pa si Mie habang nakakapit sa braso ni Kape. Ihahatid na niya si pare sa guestroom. Kami ni Shall dito sa master's bedroom. Hindi naman ako pagod pero paghiga ko nakatulog agad ako. Hindi ko na masyadong nakausap si Shall. —— Naisip mo na ba kung kelan at paano ka mamamatay? Alam kong pareho tayo, takot pang mamatay. Nagawa ko na ang ideal wedding na gusto ko. Ang paghahandaan ko na lang siguro ay yung ideal death ko.. Gusto kong mamatay na ang huli kong makikita ay ang horizon. Yung point kung saan nagtatagpo ang langit at karagatan. Gusto ko, mamamatay ako nang pasikat ang araw. Kung pwede, sana nandun ang babaeng mahal ko. Siya ang pinakahuling nilalang na gusto kong makita bago ako pumikit. Gusto kong makita ang mga luha niya, o kung matapang siya, samahan niya ako hanggang sa kamatayan. At ang panghuli, bago tuluyang mawala ang pandama ko, gusto kong maramdaman ang lamig ng tubig habang palubog ako nang palubog sa pusod ng dagat o kung karagatan pa yun—- Naidilat ko ang mga mata ko. Nakahiga ako sa kama at madilim dito sa silid. Nanaginip nga ba ako o nakakita ng isang pangitain? Tumagilid ako at nakaharap ako kay Shall. Nakadilat ang kanyang mga mata. Itinaas ko ang kamay ko para ipikit ang mga yun. "Bakit hindi ka matulog?" pabulong kong tanong. "Pinagmamasdan kitang matulog." aniya. "—Nung tao ka pa, punung puno ka ng buhay kahit tulog ka. Ngayon, para kang—" "—Patay?" dugtong ko. Tumango siya. Niyakap ko si Shall. Mahigpit. "Kapag namatay ba ako.. Sasama ka sakin?" nagpapakaselfish lang. "Kapag namatay ka, MAGHAHANAP AKO NG IBA. MANLALALAKE AKO! KAKALIMUTAN KITA—" Hinalikan ko siya para manahimik siya. Ngayong alam ko nang ganun ang gagawin niya, hindi ako pwedeng mamatay. Ilalaban ko ang buhay ko. Para sa kanya. —— direk_whamba Opus 58 Gabi noong napunta siya sa creek na iyon. Nagpaanod ang kanyang katawan kasama ng mga basura. Dumaan ang umaga nang wala man lamang nakapansin sa kanya. At sumapit na naman ang gabi. Idinilat niya ang kanyang mga mata. Dumako ang kanyang paningin sa may dibdib niya. Nakatarak doon ang isang patalim. "Aaaaah.. AAAAHH!" binunot niya iyon at bumulwak ang dugo sa kanyang sugat. Kumapit siya sa pumpon ng basura upang maiahon niya ang kanyang sarili. "Miss? Ayos ka lang?" Nilingon niya ang isang lalake. Madungis ito at may amoy. May hawak itong sako at ice pick. Nasa akto ito ng pangangalkal ng basura. Ngumiti siya dito. "Nagugutom ako eh. Maaari ka ba?" Lumapit siya sa lalake at dinilaan niya ang patilya nito. Maalat na maasim; lasang pawis. Nabitawan ng lalake ang mga hawak niya. Nagpalinga linga muna siya. Walang tao. "D-dito na ba?" tanong niya sa babae. Ipinaloob niya ang kamay niya sa loob ng hapit na palda ng babae. Umungol ito na para bang nasarapan. Sunod niyang nilamas ang dibdib ng babae. Nang hindi na siya makapagpigil, nagtanggal na siya ng sinuturon at—- Whaaaarrrghh.. Bumuka ang BUONG MUKHA ng babae at naging napakalaking bibig iyon na puno ng matatalas na ngipin. Ang mahabang dila nito na parang ahas ay lumingkis sa kanyang leeg. Bago pa siya maubusan ng hangin, nakita niya kung paano tinuklap ng halimaw ang kanyang tiyan at nilamon ang kanyang mga laman loob. —— Madilim sa dirty kitchen ng kanilang bahay nang siya ay dumating. Doon siya dumadaan kapag late na siyang umuuwi mula sa paggimik. Natapilok siya sa sarili niyang stiletto at nasagi niya ang basong babasagin sa may counter table. Crash! Lumikha yun ng ingay. "Sino yan?" may humahangos na sumugod sa kinaroroonan niya. Kinapa nito ang lightswitch. "M-mama, ako to.. Please.. Wag mong bubuksan ang ilaw." mangiyak ngiyak siya pagkakita niyang yun ang kanyang ina. Naningkit ang mga mata ng kanyang ina. Inaaninag siya sa dilim. "OH MY GOD RONAH! What happened to you?! Bakit ka—" Duguan si Ronah, mula bibig hanggang dibdib. Pati kamay nito ay duguan. Masangsang ang amoy ng anak; naghalo ang amoy kanal, basura, pawis at lansa. Humagulgol ito kaya't naawa siya. Niyakap niya ang anak. "S-sinong may gawa niyan sayo?! Mananagot sila! Idedemanda natin sila!" Umiling si Ronah. "Ma, I need to rest. Please wag mo po itong ipapaalam kay Dad." Dala ng pagpapaawa, nakuha ng dalagang si Ronah ang simpatya ng ina. Matagumpay siyang nakabalik sa kanyang dating buhay; ngunit hindi na maibabalik pa ang napalitan niyang pagkatao. **** Div Umbra's POV: Hindi ako makalusot sa anino ng aking asawa. Sarado iyon at hindi maaaring tagusan. Matigas pa rin talaga ang ulo niya— "—AYOKO SA KANYA UMBRA! Maldita siya! Malandi! Intrimitida!" Nakaupo ako sa bedside at nakapatong sa isa kong tuhod ang baba ni Penumbra. Kanina pa siya maraming sinasabing pagtutol sa aking asawa. Hinaplos ko ang kanyang buhok. "Sinasabi mo lang yan. Eh wala ka naman yatang gustong makasundong kahit sinong babae. Lahat na lang ng nakikita mong babae nilalait mo o kaya ay gusto mong patayin." Kumapit siya sa aking binti. Mahigpit. "Hindi ba pwedeng tayong dalawa lang ang magkasama habambuhay at walang singit?!" Umiling ako. Madalas niya akong sinasabihang makasarili pero ang totoo ay siya yun. Mahalaga para sa akin si Penumbra; pero hindi ko pinapayagang masunod ang mga gusto niya. Ang kapangyarihan, kapag hindi mo nakayang kontrolin, ito ang kokontrol sayo. Tumayo ako. "Gusto kong maglakad-lakad. Sasama ka ba?" **** Hyperion's POV: Nagkakagulo ngayon dito sa palasyo ng trono alam niyo ba yun? Umalis kasi ng mansyon ang Prinsipe. Ang balita ay nasa Italy daw ito kagabi. Teka nga bakit ko ba pinoproblema ang tungkol dito? "Lord Hyperion Liore, ikaw ang napili upang maging pansamantalang gabay ng ating mahal na Prinsipe." anang punong ministro. "Ayoko po." sagot ko. "LORD HYPERION!" pinagtaasan ako ng boses ng isang ministro. Tumikhim ako. "Alam niyo mga ministro, sa tingin ko ay magkakaproblema lang ako sa inaatas ninyong tungkulin." "—Sino ba ang mga kasama ng mahal na Prinsipe at malakas ang loob niyang magpagala gala kung saan niya lang naisin?" Nagsalita ang ministro ng mga ritwal. "—Ang kanyang Knight na si Galatea—" Biglang nagtinginan ang lahat sa punong ministro. Umubo lang yun at hinimas ang balbas. "Masunuring bata si Galatea, wag kayong ganyan makatingin sa akin—" "—Pero punong ministro, alam niyo naman siguro ang tungkol sa isyu nila ng Prinsipe! At pati ang Baron na si Lord Noir!" Umubo nang mas malakas ang punong ministro. "Mga kasamahan, wag sana tayong lumayo sa TOTOONG isyu—" "Ang sabi ng isang paniki, kasama ng Prinsipe si Lady Minerva von Hairenn!" "Oh! Mabait na bata yun! Ni minsan ay wala na siyang nilalabag pang alituntunin mula nang mamatay ang kanyang knight!" "—Sandali, pati ang napakabuting si Lord Race Phalanx ay kasama ng Prinsipe!" Heps.. Kasali ba TALAGA ako sa usapan? Nakaka-OP. Oh sige na, puro mga MABABAIT at MASUNURING maharlikang bampira ang kasama ng mahal na prinsipe. Pero anong ginagawa nilang lahat?! Breaking the rules! MGA GOOD NOBLES GONE BAD! Malakas ang paniniwala ko na BAD INFLUENCE sa mga bampira ang bagong Prinsipe! Kaya bat ako ang dapat dumisiplina dun? ANONG PAKIALAM KO?! "Buweno Lord Hyperion, gawin mo ang lahat ng makakaya mo para patinuin ang mahal na Prinsipe. Tapos na ang sesyon." AYOKOOOOOOOOO! Badtrip. Umalis ako ng hall na daig pa ang pumasan ng pasanin ni Atlas. "Dude, what's up?!" inakbayan ako ni Ganymede. Akala ko all along na siya lang ang nag-iisang delingkwente dito. Binilang ko ang piercing niya sa tenga. "Tol, nadagdagan na naman yata yan? Trapik na diyan sa tenga mo ah? Pila pila na yang studs diyan!" Ngumisi si Ganymede tas hinipo niya ang spike earing na nasa pinakadulo ng tenga niya. "Astig no? Bagay ba sa buhok ko?" Nagpalit na naman siya ng kulay ng buhok daig pa niya chameleon. Kulay itim na ang buhok niya na may blue streaks. Para siyang hindi nagsuklay ng isang libong taon. Hindi ko alam kung bakit kami naging magbestfriend kung ang sarap isuka ng itsura niya. "Oo sige bagay." tss. Ano bang pormahan yan? Yung damit niya, puno ng butas kung saan saan! Nilapa yata siya ng mabangis na hayop. At yung kuko niya, mga patay na yata sa sobrang itim. Sinong matinong binibini ang iibig sa lalakeng ganyan?! "May gagawin ka ba mamaya Hype? Nood ka sa live namin ah?" Pinayagan ko na siyang tawagin akong 'Hype'. Natutulig na rin kasi ako kaka-Lord Hyperion ng mga tumatawag sakin. Nga pala, frontman ng isang sikat na UK band tong si Ganymede. Mas kilala siya sa alyas na 'GM' at ang pangalan ng banda nila ay 'Tuna Wars'. "Oh sige sige. Hahanapin ko muna ang mahal na Prinsipe." "Boplaks ka dude. Doon kami sa Feral dadayo. Nabalitaan ko sa mga paniki na fan ng Tuna Wars si Kamahalan. Malamang na pupunta sa Feral yun mamaya." akalain mo yun, nagkaroon din ng pakinabang sakin tong ugokista na to. "Sige tatawagin ko ang Farer ko para makaalis na tayo." **** Minerva's POV: "TUNA WAAAARS!" parang mahahalikan na ni kamahalan si Lord Noir sa sobrang pagka-exhilirated niya nang malaman niyang naibook dito sa Feral ngayong gabi yung favorite band niya. Pati si Lord Race, obvious na fan din. Nandun na siya sa table malapit sa stage kahit mamaya pa ang live. Sino bang fan ang hindi matutuwa? From UK pupunta sila dito sa Pinas! Natabunan agad ang disappointment ng Feral nang umalis na dito ang bandang Capella. Ang balita ko ay may kumuha na sa kanilang SIKAT na recording company. So yun, habang wala pang nakukuhang papalit sa kanila, guest bands muna. Tuna Wars.. Kung hindi ko lang kaano-ano yung vocalist, baka favorite ko na rin sila. Si Ganymede.. Psh.. Wala man lang siyang balak umeffort na magsorry sa ginawa niya noon— Napatingin ako kay Kape. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Lumapit ako sa kanya at hinatak ko ang braso niya. "Wala namang tugtog ngayon ang ForMad di ba? Samahan mo akong lumabas." "Sege!" wow di man lang siya nagdalawang isip. Kala ko die hard din siya sa Tuna Wars. "—Heyo, alis mona kame!" "Ingat kayo! Wag masyadong lalayo!" pahabol ni Kamahalan. Kumapit ako sa braso ni Kape habang nasa corridor kami palabas. Ang bilis kong nasanay na nakakapit-tuko sa kanya. Nakakatawa ako no? Ni hindi ko nga alam kung ano ang feelings niya. Basta na lang akong umentra sa buhay niya dahil lang sa kamukha siya ni Rai. Pero malayung malayo talaga siya kay Rai. For instance, ayaw ni Rai na kapit tuko ako sa kanya. Sa tingin ko nga, mas gusto ko si Kape? Aish.. Ayokong magcompare! Pero kasi, parang hindi ko na yata keri nang wala si Kape. Ewan. Ang gulo ko. Nilingon ko si Kape habang naglalakad kami sa sidewalk. Mukha siyang matinik sa chicks. At sabi nga ni Kamahalan, siya daw ang Guiness world record holder ng may pinakamaraming naka-one night stand. Nakakaiyak. Parang wala akong talent para sa mga bed scenes. Hindi ba pwede ang relasyong walang 'ganun'? Inalis ni Kape ang kamay kong nakapulupot sa braso niya! NOOOOO! So guguho na nang ganyan ganyan na lang ang mundo ko? —Okey sorry di pa pala siya tapos. Inalis niya ang kamay ko kasi aakbayan niya ako. "Lamu, ngayon pa lang ako nakakelala ng gaya mo—" yan ba ang killer lines niya para mamingwit ng chick? Kasi.. Kinilig ako! Wee! "—para kang isang kaebegan, o nakababatang kapated—" AY LECHEEE! Huhu.. Kape Y U TURING ME AS LITTLE SISTER LANG?! Uhuhuhu.. Ayoko! Di ako papayag! Ang gusto ko ay mainlab siya saken! Iinom ako ng aging potion at hahabulin ko ang edad niyaaa! "—piro.." OKEY SORRY ULIT.. May sasabihin pa pala siya— Tug.. Dug.. Tug.. Dug.. Hindi wala na po siyang sinabi. Hinarap niya ako sa kanya at tapos.. He kissed me on the lips. —— direk_whamba Opus 59 Kape's POV: "Lamu, ngayon pa lang ako nakakelala ng gaya mo—" begla kun sabe dito ke Mee. Iba seya. Hende ako naeensekyor pag kasama ko seya. Hende ko nararamdaman na maaagaw seya o magpapaagaw seya sa iba. Eh lahat baya ng nagegeng gerpren ko, gerpren ko na nga, natingen pa ke pareng Heyo. "—para kang isang kaebegan o nakababatang kapated—" kase de ba, sela yong mga babae sa bohay mu na diri ka lulokohen? Kasu sumemangot bigla se Mee.. Mali ba nasabe ko? "—piro.." wala ako nun! Wala akong kaebegan at kapated na babae. Kaya syor na talaga akong—- Henarap ko seya saken at hinalekan ko seya. Napatonayan ko ngang gosto ko seya. Gosto ko na seya nung unang beses ko seyang maketa sa pentuan namen. Pate yong bongesnges neya nong nesabe ko pangalan ko sa kanya, at yong halos ayaw na neyang pakawalan yong braso ko pag magkasama kame. Basta marame akong gosto sa kanya. Gosto ko ren yong agwat ng edad namen kase kyot lang. At pag napapatengen ako s kanya, seya ang naeesip ko at hende kong ano ang magandang pusisyon sa kama. Genun. Kaso lang—- nuong naketulog ako ha balay neya, nung umeyak seya, tenawag neya ako sa ibang pangalan. Baka ibang lalake yong gosto neya. Sabagay seno ba sisiryoso sa aken. Amenado naman akong de ako mataleno, poge lang. Ayuko pa sana matapos yong kiss. Kaso naestep nek na ako. Maleet kase se Mee. Henawakan ko kamot neya tas yon nagbaklas na ulet kame. [kamot-kamay, nagbaklas-naglakad] "—Sana kalemotan mo na seya, kon sino man yong iniyakan mo nun isang gabe.. kase nandito na ako. Gusto kong siryosohen tong nararamdaman ko." Dumiin yong pagkahawak neya sa akong kamot. "S-sigurado ka ba? Alam mong bampira ako di ba?" Tomango ako. "Hende ko na maiiwasan kayong mga bampera. Kasama na sa gabe gabe ng bohay ko." **** Minerva's POV: Hindi ko makakalimutan yung sinabi niyang sana kalimutan ko na daw yung nagpaiyak sa akin nung isang gabi. Well hindi ko kakalimutan si Rai. Siya yung first love ko ee.. Siguro imomove on ko na lahat ng sadness ko mula ng mawala siya. Seseryosohin daw ni Kape yung nararamdaman niya for me. Aaay kilig! Eto pa mga teh, he likes me kahit alam niyang bampira ako! Bihira na yung mga ganyang lalake ngayon nuh? Yun bang pogi kaso may pagkaengot. Chos. Sinabi niya na yan ah! Never ko na siyang pakakawalan. Wala nang bawian. Ump. **** Shall's POV: "TUNA WARS ROOOCK!" sigawan ang mga tao. Eeeeeat my fleshhhhhgggrrrawwwrrhh—- Sip my soulrrrrggghh.. You monstaaaaarrr! PESTEEE! Magugulpi ko tong si Manong (Noir)! Ano bang pumasok sa isip niya at hinayaang magwala dito yang mga adik na nasa stage?! At to namang mga fans nila, ay grabe DIEHARD! Hindi ba nila madifferenciate ang music sa NOISE POLLUTION?! Ok fine, growl growl max dahil hardcore metal ang Tuna Wars. Baka ako lang talaga ang nandito na hindi nakaappreciate sa ingay este 'music' nila. "—GM ASTEEEG KA PUTAAA!" kunwari hindi ako nabingi sa hiyaw ni Hio. Kunwari hindi kami magkatabi. At kunwari WALA kaming relasyon. Tinulak ko siya dahil naiirita ako. NAIIRITA AKO DAHIL FAN SIYA NG NOISE POLLUTERS! "WAAAH BAKET MOKO TINULAAAK?!" lumakas pa lalo ang sigaw ni Hio. Lumunok po talaga siya ng isang buong amplifier system para marinig ng idol niya ang sigaw niya. Walang sinabi sa kanya ang mga nakalunok ng megaphone. Ngumiti ako ng pagkasweet sweet at pinukol ko siya ng tinging Tuna-Wars-o-AKO? "Pwede ba wag kang sumigaw babes, nabibingi kasi ako." **** Hio's POV: KILLJOY ang girlfriend ko nyeta. Bakit di niya makita ang tamang Kick sa heavy metal?! Tas tinulak pa niya ako. Muntik nang matusok ang mata ko sa razorback na ulo ng taong nasa harap kooo! Amp! At ang sabi niya nung sinigawan ko siya—- "Pwede ba wag kang sumigaw babes, nabibingi kasi ako." pasweet pa! Tae kinilabatutan ako. "Yee wag ka ngang ganyan nakakapanindig balahibo!" Yun inirapan niya ako. Para di na siya magtampo, inakbayan ko siya tas pinayakap ko yung mga braso niya sa bewang ko. Okay tumingin ulet ako sa stage. Nagpakyu sign sa ere si GM at inilabas niya ang kanyang dila. "FUCK THE SHITS! Graaaawrrgggh!" Nagpakyu din kaming mga fans sa ere. Putcha dang astig talaga ng banda nila! Heavy pag nakajamming ko sila sa stage! Pagkatapos ng song nila, nagsalita si GM. "Good evening dopes! We're the Tuna Waaaaarsss!" nagdrumroll ang drummer nila para iemphasize ang 'waaaars'. "—I'm so honored, that Tuna Wars had a very special fan! You know who's 'that guy' im talking about!" Lahat sila biglang nagtinginan sa akin. Cool, alam na alam nila talaga kung nasaan ako. Tas nagsiksikan pa sila para lang bigyan ako ng straight na daan papuntang stage. Tumaas bigla ang aking adrenaline. "COME UPSTAGE!" sigaw ni GM. Ayun, nag-chanting ang mga fans ng 'Come upstage' taas taas pa nila ang isang kamay nila. Imagine people power 1, palitan niyo lang yung 'Cory! Cory!' ng 'Hio! Hio!'. Hawak ko ang kamay ni Shall hanggang sa makaakyat nga kami ng stage. Binulungan ako ni Shall ng mabilisan. "Wag kang titingin ng diretso sa mga mata niya." Ano daw? Labo. May nag-abot na lang bigla sa akin ng flying-V. Tae BASSIST ako di ba? "SHOW US WHAT YOU GOT DUDE!" Dahil ayokong mapahiya sa Idol ko, hinarabas ko ang fingerboard saka ako nag-skanking sa flying-V. Naghiyawan ang mga nanonood. Si GM naman ang nag-da moves sa guitar niya. Ohh.. SHOWDOWN PALA ITO? Pagkatapos niyang paiyakin ang electric guitar niya, itinuro niya ako. Meaning turn ko na. Palm muting lang yung ginawa ko na sinamahan ko ng konting scratch; para di na magtagal yung sagutan ng mga gitara namin. "Ituloy mo lang yan kamahalan—" WTF! Nagtagalog si GM? Sabagay vampire knows every language. Nagra-rock ang ulo niya habang nakikinig sa rhythm ko. Mayamaya, sumabay na ang drums at bass. At maya maya, kumakanta na si GM! Hinayupak! Impromptu song! Mga talentado talaga ang members ng Tuna Wars! —See it through my eyessss.. Feel the blood rushhhh.. Laking gulat ko nang tumapat si Shall sa isang mic na tengga sa stage (inadjust na yata niya yun kanina bago ko pa siya napansin) kakanta yata siya. Nag-isip ako ng pwedeng rhythm na babagay sa boses niya— I can't breathe.. The air around us sucks.. Dramatic at mapag-inarte ang boses niya. Astig pa rin! Umingay lalo ang mga rockers. Naririnig ko na rin ang "ForMad! ForMad! Play for us!" battlecry yun ng mga fans namin. Nag-growl si master GM at kumanta ulit. Then come closer And I'll give you my air.. Closerrrr.. Hwarrrrggh.. Napafocus akong bigla sa mukha ni GM. Imba yung mga mata niya. Contact lens ba yun?! Para akong na-time space warp ni Shaider. Bumagal ang movement sa paligid ko. Hindi ko na alam kung saan papatungo ang flighty feeling na yun KUNG wala lang humarang sa pagitan ko at ni GM. Si Noir. Humarap siya kay GM. "Sorry, pagod na ang kamahalan." Nakakatawa, hindi ako tumutol. Nakita kong nag-smirk si GM pagkatalikod sa kanya ni Noir dahil humarap sakin. Tatlo kaming bumaba sa stage: ako, si Shall at si Noir. Binayo ng malakas ni Noir ang likod ko, na ikinaubo ko. "Mag-iingat ka sa mga matang yun. Canceller ang isang yun." "Canceller?" "—Nakakapagpawala sila ng kapangyarihan ng isang bampira, o kaya naman, may instances na kaya nilang alisan ng katinuan." si Shall ang sumagot. Parang sumakit ang puso ko. Ganung klase ng bampira ang sinasabi ni kuya na dumale kay lolo! Eh pero si GM nga ba yung gumawa nun kay lolo? Marami naman sigurong Canceller di ba? Pero nabawasan talaga ang pagkatuwa ko kay GM dahil sa nalaman ko. NO DOUBT. Ewan ko. Kasi dapat near-comatose na ako sa sobrang saya nung makipag-inuman saglit ang Tuna Wars. Nagpasouvenir pic pa kami na magkaakbay at magkauntog ang mga hawak naming tankard ng beer. Bandang 2a.m. nang magpaalam ang Tuna Wars. May sundo silang tatlong magagarang tsekot. Talagang binantayan ko sila hanggang pag-alis eh no. Bago sila lumabas ng bar, may sumalubong na lalake kay GM. Para silang magbestfriend umasta pero malayo sa hitsura nila. Kilala ko yung lalake eh. Ano nga ba ang pangalan niya?! Ah! Paglabas ng Tuna Wars, lumapit ako sa kanya at binati ko siya. **** Hyperion's POV: NAKAKAHIYA talaga ang mga kahayupang pinaggagagawa ni Ganymede kapag nasa stage. Badtrip oh, AKO pa ang nahiya para sa kanya! Pinilit ko lang talaga ang sarili ko na pakinggan ang live ng Tuna Wars para naman wala siyang masabi sakin. Mabait ako eh. Pero eto talaga, paulit ulit kong tinatanong sa sarili ko kung bakit may mga UNGAS na tumatangkilik ng music na hinugot yata sa hukay? Sabihin niyo nga?! Parang enjoy na enjoy pa si Kamahalan habang sabay silang nag-iingay ni Ganymede sa stage! Oh siya.. Pagkatapos ng live, akala ko aalis na ang Tuna Wars. YUN PALA NAG-INUMAN PA SILA KASAMA NG KAMAHALAN! Pag nakita niyo lang, sasabog na ang dalawang yun pag nagdikit ulet. Susmaryosep. Delingkwente na nga si Ganymede, sinulsulan pa siya lalo ng kamahalan! BAD INFLUENCE TALAGA! "—Uwi na ako Hype! Ingats dude!" nagpaalam si Ganymede sakin nung uuwi na talaga sila. Hindi naman kasi ako lumalapit sa kanya pag may gig siya. Napansin kong nakasunod pa rin si Kamahalan. Masyadong diehard. Nung wala na sina Ganymede, lumapit siya sakin. May plano naman akong puntahan siya, nauna nga lang siya. "Magandang gabi Hypermart!" ah? Sinong HYPERMART?! Ehem.. Tumikhim ako. "Hyperion po ang pangalan ko kamahalan." badtrip. Sinabi ko na ang pangalan ko nung unang beses kaming nagkita tapos— WALA SIYANG UTAK! "Bakit ka nandito Hype?!" tama ba dinig ko?! TINAWAG NIYA AKONG HYPE?! Close kame?! Kinalma ko ang sarili ko. Hindi tama ang pag-aalala ko sa mga trivial things. Kailangang maging maginoo sa lahat ng oras. At yun, ngumiti ako. "Kamahalan, sugo po ako ng konseho upang masiguro ang inyong tamang kilos at asal." "Ha? Bakit may mali ba akong ginagawa?" birdbrain ang isang to. Isusumbong ko ang mga katangahan niya para mapatalsik na kaagad siya sa pwesto niya. "Ipagpabukas ng gabi na lang po natin ang ating pag-uusap. May farer na susundo sa inyo mayamaya at ihahatid kayo sa inyong mansyon. Magpupunta ako doon pagsapit uli ng gabi at tapos ay bibigyan ko kayo ng mga pagsusulit." —— direk_whamba A/N: Double update po ^___^ feeling ko habang tumatagal ang istory mas lalo akong lumalayo sa ending… so bear with me! hahaha! Ang forecast ko magkakaroon ko ng long-term writer’s block kapag yung tipong malapit lapit na to sa ending Enjoy reading… —— Opus 60 Hio's POV: Saktong alas tres ng madaling araw nung dumating ang Farer na susundo sa akin. Awa naman at hindi karwahe ang sasakyan ng Farer. Modern modern kahit papaano: Buggy. Magkatabi kami ni Shall sa backseat. As usual, pitchblack ang makikita mo pag dumungaw ka sa bintana. "Maganda ba yung mansyon?" usisa sa akin ni Shall. Sa lahat ng may asawa siya yung pwedeng maki-stay over sa kabit eh. "Medyo may kalumaan na kung sa design pero mukhang matatag pa naman yun." Mahigit 30minutes din ang byahe. Dun kami ibinaba ng Farer sa tapat ng gate. "Maganda dito maraming tanim na bulaklak!" parang bata si Shall na natutuwa habang pinapasadahan ng maliit niyang kamay ang hanay ng mga tanim na rosas. Pumitas ako ng isa at iniipit ko yun sa gilid ng tenga niya. Then ipinagpatuloy namin ang paglalakad. Syempre napansin niya yung kakaibang fountain. Lumapit siya dun at dumukwang sa tubigan. Walang anu-ano'y humarap siyang bigla sakin at sinabing— "—Palit tayo ng bahay." Wahaha! Parang ganun lang yun kadaling gawin eh no. "—Bakit pa? Lahat ng pag-aari ko parang sayo na rin." Sa may front porch pa lang, amoy ko na ang halimuyak ng mga nasa loob ng mansyon. Hindi naman sila ganun karami. Si Shall naging alerto. "Dito ka lang sa tabi ko okay?" Pero nung nakapasok na kami, dadalawa lang ang sumalubong samin— si Medea at si Yuki. Si Yuki, sa kasamaang palad ay balik yukata. Exposed ang cleavage at exposed ang legs. DISASTER! Hindi pa alam ni Shall ang tungkol kay Yuki! "Okairinasai goshujin-sama." slight na nagbow sa akin si Yuki. Tahimik lang si Shall my labs. Pero yung braso ko, UMUUSOK NA! "AAAAARGGH MAHAPDIIIII!" nakaisip pa rin pala si Shall ng paraan para itorture ako! Idinikit niya sa balat ko ang dulo ng isang crucifix na gawa sa silver. Winagwag ko ang braso ko at nung nawala ang usok ay may naiwang maliit na tuldok. Peklat! "BAKIT NANDITO ANG FRIEND NI NOIR?! Kapag di ka sumagot ng maayos, dadami yang tuldok sa braso mo!" Kakatakot! "Ipinakilala siya sa akin ni Noir—- doon sa Japan." teka, Japan.. Italy.. Ba nakakapag out of the country na pala ako nang di ko namamalayan! "—-AAHH AYOKO NA! Masakit kaya yan!" sinaway ko si Shall nang may balak siya ulit na idikit sakin yung crucifix. "Patricia, wag kang ganyan sa kamahalan. Si Yukihime ay naririto dahil siya ay alipin ng kamahalan." si Medea yung nagsalita. Napakaserious ng tono niya. Tas nagsalita ulit siya. "H-hindi ka pa ba uuwi sa piling ng iyong asawa? Alam kong hinahanap ka na niya." Umiling si Shall sabay kapit sa braso ko. "Ayokong makipagkita sa kanya Lady Medea. Dito ako magpapalipas ng umaga." Parang nagiging awkward yata dito? "Akina phone mo Shall, tatawagan ko si Kape." Iniabot ni Shall yung hinihingi ko. Idinial ko ang number ni Kape. Ring.. Ring.. "Heyo?" "Kapeee! Uwi ka na dito! Geh na!" kasama pa niya si Mie right? "Eh? Nalorong ka na pare? Ekaw nga ang de pa naowe deto sa apartmint! Aah eka—" may commotion sa linya ni Kape. Me ginagawa yata silang kalokohan. "Hello kamahalan? Mie to. Anong pinaglalaban mo diyan ha?" tae siryoso, silang dalawa lang ang nasa apartment TAS ANONG GINAGAWA NILA?! "Punta kayo dito, sige na. Dito kayo matulog. Bye." bago ako unahang babaan ng phone ni Mie, inunahan ko na siya. One minute lang ang lumipas at may nakita akong kakaiba sa aking view. Nagsimula yun sa maliit na parang butas hanggang sa lumaki nang lumaki. Naging visible sa butas na yun ang bahagi ng sala sa apartment namin ni pareng Kape. Humakbang palabas si Mie na hatak-hatak si pare. "Agay asan tayo?! Damung balay man ini!" exclaimed ni Kape. [Ang laking bahay naman nito!] "Bahay ko to pare—" sagot ko. Namilog ang mga mata niya. "Pare bigtime ka man?" Tumango ako. "Ahh! Nandito ang mahal na Prinsesa!" this time si Mie naman yung nagexclaimed. "Pasensya na kung naabala ko kayong lahat sa aking pagparito. Nais ko lang sanang mas makilala pa ang kamahalan kaya't sinabi ko kay Lord Noir na ako na ang maghahatid kay Yukihime. Pero aalis na rin ako dahil—" "—Pwede kang magpalipas ng umaga dito kung gusto mo." sabi ko kay Medea. The more the merrier. At para hindi ako masyadong matakot habang nasa bahay na ito. Tipid na ngiti ang unang isinagot sa akin ng prinsesa. "Kung ganun ay sasamahan ko kayo para makapili na kayo ng inyong silid na tutulugan." Itinour kami ni Medea sa second floor (bagay na gagawin sana namin last time kaso hindi natuloy). Mas marami siyang alam sa mansyong ito kesa sa may-ari. Dalawampu ang kwarto dito sa itaas pero sampu lang ang may veranda. May sampung kwarto din sa ibaba para sa servants. Ganyan kalaki ang bahay ko friends! Mayroon kasing East at West wing kaya spacious. Sa may East wing daw magandang magkwarto dahil nasa likuran ang sikat ng araw; at pag pahapon na, hindi na masyadong dama ang araw. Magkatabi ng kwarto sina Kape at Mie na walang veranda. Ako, doon sa may master's bedroom na nasa pinakagitna yata ng mansyon. Sa room ding yun may pinakamalaking veranda. Adjacent ng kwarto ko ang kwarto nina Medea at Shall. "Bukas pa darating ang mga kasambahay para sa mansyong ito. Sa ngayon, tayo tayo na muna ang mag asikaso sa ating mga pangangailangan." ani Medea. Kumbaga parang lumalabas na 'sipagin muna tayo kahit ngayong umaga lang'. Mga rich people talaga oh. Hinantay kong makapasok sa kwarto niya si Medea bago ako pasimpleng pumasok sa kwarto ni Shall. Pagpasok ko, ginapang ko siya. De joke. Nasa harapan ko siya. Parang hinahantay niya akong pumasok dito. Ni-flung niya ang mga braso niya sa balikat ko kaya napayuko ako. Tas alam niyo na, mga sabik kaming naghalikan. Tinatanggal na nga talaga ni Shall yung sinturon ko eh, pinigil ko lang siya. "—Wag ngayon, may gagawin ako." bulong ko habang humihingal hingal pa. Pag kasi naumpisahan na, tuloy tuloy na kami hanggang gabi. Ganun siya kasarap. "Ano?! Bibisitahin mo yung alipin mong sexy?" ang bilis niyang magalit takte. "Samahan mo na lang kaya ako para hindi ka puro duda diyan?" Sinundan nga niya ako. Pumunta ako sa library na nasa West wing. Pagpasok ko sa loob, biglang nag-ilaw ang mga chandelier sa loob. Circular ang structure ng library at nakasandal paikot sa wall ang mga malalaking bookshelves. Walang bintana pero malamig. Nasa gitna ang tatlong bilog na mesa na may mga upuan. Sa mesa ay may nakapatong na magarang lampshade. Tiningnan ko ang bawat bookshelf tas isa isang kumuha ng mga makakapal na libro. "Magbabasa ka?" tanong ni Shall. Hindi siya interesado sa mga nakakaantok na bagay, I suppose? Naupo siya sa unang mesa. Inilapag ko dun ang mabibigat na libro. Labinlima silang lahat. Tas naupo ako sa tabi ni Shall. "Five years old ako nang matuto akong magbasa ng Latin at Greek. Haha! Hindi yun typical para sa isang bata ngayon. Pero kung tutuusin mas amazing pa sa nagawa ko ang kayang gawin ng mga sinaunang tao. Noon daw kasi, ginagamit nila ang kanilang PAG-IISIP to the full extent. Ang sabi nga ni Dan Brown sa kanyang 'The Lost Symbol' ang lahat ng technology, discoveries at innovation na meron ngayon ay alam na ng mga ancients; yun nga lang iba ang interpretasyon." Hindi yata siya nakikinig sakin. Sorry naman. "Bakit ngayon mo pa naisipang magbasa?" Kumuha ako ng isang libro at binuklat iyon. "Ang sabi sakin ni Hype kagabi, bibigyan niya ako ng pagsusulit mamaya. Prepared naman ako dun. Nagrerefresh lang." sagot ko. Mapapahiya sila bukas! Siguro iniisip ng karamihan sa mga maharlika na aanga anga talaga ako at walang pinag-aralan kaya nila ako gustong subukan. Ako kasi mas gusto kong ienjoy ang mga ginagawa ko sa buhay ko kesa hayaan kong ang buhay ko ang kumontrol sa akin. May lugar para sa lahat ng bagay. Maging pormal ka lang pag hinihingi ng pagkakataon. Sinimangutan ako ni Shall. "Oh, eh hindi ka naman nagbabasa ng matino. Binubuklat buklat mo lang yan ng mabilis!" "Ang pagbabasa ko ng mabilis eh force of a habit lang. Alam mo kasi dati, mabigat ang parusa ko kapag hindi ako nakakatapos ng isang buong aklat sa loob ng kalahating araw. Ayun hanggang sa nakakuha ako ng teknik kung paano magbasa ng mabilis pero naiintindihan." Inignore na naman niya ako. Amp! Pag matino ang mga sinasabi ko, dun naman siya nananabla. Para makaganti, di ko na siya kinausap tas ipinagpatuloy ko ang pagbabasa ko. Alas onse ng umaga nung nakatulog si Shall. Itinabi ko saglit ang librong hawak ko para lang pagmasdan siya. Nasa buhok pa rin niya yung rosas na inilagay ko kanina pa. Kumilos ang kamay ko at hinawi ko ang buhok sa pisngi niya. Napagpasyahan kong ihatid na siya sa kwarto niya. Exhausted na nga siguro ang katawan niya dahil hindi siya natutulog simula nung magkita ulit kami pagkatapos ng koronasyon. Binuhat ko siya. Nung binubuksan ko na ang pinto ng kwarto niya, nalaglag yung rosas mula sa buhok niya. Babalikan ko na lang kasi hindi ko mapupulot liban na lang kung may extra arm ako. Inihiga ko si Shall sa kama at kinumutan. Napatanga na naman ako ng ilang seconds. Nababaliw na nga talaga ako sa kanya. Wala sa hinagap ko na magpapa-underdog ako sa isang maliit at mukhang-anghel-pag-tulog-pero-diablo-pag-gising na tipo ng babae. Marahan akong lumabas ng kwarto. Pupulutin ko na yung rosas sa sahig pero may kamay na nauna sa kamay ko. Bali pumatong yung kamay ko sa kamay ni—- "—Medea.. Bakit gising ka pa?" alangan namang tulog siya nang lagay na to?Mga tanungan mo Hio eh. Umiling siya. Tuluyan niyang pinulot yung rose saka dumirecho ng tayo. Inilapit niya sa ilong niya ang bulaklak. "Napakaswerte niyang babae." Hindi ako nagreply. Hindi ko alam ang isasagot ko dahil di ko alam kung anong pinaghuhugutan niya. Nagsisisi ba siyang ni-dump niya ako? Ewan. Sinaktan niya ego ko kaya patas na lang din kami ngayon. Siguro. "Ah sige, mauna na ako Medea. Marami pa akong gagawin eh." iniwan ko siya sa pasilyo. Pagbalik ko sa library, ipinagpatuloy ko ang pagbabasa. Gaya nung nasa palazzo ako ni Mie, hindi naman ako inaantok pero basta na lang akong nagblack out. —— Alam kong bihira akong magawi sa lugar na ito; ngunit ang BIHIRA na yun ay tila MADALAS na para sa akin. Dinama ko ang lamig ng mababaw na tubig sa ilalim ng aking mga paa. Ang bawat pagtapak ko dun ay nagdudulot ng wave. Sa likuran ko ay ramdam ko ang paghinga ng napakalaking MAY BUHAY na gate. At sa aking harapan, namalas ko ang napakamisteryosong salamin. May nakapagtataka lang.. Nakikita ko doon ang malabong repleksyon ng gate. Pero ngayon lang nangyaring WALA ang sarili kong repleksyon. "THANATOS?!" sigaw ko. Nag-echo ang boses ko. Wala ang malutong na tawang madalas sumasalubong sa akin. Wala.. si Thanatos? —— Natumba yung nakatayong libro kung saan nakapatong ang baba ko kaya gulat akong nagising. Masakit ang ulo ko. Sobrang sakit kaya't hindi ko na masyadong napagtuunan ng pansin ang tungkol sa panaginip na yun. —— direk_whamba Opus 61 Hio's POV: 4:30pm. Masama ang pakiramdam ko. Lumabas ako ng library. Tahimik ang paligid obyus na mga tulog pa sila. Hinawi ko ang makapal na kurtina sa pinakamalapit na bintana sa akin. Bahagyang umusok ang balat ko pero hindi yun mahapdi. Makakaya ko nang lumabas. Bumaba ako ng hagdan at dire direcho ako sa main door. Lumalangitngit ang pinto dahil sa luma na ang mga hinges; kaya dinahan dahan ko lang ang pagbubukas niyon. Tama nga ako. MAS maganda ang hardin kapag nasa liwanag. Nilakad ko ang gate at sinundan ko ang makipot na daang kahilera ng mga punong Narra. Pababa ang daan at madadausdos ang sino mang hindi maingat. Akala ko noong una ay nasa kalagitnaan kami ng gubat yun pala elevated lang dahil nasa talampas ang mansyon. Sa ibaba kasi ay may maliit na bayan. Hindi pa ako nakakapunta sa tinatawag na 'bayan' pero sure ako na ganito nga yun. Kakaiba ang ambience dito, parang hindi apektado ng urbanisasyon pero hindi naman yung tipong primitibo. Pag nandito ka, parang ang panahon ay tumigil sa 1900s. Nilakad ko ang kalsadang gawa sa cobblestones. Tog.. Tog.. May bolang nag-bounce sa direksyon ko. Lumagpas yun saakin kasabay ng isang humahangos na batang lalake na hinahabol yata yun. "ANG BOLA KOOO!" nilagpasan niya ako. Nacurious ako kung nahabol ba ng bata o hindi yung bola niya kaya napalingon ako at—- Surprisingly, WALA YUNG BATA. Tog.. Tog.. Nandoon, nagbounce bounce pa yung bola so DAPAT nga talagang pagtakahan ko kung nasaan yung bata hindi ba?! Baka nagwiwi lang yun sa eskinita? Ipinagpatuloy ko ang paglalakad hanggang sa matanaw ko yung parang townsquare. May nadaanan akong dalawang chix. Ngumiti sila pagkakita sa akin at tapos nagbulungan sila pagkalagpas ko. Sa tingin ko eh naappreciate naman nila ako. Lumingon ako para mag-smile back. Napawi lang ang ngiti ko nang hindi ko na makita yung dalawang chix. Kinakabahan na ako—- bakit bigla na lang akong nilalayasan ng mga tao? Nalaman ba nilang isa akong bampira?! Imposible naman yun ni wala pa nga akong kinakausap na kahit sino dito di ba? WTF lang! Huminto ako sa bunganga ng plaza. Maraming tao at nagkakasayahan ang lahat. Nakapalibot sila at pinanonood ang isang pagtatanghal mula sa isang pierrot. Hindi siya yung tipikal na clown na nagpapatawa. Siya yung parang JOKER na makikita mo sa baraha. Well-built yung katawan niya na para bang ipinagyayabang niya sa pagsusuot niya ng body-fitting costume na kulay pula at itim. May ruffles na puti sa kanyang leeg at sa mga laylayan ng costume. May suot siyang jester na dalawa lang ang patusok; kulay pula at itim. Itim na itim ang buhok niyang nakatikwas ang mga ends. Halata ang putla ng kanyang balat. Dahil dun, no need na siyang mag-apply ng maputing pulbos sa mukha niya. May vertical line na nakaguhit sa magkabilang matahan niya tas yung labi niya, pulang pula. Yun lang ata yung only color na mapusyaw sa kanya pag wala ang suot niyang costume. Yung mukha niya, ewan ko lang. Sa unang tingin akala mo babae siya dahil singkit siya pero mahaba ang mga pilik mata niya. Yung dating kasi ng mukha niya pang-manika gaya ni Shall pero boy version naman. Nagpalakpakan ang mga tao sa huli niyang trick na ginawa gamit ang mga baraha. Lumapit ako sa umpukan. Ka-amp eh! Wala akong makita! Mas maganda sa pwesto ko kanina yun nga lang hindi ko makikita si Pierrot sa malapitan. Hrrgh.. Sana mawala naman yung makapal na tao dito! Nagtama ang paningin namin ni Pierrot. Nakakakilabot ang mga mata niyang bigla bigla na lamang nagpalit ng kulay. Dun ko lang napagtanto na pareho kaming bampira! Suddenly isa isang naglalaho ang mga tao sa paligid. HALA?! What the fuck is happening here?! Napaatras ako at napatakbo ako palayo ng plaza. UUWI na ako! Malapit na sumapit ang dilim at hindi ko na alam baka may makasalubong na lang akong—- HOLY TALABA! Sa eskinitang madadaanan ko pa lang, tumawid si Pierrot papunta sa kabilang eskinita. ANG MAS MASAKLAP MGA TOL, DINEADMA NIYA AKO NA PARANG WALA SIYANG NAKITA! Sumuot ako sa panibagong eskinita. Ganun din ang nangyari, may eskinitang tapatan na naman! Nagpass na naman doon si Pierrot at dineadma na naman niya ako. Tangena pinagtitripan na lang yata ako nito eh. Nag-iba na ulit ako ng course. Napaisip ako. Kanina pa ako paikot ikot dito pero hindi ko mahanap ang entrance! Parang trap ako sa maze na looped sa isa't isa ang mga daanan. Lalong sumasakit ang ulo ko. Pangatlong beses, dinaanan akong muli ni Pierrot para tumawid sa eskinita. This time, hinablot ko ang braso niya. "Sino ka ba? Ikaw ang may gawa ng lahat ng ito di ba?" Hindi niya ako sinagot pero humarap siya sa akin. Ngumiti siya habang inaalis niya ang kamay ko sa braso niya. Nagpaulit ulit lang ang mga pangyayari hanggang sa nagsawa na ako kakalakad at nagsawa na ako na dinadaan daanan na lang ng gagong pierrot na yun. And narealize ko, GABI NA! Kusang nagsindi ang mga sulo na nasa labas ng mga bahay na yari sa bato at pawid kaya hindi masyadong madilim. Para ka lang nasa tribal council. Bumalik ako sa gitna ng plaza na ngayon ay wala ni isang tao at naupo ako sa bench katabi ng oval na puno ng mga nakatanim na bulaklak. "—Kamahalan, kanina ka pa hinahanap sa mansyon." Muntik na akong mahulog sa bench sa intense ng pagkagulat ko! Putek may isang nurse na lang ang bigla biglang magpapakita out of nowhere! Salamat na lang at namukhaan ko siya. "O-OPHELIA? Ikaw si Ophelia tama ba?" small world! Ngumiti siya. Ang bait talagang tingnan ng chix na to. May dala dala siyang medicine kit na parang toolbox at isang cooler container. Inilapag niya ang mga iyon sa tabi ko. Binuksan niy ang cooler at iniabot sa akin ang isang bloodpack. "Ako ang in-charge sa feeding mo Kamahalan—" Feeding talaga?! Nabasa yata niya ang iniisip ko. "Hindi naman bawal sa mga bampira na wag uminom ng dugo. Pero mas healthy kung twice a month kang iinom. Bali, simula ngayon, twice a month tayong magkikita." Panibagong chix sa buhay mo Hio. OH GOD WHY?! *meme face* Ininom ko ng tahimik ang 500cc na dugo. Pagkatapos nun, nicheck ni Ophelia ang BP ko. Ang huli niyang ginawa ay naglabas siya ng isang sterile blade. Kinuha niya ang kamay ko at itinutok ang blade sa hintuturo ko. "—Para maisama kita pabalik ng mansyon, dapat ay magising ka sa ilusyong gumagapos sayo." aniya. "Ilusyon?" "Kamahalan, sa puntong ito, para tayong nasa iisang lugar pero nasa magkaibang dimensyon. Kapag nagtagal ka sa dimensyong yan, posibleng hindi ka na makabalik sa realidad—heto." She pricked my finger. Supposedly, hindi dapat ako masaktan. Pero sobrang FREAKING SHIT ng ginawa niya. Hindi na ganun kasakit ang ulo ko buhat ng makainom ako ng dugo, eto lang talaga yung nakapagpahilo sakin; yung paligid ko na parang nagswirl. Sa isang kisapmata, nasumpungan ko ang sarili kong nakagapos ng pula at itim na laso. Inalis ko kaagad ang tali. Sigurado akong ito pa rin yung bayan kanina. Looks like nagfast forward ang panahon dahil sira-sira na ang karamihan sa mga bahay. Yung bench na inuupuan ko kanina, nabubulok na ang kahoy sa kalumaan, at yung oval, wala nang malagong bulaklak. Itinayo ako ni Ophelia. "Halika na kamahalan." As a token of gratitude, ako na ang nagprisintang bitbitin ang mga dala niya kanina. Kumapit siya sa braso ko at kami ay naglakad. "Bakit.. hindi ka naapektuhan ng ilusyon?" tanong ko kay Ophelia. "Ako ay lunas kamahalan. Yun ang tingin naming mga Baronet sa aming mga sarili. Alam namin halos lahat ng paraan upang makontra ang mga sumpa o kapangyarihan." Napahinto kami nang madaanan ang eskinitang tapatan na kaninang kanina ko pa nadadaanan. May itim at pulang laso na nakatali sa poste sa kanan hanggang sa poste sa kaliwa. Parang double finish line lang. Dun kanina daan ng daan yung Pierrot. Bumitaw sa akin si Ophelia. "Diyan ka lang kamahalan." Lumuwa yata ang eyeballs ko nang bahagyang itinaas ni Ophelia ang maiksi niyang skirt. Wala pa naman siyang suot na stockings! OH GOD WHY?! *meme face* May band sa leg niya at kinuha niya mula dun ang isang maiksing rod. Biglang humaba yun, mga 2feet. Tinap niya ang isang dulo nun sa laso. Nag-spark. "Isa itong time illusion loop kamahalan. Kapag nahuli ka ng mahikang ito, paulit ulit mong maeengkwentro, makikita o mararanasan ang mga nangyari sa espasyong may loop." Sa madaling salita, double tripping ang ginawa sakin ng hudas na pierrot na yun! Gamit yung metal rod, pinatid ni Ophelia yung laso. Lumapit siya sakin ulit. "Halika na kamahalan, iuuwi na kita sa iyong mansyon." **** Hyperion's POV: Mag aalas sais na nung ibaba ako ng Farer ko sa paahan ng gubat na patungo sa talampas kung saan nakatayo ang mansyon ng kamahalan. Dito ako sadyang nagpababa dahil na rin sa utos sa akin ng isa sa mga ginagalang kong bampira bukod sa konseho; si Lord Redder Black. Nakita ko siya sa labasan ng isang abandonadong village malapit sa gubat. Lumuhod ako sa harapan niya. "Magandang hapon Lord Redder." Ngumiti siya. "Tumayo ka Lord Hyperion." kakaiba talaga siya sa lahat. Sobrang bait niya sa mga kinagigiliwan niya pero malupit siya sa mga hindi niya gusto. Binuklat niya ang palad niya at mayroon doong isang pirasong bilog na bubble gum. Isinubo niya yun at nginuya. Ngumunguya siya habang nagsasalita. "Nakipagkita ako sa mahal na prinsipe. Medyo natuwa ako sa kanya kaya pinaglaruan ko siya saglit. Pinapunta kita dito para alam mo kung nasaan siya. Pero huwag mo siyang tutulungan. Bibigyan ko siya ng tsansa para lalo akong matuwa sa kanya. Kapag hindi siya nakawala sa mahika ko bago ang hatinggabi, tiyak na magagalit ako sa kanya." pinalobo niya ang chewing gum. Lumaki ang lobo, kasing laki ng mukha niya at—- POP! Pumutok yun at bigla na lang may isang piraso ng rosas ang kagat kagat niya sa tangkay. Ibinigay niya yun sa akin. "Ibigay mo yan kay Galatea. Pakisabing nalulungkot ako sa biglaan niyang pagpapakasal. Aalis na ako." Nailing na lang ako habang pinanood ko siyang maglaho. Bigo sa pag-ibig? Alam kasi ng lahat na masugid siyang manliligaw ni Galatea kahit pa Knight na lang ito. Isang Duke si Lord Redder. Siya sana ang magiging prinsipe kung hindi naiba ang ihip ng hangin nang mas piliin ng konseho ang damphir na anak ni Lord Orpheus. Kung tutuusin ay mas mahina sa antas ko si Lord Redder dahil siya ay isa lamang Illusion Master. Kapag nahuli ka niya, lahat ng mga masasamang imagination sa utak mo ay pwede niyang gawing realidad mo. Kapag nagtagal ang exposure mo sa mahika niya, mabubuhay ka sa parehong mundo ngunit naiiba ang persepsyon mo. At sa paglipas pa ng panahon, lalong nag-ibayo ang kanyang kapangyarihan hanggang sa nakaya na niyang gumamit ng kapangyarihan na gaya sa mga Marquis. At nito lang, bali balitang kaya na rin daw niyang pag-ibayuhin ang kanyang mahika gamit ang mahika ng oras. Kung ako sa kanya, dapat akong magalit nung hindi ako ang pinili para maging prinsipe. Pero siya? Tinawanan lang niya ang issue. Hindi mo mababasa kung ano ang nasa isipan niya; kung tanggap nga ba niya ang desisyon ng konseho o nabitter din ba siya kahit 1second. Nang nakarating ako sa mansyon, nagkakagulo na nga sila. May lumabas na para hanapin ang kamahalan. Wrong timing para ibigay ko kay Galatea yung rosas. Maya maya na lang. Much to my dismay, umuwi ang kamahalan wala pang isang oras ng pamamalagi ko dito. May kasama siyang Baronet. —— direk_whamba A/N: Double UD!!!! >___< —— Opus 62 Shall's POV: NAWAWALA NA NAMAN SI HIO. Napakapasaway talaga ng lalaking yun! Hindi naman siya pinagbabawalang gumala kung yun ba ang hilig niya. Pero gusto niya talaga yung siya lang mag-isa! Grr.. Makakatikim talaga siya sakin! "Ako na ang maghahanap sa mahal na prinsipe." sabi ko sa kanila. Ako yung knight eh. Hindi ko hinintay ang approval nila. Tumakbo ako palabas ng mansyon. Sa may gate ay nakasalubong ko si Lord Hyperion. Bahagya akong yumuko sa dati kong ka-guild. "Magandang gabi Lord Hyperion." Tumango lang siya. "Ang mahal na Prinsipe?" sinasabi ko na nga ba at yan ang next question niya. Hello hindi ako tanungan ng nawawalang kalabaw! "—Ang totoo po niyan, hahanapin ko siya." Tumawa si Lord Hyperion. Is there something funny? Then he tapped me on my shoulder. "Sige hanapin mo na siya. Pagbalik mo mamaya ng mansyon, may ibibigay ako sayo." Hindi ako masyadong interesado sa kung ano man yung ibibigay niya. Priority kong hanapin si Hio. Sa loob ng halos isang oras, nilibot ko ang kagubatan. Wala akong nakitang bakas ni Hio at lalong hindi ko siya mapakiramdaman. Nagdecide akong bumalik ulet sa gate ng mansyon bilang starting point bago ako mag iba ng direksyon sa paghahanap. Mga limampung metro nung maramdaman ko ang mahinang aura na mula sa hinahanap ko. Nag-dash ako at nakita ko nga si Hio. Hindi siya nag-iisa dahil may babaeng nakakapit sa braso niya. Sa suot nun na damit, isang Baronet marahil yun. Isinuot ko ang gloves ko at kinuha ang pilak na krusipiho. Nagpalit-anyo ang krusipiho. Naging isang.. **** Hio's POV: CHAINSAW. May hawak na chainsaw si Shall. YARI! "Ah Ophelia, pwede bang wag mo na akong alalayan sa paglalakad? Kaya ko na to." bumitaw sa akin si Ophelia. Nang tuluyan na kaing makalapit sa kinatatayuan ni Shall, hinatak niya ang ignition ng chainsaw. Gusto kong maihi sa takot habang bumabandera sa katahimikan ang ingay mula sa chainsaw! "SAAN KA NA NAMAN NANGGALING?!" gigil na tanong sa akin ni mayora. "Nagpahangin!" sagot ko. Crack! Puta muntik na akong atakihin sa puso nung kinarag niya yung blade ng chainsaw sa gilid ng gate! Natibag yung sementadong parte eh. "BAKIT MAY KASAMA KANG BABAE?!" next question ni Shall. Oo nga bat ako may kasamang babae? "Ahh Galatea, na-assign ako bilang tagapangalaga ng kamahalan. Dalawang beses kaming magkikita sa loob ng isang buwan—" binawi sakin ni Ophelia yung mga gamit niyang dala dala ko. "Aalis na ako kamahalan. Mag-iingat ka." Nakaalis na si Ophelia pero yung chainsaw, NAGBABANTA PA RIN! Dahil ayokong ma-chainsaw massacre, lumuhod ako sa harap ni Shall at yumapos sa bewang niya. "Sorry naaa— nabore lang ako kanina kaya naisipan kong gumala. " Nagulat yata siya sa pagluhod ko. "ANO BANG GINAGAWA MO?! Tumayo ka nga diyan!" Hindi ako gumalaw hanggat hindi nawala yung nakakatakot niyang equip. Chink! Yung chainsaw, nagbago ng anyo. Lumiit ng lumiit hanggang sa maging crucifix. "Hindi na kita sasaktan kaya tumayo ka na diyan!" aniya. YEHEY SAFE! Tumayo ako. Tas hinigh kick niya ako! Nalaman ko tuloy kung ano ang kulay ng panty niya. Sa sobrang lakas ng sipa niya, tumuret ako, humampas sa gate at gumulong hanggang fountain. Punyemas fifty meters yun ah! Pagkatayo ko. Nasa harapan ko na si Shall. "Tang inang yan. Sabi mo DI MO AKO SASAKTAN? Pina-rape mo ako sa lupa eh!" Namaywang siya. "Oh baket nasaktan ka ba?" Napaisip ako. Hindi nga masakit. Pero yung itsura ko parang hikahos lang. Tae sirang sira suot kong shirt. "Pumasok na tayo sa loob makulit na lalake!" Nakatalikod na siya sakin nung hilahin ko siya at niyakap. "—Sampung taon akong nakakulong sa isang mansyon at pitong taon naman sa bahay ampunan. Pakiramdam ko nabubuhay ako para makulong. Na makakabuti para sa lahat kapag nakakulong ako. Hindi na ako makahinga, bigyan mo ako ng hangin. Wala akong pakialam kung masama ang hangin na yun para sakin. Basta gusto kong maramdaman na may karapatan din ako sa mundong ito." **** Shall's POV: Ano ba ang tamang salita para magreply sa kanya? Wala. Katahimikan lang talaga. Hindi ba siya natutuwa dahil naging Prinsipe siya nang walang kaeffort effort? Marami ang gumagalang, nag-aalala at nagmamahal sa kanya! Hindi ko siya maintindihan ngayon pero susubukan ko siyang intindihin. Hinawakan ko siya sa braso at kinaladkad papasok ng mansyon. "Pare anu nangyare ha imo?" hindi lang si Coffee ang taka sa hitsura ni Hio. Siya lang talaga yung very vocal. Ngumiti si Hio. "Wala naman pare. Nahulog lang ako sa bangin." duh? May nakakangiti pa ba pagkatapos mahulog sa bangin?! Tumikhim si Lord Hyperion. Mukha siyang iritable habang tingin ng tingin sa kanyang Rolex. Tumayo siya di kalaunan at itinuro niya ang mesa kung nasaan may kalahating dangkal na stack ng papel. "Kamahalan, wala na akong oras pa. Iiwan ko na lang ang unang bahagi ng iyong pagsusulit. Sagutan mo at bukas ko kukunin. Pagkatapos, ibibigay ko ang ikalawang pagsusulit—" bumaling siya sa akin. "—Galatea, ihatid mo ako." BAKIT AKO?! Hmp. Inescortan ko siya hanggang sa may gate. Nag-aabang na doon ang kanyang limousine. May kinuha muna si Lord Hyperion sa inside pocket niya. Isang pulang rosas. Iniabot niya yun sa akin. "Ipinabibigay yan ni Lord Redder Black. At pinapasabi niyang ikinalulungkot niya ang biglaan mong pagpapakasal." Buhay pa ang payaso na yun?! Nakakatakot ang bampira na yun. Matagal na siyang wala. Bakit siya nagpaparamdam ulit?! Broooooomm.. Nakaalis na si Lord Hyperion nang hindi ko namamalayan. Kinakabahan ako na di ko malaman. Itatapon ko ba ang rosas na ito?! Wala sa isip kong itinapat sa ilong ko ang rosas. Nalanghap ko ang kakaibang bango niyon. Iba sa bango ng ordinaryong rosas lang. **** Hio's POV: Nagpaalam si Medea na babalik sa kanyang mansyon. Tinulungan siya ni Mie para hindi na mahassle dahil walang Farer. Si Yuki, nasa ibang bahagi ng mansion yata. Tatlo na lang kaming nasa sala. "Ang tagal ni Shall." bulalas ko. Paano thirty minutes na ang nakalipas hindi pa siya bumabalik dito. Kahit may 75meters ang layo ng gate sa main door, makakarating naman siya dito agad kung gugustuhin niya. "Tara Kape samahan mo ko baka nadaganan na yun ng gate!" tumayo na si pareng Kape. Si Mie nagsalubong bigla ang kilay. "Dito ka lang Kape ako na sasama kay kamahalan." overprotective! Sa labas, suminghot singhot si Mie sa hangin. "Naaamoy ko si ate. Doon!" itinuro niya ang gate. Patakbo na sana ako eh nahawakan lang ni Mie yung laylayan ng shirt ko. "Kamahalan, hindi ka na tao para mahassle ng ganyan!" Di ko nagets. "Anong ibig mong sabihin?" muli niyang itinuro ang gate. "Kung gusto mong makarating dun, isipin mo lang na gusto mong nandun ka. Pero syempre limitado lang ang distansya na pwede mong puntahan depende sa iyong kapangyarihan." Tsing! At nawala si Mie sa harap ko. Nakita ko ang maliit na pigura niyang nasa likod ng gate. Ginawa ko ang sinabi niya. Inisip kong gusto kong makapunta sa may gate at— POOF! Puta pagkurap ko KATABI KO NA SI MIE! "—Kamahalan, tingnan mo!" Walang malay na nakahandusay si Shall sa aming harapan. Dumulog ako para tingnan kung napano siya. Wala naman siyang sugat. Para lang talaga siyang natutulog at ginawa niyang kama ang kalsada. May hawak siyang pulang rosas sa isa niyang kamay. "Shall? SHALL?" tinapik tapik ko ang pisngi niya. "Sa tingin ko ay may nagcast sa kanya ng isang mahika kaya hindi siya basta basta magigising. Buhatin mo siya at bumalik na tayo sa loob." Nagconcentrate ako at inisip kong gusto kong magteleport hanggang sa tapat ng main door. Medyo nagtagal muna kasi napupuno ako ng pag-aalala. Si Mie ang nagbukas ng main door para sakin. Dire direcho kami pabalik ng sala. Napatayo kagad si Kape pagkakita samin. "Hano nanyare key Shall?" "Hindi ko pa alam." syet hysterical na ko. Inihiga ko ang girlfriend ko sa mahabang sofa. Tumunghay sa kanya si Mie at pinagpatong nito ang mga kamay niya. Lumingon siya sakin. "Kailangan natin ang tulong ng isang Baronet para masuri siya." "May kilala akong Baronet.. Si Ophelia!" suggestion ko. "Alam mo kun nasaan siya ngayon?" Umiling ako. Nakita ko siya dati sa isang ospital pero di ako sure kung nandun siya ngayon. "Mabibigyan mo ba ako ng palatandaan ni Ophelia?" Umiling ulit ako. Disheartened. Naupo ako sa tabi ni Shall at ipinatong ko ang ulo ko sa dibdib niya. Bakit pinabayaan ko siyang mag-isa? "—Kahit amoy kamahalan?" Amoy? Tumingin ako kay Mie. "Kumapit siya kanina sa braso ko. Mabango yung amoy niya at naaamoy ko pa rin yun hanggang ngayon—" Walang inaksayang sandali si Mie. Kinuha niya ang braso ko at saka inamoy. Lumayo siya pagkatapos gumuhit siya ng linya sa carpet gamit ang daliri niya. May nag-appear na ibang lugar na bahagi yata ng isang ospital. "Sige na kamahalan, puntahan mo na si Ophelia!" Pinisil ko ang malamig na kamay ni Shall. "Babalik ako kaagad." Tinalon ko ang lagusan na dumugtong sa corridor ng isang private hospital. **** Shall's POV: "Galatea, imulat mo ang mga mata mo." anang isang baritonong boses. Sinunod ko siya out of curiosity. Kakahuyan ang paligid ko. Nakaupo ako sa isang kakaibang armchair. Nasa harap ko ang napakahabang mesa na puno ng mga teapot, teacups at cakes. Tapos nakaupo katapat ko ang payasong ayaw na ayaw kong nakikita. Umiinom siya ng tea. Nakaupo sa may gawing kanan niya ang isang nilalang na topless, may abs, may pakpak na itim, at may sungay. Isang incubus! Napatayo ako at napaatras. "B-bakit ka may kasamang incubus?!" Isang uri ng nightmare ang mga incubus. Karamihan sa kanila ay nanghahalay ng mga kababaihan sa panaginip. Sa pag-atras ko, napansin kong iba ang suot ko. Dinama ko ang ulo ko; may suot akong headband na may nakakabit na parang mahabang fluffy na tenga. Walang duda, nakaBUNNY GIRL cosplay ako! Tumawa ng tumawa si payaso. O.A. sa tawa na kulang na lang ay iluwa niya ang dila niya. Hindi ko na siya natancha kaya hinagis ko sa kanya yung inuupuan kong couch. Sumadsad yun sa mesa at inararo ang mga babasagin. Crash! Sa kasamaang palad, tumagos lang yun sa katawan ni payaso. "Relax ka lang Hunny Bunny. Familiar ko itong incubus na to. Maupo ka at uminom ng tsaa." Hunny Bunny?! Tss.. WHATEVER! Tutal ay isa lang itong panaginip edi maupo! Humila ako ng panibagong armchair. Nilantakan ko ang cake na nasa harapan kong may tag na 'eat me'. "Wag na wag makalapit lapit sakin yang incubus na yan kundi pupulbusin ko ang pakpak niya!" Mayamaya, parang nangati ang diapraghm ko. Tawa na lang ako ng tawa bigla. "Hahahahaha! May nilagay ka bang— HAHAHA— nakakatawahaha sa cake na to?! Haha!" Nyahahaha! Tumawa rin si Payaso. Huwahaha.. Sorry di ko mapigilan ang tawa kohohoho! May pinalipad siyang cake sa ere at lumanding sa harap ko. May 'eat me' na naman! Wehehehe baka may kung ano na naman sa cake na ibinigay niya! Hinawi ko yun at kinuha ko ang isang vial sa mesa na may tag na 'drink me'. Hihi nilagok ko yun bottom's up! Nahinto ang nakakahiyang pagtatawa ko. Kaso—- Uhuhu.. Nakakaiyak! Aish nababaliw na ako huhu. Tuloy tuloy ang pagtulo ng luha ko! Huhuh.. *sigok.. sigok..* Tumayo si payaso at lumapit sakin. Niyakap niya ako. "Kawawa ka naman Hunny Bunny. Yan kasi di mo kinain yung binigay kong cake." "Ugh.. Huhu lumayo ka sakin damuho kaaa huhuhuh. PAALISIN MO NA AKO DITOOO!" Lalo siyang napasarap sa yakap niya. Huhu. "Hindi pa maaari. Nasa kalagitnaan pa tayo ng paglalaro eh!" aniya. "Uhuh.. P-paglalaro?!" Naging fierce bigla yung mga mata ni payaso. "Tingnan natin kung may makapagliligtas sa'yo. Kapag wala, magiging panaginip na lang kita panghabambuhay." —— direk_whamba A/N: Love Lewis Carroll’s Alice in Wonderland ^^ —— Opus 63 Race's POV: Usong uso saming mga bampira ang cosplaying para makahalo sa society ng mga tao. Wala kaming pakialamanan. Ako? Lagi akong nakauniporme ng isang estudyante. Hindi ako isang estudyante ng paaralan kung nasaan ako ngayon. Gusto ko lang na nandito ako. May mga pagkakataong nakikisit-in ako at nakikinig sa mga itinuturong aralin ng mga prof. Pero bihira lang yun. Stand out 'yata' ako kasi palagi na lang may nakatingin sakin. Huminto ako sa tapat ng isang faculty room. Sumungaw ako ng bahagya sa bakanteng desk ng paborito kong prof. May isang buwan na mula nang mabakante ang desk na yun. Hindi na babalik yung prof pero balita ko ay may replacement na siya. Nakakalungkot. Ganun ganun na lang kabilis kung magmove on ang mga tao. Patay na ang tinutukoy kong prof na yun. Dati siyang nagtuturo ng Pisika. Mabait siya at palakaibigan pero kakatwang wala siya masyadong kasundo sa mga kafaculty niya. Isang araw, may isinulat siyang problem sa board. Walang nakasagot nun. Pagkatapos ng klase niya pumasok ako sa loob. Hindi ko napigilan ang sarili kong sagutan iyon. Tapos nahuli niya ako. May nakalimutan yata siyang gamit kaya siya napabalik. At sobrang absorbed ako sa solving kaya hindi ko siya napakiramdaman. "Sino ka? Estudyante ba kita?" Umiling ako. "Sorry kung pinakialaman ko yung isinulat mo." "Tama ang sagot mo ah?" lumapit siya kaya napaatras ako. "Bakit?" "Ang totoo niyan.. Hindi ako estudyante ng paaralang ito. Pero gusto ko ang pisika kaya nandito ako." Palagay ang loob niya sa akin. Kalaunan ay pinayagan niya akong magsit-in sa klase niya. May mga pagkakataong nagdedebate kami pagkatapos ng klase. Ipinakilala niya ako sa anak niyang pitong taong gulang. Iniwan sila ng asawa niya at sumama sa kano dahil hindi daw nakakabuhay ang kinikita niya sa pagtuturo. Napalapit ako ng husto sa bata dahil bukod sa pagiging masayahin ay napakatalino niyon. Naging masaya ako dahil nagkaroon ako ng mga kaibigan sa katauhan nila. Pero dumagok sa buhay nila ang isang trahedya. Naaksidente sa daan ang sinasakyan nilang jeep pauwi. Dead on the spot ang prof. tas yung anak niya—- Sinipat ko ang relos ko. Umalis ako sa pintuan ng faculty at naglakad palabas ng building. Tumungo ako ng isang pribadong ospital. Pagdating dun, nilagpasan ko ang information at sumakay agad ako ng elevator. Sa third floor ako bumaba at pumasok sa ikalawang ward. "Magandang gabi Lord Race." Tumango ako kay Lady Ophelia. "Kamusta na ang lagay niya?" ang tinutukoy ko ay yung batang pasyente na nakaratay sa kama. Balot siya ng benda at tadtad ng aparato. Isang buwan na siyang comatose. "Lord Race, matagal na siyang nakaratay. Alam mo namang milagro na lang ang makakapagligtas sa mga taong comatose. Bakit hindi mo pa siya ampunin at gawing bampira?" Bumuntong hininga ako. "Bakit hindi Ophelia? Ang kaso ay buhay-pugante ako. Marami ang nagtatangka sa buhay ko; at habang nariyan pa si Trace, masasaktan lang ang bata sa piling ko." Marami na akong nilapitang maharlika upang ipaampon ang bata subalit marami ang tumatanggi sa hiling ko. Ang gusto ko ay gawin siyang anak at hindi alipin. Bumukas ang pinto ng ward. Iniluwa niyon ang kamahalan. Balisa siyang tingnan. "Ophelia, kailangan kita!" bulalas niya. **** Hio's POV: Hindi specific kung nasaan si Ophelia pero naaamoy ko siya. Dinala ako ng mga paa ko sa isang private ward. Pagbukas ko nun, nandun nga siya. Ikinagulat ko nang makita kong nandun si pareng Race. Kaanu-ano niya yung pasyente? "Ophelia, kailangan kita!" yun agad ang nasabi ko. "Bakit kamahalan?" surprised niyang tanong. "May nangyari kasi kay Shall. Tulungan mo ako." Nagulumihanan siya. "Sinong Shall?" Amputa andami kasing pangalan eh. "Si Galatea. Yung Knight ko." "Naaalala ko na siya. Ano ba ang maitutulong ko sa kanya?" "Nakatulog siya. Tas hindi siya magising." Nanahimik sandali si Ophelia. "Maraming kaso kung bakit hindi magising ang isang bampira. Para makasiguro, kailangan ko muna siyang matingnan." Tumango ako. "May portal ako sa dulong hallway. Nakadugtong yun pabalik sa mansyon ko." "Sandali lang kamahalan. Hintayin mo ako. Hahanap muna ako ng kapalit para magbantay sa pasyente." Lumabas siya kaya naiwan kaming dalawa ni Race. Lumapit siya sa pasyente. Ginaya ko siya. Comatose yata yung batang lalake na nakaratay. Nanghihinayang ako para sa kanya. Paglaki ng batang to maraming chix ang mapapaiyak niya. May kakaiba akong nararamdaman habang pinagmamasdan ko ang bata. Siguro kung magkakaroon man ako ng anak, gusto ko yung kagaya niya. Nakikita ko sa kanya yung sarili ko nung magkasing edad kami. "Anong pangalan niya?" naitanong kong bigla kay Race. "Aster ang pangalan niya kamahalan. Isinunod sa bulaklak na Aster." Ang gandang pangalan. Napakaswerteng bata. "Nasaan ang mga magulang niya?" "—Inabandona na siya ng kanyang ina. Ang alam ko, lumagda yun sa isang kasulatan na wala na iyong kaugnayan o responsibilidad sa bata. Ang kanyang ama ay namatay na. Naaksidente sila nung isang buwan. Ako na lang ang nag-aasikaso sa kanya." Hinawakan ko ang maliit at nangangayayat na kamay ng bata. Pagkatapos ng nangyari sa kanya, baka hindi na siya makangiti pa. "Gusto ko siyang ampunin at gawing bampira pero hindi kasi ganun katino ang buhay ko. Baka madamay lang siya at mapahamak. Marami na rin akong nakausap pero lahat sila tumatanggi—-" "—Ako ang aampon sa kanya!" mabilis kong sagot. Ni wala sa isip ko kung paanong parenting ang gagawin ko. Basta yung impulse ko dinidiktang gusto kong mapunta sakin yung bata lalo't walang may gusto sa kanya. Parang pumitik yung daliri ni Aster. "P-papa.. Pa-pa.." nagmamumble siya pero nakapikit. "M-magigising yata siya?" hindi ko siguradong bulong kay Race. "Tatawag ako ng doktor!" pinindot ni Race yung intercom habang ako, nakatanga sa bata. Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay niya. Ang galing.. Tinawag niya akong 'Papa'. Bumukas yung pinto ng ward at pumasok si Ophelia. Nakabuntot sa kanya ang isang nurse at doktor. "Umalis na tayo. Sila na ang bahala kay Aster." ani Ophelia. "Aalis muna ako Aster. Magpapagaling ka ha? —Race, pakibantayan siya ha?" Binagtas namin ni Ophelia ang deserted corridor patungo sa open portal ni Mhie. Pagtawid namin sa kabilang side, chineck kaagad ni Ophelia si Shall. Lumapit sakin si Kape at inakbayan niya ako. Binibigyan niya ako ng di mawaring fighting spirit. Nagselos lang si Mie. Hinila nun si pare palayo sakin. "Isang ordinaryong pampatulog lang ang nalanghap niya. Kung bakit hindi siya magising ay kagagawan ng kung anong nilalang na nakakapagdala ng bangungot." "Gaya ng mga incubus at succubus?" tanong ni Mie, the talking vampire dictionary! "Maaari." Kumamot ako sa ulo ko. "Paano ko siya gigisingin?" "May mga paraan pero sa tingin ko ay hindi mo magagawa dahil—-" "—Lady Ophelia, ako si Minerva von Hairenn. Kung tutulungan ko ang kamahalan, posibleng magawa niya ang naiisip mong paraan." WALA akong nagets sa mga plano nila. Tumango si Ophelia. "Kung ganun ay ihahanda ko na ang pampatulog." may dinukot na maliit na vial si Ophelia sa bulsa niya. Violet na kung ano ang laman nun. Nang binuksan niya ang cork, tumakas ang usok dun. Di sadyang nalanghap ni Kape at bigla na lang siyang dumapa sa sahig. Nakatulog ang gago. Hinarap ako ni Mie. "Kailangan mong matulog kamahalan. Magkita tayo sa dimension point na bubuksan ko. Mula dun, igagawa kita ng butas para makapasok sa panaginip ni ate. Kuha mo ba?" Tango na lang ako. Inutusan ako ni Mie na iupo si Shall tas hinawakan niya ang isang kamay nito. "Hawakan mo yung kabilang kamay niya." utos niya ulit. Hinawakan ko nga. Yung kabila kong kamay ay hawak na ni Mie. "Simulan na natin." aniya. Umilaw yung bilog na space sa gitna naming tatlo. Pagkawala ng ilaw, siya namang paglitaw ng isang pentacle. Biglang humangin ng napakalakas. "Ophelia?" pukaw ni Mie sa baronet. Pinakawalan ni Opelia ang laman ng vial sa hangin. Malugod kong nilanghap ang manamis namis na halimuyak ng hangin. —— "KAMAHALAN, NANDITO NA TAYO." Nagmulat ako ng mata ko. Itim ang buong paligid pero malinaw kong nakikita si Mie pati ang katawan ko. Sa may bandang gitna (na ewan ko kung gitna nga), may nakalutang na isang malaking hiyas na kulay cyan. "Ito ang dimension point na sinasabi ko kamahalan. Mula dito, nakakapagbukas ako ng iba't ibang dimensyon." Nag-materialize ang isang pinto sa harap namin. "Pumasok ka na kamahalan. Bilisan mo. Sandaling panahon ko lang kayang panatilihing bukas ang dimension point. Kapag nadala mo dito si ate, makakabalik tayo ng ligtas sa totoong mundo. Pero kapag nabigo ka, habambuhay na tayong magiging mga mares." "Mares?" ulit ko. "Mga kaluluwang pagala gala sa panaginip ng iba." Ayokong maimagine! Tinakbo ko ang pinto— BLAAAG! Plakda ako putek! Ang lapit lang pala ng pinto. Binuksan ko yun at pumasok sa loob. "HOLY F!" gusto ko na yatang magback out. Kaso paano ko gagawin yun KUNG NAHUHULOG AKO SA MALALIM NA HUKAY! "AAAAAAAHHHHHHH!!" Thrill ang feeling. Kaso natatakot ako kung saan ako lalagapak. Oh Diyos na mahabagin WAG NAMAN SANA SA HYPER SOLID NA SEMENTO! Bumaldog ako sa parang pugad yata ng ibong Adarna tas tumalbog talbog ako hanggang sa panibagong pintuan. Pumasok ako dun. Ang loob nun ay isang plain na silid lang. May red and black tiles ang sahig, mayroon ding mesa at upuan. Sa mesa ay nakakita ako ng napaka UBOD ng liit na susi at isang slice ng pannacotta na may nakalagay na 'eat me'. Dineadma ko yung pannacotta at hinanap ang pinto na pwedeng susian ng maliit na susi. Sa may gilid ng gas range ay may nakita nga akong maliit ng pinto na daga lang yata ang kasya. Nagpasalit salit ang paningin ko sa susi at sa pinto. Tangina mo Shall ano ba tong panaginip mo?! Paano ba ako kakasya sa maliit na pintong yun? Naalala ko yung 'eat me' sa mesa. Kinain ko yung pannacotta. Sarap ah. Pero kauhaw. Wala bang panulak? Saglit akong nahilo. Tapos palaki nang palaki sa paningin ko ang paligid hanggang sa kasing taas na ng mga billboard sa EDSA yung mesa at upuan. Tinakbo ko yung maliit na pinto. Shoot na shoot ang susi! Tiningnan ko muna ang aapakan ko bago ako pumasok sa loob. Ay mali, lumabas pala ako. Endless gubat ang nakita ko. Dito yata ako mukhang mahihirapan. —— Abangan ang continuation ng Hio in wonderland ^___^V direk_whamba A/N: Actually double update po sana ito.. pero ginagawa ko pa kasi yung next chap mejo napaaga lang akong nakahiram ng net.. so kapag nakahiram ako mamaya, i will try to update pero kung hindi, bukas na lang ulit ^^ —— Opus 64 Hio's POV: Sige aaminin ko na, NATUTUWA AKO SA PAGTETELEPORT! Hehe! Nafigure out ko ang mechanism nun. Makakapagpalipat lipat lang ako sa lugar na abot ng aking focal point. Kaso nashishit ako ng lugar na to eh! Wala akong makita kundi mga puno, damo, at—- MAY NAKIKITA NA AKO SA BANDA DUN! Di ko madescribe eh. Basta makulay. Naglaho akong basta sa kinatatayuan ko. Nagtransfer ako sa may gawing makulay na pinagsasabi ko kanina. Mga kabute pala ang nagbibigay ng kulay dito. Iba't ibang sizes and shapes. Nasa pinakagitna yung pinakamalaking kabute, doble ng height ko ang taas nun. Sa tuktok nun ay may nakaperch na malaking bulate na nagyoyosi. Mga nasa bente yata ang subo niyang yosi. Mukha tuloy peashooter yung ulo niya. Yosikadiri. Wahahaha. "Boy, hindi ako bulate. Isa akong centipede! At hindi ako yosikadiri. AT WAG MO AKONG PINAGTATAWANAN NANG PALIHIM!" HALA?! Nagsalita yung bulate?! Nakakapagsalita siya kahit me subo siyang yosi! Nagsalubong ang kilay ni bulate. "TANG INA MO SINABING HINDI AKO BULATE!" Astig, marunong din siya magmura! Pero eka nga— "N-NABABASA MO ANG INIISIP KO?!" Tumango tango siya sabay buga ng usok sa kalangitan. "Oo boy. Kaya kahit hindi mo na itanong, alam kong itatanong mo kung saan makikita yung babaeng hinahanap mo." WOOO IDOL KO NA SIYA! "Alam mo ba kung saan?" Humithit na naman siya sa yosi. "Sa kasamaang palad, walang nilalang na tinatawag na babae ang nandito. Kung ako sayo, uwi uwi na." Nagsisinungaling tong bulate na to. Imposible namang nagkamali si Mie? "BUSET! HINDI PA AKO NAGKAKAMALI KAHIT KELAAAN!" sumigaw siya nang malakas at yumanig sa aming paligid. "Ah eh, kalma lang po. Aalis na ako kung hindi mo ako matutulungan—" Lalong tumindi ang pagyanig! Di lang yan, lumalaki si bulate! "SINONG MAY SABING PWEDE KA NANG UMALIS! GAGAWIN KITANG PAGKAIN! HYAHAHAHA!" Patay! Nahating bigla ang mahaba niyang katawan. Bumuka at naglabasan mula dun ang mga mas maliliit pang bulate! Wala akong ginawa kundi manginig sa kinatatayuan ko. "Hoy mister? Hindi ka man lang ba kikilos para lumaban?" may kumalabit sakin mula sa likod pero busy ako kakaisip kung paano ako makakatakbo sa higanteng bulate split sa harap ko. Di pala uubra ang teleport pag magulo isip mo! "Hoy mister, nakikinig ka ba?" anang makulit sa likuran ko. Bahagya akong lumingon. "Bakit ba? Hindi ako marunong lumaban—" "—HETO CATCH!" may ibinato siya sakin. Tumama yun sa ulo ko at bumagsak sa nakasahod kong mga kamay. Something hard, long, and thin. "Ay pati pagsalo wala ka man lang talent!" umikot siya at humarap sakin. Isang binata yun na mukhang babae dahil ang curly ng buhok niya. Singkit ang mga mata niya tas kakaiba ang kasuotan niya. Mayroon pa siyang nakakatawang top hat... Siya ata si Mad Hatter I guess? "Ako si Ji Hyun. Isa akong Baronet na support-type. Pero ngayon isa na lang akong mare." "Mare?" Tumango si loko. "Dati na akong tumawid mula sa dimension point. Sa kasamaang palad, may pumatay sa katawan ko habang tulog ako. Kaya heto— pagala gala na lang ako kung saan may available na panaginip." EEEEEERRGGHHH! Kumaluskos ang dambuhalang bulate split. Lalong kumulot ang mga baby bulateng nagba-bungee sa loob ng tyan niya! "Para naman maengganyo ako sa paglalakbay ko dito, tutulungan na lang kita!" ani Ji Hyun. Nabuhayan ako sa sinabi niya. "Talaga papatayin mo yung bulate para sakin?" "Hindi. Ikaw ang papatay sa bulateng yan para sakin." Nanlaki ang mga mata ko. "ANO?! Hindi ka rin marunong makipaglaban?!" "TAMA!" mabilis niyang sagot. "—Pero kaya kitang suportahan sa pakikipaglaban!" Napatingin ako sa hawak ko. Isa pala iyong espada. "Paano naman?" Itinaas niya ang isa niyang kamay. Nagliwanag yun tas itinuro niya ako. Lumipat sakin yung liwanag. "Anong meron dito pre?" tanong ko pagkawala ng liwanag. "Hah! Expert ka na sa martial arts! Try mo!" may himig ng pagyayabang niyang sagot sakin. "WEH? Ganun ganun lang yun—-?!" BADOOOOM! Hinampas ng higanteng bulate ang sarili niyang ulo sa kinatatayuan namin. Last minute, nakatalon kami para umilag. Astig nakatalon ako ng twenty feet! "Mister, ang ni-cast ko sayo ay coordination, skills at instinct ng isang mandirigma. Pero hindi mo talaga matatalo ang kalaban kung hindi mo iniisip na umatake." "Oh sige na susubukan ko!" inalis ko sa sheath yung espada at itinutok sa nag-aalburotong bulate. Paghampas niya uli, tinalon ko ang ulo niya. Ayos ang reflexes ko ah! Parang ang gaan gaang dalhin ng katawan ko! Since wala akong maisip, inalala ko yung mga fight scenes na napapanood ko sa Naruto. Okey ready na ako! Buong lakas kong tinusok sa ulo ng bulate yung talim ng espada. Tas hindi ko binunot. Dinarag ko yun hanggang sa tumatakbo na ako pababa ng katawan niya. Nagets niyo? Hinihiwa ko siya! Dahil hati na siya halfway, madaling naghiwalay sa dalawa ang katawan niya. Pagtumba nun sa lupa, yumanig na naman. Tapos nadetach ang libo libong baby bulate! Dumikit ako kay Ji Hyun at hiniwa hiwa ko ang mga bulateng magagawi samin. Nakikita ko ang trajectory nila kaya ko nagagawa yun. "Maangas ka na mister!" komento ni Ji Hyun. "Hio na lang ang itawag mo sakin pre. Mas maangas yung ginawa mong magic!" "Ah mas gusto kong tawagin kang mister! At saka yung mahika na ginamit ko sayo ay inimbento ko para talaga sa mga weakshow na gaya mo. Hwahaha!" Tengena. Pagkatapos mamuri, manlalait? Ikaw na ser! "Joke lang. Alam mo kasi mister, may kaibigan ako dati. Pangarap talaga niya ang maging mahusay sa pisikal na pakikipaglaban. Pero kahit anong sigasig niya sa pag-eensayo, hindi talaga makondisyon ang katawan niya. Tinulungan ko siya. Ilang taon akong hindi natulog para maperpekto ko ang mahika—" bahagya siyang natigilan. Naisip niya yatang masyado na siyang maraming nasasabi sa bampirang ngayon lang niya nakilala. Ganunpaman, pinush ko ang tanong ko. "Eh nasaan na ngayon ang kaibigan mo?" "Siya ang pumatay sa katawan ko. Dahil sa ginawa niya, naputol ang lahat ng koneksyon ko sa totoong mundo kaya wala na rin akong balita sa kanya." Trinaydor siya ng kaibigan niya?! Wag naman sana akong ganunin ng mga friends ko. "—Nung makita kita, parang nakita ko na rin siya. Magkamukhang magkamukha kayo pero malayo talaga ang personality niya sayo." aniya. Naligaw saglit sa kawalan ang diwa ko. Nakaencounter na naman ako ng nilalang na kilala ang ama ko. Pero ano yun? Bakit pinaslang ni Papa si Ji Hyun? Natawa si Ji Hyun sa busangot kong pagmumukha. "Hahaha! Ikaw na ba ang anak niya? Wild guess lang." Tumango ako. "Galit ka ba sa ginawa sayo ni Papa? Eh sigurado ka bang siya ang pumatay sayo? Baka—" "Siya ang pumatay sakin dahil yun ang kagustuhan ko." sagot ni Ji Hyun. "—Ganito kasi yun mister, bukod sa paraan ng pangungulam, itinuturing na taboo sa mga Baronet ang pag-aaral ng reverse Alchemy. Pero dahil matigas ang ulo ko, doon ako nahilig. Sinuportahan ako ng iyong ama sa pangakong hindi ako papatay ng tao. Pero hindi uusad ang mga eksperimento sa reverse Alchemy kapag walang alay. Naipit ako sa pagitan ng desperasyon kong mabuo ang aking research at sa pangako ko. Nauwi ang lahat sa paggamit ko ng sarili kong katawan. Nabigo ako at nagtransmutate ang aking katawan. Hindi ko nasikmura ang hitsura ko kaya hiningi ko na ang aking kamatayan. Subalit heto, gumawa ng paraan ang iyong ama para patuloy akong mabuhay." Sasabihin ko ba sa kanyang wala na si Orpheus? Wag na lang. Hindi naman niya tinatanong ee— "—Patay na siya tama ba ako mister?" may lahing adik din tong Ji Hyun na to eh. Sasabihing wala na siyang balita sa totoong mundo tas biglang may alam na siya! "Paano mo nalaman? Wala pa naman akong nababanggit." Lumapit pa siya lalo sakin at tinapik tapik niya ang pisngi ko. "Alam mo kung bakit kamukhang kamukha mo siya? Dahil sa isang uri ng sumpa ng mga ancient vampires. Ang sumpang yun ay maaaring igawad ng ama sa anak na lalake habang nasa sinapupunan pa lang. Gagana lang yun kapag namatay ang ama bago pa maisilang ang anak—" "—NAGETS KO NA." putol ko. Dahil sa sumpang sinasabi niya, namana ko ang eksaktong hitsura ng ama ako. Living legacy ang datingan ko. Di ko alam kung mababadtrip ba ako sa nalaman ko? Lahat na lang sakin HINDI TUNAY! Ano pa para isang bagsakan na lang?! Oh c'mon God, surprise me! Pero ayos lang. Pogi naman ako eh. Hoho. "Aalis na ko Ji Hyun. May hinahanap akong bampira at kailangan kong magmadali dahil may naghihintay samin sa dimension point." "—Sasamahan kita! Alam ko ang pasikot sikot dito. Saan ba ang punta mo?" "Hindi ko pa nga rin alam. Posible mo bang matukoy kung nasaan ang may-ari ng panaginip na pinaglalakbayan mo?" tutal eh willing siyang tumulong, lulubusin ko na. Nagkamot siya ng ulo. "Hindi ko matetrace kung sino ang may-ari ng panaginip unless makaharap ko siya. Pero nalalaman ko kapag may pumasok galing sa isang dimension point." "Kaya mo ako natunton ganun?" Tumango siya. "Mister baka interesado ka sa ibibigay kong impormasyon. Bukod sayo, may pumasok na isa pang nilalang sa panaginip na ito. Nauna pa nga siya sayo eh. Ano sa palagay mo? Nasesense ko siya hanggang ngayon—" "PUNTAHAN NATIN SIYA!" walang pag-aatubili kong sagot. "Kung ganun ay sundan mo ako. Siguraduhin mo lang na hindi ako mawawala sa paningin mo kundi ay maliligaw ka." Bumwelo siya ng kaunti bago nawala sa harapan ko. Natanaw ko siya sa tuktok ng isang mataas na puno sa may silangan ko. Nagconcentrate ako at inisip kong gusto kong makarating dun. Paglitaw ko sa puno, siya namang pag-alis ni Ji Hyun; nagpakanluran siya sa tabi ng punong kulot ang mga sanga. Sumunod ako dun at pinakiramdaman ko kung saan siya next na dadapo. "—Tama ba ang magtiwala ka sa isang mare?" may biglang nagsalita. Nawala tuloy ako sa concentration. "SINO YAN?" Isang Cheshire cat ang nakabiting patiwarik sa isang sanga sa tuktok ko. Akala ko nung una siya yung pusang nagiging invisible. Nung matitigan ko siyang maigi, napagtanto kong wala lang talaga siyang balat at muscles kaya exposed ang laman loob niya. "Bakit alam mo ba ang tamang daan?" tanong ko. Masama ito! Nawala sa radar ko si Ji Hyun! "Hyihihihi! May mga friends ako na magtuturo sayo ng tamang daan!" May dalawang ugok na biglang sumungaw mula sa likod ng puno. Kumapit sila sa magkabilang braso ko. "Ako si Tweedle Dee!" "Hinde! Ako si Tweedle Dee at siya si Tweedle Dum!" Nagsimula silang magtalo sa harap ko tungkol sa tamang direksyon hanggang sa nauwi sila sa pagsasabunutan HABANG NAKAKAPIT SILA SA BRASO KO! "BOBO TWEEDLE DUM! Sinabing dito ang tamang daan eh!" "—MALI! AKO SI DWEEDLE DEE! BOBO!" Mayamaya, ako na yung sinasabunutan nila amp! Pineste! Naiinis na ako! SAYANG ORAAAS! PWSHOOOOONGG! Umihip ang hanging kay lakas at lumabas out of nowhere ang familiar kong si Jack. Natameme silang tatlo sa size ng alaga ko! Ehem.. Alaga kong kalansay ang tinutukoy ko. "Kayong tatlo, gusto niyong ipatabas ko kayo kay Jack?!" binitawan na rin nila ako sa wakas. "—MEOW, WAG PO! Hindi ka na namin guguluhin pramis!" Mabuti naman. Sinahod ni Jack ang malaking kamay niya sa lupa. Sumakay ako dun at kami ay lumipad. Mas madaling makita ang mga bagay bagay pag aerial view. Naispotan ko kaagad si Ji Hyun. At pati na rin yung nagaganap na komosyon sa di kalayuan. —— direk_whamba A/N: Good day mga ka-madness! May ginagawa akong special chapters ng ForMad pero di ko alam kung dapat ko bang isingit dito or gagawa na lang ako ng separate compilations... masyadong uber na kasing humahaba at baka may ma-confuse pa.. Anyways, WELCOME ALCHEMY!!!! (Sa next chapter pa actually) I’m a big fan of Alchemy like my being fanatic to Violin and Piano.. Huwag po kayong mag-alala kung anong relate ng Alchemy sa vampires, ishoshoot natin yan sa banga. Lahat ng inilalagay ko dito sa kwento ay hindi dahil trip ko lang o dahil wala lang.. Soo... Lahat ng nakalagay dito ay may purpose at konektado sa bawat isa.. Ganyan gumawa ng tadhana si direk_whamba. —— Opus 65 Shall's POV: As soon as nag-wear off ang epekto ng ininom kong pampaiyak, inatake ko ang baliw na payaso pati ang incubus niya. Naiinis ako sa ginawa nilang pagtitrip sakin! Sinipa ko si payaso at gaya ng inaasahan, lumayo siya sakin. Tinipon ko ang lahat ng mga knife and fork na nasa mesa at ibinato ko sa kanya. Ewan ko kung ano ang ginawa nila at hindi ko magamit ang kapangyarihan ko. Pero malakas pa naman ako (sa palagay ko). Binali ko ang isang paa ng mesa. Lumundo yun at dumulas ang iba pang mga teapots at teacups. Tumuntong ako sa mesa at hinataw ko ang incubus. Whack! Nakailag ang walangya! Lumipad siya sa ere— Bigla akong napayuko dahil may mga barahang ipinukol sa akin si payaso. Bumaon yun sa sanga ng punong nasa likuran ko. Ang sama niya pumapatol siya sa babae! "—Di ba ang sinabi ko sayo, MAGRELAX ka Hunny Bunny? Masyado kang pasaway. Ang gusto mo yata eh nasasaktan ka." binato niya ulit ako ng baraha niya. Sinubukan kong salagin yun gamit ang paa ng mesa. Pero nadurog lang yun. Bumaon ang isang card sa balikat ko. Mabilis akong nakaramdam ng pamamanhid. Nakatayo na lang ako at di ko maigalaw ang katawan ko— Napatingin ako sa kalangitan. Bukod sa incubus, may nakita pa akong nilalang na lumilipad sa ere. Habang papalapit iyon ay palaki nang palaki! "JACK!" sigaw ko. BAKIT NANDITO ANG FAMILIAR NI HIO?! Nakalahad ang isa sa mga buto buto niyang kamay. Mula dun, may naaninag akong kung sino. Tumalon yun na sakto sa pwesto ng incubus. Pagkatapos— Nahiwa niya gamit ng hawak niyang espada ang isang pakpak ng incubus! Bumulusok paibaba ang familiar ni payaso. Tumapak sa lupa ang nilalang na nanakit sa incubus. Walang iba kundi si Hio! In fairness ang cool niya sa panaginip na to! Lumapit siya sakin at tinanggal ang barahang nakabaon sa balikat ko. Bumalik ang pandama ko. "Halika na Shall, hinihintay na tayo ni Mie." hinablot ni Hio ang braso ko. "Saan kayo pupunta? Hindi na kayo makakaalis dito!" sabi ni payaso. Lumalim ang boses niya. Nakakatakot na ewan. "Jack ikaw na bahala sa kanila." Lalong nagdilim ang aura ni payaso. "Hahahah! Bahala sakin ang isang reaper lang?!" Tumayo ang kanyang incubus mula sa binagsakan niyon. Muling tinubuan yun ng pakpak at lumipad. Unti-unting nagbago ang kanyang anyo. Naging fluid ang katawan niya hanggang sa para na siyang napakalaking itim na tela. Ibinalot niya s kanyang sarili si Jack— Napailag kami ni Hio dahil nagpaulan ng baraha si payaso. Kung saan-saan yun tumusok. "—WAG NIYO SILANG PANOORIN. INTINDIHIN NIYO ANG SARILI NIYO!" galit na nga siguro si payaso. Pero parang hindi. Happy ang facial expression niya eh. Ni-nudge ako ni Hio. "May ginawa siyang kakaiba. Sinadya niyang hindi tayo patamaan!" itinaas niya ang espada niya. Zzzzztt.. zap! May kuryenteng dumadaloy mula sa barahang nakabaon sa isang puno papunta sa katapat nito. Naaamaze na talaga ako kay Hio. "Paano mo nalaman?" ako nga di ko naramdaman yun eh. "—Naencounter ko na ang bampirang yan, base sa mga obserbasyon ko, adik siya sa 2points." "2points?" tanong ko. Score ba yun sa basketball? "Sa geometry, kapag may 2points, makakatawid ang isang linya from one point to another.. Blah blah blah—" nosebleed. Ayoko talaga sa mga lalakeng matalino, at di ko akalaing ganun siya. Minus pogi points. Pinagmasdan ko ang mga barahang nakatusok sa paligid. Kung guguhit ka ng imaginary line, magkakakonekta nga silang lahat. "—Kahit pa pag-aralan niyo ang geometry ng aking mga baraha, hindi niyo pa rin malalaman kung para saan sila!" Ang ibig sabihin ni payaso, parang isang regalo ang bawat isa sa mga binibitawan niyang baraha— BANG! BANG! BANG! Sunud sunod ang mga pagsabog ng bawat baraha sa paligid namin! Pero bakit— Hindi ako nasaktan. Nasalag ni Hio ang bawat pagsabog sa paligid. Gamit lang ang purong phyisical strength at espada, nagawa niyang kontrolin ang air pressure para hindi matamaan ang kinatatayuan namin! "Hio may sasabihin ako sayo—" feeling ko talaga kailangan sabihin yun. Who knows, baka ito na ang last fight scene namin? Kunot ang noo niya. "Ano? Mamaya na lang—" "—MAHAL KITA HIO!" sigaw ko. Matatawa kayo sa reaction niya. Nahihiyang ewan. Tas nagblush pa siya. "—Ipinagpalit mo nga talaga ako sa banong yan. Tsk tsk.." hirit ni payaso. IPINAGPALIT?! Wala yata akong natatandaang naging kami. "Tapusin na natin ang kalokohang ito!" naglabasan ang pagkarami raming laso sa sleeve ng suot ni payaso. Kulay pula sa kanan at itim sa kaliwa. Lagot na talaga kami. **** Div Umbra's POV: Hindi ko masasabing asawa ko si Patricia Antigone Rosseau kung hindi ko alam ang nangyayari sa kanya. Wala akong kakayahang gumawa ng lagusan patungo sa dimensyon ng mga panaginip kaya pasalamat na lang ako at pinahintulutan ng anima na magkaroon ng malakas na Marquis sa aming buhay. Ipauubaya ko na sa kanila ang pagtawid ng ligtas sa dimension point. Ang tanging magagawa ko lang ay pabilisin ang kanilang pagtatagumpay. Paano ko magagawa yun? Hinanap ko ang kuta ng may pakana ng lahat ng ito. Kung nasaan man siya ngayon, sigurado akong iniwan niya ang kanyang katawan nang walang kamalay-malay. Dumaan ako sa pribadong dimensyon ni Penumbra at lumabas sa mga anino ng isang lumang mansion sa Keningston—ang pinakaeksklusibong distrito sa buong siyudad ng London. Inakyat ko yun hanggang sa huling palapag. Medyo maingat ako dahil iba ang oras dito. Ring around the rosy Pocket full of posies Nakarinig ako ng mga batang kumakanta. Ashes! Ashes! We all fall down.. Binunot ko ang espada ko mula sa anino ko at nagpalinga linga ako. Ring around the rosy Pocket full of posies Ashes! Ashes! We all fall down.. Pinagbubuksan ko ang bawat kwartong madaanan ko. Puro walang tao. Sa pinakahuling kwarto ko nakita ang isang kabaong na nakaburol sa may gitna at napapalibutan ng mga pula at itim na rosas. Nakahimlay dun ang bampirang pakay ko. Nakakaisang hakbang pa lang ako papasok nang maglabasan ang mga bata mula sa kung saan. Halu halo; may mukhang anak-mayaman at may mukhang pesante. Nakaharang sila sa dadaanan ko— Imposible.. Hindi sila mga bampira.. Mga tao sila.. Ang pagkakatulad nilang lahat ay ang pagkakaroon nila ng mga mamula mulang parang singsing sa balat. May kahalo ring nangingitim na pasa. Kung hindi ako nagkakamali, ito yung Bubonic plague na pumatay sa mga tao sa London noong 1665 pa. Ring around the rosy Pocket full of posies Ashes! Ashes! We all fall down.. Ang kinakanta nila ay isang folk song na hinango sa Bubonic Plague. Ring around the rosy- ang namumulang pantal na korteng singsing sa balat. Pocket full of posies- ang paniniwala noon, para hindi mahawaan ng contagion, kailangan ay laging may dalang pouch na may lamang mababangong halamang ugat. Ashes! Ashes!- ang abo ng mga nacremate dahil sa pagkamatay sa epidemya. We all fall down- ang libo libong buhay na nawala. Ang isa pang kapansin-pansin sa kanila, lahat sila ay may nakabaong isang baraha sa tuktok ng kanilang ulo. "Penumbra?" tawag ko. Nagpakita sa akin ang aking kambal-anino. "Hindi maganda ang nararamdaman ko Umbra. Hindi sila ilusyon kung yan ang iniisip mo—" Lalo pang dumami ang mga bata hanggang sa halos mapuno na ang kwarto. Hindi sila umaatake. Nakatayo lang talaga sila. Balot ng hindi nakikitang kapangyarihan ang kwarto kaya hindi ako makalusot sa mga aninong nasa loob. Isa lang talaga ang paraan para makapasok. Inamba ko ang espada ko. Akala siguro ng bampirang yun ay mangingimi akong pumaslang ng mga may sakit at inosenteng kabataan. Sinimulan kong pagpapatayin ang mga bata. Bumaha ng dugo sa kwarto subalit patuloy pa rin sa pagdami ang mga bata. "May pinanggagalingan sila Umbra, isipin mo kung saan!" ani Penumbra sakin. Gumawa ako ng paraan para makarating ako sa gitna ng kwarto. Mula dun, tanaw ko ang isang malaking tokador. Dun lumalabas ang iba pang bata. Pinaslang ko ang mga nakaharang para marating ko yun. Namangha ako sa nakita ko. Isang time portal ang nakabukas! "May kumokontrol sa mga bata para tumawid dito." sabi ko kay Penumbra. Pero paano?! Baraha ang ginawang pangontrol sa mga bata.. At ang may gawa nun ay ang bampirang nasa ataul! "Naiisip mo ba ang naiisip ko Umbra? Mapanganib ang kinakalaban natin! May kapangyarihan siya ng isang ancient. Bukod dun, may taglay siyang kapangyarihan na gaya sa mga Duke, Marquis, at Vizconde!" Mataman pa rin akong nakatingin sa tokador. "Papasok ako Penumbra. Aalamin ko kung—" "WAG KANG PADALOS DALOS UMBRA! Wasakin mo na ang time portal!" ngayon lang ako nabulyawan ni Penumbra. Tama, wag akong padalos dalos dahil wala nang oras. Winasak ko ang tokador sa isang unday ng aking espada. Ganun din ang ginawa ko sa malaking chandelier na nakasabit sa kisame. May mga batang nabagsakan nun. Nagkadurog durog ang mga buto nila. Sa pagkawala ng tanglaw mula sa chandelier, gumapang ang ilog ng kadiliman. At umahon ang libo libong patalim ng kasalanan. Isa isang sinibaat ng mga patalim ang mga bata. Wala akong itinirang buhay. Pagkatapos nilang mawalan ng buhay, isa isang kumapit sa kanilang katawan ang mga kadena at hinila sila pailalim upang malunod panghabambuhay sa lugar na tinatawag na impyerno. Mabilis akong nakalapit sa ataul. Pinagmasdaan ko ang bampirang payapang nakahiga doon. "Lord Redder Black, wala sa hinagap kong kaya mong sirain ang kasaysayan sa isang iglap. Patawarin mo ako dahil minaliit kita." habang sinasabi ko yun, hinawakan ko ng dalawang kamay ang aking espada at itinutok yun sa dibdib niya. "Sa tingin ko ay mas bagay ka sa mundo ng mga panaginip—" Wala akong sinayang na sandali. Kumilos ang braso ko para igawad sa kanya ang nararapat niyang kamatayan. —— direk_whamba Opus 66 Hio's POV: Hindi na makapalag pa si Jack nang balutin siya ng napakalaking itim na tela. Nagshrink ng nagshrink yun hanggang sa nawala ng tuluyan ang higanteng kalansay ko. Saka bumalik sa dating anyo ang nilalang na kakampi ni pierrot. Bukod pa yan sa alalahanin namin dahil binabalot ni pierrot ang paligid namin ng dalawang kulay ng laso. "HAHAHA! Nakaranas na ba kayo ng panaginip sa loob ng panaginip?! Humanda kayooo!" anak ka ng— talagang tinakot kame? Useless ang magteleport dahil hindi na abot ng tanaw namin ang mga daanan. Sinadyang iobscure ni pierrot ang mga escape route! Nung tumigil sa pagrolyo ang mga laso, saka nagliwanag ang mga yun. Patay na! Niyakap ko na lang si Shall. Mamamatay na rin lang eh, gusto ko yung happy ako! Nung sa akala ko ay wala nang pag-asa, bigla na lang lumanding mula sa itaas si Mad Hatter Ji Hyun. Nakaharap siya kay pierrot at nakatalikod samin. Sumulyap muna siya sa akin. "Bago ako napunta dito, namaster ko na ang Reverse Alchemy. Ililigtas ko kayo dahil may ipagagawa ako pagbalik niyo sa totoong mundo." Kumumpas kumpas ang kamay niya. Para siyang may dinodrawing sa ere. Nagliwanag ang lupang tinatapakan namin ni Shall at may nabuong circle na kakatwa ang mga simbolo. "Isa yang porter na rekta sa dimension point mo mister." "Salamat sa tulong Ji Hyun—" "Huwag kang magpasalamat dahil may ipagagawa ako. Sa lumang mansyon na pag-aari ni Orpheus, doon sa bansang Pilipinas— nandun ang daan daang aklat at mga research ko tungkol sa reverse alchemy. Ang gusto ko ay sunugin mong lahat yun at wag kang magtitira ni isa. Natatakot ako dahil kapag may isang taong kasing talino ko ang makabasa kahit isa sa mga yun, sigurado kong hahanapin din niya ang sagot." Kasing talino niya.. Amp nagbuhat ng bangko. "Anong sagot?" tanong ko. "—Ang katotohanan sa likod ng katotohanan. Ang katotohanan kung bakit posibleng maging ginto ang kahit na anong metal kahit pa conflicting ito sa nature. Ang katotohanan kung bakit posibleng malikha ang maalamat na Philosoper's stone na lunas sa kahit anong sakit ng mundo." Si tango na lang ako. Wala pang nagtatagumpay sa alchemy kahit pa mga bampira. Yun ang alam ko. Nanlalabo ang katawan namin ni Shall, good sign na gumagana na ang porter. "Pangahas na mare! Hindi mo sila maitatakas, sinisiguro ko yan." may lumitaw na baraha sa kamay ni pierrot. Ready na siya para ibato sana yun pero bigla siyang natigilan. Tumingala siya na ewan. "Serafim! Kailangan ko nang bumalik. Mayroon akong panauhin." lumapit bigla kay pierrot ang kanyang alagad. Lumaki ang pakpak nun. SOBRANG LAKI. Tas tinalukbungan nun silang dalawa. Pagkabuka ng pakpak, wala na sila. Nalagas ang pakpak sa ilang libong itim na balahibo na umulan sa buong paligid. Parang nagmaktol bigla si Ji Hyun. "MOMENT KO NA EH!" pumihit siya paharap samin. "Okay, umalis na yung kalaban niyo kaya dapat na din kayong umalis. Paalam sa inyo." kumaway kaway pa siya. "Salamat sa lahat." sabi ko sa kanya. Nakatayo lang siya at sa likod niya ay gumuguho ang landscape. Stay put talaga siya hanggang sa maglaho kami. Bumalik kami ng dimension point ni Mie. Nakadapa na siya nung makita namin siya. At nang mag-angat siya ng ulo, nakanguso ang labi niya. "BAT ANG TAGAL NIYO?! Ump ayokong maging mare ha?!" Nahawak-kamay kaming tatlo. Nagliwanag ang hiyas na kulay cyan. Nilamon yata kami ng liwanag na yun. Pagkamulat ko ng mga mata ko, nagbalik na kami ng recieving area ng aking mansyon. "Uki lang ba kayo?" tanong ni Pareng Kape. Gising na siya. "Ayos lang kami!" sabi ni Mie bago siya humarap kay Ophelia na matyaga kaming binantayan. "Maraming salamat sa tulong mo." Ako rin nagpasalamat sa napakabait na Baronet. "Walang anuman. Panata ko na ang tumulong sa mga nangangailangan. Kung wala na akong maipaglilingkod sa inyo, maaari na ba akong umalis?" Iginawa siya ni Mie ng porter pabalik sa ospital kung saan siya currently nag istay. Pag-alis ni Ophelia, bigla na lang umalis si Mie at umakyat ng stairwell. Ganun siya kaantok kaya hindi na nagbother magpaalam. Sinundan siya ni Kape. Kaming dalawa ni Shall ang naiwan. Naupo ako sa tabi niya. Inangkla niya ang mga braso niya sa leeg ko sabay bulong sa tenga ko ng "Buhatin mo ako hanggang kwarto." Arte. Di naman baldado. Ginawa ko naman ang request niya. Binuhat ko siya at dinala sa kwarto na parang Prinsesa. Irony eh. Kung sino pa ang Knight yun pa ang pinagsisilbihan ng Prinsipe. Ibinagsak ko siya sa kama. Tumalbog talbog siya. Cute. "Saan ka pupunta?" "Maliligo ako. Di mo ba nakikita? Mukha akong soil-lover. Bakit sasama ka?" nginitian ko siya ng nakakaloko. Ngiting namaligno. Pumapalakpak ang tenga ko. Pag nauto ko tong si Shall.. BATHROOM SCENE! BATHROOM SCENE! Ayun, gumulong na naman ako. **** Minerva's POV: Gusto ko sanang magpaalam sa kanila pero hindi ko na kaya. Umabot na naman ako sa limit ko, na nasagad pa nga. Nakarating ako sa kwarto ko. Wala pa ako sa kama nung mamilipit ako sa sakit. Sa ganitong kondisyon ko vigilante ang aking pandama. Maghahanap at maghahanap ng sariwang dugo. "Bakit—hindi k-ka makapaghintay?! Bigyan mo ako ng lakas para makapunta ng ospital!" wala po akong kausap na alter ego o ano. Kausap ko lang ang sarili ko. Pain managememt mga teh. Ang tanga naman kasi ng katawang to ee. Kanina gumawa ako ng portal papuntang ospital. Tas kung kelan naisara ko na ang lagusan saka ako sinumpong. Psh. Bitch body please. May naamoy akong mabango. Ang bango talaga— "WAG KANG PUMASOK DITO KAPE!" oh well siya lang naman ang taong nandito kaya siya yung pinakamabango. Dinig kong umawang ang pinto. Makulit na lalake. "Mee, baket? May masaket ba?" awe ang sweet niya. Lumakad pa siya lalo hanggang sa nasa harap ko na siya. From knees to his shoes lang ang nakikita kong parte ng katawan niya since nakasalampak ako sa sahig. Nagsimula na akong maglaway. Natural instinct ng bampira pag yung tipong gutom na gutom na. "Lumabas ka. Awa mo na?" nakakapagpigil pa naman ako kaso yung pangil ko humahaba na. Kumilos ang paa ni Kape. Naglakad palayo sakin. Good boy. May narinig ako sa kabilang gilid ng room. Tunog na maririnig mo may careless na naghahalungkat sa mga drawers ng cabinet. "Kape sinabi kong lumabas ka muna eh." hindi siya nakuha sa sigaw, at hindi rin sa malumanay na pakiusap. Ano bang gusto niya? Sipain ko kaya siya? Muli kong nakita sa harap ko ang binti niya. Tas walang anu-ano'y naupo pa siya! I looked away. Ayokong makita niya ako na mukhang gutom na aswang. Lalong tumindi ang mabangong amoy at hindi ko mapigilang lumingon. —Sinugatan ni Kape ang pulso niya gamit ang gunting na hawak niya. "BOBO KA BA? Pulso yan! Pwede kang ma—" sinalpak niya sa bibig ko ang braso niyang may umaagos na dugo. Naiiyak ako habang iniinom ko ang dugo niya. Naooverwhelm ako at the same time natatakot ako na baka bigla na lang siyang madeads dahil sa lalim ng sugat na ginawa niya sa sarili niya. Tanga tanga nga talaga siya. Pero mahal ko siya. Yung ang kaibahan niya sa lahat ng tanga sa Earth. Imbes na maconcern siya sa sugat niya, nagawa pa niyang pahirin ang dugo sa labi ko. Yumakap ako sa kanya. Pansin niyo, hindi siya masyadong masatsat pag kaming dalawa lang ang magkasama? I love him more pag ganun siya. **** Div Umbra's POV: Isang pulgada na lang ang layo ng dulo ng espada ko sa dibdib ni Lord Redder nang imulat niya ang mga mata niya. Sa pambihirang pagkakataon na ewan ko kung paano niya nagawa, nakapagharang siya ng isang baraha para salagin ang bigat ng pwersa ko na tumutulak sa espada. Nakita ko na siya noon pero ngayon lang kami nagkadaupang palad. At marahil, ngayon din kami unang magkakasagupa. Masyado siyang mahusay para maging isang Duke lang. Sa kasamaang palad, ang titulo ng Prinsipe ng mga bampira ay iisa lang. BOOOOM! Sumabog ang baraha habang hawak niya. Sinalag ko ang mga tumalsik na piraso ng kabaong. "Tsk tsk.. Walang awa mong pinaslang ang mga kaibigan ko. Dalawa na ang kasalanan mo sakin alam mo ba?" nasa likod ko na siya. Kailangang mas maging alerto ako. Nababaliw na yata itong si Lord Redder. Hindi siya nagalit nung inagaw sa kanya ang titulong para sa kanya. Heto galit na galit siya nang maagaw sa kanya ang babaeng gusto niya. Kainis! Hindi ko pa rin magamit ang kapangyarihan ng mga anino! Kailangang mahanap ko kung nasaan ang pinanggagalingan ng barrier. Kapag pinalabas ko na naman kasi ang itim na lawa ng patalim, manghihina na ako. Nahagip ng mga mata ko ang isang sulok. sa pader ay may nakatusok na isang baraha. Sa kabilang pader, meron ding isa at marahil ganun din sa dalawa pang pader. "Hmm.. Parang alam ko na kung ano ang binabalak mo." ani Lord Redder sa akin. Binitawan ko ang hawakan ng espada pero hinawakan ko yun sa mahabang tali. Initsa ko ang aking espada upang maabot ang apat na baraha. Sa lakas ng pwersa ay natibag pati ang pader. Pinagapang ko agad ang aking mga anino para tugisin ang Duke. Nawala siya sa kanyang kinatatayuan at nagmanipesto sa mismong gilid ko. Umakbay siya sakin na para bang matagal na kaming magkaibigan. "Nabubuhay ka ba para sa kapakanan ng bampirang matagal nang patay? Kung ganun, mas malala ka pa pala kaysa sa isang anima." "Ano ang pakialam mo sa mga gusto kong gawin?! Ancient ka rin hindi ba? Alam mong gumagawa tayo ng kahit na ano para lang mabawasan ang ating pagkabagot." "Hahahahaha!" tumawa siya ng tumawa. Nakakainis pa ang paraan niya ng pagtatawa. "—Dahil natuwa ako sa sagot mo, palalagpasin ko ang pagtatangka mo sa buhay ko. Mahina ka pa Div Umbra. Hindi ang isang gaya mo ang makakapaslang sa akin. Makakaalis ka na" Ako ang pinapaalis niya pero siya yung biglang naglaho. Magaling! Hindi ko palalagpasin ang panghahamak niya sakin. Sisiguraduhin kong sa mga kamay ko babagsak ang isang Redder Black. —— direk_whamba A/N: Masyado nang nagiging madaldal si author ng ForMad.. >_< di tlga ako makaget-over sa the king and the clown kagabi! I laaaaab historical movies and fan talaga ako ng boyxboy. Even my favourite king ay bomobrokeback——you know... Alexander x Hephaestion...hahahah...kung di niyo po ako magets, nasa world history po yan... actually kung nasa 3rd year high school ka, I know you’ll get me.. I am not writing ForMad out of boredom or out for fame.. What I want is habang binabasa niyo ang story na ito, mapapa “Ay ito yung sa ano——” Gusto kong malaman niyo ang mga bagay na di niyo pa alam or maalala yung mga alam niyo na.. Hindi ko inaangkin ang originality ng ForMad.. ForMad is a property of my 23years of experience here in planet Earth. Ang ForMad ay pinagsama-samang mga favourite animes ko, teachings, hero, movies, fightscene, bed scene or even the slightest things like going to the supermarket and buying icecream. But I am assuring you guys, I rearranged everything... or kung baga sa mga gadgets, may next generation. After all, history repeats itself. —— Opus 67 Hio's POV: PUTEK MAY NAKALIMUTAN AKO! "Bakit ka biglang bumangon?" takang tanong sakin ni Shall. Pati siya bumangon rin. Gaya gaya puto maya. "Nakalimutan ko yung pinagagawa ni Ji Hyun at ni Hype." explain ko habang nagsusuot ng robe. Sinundan ako ni Shall hanggang library. Inisa isa ko ang spine ng bawat libro. Tama nga yung mga sinabi ni Ji Hyun na marami siyang aklat dito. Mabuti na lang at organized siya kaya hindi na ako mahihirapan. Halos tatlong shelf din ang pinuno ng mga aklat tungkol sa Alchemy. Inalis ko sila isa-isa sa shelf. Gumamit ako ng wooden ladder para maabot yung mga nasa itaas. Kumuha ng isang aklat si Shall mula sa pile ng mga ibinabagsak ko sa sahig. Agad akong bumaba para kunin yun sa kanya. "Wag mong bubuklatin. Ang sabi ni Ji Hyun, wala nang dapat makabasa ng mga yan." Inirapan niya ako sabay halukipkip. "—Himala at di ka curious ngayon. Samantalang nagawa mong ilagay ang buhay mo sa panganib nung inalam mo ang tungkol sa nakaraan mo." Ngumiti ako. "Nahanap ko na ang sagot sa mga tanong sa buhay ko. Ayoko nang maghanap ulit ng panibagong sagot." Lumapit siya sakin, tumingkayad, at pagkatapos ay dinuro duro ang sentido ko ng kanyang hintuturo. "Bakit ang dami dami mo nang sinasabing talinhaga? Wag ka ngang maging matalino!" Hindi sa ayaw niya sa matatalino; preferred lang niyang mangbash ng mga tatanga tanga. Nahawakan ko ang braso niya. Marahan kong hinila yun. Dahil nakatingkayad pa siya, nawalan siya ng panimbang kaya napayakap siya sakin. Hinaplos ko ang mahabang buhok niya sa likuran. Sandali akong natanga nang may makita akong mukha ng kung sino na nakasilip mula sa siwang ng isang shelf na hindi ko pa tapos tanggalan ng libro. Pamilyar ang mukhang yun dahil yun din ang mukha ko. Mabilis siyang nawala sa paningin ko na para bang namalik-mata lang ako. Kumalas ako mula kay Shall at pinuntahan yung bookshelf. Sumilip ako sa siwang. Hindi pa ako nakuntento, umikot pa ako sa likod ng shelf. Naguluhan yata sakin si Shall. "May hinahanap ka ba?" tinanong niya ako. "Wala. Nagkaroon lang ako ng guni-guni." Tinapos ko ang ginagawa ko hanggang sa nagkaroon na ng bundok ng mga libro sa gitna ng library. Saka lang ako napaisip. Hindi ko sila pwedeng sunugin dito sa library. Meaning, kailangan ko silang ibaba lahat sa open ground. Amp. "Tulungan mo ako Shall. Ibababa ko lahat ang mga ito." sinimulan ko na ang pagbitbit ng ilang volumes. Inulit niya ang paghalukipkip niya. "Ayoko. Sinong tanga ang gagawa nun?!" Oh e di ba ayaw niya sa matalino? "—Sa pinakamalapit na kwarto na lang na may veranda tas ibabagsak ko sa lupa." "Ayoko pa rin." "Shall namannn.." nagpacute na ako lahat lahat. Tangina na lang—- "—Bibisitahin ka ni Lord Hyperion mamayang gabi hindi ba? Sa kanya mo ipasunog ang mga yan. Kaya niyang iutos sa apoy na sunugin ang mga yan nang hindi madadamay kahit tong carpet sa sahig." "Magandang ideya!" "—Pero hindi mo basta bastang mauutusan o mapapakiusapan ang Duke na yun. Kailangang may return favor ka o yung maoobliga mo siya dahil may atraso siya." pahabol ni Shall. Bumuntong hininga ako. Obligahin si Hype? Paano naman kaya yun? Tsk. Dahil may lahi akong tamad, mas pinili kong mag-isip ng paraan para mapapayag ko ang Hype na yun na gawan ako ng pabor. Iniwan namin ang library para balikan yung mga questionaire sa recieving room. Tae. Parang mas madali pa yata yung ideya kong iitsa sa veranda yung mga libro. Bunuklat buklat ko yung questionaire nung makita ko sa ibabaw ng coffee table. Multiple choices pero—- Para makasigurado ako, binasa ko ang lahat ng mga tanong hanggang dulo. Nangiti ako. Swerte! **** Hyperion's POV: Palubog pa lang ang araw nang ibinaba ako ng aking Farer sa tapat ng gate ng tinitirahang mansyon ng mahal na Prinsipe. Speaking of the devil. Nandun siya sa may gate at nakakapit sa railings. Yumukod ako at bumati. "Magandang hapon kamahalan. Nag-iisa ka na naman yata?" Pag-angat ko ng paningin, wala na siya. Pumasok ako ng gate para tingnan kung tumakbo ba siya sa courtyard. Nakita ko ang maliit niyang pigura na nakatalikod sa may patio ng mansyon, pagkatapos ay pumasok siya sa loob ng main door. Ni hindi man lang gumanti ng bati sakin. Bastos talaga siya! Naglaho ako sa kinatatayuan ko at doon ako sa main door nagmaterialize. Pinagbuksan ako ng isang maganda at seksing babae. Maamo ang mukha pero bulgar manamit. Kakaiba siya. Nararamdaman ko ang aura niya. Itinaas ko sa boiling point ang tempertura ng kamay ko at hinawakan ko ang pisngi ng babae. Nagpawis ang pisngi niya na parang yelong natutunaw. Kumilos siya para hawakan ang braso ko. Gumuhit ang lamig doon at nasumpungan ko na lang na may tumubo dung mga maliliit na tipak ng yelo. Binawi ko ang kamay ko. Pinataas ko na rin ang temperatura sa braso ko para tunawin ang yelo. At yung babae, nareconstruct ang natunaw niyang pisngi. "—Isa kang elemental na bampira.. Hindi, mas mataas pa dun dahil nasa huling antas ka na." kinausap ko siya sa wikang maiintindihan niya. Bakit ko nasabi sa kanya yun? Ang basic element niya ay tubig. Sa unang antas ng pagiging elementer ng tubig, ang maaari lang niyang gawin ay ang pakilusin ang tubig na available sa paligid; gaya ni Lady Mionette. Sa pangalawang antas naman magagawa nang magpalabas ng tubig gamit ang sariling lakas. Sa pangatlo, ang itaas ang temperatura ng tubig. At ang ikaapat ay ibaba naman ang temperatura. Hindi siya nagkomento sa sinabi ko. "—Bakit mas pinili mong maging alipin ng prinsipe kaysa ang maging Dukesa?" nanghihinayang ako sa kakayahan niya. Lagi pa namang bukas ang House of Elemental Dukes para sa mga makakapangyarihang elementer na gaya niya. Nanatili siyang tahimik pero ngumiti siya. Haynako ano bang klaseng mga bampira ang nandito?! Lalayasan kang bigla pag kaharap mo o kaya naman ay hindi magsasalita pag kinakausap mo! Nilagpasan ko na ang babae nang marinig ko ang malamyos niyang tinig. "Ano sa palagay mo ang dapat kong ginawa? Ang sundin ang tadhana o ang tumaliwas dun?" Napalingon ako sa kanya. Nakangiti pa rin siya. Alin nga ba sa dalawa ang ginawa niya? Sinunod nga ba niya ang tadhana niyang maging alipin ng Prinsipe o sinuway niya ang tadhana niyang maging isang Dukesa? Kung alin sa dalawang yun ang pinili niya, iisa lang ang sagot sa tanong niya—- THE HELL I CARE! Pak! May humampas na kung sino sa likuran ko. "—Oh Hype, dumating ka na pala!" nang lingunin ko ang inutil na pangahas, walang iba yun kundi ang kamahalan! Kipkip niya sa isang braso niya yung ibinagay kong pagsusulit kagabi tapos nakayapak lang siya. Makahampas akala mo close kami eh. Yumukod ulit ako. "Magandang hapon kamahalan. Nagkita na tayo kanina sa may gate pero bigla kayong pumasok dito sa loob. Sumama ba ang inyong pakiramdam kaya hindi mo ako pinakiharapan ng maayos?" sige bibigyan ko siya ng PAMBIHIRANG pagkakataon para patawarin ko ang kawalang modo niya. Nung mag-angat ako ng paningin, bakas ang pagkagulat at pagkamangha sa ekspresyon ng mukha niya. "—S-sigurado ka bang ako yung nakita mo?" sukdulan na ang kabulastugan niya! Idedeny pang hindi siya yung nakita ko kanina? "Sigurado po akong kayo yun kamahalan." "—Kamahalan ikaw na ang titiraaaaa!" mula sa dulo ng pasilyo ay lumapit sa amin ang Marquis na si Lady Minerva. Pati siya ay nakayapak. "—Ooops, anong meron?" Bumaling sa kanya ang kamahalan. "Ang sabi niya nakita daw niya ako kanina sa harap ng gate. Eh di ba naglalaro tayo ng paway sa ball room?" Anong paway? "Opo Lord Hyperion. Hindi pa siya lumalabas ng mansyon mula nung makauwi siya." Kung ganun ay sino ang nakita ko? "Di bali na nga. Kamusta na ang pagsusulit mo kamahalan?" change topic. Hehe! Kahit magpaturo pa siya sa mga kaibigan niya, siguradong hindi nila masasagot ang mga tanong nang tama. At 1000 items pa yun! Swish.. Swish.. Swish.. Lahat kami ay nagulat nang pinalipad ni kamahalan ang mga papel sa ere. Nahuli ko ang ilan sa mga pahina. Puro walang sagot. "Pasensya na, wala akong sapat na oras para sagutan lahat yan." Bwiset! Sa galit ko, isa isang nagliyab ang bawat pahina ng questionaire. "—Lord Hyperion, sana ay nag-iisip ka muna bago mo pagkatuwaan ang iyong pinuno." anang kamahalan. Ngayon ko lang narinig na tinawag niya akong Lord Hyperion. At seryoso ang hitsura niya. Naglaho ang mga apoy ko. "Ano ang ibig mong sabihin?" Ngumiti siya nang mapang-uyam. "—Ang pangalan ng kabayo ni Alexander the Great ay Bucephalus. Subalit wala yun sa pagpipilian. Madaling tanong lang yang binanggit ko at mayroon pang mga mas mahihirap. Tatapatin kita, binasa ko ang lahat ng tanong at nakakatuwang alam ko ang lahat ng yun. Pero ano ang ginawa mo? Binigyan mo ako ng multiple choice type of test na WALA ANG TAMANG SAGOT. Isang panghahamak ang ginawa mo sa Prinsipe ng mga bampira." Palpak. Hindi ko ineexpect na nakapag-aral ang walang modong gaya niya! Weakling naman siya pero bakit parang laging nasa kanya ang wave ng tadhana? Tadhana.. Yumukod ako. "Isang pagkakamali ang nagawa ko kamahalan. Hinihingi ako ang inyong kapatawaran." Kainis. Malamang na makikipagmatigasan pa siya. Pumalatak bigla ang kamahalan. "Papatawarin kita, sa isang kondisyon." SABI NA. "Ano pong kondisyon kamahalan?" "Halika, sumunod ka sakin." aniya tas bumaling siya kay Lady Minerva. "Sabihin mo sa kanila taympers muna." "Yes po!" nagtatakbo na parang bata si Lady Minerva pabalik kung saan siya galing kanina. Sinundan ko ang kamahalan na sinimulan na ang paglalakad. Naiwan ang babaeng kausap ko kanina sa tapat ng main door. Ano bang pangalan niya? "—Yukihime ang pangalan niya." ani kamahalan. Natanga tuloy ako. "N-nakakabasa ka ng isip?" kung oo, daig ko pa ang naghubad sa harap niya! Umiling siya. "Hindi. Pero mas madaling magbasa ng body language; lalo na at pareho tayong lalake." "Ha?" "Wala.. Wala akong sinabi." Umakyat kami ng stairwell at nagtungo sa west wing. Huminto kami sa tapat ng isang kwarto. Malamang na function room yun dahil malaki ang pinto. Library yun nang pumasok kami sa loob. Nakatambak sa gitna ang bundok ng mga libro. "Gusto ko sanang sunugin mo silang lahat nang walang maiiwang abo o residue sa carpet at kisame." Ayos ah detailed. Kala ko naman ano yung ipapagawa niya. Madali lang pala ang ipagagawa niya akala ko polo y servicio na. Sinilaban ko ang mga libro. Wala akong pakialam kung para saan yun. Pero sa kalumaan ng mga yun, malamang na may pitak yun ng kasaysayan. Sige sirain ang mga bakas ng nakaraan. Wala yung kaso tutal ang history na alam ng mga tao ay 0.0003% lang ng kabuuang history ng mundo. Sa maliit na porsiyentong yun, marami pang kasinungalingan ang kahalo. Sa tingin niyo ba ay namatay talaga sa natural cause o pinatay ang taong halos sakupin na ang buong mundo? (Alexander the Great) At bakit walang makapagsabi kung ano ang pinakaeksaktong translation ng mga nakaukit sa Rosetta stone? Bakit pa siya sinulat sa lenggwaheng hindi na rin pala gagamitin sa hinaharap? Alam ko ang sagot dahil nasaksihan ko ang totoong kasaysayan. Ang katotohanan ay hindi absolute sa mundong ito. Ang katotohanan ay itinatakda ng kung sinuman ang magwagi sa gera. Tama. Ang mundong ito ay hindi nilikha ng mga talunan dahil ang mga nagwawagi lang ang may karapatang sumulat sa aklat ng history. Ganundin ang kapalaran ng dakilang bibliya. Ang libro ng mga talunang propeta ay hindi nilalathala. Ang mga talunan ay itinuturing na makasalanan habang ang mga nagwagi ay siyang mga banal kahit pa nadungisan sila ng dugo ng kanilang kapwa. Naiisip mo na ba kung gaano kalupit ang mundo? Mundo pa lang yan ng mga tao. Wala yan sa kalingkingan ng mundo ng mga bampira. —— direk_whamba Opus 68 "Aaaahhhh! SAKLOLOOOO! Tulungan niyo akooo—-!" Kumaripas ng takbo ang isang binata pagkat hinahabol siya ng isang mabangis na nilalang. Hindi iyon hayop ngunit hindi rin tao; mahirap ipaliwanag kung ano nga ba iyon. Kanina lang ay isa yung maalindog na dalagang umakit sa kanya para magpunta sa pusod ng kagubatan. Pak! Napatid siya sa mga nakausling ugat ng isang punong nadaanan niya. Tumayo kaagad siya at ipinagpatuloy ang pagtakbo. Dahil masukal ang gubat at may kalaliman na rin ang gabi, hindi niya napansin ang pababang daan. Napadausdos siya pababa ng ilang metro bago bumagsak sa isang may kalalimang hukay na patibong yata para sa mga ligaw na baboy-ramo. "A-aray.. Ang paa ko!" kanyang daing. Hindi pa man lumilipas ang minuto ay may tumalon sa hukay— ANG MABANGIS NA NILALANG! Hingal na hingal ito ngunit ang mga mata nitong tinatanglawan ng liwanag ng buwan ay kakikitaan ng pagkasabik. "M-ma-maawa ka.." ang pakiusap ng binata. Subalit hindi yun dininig ng nilalang. Kaagad nitong ibinuka ang napakalaking bibig at sinunggaban ang binata. "AAAAAAAHHHHhhhh!" —— Umiiyak ang dalaga habang pinagmamasdan ang binatang nakahandusay sa kanyang harapan. Animo'y nilapa iyon ng mabangis na hayop dahil hungkag ang tiyan nito. "H-hindi ko mapigilan.. Nagugutom lang naman ako tapos— tapos.." Lalong lumakas ang kanyang hikbi nang madako sa kanyang duguang mga kamay ang kanyang paningin. "Hahahah! Kay ganda ng sinag ng buwan!" nakarinig ang dalaga ng tinig sa kung saan. Naging alerto siya. Tiningala niya ang bunganga ng hukay. Sa isang bahagi ay kitang kita niya ang pigura ng isang babae na nakaupo at nakatingin sa kanya. Naging mabalasik siya at sinugod iyon. Whack! Bumalandra siya dahil hinampas siya nun ng isang mahabang tungkod. "Ang kapal ng mukha mong sugurin ako." anito. "Sino ka ba? Bakit ka nandito?" pilit na inaninag ng dalaga ang nakaupo sa itaas. Pamilyar sa kanya iyon. Parang nagkita na sila sa Feral noon. "—Ako? Hindi mo na kailanang malaman pa. Ang dapat siguro ay itanong mo kung ano ka." "A-ano ako?" Tumayo ang babae at nagpagpag ng likuran. "Isa ka nang chimera, binibining Ronah." "Chimera?" "Ang mga Chimera ay basura ng reverse witchcraft." "H-ha? Wala akong maintindihan sa sinabi mo! Paano ako naging basura?!" nagsimulang uminit ang dugo ni Ronah. Hindi katanggap tanggap ang sinasabi ng kanyang kausap. "Ganito kasi yan binibining Ronah, nagkakaroon ng Chimera kapag hindi na-meet ng isang alay ang mga requirements. Imbis na mamatay, muli silang isinisilang bilang mga panibagong nilalang ng mundo. Walang iniwan ang mga Chimera sa Homonculus ng reverse Alchemy. Isipin mo na lang na nireject ka ng langit at impyerno." "Ahahaha.. Alay? Requirements? Fuck you bitch!" "—Tumawa ka hanggang magsawa ka; pero hindi mo na mababago pa ang sarili mo. Habambuhay kang magnanasang kumain ng lamang loob. Ayaw yun ng iyong kunsensya hindi ba?" Nanlumo si Ronah sa kanyang narinig. Mas masakit pa yun kesa sa kahit anong pisikal na sakit. "—GUSTO mo bang maging taong muli?" Natulala si Ronah sa offer ng babae. "Maaari mo akong maibalik sa dati? PAANO?!" "Madali na lang yun. Ngunit kailangan mo munang gawin ang ipapagawa ko sayo." "ANO?! Sabihin mo na agad!" hindi na siya makapaghintay pa! "—Ang prinsipe ng mga bampira; gusto kong patayin mo siya." **** Hio's POV: Naiwan akong nag-iisa dito sa mansyon. Ang galing din ano? Kanina ang dami dami naming nandito. Naglaro kami ng paway na pinasimunuan ni gamemaster Kape. Parang tumbang preso din yun pero mga tsinelas ang taya. Masaya! Tapos dumating si Hype. Tapos heto biglang malungkot— Amputa gumaganun na ako. Haha. Ayoko lang mag-isa. Nagkakaroon lang ako ng forlorn madness. Bakit nga ba ako nag-iisa? Umalis kaagad si Hype. Si Shall, nagpaalam siya dahil pinapatawag daw siya ng tatay niya. Tas hindi naman sila close ni Yuki pero ipinilit niyang isama yun. Si Mie naman, nasa courtyard. Siya ang magbabantay sa mansyon habang wala si Shall. Kasama niya si Kape syempre. Umakyat ako sa taas at tinungo ang library. Lalo lang kasi akong nadedepress pag nasa malawak na function hall ako tas walang ibang kasama. At least sa library, crowded ng mga libro. Pumili ako ng libro mula sa fiction. 'The Prince and the Pauper' Nangiti ako habang pinagmamasdan ko ang gold embossed lettering niyon. Kung babalikan ko nga naman ang naging buhay ko eh parang hinango dun. Isang prinsipeng nagbuhay mahirap. At ngayon ay isang mahirap na naging prinsipe! May pinagkaiba ba ang dalawang yun? Malay. Pag maganda ang nangyayari sayo, masasabi mong 'ah! Ang sarap mabuhay!' at kapag puro kamalasan ang inaabot mo, puro ka 'ah! Walang kwenta ang buhay ko!’ Ano ba ang pamantayan ng magandang buhay dito sa Earth? Sinong gago ang alam yun? At ano rin ang pamantayan para masabihan kang walang kwenta ang buhay mo? Kapag wala kang pakinabang? Kapag hindi ka nakapagtapos ng pag-aaral? Kapag nag-asawa ka ng maaga? Buset. Kung anu ano na naman ang iniisip ko. Papunta na sana ako sa isang reading table nang may mahulog na nakatuping papel mula sa libro. Pinulot ko yun at binulatlat. Vitcluvosb isw.. Vivlqbw vi isw.. Qxivoisw uwvo xcxcvbi si zqv lqbw ai pctq.. Namangha ako sa nakasulat hindi dahil walang makakaintindi nun sa unang tingin, kundi dahil iyon ang madalas kong gamiting code kapag may sinusulat ako. Simple lang idecipher ang code. Iuusog mo lang ang alpabeto. Gagawin mong letter I ang letter A. Kaya kapag trinanslate sa normal alphabet ang nakasulat.. Nalulungkot ako.. Nandito na ako.. Ipangako mong pupunta ka rin dito sa huli.. Sumikdo ang puso ko sa hindi maipaliwanag na dahilan. Sariwa pa ang tinta sa sulat dahil may bumakat sa kamay ko nang hipuin ko ang mga letra. Nilingon ko ang pluma na nasa mesa. Kinuha ko yun at sinuri. Basa pa rin ang tintang nakakapit sa dulo niyon. Nandito pa kaya ang gumawa ng sulat? Lumabas ako ng library. Mataman kong pinakiramdaman ang paligid. May naramdaman akong mahinang presensya sa may di kalayuan. Sinunod ko ang nararamdaman ko hanggang sa makarating ako sa master's bedroom. Dahan dahan kong binuksan ang pinto. Hindi ako nagkamali. Siya yung nasa library kanina; at malamang na siya rin yung nangtrip kay Hype sa may gate. Nakangiti siya sakin habang ang isa niyang kamay ay hinihimas ang takip ng antigong music box. "Pwede mong patunugin yan kung gusto mo." sabi ko habang nakangiti rin. Binuksan nga niya ang takip ng music box at pinihit ang susian. Binalot kami ng malamyos ngunit napakamisteryosong musika. Kanina iniisip ko kung sino nga ba siya. Kung siya ba si Thanatos o si Orpheus? Ngayong nagkaharap na kami, nakilala ko agad siya. Siya kasi ang pinakamalapit sa puso ko higit kaninuman. "Alam mo ba ang tungkol sa mga doppelganger?" tanong niya sakin. "—Sila yung parang salamin ng buhay mo. O pwede ring replica mo. Ang sabi ng marami, kapag nakita mo ang doppelganger mo, nalalapit na daw ang iyong kamatayan." sagot ko. "Nakita kita.. Kaya siguro naman—" Lakas maka-lungkot tong kaharap ko. Hindi ko maimagine ang sarili kong ganyan. "Gusto mo na ba talaga?" tanong ko sa kanya. Marahan siyang tumango. "Bakit? Natatakot ka ba para sakin?" Dahan dahan akong lumapit sa kanya. "—Hinde. Pero nalulungkot ako dahil nagkaganyan ka." Inabot niya ang balikat ko at tinapik tapik. "Kung alam mo nang nagkaganito ako, susundan mo pa rin ba ako? Pupuntahan mo rin ba ang mga napuntahan ko?" "Oo kaya wag ka nang masyadong magpakasenti. Hindi kita hahayaang mag-isa. Dadating din ako diyan." Niyakap niya ako na di ko alam kung para saan. Umiiyak siya, yun nga lang sobrang hina lang ng kanyang hikbi. "Marami akong gustong sabihin sayo. Tungkol sa mga pagkakamaling nagawa ko. Kaso.. Ayoko nang magsalita dahil wala akong bagay na pinagsisisihan.. at kung bigyan pa ako ng pagkakataon na mabuhay ulit, ang gusto ko ay ganito pa rin ang mangyari." "Tanga. Hindi mo na masasabing ikalawang buhay yun." sabi ko. "—Pero pareho tayo ng gusto." Pinagtawanan namin ang katangahan naming pareho. Nagpaalam na rin siya kaagad. Ang sabi niya ay dumito lang ako sa kwarto at wag ko nang alamin kung saan siya lulusot. Nahiga ako sa kama at tumingala. Nakita na niya ang kanyang doppelganger. Ganun din ako. Malungkot siya.. Kaya napag-isip isip kong dapat akong maging masaya simula ngayon. **** Shall's POV: Tss.. Ano ba ang kailangan niya at ipinatawag niya ako dito? Brr.. Napaparanoid ako. Baka maglalalayas na naman si Hio lalo't alam niyang wala ako! Hawak ko sa kamay ang alila ni Hio. Sinama ko siya dito dahil WALA akong tiwala sa kanila, lalung lalo na sa lalakeng yun! Binitawan ko lang siya nung nasa loob na ako ng napakalaking mansyon ng aking ama. Sa drawing room ko siya iniwan at pinaupo sa isang armchair. "Dito ka lang. WAG KANG AALIS DITO HANGGAT HINDI KO PINAHIHINTULUTAN." Umakyat ako at pumasok sa private tea room. Naabutan ko dun si Noir na nakaupo at kausap si Pére. "Pati ikaw pinatawag niya?" Tumayo kaagad si Pére pagkakita sakin at sinugod niya ako para yakapin. "BEEEEEB! Namiss na talaga kita!" [Pére-ama] Itinaas ko agad ang dalawa kong braso. Nahawakan ko ang dalawang balikat niya kaya hindi niya ako nayakap. "Pére pwede ba?! Kung ipinatawag mo ako para lang sabihing miss mo ako, UUWI NA AKO!" "Beb naman! Seryoso talaga ang pag-uusapan natin. Maupo ka munaaa." Sinimangutan ko siya pero naupo ako sa armchair na katabi ng kay Noir. Tss.. Kakainis talaga si Pére. Parang may split personality lang. Sinong mag-aakalang siya ang punong ministro ng konseho ng mga bampira? Wala di ba?! At di ko talaga ma-take ang wiseman-look niya! Hindi siya mukhang tatay ko. Mukha siyang lolo ng lolo ng lolo ng lolo ng lolo ko! Nang magsettle down siya sa armchair niya, inusisa ko kaagad siya. "Inutusan ka ba ng mga friends mo na kausapin ako?" Umiling iling si Pére. "Alam mo beb, hindi ko na alam ang gagawin ko sayo. Ikaw ang ugat ng pagkakasala ng mga kalalakihan dito sa mundo—" Natawa si Noir. Nainis ako. "ANONG UGAT UGAT?! Pwede ba, nananahimik ako! Lalake ang lumalapit sakin!" Noir nudged me. "Hindi mo ba naiintindihan ang gustong tumbukin ni Pére?" "Ano pa ba ang sasabihin niya sakin bukod sa hiwalayan ko ang prinsipe? Di ba yun yon?" "Hindi beb. Nakarating sa amin na napawalang-bisa ng kapangyarihan ng mahal na prinsipe ang sumpa ng fleur de lis. Dahil dun, hindi na kinikilala ang kasal mo sa paladin. Kung gusto mo talagang makasama ang mahal na prinsipe, bumalik ka sa pagiging dukesa at pagkatapos ay magpakasal kayo." Seryoso ba ang mga naririnig ko?! "—Pag ako ang pinakasalan niya, wala na namang hari sa henerasyong ito." pinilit kong maging kalmado. Ayokong maging overly excited sa harap nila. "Ang mga Hari ay hindi iniluluklok at lalong hindi ipinipilit. Dumarating sila sa tamang pagkakataon." This is it.. Huminga ako ng malalim. "—Paano ako magiging dukesang muli? Eh di ba ang mga maharlikang tumiwalag ay hindi na pwedeng—" Tumikhim si Pére. "Baka nakakalimutan mo beb, anak ka ng punong ministro! Gagawa ako ng paraan para sa ikaliligaya ng unica hija ko—" Sa sobrang saya ko, ako na ang yumakap kay Pére. "Wow nagiging tunay na babae na si Patricia, ano sa palagay mo Pére?" sinimulan ni Noir ang pang-aasar sakin. Nilingon ko siya and I just stick out my tongue. "Bleah! Inggit ka lang kasi di ikaw ang favorite ni Pére!" "—Yun nga lang, isip-bata pa rin!" sinusugan naman netong si Pére ang pang-aasar sakin ni manong! Hmp. "Kayong dalawaaa! Daya lagi niyo akong pinagtutulungan!" Pére gently patted my head. "Biro lang beb." Ngumiti ako. Lumapit ako kay Noir at hinila ko siya patayo. Then lumapit kami kay Pére. Pinagpatung patong ko ang mga kamay namin. Gaano na ba katagal since the last time na nagbigay kami ng oras para magkasama-sama dito? Namiss ko tuloy bigla si Mére.. Sana nakikita rin niya kung gaano ako kasaya ngayon. [Mére-ina] —— Salamat at salamat kay BlackAndWhiteAssassin for giving me extra ideas!!! Wooohoooo! direk_whamba Opus 69 Redder's POV: "—Redder, nakagawa ka ng isang pagkakamali! Hindi katanggap tanggap!" Itinigil ko ang pagbabalasa ko ng baraha at sinipat ang papasikat na araw mula sa bintanang katapat ng kinauupuan kong armchair. Click! Click! Click! Dinig ko mula sa aking likuran ang tunog ng nagkikiskisang socket ng mga puppet na gawa sa kahoy. "Ilang beses mo ba ako balak sermonan Harlequin? Hindi mo ba naiisip na manahimik na lang tutal ay tinutulungan mo na ako ngayon?" Click! Click! Click! Isa sa mga puppet ang naglakad at huminto sa harap ko mismo. Kalahating tao lang ang taas nito; tas punung puno ito ng dugo. Marahas niyang hinawakan ang isang arm ng upuan ko at iniikot iyon para maiharap sa likuran. Nakita ko ang lima pang mga puppet. Tulong tulong silang naglilinis ng ginawang kalat ng Paladin. "—Sabihin mo Redder, kung ikaw ba ay ako, mananahimik na lang akong basta? Hindi lang iisa ang nagawa mong pagkakamali bukod diyan!" Isinaboy ko sa ere ang mga barahang hawak ko. Imbes na bumagsak sila sa sahig, lahat sila ay nagsipaglutangan. "Patawad na Harlequin. Dapat ay isinara ko ang time portal bago ko ginawa ang misyon. Alam mo kasi kapag nasa panganib ang katawan ko, kusang kumikilos ang kapangyarihan ko upang protektahan ako." "Tsk. May kasalanan din ako Redder. Hindi kita binigyan ng proteksyon habang naglalakbay ka." Nag-indian seat sa harap ko ang puppet. "Buhay pa rin ang target natin. Uulitin ba natin ang mga plano natin?" tanong ko. "Hindi! Aabutin na naman tayo ng dekada para lang tiktikan ang eksakto niyang lokasyon. Isa pa, hindi natin gamay ang ibang mundo." Bumuntong hininga ako. Napakahirap ng aming misyon pero ginagawa pa rin namin. Sa totoo lang , wala namang nag-utos samin para magkaroon ng misyon. Gaya lang ng sinabi ni Div Umbra, ang mga ancients ay gumagawa ng kahit na ano para maibsan ang pagkabagot. "Umusad na ang target sa susunod niyang plano. Dapat siguro ay ganun din tayo." "TAMA!" tumayo ang puppet. "Ako na muna ang kikilos Redder." Inabot ko ang isa mga barahang nakalutang sa ere. Ace of heart. Nagbagsakan ang iba pang mga baraha. "Marami ang posible niyang gawing sisidlan—" "—Alam ko Redder. Pero natitiyak kong ang pipiliin niya ay yung bata at may kakayahang mapalapit sa monarkiya ng mga bampira." may tumakas na parang puting usok sa katawan ng puppet pagkatapos niyong magsalita. Ganun din ang nangyari sa iba pa. Tsk. Loko yung Harlequin na yun ah?! Hindi pa tapos maglinis sumibat na agad! Gumalaw ang lahat ng mga barahang nasa sahig at isa isang dumikit sa noo ng mga bangkay. Nang madikitan ng baraha, mabilis na naging alikabok ang mga walang buhay na katawan. Tinangay sila na maliit na ipo-ipo palabas ng bukas na bintana. Pagkatapos ay isinarado ko yun upang hindi pumasok ang sikat ng araw. **** Minerva's POV: (A/N: 8-hours po ang time difference ng London at Pilipinas kaya gabi pa rin sa mga susunod na scenes) Phew. Mabuti na lang at umuwi agad si ate. Kailangan ko na kasi talagang pumunta ng ospital. Hinatid si ate at Yuki ng Farer ng punong ministro. Sinalubong namin sila ni Kape. "Ate! Kamusta ang lakad? Mukhang masaya ka ah?" yiee nagbablush siya! "Nasaan si Hio?" sa sobrang pagkaadik niya kay kamahalan eh ni hindi man lang nagbother sagutin ang tanong ko! Hmp. "Nasa loob po. Naglagay ako ng barrier kaya hindi talaga siya makakalabas, unless naisipan niyang maghukay." Nasa may pintuan si Kamahalan at hinihintay niya kami. Nag-iimprove na siya in fairness. Nakakaramdam na siya ng mga aura aura na yan. Hinawakan ko ang kamay ni Kape na may bandage. Maganda sana kung matingnan sa ospital ang sugat niya. Pero mas makabubuting ako lang ang lalakad mag-isa. Itatanong ko na lang kay Ophelia kung may ointment siya na pampabilis ng healing process ng sugat. "Aalis ako ha? Dito ka lang sa kanila." "Saan ka poponta? Sama aku." Umiling ako habang nakangiti. Nakakapagpasaya na sakin kahit yung simpleng pag-aalala niya. Kaso may bigla akong naramdamang kaba. Bakit ganun? Bakit pag hindi ko siya sinama feeling ko may mangyayaring hindi maganda sa kanya? Anyway mas hindi ako palagay pag isinama ko siya ngayon. "Kamahalan, aalis ako. Ingatan niyo siya ha?" "H-ha? Teka sandali Mie! Saan—-?" Pumasok ako sa loob at tinalon ko ang stairwell. Sa may top landing ako gumawa ng linyang dumugtong sa isang pasilyo ng ospital. Medyo natagalan bago ko nabura ang mahiwagang linya. It requires a lot of force pero hilong hilo na talaga ako. Super. Hindi ko na madistinguish kung alin ang aura ni Lady Ophelia sa sea of auras na nandito. Kaya ang ginawa ko, nagtanung tanong ako sa bawat taong makasalubong ko. Nurse ang huli kong napagtanumgan. Itinuro niya sakin ang isang private ward sa ikatlong floor. **** Race's POV: Kahit hindi maigi sakin ang mamalagi sa lugar kung saan marami akong makikitang dugo, nanatili pa rin akong nandito sa ospital simula pa kagabi nang umalis si Lady Ophelia kasama ng kamahalan. Maghapon at magdamag akong nakabantay kay Aster. Wala naman akong permanenteng bahay na inuuwian kaya ayos lang sakin ang nandito. Isa pa, hindi na ako nag-iisa dahil kasama ko na si Lady Ophelia. Nagbayad ako ng risonableng halaga para maging private nurse siya ng bata. Nagpapalipas kami ng oras sa pagkekwentuhan tungkol sa aming naging buhay at pati na ang tungkol sa mga nangyari sa mansyon ng kamahalan kagabi. Mabuti na lang at nakaligtas sila. Ang kasalukuyang topic namin ay ang tungkol sa paggamit ng metronome at hipnotismo upang gumaling ako sa aking sakit. "—Payag akong mag-undergo ng treatment Lady Ophelia. Gusto kong mapabuti ang sarili ko." Ngumiti sakin ang napakabuting Baronet. "Maganda ang pasya mo Lord Race. Hayaan mo, sisimulan kaagad natin ang session mo—" Napatingin kaming dalawa sa bumukas na pinto ng ward. Sumungaw dun ang maamong mukha ni Lady Minerva. Umapaw bigla ang inaakala kong hungkag kong puso. "—Lady Ophelia? Kailangan ko ng dugo please?" pati ang tinig niya ay napakaamo. Subalit halata sa kanyang hinang hina na siya. Tumayo ako sa kinauupuan ko at nasalo ko siya sa tamang oras bago pa siya tuluyang bumagsak ng sahig. Magkaharap na naman ang mga mukha namin. Nagawa pa niyang ngumiti sakin. "Lady Minerva, inabuso mo na naman yata ang sarili mo?" Nanatili siyang nakangiti. "Halika Lady Minerva—" tinawag siya ni Lady Ophelia kaya naputol ang eye contact namin. Lumabas ang dalawa sa ward. Hinintay ko silang lumiko at mawala sa view bago ako bumalik sa kinauupuan ko. Pero may kakatwang nangyari. Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Paglingon ko sa kama ni Aster— WALA NANG NAKAHIGA! Napatakbo ako sa pintuan. Hindi pa nakakalayo ang bata dahil dahan dahan lang ang ginagawa nitong paglakad. "ASTER!" hindi siya lumingon sa sigaw ko. Naglaho ako sa kinatatayuan ko at nagpalipat sa harap ng bata. Nakapikit pa rin siya.. Yumukod ako para sana buhatin siya pabalik ng ward at—- BLAGGGG! Nahagip ang leeg ko ng braso niya. Tumilapon ako ng ilang talampakan. May pinanggalingan ang lakas ni Aster. Sigurado akong wala pa talaga siyang malay pero.. Imposible! Pumikit ako. Pagdilat ko, nagbago ng kulay ang aking mga mata. Inaninag ko ang parang malabong pigura na nasa likuran ng bata. Hawak niyon ang magkabilang kamay ng bata. Sa tamang anggulo at liwanag, nalaman ko kung ano yun.. Isang kaluluwa. "LORD HARLEQUIN? NANDITO KA BA?" nagpalinga linga ako. Hindi ako maaaring magkamali. Siya lang ang bukod tanging may kakayahang kumontrol ng mga kaluluwa! "Nandito ako sa likuran mo Race." Tumayo ako pero hindi ako lumingon. Umusog ako at sumandal sa pader. Sa ganung view, makikita kong pareho sina Aster at Lord Harlequin. Ayokong tumalikod kay Aster dahil kahit sa isang segundong pagkalingat lang, maraming maaaring gawin si Lord Harlequin. Isang 2-feet Asian ball-jointed doll ang nakita kong nakatayo sa may bandang kanan ko. Siya na yata si Lord Harlequin. Si Lord Harlequin ay isa sa tatlong huling vizconde ng monarkiya. May mga nakapagsabing wala na ang kanyang tunay na katawan; at may ilan na sinasabing ibinaon daw niya ang sarili niyang katawan sa ilalim ng lupa. Gaya ni Lady Minerva, isang Transcender si Lord Harlequin. Tinatawag na Transcender ang isang noble kapag taglay niya ang lahat ng kakayahan na mayroon sa rank niya. Sa rank ng Vizconde, dadalawa lang ang class; ang tamer at ang charmer. Para maging transcender, kinakailangang mastered mo ang dalawang class. May kapangyarihan si Lord Harlequin na paamuhin ang mga ligaw na kaluluwa. Pagkatapos, yung mga kaluluwang yun ay malayang nakakasanib sa mga walang-buhay na bagay at pati sa mga bampira upang kanyang makontrol. Ang hindi ko lang alam ay kung bakit hindi niya maaaring isanib ang mga kaluluwa niya sa mga tao. "Kukunin ko ang bata." binasag ni Lord Harlequin ang namuong katahimikan. Sinunggaban ko ang kamay ng bata. "Bakit? Wala akong nakikitang dahilan para kunin mo siya—" Natigilan ako at napaisip. Pumalag ang bata ngunit nasangga ko ang kanyang kamay. "Kailangang mamatay ng batang yan. Huwag nang matigas ang ulo Lord Race." Lalong hindi ko binitawan si Aster. "BAKIT MO GAGAWIN YUN SA INOSENTENG BATA?!" "Matigas ka ha?" may dinukot si Lord Harlequin mula sa loob ng suot niyang maliit na leather coat; isang panyolito na may— Biglang nanginig ang kalamnan ko pagkakita sa nakakapit na nanuyong mantsa ng dugo sa panyolito. Natatakot ako.. Bakit ako natatakot ng ganito? Sa anong dahilan? At bakit ngayon pa? "Hahahaha! Nakakaawa ang hitsura mo. Kinatatakutan mo ang simpleng bagay na hindi naman makakapanakit sayo!" Malayang nakabitaw sakin si Aster. Sinubukan kong habulin siya kaso sobrang nanginginig ang mga tuhod ko. Nang makalapit siya sa manika, inabutan siya nun ng isang manipis na patalim na may isang dangkal lang ang haba. Kinuha niya yun at itinutok sa may puso. "W-wag Lord Harlequin.. A-ako na lang ang saktan mo. Maawa ka sa kanya—" Mataman akong tiningnan ng manika. "Bakit Lord Race? Anong gusto mong palabasin? Na mabuti ka at ako ay masamang bampira?" "Mali ang iniisip mo—-" ANO BA ANG MAGAGAWA NG PAGPAPALIWANAG KO?! Hindi ko maililigtas si Aster kung mananatili akong nakatayo lang dito! "—Monde, halika na nga. Nawalan na ako ng gana." binawi ni Lord Harlequin ang patalim mula sa kamay ni Aster. Nakita kong natumba si Aster nang maglakad palayo ang manika. "Aster!" halos gumapang na ako para lang makalapit sa kanya. Pinakiramdaman ko siya. Nandoon pa ang mahinang tibok ng puso niya at ang mahina niyang paghinga. Salamat at ayos lang siya. Sa pag-angat ko ng paningin. Nakita ko yung manika na nasa dulo na ng corridor. Pinulot yun ng isang binatang nakasuot ng itim na suit at pulang fitted na pantalon. Tiningnan niya ako saglit bago tuluyang umalis. Alam niyang nakatingin ako sa kanila. Wala man lang emosyon sa mukha niya pero halatang dismayado siya. "—LORD RACE?! ANONG NANGYARI SA INYO?!" dumulog sa amin sina Lady Ophelia at Lady Minerva para tulungan kami. **** Redder's POV: Inislide ko ang baraha ko upang damahin ang barrier na nakaharang sa aming dadaanan. "—Ni hindi mo man lang nagawa ang binabalak mo sa kabila ng lahat ng tulong ko? Tsk." Para akong baliw na kausap ang manikang hawak ko sa bewang. "Oh sige, maraming maraming salamat sa tulong mo. Happy?" Ah naku. Walang kwentang kausap! "—Tinanggal mo na ba ang inilagay mong mahika kanina?" "Oo." sagot ko. Naglagay ako kanina ng laso sa dulo ng corridor para walang kahit na sino ang makakapasok dun at magugulat sa gumagalaw na manikang ang pangalan ay Harlequin. Ngayon naman ang problema namin ay ang barrier sa aming harap. "May balak yata silang hulihin tayo Harlequin." "—Hindi nila magagawa yun kung bibilisan mo nang idisperse yang barrier." Masyadong bossy na yata tong Harlequin na to? Gamit ang hawak kong baraha, humiwa ako ng malaking hugis parihaba sa barrier. Tas nabasag yun na parang napakanipis na salamin. Maihahambing mo sa liquid ang enerhiyang bumubuo sa barrier. Umaayon ang surface nito sa hugis ng penetrator. Kaya walang friction. Kapag pinilit mong makalusot, itatalbog ka lang nito pabalik. Ano ang magandang gawin para mawasak ang barrier? I-freeze ang energy flow. Mula liquid, naging solid iyon kaya mabilis na nabasag. Walang kahirap-hirap kaming nakalabas ng ospital. "Sabihin mo nga Harlequin, sa limang minutong nandun ka, tatlong daang beses ang tsansa mong patayin ang target at ang vizconde—" "Nagbago lang bigla ang isip ko Redder." ani Harlequin. Nagsalubong ang kilay ko. "—Sa anong aspeto nagbago Harlequin? Naging maawain ka na?" "—Kapag pinatay ko kaagad ang bata, liliit na naman ang radar natin habang nananatiling malawak ang sa target. Naisip ko lang na dapat hayaan muna nating maging patas ang laban." Magandang ideya. At sana ay laging nasa panig namin ang oras. —— direk_whamba Opus 70 Kape's POV: Nagponta kami ng bar pagkaales ni Mee. Tomawag kase si Nowa (Noir), nag-aaya seyang tomogtog. Hawak ko na ang getara nang maketa ne Dong ang braso ko. "Kape anu yan? Nagdudugo yata." aneya. Umileng ako. "Wala tu pare." Pak! Agay benatokan ako! "WALA?! Yan pala yung naaamoy ko kanina pa eh. Wag ka munang maggitara ngayon. Baka dumugo pa lalo yan!" Nagolat ako. "Ha? Eh sinong—" "Akong bahala sa rhythm. Shall, ikaw muna mag-bass." sabe ne pareng Heyo sabay agaw neya sa getara ko. "Okay." sagot ne mayora Shall. Ayon, tatlo lang sela sa stage. You know the door to my very soul. You're the light in my deepest darkest hour. You're my saviour when I fall.. Talentado talaga se Dong. Kehet anong enstrumentong togtogen, master gihap. And you may not think I care for you.. When you know down inside That I really do.. And it's me you need to show.. How deep is your love? I really need to learn.. 'Cause we're living in a world of fools.. Breaking us down.. When they all should let us be. We belong to you and me.. I believe in you.. "Hi Kape! Long time no see ah?" napalengon ako sa cheks na kumapet sa braso ko. Yung syuta ne Ren (Rhien) to eh. "—Ronah? De ba ikaw se Ronah?" tama ba ako? Sobrang dame ko nang nakelalang cheks kaya di ko naman seka maaalala lahat. Lalung nahegpet ang kapet neya sakin. "Yiee! Naalala mo talaga ako? Weee—" "Kamosta na nga pala sela Ren? Baleta ku me album na sela. Hinge mo naman ako ng otograp!" Napanood ko sa TV yong advertising ng album nela. Asteg ng Capella! Buti at nadiskober na ang banda nela. Idol ko sela kasi maganda ang mga genagawa nelang kanta. Ngumuso se Ronah. "Hmp. Buti pa sila kinakamusta mo. Actually kasama ko sila. Nandun sila sa next street. Medyo nahihiya silang gumawi dito sa Feral kasi nga di ba, umalis sila ng biglaan. Gusto mo ba silang kamustahin?" Tumango ako. Kill time total may togtog pa ang ForMad. Masaket lang na wala ako sa stage. Hinila ne Ronah yong braso kong may sogat. Nangiwi ako. "Dahan-dahan lang, masakit ba." "Awe masakit ba? Akin na nga ikikiss ko para mawala ang sakit." hende naman neya ni-kiss eh. DINILAAN niya yong bendang mey dugo! Ano ba ire? Kababoyan! Benawe ko ang kamay ko. "Tara na nga." Lomabas kami sa bar at tomawid sa kalsada. Nagpatiuna se Ronah. "Sundan mo lang ako ha Kape?" Genawa ko ang nesabe niya. Sumunod ako. Kung saan saan kame lumiko. Padilim nang padilim at pasikip nang pasikip. "Ronah? Lagpas na ata tayo sa 'kabelang istret' na senasabi mo?" Homento seya ng paglalakad. "Alam ko." Ipinatong ko ang kamay ko sa balikat neya. "Haleka balik na lan tayo sa bar." Nang lomengon seya saken, bigla akong napaatras. Kasi— Kasi kakaiba na ang hitsora neya! Wala na ang pes neya, poro bunganga na! "Hahahaha.. Hindi ka na makakabalik nang buhay sa Feral!" **** Hio's POV: Umalis si Kape sa kinauupuan niya. Sumama siya kay Ronah na chix ni pareng Rhien. Yung lokong yun may Mie na nga't lahat lahat, sumasama pa sa chix ng iba! Pero eka lang mga ser.. May kakaiba kay Ronah. Hindi ko siya pinipintasan o ano, masyado kasi siyang masangsang sa pang-amoy ko. Masangsang na nakakahilo, ganun. Nakakadistract talaga. "Hio nawawala ka." sabi ni Noir sa likod ko. When they all should let us be.. We belong to you and me.. Hindi ko na tinapos ang fade. Tumalon ako sa gilid ng stage at— Ting! Naipangsalag ko na lang bigla mula sa isang aerial attack yung gitara ni Kape. Nahati tuloy yun sa dalawa! Yari ako kay pare! Pero namangha ako! Hindi pa rin nawawala yung warrior skills ko na akala ko ay hanggang sa panaginip lang! Babae ang umatake sakin. Hindi sandata ang ginamit niya kundi isang mahaba at matigas na parang kamay na talangka. Luminga ako sa stage. Nakasalag din si Shall dahil may umatake din sa kanya. Identical yun sa babaeng nasa harap ko! "Ahhh!" bumagsak ang isang taong customer ng bar. May sumaksak sa kanyang— WTF SI RACE BA YUN?! Hindi rin. May pilat siya sa mukha at rugged ang pananamit niya. Nakangiti siya na parang nag-enjoy siya sa ginawa niya. "Magandang gabi kamahalan. Magsaya ka na ng husto dahil ito na ang huling gabi mo!" Di ko siya pinansin. Mas nag-aalala ako para kay Kape. Kung may kalaban dito sa loob, malamang na may kalaban din sa labas! Tumayo si Noir. "Shall, pahingi ng sandata. Kailangan ko ng pito." wow angas ni Noir, maka-espada ng pito eh no? Si Zorro nga tatlo lang eh. "Ako din!" singit ko. Lahat ng mga metal na bagay na nasa stage ay nagsipagkalas at gumapang palapit kay Shall na parang mga uod. Nahubog sa mga sandata ang mga metal. Ibinato sakin ni Shall ang isa. Yung pito, hindi niya inabot kay Noir. Initsa niya lang sa ere. May pitong tao na lumundag at kinuha yun. Hinarap nila ang kalaban at inatake iyon. Tog! Napailag ako sa muling pag-atake ng babaeng bampira. Umurong ang parang sipit ng alimasag sa balikat niya tas tinubuan siya ng pakpak ng paniki! "MGA KONDESA SILA HIO. Mga Kondesang Morpher! Nakakapagpatubo sila ng kahit na ano sa kanilang katawan!" Lumipad ang kondesa. Yung kamay niya, tinubuan ng kamay, na tinubuan ng isa pang kamay. Sa sobrang pagka-amaze ko, nahablot ng huling kamay niya ang leeg ko. Tsshak! Hiniwa ko yun at natilamsikan ako ng dugo! Ack. Nilingon ko kung Ok pa sina Shall at Noir. Si Shall, kalaban yung isa pang kondesa. Si Noir, busy busyhang i-toy yung pitong tao para atakihin yung kamukha ni Race. I guess yung pitong yun lang ang taong nandito sa bar. Yung pangwalo kasi dapa na dahil nasaksak. "UMALIS NA KAYO DITO PARA HINDI KAYO MADAMAY!" sigaw ko sa mga nakatungangang bampira. Wala naman silang naitutulong eh. Pinapanood lang nila kami. Libreng sine! Pagkadinig nila sa utos ko, nagsilabasan agad sila in a stampede! Kung makapagpanic ang mga gago akala mo may sunog. Tumalon ako. Naitapak ko ang isang paa ko sa likod ng kondesa. Inislide ko ang espadang hawak ko para baliin sana ang pakpak niya. Matigas kaya kinamay ko. Humiyaw siya at pumalag. Napailalim ako pero inunday ko ang espada ko para maka-slash. Paglayo niya, tinubuan siya ng panibagong pakpak. Pero natamaan ko siya. Sumago ang dugo niya sa dibdib. Rawr.. Ang bayolente mo na Hio! Nagcharge yung kondesa para sugurin ako. Inabangan ko siya. Tas napasecond thought ako. Eh kasi tinubuan naman siya ng mga spidy legs! Nadaganan niya ako. "HIO!" sigaw ni Shall. Ayun nahambalos tuloy siya ng kalaban niya. "Ayos lang ako!" pag-aassure ko. Inipon ko ang lahat ng pressure sa mga palad ko. Isa.. Dalawa.. Tatlo! Buong pwersa kong tinulak ang kondesa. Bumaon nga siya sa kisame eh. Kinuha ko ang espada ko. Bumaligtad ang center of gravity ko pagtuntong ko ng kisame. Tinusok ko sa puso ang kondesa. Sorry sorry sorry.. Hindi ko talaga gustong gawin to! Dog-eat-dog lang talaga ang mundo ng mga bampira. Kapag di ako pumatay, ako ang papatayin! Humiyaw ang kondesa. Mas lalo ko pang ibinaon ang espada hanggang sa nag-uusok na siya. "Hindi! TERESA!" sumigaw yung kamukha ni Race. Sinangga niya ang sabay-sabay na pag-atake ng mga tao tas sumugod siya patungo sakin. "Lumayo ka sa kanya Hio baka mabiktima ka niya!" Ginawa ko ang sinabi ni Noir. Kumalas ako sa kisame. Saktong sa pintuan ako bumagsak. "Hahanapin ko si Kape. Sundan niyo ako. Lalabas din ang mga yan kapag lumabas ako!" Nauna ako sa labas. Medyo pinagtinginan ako ng mga passerby. Para silang nakakita ng gwapong Luke Skywalker hawak ang laser sword. Pinakiramdaman kong maigi kung nasaan si Kape. Medyo nakatulong yung amoy ng sugat niya sa braso. Tumawid ako ng kabilang street at tinahak ko ang madilim na eskinita. **** Minerva's POV: Kinukutuban ako ng masama at hindi ko yun maipaliwanag sa sarili ko. Iba sa kutob na dala ng dalawang maharlikang pinagtangkaan ang walang malay na bata. Nagpaalam ako kanila Lady Ophelia. Nag-offer si Lord Race para samahan ako but I declined. Hindi niya need umalis dahil kailangan siya ni Aster. Sinundan ko ang amoy ni Kape. Dumugtong ako ng lagusan para makarating kung nasaan man siya. Bumukas ang daan patungo sa isang madilim na eskinita. All along akala ko ay nasa mansyon ni Kamahalan si Kape pero bakit siya nakarating dito?! Pagkabura ko ng linya, pinakiramdaman ko ang paligid. Naaamoy ko ang dugo ni Kape. Matapang yun. Nasaan siya?! "Kape? KAPE! NASAAN KA?" umatras ako. Pagpihit ko, tumakbo ako patungo sa direksyon kung saan patindi ng patindi ang naaamoy ko. Plok. Plok. Plok. Huminto ako sa paglalakad. Sa harap ko, may tumutulong dugo. "Hahahah.. Siya ba ang hinahanap mo? Dinig na dinig kasi kita eh. Tawag ka ng tawag sa pangalan ng tangang to!" Nahinatakutan ako sa nakita ko pagtingala ko. Hawak ng isang hindi pamilyar na nilalang si Kape sa isang kamay lang. Anytime pwede niyang ibagsak si Kape ko. Ang mga tumutulong dugo ay galing lahat sa leeg niyang may mahabang laslas! "WALANGYA KA ANONG GINAWA MO SA KANYA?!" nanginginig ako sa galit. Sobra! "Relax ka lang bata. Tinikman ko lang naman siya eh. Kahit kanina ko pa gustong kainin ang laman niya, nagtimpi pa naman ako. Kailangan kasing magtira ng konting life force ka kanya para i-lure ang bampirang pakay ko." pagkasabi niy nun, iniangat niya ang braso ni Kape at dinilaan niya ang pisngi nito. "—Hindi kita patatawarin tandaan mo yan!" Nasa kalagitnaan na ako ng pagka-cast ng chamber para patayin siya pero bigla niyang binitawan si Kape. May bigla kasing umatake sa kanya mula sa likod. Nahinto ako sa ginagawa ko para saluhin ang mahal ko. "Ronah, anong ginawa mo kay Kape?!" si kamahalan pala yung umatake sa babaeng nanakit kay Kape. Obvious na galit na galit siya! Niyugyog ko si Kape. "Kape gumising kaa—" sira! Kesa magdrama ako dito, dadalhin ko na siya agad sa ospital! "Kamahalan, dadalhin ko na siya sa ospital—" Hindi ako pinakinggan ni Kamahalan. May something sa kanya na nakapagpangilabot sakin. Gumuhit ako ng linya at umalis sa lugar na yun. —- direk_whamba Opus 71 Sumadsad sa sementadong sahig ng madilim na eskinita ang chimerang si Ronah pagkat buong pwersa siyang itinulak ni Hio. "Ako ang target niyo di ba?! BAKIT KAILANGAN NIYO PANG IDAMAY SI KAPE?!" tumalon mula sa ituktok ng dalawang palapag na gusali si Hio pagkasigaw niya. Nilapitan niya ang babaeng mapagpanggap. May nangyayaring kakaiba sa kanilang paligid kaya't hindi mapigilang mangamba ni Ronah para sa kanyang kaligtasan. Nagbitak ang semento kung saan siya nakahandusay, nagsisikalasan din ang mga bakal kung saan saan! Pati mga pader ay nababaklas nang kusa! "Halika, lumapit ka sakin. Papatayin mo ako hindi ba?" Nakakatakot. Natatakot si Ronah sa bampirang papalapit na sa kanya. Nais niyang umatras at tumakbo pero— Pero may kung anong pwersa ang bigla na lang humila sa kanya patayo. Tila may kumokontrol sa kanyang kung ano para lumapit kay Hio. "H-Hio parang awa mo na—" Awa? Mukhang wala nun ang kanyang kaharap. Ni wala na ngang mababakas na ekspresyon sa mukha nito. Wala na yun sa sarili. Lalong nahintatakutan ang chimera nang hawakan ni Hio ang braso niya. Nagsimulang maagnas ang katawan niya! "Subukan mong patayin ako, BILIS!" At dun nakita ni Ronah ang isang kakaibang marka na nagmanipesto sa kalahati ng mukha ni Hio. Lalo pang tumindi ang nagaganap na komosyon sa kanilang paligid. Nakakatawang isipin na siya ay isang halimaw; ngunit may mas halimaw pa pala kaysa sa kanya. Naipikit na lamang ni Ronah ang kanyang mga mata. Kung ito na ang kanyang katapusan, mas maiging hindi na niya ito masaksihan. **** Shall's POV: Sinundan ko si Hio tapos sinundan ako ng kalaban kong Kondesa at pati na yung bisugong kamukha ni Race. Nakatawid na si Hio sa kabilang street nang mahaltak ng kondesa ang buhok ko. Hinagisan ko siya ng kadena na saktong tumama sa may leeg niya. Hinigit ko yun kaya siya nasakal. "Babaliin ko na kaya ulo mo?!" pinanggigilan ko yung kadena nang mahagip ng paningin ko ang kislap mula sa gahiblang sinulid na papunta sa direksyon ko. Kaagad akong umilag. "—May talas ka pala ng pandama at paningin huh?" tuya sakin nung kamukha ni Race. "SINO KA BA?!" giit ko sa kanya. "Ako si Trace Phalanx. Ang kakambal ng ungas na si Race Phalanx!" Oh kakambal ni Race? Bat wala yung nababanggit?! Hmp. Kahit sino pa siyang engkanto siya, hinding hindi ako magpapatalo! Nagpalit anyo ang hawak kong espada na naging drill. Imbes na direktang atakihin si Trace at ang kondesa, binarena ko ang aspaltong tinutuntungan ko. Drrrrr! Drrrrr! "—Miss ganda, hindi ito ang oras para maghukay! Katapusan mo n—-" natigilan si Trace nang may mga ahas na gawa sa bakal ang mabilis na pumulupot sa buong katawan niya; ganun din ang nangyari sa kondesa. "Hindi ko kayo pakakawalan. LAGOT KA SAKIN MAMAYA PAGBALIK KO!" He can't talk back kasi may busal siya sa bibig! Wehe! Yun ang unang dapat ginagawa sa mga puro salitang kalaban na ubod ng yabang! Bahala sila diyan sa gitna ng kalsada. Kahit madaan daanan pa sila ng mga tao wala namang papansin sa kanila eh. On effect ngayon ang 500meter territorial radius ni Noir. Ibig sabihin, mabibigyan ng brain disturbances ang lahat ng taong nasa loob ng 500m-perimeter na yun. Pinakiramdaman ko ang aura ni Hio. Bigla yung lumakas to the point na nakakabother na. Nagpatalun talon ako sa mga rooftop para mas mabilis ko siyang malocate. Habang papalapit ako ng papalapit sa kinaroroonan niya, patindi naman nang patindi ang komosyong nangyayari sa paligid. Naramdaman ko na ang ganito nung minsan; but this is more intense. Nakita ko si Hio na nakatayo sa gitna ng eskinitang madilim. Siya ang nagbibigay ng liwanag sa kadiliman ng lugar dahil nag-eemit ang katawan niya ng hindi maipaliwanag na sinag. Tumalon akong pababa at tinangka kong lumapit sa kanya. "Hio?" itinaas ko pa ang isang braso ko para hawakan siya kaso agad kong binawi dahil umusok bigla ang dulo ng mga daliri ko. "HIO? ITIGIL MO NA YAN?" hindi na siya yung madidisturb mo sa simpleng pagsigaw. Sa palagay ko ay matagal na siya sa state na ganito. Para siyang nasa isang casting phase at halos patapos na. At yung markang sumakop sa halos kalahati ng mukha niya ay ngayon ko lang nakita. Bakit siya mayroon nun? "Umalis ka na dito Patricia, delikado para sa'yo ang manatili dito—" bigla bigla na lang susulpot si Noir at tapos yun pa ang sasabihin?! Hinarap ko ang kapatid ko. "AALIS?! IIWAN NATING GANITO SI HIO?" Tumango si Noir. "Huli na para pigilan siya. Wawasakin niya ang lugar na to.. Hindi.. Buburahin niya!" Bigla akong kinilabutan. Buburahin? Posible ba ang ganung bagay?! Naglabas ng isang wave ang katawan ni Hio. Iniyuko ako ni Noir. Tumama yung wave sa kalapit na 2-story building. Nagsipagkalasan ang mga bagay na bumubuo duon: nagtipak ang mga semento, nagsipagkalasan ang mga pako pati mga frames. Sumunod ay parang nadudurog na ang sementadong lupa na inaapakan namin. "Halika na Patricia, ilalayo kita dito." nagpaakay ako kay Noir dahil nanlalambot na ako. Joint teleport ang ginawa namin at siya ang in-control. Kung saan siya pumunta, dun din ako napupunta. "Sobrang layo na nito Noir.." sabi ko nang huli kaming tumigil sa tuktok ng isang mataas na billboard. "Dito tayo maghihintay." ani Noir. Di nga katagalan ay may gumuhit na straight line across the night sky. Nagdulot yun ng pansamantalang liwanag sa kalangitan. Pagkawala nun, yumanig bigla. Kitang kita ko ang isang napakalaking wave. Hindi yun umabot dito pero naramdaman namin ang impact. Isang minuto.. Dalawa.. Tatlo.. Apat.. Nangunot ang noo ko. "—Bakit tayo nagpunta dito Noir? Nasaan si Hio? Di ba pupuntahan ko siya?" ang gulo ha? Bakit kami nasa top ng isang billboard?! Teka.. Nasaan nga ba si Hio? Nasaan nga ba kami kanina?! Tiim bagang lang si Noir. Bakit napakaseryoso niya? AT BAKIT AKO PURO TANONG? ANONG NANGYARI SAKIN?! Hinawakan ni Noir ang kamay ko. "Tara puntahan natin si Hio." Nakipag joint-teleport ako with Noir. May kakatwa sa nakita ko at dun yata balak pumunta ng kapatid ko. Sa kalagitnaan kasi ng busy city, may isang lugar na literal na 'empty'. Empty, as in walang nakatayong mga bahay o kung ano pa mang dapat dapat nakatayo dun since commercial district ang lugar. Surprisingly, sa mismong gitna ng empty space na yun ay may nag-iisang nakatayo. "HIO!" Mabilis ko siyang nilapitan at niyakap. "Anong nangyari ba dito? Bakit ka—" natigilan ako pagkakita sa mukha niya. Nakatunganga siya at yung mga mata niya ay nakatingin sa kawalan! "Hio? Okay ka lang?!" Alam kong hindi siya okay.. May nangyari sa kanya na hindi ko maexplain. Nilingon ko si Noir. "Bakit ganito siya? Anong—" Lumapit samin si Noir. Kumilos ang mga kamay niya para ipikit ang mga nakadilat na mata ni Hio. "Wag kang mabibigla sa sasabihin ko Patricia pero.. wala dito ngayon si Hio." aniya. Wag daw akong mabibigla?! Then what the hell was he talking about?! Nagpatuloy si Noir sa pagsasalita. "—Kung sa mga tao, ang nangyayari ngayon kay Hio ay tinatawag na comatose state." Comatose? Si Hio? PAANO NANGYARI YUN?! Wala talaga akong maalala! Shit. "Noir wag kang nagbibiro nang ganyan!" I warned him. Then out of the blue, may naramdaman akong napakaraming presensya. Isa-isang nagpakita ang mga bampirang naka-itim na suit. Men in black for short. Lumapit samin ang sa tingin ko ay team leader ng grupo. "Magandang gabi. Ipinag-utos ng konsehong ilagay sa solitary confinement ang mahal na prinsipe. Isinugo kami dito upang i-escort siya." Solitary confinement? Hindi ba ginagawa yun para sa mga mapanganib na bampira?! "—Ako ang Knight niya. Paano ako makakasigurong kayo ay sugo nga ng palasyo?! Maaaring nililinlang niyo lang kami!" Yumukod ang punong sugo. "Maaari kang sumama para sa ikapapanatag mo." "Kung ganun ay sasama ako." Pinisil ni Noir ang balikat ko. "Maiiwan na lang ako dito para mag-imbestiga." May dalang kabaong ang mga sugo. Binuhat nila si Hio para dun ihiga. Pinagmasdan ko ang parang natutulog na si Hio. Tas naalarma ako nang makita kong lumuluha ang mga matahan niya. Hindi ko ipagtataka kung luha lang yun. Ang kaso, dugo ang tumutulo pababa sa kanyang pisngi! Isasara na sana nila ang kabaong pero pinigil ko. "Sandali! Bakit siya lumuluha ng dugo?!" "Binibining Knight, wala na tayong magagawa tungkol sa bagay na yan." anang punong sugo. "PAANONG WALA?!" konti na lang talaga at malapit na akong maghysteria! "Agaw-buhay ngayon ang ating mahal na prinsipe. Ikinalulungkot ko dahil wala din kaming impormasyon kung bakit siya nagkaganyan." "A-agaw buhay?" pinagharian na ng takot ang buong sistema ko. Hindi ko matatanggap ang mga sinasabi niya! Kanina lang.. Kanila lang ay kasama namin siya eh.. "—Sa tingin ko ay nagpakawala siya ng isang napakalakas na kapangyarihan. Na-drain ang kanyang life-force na ikinasira ng kanyang kaluluwa. Nangyayari talaga yan sa mga bampirang nagtataglay ng mataas na lebel ng kapangyarihan kontra sa kapasidad ng kanilang katawan." Natutop ko ang aking bibig. Hindi.. HINDI! Napakapit ako sa sleeve ng sugo. "M-may paraan pa ba para iligtas siya?" nanginginig kong tanong. "Walang paraan. Siya lamang ang may kakayahang magligtas ng kanyang sarili. Dahil sa nasira niyang kaluluwa, prone siya para pasukan ng mga ligaw na mare. Bibigyan siya ng bente kwatro oras na solitary confinement at kapag hindi siya nakabalik sa panahon na yun, papatayin namin ang kanyang katawan." Tensed akong bumuga ng hangin. Kailangan kong makausap si Pére. Hindi tamang basta basta na lamang silang nagdedesisyon tungkol sa mga maseselang bagay! Pinahid ko ng kamay ko ang luhang dugo sa mga pisngi ni Hio bago ako na mismo ang nagsara ng kabaong. —— Ano ang gusto mong mangyari kay Hio? Katapusan na nga ba ng prinsipe ko? Aba eh abangan! direk_whamba Opus 72 Noir's POV: Master.. Katapusan mo na nga ba? Hihintayin na naman ba kita ulit? Kailan? Nakakabagot ang mundong ito alam mo ba? Bakit kailangan mo lagi akong iwan? Habang iniisip ko ang mga bagay na gusto ko sanang itanong kay Hio (na hindi maaari), pinagmasdan ko ang pinsalang ginawa niya. Wala ni isa ang nakakaalam kung bakit may napakalaking bakanteng lote dito. Nawala sa mapa, pati na sa isipan at alaala ng mga tao ang street na nandirito; at sa kasamaang palad, maging ang mga tao/bampirang present dito kanina. Himalang hindi naabot ng delubyo ang Feral. Bumalik ako dun at naupo sa isang sulok. Wala akong ibang maaaring gawin kundi ang maghintay. Kapag namatay si Hio sa panahong ito, kailangan kong burahin ang eksistensya ni Noir. Mawawala ako sa alaala ni Patricia bilang kanyang kapatid. Mawawala din ako sa alaala ng lahat ng taong nakakakilala sakin. Magkakaroon ako ng panibagong pagkatao sa panibagong panahon kapag isinilang muli ang aking master. Kung mapagbibigyan lang ako, ang gusto ko ay mamahinga na rin. Hindi lang naman ang mga buhay na nilalang ang may karapatang mapagod, di ba? **** Hio's POV: "HAHAHAH! Sinasabi ko na nga ba at di ka makakatagal!" parang timang na nagsasasayaw si Thanatos sa palibot ko. Hawak niya sa dalawang kamay niya ang maskara na mukha ni Orpheus. Hinubad niya yun kani-kanina lang at itinaas pa sa ere habang— ewan ko nagbebelly dancing yata ang ungas. Sa may likuran niya ay basag na basag ang malapad na salamin. Lumabas siya mula dun. Ako naman, heto at gapos ng mga dila ng mabahong gate. Hindi pa naman ako hinihila papasok ng gate dahil may intermission number pa itong si Thanatos. "—Ahaha! Ano kaya ang kukunin ko sayo para souvenir? Hmm.." pinagkaipit ipit pa niya ang boses niya hanggang sa maging tunog ibong taratitat na. "ALAM KO NA! YAHAHAHA! KUKUNIN KO ANG KATAWAN MO!" Tsk.. Paano na nga ba ako makakatakas ngayon? Wala talaga akong maisip na paraan eh. Nakakapagtaka ba kung bakit hindi ako natatakot gayong nasa bingit nako ng kamatayan? May isa akong pinanghahawakang pag-asa—- Ang doppelganger na nakita ko. Hwops. Don't get me wrong. Hindi siya ang magliligtas sakin. Para lang siyang good omen sa tight situation na ito. Pero hindi sapat yun para makaligtas ako. Kailangan kong gumawa ng paraan! Isinuot ni Thanatos ang mukha. "SA WAKAS AT MAKAKALAKAD NA RIN AKO SA LUPA NG MGA TAO! WUHOO! Babayoo Hio! NYAA!" Humigpit ang pagkakagapos ng mga maitim at mahahabang dila sa katawan ko. Hinihila na nila ako papasok sa bumukas na gate. Pak! Langyang tanginang hinayupak na shitter na Thanatos na to! Umisa pa ng sapok sakin eh! "PUTANG GALA BAKIT KA NANANAPOK?!" singhal ko. "—HINDI KASI GANYAN ANG GUSTO KONG MAKITA HABANG HINIHILA KA NG IMPYERNO! ANG GUSTO KO AY MAGSISIGAW KA SA TAKOT AT MAGMAKAAWA PARA SA BUHAY MO!" Dumila ako. Pinilit kong itinaas ang kanan kong kamay tas pinakyuhan ko siya. Yeah FUCK YOU KA THANATOS. Someone will fuck you ungas! Ano ba yan kumo-quota na yata ako kakamura. Pasintabi! Pero aminin niyo, bihira kayong makaencounter ng prinsipeng Cuss-kasero! Hwehe. As expected, bumalasik ang anyo ni Thanatos. Mas lalong napabilis ang pag-glide ko papalapit sa bunganga ng gate. "Pagbabayaran mo ang mga PAMIMILOSOPO MONG HUDAS KAAA!!" Nadikit ako sa kung anong malambot at malagkit. Gums na yata ito ng gate. Paglingon ko sa gilid ko— OW SHIT! May chix na naaagnas! Nilingon niya ako, nalaglag bigla ang isa niyang eyeball dahil tinulak ng uod sa loob ng mata niya. YEK! "Hi babes! Pagpasok mo sa hell, ikaw na ang boyfriend ko ah?" Tumingala ako nang di ko na nasikmura ang nakita ko. At pagtingala ko, PUSTISO naman ang bumagsak! Patung patong ang mga nangangalansay at naaagnas na kung sinu sino sa ituktok ko! Nagsisiksikan pa sila para lang makita ako in a good angle. "Wowowee artista siya teh! AMPOGI!" "Kuya dito ka sa tabi kooo!" "—Weehee! SABOG CONFETTI!" may nagpaulan ng sangkaterbang maliliit na uod! Marami ang napunta sa akin at nagpagapang gapang kung saan saan! Amp talaga! "Eto mga sis, champaigne splash!" bigla akong naligo sa NANA na kulay green! PAKSHET! HAYUP! Sinong hindi mapapamura kung ganyan ang mga makakasama mo sa hell?! PUTANGINA IBALIK NIYO AKO SA EARTH! "NYAHAHAH HALATA SA MUKHA MONG GUSTONG GUSTO MO ANG WARM WELCOMING BASH NG MGA CHIKABABES DIYAN AH?" waw nang-aasar ba si Thanatos?! Pwooh! Binuga ko ang mga uod na sumabit sa labi ko. Tumawa ako. Pinilit ko lang tumawa para maangas lang. "Hwahaha! Hinding hindi mo ako masisindak kahit kelan Thanatos! Itaga mo yan sa ulo mong durian!" Nanggalaiti ang panginoon ng mga laging badtrip. Ikinumpas niya ang isang kamay niya at mabilis na nagsara ang gate! Kumalat ang dilim. Unti-unting sumisikip. Ginigitgit ako ng mga chenks dito. Mayamaya parang may mga kumakagat na kung saan-saang parte ng katawan ko. Haha. This is the end of the story. Suko na ako. I fucking GIVE UP! —Eka sandali lang, anu yung nakikita kong parang loop na nakaipit sa may gate? What was that for? Hinila ko ang kamay ko at pinilit abutin ang lasong pula. Pagkahablot ko nun.. BOOM! Bumukas bigla ang gate at tumilapon akong palabas! Dapa ako sa paahan mismo ni Thanatos! Maging siya ay nagulat. "ANONG GINAWA MO?! PAANO KA NAKALABAS NG TARANGKAHAN?!" Kumilos agad ang mga dila ng gate para igapos ako. Sinunggaban ko ang isang paa ni Thanatos. Kung may matibay man akong dapat kapitan na hindi mahihila ng gate, siya yun! "Bitawan mo ako!" aniya. Inapakan ng isa niyang paa ang braso ko. Malakas ako. Hindi ako nasasaktan kahit paulit ulit pa niya akong sipain at tapakan. Which reminds me, AKO NGA PALA ANG MAY-ARI NG KATAWANG PINEPESTE NIYA! Definitely, MAS malakas nga ako kaysa sa kanya! Hinila ko siya kaya mabilis siyang nabuwal. "ISASAMA KITA SA IMPYERNO PARA MAY KA-TONG-ITS AKO!" sigaw ko in an ominous-baliw-tone. Dumausdos kami ni Thanatos sa mababaw na tubigan habang hinihila ng gate. "BITAWAN MO AKO SABE!" aniya. Lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak sa paa niya. "—Ano kaya ang mangyayari kapag initsa kita sa loob ng gate?" Gumuhit takot sa mukha ni Thanatos— na ngayon ko lang nakita. "WAG! HINDI MO—" "—Ang kapangyarihan mo sa lugar na ito ay nakadepende pa rin sa akin, tama ba? Habang buhay ako, ako pa rin ang mas malakas sa ating dalawa!" Dinagdagan ko ang pwersa ng mga kamay ko hanggang sa nakaya kong mahawakan ang dalawang paa niya. Isang pagkakataon lang ang meron ako; at hindi ko pa alam kung effective ang gagawin ko. Nagconcentrate akong maigi. Nang nasa bukana na kami, buong lakas kong hinagis si Thanatos sa loob ng gate kaya nauna siya kesa sakin. Bigla akong binitawan ng mga dila at kumapit ang mga yun sa katawan ni Thanatos! "HAYUP KA PAKAWALAN MO AKO DITOOOOO!" CRAM! Hinahabol ko ang hininga ko habang pinanood na nagsara ang gate. Wala akong masyadong alam tungkol sa Thanatos. Yes malakas siya, NAPAKALAKAS. Pero naisip kong baka ako rin ang reason kung bakit siya malakas. Baka ako ang nagbibigay sa kanya ng permission para maging malakas! Kung gagamitan mo ng simple logic, maiisip mong may tatlong level ng kasamaan at kalakasan: masama, mas masama, at pinakamasama. Ang masama ay ang mga tao. Ang mas masama ay ang mga bampira. At ang pinakamasama ay ang mga nilalang na hindi pinahintulutang magkaroon ng pisikalidad sa mundo. Lahat ay may equal chance na magsurvive sa mundo. It's just a matter of realizing the 'goodness' in you. Ganyan kagaling ang Diyos. At sa lahat ng nabanggit ko, mga tao lang ang kumakapit sa 'goodness' na yun. Kaya kahit wala silang kung anong kapangyarihan, sila ang dominating sa mundong ito. Kung kaming mga bampira nga nag-aadjust pa sa way of living nila, ano pa kaya ang mga masasamang espirito, right? Tama na nga ang pag-iisip! Naglaho ang malaking gate sa harapan ko. Hindi na yun magbubukas kahit kelan dahil pumasok na sa loob ang tagapagbantay. Unless may magtangka ulit na buksan yun. Yumanig ang paligid pagkawala ng gate. Dito ako dapat magpanic dahil di ko alam kung paano makakaalis dito! Tuwing pasuko na ako tsaka may lumilitaw na kakatwang bagay. May napansin akong itim na laso sa gitna ng mababaw na lawa. Nilapitan ko yun. Nakalutang ang isang dulo nun habang yung kabila ay nakalubog sa ilalim ng tubig. Hinatak ko ang laso at— Ako ang nahatak pailalim sa inaakala kong napakababaw na tubig. **** Shall's POV: "—Pinal na ang desisyon ng konseho, Galatea. Kahit ako ay walang babaguhin ukol dun." Psh.. Kung makapagsalita ang kaharap ko ngayon, akala mo hindi ko siya tatay! "PERO BAKIT?!" Umiling si Pére. "May masamang espirito na gustong angkinin ang katawan niya. Magdudulot lang ng kaguluhan kung hihintayin nating gumising ang Prinsipe lagpas sa oras ng solitary confineme————GALATEA?! SAAN KA PUPUNTA?!" Ni-walk-outan ko ang punong ministro. Wala siyang mabuting dulot sa sitwasyon at ayokong mainis sa kanya. Tinungo ko ang chamber kung saan nila pansamantalang inilagay si Hio. Apat apat ang Marquis na nagbabantay dun. "Papasok ako sa loob." paalam ko. Isa isa nilang ni-lift ang barrier. "Limang minuto lang ang pahintulot mong mamalagi sa loob, maliwanag?" instruct ng isa pang Marquis. Tumango ako. Pagsilip ko pa lang sa kwarto, may nakita akong kung sino na nakadukwang sa bukas na kabaong. Saglit akong napatanga tas kinabahan.. Si payaso yun eh! Magaling siyang magtago ng presensya niya dahil ni hindi ko siya ma-sense. At paano siya nakalusot sa mga barrier?! Dumirecho siya ng tayo at luminga sakin. Naramdaman niyang nandito ako. Ngumiti siya kasabay ng mabilis niyang pag-fade sa hangin. MAY GINAWA BA SIYANG MASAMA KAY HIO?! Halos takbuhin ko na ang bukas na kabaong. Pagsilip ko, namangha ako dahil kumibot ang mga nakapikit na mata ni Hio.. May hawak-hawak siyang itim na laso sa kanyang kamay which is unusual.. anyway, that's the least of my concerns dahil—- Dumilat siya! "Shall?" he mumbled tas hinawakan niya ang pisngi ko. Ang inosente niyang tingnan, nakakabaliw. Bumuntong hininga ako. Relieved! "Pumikit ka ulit." utos ko. Nagtaka siya. "Bakit?" "Basta!" So yun, pumikit siya ulit. I lowered my head. Inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya. Then I kissed him. Kissed him like what the prince did to Snow White. —— direk_whamba Opus 73 Redder's POV: "HAHAHAHA! WAHAHA—!" Whack! Sapul ng baraha ko ang manikang binabahayan ngayon ni Harlequin. "Hindi bagay ang tawa sayo." komento ko. "Eh paano, payaso ka! WAHAHAHA! Kaya natatawa ako sa ginawa mo. Hohoho!" Ngumiti ako. "Isa pa Harlequin, bibingo ka na." "Ehem.." tumikhim siya. "Sating dalawa, ikaw ang nagiging maawain eh. Pansin mo ba yun Redder?" Umiling ako. "Sa sarili ko ako maaawa kapag itinalaga akong maging prinsipe sa oras na namatay ang kamahalan—" Gusto na naman yatang matawa ni Harlequin pero napigil niya. "Sige na, hayaan na natin. Baka isipin pa ng iba diyan ay kalaban tayo—" "—Lalong hindi tayo kakampi." putol ko sa mga sinasabi niya. "Nagkataon lang talagang nagkrus ang mga landas nating lahat." "Ohh.. Sinisisi mo ba ang anima sa mga nangyayari? Hayaan mo, sa oras na malaman ko kung sino yun, wawasakin ko siya!" Kung makapagsalita ang Harlequin na to, akala mo eh walang naging contribution sa pakasira ng balanse ng mundo. Magkasama na kami ni Harlequin ng sobrang tagal. Sa sobrang tagal, hindi ko na maalala kung bakit kami naging magkasama. Naglalakbay kami sa iba't-ibang panahon at dimensyon. Dahil wala na kaming nakikitang nilalang na mas lalakas pa kesa samin, napagdesisyunan naming maging 'jester' o mga panggulo sa mundong ito. Ang tingin kasi namin sa mundong ito ay isang napakalaking entabladong may pagtatanghal; may mga artistang dapat ipahiya o pasakitan ang ulo. May mga artista ding masayang pagtawanan. Paborito naming pag-initan ang mga nilalang na mapaghangad ng kapangyarihan— gaya ng latest target namin. Pero mas paborito namin ang mga nilalang na walang alam sa sarili nilang kakayahan— gaya na lang ng mahal na Prinsipe. "Hahahaha!" natawa ako nang maalala ang mahal na prinsipe! Wahahaha! "Oh bakit ikaw na ang tumatawa, ha Redder?!" "—Paano.. Paano— HYAHAHAHA! Kasi—" lumapit ako sa manika at mahinang bumulong. "HAHAHAHAHAHAHA! Yan na ang pinakanakakatawang mangyayari!" aniya. "—Gusto kong makita kung ano ang kahihinatnan niya! Haha!" Siguro nga ay hindi pa oras ng kamahalan. Kahit ba tinulungan ko siya, nunca siyang makakaligtas kung hindi ba siya sinuswerte. Sa pagsasara ng tarangkahan ng Thanatos, sa tingin ba niya ay matatahimik na siya? Mali. Nagsisimula pa lang ang kalbaryo niya. Mas lalong lalakas ang kapangyarihan niya na hinaharangan ng Thanatos noon. Pero— Wala na siyang ipinagkaiba sa isang vacuum cleaner na walang basurahan. **** Hio's POV: Inalalayan ako ni Shall para makababa ng kabaong. Hawak ko pa rin ang itim na laso na ewan ko kung saan nanggaling; although may ideya na ako kung kanino yun. WOOO! Wala nang Thanatos! No more nightma—- B-bakit ganun? Bakit sila—? "Hio? Anong tinitingnan mo?" tanong sakin ni Shall. Tumuro ako kung nasaan nakatayo ang mga nilalang na kanina ko lang nakaengkwentro. "Sila. Bakit sila nandito? Hindi ba—?" Inisip ko ang mga huling nangyari bago ko nakaharap si Thanatos. Bigla kong hinigit ang braso ni Shall. "SILA YUNG MGA KINALABAN NATIN KANINA!" Sila yun! Si Ronah, katabi yung kamukha ni Race, pati yung kambal na kondesa! Nagkunot noo lang si Shall. "Anong pinagsasabi mo Hio? Wala naman akong nakikitang kung sino sa direksyong tinuro mo! At anong kinalaban? Wala akong naaalalang nakipaglaban tayo whatsoever!" Nasabunutan ko ang sarili ko sa mga narinig ko kay Shall. NO WAY! Peksman nakikita ko talaga sila! Nagpasya akong lumapit sa kanila para tingnan kung guni guni ko lang ang lahat. Habang papalapit ako, nauusog sila. Parang may invisible na harang sa pagitan ko at nila in a certain diameter. Bumubuka ang mga bibig nila pero hindi ko marinig kung ano ba ang sinasabi nila. "Hio, ayos ka lang ba? Ano ang nakikita mo?!" nag-aalala na si Shall. "Ah.. Wala.." sagot ko habang nakapako ang tingin sa mga nilalang na ako lang yata ang nakakakita. Bumukas ang chamber at may pumasok na isang bampirang hindi pamilyar sakin. Nag-bow muna siya. "Kamahalan, nakarating na sa konseho ang magandang balita ukol sa inyong paggising. Nais kayong makausap ng mga ministro." "Halika na Shall." yaya ko. Nag-atubili akong makalabas ng chamber na yun. AWA NAMAN AT HINDI SUMUNOD NA LUMABAS YUNG APAT! Dapat ba akong matakot? Ano sila? Bakit hindi alam ni Shall na may nakalaban kami kanina?! SOSMARYOSEP! May naalala akong bigla— "ANO NGA PALANG NANGYARI KAY KAPE?!" Nagkunot noo ulit si Shall. "Nangyari kay Kape? Hindi ko alam eh." ANAK NG JUETENG NAMAN SHALL BAT NAG-UULYANIN KA TONIGHT?! Ang mabuti pa'y wag ko na siyang tanungin dahil mababadtrip lang ako sa kanya! Kailangan na naming makaalis dito para malaman ang kalagayan ni pare! Naging masunurin muna ako dahil nasa palasyo kami. Pag pinairal ko dito ang tigas ng ulo ko, baka i-hold nila kami at mas lalo kaming abutin ng siyam siyam. Iginiya kami ng bampira patungong great hall kung saan ako dati kinilala bilang 'kanilang' Prinsipe. May sumalubong saming isang chix na umakay sakin papalapit sa mga ministro. "Maligayang pagbabalik, aming Kamahalan." sabay-sabay nilang bati habang nakayuko. "Ipinatawag ka namin dito upang ipasuri— Lady Umbriel?" Tumango yung chix tas itinaas nun ang mga kamay. Nagliwanag ang kinatutuntungan ko; patay-sindi. Nung mag-fade na ang liwanag, humarap si Umbriel sa mga ministro. "—Stable na po siya at wala akong nakikitang diperensya sa kamahalan." "—Maaari na po ba akong umalis?" syet ang galang ko, para akong lalagnatin! "Pero hindi pa—" "—Makakaalis ka na kamahalan." sabi ng pinakaeldest sa konseho. "PERO PUNONG MINISTRO?!" hay bakit ba sa mga konse-konseho kailangang may mga Contrapello? Ano pa ang sense ng pagkaprinsipe ko kung MARUNONG PA SILA?! Eh di sila na prinsipe! Mga buset. "Halika na Shall." inakbayan ko siya tas nilakad namin ang aisle. Kung maaari lang, AYOKO NANG I-DEAL ANG MGA MINISTRO! Pagtapak namin sa labas ng great hall, kusang nagsara ang pinto. Bago yun tuluyang magsara, naglimpse ko ang isang malabong pigura na nakaupo sa trono ko. Sino kaya yun? Baka ako lang na naman ang nakakakita dun. Ayoko nang buksang muli ang double door para lang tingnan kung sino yun. Natatakot ako. ****TWO YEARS LATER**** Hio's POV: Initsa ko ang hawak kong yeso nang magsimulang magliwanag ang ginuhit kong pentacle sa sahig. Tumapak ako sa gitna niyon at pumikit. Ilang saglit pa at kakaiba na ang nararamdaman ng buong katawan ko. Parang liquid na dumadaan sa embudo. Hindi naman nagtagal ang feeling na yun. Namulat ako sa madilim at masikip na kapaligiran. "HACHOOO!" tinakpan ko kaagad ang bibig ko. Delikado pag may nakarinig sakin. Eh hindi ko pa nga alam kung tama ba tong napuntahan ko eh. Nangapa ako at nahanap ko ang seradura. Madali lang naman kasi para sa bampirang gaya ko ang makakita sa dilim. Bahagya kong binuksan ang pinto. Nagpalinga linga muna ako bago tuluyang lumabas. Pagkasara ko ng pinto.. Camouflage! Pader na pader at di mo aakalaing may pinto dun! Aba? MAY SECRET ROOM PALA DITO SA LIBRARY NG MANSYON KO?! Syet! Syet! At syet! Bakit ngayon ko lang to nadiscover?! Sumilip ako sa siwang ng isang bookshelf sa harapan ko. Nakita ko ang sarili kong nakayakap kay Shall. Napatingin siya sakin. Gusto kong matawa nang maalala ko ang mga naiisip ko dati nung makita ko 'ako' na nandito. Kaagad akong bumalik sa secret compartment. Malamang na hinahanap na ako ng old self ko. "May hinahanap ka ba?" si Shall yung nangtanong nun! At tandang tanda ko pa ang isinagot ko. "Wala. Nagkaroon lang ako ng guni-guni." Matyaga akong naghintay hanggang sa makalabas na sila ng library. Sneaky me. Lumabas ako ng library. Nagpagala gala ako sa mansion nang wala man lang nakapansin sakin. Nakarating pa nga ako ng courtyard at namataan kong parating si Hype. Nagteleport ako papunang gate then humawak ako sa railings. "Magandang hapon kamahalan. Nag-iisa ka na naman yata?" Nag-iisa ako? Talaga? Nilingon ko ang paligid ko. Tama siya. Nag-iisa ako. Nasanay na kasi akong may nakapila sa likuran ko—ang daan daang mga nilalang na binura ko sa mundo. Sinusundan nila ako kahit saan, na para kaming may prusisyon. Sa sobrang dami nila— inoobscure nila ang paningin ko. Ni hindi ko na makita ang mga taong mahal ko. Namimiss ko na silang lahat. Sobra. Pero hindi yun ang major reason kung bakit ako gumawa ng time portal at naglakbay sa nakaraang dalawang taon. Nagteleport ako pabalik sa pintuan ng mansion para pumasok uli sa loob. Sumilip ako sa ballroom kung saan napanood ko ang paglalaro namin ng paway dati. Syempre, narelieved ko yung mga tawanan at asaran. Dumating yung sandaling umalis 'ako' sa game para salubungin si Hype. Mayamaya lang, susunugin na nun ang mga aklat. Nagmadali akong bumalik ng library— Wala akong magagawa kung fail ako sa paggawa ng time portal. Pwede pa sanang MAS maaga pa dito eh. Ito lang talaga yung available time frame na accessible sakin. First time ko kasing gumawa ng time portal; ito na rin yung last. Wala nang next chance. Itinaas ko ang kaliwang kamay ko para pakiramdaman ang aura ng pakay kong libro. Nag-shake yung pile ng books tas may umangat na isa na galing pa sa ilalim. Ang 'The Prince and The Pauper'. Actually nabasa ko na tong libro na to, sinira ko lang nung malapit na ako sa last page. Kinuha ko yun at binuklat ang mga huling pahina. Sa lahat ng aklat na nakatakdang masunog ngayon, iyon ang dapat kong iligtas. Oo, handa akong suwayin ang golden rule ng mga lehitimong time-traveller— na huwag baguhin ang kahit na ano sa nakaraan. Gumawa ako ng isang cycle na hindi ko alam kung kelan nagsimula at kelan magtatapos. Ang alam ko lang, gagawin din ng 'Hio' sa nakaraan ang mga ginagawa ko ngayon paglipas ng dalawang taon na malamang ay gagawin din ng mga susunod pang Hio. Inilapag ko sa mesa ang aklat. Kumuha ako ng papel at isinawsaw ko sa tinta ang pluma. Isinulat ko ang nararamdaman ko sa kakaunting salita. Ayoko nang mag-isa sa dagat ng mga estranghero. Hindi ko na kaya ang kabaliwang dinadanas ko.. Hio.. samahan mo ako? Iniipit ko sa aklat ang sulat bago ko yun inilagay sa isang bookshelf. Pagkatapos ay tahimik akong lumabas ng library. Binagtas ko ang pasilyo tungong master's bedroom. Habang nasa loob ako, nahiga ako saglit sa kama. May ilang minuto rin akong nakatanga sa kawalan. Tumayo ako nang makaramdam ng papalapit na presensya. Lumapit ako sa eskaparate kung nasaan yung antigong music box at hinimas ko ang takip habang nakaharap ako sa may pintuan— Tlaaaak! Ngumiti ako sa taong pumasok. By that time, alam kong alam na niya kung sino ako. Ang talino ko talaga. "Pwede mong patunugin yan kung gusto mo." aniya nang nakangiti rin. Sa pagitan naming dalawa, siya yung mas misteryoso. Maaari kasing iba yung naiisip niya kesa nung ako dati sa sitwasyong to. Binuksan ko ang takip ng music box at pinihit ang susian. Binalot kami ng malamyos na musika. Hio, napansin mo na hindi ba? Na hindi ako si Thanatos, o si Orpheus.. Ako ang pinakamalapit sa puso mo higit kanino man— Dahil ako ay ikaw. Ako ang iyong sarili dalawang taon mula ngayon. "Alam mo ba ang tungkol sa mga doppelganger?" ang tanong ko. Hindi namin pwedeng pag-usapan na ako ang future niya kaya idinaan ko na lang sa simbolismo. "—Sila yung parang salamin ng buhay mo. O pwede ring replica mo. Ang sabi ng marami, kapag nakita mo ang doppelganger mo, nalalapit na daw ang iyong kamatayan." sagot niya. "Nakita kita.. Kaya siguro naman—" pwede na akong mamatay na hindi ko ramdam ang pag-iisa. 'Malalaman mo rin ang pinagdaanan ko' gusto kong sabihin sa kanya. "Gusto mo na ba talaga?" Oo. Gusto ko nang mamatay Hio. To the point na ipinagdadasal ko na. "Bakit? Natatakot ka ba para sakin?" Lumapit siya sakin. "—Hinde. Pero nalulungkot ako dahil nagkaganyan ka." Gaano ba ako kamiserable sa paningin ng old self ko? Ewan. Bakit hindi ko na maalala? Tinapik ko siya sa balikat. "Kung alam mo nang nagkaganito ako, susundan mo pa rin ba ako? Pupuntahan mo rin ba ang mga napuntahan ko?" "Oo kaya wag ka nang masyadong magpakasenti. Hindi kita hahayaang mag-isa. Dadating din ako diyan." Yung totoo? Nadisappoint ako sa narinig ko mula sa kanya. Gusto kong sabihin sa kanya na napakatanga niya. Heto ako at binibigyan ko siya ng tsansa para baguhin ang hinaharap niya. Pero— Magiging traydor ba ako sa sarili ko kapag sinabi ko sa kanya ang mga dapat at hindi dapat gawin? Gusto ko. Yun nga lang, mas maiging wag ko siyang pangunahan. Ayokong dumating ang araw na kamuhian ko ang sarili ko dahil nakialam ako. Niyakap ko na lang siya bilang 'goodluck' sa roadtrip na pagdadaanan niya. Biglang hindi ko napigilan ang sarili ko. Impit akong naiyak. "Marami akong gustong sabihin sayo. Tungkol sa mga pagkakamaling nagawa ko. Kaso.. Ayoko nang magsalita dahil wala akong bagay na pinagsisisihan.. at kung bibigyan pa ako ng pakaktaon na mabuhay ulit, ang gusto ko ay ganito pa rin ang mangyari." "Tanga. Hindi mo na masasabing ikalawang buhay yun— Pero pareho tayo ng gusto." Ang Hio noon, ay puno ng positibong pananaw. Nakahugot ako ng konting kapanatagan mula sa kanya. Wala akong pagsisisi sa ginawa kong pagbabalik sa nakaraan. Nagpaalam ako sa kanya at binilinang wag muna siyang lalabas ng silid. Sikreto ko ang hidden compartment sa may library. Bahala na siyang dumiskubre nun after two years! Hehe. Pagbalik ko sa orihinal kong panahon, bumalik din ako sa aking realidad. Nakapalibot sakin ang kung sinu-sino. Yung iba ay kilala ko at yung karamihan ay hindi. Bawat isa sa kanila habang tumatagal ay nagbabagong anyo. Nagiging hindi kanais nais ang hitsura nila. Bangungot. "Wag kayong mag-alala dahil malapit na. Maghintay lang kayo." sabi ko sa kanila. Nagtungo ako ng library kung saan ko kasalukuyang isinusulat ang lahat ng nangyari sa nakalipas na dalawang taon. Para na namang may prusisyon at ako ang lider. Bukas na sa blangkong page yung sinusulatan kong talaan nang aking datnan. Naupo ako sa harap ng mesa, isinawsaw ang pluma sa tinta, at inisip ang susunod kong mga isusulat. Hindi ako sumusulat ng biography ko para sumikat o makilala ng tao. Ginagawa ko ito para maibsan ang aking pagkabagot, pagkatakot, at pagkabaliw. Nasaan na nga ba ang kwento? Ah! Tama.. Nung dinalaw ko si pareng Kape sa hospital—- —— A/N: Itutuloy ^_^ paalala lang po—hindi pa po matatapos ang ForMad.. gusto ko lang pong bigyan kayo ng insight kung ano ang forecast ko sa story pag matatapos na siya.. although vague pa! Kaya pwedeng pwede as in open na open ako for suggestions.. kayo ang boss ko! We’re getting there! direk_whamba FROM THE TESTAMENT OF LORD HENNA IRYL ORPHEUS DARKTOWER, 2014 Opus 74 Hio's POV: Nadatnan kong nakahilata sa isang hospital bed si Kape. Balot ng benda ang kanyang leeg. Naka-IV siya at kasalukuyang on-going ang kanyang blood transfusion. "—Ligtas na siya sa panganib." ang magandang balita sa amin ni Mie. Syempre nakahinga ako nang maluwang. Hindi ako napunta sa edge kung saan mapipilitan akong gawin bampira si Kape. Napag-usapan na namin ni pare ang tungkol dun. Ayaw niya; ayaw ko rin. Maghihirap lang siya kung kauri namin siya. Samantalang untouchable ang turing sa mga tao, pwera na lang kung talagang obnoxious ang mga makakasalamuha niyang bampira. Krimen sa mga bampira ang pananakit ng tao nang walang tamang basehan. Pinapatawan ng kamatayan ang mga bampirang offender. Yun.. Kailangan kong iready ang sarili ko sa notion na tatanda si pare. At isang araw, mamamatay din siya. Basta wag ngayon! Wala akong buddy eh. Nagsipaglingunan kaming lahat nang pumasok sa ward si Ophelia. "Magandang umaga kamahalan." nakangiti niyang pagbati. Nagcurl down ang mga labi ni Shall. Ang mga chix galit sa kapwa chix. "—Kamusta na nga pala si Aster?" tanong ko. Napawi ang ngiti ni Ophelia. "Yun nga po ang nais kong idulog sa inyo kamahalan. Palala nang palala ang kundisyon ng bata. Kailangan na niyang—" "—Ano ba ang dapat kong gawin?" "Sigurado na po ba kayo sa gusto niyo kamahalan?" Tumango ako. "—I-aassist ko kayo. Tara po, sumunod kayo sakin." Niyugyog ni Shall ang braso ko. "Sinong Aster? At tama ba ang dinig ko? Bata yun?" Bahagya akong yumuko at nag-shhh sa tenga niya. "Mamaya ko na sasabihin." Sumunod kami kay Ophelia patungo sa ward ni Aster. Present si Race na sa tingin ko ay hindi pa umaalis buhat nung nagkita kami dito. Tumango lang siya pagkakita sakin. Iniabot sakin ni Ophelia ang isang maliit na punyal. "Kamahalan kailangan mong sugatan ang iyong sarili at ipainom sa bata ang dugong mula sa sugat." "—Yun lang?" May balak sanang agawin sakin ni Shall yung punyal pero naitaas ko kaagad ang kamay ko. Maliit siya, therefore hindi niya naabot ang punyal! "Bakit kailangan niyang bigyan ng dugo ang bata na yan?" itinuro pa ni Shall si Aster. I nudged her nang nakasimangot para manahimik siya. Kinuyom ko sa palad ko ang talim ng punyal nang— "TEKA! Wait! Lalabas muna ako!" pigil sakin ni Race. Halos nilipad yata niya ang pinto at mabilis na nawala. Nung problema nun? "—Masama sa kanya ang makakita ng dugo." mahinang bulong ni Ophelia. Inalis na niya ang oxygen mask ng bata. Tsaak! Without any forewarning, hinila ko kaagad ang punyal. Bumulwak ang masaganang dugo sa palad ko. Inilapit ko yun sa bibig ng batang si Aster. Si Ophelia naman, dahan dahang hinagod ang lalamunan ng bata. Tapos nun, biglang nabalot sa nakakasilaw liwanag ang buong ward. Bago yun, sigurado akong may naglimpse akong parang isang floating pentagram; na nakita ko na noon. Di ko lang matandaan exactly kung saan. Nakarinig ako ng mahinang pag-ubo. Sa paghupa ng liwanag, nasilayan ko ang pagdilat ng mga mata ni Aster. Kulay light blue ang mga mata niya. Amazing. Si Ophelia ang unang kumamusta sa bata. "Aster? Kamusta? Ano ang pakiramdam?" "S-si-no ako?" nauutal na tanong ni Aster Napashrug si Ophelia. "Kamahalan, wala siyang maalala. Pero common lang yan sa mga taong naging bampira in an early age." "WHAT?! Sinasabi ko na nga ba at isang ritwal ang gagawin niyo!" iritableng singit ni Shall. Inignore ko lang siya. Tinitigan ko si Aster. Napasmile ako. Inislip ko ang braso ko sa may batok niya bago ako humarap kay Shall. "Anak ko siya! Ang cute niya nuh? Best find!" TUK! Pinitik ako ni Shall sa noo. Tumalsik ako at BUMAON ng ilang pulgada sa SEMENTADONG PADER! "ANAK MO?! May anak ka na? Sino ang nanaaaaay?!" pinigil kong matawa sa hitsura niya. She's MAD! Wahahaha! Sineryoso yata niya 'literally' ang sinabi ko. Duh? Kung biological son ko ang batang si Aster, kamusta naman yun. Ano 11years old pa lang ako wumawaka-waka na?! Tae. Inialis ko ang sarili ko mula sa pader at inakbayan si Shall. Ibubulong ko na lang sa kanya ang mga sasabihin ko para hindi marinig ng bata. "Aampunin ko ang batang yan. Hindi ko pa nasasabi sayo ngayon pa—" WADAPAK UMUUSOK NA NAMAN ANG BRASO KO! "AAAARGGGHHH HAPDI!" pinahid pahid ko ang umuusok na parte ng braso ko. Paano dinikitan na naman ako ni Shall ng silver! "Papa? Ikaw ang papa ko?" Aster tugged at the hem of my shirt. Nilingon ko siya. "Of course anak! Hindi mo ba nakikita kung gaano ka kaswerte dahil ang gwapo ng papa mo?" putek ang sarap ng feeling pag may tagapakinig sa bragging session mo! "Eh siya? S-sino siya?" itinuro niya si Shall. "SIYA?" nakituro din ako. "SIYA ANG MAMA MO!" She glared at us. Mangiyak ngiyak tuloy si Aster sa takot. "G-galit ba sakin si Mama?" "Nuh ka ba? Tinatakot mo yung bata eh." saway ko kay Shall. Di siya nagsalita. Hinila niya ang braso ko at kinaladkad ako palabas ng ward. "ANO BANG PUMASOK SA ULO MO AT NAISIPAN MONG MAG-AMPON?!" nag-explode agad si Shall pagkasara ng pinto. Ako naman ang humatak sa kanya papunta sa corridor na walang tao. Wala siyang balak itago ang pagkabadtrip niya eh. "Ano ba ang problema dun?! Bawal bang gawin ko kung ano ang gusto ko?" "K-kung gusto mo pala ng anak—" wuu nag-blush siyang bigla. "—kaya kitang bigyan nun! Bakit di ka nagsabi?!" Whoa. Whoa. WHOA! Sandali hindi ako makahinga! Ganyan siya kaseryoso sa relasyon namin?! Di halata ah. Hinawakan ko na siya sa magkabilang balikat niya. Tas bumitaw ako at pinagkiskis ko ang mga palad ko kahit may dugo dugo pa. "Sige na, tanggapin mo na siya? Please? Minsan lang ako makiusap sayo—tutal lagi mo naman akong ginugulpi, bumawi ka naman sakin this time. Ha? Ha?! Pretty pretty please?" anak ng teteng MAKUHA KA SA PANGUNGUNSENSYA KO! Gay na gay nako dito oh! "Ayoko." Buset. Kung makarecline siya sa request ko akala mo mag-asawa talaga kami! Change bargain. Ting! Umilaw yung imaginary bumbilya sa tuktok ng ulo ko. "12 ROUNDS MAMAYA PAG-UWI. Deal or no deal?" WTF hindi ko yun kaya pero kakayanin! Napaisip si Shall. "12 ROUNDS?! Anu yun boxing? Gusto ko 20!" HA? 20 ROUNDS?! Buhay pa ba mga nakaraos dun? Ampness! "O sige sige!" sagot ko habang nangangamot ng ulo. "Wala ka namang gagawin kundi ang maging mabait kay Aster. Yun lang. Hindi naman na alagain ang batang 7years old." **** Shall's POV: HINDI KO TALAGA KAYANG TANGGAPIN YUNG BATANG GUSTO NI HIO. Ayoko sa kanya. Probably because Hio likes him that much. Psh.. Things started buggling me. Siguradong mahahati na ang attention ni Hio between me and that adopted child! Magseselos lang ako sa huli. Brr.. Ang lalo pang nakakainis ay muntanga na si Hio sa pagmamakaawa sakin para tanggapin ko yung bata. On the second thought, touched ako dahil malaki ang konsiderasyon niyang hingiin ang approval ko, when in fact, prinsipe siya. He can do whatever he likes without anyone overruling him. Papayag naman na talaga ako eh nang bigla niyang sinabing— "12 ROUNDS MAMAYA PAG-UWI. Deal or no deal?" Aba’t talagang?!!! "12 ROUNDS?! Anu yun boxing? Gusto ko 20!" I wasn’t that serious. Gusto ko lang siyang paglaruan paminsan minsan. "O sige sige!" sagot niya habang nangangamot ng ulo. "Wala ka namang gagawin kundi ang maging mabait kay Aster. Yun lang. Hindi naman na alagain ang batang 7years old." MAGING MABAIT?!!! DUH?! HINDI BA AKO MABAIT? Wait, wait.. Bakit sa tingin nila ay HINDI AKO MABAIT? Whats wrong with them?! I mean what’s wrong with this world?! Ginagap ni Hio ang kamay ko and then we strolled back to the ward where his ‘adopted’ son was. Nakaupo na yung bata sa may bed nung naabutan namin siya. Pinupunasan nung nurse yung dugo sa bibig niya. Kahit ayoko sa kanya, nung mapatitig ako sa mukha niya, I changed my mind after 2seconds. OMG! MUKHA SIYANG BABY DOLL with his china-blue eyes! “Mama?” I sat right next to him and patted his bandaged head. “Ang cute cute mo naman!” nagsmile siya then he flung his arms around me. Very sweet child! Manika talagaaaaa!! Binabawi ko na ang earlier statements ko. Hindi siya ang magiging kaagaw ko sa atensyon ni Hio. Siya ang magiging kaagaw ni Hio sa attention ko! **** Kalix’ POV: “—Hindi ko maalala ang nangyari. Teka sandali, wala pa nga yata akong nagagawa eh.” Magulo ang isip ni Naiad habang kausap ko siya. Paliguy-ligoy siya at para bang may nawalang bahagi sa kanyang alaala ukol sa mga pangyayaring naganap kagabi. Hindi ko maituturing na kakampi itong si Naiad dahil hindi ako nagtitiwala sa kahit na sinong bampira lalong lalo na kung kasalukuyan pang maharlika. Una siyang nagawi dito sa sementeryo upang mamili ng mga impormasyon sa mga illegal na paniki. Maituturing kasing isang pampublikong pamilihan sa mundo ng mga bampira ang sementeryo. May mga gabing inilalaan dito kung kelan nagtitipon tipon ang mga grupo ng kung sinu-sinong tulisan, mga negosyante, tasike, mga barbaro, mga walang katayuan sa lipunan. Ang lahat ay may ibinebenta o kaya naman ay ibinabarter sa isat’t isa. Naging magkakwentuhan lamang kami dahil marami siyang ibinabahagi tungkol sa mga nangyayari sa loob ng sirkulo ng mga maharlika, partikular na ang tungkol sa mahal na prinsipe. Nito lang ay nabanggit niyang may plano siya at ang kanyang master tungkol sa isang pag-aaklas. Malinaw sakin na naghahanap siya ng mga bampirang nais pumanig sa kanilang ipinaglalaban. Isa na ako sa mga nais niyang kumbinsihin. May plano naman ako para sa sarili ko; yun ay ang balikan ang dalawang tagapag-ingat ng tarangkahan ng impyerno. Pero bukod dun, wala akong dahilan para makipag-aklas. “Wala akong naintindihan binibining Naiad. Pero sa tingin ko ay nabigo ka.” tugon ko. “Ganun ba?” ni hindi man lang siya nadismaya sa nasabi ko, bagkus ay parang may kakaibang kislap pa akong nakita sa malisyosa niyang mga mata. Tama bang kabahan ako? Tila ba mas mapanganib ang mga bampirang maharlika kaysa sa mga barbaro— —— direk_whamba Opus 75 Race's POV: Hindi ko mapigilang mangiti habang nakatitig ako kay Aster. Sa wakas ay nakadaupang palad ko siyang muli, although may mga ilang pagbabago sa kanya. Asyano si Aster at sa pagkakatanda ko ay light brown ang shade ng mga mata niya. Ngayon ay kulay asulan na ang mga yun na para bang mula sa ibang tao. "Ako ang tito Race mo Aster." nakangiti kong sinabi yun sa bata. Too bad dahil hindi nga niya talaga maalala ang nakaraan. Ganunpaman, ang mas mahalaga ay wala na siya sa pagkakacomatose. Tumango lang siya. Nakayapos siya sa bewang ni Galatea na sa akala niya ay kanyang 'ina'. Ganun ang instinct ng mga batang bampira eh. Naghahanap sila ng warmth ng isang ina. Pero paglipas naman ng mga taon, nawawala ang attachment na yun. Karamihan din sa mga bampirang nagmature na, pinapaslang ang sarili nilang ina. Napatingin ako sa kamahalan. Kanina ay nakangiti siya at masaya kaming kinakausap. Bigla siyang nagbago. Halata ang pagkabalisa niya. Nung magtama ang paningin namin, batid kong may gusto siyang sabihin ngunit hindi yata niya alam kung paano sisimulan. "May gusto ka bang sabihin, Kamahalan?" "—Race.. may— kapatid ka ba o di kaya'y kakambal?" Nagulat ako sa itinanong niya. Ako? May kakambal? Imposible— "Ah wala po. Bakit niyo naman yan naitanong?" Itinaas ng kamahalan ang kanyang hintuturo. "—Sa likod mo.. Nandun siya. May mahaba siyang pilat sa mukha." Seryoso ba talaga yung sinasabi niya o ginugoodtime niya ako?! Parang may naramdaman akong kung anong kakaiba sa likuran ko. Paglingon ko—- Napailag akong bigla dahil sa lumipad na drawer galing sa isang filing cabinet. Hindi lang yun, nagsilutangan ang mga botelya ng gamot na nakapatong sa ibabaw ng cabinet! Crash! Crash! Crash! Napasandal ako sa pader kakailag. May kung anong hindi nakikitang pwersa ang balak yata akong itarget shooting. "HIO ANO BANG GINAGAWA MO KAY LORD RACE?!" sigaw ni Galatea habang ang kamay niya ay nakatakip sa mga mata ni Aster. "W-WALA AKONG GINAGAWA! Siya yung gumagawa nun!" itinuro ng kamahalan ang kinapepwestohan ko kanina. Nagpalit-kulay ang aking mga mata— mga matang nakakadetect ng mga spiritual activity. Pinag-aaralan ang eye-technique na yun. Kailangan ko nun dahil isa akong hunter; at dahil na rin siguro sa malaking takot ko sa vizcondeng si Lord Harlequin noon. May nakikita ako sa direksyong itinuro ng kamahalan. Malinaw kong naaaninag ang mukha nun at laking pagtataka ang naramdaman ko dahil iisa lang ang mukha namin—maliban sa mahabang pilat niyon sa mukha. SINO SIYA?! Bakit puno ng galit ang mga mata niya habang nakatingin sakin? "H-huminto siya sa pagwawala nung mapadikit ka sa nilalang sa likuran mo—" ani Kamahalan. Dahan dahan akong lumingon. Tas paglingon ko, direktang nasa likuran ko ang isang nilalang na nakasuot ng bungo ng isang uri ng hayop na may dalawang sungay. Nakatapis siya ng mahabang itim na tela sa bewang at ang buong katawan niya ay nababalutan ng itim na balahibo. Nakanganga siya at yung dila niya ay nakalawit na sa sobrang haba ay abot hanggang pusod niya. **** Hio's POV: Hindi ko inaasahan ang muling pagpapakita ng kamukha ni Race. Apat sila actually. Pero wirdo kasi yun lang talaga ang naging bayolente pagkapasok ni Race sa ward. Galit na galit siya kay Race pero di ko alam ang dahilan. Since hindi niya masaktan ng direkta si Race, pinagbuntunan niya ang nananahimik na cabinet sa isang sulok. Nung magpalit ng kulay ang mga mata ni Race, parang nakikita na rin nun ang mga nakikita ko. Hindi lang yung apat ang nagmanipesto sa ward na ito. Bigla ring lumitaw ang isang kakaibang nilalang na kung irerecall ko, parang siya yung nakita kong nakaupo sa trono ko nung nasa palasyo ako. "AHHH!" sa sobrang gulat ni Race, napasalampak siya sa sahig. Then bumaling samin. "MAY SOUL-EATER DITO! SINO ANG NAG-IMBITA SA KANYA SA MUNDO NG MGA TAO?!" Nag-exchange kami ng blankong tingin sa bawat isa. Ako lang naman ang minumulto 'yata' dito kaya baka ako ang salarin! "Ano ang soul-eater?" nangangatal kong tanong kahit may idea na rin naman ako. Ano ba ang tagalog ng soul-eater, edi kumakain ng kaluluwa! Ngots. Nung mahimasmasan si Race, kaagad siyang tumayo. "Nilalang galing ng impyerno. Base sa katawagan sa kanila, kumakain nga sila ng kaluluwa." HOLD IT! Paanong may galing hell na naman ang bumubuntot sakin?! Ampotya naman oh. "—Ano bang pinag-uusapan niyong dalawa? Kakastress kayo ah?" singit ni Shall. Napaupo ako sa kama kahit nandirito pa rin ang mga nilalang na ayaw akong patahimikin. Di ko alam kung paano sila ishu-shoo pero pag pinabayaan ko na ganito, mababaliw lang ako kalaunan. Naiisip ko na ngang mas okay yata kung hindi na ako tumakas mula sa impyerno. "Hio.." ipinatong ni Shall ang isa niyang kamay sa balikat ko. If bad things persist, paano na kami? "Kamahalan, maaari ba tayong mag-usap? Tayong dalawa lang?" seryosong tanong ni Race. "Eh pero paano yung kamuk—" Umiling siya. "Hindi niya ako masasaktan this time. Maniwala ka." Lumabas kami ni Race sa ward ni Aster at naglakad na ewan ko kung saan kami pupunta. "Territorial ang mga poltergeist na bumubuntot sayo kamahalan." ani Race. "H-ha?" tss.. Automatic na dapat yan eh! Pag di ko alam, explain AGAD! "Sa tingin ko ay hinahaunt ka ng mga poltergeist pero hindi ko alam kung bakit. Sila yung mga bayolenteng ispirito na may kakayahang magkaroon ng physical contact sa physical world pero hindi sila basta basta nakikita ng mga ordinaryong mata, o kahit pa ng mga mata ng bampira. Kaya ko nasabing territorial sila, mayroon silang lugar sa paligid mo kung saan hindi sila makalapit mismo sayo at lalong hindi sila makalayo dahil may nag-aabang na soul-eater." "Waw ang dami mong alam pagdating sa mga creatures." Slight siyang nag-bow. Hype the second. "Salamat sa papuri Kamahalan. Asahan niyo na po yun dahil isa akong tamer. Marami na akong naging karanasan sa iba't ibang uri ng mga nilalang. May gusto nga pala akong itanong kung hindi niyo mamasamain?" "Ano ba yun?" "Nagtangka ka bang pumasok ng impyerno? Naisip ko lang dahil may bumuntot sayong soul-eater— ah nandito na tayo." Huminto kami sa tapat ng isang pamilyar na ward. ANG WARD NI KAPE! "Oh, bakit tayo nandito?" Binuksan ni Race ang pinto. "Tutulungan kitang paamuhin ang soul-eater kamahalan, pero bago yun, may gusto akong maintindihan tungkol sa'yo." Anu daw? Paaamuhin ang soul-eater?! Pero bakit? "—Pareng Heyoo!" tinawag ako ni Kape. Gising na pala ang loko. "Lady Minerva.." lumapit si Race kay Mie at pagkatapos ay may ibinulong. Mahaba-haba yung bulungan nila kaya parang nagselos si Kape. Iba yung tingin ni Race kay Mie dati pa. I can tell. Pero bahala silang tatlo. Hindi ako dapat makialam sa love story ng iba, kahit bisprin ko pa si Kape. "Pare nasaan se Ronah?" nadivert ang atensyon ni Kape sakin. "Wala na siya eh, sa palagay ko lang! Ni hindi nga siya kilala nung mga nakakita sa kany—" Naisandal ko nang marahas ang dalawang palad ko sa pagitan ng ulo ni Pare. "NAAALALA MO YUNG NANGYARI KAGABI?!" "Oo?" "Kung ganun, bakit ka sumama kay Ronah?!" "—Kase sabe neya nasa kabelang istret daw ang Capella. Bomisita daw sela para mangamosta—" Capella.. Capella.. Bakit sila gagamitin ni Ronah?! Nilingon ko si Race. "Race, may alam ka ba tungkol sa babaeng parang sawa ang dila.. tapos—" "—tapos bomoka an buong mokha neya na parang bolaklak at kehet saan mey matalas na ipen!" to my surprise, si Kape yung nagpatuloy sa tamang deskripsyon nung naging anyo ni Ronah nung nasa madilim na eskinita kami. "Chimera [pronounced as Kimera]? Sila lang ang alam kong tugma sa deskripsyong binigay ninyo. Anyway, kumakain sila ng laman-loob ng mga tao kaya ganun kalaki ang bibig nila." "Bakit naging Chimera yung kakilala naming chix kung sure akong tao yun dati?" I asked. "Actually, mula sa normal na tao ang Chimera. Nagiging Chimera ang isang tao kapag isinakripisyo sa isang masamang ritwal." "Masasamang ritwal gaya ng?" Dumilim bigla ang anyo ni Race. "Gaya ng pagtupad sa iyong kahilingan na malayong matupad sa realidad." Kung ganun.. Bakit si Ronah? At bakit.. Unreasonable ang biglaang may kumuhang sikat na recording label sa bandang yun. Sila kaya yung gumawa ng masamang ritwal? Kailangan kong malaman ang totoo. Malakas ang kutob ko na kapag may napiga akong impormasyon mula sa kanila, sunud sunod ko nang malalaman kung bakit tinatarget ako ni Ronah at sino ang mastermind. Pero dapat siguro ay isipin ko kung paano makakalapit sa high rising emo band na yun. "Paano ko malalaman kung sino ang gumawa ng ritwal? May mga palatandaan ba?" umaasa akong meron. "Meron kamahalan. Ang lahat ng ritwal ay may iniiwang marka sa palad ng gumawa nun. Parang ikaw—" Napatingin tuloy ako sa palad ko. Sa duguang palad ko nakamarka ang isang kaimbang simbolo. Ito yata yung proof of purchase este proof na parent ako ni Aster. Okey mabalik ako sa mga suspicions ko. Humarap akong muli kay pare. "Kailangang makalapit tayo sa Capella—" nahinto ako at napaisip kung PAANO?! Mahirap makalapit sa sikat eh. Lalung lalo na kung puma-fan boy ka lang. Hindi naman sila yung gaya ng Tuna Wars na mga bampira para galangin ako. Napatayo ako at nag-fairy tail sign sa ere. "Kung sikat sila, kailangang sikat din ang ForMad! Tapusin na natin ang recording!" pag sikat na ang ForMad, malamang madali na lang lumapit sa Capella ano? Kinamutan lang ako ng ulo ni pare. "Maherap sumekat pare—" Binayo ko siya sa dibdib. "Sabi mo lang yun." madaling sumikat pag may pera ka, may hitsura ka, at may talent ka. Kami yun eh. ForMad rules! Pagkatapos ng mahabang bulungan discussion nina Race at Mie, inaya nila ako sa labas ng ward. Nag-cast si Mie ng isang barrier para sa proteksyon ni Kape. Nagharap harap kaming tatlo: ako, si Race, at si Mie. Visible na naman sa dulo ng corridor yung so called soul-eater. Nag-inhale exhale si Mie. "Nag-usap kami ni Race at ikinuwento niya ang mga nilalang na nakapaligid sayo Kamahalan. Una sa lahat, dapat mong malaman ang nature ng kapangyarihan mo para hindi ka laging clueless. Matagal ko nang naiisip na ikaw ay isang Anghel." Proooh! Gusto kong tumawa ng malakas kung hindi lang nakakahiya. Ako anghel? Wag po please. Masisira ang image ng langit! "—Destroying Angel." pagdudugtong ni Mie. "Titulo po yan ng isang bampira kamahalan. Hindi yung angel na galing langit. May mga alamat na nagsasabing ang mga Destroying Angel ay nilikha kasabay ng paglikha sa mundo upang gunawin yun sa araw ng paghuhukom. Sa tingin ko ay ganun ka nga." "Di nga?" "—Teorya pa lang yun kamahalan. Pero isipin mo ang sintomas—may mga taong kilala mo ang nawawala pero kapag tinanong mo sa mga alam mong kakilala rin sila, wala nang makaalala sa kanila." SAPUL AKO sa sinabi niya. "Y-you mean to say.. ako ang may gawa ng mga—" "At bakit ka itatalagang Prinsipe kung sa tingin ng konseho ay wala kang kapangyarihan?! Alam nila ang tungkol sayo!" "Pero hindi ang konseho ang concern ko ngayon KUNDI ang mga poltergeist na umaaligid sakin!" "Base rin sa deliberation naming dalawa ni Lord Race, mga physical body lang ang kayang burahin ng iyong kapangyarihan. Naiiwan sa espasyo sa paligid mo ang mga remnants ng kung sinu sinong nabura mo sa physical world DAHIL WALA SILANG IBANG MAPUPUNTAHAN." Naalala ko ang unang engkwentro ko sa Thanatos. Kinain ng gate yung chix na doktora. IBIG SABIHIN, DAHIL WALA NA ANG GATE NA YUN KAYA MAGIGING MISERABLE ANG BUHAY KO FROM NOW ON?! Ginagap ni Race ang kamay ko. Ewan ko kung bakit siya nakapikit. Tas sinugatan niya ang daliri ko gamit ang matalim niyang kuko. "Easy ka lang kamahalan, susubukan nating paamuhin ang soul-eater. Sa ngayon ay iniistalk ka niya dahil may nakasunod sayong mga kaluluwa. Pero maiksi lang ang pasensya ng gaya niya. Mainipin ang mga soul-eater at kapag hindi siya nakakain ng kaluluwa nang matagal, lulubayan ka niya." "Oh, hindi ba maganda kung lulubayan niya ako?" Sabay silang umiling ni Minerva. "Ang mga poltergeist ay lumalakas nang lumalakas habang tumatagal. Palapit din sila nang palapit. Kinakailangan mo ng proteksyon laban sa kanila at yun ay ang soul-eater." Ginawang tinta ni Race ang dugo ko. Ipinansulat niya yun ng kung anu anong simbolo sa may pulso ko habang nakapikit pa rin siya. Umilaw yung mga simbolo at yung dugo ko ay nagform na parang isang manipis na hibla ng pulang sinulid. Humaba yun nang humaba hanggang sa nakarating sa talampakan ng pakay naming nilalang. "Tingnan mo siya kamahalan. Huminga ka nang payapa at wag kang magpapakita ng kahit na anong tanda ng pangamba. Kapag pinulot niya ang sinulid ay nagtagumpay ka." Hindi gumagalaw yung nilalang. Mahirap yung pinagagawa ni Race na kalma lang dapat. Pulutin mo ang sinulid pre! Sige naaaa! Nagpalinga linga ang soul-eater aktong pupulutin ang sinulid pero parang ayaw. DAMN! May isip ba siya para magdalawang isip?! In the end, pinulot din pala niya. TINALO LANG TALAGA NIYA AKO SA KABA! Pumulupot sa hintuturo ng soul-eater ang pulang sinulid. Kasabay nun ay parang pinaso ang pulso ko. Nagmarka ang isang simbulo—yung ginuhit ni pareng Race. "Familiar mo na ang soul-eater kamahalan! Tandaan mo, less than two Earth years lang ang life span ng isang soul-eater kapag wala siyang nakaing kaluluwa." Nanlaki ang mga mata ko. "You mean dalawang taon lang valid ang familiar na yan?" "Depende po yun sayo kung may balak kang pakainin siya." Tss.. Bakit kailangang mangyari sakin to? Nasaan na ang simpleng life?! Bakit parang gusto ko na yata yung pangarapin? —— Ang Destroying Angel ay isang uri ng poisonous mushroom...dun ko kinuha ang term na destroying angel XD direk_whamba Opus 76 Lumapit ang mahal na Prinsesa sa kanyang Knight na nakaupo sa may kama. Malalim ang iniisip niyon at ang mga mata ay nakatingin sa may bukas na pintuan ng veranda. Lumuhod siya sa harap nito at sinapo ang pisngi. "Sakin pa rin pala ang bagsak mo." marahan niyang bulong. "Wag mo na akong iiwan muli, Div. Hindi na ako matatakot sumuway sa mga batas basta alam kong hindi mo ako iiwan.." Binawi ni Div ang kamay ng kanyang prinsesa at hinalikan iyon. Ngumiti ang prinsesa sa ginawa niya. Pagkatapos ay isinandal niyon ang ulo sa kanyang kandungan. "Napakarami kong ginawang kasalanan sayo. Bakit hindi ka man lang nagalit sakin kahit minsan?" tanong ni Div. Tumingala ang prinsesa para tingnan ang mukha ng pinakamamahal niyang Knight. "Ikaw ang nagbigay sakin ng buhay, kung meron man ako nun ngayon. Noon pa man, ipinangako ko nang iingatan kita dito sa puso ko." "Ang mga babae talaga.." mahinang bulong ni Div. Nangiti ang prinsesa sa ipinakita niyang pagkairita. "Nakakatuwa. Hanggang ngayon ay may pagkairitable ka pa rin. Gaya nung unang beses tayong magkita." "Saan at kailan? Nung ginawa kang Prinsesa ni Orpheus o nung dumalaw ka sa bahay ko?" Natatawang naiiling ang prinsesa niya. "Kung hindi mo na maalala, ipapaalala ko sayo—" **** Medea's POV: Dalawampung taon na ang nakalilipas buhat nung masagip ako ni Div sa kamay ng mga masasamang Barbaro. Hindi niya malilimutan ang ginawa niyang yun, may nagbago lang kasi. Isang batang babae ang sinagip niya na edad pitong taong gulang. Yung ang edad ko nang huminto sa patanda ang aking pisikal na anyo. Marami ang nalilinlang syempre, dahil ako ay may isandaang taon na ring existing sa mundo. Isang Baron lang ang aking ama kaya't laking tuwa ng aming pamilya nang nabiyayaan ako ng kakayahang magbibigay sa akin ng ticket para maging isang dukesa at maiangat ang antas ng aming pamilya. Isang gabi ay may dumating na malalakas na bandido. Pinasok nila ang aming mansyon at pinatay ang aking mga magulang. Takot na takot ako at di malaman ang gagawin. "—Wag niyo akong papatayin.. Maawa kayo.." pagmamakaawa ko nun sa dalawang bampirang nakahanda na para paslangin ako. Nagsumiksik ako sa gilid ng kama. "Wag kayong lalapit sakin—WAAAAAG!" Sa sigaw kong yun ay biglang yumanig ang paligid. Nagsilutangan ang lahat ng gamit sa aking silid. "K-kapag lu-lumapit kayo, s-sasaktan ko kayo!" banta ko habang nanginginig. Crash! Crash! Nagbagsakan kaagad ang mga nakalutang na bagay; nabasag ang mga vase at nawasak ang mga tokador. Hindi ako makagalaw dahil sa isang nagliliwanag na pentagram sa ilalim ko. "Isa siyang manipulator? Swerte! Huwag niyo siyang papatayin dahil maaari natin siyang ipasubasta." Nilingon ng dalawang bampira ang pumasok na isa pang bampira sa silid ko. "—masusunod po master Hyun." Kinuha nga nila ako at ibinenta sa may-ari ng isang ilegal na subastahan. Iba't ibang klase ng mga artifacts, talisman, mga tao at mga bampira ang inoauction dun. Napunta ako sa isang barbarong ang apelido ay Claymore. Itinago niya ako at ikinulong sa basement ng kanyang mansyon na parang isang mamahaling alagang hayop. Nagdadala siya ng mga tao para pakainin ako. "Ang ganda ng mga mata mo. Punung puno ng alab! Yan ang gustong gusto ko!" sabi ng aking master habang tinatapik tapik ng kanyang kamay ang aking pisngi. Isang railings na gawa sa bakal ang pumapagitan saming dalawa. "S-sa likod mo.." itinuro ko ang kung anong pigura na umaahon mula sa kanyang anino. Lumingon siya dahil dun. "Kamusta Oberon? Ikaw na ang huli. At pagkatapos ay mamanahin ko na ang Nyx kay ama!" anang binatang nasa likod ni master. Wala siyang suot na pang-itaas kaya kitang kita ang maganda niyang pangangatawan. Nakaamba ang talim ng hawak niyang espada, nagbabanta ng tiyak na kamatayan! "Hindi ako interesado sa Nyx kaya't lubayan mo ako Div Umbra!" Kahit ganun ang sinabi ng aking master, hindi nakinig ang binatang nagngangalang Div Umbra. Inunday niya ang hawak na espada at natagpas ang ulo ng master ko. "Ikaw!" Halos lumundag ako sa gulat nang sabihin niya yun. "B-bakit?" Inimbay niyang muli ang espada. Napapikit ako sa pag-aakalang katapusan ko na. Nakadinig na lang ako ng kalansing ng mga bakal. Pagdilat ko ay putol na ang mga rehas ng aking kulungan at— nakalahad ang isang kamay ng binata sa akin. "Ano pang tinatanga tanga mo diyan bata? Halika na, ihahatid kita sa inyo." Inabot ko ang kanyang kamay sabay tingin sa kanyang mukha. Yun ang mukhang una kong hinangaan sa buong buhay ko. "Wala na po akong pamilya." "Hay!" hindi na siya nag-abala pang itago ang kanyang pagkairita. "Perwisyo! Bakit ba kasi ang hilig mangolekta ng kung anu ano ang Oberon na yun?! Tara tara—" marahas niya akong hinila. "S-saan tayo pupunta?" tanong ko. "Basta! Wag ka nang matanong at baka mainis lang ako sayo!" Iniwan niya ako sa tapat ng gate ng isang magarang mansyon. Mansyon yun ng mahal na Prinsipe. Kinupkop ako dun at inalagaan. Iniayos din ng Prinsipe ang mga naiwang yaman ng aking mga magulang kaya naging Dukesa ako. Napagpasyahan kong uminom ng aging potion para maging isang dalaga at maiwasang maliitin ng mga kapwa ko maharlika. Itinanim ko sa aking puso at alaala ang lalaking tumulong sakin, na hindi man lang inalam ang aking pangalan. Subalit hindi na mahalaga ang nakaraan, ang mahalaga ay nandito siya ngayon sa aking piling. **** Hio's POV: Mabilis na lumipas ang mga araw, na naging mga linggo at buwan. Marami ang nangyari at syempre lahat yun ay puro good news! Iniuwi ko sa mansyon ko si Aster—nang nakawheel chair. Nahihirapan siyang maglakad sa hindi pa matukoy na dahilan. Pero masaya pa rin. Halos lahat kami ay puro kapakanan niya ang iniintindi. Iba talaga pag may bata sa buhay mo. Ikakasal na kami ni Shall next week.. Nareinstate siya sa dati niyang nobility na isang Duchess— At tapos, nagrelease na ng album ang ForMad. Extended play nga lang. Wala na kasi talaga kaming time para sa recording. Yung nirelease naming EP ay yung dalawang song na natapos naming irecord dating dati pa. Hindi man namin na-conquer ang airwaves dahil sa unique style ng mga songs namin, conquered naman namin ang puso, isipan, pati panginip ng mga fanboys at fangirls. Sinold out ng mga bampira yung album namin kaya magrerelease pa ulet ng copies para naman sa mga human fans. Sabi na nga ba at nasa plano ko ang lahat. Kailangan lang talagang maging determinado. Nag-organize kami ng mini-concert na ngayon, as in ngayon magaganap. Pumayag ang Capella na mag-opening act para samin kapalit ng pag-oopening act ng ForMad sa concert nila next Saturday. Heto na nga ako ngayon oh, papunta sa dressing room nila. Dinaanan ko ang soul-eater na nakatayo lang sa tabi ng isang saradong pinto. Dati lagi akong nagugulat sa kanya kasi kung saan saang gilid siya nakaposte at hindi gumagalaw. Nasanay na din ako later on. Tok! Tok! Tae walang sumasagot. Nagchochongke na naman tong mga to malamang. "Mga pare, Hio to! Okay lang yan, nakikita ko yan dati." Tila password ang sinabi ko at mahiwagang bumukas ang pinto! Si Ali yung nagbukas na may hawak pang foil. Nasa may sahig yung tatlong hunghang at tumitira ng bato. Nilagpasan ko sila at komportableng naupo sa couch. Nagsalin ako ng scotch sa shot glass at nilagok. "Mga tol, mapera na tayo ah, bat yan pa rin? Uso cocaine!" Rich man's drug daw yung cocaine eh. Hutengena anlakas kong mam-B.I.! Haha. "Gusto mo pre?" iniaabot sakin ni Choi ang tooter. "No thanks!" decline ko agad. Tumayo si Rhien sa umpukan tas lumapit sakin. Umupo siya sa tabi ko at— Chuu~ PUTANGINA HINALIKAN AKO SA PISNGI! Chix ba to?! Nagtawanan silang apat na ungas. "C'mon pare wag ka nang magmalinis. Bumibisyo ka rin oy! Alak, sugal, sigarilyo, sex, DRUGS!" inistress talaga yung 'drugs' eh. Aminado ako sa unang apat na sinabi niya. Pero sa drugs?! I don't fucking need that! Baliw na ako kahit wala nun. Kung transferrable ba ang soul-eater at mga poltergeist, I'm ever willing! Para naman matikman nila ang totoong Highness! Potang enang Rhien to eh, inakbayan pa ako tas yung isang kamay dinakot ang hita ko. So gay. "Lumayo ka sakin kundi—" natigilan ako. Tas bigla akong natauhan over something— "SHIT AFTER HALF A YEAR NGAYON KO LANG NAISIP NA HINDI NIYO NGA PALA MAAALALA ANG TUNGKOL KAY RONAH!" Buset talaga bat di ko naisip ang tungkol dun?! Ibig sabihin sayang ang effort ko?! "You remembered Ronah? Why? You fucked that bitch?" Umiling ako. Naaalala nila si Ronah? "Pare nasan na yun?" painosente kong tanong. "—Tsk.. Ewan ko. Kung nalilibugan ka pa sa chick na yun, forget her. Nagtatago na yata dahil baka may AIDS! Pag tinatanong ko sa mga kakilala niya, they're saying na wala silang kilalang Ronah." Oohh.. "—Whoa pare ang aastig ng tattoo mo ah?! Sino ang gumawa niyan?" dinakot bigla ni Lex yung braso kong may mga marka. "Sinong gumawa?" natawa ako nang maalala kung bakit ang dami kong tattoo. Yung isa, gawa ng punong ministro. Yung parang bracelet, gawa ni pareng Race, at yung nasa palad ko, gawa ng anak ko. "Yes pare, SINO? Para padadagdagan ko itong nakatattoo sa palad ko!" binuklat pa niya ang palad niya para ipagmayabang. Yun na yata ang simbulong hinahanap ko? Binayo bayo ni Rhien ang balikat ko. "Actually dude, lahat kami meron niyan! Ewan ko kung paanong nangyari yun. Siguro one night napakabangag namin tas napagkasunduan naming apat na sabay-sabay magpatattoo ng iisang design!" Positive. Gumawa nga sila ng ritwal! Siniko ko si Rhien para lubayan niya ako. Pagtayo ko sa couch, tinulak ako ni Lex kaya napaupo ulet ako. "Pare saan ka pupunta?" "Inaantay na ako ng mga ka-banda ko." mahina kong sagot. Inakbayan ulit ako ng makulit na Rhien na to. "Ito talaga si pareng Hio astang goodboy. Bakit pare, nakakadiri ba kami sa paningin mo?! Pare-pareho lang tayong galing putikan!" "Huwag niyo akong itulad sa inyo mga tanga." heto na, nagpapataasan na kami ng ego. Eh mga diputa hindi ko sila uurungan! "Oh nga pala, may lahing banal ka pala. Sorry sorry!" Nagpanting ang tenga ko sa sinabi ni Choi. "WHAT THE FUCK DID YOU SAY?!" "May nagkwento samin ang sabi, anak ka daw ng madre?" "—Astig! Nagkakaanak ang madre?! Hahah!" "Tae, ni-rape yung madre! Ni-rape ng tatay syempre!" Kinuyom ko ang mga kamay kong nanginginig sa matinding galit. SINONG UNGAS ANG NAGSABI NUN SA KANILA?! Pinakatatago kong sikreto yun ah?! Kinuwelyohan ko si Rhien. "KANINO GALING YANG MGA SINABI NIYO?!" "Bakit totoo ba pare?" "MANAHIMIK KA!" yumanig ang paligid namin. Nararamdaman ko na naman ang masamang kapangyarihan. Nagbabanta. "Manahimik kayo kung ayaw niyong burahin ko kayo sa ibabaw ng mundong to!" Napahagalpak silang apat na waring hindi natatakot. "Pare, sabog kaaaa!" Sa isang crucial point in time, nang hahawakan ko na si Choi, nabiyak sa gitna ang kisame at lumundag mula dun si Yuki. Wala na akong Knight kaya siya ang in-charge sa seguridad ko. Inilibot niya sa apat na gunggong ang hawak niyang espada na gawa sa yelo. "Anong ginawa niyo sa master ko?!" "Pare overdose ata ako? Kung anu ano na ang nakikita ko— samurai girl mula sa kisame! The fuck!" "Hio, sexy niyan ah? Pwede bang makilala?" Once again, tumayo ako mula couch at inakbayan si Yuki. Binulungan ko siya sa tenga niya. "Halika na, pabayaan na natin sila." Paglabas namin ni Yuki, binulungan ko ulit siya. "HOLY SHIT ANG LAMIG!" "—FUCK YOU CHOI! Patayin mo na ang aircon!" "AMP HINDI AKO MAKAKILOS! Nagyeyelo ang PAA ko!" Dinig na dinig namin ang sigawan nila sa loob. Wahahah.. Inutusan ko lang naman si Yuki na iconvert ang dressing room sa blast freezer! Mamatay sila sa lamig. Hay.. Paano ko mapipiga ang Capella sa impormasyong kailangan ko?! —— direk_whamba Opus 77 Hio's POV: BLAAAG! Excited ako kaya di ko sadyang maibalibag pabukas ang pinto sa dressing room ng ForMad. Piningot agad ako ni Shall. "Saan ka galing na lalake ka? ALAM MO BANG CAUSE OF DELAY KA?!" Ako cause of delay? "Bakit?" "Magpeperform na nga kasi tayooo!" naiinis na paliwanag ni Shall. Kami agad, eh di ba mauuna samin ang Capella? Nahagip ng paningin ko si Kape. Tulala siya habang nakaupo sa harap ng malapad na salaming maraming bumbilya. "Anong nangyari dun?" nguso ang ginamit kong pangturo sa direksyon ni pare. Inistroke muna ni Shall yung buhok niya bago sumagot. "Ewan ko sa kanya? Parang ikaw, hindi mo alam na magpeperform na tayo. May binabanggit siyang Ca— ano nga ulit yun Noir?" "—Capella." dugtong ko. Nangaba na naman ako. Alam ko na to.. SERYOSONG WALA NA SILA? Anong nangyari? Wala akong kasalanan! Wala akong ginawa! Inapproach ko kaagad si pareng Kape. Ipinatong ko ang isa kong kamay sa balikat niya. Ikinagulat ko nung inalis niya yung kamay ko. Mula sa salamin, nakita ko kung paano niya ako tingnan nang may coldness sa mga mata niya. "Heyo, nakalurong na ako sa nangyayare sa paliged. Lamu kaebegan kita piro hinde ko na talaga gosto ang mga genagawa mo. Masaya ka ba pag mey nawawala tas walang makaalala sa kanela?" Nakuyom ko ang palad ko. Pak! Nasalo ng panga ni Kape ang pwersa ng kamao ko kaya napasandal siya sa Salamin. Nagulat sina Shall at Noir sa ginawa ko. "HINDI AKO ANG MAY GAWA NUN! Bakit mo ako hinuhusgahan pare?! Bisprin tayo di ba?" Umayos ng tayo si Kape at sinapo niya ang kanyang panga. "—Maherap para saken ang mga nangyayare. Wala akong maentendehan dahil tao lang ako. Hende ako dapat nandito." Magaling. Pinag-isipan niya talaga ang mga sinabi niya sakin ngayon. Actually alam kong matagal na siyang nag-iisip. Ngayon lang nangyaring napuno ang salop. Hindi ko siya pipigilan sa kung anuman ang mga gusto pa niyang sabihin o gawin. Tatanggapin kong lahat yun. Since maging aware ako bilang isang possible Destroying Angel, unti-unti kong napagtatanto ang bagsik ng kapangyarihang taglay ko. Wala yung sinisino at kadalasang mas iyon pa nga ang may kontrol sa akin. Tiningnan ko siya for the last time. Tama itong ganitong disclosure sa pagitan namin. Atleast hindi niya maiisip na magchange of heart agad-agad. Lumabas ng kwarto si Kape. Yung labas niyang yun, saktong pumasok si Mie. "Kamahalan? Saan pupunta si Kape? Bakit siya aalis nang hindi pa nagsisimula ang live? Susundan ko siya—" "Wag mo siyang susundan." pigil ko kay Mie. Mabilis kong binawi ang composure ko at naupo ako sa isang couch. "Nakapagdesisyon na siya at gagalangin ko yun." "Ano pong ibig ninyong sabihin kamahalan?" Sinenyasan ko si Mie na lumapit sakin. Lumuhod siya sa harap ko pagkalapit niya. Ako naman, inistroke ko ang buhok niya. "Simula sa gabing ito, kalimutan mo na siya—" "—Pero kamahalan!" Hinila ko ang buhok ni Mie kaya napatingala siya sakin. "Hio, bakit ka ba nagkakaganyan?!" ani Shall. May balak siyang sapakin ako pero nauna kong nahaltak ang braso niya at ibinalibag ko siya sa couch sa aking kaliwa. Muli akong bumaling kay Mie. "Muntik ko nang makalimutan, ako ang Prinsipe kaya kung kakausapin niyo ako ay yung may paggalang. Mabalik tayo sa sinasabi ko, hindi na kita papayagang makipagkita kay Kape. Ipakakasal kita kay Lord Race Phalanx." Maluha luha na siya pero sinikmura ko na lang ang guilt na nararamdaman ko. Para rin sa kabutihan nilang lahat ang gagawin ko. "Pero Kamahalan, s-si Kape ang mahal ko—" Marahas kong binitawan ang buhok niya kaya halos humalik na siya sa sahig. "KAYA NGA MAS LALONG WAG KA NANG MAGPAKITA SA KANYA EH! Kapag nakita ka niya ngayong gabi, tiyak kong magdadalawang-isip yun! Sige Minerva, kung gagawin mo ang gusto mo, umalis ka ng Monarkiya. Pero sinisiguro ko sayong kahit ikaw pa ang pinakamalakas na Marquis, mamamatay ka sa kamay ng mga Duke o kaya naman ay buburahin kita!" "HIO ANO BA?!" tinitigan ko ng masama si Shall. "Isa ka pa. Subukan mo pa ulit akong pagbuhatan ng kamay, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko!" Tumayo ako nung wala nang may gustong magsalita. "Ngayon lang nagsink-in sa akin na ako pala ang pinakamatas na opisyal ng mga bampira. Kung gusto kong galangin ako, dapat ay nagsisimula ang padidisiplina sa mga malalapit sakin tama ba?" Lumapit ako sa mahabang dresser kung saan naiwan ni Kape ang gitara niya. Bumuntong hininga ako. Nandito na to. Nasimulan ko na. Alam kong mas ligtas si Kape kung susundin niya ang sarili niyang instinct kesa ang magtago sa likuran ko. Sa ngayon, pag-iiwan ng takot ang alam kong pinakamalakas na sandata ng isang Prinsipeng naghahanap ng kasagutan. Marami na naman akong tanong. Walang magbibigay ng sagot sakin kung mananatiling bait-baitan ako. Malakas ang kutob kong hindi ako nag-iisa. Hindi lang iisa ang Destroying Angel sa mundo. "Ako na sa Rhythms. Shall, mag bass ka. Tara na sa stage." **** Noir's POV: The safest place I knew I found refuge My feet are cold but still I walked barefooted.. I screamed and its contrast against the silence broke out my fears But still I am alone.. I shut the door tight then darkness embraced me Desolation reigned and coldness flooded my hollowed heart.. Madness has devoured me all forlorn— Tatatlo na lang kaming tumutugtog ngayon sa stage. Nadisappoint nung una yung mga fans pero balik hyper naman sila nung nalamannilang working pa rin ang tugtog kahit kulang kami ng isa. May pakiramdam akong hindi na mabubuo ang ForMad ngunit walang papalit sa nawala. Anyway, pwede kaming kumuha ng support guitarist pero hindi namin papangalanan o hindi namin ituturing na myembro ng ForMad. Depende yun. Nilingon ko si Hio. Wala na naman siya sa sarili niya. Masyado siyang magaling para mahulaang mayroon pang nag-eexist na kagaya niya. Kung sino man yun, natitiyak kong kumikilos na yun dahil may gusto iyong kunin mula kay Hio. Pagkatapos ng aming show, nagmamadaling umalis si Hio. Syempre susundan siya ni Shall. Nacancel tuloy ang follow-up autograph signing at meet and greet event. Naiwan ako para kausapin sana ang mga organizer pero— "Lord Noir Andrea, kinakailangan po ninyong sumama samin." Hinarang ako ng mga bampirang sugo na sa pagkakaalam ko ay alagad ng isa sa mga ministro. "Mga sugo kayo hindi ba? Ano ang kailangan sakin ng inyong ministro?" maang-maangan kong tanong. "Hindi namin alam. Sumusunod lamang kami sa utos." sagot ng isa sa mga sugo. Nag-exhale ako bago humakbang papalapit sa kanila. "Sige, tara na." Sumama ako ng payapa sa mga sugo. Hio, mag-iingat ka. **** Hio's POV: "ASTER?! ASTER?!" walang sumasagot sa loob ng kwarto ng anak ko. Kanina pa ako katok ng katok dahil naka-lock pa ang pinto. Sa pag-aalala kong baka may nangyari nang hindi maganda, bumaba ako ng unang palapag at kumuha ng duplicate key sa butler's office. Nang mabuksan ko ang pinto, bumulaga sakin ang nakatumbang wheelchair ni Aster. Gulo din ang bedsheet. Inikot ko ang kama at nakita ko dung nakasalampak si Aster. "Anak?!" kaagad ko siyang binuhat at inihiga sa kama. Nakadilat naman ang mga mata niya at kumukurap pa. "Nahulog ka sa kama?" Marahan siyang tumango. "Bakit hindi ka humingi ng tulong sa mga utusan?" kinalansing ko ang maliit na bell na nakakwintas sa leeg niya. Tong batang to talaga. Hindi man lang sumigaw o ano; naghintay na lang na may pumasok dito! "—Nasaan si mama?" ayos din ah. Manang mana na siya kay Shall na expert sa pagchachange topic. "Bakit si mama ang lagi mong hinahanap, paano naman ako?" tanong ko na may himig-tampo. Kumawit siya sa braso ko. "Kamusta na yung show niyo papa? Kelan mo ako isasama para mapanood ko kayo?" Hinaplos ko ang buhok niya. "Ah bawal bata dun! May nangunguha ng mga bata tas ibinebenta ang mga organ." lols ang dami kong alam. Nangiti ako. Stress relief ko si Aster. Pag kausap ko siya, pansamantalang nawawala ang mga alalahanin ko. "Dito ka lang, kukuha ako ng book sa library tas babasahin ko sayo." Bago ako lumabas ng kwarto niya, itinayo ko yung wheelchair. Tas may napansin ako sa carpet— parang may nakaguhit na isang circle pero malabong malabo yun at halos hindi mo makikita. Sa bandang gitna nun ay may maliit na bahaging parang nasunog o sinunog. Paanong magkakaroon ng ganun eh hindi ako naninigarilyo dito? "Papa may problema po ba?" "Ah wala! Diyan ka lang ha? Babalik ako." Hindi ako nakaget over sa nakita kong marka sa carpet. BAKIT MAYROON NUN DUN?! May masamang loob ba ang nakapasok dito sa mansyon at may balak na masama kay Aster? Hrrr.. Baka masyado lang yata akong nagiging paranoid ngayon? Baka wala lang yun? Sa may library, kinuha ko yung pinakaunang librong nahawakan ng kamay ko sa shelf ng mga fiction. Guess what? The Prince and The Pauper yun! Ito yung librong pinag-ipitan ng note ng doppelganger. Buklat buklat ko ang libro. Handwritten lang yun at sobrang ganda ng sulat-kamay ng kung sino mang nagsulat niyon. Eka.. Di ba si Mark Twain ang author nito? Pero bat ang nakalagay— by Orpheus? WAH! Niplagiarize ni Orpheus ang kwento ni Mark Twain! Binasa ko ang unang paragraph.. Ah! Ang kaharian ng Erdan.. Isa itong paraiso kung saan naglakbay ang prinsipe mula sa ibang bayan! Ni hindi niya alintana kung siya ngayon ay itinuturing na pulubi sa lansangan! Mabuhay siya na iwinaksi ang karangalan at karangyaan! Tayo ay magdiwang! Inihahandog ko ang musikang ito para sa kanya! Nawa'y panghabambuhay na niyang naisin ang kanyang bagong tadhana! Sa ibaba ng unang pahina ay may maikling piano score. Tinitigan ko yun nang maigi at parang nagfe-fade siya sa aking paningin. Hindi kaya—?! Binuklat ko ang mga sumunod na pahina. Puro stick drawing lang ang mga nandun at wala kahit isang salita. Tinamad sigurong magsulat si Orpheus—-HEP SANDALI.. Binulatlat ko to kanina ah? Sigurado akong marami ang nakasulat dito! Napaisip akong saglit. Kumuha ako ng isa pang libro sa fiction. Bago ako bumalik sa kwarto ni Aster, nagdetour muna ako sa kwarto ko at isiniksik ang libro ni Orpheus sa ilalim ng kutson sa kama ko. "Papa bat ang tagal mo?" "Eh nag-CR kasi ako." pagsisinungaling ko. Naupo ako sa gilid ng kama ni Aster at binasahan ko siya ng mga tula. Nasa may pintuan ang soul-eater at nakaharap samin. Ang lapit niya ngayon. —— direk_whamba Opus 78 Minerva's POV: Ginawa ko na ang lahat ng pagmamakaawa at pagluhod; kumapit din ako sa kanyang binti. "Parang awa mo na Lord Race, pigilan mo ang kagustuhan ng kamahalan— kung hindi ay—" Niyukuan niya ako. "Kung hindi ay ano? Titiwalag ka sa monarkiya? Ilalayo si Kape? Ganun ba? Lady Minerva, hindi ka nag-iisip." "Bakit mo nasabing hindi ako nag-iisip? Mas mahalaga ba yun kesa sa damdamin?" bakit nangyayari to? Parang kahapon lang, masaya ang lahat. Tapos ngayon, naitakda na ang kasal namin ni Lord Race sa susunod na gabi. Uhuh. Kamahalan paano mo nagawa to sakin? Naupo si Lord Race sa sahig at hinawakan ang mga balikat ko. "Nakakasiguro akong may nangyari. Magtiwala ka sa ating kamahalan. Alam kong hindi siya gagawa ng ikasasama natin." "—Pero nasasaktan ako Lord Race!" halos isigaw ko na yun. Naramdaman ko na lang na niyakap niya ako. "Sa mga sinasabi mong yan, sa tingin mo ba'y ikaw lang ang nasasaktan?" pagkasabi niya nun, agad siyang tumayo at lumabas ng silid. Pinahid ko ang mga basang pisngi ko. Makikipagkita ako kay Kape. Kailangan naming mag-usap. Hindi ko ginamit ang kapangyarihan ko para makarating sa kanya. Sumakay ako sa sasakyang ang salamin ay tinted at anti-UV na minamaneho ng mga pang-umagang porter. Kung kinakailangang umagahin ako ay ready ako! Nandun pa rin sa dati nilang apartment nakatira si Kape. Nasa loob siya ng bahay dahil bukas ang ilaw. Matagal akong nasa tapat ng pinto pero hindi ko magawang kumatok man lang. Tapos may narinig akong parang hikbi kaya sumungaw ako sa slightly open na bintana. Nakita kong nakaupo sa couch si Kape, sapo ng mga palad niya ang kanyang mukha at sumisigok. Umiiyak siya. Lalo akong nawalan ng lakas para magpakita sa kanya. Kung sa patatagan rin lang, masasabi kong expert ako dun dahil binantayan ko siya buong magdamag. Bandang alas otso ng umaga nung lumabas siya ng apartment. Nasa loob na ako ng kotse nung time na yun syempre. Maayos at simple ang suot niya tapos may kipkip siyang envelope. Naglakad siya sa di kalayuang kanto at pumara ng dumaang tricycle. "Kuya, sundan natin yun." abiso ko sa porter habang itinuro ang papalayong tricycle. Sa labas ng subdivision bumaba si Kape, nakipagtawanan pa siya sa tricycle driver. Nag-abang siya ng jeep at sumakay. Again, sinundan namin siya. Nasundan namin siya hanggang sa tapat ng isang pamantasan. Kinausap niya yung guard at pagkatapos ay pinapasok siya. Mayo na nga pala.. So I think may balak siyang mag-enroll para sa next term? Tumutulo na pala ang luha ko habang idle dito sa loob ng sasakyan. Para akong tanga na nakasandal ang noo sa salamin ng kotse. Andun siya, heto ako. Hindi siya panghabambuhay na makakatiis sa dilim; habang hindi ako maaaring mabuhay sa liwanag. Ngayon ko lang naisip na magkaiba nga pala ang mundo namin. Alam kong may paninindigan siyang tao. Nagtagal siya sa loob ng pamantasan. Nung lumabas siya na bandang hapon na, may mga kasama na siyang grupo ng mga kagaya niyang tao. By the looks of it, nagkakabiruan sila. May dalawa pang binata ang nakaakbay sa kanya. Naluha na naman ako, then I realized, ito ang mundo ni Kape. Hindi ko siya dapat alisin dito dahil lang sa mahal ko siya. Kung magiging makasarili ako gaya nung kay Rai noon, baka mapahamak lang din siya. Hindi ko siya mapoprotektahan kahit pa gaano ako kadeterminado. Nagpatuloy ako sa pagsunod sa kanya. Wala na siyang ibang pinuntahan pagkatapos niyang magpaalam sa mga bago niyang kaibigan. Sumakay siya ng jeep homebound. Pagbaba niya sa tapat ng subd, hindi na siya nagtric. "Milady, saan po kayo pupunta?" nag-aalalang tanong sakin ng porter as I was opening the cardoor. "Gusto kong maglakad lakad sandali. Wag kang mag-alala, hapon na. Di na masyadong nakakapaso ang sikat ng araw." Nagsuot ako ng shades at nagpayong for added protection. Panget daw sa skin ng mga bampira ang iniiwang peklat ng blisters from direct sunlight. Marahan akong naglakad ilang talampakan sa likuran ni Kape. Ambagal niya maglakad in fairness. Ewan ko kung sinasadya niya ba yun o nagkataon lang. Then bigla siyang huminto. Expected kong lilingon siya, pero hindi niya ginawa. "Hay.. Bampera bampera.. Kehet hende sela tumatanda, mas masaya pa ren maging tao." After that, ipinagpatuloy niya ang kanyang way home. Naiyak ako na nangiti sa sinabi niya. Definitely, hindi nga siya si Rai. 'Suffer together' ang peg nun eh. "Babantayan kita kahit kailan Kape. Kapag ikinasal ka, nagkaanak, tumanda, at namatay.. I'll be there.." bulong ko sa sarili ko. Pumihit na ako patalikod upang bumalik sa sasakyan. Napatigil ako nang makita ko si Lord Race na nakalahad ang kamay sakin. I rushed to his side. Pinahid niya ang pisngi ko. Then he asked me. "Okay na ba ang pakiramdam mo?" Tumango tango ako. "—Please marry me Lady Minerva. Hindi ko man mapapalitan sa puso mo si Kape, gagawin ko ang lahat ng kaya ko para damayan ka sa iyong mga kalungkutan." I didn't respond to that. Nung nasa loob na kami ng porter, dun ko siya kinibo. "Pag ikinasal na tayo, sana wag kang magbabago. Sana ganyan ka pa rin kabait." Nakita ko siyang ngumiti. Silly guy. Martir siya. Well pareho kami. I'd say it's misery loves company. Natuloy ang arranged marriage namin ni Lord Race Phalanx. Habang naglalakad ako sa aisle at nakatingin sa malaking cross stained glass sa altar, naisip ko kung bakit napaka-compelling ng bagong Prinsipe. Kaming nakapalibot sa kanya ay nag-fall sa kanyang charisma, and then struggled by his side. Sa mga mata namin, wala siyang maling magagawa. I'm not saying na tama yung ginawa niyang pakikialam although he had the power to decide who marries who. It's just that, being near him is the greatest realization. May mga side ng buhay siyang ipinapakita samin na never pa naming naeencounter. Dahil dun, nagiging madali ang 'acceptance'. Tinakpan ko ng piring ang mga mata ni Lord Race nung magkatapat na kami sa altar simply because he can't stand seeing blood. I wonder why. Pero I heard he's under a special therapy now. Ipagdarasal ko ang mabilis niyang paggaling. Pagkatapos ng ceremony, nagcourtesy call kami sa palasyo ng trono, sa harap ng mga ministro at sa harap ng mahal na Prinsipe. Tomorrow is another scheduled monthly meeting dahil full moon. Then two nights after, ang kamahalan naman ang ikakasal sa dukesang pinili niya. I glanced at Princess Medea who was seated on the throne sa kaliwa. How could she stand na hindi siya yung pakakasalan ng Prinsipe? She even looked so happy for them. Wirdo talaga kaming mga bampira. **** Hio's POV: Sa ikapitong buwanang pagpupulong ng mga bampira na dinaluhan ko, wala na ang dating punong ministro at siyam na lamang ngayon ang nakatayo sa ibaba ng pedestal. Ang alam ng mga bampirang punong ministro ay ang nag-iisang babae sa grupo na si Katerina. Si Noir ay may ilang araw na ring nawawala pero sure akong hindi siya deleted dahil kilala pa rin siya ni Shall. Kinaluskos ko ang armrest ng aking kinauupuang trono. Kailangang malaman ko na agad kung sino o sinu-sino ang Destroying Angel na gustong sirain ang balanse ng buhay ko. At kung inaano ko ba sila para perwisyohin nila ako nang ganito! Hindi ko ipinahalata sa harap ng libu-libong maharlika ang tungkol sa nawawalang ministro. Umarte ako na parang walang nangyayaring kakaiba. "Simulan na natin ang pulong. Ano ang uunahin nating pagdiskusyunan?" saad ko. Tiningala ako ni Katerina. "Kamahalan, mayroon akong nais idulog sa inyo. Patawad kung gumawa ako ng isang imbestigasyon na hindi man lamang iyon ipinaalam sa inyo." "Ipahayag" walang gana kong tugon. Mula sa hanay ng mga duke, tumayo si Lady Mionette. Lumapit siya sa aisle at lumuhod. "Kamahalan, ako ang nagmungkahi sa punong ministro na paimbestigahan ang sunud-sunod na pamamaslang sa mga inosenteng tao na naganap mahigit isang taon na ang nakararaan." aniya. Si Katerina ang sumunod na nagsalita. "Mahigpit na ipinagbabawal ng ating batas ang pagpatay sa mga tao—lalo na at walang sapat na basehan." Naging interesado ako sa kaso lalo na nung nabanggit na nangyari yun last year. Simula nung lumayas ako sa ampunan. "Ano ngayon ang inyong napag-alaman?" "Napag-alamang sangkot ang dukesang si Lady Patricia Antigone Rosseau sa insidente." May lumapit na mga sugo sa hanay ng mga duke at hila papuntang aisle ang aking si Shall. "Lady Patricia, ipagkakaila mo ba?" tanong ni Katerina. Wag mong sagutin Shall. Wag, parang awa mo na. WAG MO AKONG SASAKTAN! Matagal ang nagharing katahimikan. Sa loob ng panahong yun, tila hinihiwa ang puso ko sa dalawa. "Hindi ko ipinagkakaila. Ako ang pumatay sa labinglimang kababaihan na nakasalamuha ng ating mahal na prinsipe." walang kagatol-gatol na sagot ni Shall habang nakayuko. Nanlumo ako at napasandal sa trono. Si Shall ang pumaslang sa matalik kong kaibigang si Lulu, pati na sa dalawang kasama ko sa ampunan— at pati na sa mga naging girlfriends ko?! BAKIT?! Sa unang pagkakataon, nag-angat ng ulo si Shall. Sakin nakatingin ang mga lumuluha niyang mata. "—Pero hindi ko pinagsisisihan yun. Ang pinagsisisihan ko ay ang sumunod ako sa utos mo Punong ministro!" "SINUNGALING KA!" bulyaw ni Katerina. "Kailangang maparusahan siya ng kamatayan agad-agad!" Lumapit sa likuran ni Shall ang isang bampirang nakatalukbong ng itim na tela ang ulo at may hawak na palakol. Mariin akong napapikit. Pagdilat ko, nakaamba na sa leeg ni Shall ang palakol. "SANDALI LANG." pigil ko. Tumayo ako sa trono at bumaba sa kanila. "Gusto kong ako ang magpapataw sa kanya ng kamatayan." Binunot ko ang espadang nakasukbit sa tagiliran ng isang sugo at ipinatong ang talim niyon sa balikat ni Shall. "Hio, patawarin mo ako—" mahinang sambit ng babaeng pinakamamahal ko pero dapat kong patayin. Anong dapat kong gawin?! Kahit isanla ko na ang kaluluwa ko basta maibalik ko lang ang panahon ay gagawin ko— Dahil sakin ang lahat ng kasamaang nangyayari sa paligid ko. Desperado na ako. Ibinaligtad ko ang talim ng espada at itinutok ko yun sa aking dibdib kung nasaan ang walang silbi kong puso. Kung mamamatay ako ngayon, tiyak na may magbabago! Eto na— May kung ano ang tumangay ng espada palayo sa mga kamay ko. Kasabay nun ay nagdilim. Kumalat sa sahig ang pamilyar na itim na lawa. "—Hindi mahalaga ang buhay mo Hio, ang mahalaga ay kung ano ang magagawa mo para sa buhay ng mga nasa paligid mo. Hangga't wala ka pang nagagawa, asahan mong hindi kita hahayaang mamatay!" anang isang misteryosong boses. "DIV!" napalingon ako kay Medea dahil sa sigaw niya. Tas bumaling ulit ako sa kinaroroonan ni Shall. Tumilapon ang mga bampirang may gapos sa kanya. Sa likuran niya umahon ang pigura ng isang binata. Si Kuya yun. Niyapos niya si Shall at sabay silang lumubog sa ilalim. Nung mawala sila, naglaho na rin ang lawang itim at bumalik ang liwanag. "Ang Paladin, tinulungan niyang makatakas ang isang nagkasalang bampira!" "KAILANGAN DIN SIYANG MAPARUSAHAN NG KAMATAYAN!" Nasapo ko ang dibdib ko para pakalmahin ang abnormal na tibok ng aking puso. Nakatakas si Shall. Itinakas siya ni Kuya. Ligtas sila sa gabing ito. Pero paano na sa mga susunod na gabi? Paano na kung pagtulungan sila ng mga duke? "May naiisip akong paraan para iligtas ang pinakamamahal mong dukesa." si Medea yun at nakahawak sa aking braso. Wala akong ideya kung paano siyang nakarating bigla sa aking tabi, or rather, wala akong pakialam. Pero interesado ako sa sinabi niya. "—Paano?" "Ang pinakamataas na posisyon sa monarkiya ay may kapangyarihang magbigay ng amnestiya sa isang bampira kahit gaano pa kabigat ang naging kasalanan niyon. Ngunit isang beses lamang yun maaaring ipataw, at sa iisang bampira lamang din." Bumuntong hininga ako. "Ibig sabihin—" "Kamahalan, kailangan mong maging Hari." —— direk_whamba Opus 79 Noir's POV: Humarap sakin ang isang binibining marikit. Hindi siya estranghera. Natitiyak kong kilala siya ni Hio sa dalawang magkaibang pagkatao; hindi pa nga lang nito narerealize ang bagay na yun. Subalit kahit gaano pa kagaling magkubli sa iba't ibang pagkatao ang binibini, alam ko ang kanyang sikreto. Nakangiti siya ngunit ang kanyang mga mata ay kasing talas ng isang punyal. Pinagpatong ko ang aking mga kamay at sumandal sa malambot na backrest ng magarang sofa. "Binibini, ano ang maipaglilingkod ko sayo?" "Wag ka nang magkunwaring hindi mo ako kilala. Isa kang Anima tama ba? Alam mo rin kung ano ako—" Sunud sunod ang ginawa kong pag-iling. Hindi ko basta basta ibubunyag ang lihim ko, lalo pa't sa harap ng isa pang nilalang na gaya ni Hio. "—Nagkakamali ka. Wala akong naintindihan sa pinagsasabi mo." Tumabi siya sakin at hinawakan ang braso ko. Hinila niya pataas ang mahabang manggas ng aking suot. Sa haplos ng kanyang mga kamay naglitawan ang mga kakaibang simbolo at marka sa aking balat. "Gusto kong mapasaakin ka pero wala na akong sapat na kakayahan. Sa ngayon ay hihiramin muna kita—" **** Shall's POV: "Bakit mo ako tinulungan?" ang tanong ko sa bampirang itinakas ako mula sa palasyo ng trono. Hindi naman niya ako totally itinakas dahil nandito lang kami sa mansyon niya, na pinagdalhan na niya sakin noon. Nakaupo ako sa kama habang ang mukha ko ay nakapatong sa aking mga tuhod. Sa isang iglap nagbago ang lahat. Ni wala man lang babala o kung ano pa man. "Tinulungan kita dahil sa tingin ko ay mas magiging magulo kung mawawala ka— pero ang totoo niyan, hindi ko rin maipaliwanag kung ano ang mga nangyayari." sagot sakin ni Div na nakatayo sa bedside at matamang nakatitig sakin. "—Sa sobrang dami na ng mga incoherrence, nararamdaman kong wala na sa tamang balanse ang mundo." "Wala sa tamang balanse.. Bakit may pamantayan ba para masabing balanse ang lahat?" Alin ba ang dapat kong pagsisihan? Ang naging Knight ako o ang minahal ko ang Prinsipe? "Sa ngayon ay dumito ka muna. Ang mansyong ito ay hindi nakarehistro sa talaan ng aking mga ari-arian kaya matatagalan bago nila matunton ito. Pero kung sakali, Elementer ka naman kaya makakaya mong protektahan ang sarili mo. Kakalap ako ng impormasyon." Iniwan ako ditong mag-isa ni Div. May ilang gabi akong nakaantabay sa mga balita na ihahatid ng mga paniki. Sa pinakahuling balita ako umalma. Ang balitang bago matapos ang gabi, magkakaroon na ng bagong hari ang mga bampira. Napasugod ako nang de oras sa palasyo. Hio.. wag kang magpakasal. Hindi ko kaya. Patayin mo na lang ako— "—SI GALATEA YUN HINDI BA?! HULIHIN NIYO SIYAAA!" Pinalibutan ako ng napakaraming sugo. Hinigpitan ko ang hawak sa aking krusipiho na unti unting naging espada. "Kayang kaya ko kayong lahat!" Sa ilalim ng mga paa ko naglabasan ang napakaraming mga bakal na mula pa sa mga haligi mismo ng palasyo. Nilingkis nila na parang mga ahas ang mga may balak tumugis sakin. "HYAAH!" inubos ko sila sa isang imbay ng aking espada. Nang makapasok ako sa loob, idinikit ko sa likuran ko ang aking espada. Kumapit ang metal sagad sa aking gulugod. Medyo masakit pero nainda ko naman. Nagkorteng pakpak na metal ang espada. Umulan sa loob ng palasyo ng mga matatalas na feather blades. Mas madali akong nakalapit sa silid na pinagdadausan ng ritwal dahil dun. Sinipa ko nang pagkalakas-lakas ang double door kaya tumilapon yun hanggang sa gitna ng aisle. Nagtinginan sakin ang mga maharlikang saksi sa ritwal pero kay Hio lang ako nakatingin. Pinahid niya ang dugo sa kanyang bibig. Hindi.. Hio, ako dapat yung kasama mo sa ritwal na yan hindi ba? Bakit? Nawalan ako ng panimbang pero imbes na masaludsod ako sa sahig, may mga kamay na marahas humaklit sa nanlalambot kong mga bisig. "Nahuli na namin ang kriminal—" "Sandali lang. Ako na ang Hari tama ba ako mga ministro?" bulalas ni Hio. Nagsitanguan ang mga ministrong gunggong. "Kung ganun ay binibigyan ko ng ispesyal na amnestiya ang bampirang si Patricia Antigone Rosseau." Umulan ng bulung bulungan sa silid. Lumapit si Katerina kay Hio. "Sigurado ba kayo kamahalan? Ang amnestiya na yan ay isang beses niyo lamang maaaring ibigay sa buong buhay niyo ng pagiging Hari." "Iyon ang kagustuhan ko." matigas na tugon ni Hio. Binitawan ako ng mga bampirang may bitbit sakin kaya natuluyan akong napasalampak sa aisle. Nag-umpisang magsialisan ang mga panauhin sa hall since tapos na ang ritwal. Iniiwasan nilang magawi sa kinauupuan ko ngunit may pares ng mga paa ang huminto sa aking harap. Pag-angat ko ng paningin, walang iba yun kundi si Hio. "Umalis ka na Lady Patricia. Ayoko nang makita pa ang pagmumukha mo kahit kelan." Kumapit ako sa kanyang mga binti. "Hindi ko matatanggap ang lahat ng ito. PATAYIN MO NA LANG AKO!" Binunot ko ang pakpak na bakal na nakakabit sa gulugod ko. Tumilamsik ang dugo sa pulang carpet. Pinagbagong anyo ko yun at naging espada. "H-HETO! PATAYIN MO NA AKO! HINDI AKO MABUBUHAY NANG WALA KA—" Hinablot niya sakin ang espada. Hawak niya ang talim at inihampas niya sa pisngi ko ang hawakan. "TUMIGIL KAYONG MGA PALABAS NG SILID NA ITO!" sigaw niya kaya agad napahinuhod ang lahat. "MAY CANCELLER BANG NANDITO?!" malakas niyang tanong. "Ako po kamahalan!" sagot ng isang bampira na nakalabas na sa silid. Pumasok siyang muli at lumapit samin. Sa istilo ng pananamit niya ay narecognize ko siya agad— ang vocalist ng bandang Tuna Wars na si GM. "Gusto kong burahin mo ang kanyang mga alaala." Nahintatakutan ako sa ipinagagawa ni Hio kay Gm. "WAG! PARANG AWA MO NA—!" Umikot sa likuran ko si Hio. Hinawakan niya ako sa aking leeg para isteady ang aking mukha habang ang isang kamay niya ay nakayapos sa aking bewang at ipit ipit ang aking mga braso. Masyado na akong maraming naconsume na lakas kanina kaya hindi ko na kaya pang pumalag. Humarap sakin si GM at ang kanyang mga mata ay nagbabanta ng isang oblivion. "Shall, tingnan mo ang mga mata niya—" mahinang bulong sakin si Hio. Iba na yung tono ng pananalita niya. Malumanay iyon at tila nangungusap. "—ginawa ko ang lahat para sa buhay mo. Wag mong sayangin yun. Hindi ko makakaya kapag namatay ka—" Pinalaya ko ang aking mga luha. "Pero Hio, bakit gusto mong ipabura ang alaala ko? Mas malala pa sa kamatayan ang kalimutan ka!" "—Gagawa ako ng paraan. Hahanapin kita—pagkatapos, ipaaalala ko ulit sayo kung gaano kita kamahal. Magtiwala ka sakin Shall ko." Magtitiwala ako sa kanya. Sobrang mahal na mahal ko siya. Nilunok ko ang hikbi ko at matapang kong sinalubong ng titig ang mga mata ni GM. **** Hio's POV: Wala na si Shall. Dinala siya sa isang malayong lugar. Para masiguro ang kaligtasan niya, dinispatch ko si Yuki upang bantayan siya nang palihim hanggang sa magkamalay siya. Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko, gusto na yatang sumabog ng puso ko. Ang sama ko. Walang kasing sama! Diputa. Pumasok ako sa isang bakanteng silid at pinagdabugan ang pader. Nung magsawa ako sa violence, dun na tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigil. "—Sa hitsura mong yan parang suko ka na Kamahalan." "Katerina?!" natigagal ako pagkakita sa ministro. Kaagad akong nagpahid ng luha. "Anong kailangan mo?!" Ngumiti siya. A sly smile. "Siguro ay panahon na para magpakilala—kahit diskumpyado ako sa kakayahan mo, mapakikinabangan pa rin naman kita." "ANONG IBIG MONG SABIHIN?!" naaalarma kong tanong. Hindi niya alintana ang ekspresyon ko. Lumapit siya sakin at sinapo niya ang baba ko. "Sa palagay mo ba ay tama na ang mga paraang ginawa mo 'Kamahalan'? Kung ako sa'yo, hindi ako mapapanatag. Marami rami pa akong alas na pwedeng gamitin para lalong maging miserable ang buhay mo—" Nagpakilala na nga talaga si Katerina. "Isa ka ring Destroying Angel—?" "Bingo!" Hinawi ko ang kamay niya at sumandal ako sa pader para makalayo sa kanya. "A-anong kailangan mo sakin?! Bakit mo sinisira ang buhay ko?!" "Ahh yun ba? Matitigil lang ang mga trahedya sa buhay mo kapag umanib ka sa akin. Tutal ay malaki laki na rin ang naging puhunan ko para gawin kang Hari. Marapat lang na suklian mo ang aking pagkakawanggawa." Nagsalubong ang mga kilay ko. Plinano niyang lahat to. May mabigat na dahilan kung bakit niya ako gustong maging hari! "BAKIT AKO AANIB SAYO?! Ano ang layuning gusto mong makamit?!" "Gusto kong pabilisin ang pagwasak sa mundong ito. At pagkatapos ay bubuo ng panibago!" Masyadong mataas ang kanyang ambisyon. "Siraulo ka ba? Maraming baliw ang may gustong gumawa ng bagong mundo. Asan na? WALA. Itigil mo na ang pantasya mong yan dahil MABIBIGO ka lang." Akmang lalayasan ko na siya nang pigilan niya ako. Nahigit niya ang isa kong braso. "Ang mga kaibigan mong sadya mong inilayo sa'yo.. Akala mo'y ligtas na sila? Tsk tsk.. Alam mo ba kung ano ang agwat ng ating kapangyarihan? Kaya ko silang pawalaing lahat sa isang pitik lang ng aking mga daliri. At kapag nawala sila, walang sinuman ang makakaalala sa kanila kundi ikaw lang. Napakasaklap hindi ba?" Mariin akong napapikit. Nanginginig ako sa pinagsamang takot at galit. "Ano ba ang gusto mong gawin ko para tantanan mo sila?" Humalakhak siya nang mapakalutong. "Madali ka naman palang kausap. Buweno, hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Mayroon akong kaanib pero hindi ko siya mapagkakatiwalaan. Ang gusto ko ay ikaw ang maging kahalili niya oras na traydurin niya ako—-" dumukot siya mula sa suot niyang roba ng isang rolyo ng kalatas. Iniabot niya yun sakin. "Listahan yan ng mga aklatan at laboratoryo ng Alkemika sa buong mundo na accessible sayo dahil sa iyong ranggo. Ang gusto ko ay puntahan mong lahat yan. May isang taon ka para pag-aralan ang alkemiya. Alam ko ang kakayahan mo kaya sadyang ikaw ang pinili ko." Halos madurog na ang kalatas sa pressure ng aking kamay. Mas pinili ni Katerina na pagtiwalaan ako kaysa sa sarili niyang kakampi sa iisang kadahilanan—marami ang mawawala sakin pag di ko siya sinunod; pero yung accomplice niya? Nothing to loose. "Aalis na ako." pamimitawan ko. Hay.. Kahit gawin ko ang gusto niya, walang kasiguraduhan na ititigil niya ang pagbubura ng mga eksistensya. In the first place, gusto nga niyang sirain ang mundo hindi ba? So lumalabas na temporary lang ang ceasefire na inoffer niya sakin. Maaaring pag nagampanan ko na ang parte ko ay idispatsa na rin niya ako. Kailangan ko ng permanenteng solusyon! Binuklat ko ang kalatas. Reverse Alchemy.. Ang prinsipyo ng pagsira ng isang bagay; at mula doon, lumikha ng panibago. —— direk_whamba Opus 80 1 Year Later.. "HINDI AKO MAKAKAPAYAG! Napigil ko ang kasal ng dukesa sa prinsipe at pagkatapos ano ang igaganti ng reyna?! Hindi maaari!" naghihimutok ang dukesang si Lady Mionette habang papalabas ng bulwagan ng palasyo. Nagsisiuwian na ang mga maharlikang tulad niya na dumalo sa buwanang pagpupulong. Isang taon na ang nakararaan nang mailuklok ang bagong Hari at Reyna; expected niyang siya ang mapipisil na maging bagong prinsesa. Pero hindi nangyari yun. Palaging wala ang mahal na Hari kung kaya't ang Reyna ang siyang nagbibida-bidahan. Nitong huling pagpupulong ay kinoronahan ang bagong Prinsesa na walang iba kundi si—- "Ang Minerva von Hairenn na yun! Ano ngayon kung transcender siya?! Di hamak na malayo ang agwat ng Duke sa Marquis— AAAY ANO BA?!" natigil siya sa kanyang pagtatalak nang may humila sa kanya sa isang sulok. "Lady Mionette, ano ka ba? Gusto mong maakusahan ng kataksilan sa mga pinagsasabi mo?" Binawi ni Lady Mionette ang kanyang braso. Nakilala niya ang ginoong humila sa kanya. Isa iyong Konde na matagal nang may pagtingin para sa kanya. "WAG MO NGA AKONG PAKIALAMAN ENCELADUS! Eh sa totoo ang mga sinasabi ko! Dumikit ang Minerva na yun sa kamahalan upang sumipsip at masulot sa akin ang titulo! Isa pa ang Medea na yun. Akala mo kung sino! Papatayin ko ang malanding yun—!" "Seryoso kang gusto mong mamatay ang Reyna?" mahinang bulong ni Enceladus. Nagkaroon ng hindi maipaliwanag na kislap ang mga mata ni Lady Mionette. "—Bakit nga ba hindi? Tutulungan mo ba ako kapag sinabi kong papatayin ko ang Reyna?" Ngumiti ang konde. "Oo naman. Pero dapat ay mayroon ka ring gawin para sakin." Napaismid ang dukesa sa tinuran ng konde. "Sinasabi ko na nga ba at walang libre sa mga tusong gaya mo. Ano pa nga ba ang hihingiin mong kapalit sakin kundi ang pakasalan kita! Oo sige icoconsider ko ang bagay na yun KAPAG nagawa mo na ang hiling ko." Makahulugang ngumiti si Enceladus bago yun naglaho sa dilim. **** Hio's POV: Matyaga akong naghintay na mawala ang mga nakikipaglibing sa sementeryong ito. Mayroon pa kasing nagpagabi talaga at halos ayaw iwan ang puntod ng yumao. Tae, ipasama ko na lang kaya siya sa patay? Nung umalis na yun, kinatok katok ko ang nitso. Malapit lapit nang matuyo ang plaster na nagseselyo doon. Itinaas ko ang isa kong palad. (chest level) "Portam secans ventus!" May nag-form na isang pentagram sa harapan ko. Mula dun, lumabas ang napakalakas na pressurized air. Sa sobrang taas ng pressure nun ay kaya niyong humiwa ng adobe. Rumagasa ang hangin at tinumbok ang apat na kanto ng sarahan ng nitso. Pagkawala ng hangin, umuga at natumba ang lapida. Nasalo ko agad yun. Halos ubos na pala ang palugit na ibinigay sakin ni Katerina. Ilang buwan na rin akong tapos sa pag-aaral ng reverse Alchemy at ang experties ko ay paggawa ng mga seals at pentagram. Ginagamitan kasi yun ng sukat at katakut takot na kalkulasyon kaya nahiligan ko na rin. Ang ginamit kong teknik kanina ay kelan ko lang natutunan— Ang teknik ng pagpapakawala ng purong kapangyarihan mula sa ibang dimensyon gamit ang mga 'pentagram gates'. Nagpursigi akong mapalawig kaagad ang aking kaalaman sa pag-asang makakahanap ako ng paraan para puksain ang isang Destroying Angel— Shh.. May gagawin pa pala ako.. Isinuot ko na ang itim na facemask bago ko hinugot palabas ng nitso ang kabaong. Binuksan ko yun at iniangat ang ulo ng patay. Dinukot ko mula sa inside pocket ng suot kong roba ang isang mahabang instrumento na kasing nipis lang ng isang karayom. Slowly but surely, itinusok ko yun sa may tainga at lumabas sa kabila. Sa dulo ng karayom ay may sumabit na parang manipis na puting usok. Kumuha agad ako ng vial at ikinulong dun ang usok. Soul extraction ang ginagawa kong ito. Nag-iipon ako ng mga latak na kaluluwa. Konti ang nakukuha ko sa paraang ito kumpara kung papatay ako ng buhay na tao; pero mas masisikmura ko na ito kesa ang pumatay para lang sa eksperimento. Nung unang beses kong ginawa ang soul extraction, bumaligtad ang sikmura ko at ilang araw akong hindi nakakain. Mahina talaga ako sa mga bangkay. Kaso sinikmura ko pa rin hanggang heto, sanay na ako. Kailangan eh. May minamaster akong seal na tinawag na Caeli Sigillum. May kakayahan yung wasakin ang isang Destroying Angel. Tinetesting ko yun sa lahat ng latak na kaluluwang naiipon ko. Actually tinesting ko na rin sa sarili ko— namatay ang hinliliit ko sa kaliwa kong kamay. Nangitim yun at hindi ko na maigalaw pa. Ang problema ko na lang talaga ay kung paano huhulihin si Katerina. Ibinalik ko ang bangkay sa tamang ayos at nung isasara ko na ang kabaong, may lumundag na kung sino sa ibabaw ng nitso. "SHIT GRAVEHUNTER!" bumunot ako kaagad ng espada. Hindi iyon nag-iisa. Nagsilabasan pa ang iba mula sa kanilang pinagkukublian. Masyadong malilikot ang mga gravehunter at 90degrees lang ang anggulong sakop ng aking mga elemental gates. Tatadtarin ko muna ang mga taeng to! Naunang sumugod ang isa. Tinalunan ko yun at tinagpas ang binti ng next gravehunter. Takte pinilit pa ding maglakad gamit ang legs. Kaya natuto nako. Sa bewang ko chinop ang ibang gravehunter. Kaso gumapang pa rin ang mga ungas gamit ang kamay! "Tang ina niyo wala ba kayong kadala dala? Gusto niyong pasabugin ko mga ngalangala niyo?!" Gumuhit ako ng malaking square sa lupa gamit ang dulo ng espada ko. "YUKI!" sigaw ko. Nagpakita ang aking pretty slave. Nasa itaas siya ng puno at nag-aabang ng utos mula sakin. "Master?" "Ishoshoot ko sa loob ng square ang mga gravehunter. Kapag may nagtangkang lumabas ng square, pigilan mo, maliwanag?" Tumango naman siya. Sinipa ko ang gumagapang na gravehunter. Tumalsik siya sa loob ng guhit. Yung iba, binalibag ko. Sinisibat ni Yuki ng icicle ang mga lumalagpas sa square. Nung naishoot ko na ang lahat ng gravehunter sa guhit— "Portam comburendum igni!" Parehas din yun sa ginawa ko kanina pero apoy naman ang lumabas. Ni-consume ng nagngangalit na apoy ang mga gravehunter. "Master ko, ayos ka lang?" Tumango ako habang nagpapagpag. "Matagal na rin akong hindi umuuwi ng mansyon. Namimiss ko na ang Reyna ko at ang anak ko." Wala namang nagbabawal saking umuwi. Inuubos ko lang talaga ang oras ko sa paghahanap kay Shall. Tinakbuhan daw niya noon si Yuki pagkatapos niyang magkaroon ng malay. Tas simula nun, nawala na siya na parang bula. Wala akong trace sa kanya. Basta ang alam ko lang ay nag-eexist pa siya. "Master?" Ngumiti ako kay Yuki tas inakbayan ko siya. "Uuwi ako ngayon sa mansyon. Tara." Sasaglit akong natigil dahil sumakit ang kaliwang braso ko. Iniangat ko ang mahabang manggas at tumambad sakin ang napakalaking pasa. **** Medea's POV: Balak ko sanang umakyat sa ikalawang palapag dahil narinig kong umiiyak si Aster. Palagi siyang umiiyak kapag naaalala niya ang kanyang mama at papa. Nakita ko siya sa may top landing. Tiningala ko siya. "Aster?" "Tita, gusto ko pong makita si papa— m-may sasabihin ako sa k-kanya!" hysterical niyang iyak. Naalarma ako nung hinawakan niya ang mga gulong ng kanyang wheelchair. "ASTER! WAG KANG BABABA, HINTAYIN MO AKO DIYAN!" Naglaho ako sa kinatatayuan ko at napunta sa likuran mismo ni Aster. Nahablot ko naman yung handle ng wheelchair pero nabitawan ko. Sa sobrang bilis ng pangyayari, huli na para gamitin ko pa ang aking kapangyarihan. Bumulusok sa landing ang wheelchair na humiwalay ang isang gulong. Si Aster ay nakadapa at sa bandang uluhan niya ay may lawa ng dugo. "Aster?" nahintatakutan kong tawag sa munting bata. Bigla siyang kumislot. "HAHAHAH.. Sa wakas kontrolado ko na ang katawang ito! Tsk.. Halos isa't kalahating taon din niya akong pinahirapan!" Nag-iba bigla ang tono ng pananalita ni Aster.. parang ibang tao na yun— Tumayo siya at humarap sakin. Hindi niya alintana ang duguan niyang ulo. Inalis niya ang kuwintas na may bell sa kanyang leeg at pagkatapos ay tinitigan niya ako ng masama. Wala naman siyang ginawang kung anupaman kundi bumaba siya ng hagdan. "A-Aster? Saan ka—?" isang napakalaking pentacle ang nagmanipesto sa harap niya. Nung madaanan niya yun, naglaho siya kasama nun. Ano'ng gagawin ko? May hindi tamang nangyayari? Paano ko ipapaliwanag iyon sa mahal na Hari?! Pansumandaling naagaw ng isang musika ang aking atensyon. May tumutugtog ng piano sa music hall. Pero sino? Tinakbo ko ang music hall at inihanda ang aking sarili sa posibleng kalaban na nanloob sa mansyon. "Div?" anas ko. Hindi ako maaaring magkamali. Si Div yung nakaharap sa pianoforte at tumutugtog. Huminto siya nang mapansin niya ako. Tumayo siya at lumapit sakin nang nakangiti. Yumakap ako sa kanya. "Div.. Sabik na akong makita ka—" Sa kabila ng lahat, siya pa rin ang tanging minamahal ko. Nakapag-usap na kami noon at sumumpang iukol ang aming mga sarili para tulungan ang mahal na Hari. Bagama't malungkot ang pinili naming landas, masasabi ko namang naging makabuluhan iyon. Ang pag-ibig ko para kay Div ay parang isang damong ligaw na pangit sa paningin ng lahat; ngunit kahit ilang beses mang bunutin ay tutubo at tutubong muli, dahil ang ugat nito ay sagad kung kumapit sa lupa ng buhay. "Ahh.." sumuka ako ng dugo kaya bahagya akong napalayo sa kanya. Ang kamay niya ay nakabaon sa aking dibdib at siguro'y tumagos pa hanggang sa likuran ko. "S-SINO K-KA? HINDI IKAW S-SI DIV—" Ngumiti siya bago nagpalit ng anyo sa aking harapan. Dahil sa kakayahan niyang magbalat kayo, isa siyang Konde. "AHHH!" namilipit ako sa sakit nang bunutin niya ang kanyang kamay. "Tapos ka na mahal na Reyna." Napaluhod ako habang sapo ang duguan kong dibdib. "Hindi.. Hindi kita patatakasin.. Hanggang sa huling hininga ko—" Ang lahat ng mga bintana at pintuan sa mansyon at sinaraduhan ko. Pinakilos ko ang mga mabibigat na gamit upang barikadahan ang mga posible niyang daanan. Siya naman ay kampanteng naupo sa may piano at tumugtog. "Ayos lang sakin ang maghintay ng ilang minuto. Hindi ka na rin naman magtatagal eh—" DRIIIN! Kamuntikan nang madale ang mga kamay niya ng mga kitchen knife na sumibat sa piano keys. "S-sa palagay mo ba ay ako lang ang dapat mamatay?! I-isasama kita! Pagbabayaran mo ang paglapastangan sa iyong Reyna!" —— direk_whamba Opus 81 Hio’s POV: Nagbalik na ako! Walang ipinagbago ang estate na ito, kagaya pa rin ng dati. Hinawakan ko ang mga malalagong rosas at pumitas ako ng isa para ibigay sa aking Reyna. Sa loob ng isang taon naming pagsasama, itinuring naming matalik na magkaibigan ang isa't isa. Hindi na namin pwedeng ipilit na magkaroon kami ng romantic ties dahil ang mga puso namin ay nakalaan na sa iba. Sa isa't isa kami kumukuha ng pag-asa. Na sana balang araw ay makasama din namin yung mga mahal namin. Thud! Thud! Thud! Napalingon ako sa mansyon. Kusang nagsasara ang mga bintana at pintuan. Ibinulsa ko ang rosas at mabilis na tinungo ang main door. Sarado dun at nung sinubukan kong itulak ay ayaw mabuksan. Sinenyasan ko si Yuki para gibain ang pinto. Gumawa siya ng napakalaking maso na gawa sa solid ice. BANG! Matindi ang amoy ng dugo pagpasok namin. Out of order din ang lahat ng mga kagamitan, at yung iba ay nakalutang pa nga. "Mahal na Reyna?" tawag ko. Inilabas ko ang isang gem na hugis dyamante nung wala akong narinig na tugon. Naglambitin yun sa ere habang hawak ko ang chain niyon. Pumikit ako tapos ay nakiramdam. "SA MUSIC HALL! BILISAN NATIN YUKI!" Kalunos lunos ang naabutan kong eksena sa music hall. Nagkalat ang dugo kung saan-saan. Nandun si Medea at nakahiga. Sa may kisame nakasabit ang isang kumpletong set ng damit naka-pin ng mga kitchen knife. Ilang sandali lang ay bumagsak ang dalawang sapatos. "REYNA KO!" Lumuhod ako sa tabi niya at kinalong ko ang kanyang uluhan. "Tatawag si Yuki ng Baronet, wag kang bibitaw pakiusap!" "M-mahal na Hari—" hirap siya sa pagsasalita dahil patuloy ang pagtulo ng dugo mula sa kanyang bibig. "Bibigyan kita ng dugo!" "Wag na. Wala na rin yung magagawa." itinaas niya ang duguan niyang kamay at sinapo ang aking pisngi. "S-si Aster.. Patawad dahil hindi ko siya napangalagaan. May ibang katauhan ang umangkin sa katawan ng iyong anak. Iligtas mo siya—" Nagsimula nang kumintab ang kanyang katawan. Unti unti na rin ang kanyang pag-aabo. "MEDEA WAG! Kailangan kita—" "H-hindi. Hindi ako ang kailangan mo— hanapin mo ang iyong dukesa. Maging maligaya ka sa piling niya.. Wag kang umiyak mahal na Hari.." Pinahid ko kaagad ang luha ko. "Kasalanan ko to. Iniwan ko kayo nang napakatagal—" "Wala kang kasalanan. Ako ang iyong Reyna. Ako ang siyang dapat magprotekta sayo.. Pero napakahina ko—" Tinakpan ko ang bibig ko para pahintuin ang paghikbi ko. Dinukot ko mula sa aking bulsa ang pinitas kong rosas kanina. Pinutol ko ang mahabang tangkay at inipit ko sa buhok niya ang bulaklak. "Minsan sa buhay ko, nangarap ako ng isang prinsesang gaya mo.." bulong ko. Ipinikit niya ang mga mata niya at ngumiti. "—Naalala mo ba na nangako kang pakakasalan ako balang araw? Masaya ako at tinupad mo yun. Isa kang maginoong may isang salita. Sana ay matupad ang lahat ng iyong hiling.." "Medea.." "Pakisabi kay Div na mahal na mahal ko siya." Lumutang sa hangin ang mga mumunting abo ng aking Reyna. Hindi ko matatanggap na ganun ganun na lang siyang nawala. Pero hindi pa man din ako tapos magluksa, isa na namang kalbaryo ang nakalatag. Nawawala ang aking anak. Naiwang lasug-lasog ang kanyang wheelchair katabi ng naglawang dugo. Pinulot ko ang bell ni Aster na nakita kong nakakalat. Totoo nga ang hinala ko. **** (3rd Person) "Ginoo, ang pangalan mo ay Kalix hindi ba?" sa kalaliman ng gabi ay may isang batang bampira ang humigit sa laylayan ng roba ni Kalix. "Sino ang mga magulang mo? Bakit ka nagpunta dito ng nag-iisa?" Nginitian lamang siya ng bata. Saka lamang niya napunang hindi siya makagalaw. "Walang karapatang magtanong ang isang instrumento lang na gaya mo!" "I-instrumento?" takang tanong ni Kalix sa bata. "Tama! Instrumento! Pansamantalang sisidlan ng Erebus! At ngayon na ang tamang panahon para kunin ko na yun sayo!" "Ano'ng—?!" Ibinaon ng bata ang kanyang maliit na kamay sa kalamnan ni Kalix. Nakaramdam iyon ng matinding pananakit. "Masakit ba Kalix? Hahaha. Wag kang mag-alala dahil mayamaya ay mawawala na ang bigat na dinadala mo!" Ilang saglit pa ay lumalabas na mula sa katawan ni Kalix ang daan daang itim na ugat. Kumapit ang mga yun sa braso ng bata at nagtuloy tuloy na gumapang papasok sa bibig niyon. Lumabas ang mata ng Erebus at nilakihan pa ng bata ang pagbuka ng bibig upang tangkilikin nang buo ang parasitiko. Agad na nanghina ang katawan ni Kalix nang maagaw sa kanya ang tanging bagay na ginagamit niya upang makipaglaban. "Arrggh.. Gaya ng inaasahan, namamahay ang Erebus. Sana lang ay makaya ng katawan ng batang ito ang napakalakas na kapangyarihan. Kung hindi ay matagal na naman ang hihintayin ko—" Tsaak! May sumaksak sa likuran ni Kalix. Rekta yung tumama sa kanyang puso bago tumagos sa harapan niya. Kaagad siyang naabo. "Master Hyun, maligayang pagbabalik. Ang akala ko ay hanggang mare ka na lang talaga." Ngumisi ang bata. "Ikaw pala Naiad.. Oh, ano nga ba? Nalilito talaga ako sayo. Buweno ngayong nasa akin na ang Erebus, tuloy na ang phase 1 ng ating plano. Gagamitin ko ang itim na apoy para markahan ang buong mundo!" "—Ohh.. Mukhang tama si Harlequin na mas madaling tumbukin ang isang daga kapag siya ay naglungga." "SINO YAN?!" demand ni Naiad. Napailag sila sa mga nagliparang baraha sa kanilang direksyon. Tumalon sa harapan nila ang isang bampirang minstrel. Pinunit nito ang hawak na baraha at inihagis sa ere. Sinalo din niya ang lahat ng yun gamit ang isang kamay lang. Pagkabuklat ng palad niya ay naging maliliit na baraha ang mga napunit kanina. Ipinukol niyang lahat yun sa bata at kay Naiad. Sa kasamaang palad ay nakailag ang mga ito. "Ikaw si Redder Black hindi ba? Ang lakas din ng loob mong kalabanin kami!" sita ni Naiad. "Ehhh? Parang baligtad yata? Baka kayo ang malakas ang loob para kalabanin ako?" Nagproduce ng mist ang mga barahang nakakalat sa paligid. Masakit sa mata ang mist gaya ng tear gas. Namataan na lang ni Naiad na tumakbo palayo si Redder. "Duwag! Bumalik ka dito! Bubu—" "—Hindi uubra ang kapangyarihan mo sa kanya kaya manahimik ka diyan. Paano kapag may nakaalam ng sikreto mo dahil diyan sa kadaldalan mo?!" "Oo na master Hyun! Umalis na nga tayo dito—" HWAAARRR! Walang ano-ano'y nagsipaggalawan ang mga puno sa paligid nila. Iniahon ng mga ito ang mga ugat mula sa lupa at isa isang nagsisuguran sa kanila. Tumakbo silang palayo ngunit parang pabalik-balik lamang sila. Napalibutan sila ng mga puno ngunit hindi makalapit sa kanila dahil sa isang malaking gleaming hexagram sa ilalim nila na ni-cast ng bata. "Mukhang nahuli na tayo ng Redder na yun." kalmadong wika nito sabay taas ng kamay sa ere. "Gagawa na lang ako ng escape route dito sa taas." Tswik! Naparalisa ang kamay niya nang bumaon doon ang isang baraha. Nung tatanggalin na niya iyon ay nagulat siya dahil lumalabas mula sa kanyang palad ang mga ugat ng Erebus. "NAIAD WAG KANG NAKATUNGANGA DIYAN! MAKAKALABAS NG KATAWANG ITO ANG EREBUS! PIGILAN MO!" Natatarantang hinawakan ni Naiad ang baraha na kaagad nawala sa isang haplos niya. "SA ITAAS!" turo ng bata. Pabagsak sa kanila si Redder. Nasa likod nito ang isang loop na gawa sa pinagdugtong na pula at itim na laso. Ang gitna ng loop na yun ay parang isang blackhole. Hinihigop niyon ang epekto ng hexagram na tinatapakan nila kaya't unti unti na silang inaatake ng mga puno. "HAHAHA! ALAM NA ALAM NIYO KUNG ANO ITO HINDI BA?!" Kapwa napaatras si Naiad at ang bata sa nagbabadyang panganib. "—I-isa iyong uri ng Caeli Sigillum di ba Master Hyun? Paano siya nagkaroon ng ganung kakayahan—?" di siya iniimik ng tinanong dahil busy iyon na gawin ang escape route. Oras na sana nila kung hindi lang sa kadenang bumihag sa binti ni Redder. Bumagsak ang duke sa isang mababaw na lawang kulay itim. Sinamantala nila Naiad ang nangyayari. Nang makumpleto ng bata ang circle, kaagad silang lumusot doon ni Naiad. "Redder, namatanda ka ba diyan?" tanong ng isa sa mga gumagalaw na puno. Hinihila ng kadena si Redder patungo sa isang sarcophagus na puno ng patalim. Asar na asar siyang binali ang kadena gamit lang ang mga kamay. "DIV UMBRA!" nanggagalaiti niyang sigaw. Nagpakita ang binata na umahon mula sa itim na tubig. "ANO SA TINGIN MO ANG GINAGAWA MO?!" "Binabantayan ko ang Erebus dahil kakambal yun ng aking kapangyarihan. Nabigla ako nang nakawin iyon ng mga nakasagupa mo kani kanina lang. Bakit nila yun pinag-iinteresan? At ikaw naman, bakit mo sila tinutugis?" Tumayo si Redder at nag-inat inat. "Wala akong balak sumagot. Pangalawang beses mo nang makialam sa akin. Namumuro ka na." Hindi pa rin sumusuko si Div Umbra. "Kung ganyan ang iyong tugon, asahan mong pipigilan kita sa mga susunod mo pang pagkilos— hindi kita titigilan hanggang hindi kita napapatay o hindi mo ako napapatay!" Nawala si Redder sa kinatatayuan nito at nagmanipesto sa harap mismo ni Div. Sobrang lapit nila sa isa't isa na nagawang isandal ni Redder ang baba sa balikat ni Div. "Pangahas kang bampira. Pero yun ang dahilan kung bakit paborito kita sa lahat— kung gusto mo talagang malaman ang ginagawa ko, magkita tayo sa ibang gabi. Bibigyan kita ng palatandaan para matunton mo ako. Sa ngayon— baka gusto mong dumalaw sa mansyon ng mahal na Hari? Ang pakiramdam ko ay may nangyaring masama sa ating mahal na Reyna." Napatiim bagang si Div sa huli niyang sinabi. Sumanib agad iyon sa anino at naglaho nang walang paalam. Lumapit kay Redder ang gumagalaw na puno. Inilabas ni Redder ang isang manika at itinapat yun sa puno. "Hoy Harlequin, tama na yang pagfifeeling Roshan mo. Wala ka namang naitulong." aniya. Tumakas mula sa puno ang maputi puting wisps at sumanib sa manikang hawak ni Redder. "Oy Redder, sigurado ka bang gusto mong sabihin sa Div Umbra na yun ang mga kabalbalan natin?" "Bakit hinde? Tutal ay dalawang beses niya na akong pinerwisyo, gagamitin natin siya laban sa mga gunggong na yun." —— direk_whamba A/N: Sobrang puyat ako kagabi kaya 1 UD lang.. Pagdamutan niyo na ang bunga ng aking kakulangan sa tulog >_< muah! And one more thing, if you’re wondering kung anong lenggwahe ang ginamit ko sa mga gate spells ni Hio, Latin po yun. I-google translate niyo na lang if curious kayo sa meaning pero ilalagay ko naman lahat ng iyon sa The Making of Forlorn Madness. Kaartehan ko lang yun masyado kasing bunyag pag English. —— Opus 82 Minerva's POV: "Kamahalan.." Hindi lumingon ang mahal na Hari sa aking tawag. Pinisil ng aking asawa ang kamay ko para balaan akong wag na munang magsalita ng kahit ano. Naupo ako sa tabi ng Hari habang si Race ay sa couch na nasa gilid. Humuni ang isang mumunting asulang dragon na nakaperch sa balikat niya. Isang leviathan yun at kasalukuyang sumasailalim sa matagalang taming process. Ibinaling ko ang aking tingin sa hari. Tulala siya at nakatingin sa malayo habang nasa kandungan niya ang puting urn ng pumanaw na Reyna. Matagal na kaming hindi nagkikita dahil palagi siyang wala. Napapansin ko ring sunud-sunuran siya sa punong ministro sa hindi matukoy na kadahilanan. Lubos akong nag-aalala para sa kanya pero ayaw niyang mag-open up; at lalong ayaw niyang humingi ng tulong. "Mahal na hari, gagawin ko po ang lahat para matukoy ang ugat ng kataksilan sa mahal na Reyna— kaya sana—" Doon ko lang nakitang kumurap ang hari. Sawakas ay nilingon niya kami. Pero ang mga mata niya ay may bahid ng poot. "—Hindi na nun maibabalik ang aking Reyna. Ang mabuti pa ay umalis na kayo." Marahas akong tumayo. Nakakainis na siya! Bakit kailangan niyang maging ganito samin?! "Halika na asawa ko." yaya ko kay Race. Bahala siya. Kung hindi niya kailangan ng tulong eh di wag! Padabog akong lumabas ng silid-pampanauhin at sumandal sa pader sa pasilyo. Sumunod sakin si Race. "Intindihin mo na lang siya—" anang aking asawa. "Hindi ako nakakaintindi ng mga bampirang kung ituring ka ay parang wala kayong pinagsamahan! Umakyat na ba sa ulo niya ang pagiging Hari niya?!" Inangkla ni Race ang kamay niya sa braso ko at nagmuwestrang maglakad. "—Sikreto lang nating dalawa ito ha? Palihim kong sinusundan ang Hari buhat nang ipatapon niya si Lady Patricia. Wala akong pinagsasabihang kahit sino dahil hindi pa ako sigurado. Nitong nakalipas na kalahating taon ay nagpupunta siya sa iba't ibang lugar upang gumawa ng isang napakalaking marka—" "Totoo ba yan?" hindi ko makapaniwalang tanong. Tumango si Race. "—At hindi lang basta-basta marka yun. Isa iyong uri ng Sigillum (seal)." "Ang ibig mong sabihin, mayroon siyang balak buksan o kaya naman ay selyohan? Ano naman yun?" "Hindi ko pa alam. Patuloy ko siyang susundan nang palihim." **** Hio's POV: Tama ang desisyon ni Prinsesa Minerva na umalis na. Wala akong mukhang maihaharap sa mga dati kong kaibigan pagkatapos kong pabayaang mamatay ang isa pang kaibigan. Pinili ko na ang pag-iisang ito. Tatapusin ko ito hanggang sa huli. Nagpalinga linga ako dahil may naramdaman akong presensya. Nasapo ko ang sentido ko dahil dumating ang isang panauhing pinakaayaw ko sanang makaharap ngayon. Marahil ay ayaw niya rin akong pakiharapan ngayon. Kung hindi pa kami nag-away kahit kailan, baka mangyari yun ngayon once na magkaharap kami. Inilapag ko ang puting urn sa mesang kaharap ko at umakyat ng stairwell. Huminto ako sa top landing at sumandal sa isang poste para magkubli. Sumilip ako sa ibaba at nakita kong nagmanipesto mula sa anino ng couch ang aking kuya— I mean si Div Umbra. Wala na nga pala akong karapatang tawagin siyang kuya dahil wala akong kwenta bilang nakababatang kapatid. Inagaw ko ang lahat ng meron siya at pagkatapos ay nagpabaya lang ako. Lumapit siya sa urn at binuhat yun. Yumugyog ang kanyang balikat kaya malamang na umiiyak siya. Umalis ako sa pinagtataguan kong poste at binagtas ang deserted corridor papuntang East wing. Wala sakin kung kukunin niya ang abo ni Medea. Siya ang may karapatang magtabi nun. Hindi ko na rin pala masasabi ang ipinapasabi sa kanya ni Medea. Alam na niya yun. Huminto ako sa tapat ng kwarto ni Aster. Pumasok ako matapos ng ilang saglit. Nasa carpet pa rin yung nakita kong circle dati. Mas malinaw at mas obyus na yun sa paningin ng kahit sino di gaya dati. Sigurado na akong ginamit yun para sa isang ritwal. Sa may bedside cabinet nasumpungan ko ang isang notebook. Aster talaga. Kalalakeng tao nagdadiary. Kinuha ko yun at binuklat. Nanlaki ang mga mata ko sa mga drawing at mga nakasulat doon. Sa unang pahina ay nakadrawing ang circle na mismong nakaguhit sa carpet. Papa, natatakot ako. May napapanaginipan akong lalake at sinasabi niyang iguhit ko daw ito sa sahig. Sa next page, wala nang drawing. Papa, bakit po ganun? Minsan kumikilos ang katawan ko kahit hindi ko naman ikinikilos? May mali po ba sakin? Patuloy kong binasa ang mga isinulat ni Aster hanggang sa parang naging series na yun ng mga nangyayari sa kanya na hindi ko mabigyang paliwanag noon. Napagtanto kong maraming gustong sabihin sakin ang aking anak pero palagi akong wala. Natatakot din siyang baka hindi ako maniwala sa mga sasabihin niya. Sa pinakahuling tala ako nabigla nang husto. May nakadrawing na mundo duon; sa loob nun ay may pitong mas maliliit na pentagram na pinagdugtong ng maitim na linya. Heavy ang pagkakastroke ni Aster sa itim na linyang yun. Sa ilalim ng drawing nakalagay ang mga salitang Porta Tenebrarum. Natuon muli ang pansin ko sa pitong pentagram at kung saang kontinente sila nakaguhit. Crash! Naibagsak ko sa carpet ang notebook kasabay ng isang punyal na bumasag sa salamin ng bintana. Pinulot ko ang maliit na punyal. May nakatali dung isang maiksing mensahe. Nilisan ko kaagad ang aking mansyon para makipagkita kay Katerina. Gaya ng dati, may iniabot siya saking mapa na may disenyo ng isang napakalaking pentagram. "Iyan na ang ikapito at panghuli. Ang gusto ko ay gawin mo na yan ngayong gabi. Aasahan kita." Sinipat ko ang wristwatch ko. "Gagawin ngayon? Alam mo ba kung anong oras na?" protesta ko sa kanya. Kumibot ang kanyang mga labi. "Ikaw ang hari hindi ba? Utusan mo ang isang marquis para mapuntahan agad agad ang lugar na nakasaad diyan." Pinunit ko ang mapa sa harapan niya. "Hindi ko gagawin. Hahanapin ko ang anak ko." "Ang lakas na ng loob mong suwayin ako?!" "IKAW ANG NAGPAPATAY KAY MEDEA HINDI BA?! ANO PA ANG SENSE PARA SUNDIN KITA KUNG HINDI KA TUMUTUPAD SA USAPAN?!" di na talaga ako nakapagpigil. "Hindi ako ang may gawa ng bagay na yun. Tumutupad ako sa ating kasunduan. At bakit pa ako mag-aabalang bahiran ng dugo ang aking mga kamay gayong isa akong Destroying Angel? Mag-isip isip ka kamahalan." Tinitigan ko ang palad kong nanginginig. May bumubulong sa tenga ko at sinasabing ito na ang pagkakataon para gamitin ang Caeli Sigillum. Tinitigan ko ang kulubot na mukha ni Katerina. Tama. Ito na ang oras para wasakin siya— kahit hindi ko pa nakukumpleto ang pag-aaral sa seal.. "Bakit ganyan ka makatingin sakin mahal na Hari? Parang pinapatay mo ako sa titig ah? Alam ko kung nasaan ang iyong anak. Kung gagawin mo ang panghuling gate, sasabihin ko kung nasaan siya." Napapayag ako sa kagustuhan niya. Kapag nakuha ko na si Aster, saka ko iaactivate ang Caeli Sigillum. Nang-uto ako ng isang Marquis para makarating ako agad agad sa isang tagong bayan. Tumuntong ako sa pinakamataas na tuktok ng pinakamalapit na bundok kung saan kitang kita ang kabuuan ng buong bayan. Itinaas ko ang dalawa kong mga kamay. "PORTA IMPOTENTIS TERRA!" Yumanig sa buong kabayanan. Nagsimulang umingay dahil nagsisigawan ang mga residente. "INFINITA CATENA!" nagliwanag ang mga palad ko, pagkatapos ay nagsilabasan dun ang mga kadenang walang katapusan ang haba. Hindi sila nakikita ng mga mata ng ordinaryong tao. Tinawid nila ang kalawakan ng gabi at nagpalibot sa buong bayan. Pinasadsad ko sila ng ilang pulgada sa ilalim ng lupa para hindi kaagad magsara ang mga bitak na nilikha ng lindol. Hindi kasi basta-basta ang mga bitak na yun dahil patterned yun batay sa ibinigay na pattern ni Katerina. Nanghina ako nang matapos ang buong proseso. Dumausdos ako at napasalampak sa batuhan. Hindi maaaring maging parte ako ng maagang pagkagunaw ng mundo. Pero bakit?! "—Siya ba ang nauto niyo para gawin ang pitong seal? Ang galing naman talaga!" Nag-angat ako ng paningin sa nagsalita. "ASTER?!" bulalas ko. Siya nga ang anak ko. May kasama siyang isang babaeng kilala ko sa mukha. Isa yung doktora na nakita ko dati sa pampublikong ospital. May kakatwa sa babae. Sigurado akong kaparehong kapareho niya ng life-force si— Itinaas ni Aster ang kanan niyang kamay tas naglagablab dun ang ang apoy na kulay itim. "Hindi mo ba ako natatandaan mister? Uto-uto ka talaga kahit kailan." sabi niya. Tinawag niya akong 'Mister'?! "Nagkadaupang palad na ba kayo dati Master Hyun?" tanong kay Aster nung babae. "—Oo Naiad. Sila yung ipinain nina Redder para lang hulihin ako. Siya din yung inutusan kong sirain ang mga aklat ni Orpheus na puro tungkol sa kung paano inenegate ang mga epekto ng reverse Alchemy." Naoverload yata ang utak ko sa mga pinagsasabi nila. "S-sandali Aster? Hindi kita maintindihan! Halika na, sumama ka na sakin—" "Oy mister, hindi ako si Aster kaya tigilan mo ang kakatawag sakin ng pangalang yan! Nagpakita lang ako sayo dahil nakakaawa ka. Tingnan mo ang sarili mo— NABABALIW KA NA SA DAMI NG NAWAWALA SA'YO!" Sumadsad ang mga kamay ko sa lupa. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Tama nga ang sinabi ni Medea na may ibang nananahan sa katawan ni Aster. Malamang, ako pa ang dahilan kung bakit yun nangyari sa bata— Inasinta ako ni Aster ng itim na apoy. Apoy yun ng Erebus at hindi yun basta basta namamatay. Humampas ang apoy sa hindi nakikitang barrier. Kasabay nun, tinangkang dagitin ng napakalaking taong-ibon sina Aster. "Hindi kami papayag na saktan niyo ang mahal na Hari!" "Mahal na prinsesa, Lord Race? Anong ginagawa niyo dito?" Itinayo ako ni Lord Race at itinulak sa bukas na lagusang gawa ng prinsesa. Sumunod din sila kaagad sakin. Nagbalik lang kami sa aking mansyon. "Ito ang pinakaligtas na lugar para sa'yo mahal na Hari. Pakiusap wag ka munang aalis ng iyong mansion—" Huwag umalis? Hindi ko magagawa yun— "KAMAHALAN SAAN KA PUPUNTA?!" "Babawiin ko ang anak ko sa mga lapastangang yun!" giit ko habang tinutungo ang main door. "PERO KAMAHALAN—!" Nahawakan ko na ang seradura ng main door nang may maulinigan akong presensya sa labas. Itong pinto lang ang pagitan namin ng estrangherong yun. Binuksan ko pa rin— Tumambad sa akin ang bulto ni Noir. Hinang-hina ang hitsura niya. Maayos-ayos pa naman ang pananamit niya pero sira ang kanang manggas. Exposed ang braso niyang duguan. Napasalubsob ang mukha niya sa dibdib to tas niyakap niya ako. "—Patawarin mo ako. Binigo kita. Pero tumakas ako. Hinding hindi na kita pababayaan mula ngayon." Ano'ng drama ang pinagsasabi ng lalaking to? At saka bakit ngayon lang siya nagpakita? Saan siya nagexcursion?! Unti unti siyang bumibigat at paluwag nang paluwag ang yakap niya. Yun pala ay nawalan na siya ng malay. Mabuti na lang at naalalayan ko siya bago siya nasadsad sa marmol na sahig. "Kamahalan—" chorused na tawag sakin ng mag-asawang makulit na nasa likuran ko. Nilinga ko sila. "Tulungan niyo akong buhatin siya. Ang bigat eh." Umandar ang katamaran naming tatlo. Gumawa na lang si Minerva ng lagusan straight papunta sa isang bakanteng kwarto ng mansyon kaya ilang talampakan lang siguro ang distance na binuhat namin si Noir pahiga ng kama. Inabisuhan ko ang mag-asawa na iwan na ako sa silid para makapagpahinga na sila. Ang una kong ginawa pagkaalis nila ay pinunasan ko ang braso ni Noir. Nung mawala ang dugo, nakita ko nang mas malinaw ang markang napansin ko kanina. Malabo yun pero parang palinaw nang palinaw. Nung hawakan ko ang isang marka, namangha ako dahil nawala yun na parang bula! Ganun din ang nangyari sa lahat ng marka nung hawakan ko. Biglang bumalikwas ng bangon si Noir akala mo walang nangyari. Tas yumakap na naman siya sakin. Hayup. Yumayaoi na naman kami dito. "Hio.." bulong niya. Siya lang ang bukod tanging maginoong bampira na tumatawag sakin sa palayaw ko. Usually pag yung mga tipong kasing galang niya, 'kamahalan' ang address sakin. At ano tong pakiramdam na bumalik sakin nung muli siyang nagpakita? Parang napuno ako ng pag-asa. Ewan. —— direk_whamba Opus 83 Hyperion's POV: "Nag-abala ka pa?" komento ko sa binibining naglapag ng tray na may lamang teapot at tasa sa coffee table. Matamis ang kanyang pagngiti. "Walang anuman ito kumpara sa pagmamagandang loob mo sa isang gaya ko—" Tumikhim ako. "Sinabi ko naman sayo na isa ka ring maharlika kaya hindi mo na kailangang kumilos pa." May katigasan pa rin pala talaga ang ulo niya tulad ng dati. Pero ibang iba na siya ngayon. Hindi mo masasabing magiging ganun siya. Sa tingin ko nga ay mas bumagay sa kanyang kagandahan ang pagiging mahinhin at mahiyain. "Siya nga pala—" kinuha ko muna ang tasa mula sa tray at sinalinan yun ng tsaa. "—May bibisita sayo ngayong araw." "Sino? Ang aking kasintahan?" Umiling ako. "Ang iyong kuya. Nagbalik na siya mula sa kanyang paglalakbay sa kung saan. Kukunin ka na niya ngayon at pumayag naman ako; kaya ayusin mo na ang iyong mga dadalhing kagamitan." Takot ang ekspresyong bumago sa maamo niyang mukha. "Pero ginoo.. Wala akong natatandaang mayroon akong nakatatandang kapatid—" "Magtiwala ka sakin. Hindi kita basta basta ipagkakatiwala kung kanino lang." Humugot ng isang malalim na hininga ang binibini. "Tama. Nagtitiwala ako sayo ginoo. Isa pa, sobra sobra na ang iyong nagawang pagkakawanggawa para sa akin. Aayusin ko na ang aking mga gamit." Pinanood ko siyang tumalikod at lumabas ng silid. May isang taon na rin buhat nung dinala siya dito ni Div Umbra nang walang maalala kahit isa. Si Lady Patricia.. Ipinatapon siya sa malayong lugar; na nagkataon namang lugar na tinutuluyan ko. Paborito ko kasi ang Norteng panig ng mundo dahil sa malamig na klima. Hindi ako charitable na bampira subalit nasa kanila ang simpatya ko at si Ganymede ang may kagagawan kung bakit nawala ang mga alaala ni Lady Patricia. Ewan ko na sa Ganymede na yun kung bakit ang hilig niyang magvolunteer na gawin ang mga bagay na labag naman talaga sa loob niya. Speaking of Ganymede.. Matagal na siyang namayapa. Noon pang gabi matapos ang kasal ni Prinsesa Minerva. Ang lokong yun. Ni hindi man lang humingi ng tawad sa kanyang ate bago nahimlay. Hindi rin niya inisip ang mga fans ng Tuna Wars. Madalas niya noong sabihin sakin na namumuhi siya sa kanyang sarili dahil sa taglay niyang kapangyarihan. Wala daw yung silbi kundi ang manira ng buhay ng iba. Bat ko ba siya biglang naalala. Sabagay, ako lang naman yata ang nag-iisang nilalang dito sa mundo na hinding hindi siya malilimutan. Inubos ko ang isang tasa ng tsaa bago nagtungo ng maindoor dahil naramdaman kong dumating na ang panauhin. Pagdating dun, bukas na ang main door. Si Lady Patricia ang nagbukas para sa bisitang si Lord Noir. Niyakap ni Lord Noir ang nakababata niyang kapatid na hindi alam kung paano magrerespond sa kanya. "Lord Hyperion, maraming salamat sa pagkupkop sa aking kapatid. Hayaan mo at susuklian ko ang iyong kabutihan loob—" "—Hindi na kailangan. Masaya ako dahil may nakasama ako dito sa aking tahanan." Ipinahatid ko sila sa aking farer pagkatapos ng aming maiksing kwentuhan sa drawing room. Natira akong mag-isa sa mansyon dahil kahapon ko pa dinismiss ang mga utusan ko. Umakyat ako ng ikalawang palapag tapos ay pumasok ng aking silid. Binuksan ko ang drawer na nasa kaliwa ng aking kama. Inilabas ko mula dun ang isang punyal. Matagal ko nang napagdesisyonan na gagawin ko ito pagkaalis ng dukesa sa aking poder. Nagsasawa na ako sa matagal na pamamalagi dito sa mundo. Wala nang kwenta ang monarkiya habang lumalaon pero ayoko namang makialam sa mga usapin. Mayroon bang manghihinayang kapag nawala ako? Pakialam ko sa kanila. **** Hio's POV: I am walking in this valley of tears, Facing all of my fears Looking for you my Imperial Qu—eeeHEM! "—REEEEEI PUMIYOK KAAAAA!" Umubo ng umubo si Rei pero patuloy pa rin sa pagkanta kahit nasita na siya ng guitarist nilang si Ace. —Willing to give you my everything. In this solitary life, I'll do everything to make you mine— "Ops sorry, nawala yata ako." I apologized tas nagpluck ulit sa hawak kong electric guitar. Nilingon ako ni Akira, ang lead guitarist at nag-iisang babae ng grupo. Bali tatlo na kaming nasa rhythms. Epal ako. "Ayos lang yun." sa sobrang tipid niyang magsalita, mapagkakamalan mo siyang pipi. Ganun ko din madedescribe ang drummer na si Cy. Wirdo ang bandang to. Kombinasyon sila ng dalawang maingay at dalawang tahimik. Ang bandname nila ay Black Imperium. Sila ang main attraction ngayon dito sa Feral kahit lahat sila ay tao. Inaya nila akong makijamming sa practice nila upstage nung marecognize nila ako. Kilala pa rin pala ang ForMad kahit matagal na kaming disbanded. Nagpunta ako dito dahil pinilit ako ni Noir. Me surpresa daw siya sakin. Mahal na mahal talaga ako nun, ano sa palagay niyo? Pero nagpunta rin ako dito para magchill. Luto na ang utak ko these past few days kakaaral ng kung anu anong magic circle. I know kailangan kong mabawi ang anak ko sa lalong madaling panahon; pero walang mabuting dulot ang bugso ng damdamin at pagmamadali. Kailangang magplano, magsiguro. I am ready, serbisyong totoo! I'll run across the lake of fire, Just to have you mine. But with this rose, blood showers throughout the earth. Now that it is all clear, my love for you wasn't enough to bear— I dropped the next note pagkakita ko sa bagong dating na chix. Uneasy siyang tingnan, nakacross ang mga arms niya at nagpalinga linga sa paligid. You'll get the impression na para bang hindi siya sanay sa ganitong lugar. My eyes are closed, my heart is cold. Pain lives in here, cries aloud for you to hear.. Tuloy pa rin sa pagkanta si Rei kahit acapella pa. Performance level talaga ang lalakeng to kahit sa practice. Imperial Queen, spare me some love, make it be enough.. Hinubad ko ang strap ng gitara tas bumaba ako ng stage. "Shall.." Hinablot ko ang magkabilang balikat niya. Siya nga si Shall! Nakisabay ako sa pagkanta ni Rei ng last lines habang nakatitig sa mukha ng nag-iisang dukesa ko— Make me walk out of this mess, and forever live with you in madness.. Ngumiti si Shall. Ready na ako kung bubugbugin niya ako. Hindi ako iilag pramis. "Ang ganda naman ng boses mo ginoo!" ang sabi niya. WHAT? Ano daw?! Dati rati naman sinasabi niyang ampanget ng boses ko. Tapos— OGAD SHE'S SICK! Umentra si Noir sa eksena. May ibinulong siya kay Shall. "Naku po! K-kayo ang mahal na Hari? Aay sorry po—" may balak pa ata siyang lumuhod kung di ko lang napigilan. "Naano ka?" amused kong tanong. Alam kong may amnesia siya pero expected kong gaya pa rin ng dati ang ugali niya. "Nagbago na talaga siya." ani Noir habang umiiling. "—K-kuya, pwede na ba akong umalis?" nahihiyang rekwes ni Shall. Tae. Di ako sanay na ganito siya 'kahinhin'. Nakakapangilabot. Pero mga dre, bumaligtad na ang mundo namin. Ako na ang boss ngayon! Wooh. Hinigit ko siya at niyakap sa harap ng mga waiter at ng Black Emperium. Nagdrumroll si Cy. Sumigaw naman si Ace. "Pare syota mo?! Bangis!" "G-ginoo—ah eh m-mahal na Hari, a-anong ginagawa mo?" "Private property kita at iuuwi kita sa mansyon ko!" "Eeh? N-naku wag po.. Magagalit ang k-kasintahan ko.." KASINTAHAN MY ASS. "Sino?" "—D-Div po ang pangalan niya.." Binitawan ko si Shall pagkarinig ko sa pangalan. Nangako ako sa abo ni Medea na hindi ko na sasaktan si Div Umbra. Kung gusto talaga niya si Shall, I guess magpaparaya na lang talaga ako. "Sige alis na." pagtataboy ko kay Shall. "Noir, ihatid mo na siya kung saan man siya nakatira." Nung nakatalikod na silang dalawa, nahuli kong lumingon sakin si Shall. Ingat ka. Pakasaya kayo. Napatoma tuloy ako ng de oras. Inaya ko ng inuman ang Black I. Inabutan kami ng bar opening at pinacancel ko ang live nila dahil sinagot ko ang talent fee nila, pati bar fine! Si Akira ang gunner dahil di siya umiinom. Si Cy, nalunod na yata sa toilet bowl. Kanina pa nagpaalam na magCCR pero hindi na nakabalik. Habang nag-iinuman, nagtotong its kami ni Ace na nakakadistract ang pulang buhok. Hustler ang loko. Sa baraha pa nga daw niya nakuha ang screen name niyang 'Ace' at nung tinanong ko siya kung anong real name niya, ayaw sabihin. Hula ko mabantot pangalan nento. Parang PROCOPIO LADLADBIBE ganun. Bahala na si Noir pag napulis kami due to illegal gambling. "—Pare di ba yung chikas na niyakap mo kanina eh yung dating vocalist ng ForMad?" "Oo." tipid kong sagot. "Wag mo sabihing type mo yun Ace? Taken na nga di ba?" nagreact si Rei pero kay Akira siya nakafocus. Umakbay pa. "Akirababes comment ka naman diyan—" tingin ko may gusto siya sa guitarist nila. Hindi lang gusto, pinagnanasahan pa! Hot naman si Akira. Fashionista yun nga lang kilos manang. "Wala akong maisip sabihin." sagot nun. Tas itinuro ang mga babae sa karatig table na parang nanlilisik kung makatingin. "Ipapakulam na naman ako ng mga yan pag di mo ako nilubayan." "Hey guys!" sabi ni Cy pag-upo niya sa table. May kabuntot na siyang mga chix pero hindi makalapit sa table namin. Kasing tahimik siya ni Akira pero mukhang siya ang may pinakamaraming swooner. Masasabi kong masarap kasama ang Black I kahit first time ko lang silang makabonding. I became their fan, at hindi na ako magtataka kung isang araw eh bumibili na ako ng album nila o ng concert ticket. Pag-uwi ko sa mansyon ko bandang alas tres ng madaling araw, mabilis nagwear-off ang pansamantalang saya ko especially dahil mag-isa na lang ako. Pumunta kaagad ako sa workspace ko. Isang bakanteng kwarto yun sa west wing ng mansyon na walang laman kundi puro drawing ng magic circles at pentagrams. Kinuha ko ang marker na nakakalat sa sahig at nagpalinga linga. Kung saan ko trip magdrawing, dun ako nagdodrawing. Madalas sa sahig at pader. Minsan sa kisame. Sa pader ako gumuhit ngayon. Huminto ako halfway sa pagsusukat sukat at pagkakalkula. "Katerina, bakit ka nandito—?" Nang lingunin ko siya, nagtaka ako. "Ophelia? A-anong ginagawa mo dito?" "Magandang paumaga mahal kong Hari." Napaatras ako nung lumapit siya sakin. Unlike before, nakakakilatis na ako ngayon ng daloy ng life-force sa isang nilalang. Para iyong fingerprint na unique sa bawat isa. At yung kay Ophelia— "Nagbabalat-kayo ka ba o—" imposible ang naiisip ko eh. "Sige ituloy mo kamahalan.." Everything makes sense now. Kung bakit laging nandodoon ang isang Ophelia sa mga oras na nasa bingit ako.. Hindi yun dahil sa kabaitan kundi dahil kailangan niya ako. "Merged existence.." mahina kong wika. Hindi ako sigurado kung tatlo nga lang ba talaga ang merged existence ni Katerina. Maaaring apat o higit pa— Nabasa ko lang ang tungkol dun. Ang mga nilalang ay may tinatawag na 'branches of destiny'. Ibig sabihin, lahat tayo ay may ilang libong alternative self na sabay sabay nabubuhay sa iba't ibang dimension under different circumstances, time, and place PERO sa lahat ng yun ay iisa lang ang nasa ating consciousness. Ang branches of destiny sa madaling salita, ay parang isang karambola na naglalaman ng lahat ng 'what we are', 'what we want to be' at 'what we don't want to be'. NORMAL IYON. Ang abnormal ay ang isang nilalang na nabubuhay nang sabay sabay ang magkakaibang alternative lives INSIDE ONE DIMENSION. Pumalakpak si Ophelia. "Napakatalino mo talaga aking Hari. Mahirap paniwalaan pero ito ang orihinal kong existence sa dimensyong ito." ngumuso siya. "Hindi ko sinasadyang galawin ang aking mga alternative lives kaya hayun. Napakinabangan ko naman sila eh." Lalo pa siyang lumapit sakin hanggang sa natrap niya ako sa pader. Sinalat niya ang aking mukha. "Bakit ka ba nandito? Hindi ka naman siguro nagpunta dito para lang ibunyag sakin ang lihim mo?" panunuya ko. Dahil sa nalaman ko, kailangan kong irevise ang Caeli Sigillum. "Gusto ko lang ipaalam sayo ang dalawang bagay. Ang una, itatalaga kong Prinsipe si Redder Black—" Ang pierrot na yun? Kakampi ba niya yun? "Wala akong pakialam. Gawin mo ang gusto mo. Ano yung pangalawa?" Tumamis pa yata ang ngiti niya. "—Pakasalan mo ako." Tss. Sagad na siya sa hiling ah. Kung hindi pagpapanggap yung mga kabaitang ipinakita niya dati baka pwede pa. "Ayoko." "Gagawin mo ang gusto ko hindi ba?" nagbabanta ang kanyang mga titig. Mayamaya, marahan akong tumango. Kinabig niya ako at sinimulang halikan sa mga labi. Nakuyom ko ang mga palad ko nang sobrang higpit. Sa sobrang higpit, napadugo ko ang mga yun. Humanda siya dahil pagbabayarin ko siya sa lahat ng ginagawa niya sakin. —— Acknowledgement: Black Imperium Band ay talents ni @BlackAndWhiteAssassin Imperial Queen ©2012 BlackAndWhiteAssassin direk_whamba Opus 84 Div Umbra's POV: Hindi ko kinasanayang gumamit ng pinto kapag papasok ng isang tahanan o silid. Mas palagay akong lumulusot mula sa mga anino. Subalit ngayon ay nasumpungan ko ang sarili ko sa harap ng pinto at kumakatok pa nga. Pinagbuksan ako sa ikatlong katok. "Kamusta? Akala ko ay hindi mo na ako matutunton?" ang bungad sa akin ni Patricia. Saglit akong ngumiti ngunit napawi yun nang makita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. "Nagkita na kayo?" "S-sino ang tinutukoy mo?" gulat niyang tanong. Nilagpasan ko siya at pumasok sa loob ng kanyang tinutuluyan. Humarap ako sa malaking bintana at tumingin sa kawalan. "Ang mahal na Hari." Lumapit sakin si Patricia at hinigit niya ang braso ko. "Bakit ganun? Bakit ako biglang nakaramdam ng lungkot nung nakita ko ang lungkot sa mga mata niya? Ano siya sakin? Bakit ganito ang—" Pumihit ako paharap sa kanya. "Aalis ako at wag mo na akong hihintayin pa dahil hindi na ako babalik." "Saan ka pupunta?" Umiling ako habang inaalis ang kamay niya sa pagkakahawak sa braso ko. "Ibabalik kita sa iyong Hari." Nagsimulang umiyak si Patricia. "Paano ako? Kailangan kita—" Niyakap ko siya sa huling pagkakataon at bumulong nang napakahina. "Hindi ako ang kailangan mo. Maniwala ka." Wala na akong nakikitang rason para wag siyang pakawalan. Gawa ng aking pagkatao, may mas mahalaga pa kaysa sa pag-ibig. Iyon ang paniniwala ko. Hawak hawak ko ang kamay niya habang nasa loob kami ng karwahe ng isang farer. May ilang minuto kaming naglakbay sa dilim bago nakarating sa tapat ng tarangkahan ng mansyon ng Hari. Binuksan ko ang tarangkahan at iniwan ko si Patricia para tahaking mag-isa ang malawak na hardin. Matagal na akong hindi humaharap sa mahal na Hari. Marahil ay nagagalit o nagtatampo din siya sakin minsan. Pero alam kong hindi niya panghahawakan yun nang matagal. Ngunit kahit ganun, iiniiwasan ko na baka kapag nagkita kami ay magkasakitan pa kami. Ayoko siyang kalabanin kahit kelan. Pagkatapos kong maihatid si Patricia, tumungo ako sa mansyon ni Lord Redder, sa Kenningston pa rin. Hinihintay niya ako sa isang madilim na silid. Sa kisame ay may nakabaligtad na mga upuan at mesa. Sa mesa ay nakapatong ang baliktad ding mga kaartehang pangtsaa. Nakaupo si Redder sa isa sa mga upuan at nagbabalasa ng kanyang mga baraha. Bumunot siya ng isa at ipinukol sa direksyon ko. Mabilis akong kumilos. Hiniwa ko sa dalawa ang barahang yun gamit ang aking espada. "Hindi ako nagpunta dito para makipaglaro." reklamo ko. Umismid si Redder. Binitawan niya ang mga baraha at nalaglag ang mga yun na parang ulan. Pinagdiskitahan niya ang teapot at nagsalin ng tsaa sa isang tasa. "Napakaseryoso. Kaya wala kang bwenas sa babae eh—" Ang walangyang payaso na to! "Oh wag kang magalit! Halika na dito." Tumalon ako sa kisame at bumaligtad. Naupo ako sa silya katapat ni Redder. Ibinaba ko ang lumalaylay kong amerikana. Pati ang buhok ko ay nagulo na. Hindi talaga ako komportable nang nakabaligtad ang center of gravity. Pero si Redder parang wala lang. Nagawa pa nga niyang kontrolin maging ang gravity ng iniinom niyang tsaa. "Sino ka bang talaga? Nagpapanggap ka bang bampira?" panimula kong tanong. Mahirap unawain ang pinagmulan ng isang Redder Black. Napakamisteryoso. Wala kang mababakas na kakaiba sa aura niya. Ni wala ngang paniki ang may impormasyon tungkol sa kanya. Dahil sa kanya, naniwala ako sa salitang 'imposible'. Marahang ibinaba ni Redder ang tasa matapos humigop ng tsaa. "Kapag sinabi ko ba sayo, maniniwala ka?" "Hindi. Sige wag mo na lang sabihin." "Alam mo bang magiging Prinsipe na ako? Hahahah! Nakakatawa." Nagulat ako. "Wala pa namang anunsyo ah?" Sumeryoso ang anyo niya. "Alam ko. Pero sinasabi ko na yun sa'yo. Yun ang naiisip nilang paraan para limitahan ang kilos ko." "Sino ba ang mga kinakalaban mo? At bakit?" Nagbalik ang ngiti ni Redder. "Wala akong kinakalaban. Hindi maaari. Sabihin na lang nating maraming kalat at kailangang linisin." "Hindi kita maintindihan." komento ko. "Div Umbra, hindi mo ako kailangang intindihin dahil hindi mo naman alam kung ano ako. Hindi kita pinapunta dito para isiwalat sayo ang mga lihim ko. Nandito ka para sundin ang iuutos ko sa'yo." Kumunot ang noo ko. "At bakit kita susundin?" "Dahil sa pangingialam mo, hindi nagtagumpay ang aking Caeli Sigillum. At dahil Caeli Sigillum nga yun, matagal at komplikado ang paggawa niyon. Alam mo bang aabutin ako ng panibagong kalahating taon bago ulit makapagcast?" "Wala akong pakialam." sagot ko sabay tayo. "Ibang klase. Ayaw mo man lang bang alamin kung ano ang ipagagawa ko sayo?" Tinalon ko ang kisame at walang ingay akong lumapag sa marmol na sahig. Naglakad ako papunta sa madilim na sulok ng silid. Sumanib ang katawan ko sa kadiliman. "—Kilala mo ang anima ng liwanag di ba? Makabubuting bantayan mo siya. Oh kung ayaw mo, bahala ka." pahabol ni Redder bago ako tuluyang nawala. Ang anima? Bakit gusto niyang protektahan ko ang anima? Yun ba ang target ng mga kalaban niya? At bakit niya sinabing 'Anima ng liwanag'? Ibig bang sabihin nun— Nasapo ko ang aking noo. Orpheus.. Bakit ang anak mo pa? **** Hio’s POV: Pinili ko ang wag kumurap habang nakatitig sa bampirang pinagbuksan ko ng pinto. Nahihiya siya sa puntong hindi niya kayang tumingin sa aking mukha. Walang anu ano'y ginagap niya ang aking mga kamay. Hinablot niya ang skirt ng kanyang bestida at pinahid ang mantsa ng tinta doon. "Kamahalan, hindi bagay sa inyong mga mapuputing kamay ang may mantsa." Napasinghap ako nang matamaan niya ang pasa ko sa may braso. Akala niya ay tinta din yun. Pero nahalata rin niya kung ano yun. Itinigil niya ang pagpupunas at itinaas niya ang manggas ng damit ko. Napakagat labi ako. Nakita niya. "Ano ang mga yan? Bakit tadtad ka ng pasa kamahalan?" Mahirap sagutin ang katanungang yun. Siguro kung tao ako, madali lang magbigay ng sagot. Sasabihin ko lang na sumali ako ng frat at nagpahazing. Acceptable na yun. Kaso mo ay bampira ako kaya unusual ang nakita niya. Paano ko ba sasabihin sa kanyang hindi libre ang ginagamit kong kapangyarihan? Na kailangan kong magwaglit ng pitak ng aking kaluluwa para lang gumawa ng mahika? Maiintindihan ba niya? (A/N: Ang alchemy ay isang principle kung saan pinapractice ang equivalent trade; wherein kailangan mong tumbasan ang gagamitin mong kapangyarihan. And in Hio’s case, ginagamit niyang catalyst ang sarili niyang soul para makagawa ng mga magical gates.) "Bakit ka nandito?" kinontra ko na lang ang tanong niya ng tanong din. "Hindi ba ang sabi mo ay magagalit ang kasintahan mo?" Yumuko siya tapos binitawan niya ang braso ko. Ibinaba ko na muli ang manggas ko. "Ang s-sabi niya ay kailangan kong pumunta sayo. Siya ang naghatid sakin dito. U-umalis siya at sinabi niyang wag ko na siyang hintayin dahil hindi na siya babalik." Div bakit mo to ginagawa? At saka saan ka pupunta? Hinawakan ko ang baba ni Shall at itinaas ang mukha niya. "Kung ganun ay bakit ka nga nandito? Hindi ba ang dapat mong ginawa ay sundan ang mahal mo? Porket sinabi niyang dumito ka ay susundin mo? Sunud-sunuran ka lang na parang aso at ayoko sa ganung klase ng babae." Pagsasaraduhan ko na siya ng pinto nang iharang niya ang kanyang mga braso. "SANDALI!" Niluwagan ko ulit ang pagkakabukas ng pinto. "Ano?" Nilakasan niya ang loob niya at tumitig sa mga mata ko. "Hindi ko sinunod si Div dahil sa inutusan niya ako. Ang sinunod ko ay ang nararamdaman ng puso ko. Hindi ka kilala ng utak ko pero kilala ka ng puso ko. Nung unang beses kitang makita sa bar, nakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na galak at nung magkahiwalay tayo, nalungkot ako tapo—" Narinig ko na ang mga gusto kong marinig mula sa kanya. Sapat na yun. Kinabig ko siya at siniil ng halik sa malambot niyang labi. Hindi na kami kagaya ng dati. Mas mahal na namin ang isa't isa ngayon. Sa dinami dami ng pagkakataong ipinahahayag ng tadhana na hindi kami para sa isa't isa, masaya ako at nagtatagpo pa rin kami sa isang intersection. Hinawakan ko ang kamay ni Shall at umakyat kami sa ikalawang palapag. Dinala ko siya sa aking silid at pinaupo sa bedside habang ako ay nakaluhod sa kanyang harap. Walang nagsalita saamin. Umubos ako ng napakaraming sandali para lang tingnan at hangaan siya. Siya ang aking dambana. Ang aking santwaryo. Hindi ko na hihilinging magbalik pa ang mga alaala niya dahil mas lalong magiging mahirap ang lahat. At kahit gaano ko pa gustong manatiling nakatingin sa kanya, darating at darating ang oras ng paghihiwalay. Tumayo ako tas lumapit sa kanya. Inosente niya akong tinitingnan na waring hinuhulaan niya kung ano ang gagawin ko. Inilagay ko ang palad ko sa kanyang noo. "Nagpahintay na ako noon sayo, magagawa mo pa ba akong hintaying muli?" "Gaano katagal?" pabulong niyang tanong. "Mas matagal pa sa isang taon." "Hmm.. Paanong mas matagal sa isang taon? Dalawang taon ba?" Umiling ako. "Habambuhay. Kaya mo ba yun?" "Habambuhay? Kapag namatay ako ibig sabihin makikita na ulit kita?" Umiling akong muli. Tumulo na ang luha sa mga mata ko. "Hindi. Hindi ka maaaring mamatay. Nagpapahintay nga ako sayo di ba? Maging tapat ka sakin. Hindi na kita papayagang mapunta ulit sa iba. Akin ka lang. Hindi kita ibibigay sa Diyos o kay Satanas." "Ano bang sinasabi mo kamaha—" Dahan dahang pumikit ang mga mata niya at walang ingay siyang napahiga sa kama. Binuhat ko siya at inihiga sa isang kabaong na nakita ko sa stockroom. Pinuno ko ng pulang rosas mula sa hardin ang paligid ng hinihigaan niya. Bago ko tuluyang isinara ang kabaong, pinagpatong ko ang mga kamay ni Shall. Dinama ko rin ang kanyang malambot na pisngi. Naghukay ako sa likod-bahay at sinakto kong six feet ang lalim. Maingat kong ibinaba doon ang kabaong at saka tinabunan ng lupa. Kunwari isa lang akong bata na nagbabaon ng time capsule. Pero hindi yun ang ginagawa ko. Isa akong tangang hari ng mga bampira na nagbaon sa lupa ng kanyang pag-ibig. Sana.. Sana paglipas ng mga taon ay ako pa rin ang maghuhukay dito at hindi ibang nilalang. —— direk_whamba Opus 85 Hio's POV: Limang buwan.. Yun ang eksaktong panahon na lumipas bago ginanap ang seremonya ng aking ikalawang kasal. Ang isang importanteng seremonya para sa isang hari ay marapat ganapin sa lalong madaling panahon. Ang pagpapaliban sa kasal ng napakaraming buwan ay nangangahulugang may mas importanteng bagay pa ang magaganap pagkatapos niyon. "—Ayon sa aking kompyutasyon, dadalawa lang ang alternative existence ng Destroying Angel. Samakatuwid, tatatlo lang sila; isama mo pa ang Alchemist na si Ji Hyun na bihag ang katawan ni Aster. Ito ang aking pagsusuma—Sa apat na yun, iisa lang ang may kapangyarihang katulad ng sa akin at sigurado akong si Naiad yun. Hindi totoong kaya niyang bumura ng eksistensya sa isang pitik lamang. Kailangan pa niyang hawakan ang kanyang target. Sa itaas na palapag ng palasyo nakaguhit ang unang seal na ako mismo ang gumawa. Sa oras na makakuha sila ng catalyst, kikilos ang may hawak ng Erebus para paganahin ang anim pang seal. Makinig kayong dalawa sa akin— iisa lang ang pagkakataon natin. Walang maaaring magkamali." Habang naghihintay ako sa aking mapapangasawa na naglalakad sa aisle, paulit ulit sa akin ang huling napag-usapan namin ng Prinsesa at ng Vizconde. Tama sila. Hindi ko magagawa ito nang nag-iisa. Kinakabahan ako at natatakot. Ayokong mabigo. Ayokong matalo. Pag-asa, tulungan mo ako. **** (3rd Person) "Mahal na prinsipe, bakit po ninyo ako ipinatawag? At bakit hindi po kayo dumalo sa kasal ng mahal na hari—" nagsasalita habang payukod ang ministrong si Zandros sa kanyang kamahalan. Ngingiti ngiti siya sapagkat tila yata may paggiliw para sa kanya ang mahal na prinsipe. Sikreto siyang nakipagtagpo dito sa mansion nito sa London. Nagdekwatro ang prinsipe habang nakaupo sa kanyang magarang silya. "Alam mo bang insulto para sakin ang maging prinsipe gayong may mas nakatataas pang opisyal kesa sakin?" "H-ha?" gulilat na tanong ni Zandros. Sinenyasan siya ng prinsipe na lumapit. "Ibigay mo sa akin ang mga katibayan na ang ina ng mahal na Hari ay dating tao at naging alipin ng isang Konde na pinatay niya." Nagimbal ang ministro sa mga sinabi ng prinsipe. "P-paano mo nalaman ang tungkol sa bagay na yan?" "Makinig ka—" hinigit ng prinsipe ang kwelyo ng ministro. Lalong naglapit ang mga mukha nila. "—isa lang yan sa mga bagay na alam ko tungkol sa pagkatao ng mahal na Hari. Pero tama na siguro yan upang mapatalsik siya sa kanyang trono." "Pabor ako kung mawawala sa kanya ang trono, pero—hindi ikaw ang gugustuhin kong maging Hari!" ani Zandros. Natawa ang prinsipe sa litanya ng ministro. Tumatawa pa siya nang marahas niyang binitawan ang damit nito. "Hahah! Sige sige umalis ka na bago pa ako maasar sa pagmumukha mo. Wag mong kakalimutan ang ipinagagawa ko sayo—" "HINDI AKO HANGAL PARA GAWIN ANG INUUTOS MO! Tiyak na madadawit at madadawit ako sa usaping yun sa oras na talakayin iyon!" biglang sinugod ng ministro ang mahal na prinsipe. Halos gahibla na lamang at matutusok na ng mahahaba nitong mga kuko ang kanyang mata. Subalit parang natigilan ito. Inilayo niyon ang kamay sa kanya. "Sinabi ko naman sayo Redder, hindi siya madadaan sa santong dasalan." nag-iba ang tono ng matandang ministro; waring kinakausap niya na parang kaibigan ang prinsipe. Ngumisi lang si Redder. "Bagay sayo ang katawang yan Harlequin. Hahahahaha!" Dinuro ng ministro si Redder. "Bwiset! Nang-aasar ka ba? Ayoko ng matanda at kulubot na katawan! Ginagawan lang kita ng pabor!" "O siya.. Gawin mo na ang dapat mong gawin." **** Iniabot ng sugo ang tig-isang punyal sa dalawang mag-iisang dibdib; isa para sa baronesang si Ophelia, at isa para sa mahal na Haring si Hio. Tinitigan ni Hio ang punyal bago sumulyap sa kanyang kabiyak. Sinugatan na niyon ang palad at umaagos na ang dugo. Inilapit doon ng sugo ang chalice upang masalok ang dugo. "Kamahalan, pagkakataon mo naman." nakangiting paghihikayat ni Ophelia sa Hari. Muling bumaling si Hio sa punyal. Ipinatong niya ang talim niyon sa kabila niyang palad at— Tswik! Nagulat ang lahat nang lumipad ang punyal at bumaon sa noo ni Ophelia. Lumapit si Hio kay Ophelia at niyakap ang Baronesa na akala mo ay nag-aalala. Pagkatapos ay inilagay niya ang kamay sa leeg niyon. "Kailangan ninyo ng pinagsamang dugo ng dalawang destroying angel hindi ba? PERO HINDI IKAW YUN!" Napaso ang leeg ni Ophelia sa kamay niya. Napaluhod ito at hindi maipinta ang pagmumukha sa hapding nararamdaman. "Paano mo—" hindi makatayo pa si Ophelia. Tila nakakulong siya sa isang masikip na hawlang hindi nakikita. "YUKI!" sigaw ni Hio. "Master—" tumugon kaagad ang kanyang alipin. Nagpalabas ito ng mga napakalaking bulto ng yelo na matatalas ang dulo. Nagsipag-angatan ang mga yun at bumaon sa kisame nang pabilog. Nagkagulo sa loob ng hall dahil walang may alam sa kung ano ang nangyayari. Marami na ang nagsilabasan dahil ayaw madamay sa gulo. Nang makaluwag sa may pintuan, pumasok si Race at ibinalibag niya ang dala niya nakagapos ang na si Katerina. Sumadsad ang katawan nito sa aisle hanggang sa sumalpok sa katawan ni Ophelia. Pansamantalang nawala ang barrier sa paligid ni Ophelia. Pagbalik ay nadagdagan ang sukat niyon at dalawa na silang nakakulong sa loob. "I-Inatake nila ang punong ministro!" sigaw ng isang konde. "Isang rebelyon ang nagaganap!" "Ano na ang gagawin natin!" Itinaas ng mahal na Hari ang kanyang kamay. "NIGER LAMINAE PETALORUM!" Mula sa kanyang kamay ay naglabasan ang libu libong maitim na talulot ng rosas. Sumayaw ang mga yun sa hangin. Ngunit wala pang ilang sandali ay inatake ng mga talulot ang mga bampira. Para silang mga punay na nagliliparan kung saan saan. "May lason ang mga talulot na yan na nakamamatay para sa mga bampira! Kung gusto niyo pang malunasan ang mga sarili niyo.. MAGSILAYAS KAYO DITO NGAYON DIN!" Sa narinig, nagtakbuhan ang mga natitirang maharlika palabas ng hall. Tumingala si Hio. Nagbibitak na ang kisame sa patuloy na pagbaon ng mga matutulis na yelo. "Portam secans ventus!" inasinta ko ng matalas na hangin ang kisame. Lumigid ang hangin paikot hanggang sa natuklap ang bahagi ng kisame. Unti unti iyong lumundo na naging dahilan para iyon ay bumagsak. CRAAASHH! Dahil malayo layo ng kaunti ang altar kung nasaan si Hio at mga bihag, hindi na kinailangang umalis pa sa pwesto ang mga ito. Nagkasya na lamang si Hio sa pagtakip ng kanyang mukha gamit ang braso mula sa mga debris. Nakatuntong sa ibabaw ng nalaglag na bahagi ng kisame ang target niyan destroying angel. Kaagad niyang binunot ang dala niyang espada na itinago niya sa loob ng suot niyang mahabang roba. "Katapusan mo na—" mahinang bulong ni Hio. Hindi na maganda ang pakiramdam ng katawan niya kaya't maiging tapusin na niya ang lahat habang maaga pa. Lumundag siya nang ubod ng taas. Mahahagip na sana ng kanyang espada ang ulo ni Naiad subalit sa isang kisap mata ay sadya niyang binitawan ang espada. Tumalsik yun ng ilang metro. "Aster.." Sinamantala yun ng batang pumagitna sa kanila ni Naiad. Nahagip nito ang damit niya kaya naibalibag siya nito patungo sa isang poste. "Itutuloy pa rin namin ang pagbubukas sa Portam Tenebrarum pagkatapos mong pumanaw!" anang bata sa Hari. Tumayo si Hio at dahan dahang lumapit sa bata. "A-anong nangyari?! Bakit hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko?!" nagpapanic na sigaw ng bata. “ARRGH! MASTER HYUN HINDI RIN AKO MAKAGALAW!” tili ni Naiad. Ngumiti si Hio nang magkaharap na sila. "Hindi ako nag-iisa. Wala naman sigurong masama kung humingi ako ng tulong hindi ba?— Race, Minerva, Yuki.. Tapos na ang pagtulong na ginawa ninyo. Umalis na kayo dito ngayon din!" “P-pero kamahalan—” ibig pang magprotesta ng tatlo pero tinitigan sila ng masama ni Hio. Gumuhit ng lagusan si Minerva; doon siya dumaan kasama sina Race at Yuki. Sa ilalim ng mga paa ng bata ay nag-activate ang isang magic circle. Inilapat ni Hio ang kanyang kamay sa dibdib ng bata nang siya ay makalapit dito. Pagbatak niya ay may kung anong puting usok ang sumama sa palad niya. Ikinabigla niya nang may tumakas na maitim na mga ugat mula sa katawan ng bata. Hinihila niyon ang kanyang kamay. Mas masahol pa sa linta ang mga iyon kung dumikit sa kanyang balat. "LUMAYO KA!" sumigaw ang bampirang biglang dumating at tumulak kay Hio palayo sa katawan ng bata. "Div? Anong ginagawa mo rito?" manghang tanong ni Hio. Iningatan niya sa kanyang mga kamay ang puting usok na nandodoon. Bahagyang lumingon sa kanya si Div, pagkatapos ay humarap muli sa bata at sa lumalabas na ugat sa katawan niyon. "Alam mo ba kung ano ang susunod mong gagawin?" "Susunod kong gagawin?" tanong ni Hio. "Kukunin ko ang Erebus, pagkatapos ay bahala ka na sa lahat—" mahinang tugon ni Div. "Ano ang gagawin mo sa Erebus?" bakit parang masama ang kutob niya? Bakit parang nararamdaman niyang ito na ang huli nilang pag-uusap? Ibinaon ni Div Umbra ang kanyang kamay sa katawan ng bata na waring may dinudukot. Kumapit kaagad sa kanya ang daan daang maliliit na ugat. Sa kanyang paahan, partikular na sa kanyang anino ay may umahon na isang misteryosang babae. Kumapit iyon sa binti niya. “Div wag mong kukunin ang Erebus! Hindi nay an kakayanin ng iyong katawan!” “Wag mo akong pipigilan Penumbra!” pagalit na sabi ng binata sabay tadyak sa babaeng may gapos sa kanyang binti. “Div wag!” nakipigil na rin si Hio buhat ng masamang kutob. “—K-kuya.. wag!” “Ano ang gusto mo Hio? Manatili sa katawan ng batang ito ang Erebus? Di katagalan at lalamunin ng itim na apoy ang kanyang katawan! Lubhang makapangyarihan para sa kanya ang Erebus lalo na at matagal na panahon na iyong nananahan sa kanya!” Marahas na ginagap ng bata ang kamay ni Div. “Sa akala niyo ay papayag akong kunin mo ang Erebus?!” “KUMILOS KA HIO! Wasakin mo ang kaluluwang umaangkin sa katawan ng batang ito habang kinukuha ko ang Erebus!” Hindi na malaman ni Hio ang gagawin— “Ako na lang ang kukuha sa Erebus!” pagpiprisinta niya. Ayaw na niyang saktan pa si Div.Tama na. “TUMIGIL KA! KAGUSTUHAN KO ITO! SUNDIN MO AKO KUNG ITINUTURING MO PA AKO BILANG NAKATATANDANG KAPATID MO!” Marahas na pumikit si Hio at huminga ng malalim. Naglaho siya at sa isang iglap ay nasa likuran na siya ng bata. “Exterminatore!” Lalong kumislap ang magic circle na nasa ilalim ng bata. Naghihiyaw pa iyon sa di maipaliwanag na sakit. Sinamantala yun ni Div at hinugot ang buong parasitiko papalayo sa maliit na katawan. Nang nabuwal ang bata, kaagad gumuhit ng isang maliit na hexagram si Hio sa leeg niyon gamit ang matalas na kuko; pagkatapos ay sinipsip ng maliit na hexagram ang puting usok na natipon sa kamay niya. Mas lalong nanghina si Hio pagkatapos ng ginawa niya; subalit hindi pa tapos ang lahat... —— direk_whamba Opus 86 Div Umbra's POV: Sumanib kaagad sa katawan ko ang Erebus. Gumapang pa yun pababa ng aking anino. Narinig ko ang tinis ng palahaw ni Penumbra. Natutunaw siya katulad ng kandilang nakasindi. Hindi lang siya ang nakakaramdam ng sakit dahil ganun din ako. Nalilipat patungo sa katawan ko ang pinagsama-samang kapangyarihan ni Penumbra, ng Nyx, at ng Erebus. Tumubo ang unang itim na pakpak sa aking likuran. Nagbabago na rin ng kulay ang aking balat— kulay ng abo. "U-Umbra!" itinaas ni Penumbra ang mga kamay niya. Daig pa niya ang nalulunod sa dagat na malalim. Ginagaw ko ang kamay niya ngunit parang tubig yun na tumakas lang sa aking kamay at tumalsik sa aking anino. Tumubo ang ikalawang pakpak. Nagdilim ang paligid. "Kuya.. Bakit ka nagkakaganyan?" tanong sakin ni Hio habang kalong niya ang batang pinahahalagahan niya. Habang may kontrol pa ako.. Hanggang dito na lang dapat ako. Sa ilalim ko, naging isang itim na lawa ang aking kinatutuntungan. Umangat ang libo libong patalim. Sa gitna nila ay nakahanda na ang bukas na sarcophagus. Hinayaan kong igapos ako ng mga kadena. "Kuya.." "Hinihintay na ako ng aking mga kaibigan. Ayokong mabalam sa aking paglalakbay." walang lingon-likod kong giit kay Hio para tigilan na niya ako sa kanyang pangungulit. Hindi na ako nakuntento sa paghila sakin ng mga kadena. Nilakad ko ang lawa patungo sa sarcophagus. Bandang huli ay napagdesisyonan ko ring lingunin ang bampirang pumuno sa malaking puwang ng puso ko. "Inaasahan kita. Ikaw na ang bahala dito." Ako ay nilalang ng impyerno subalit kahit kelan ay hindi pa ako nakakatapak dun. Pagkatapos ng aking mahabang paglalakbay sa mundong ito, panahon na nga talaga para umuwi ako. **** Hio's POV: Thud! Mabigat ang pagsasara ng bakal na sarcophagus pagkapasok dun ni Div. Kusang bumalot doon ang pagkarami raming kadena. Naghintay pa ako kung ano ang mangyayari. Napapikit ako nang kumilos ang mga patalim at sinibat nang sabay sabay ang sarcophagus. Pagkadilat ko, wala na yun at pati na rin ang itim na lawa. Nagpakatatag ako kahit pa kalunos lunos ang aking nasaksihan. Gumilid ako habang buhat ko si Aster. Inihiga ko siya sa tabi ng isang poste. "Caeli Sigillum.. " Nagsilutangan ang mga debris sa Ere tapos ay yumanig ang paligid. Nagmanipesto an napakalaking magic circle sa buong hall. Ang bawat linyang nakaguhit dun ay nagsipaggalawan. Ginapos nila ang tatlong nilalang na nagpahirap sa buhay ko nitong nagdaang dalawang taon. Ahh.. Nanghihina ako— di ko akalaing malakas humigop ng kapangyarihan ang seal na to! "Hindi mo matatapos ang seal na ito dahil wala ka nang natitirang lakas. Sa bandang huli ay makakatakas lang kami—" Gumalaw si Naiad. Ibig sabihin ay wala na ang epekto ng kapangyarihan ni Prinsesa Minerva. Nanlalabo ang magic circle! Pawala na ang epekto niyon.. ANONG GAGAWIN KO?! Ayokong mabalewala na lang ang lahat ng ginawa ko! May tumapik na kung sino sa balikat ko. Nilagpasan niya ako at nagtuloy tuloy siya papunta sa sentro ng Caeli Sigillum. Kilalang kilala ko siya sa pananamit, sa tindig at— "NOIR?!" Nakangiti lang ang loko. "Gusto mo ba talagang gawin ito?" ang tanong niya sakin. "B-baket ganyan ka makatanong?" "Wala naman. Wala nang second chance Hio. Sana ay mag-iingat ka." Ha? Ano yun?! Pagkasabi nun ni Noir, nagliwanag ng buong katawan niya. Sumanib siya sa seal at nag ibayo ang liwanag nun. Nagkalamat ang mga katawan ng tatlong Marya. What the hell is happening? PATI SI NOIR INIWAN NA BA AKO? Tang ina, bumalik kayo! Pshoong! Nahagip ako ng isang limipad na patalim na nanggaling mula kay Naiad. Masama ang tingin niya sakin habang nagkakandadurog ang kanyang katawan. "HINDI MO ALAM ANG GINAGAWA MO. ISINUSUMPA KITA SA HULING SANDALI NG BUHAY KO!" Hindi ko siya pinansin. Binunot ko ang patalim na bumaon sa aking kanang balikat. Pagkabunot ko nun, pakiramdam ko ay pinaso ako. Sobrang sakit! Nahagip ng paningin ko ang kung anong kakaibang marka sa aking collarbone. Nagtaka ako dahil wala naman ako nun dati. Inalis ko ang kurbatang suot ko at binuksan ang butones ng aking damit. Mas malaki pa ang mga nakita kong simbolong marka sa aking dibdib pababa. Inisip ko kung saan nagmula yun—napatingin ako sa hawak kong patalim. Kakaiba ang hitsura niyon. Parang gintong pin na may pulang bato. Iyon kaya ang pinagmulan ng marka?! Bahala na. Ang importante ay may lakas pa ako para maialis sa lugar na to ang aking anak. Binuhat ko si Aster. Hindi pa man din ako nakakarating ng pinto ay may kumalabit sakin. "Master!" si Yuki yon. Kasama niya si Prinsesa Minerva at si Race. Tsk. Bumalik pa talaga! Yumakap sakin ang prinsesa at tinapik naman ako ni Trace sa balikat. "Di ba ang sabi ko sa inyo ay umalis na kayo?" "Binalikan ka namin kamahalan para itakas!" "Itakas?" taka kong tanong. "Kamahalan, nagbaba ng hatol ang mga ministro at ang mahal na prinsipe. Tinanggal na sayo ang titulo ng Hari at ipinaaaresto ka na—" Hindi talaga ako tatantanan ng payaso na yun! Sandali lang.. Bakit.. Bakit lumalabo yata sila sa paningin ko? Lumalabo na ba ang mga mata ko? "Bakit—" pagtingin ko sa kanlungan ko, WALA NA SI ASTER! Mas lalong naging transparent sina Minerva. Sinubukan ko silang hawakan pero tumagos lang sa kanila ang kamay ko. HINDI TO MAAARI! Napasabunot ako sa buhok ko. Anong mali sakin? Bakit gumagana ang kapangyarihan ko?! Bakit sila nawala kung hindi ako ang may gawa nun?! Napaluhod ako sa sahig. Ito na ba ang sumpang sinabi ni Naiad?! Nakarinig ako nga mga yabag. Papalakas yun nang papalakas. Huminto lang ang tunog nang masumpungan ko ang napakaraming pares ng mga paa sa aking paligid. "Lord Henna Iryl, ipinag-uutos ng mahal na prinsipe na kayo ay arestohin!" nagtangkang lumapit sakin ang isa sa kanila. "WAG KAYONG LALAPIT SAKIN! PAKIUSAP LUMAYO KAYO! AKO NA ANG PUPUNTA SA KUNG SAAN NINYO AKO DADALHIN!" tumayo ako at naghysteria. Akala nila ay gumagawa lang ako ng drama par matakasan sila. Mas lalo nila akong kinuyog. Isa-isa silang nawala gaya ng nangyari sa aking mga kaibigan, at sa aking anak.. **** Shall's POV: "HIOOO!" hiningal ako pagkatapos kong isigaw ng paulit ulit ang pangalan ng mahal ko. Para akong nagising sa isang bangungot na tanging yun ang sinasambit. Nasaan ako?! Bakit ang sikip? Lumingon ako sa kaliwa ko. Sinalubong ako ng amoy ng mga natuyot na rosas. Ganun din sa kanan. Hindi kaya.. Nasa kabaong ako? Hanggang kelang pa ako nandito?! Sino ang naglagay sakin dito? Sinubukan kong itulak ang bukasan. Pag-angat ng takip, may pumasok na mga tipak ng lupa. Pweh ang baho! Gumamit ako ng lakas. Binayo ko ang takip. Tiniis ko ang mga pumapasok na lupa. Sa pangatlong bayo ko ay bumigay ang takip. Nasira yun kaya binagsakan kaagad ako ng lupa mula sa itaas. Again, tiniis ko ang amoy at dumi. Hinukay kong palabas ang sarili ko. Pagkaahon ko sa ibabaw, pinuno ko ng sariwang hangin ang aking baga. Nandito pala ako sa backyard ng mansyon ni Hio eh. Naglaro ba kami ng taguan pung at tapos naisipan kong magtago sa ilalim ng lupa? Sumakit bigla ang puso ko. Nakakaramdam iyon ng pangamba para sa mahal ko. Pero nasaan siya?! Sinunod ko ang puso ko. Tila ba mas malakas makaramdam yun kaysa sa kahit na anong pandama ko. Dinala ako ng aking puso sa dulo ng isang bangin na malapit lapit sa palasyo ng trono. Nandun siya. Nakatalikod siya sakin at nakatingin siya sa karagatan. Halos bukang liwayway na ah? Ano pang ginagawa niya dito? "HIO!" tinawag ko siya. Nagulantang siya paglingon sakin. "Anong ginagawa mo dito?! Bakit ka nagising?" Namaywang ako. "BAKIT AKO NANDITO? Gusto mo ng sapak?!" "N-nagbalik na ang alaala mo?" I shrugged. "Siguro? Ewan ko. Bakit wala ba dapat akong maaalala?" Humakbang ako ng isa papalapit sa kanya. Sumigaw siya sa pangalawa. "WAG KANG LALAPIT SAKIN SHALL, UTANG NA LOOB!" Nangunot ang aking noo. "Bakit hindi ako dapat lumapit sayo?" Hindi ko siya sinunod. Nagpatuloy ako sa paglapit sa kanya. "Ano pa ba ang dapat mong ikatakot?" "P-pero Shall—" "Susundan kita kahit saan mo gustong pumunta. Wag mo naman akong iiwan. Ayoko nang maghintay sa pagbabalik mo— alam kong kaya kong sumama sayo." Huminto ako sa tapat niya. Itinaas ko ang kamay para haplusin ang kanyang mukha. "Yakapin mo ako Hio. Sa puntong ito, wala na akong kinatatakutan." Sinunod niya ako. Mahigpit niya akong niyakap. Bahagya akong napapikit dahil sa sinag ng araw. Lumayo ako ng kaunti kay Hio para lang makita ulit ang mukha niya; sa huling pagkakataon. "Mahal kita.." ang sabi ko; sa huling pagkakataon. "Mas mahal kita." ang narinig kong sabi niya; sa huling pagkakataon. Magkayakap kaming bumagsak mula sa bangin patungo sa dagat. Splasshhh! Sa ilalim ng tubig ay magkayakap pa rin kami. Itinapat ko ang aking mga labi sa kanyang mga labi. Doon ko na ipinikit ang aking mga mata. Ayokong isiping ito na ang wakas. —— direk_whamba Opus 87 Hio's POV: Nang magbalik ang aking pandama, ang una kong gustong gawin ay umubo ng umubo. Pagkaubo ko ay lumuwa ako ng tubig-alat. Nilalamig ako. Ang pakiramdam ko ay basang basa ako. "SHALL!" bulalas ko sabay dilat. Nasa isang silid ako at hindi ko alam kung paano ako nakarating dito. Ito na ba ang kabilang buhay? O ito na ba yung impyerno? Bumalikwas ako ng bangon at nagpalinga linga. Wala si Shall, bagkus ay kasama ko sa silid na to ang pierrot na si Redder Black. May nakaupong manika sa isang balikat niya tapos ay nakaupo siya sa isang armchair sa gilid ng kama. Mataman siyang nakatitig sakin habang tangan niya ang isang piraso ng baraha. "Nagkamalay ka na pala." "Bakit ako nandito? Sino ang nakapagdala sa akin dito? Hindi ba dapat—" "—patay ka na?" ipinagpatuloy niya ang gusto kong sabihin. Tinapik niya ang manika sa kanyng balikat. "Ang kaibigan kong si Harlequin ang nagdala sayo dito. Hindi pa kita maaaring hayaang mamatay. Kailangan pa kitang parusahan dahil sa iyong kapabayaan." "PARUSAHAN AKO? Inaamin ko na ang lahat ng kasalanan ko kaya dapat ay hinayaan mo na lang akong mamatay!" Ngumiti siya nang nakakainis. "May parusang mas masahol pa sa kamatayan, alam mo ba yun?" Umiling ako. Kahit ano pa yun, wala siyang karapatang gawin to sakin! "—Mag-usap muna tayo tutal ay ito na ang una at huling beses na magkakadaupang palad tayong dalawa." Umarko ang kilay ko. "Bakit? May gusto ka bang sabihin sakin?!" "Wala naman. Gusto ko lang malaman kung bakit mo sinira ang kalahati ng iyong sarili." "Hindi kita maintindihan." "Kung ganun, maiintindihan mo ba kapag sinabi kong nag-iisa lang ang destroying angel?" May bumundol na masamang pakiramdam sa dibdib ko pagkarinig sa mga sinabi niya. Iisa lang ang destroying angel?! Kung ganun— "Naiisip mo ba Hio, na hindi ibang nilalang ang kinalaban mo. Ang kinalaban mo ay walang iba kundi ang sarili mo." "H-hindi maaari.. Paano yun nangyari?" Tumayo si Redder at naupo sa tabi ko. Sinapo niya ang aking pisngi. "Hindi mo ba naiisip na nakukuha mo ang lahat ng bagay na gusto mo?" Inialis ko kaagad ang kamay niya. "Wag kang mag-alala. Hindi ako maaapektohan ng iyong kapangyarihan. Indikasyon lang yun na mas superyor akong nilalang kesa sayo." "Paano mo nasabing nakukuha ko ang mga bagay na gusto ko? Kung totoo yun, BAKIT WALA NA SILANG LAHAT?!" "Tsk tsk.. Ikaw ang may kasalanan kung bakit nawala sayo ang lahat. Hindi mo man aminin, diyan sa puso mo ay may kadiliman. Ginusto mong mawala ang mga nilalang na nagpapahalaga sayo. Ginusto mong magkaroon ng kapangyarihan. Ginusto mong maging pinakamataas. Sapat na ang mga negatibong damdamin na yun para lumakas ang kapangyarihan mo; Napakalakas sa puntong nakapang-agaw na ang mga iyon ng eksistensya ng mga nilalang na may kabuktutan din sa kanilang puso. Pero hinayaan lang kita. Naniniwala kasi ako na ang lahat ng nilalang ay may pantay na karapatang mag-exist sa mundong ito, yun nga lang ay masyado kang namihasa." Walang sense ang mga sinasabi niya. Hindi ako dapat maniwala. Bakit ko gugustuhing mawala ang mga mahahalaga sa buhay ko?! Hinaltak bigla ni Redder ang suot kong basang polo. Nasira yun at tumambad samin ang napakalaking markang nakatatak sa aking katawan. "Tingnan mo. Kahit pa winasak mo sila, binigyan ka pa rin nila ng proteksyon." "PROTEKSYON?! SUMPA ITO!" hiyaw ko. "Wala kang kwentang kausap—" tumayo na siya. Salamat naman. "—isang buwan mula ngayon, sasailalim ka sa aking Caeli Sigillum. May isang buwan ka para magdesisyon— kung pananagutan mo ang bunga ng iyong pagkakamali o magiging duwag at tatakas na lang." "Sa tingin mo ay matatakasan kita?" Umiling iling si Redder. "Hindi mo yan naiintindihan sa ngayon. Pero baka maintindihan mo na kapag ginawa ko ito—" itinaas niya ang isa niyang kamay na may hawak na pulang sinulid. Alam ko kung ano yun. "WAG MONG GAGAWIN YAN!" Huli na ang lahat. Pinutol niya ang pulang sinulid gamit ang barahang hawak niya kanina pa. May parang bumagsak sa gawing likuran ko. Ang soul reaper na matagal nang nakabantay sakin. "Aalis na ako. Sa ngayon ay umuwi ka na sa sarili mong mansyon. Hindi ka maaaring maikulong dito sa palasyo dahil natitiyak kong marami ang mabubulahaw. Pag-uwi mo sa iyong mansyon, magsusugo ako ng mga Marquis para lagyan ng barrier ang palibot ng iyong mansyon." Naglaho si Redder sa harap ko. Hindi katagalan, nakarinig ako ng mga mabibigat na yabag. Dumating na sila. Ang mga poltergeist. Puting puti ang kanilang balat, ang ilalim ng mga mata at bibig nila ay nangingitim. Yun lang ang common sa kanila. Ayoko silang tignan sa mukha. Natatakot ako dahil alam kong kabilang sa kanila ang mga nilalang na pinahahalagahan ko. Karamihan sa kanila ay bayolente. Pinag-iitsa nila ang mga gamit sa loob ng silid. Ang iba ay sadista na kumakalmot at nananakit ng pisikal sa akin. Hindi ako gumalaw kahit kinukuyog nila ako. Nung umalis ako sa palasyo, hindi na sila ganun kaaktibo. Habang naglalakad ako, nakasunod sila sa likuran ko na animo'y may prusisyon. Pagdating ko sa aking mansyon, dun na naman sila naglabas ng galit para sakin. Halos ayaw nila akong patulugin dahil sa ingay at pananakit. Ginuhitan ko ng magic circle ang palibot ng piano. Hindi sila makatawid sa circle kaya doon ako nananatili pansamantala kapag gusto kong magkaroon ng kapayapaan. Tumutugtog ako ng kung anu anong pyesa hanggang sa wala na akong maisip tugtugin. Isang melody ang pumasok sa isipan ko. Simple lamang yun at nakabisado ko kaagad nung unang beses ko yung makita mula sa isang aklat. Pumikit ako habang tinutugtog iyon. Nagkaroon ako ng hindi maipaliwanag na bisyon. Isang bisyon kung saan ako ay nasa tuktok ng isang talampas. Mula dun ay tanaw ko ang isang kaharian. Mukhang masaya sa lugar na yun. Sana ay may ganung— Napatigil ako sa aking pagtugtog. Nagtatakbo ako paakyat hanggang sa aking silid. Marahas kong inangat ang kutson. Ang alam ko ay dito ko lang yun inipit eh! Ayun! Kinuha ko ang aklat ni Orpheus na halos limot ko na. Sa unang pahina ay nandun pa rin ang bar pero wala na ang mga nota. Tas sa ilalim ng bar ay may nakasulat na 'Terra Nusquam'. Saglit akong napaisip. Binuklat buklat ko ulit ang mga sumunod na pahina. Noon ay stick drawing lang ang tingin ko sa mga nakaguhit dun. Pero ngayon ay malinaw kong nababasa ang inscription. Saka ko lang naisip kung ano ang ibig sabihin ni Redder sa sinabi niyang 'Pagbayaran ko ang mga kasalanan ko'. Responsibilidad ko ang mga nilalang na idinamay ko sa aking pag-iisa. Hindi ako dapat tumakas at tanggapin na lang ang Caeli Sigillum. "Makinig kayong lahat—" wala akong particular na kausap dahil hindi ko sure kung may nakikinig bang poltergeist. "—Kung wala tayong ibang lugar na mapupuntahan, gagawa ako ng isang lugar na para satin!" Bumaba ako sa ballroom dala ang libro. Pinunit ko ang lahat ng pahina niyon at saka pinagdugtong dugtong. Nakabuo ako ng mapa ng isang napakakomplikadong magic circle. Hindi lang yun basta komplikado, kailangan ding gawin iyon sa pagkalaki laking sukat ng lupa. Sa loob ng limang araw ay iniukol ko ang oras sa pagkakalkula. Sumunod ay inabot ako ng dalawampung araw sa pagmamarka sa palibot ng aking lupain. Mabuti na lang at sumakto ang sukat. Hindi na kasi ako maaaring lumgpas pa sa bakod dahil may barrier. Saktong isang araw na lang ang nalalabi sa palugit ko nang sirain ko ang libro bago ko pa man mabasa ang huling bahagi ng aklat. "K-kailangang magsakripisyo ng buhay?! Paano ko gagawin yun?! Wala na palang pag-asa ang ginagawa kong to—" Naglupasay ako sa gitna ng aking silid. Said na ang kaunting pag-asang pinanghahawakan ko. Nagsimula na namang maging bayolente ang mga poltergeist sa paligid ko. Bumukas ang pinto ng aking veranda. Kumalat ang liwanag sa silid dahil maaga pa. Sumilip ako sa siwang ng mga nagkumpulang poltergeist. Sigurado akong si Shall ang natanaw ko. Kakulay siya ng mga poltergeist pero nagningning siya nang matamaan ng sikat ng araw. Gusto mong makita ang umaga, ha Shall? Nilingon niya ako tas ngumiti siya. Tumayo ako para puntahan siya. Ininda ko ang hapdi ng sunlight. Nawala siya. Isinara ko na muli ang veranda. Iririsk ko ang lahat para sa huling isang araw ko. May mawawala sa akin kapag sumuko ako; pero walang mawawala sakin kung susubukan ko. Arrgh! Tanga! Sinira mo yung huling bahagi ng circle! Paano na?! Eh paano kung bumalik ako sa nakaraan? Posible ba yun?! Tinakbo ko ang library. Kinuha ko mula sa isang shelf ang isang lumang kalatas na ipinuslit ko mula sa isang tagong aklatan noong ako ay nag-aaral pa ng alkemiya. Nacurious ako noon dahil tungkol yun sa paglalakbay sa iba't ibang oras. Saglit kong pinag-aralan ang pentacle na nakaguhit sa kalatas. Gumawa kaagad ako ng sarili kong kompyutasyon para sa tamang oras na kailangan ko. Isang beses ko lamang ito magagawa at sana ay hindi ako masyadong magkamali. Kaagad akong gumuhit sa sahig ng ball room. Initsa ko ang kawak kong yeso nang magsimulang magliwanag ang ginuhit kong pentacle sa sahig. Tumapak ako sa gitna niyon at pumikit. —— Drip. Drip. Drip. Tumulo na ang tinta mula sa pluma dahil kanina pa yun naka idle sa kamay ko. Tapos na pala ang isinusulat kong tala. Wala na akong maisip sabihin. Siguro dapat din akong magdagdag ng kaunting footnote? Kape, pasensya ka na kung hindi na kita nagawang dalawin pa. Sana ay maganda na ang takbo ng buhay mo, kung nasaan ka mang hayup ka. Pero sana eh hindi ka pa nakakaalis sa dati nating apartment. Kung lumipat ka nga, paano ko ito maipapadala sayo? Sayang effort tae. Wag mo akong intindihhn. Masaya ako ngayon. May asawa na ako at may soccer team na. Kaya mo yun? Kape.. Alam mo ba kung bakit naaalala mo pa rin ang mga taong nawala nang dahil sakin? Loko. Hindi ka isang special human being. Ikaw ang unang hiling ko na natupad. Isang kaibigan na kadamay sa lahat ng bagay. Pwera lang sa waka-waka syempre. Sana ay napatawad mo na ako. Henna Iryl Orpheus Darktower. Binalot ko kaagad ang librong isinulat ko sa isang loincloth. Dinikitan ko yun ng address ni Kape. Pagsapit ng alas singko, lumabas ako ng mansyon at nakiusap sa mga bantay sa gate na ipadala ang package na yun sa post office. Pagsisipain ko sila pag di nila ako sinunod. Tinapos ko na ang huling inscription na kailangan para makumpleto ko ang terra nusquam. Ang epicenter ng terra nusquam ay ang aking fountain. Tumuntong ako doon sa rim. Dinukot ko sa bulsa ko ang bell ng aking anak. Hawak ko yung maigi sa kabila ng panginginig ng aking katawan. Lucky charm. Inihakbang ko ang isa kong paa at dinama ang malamig na tubig ng fountain. Splash! Tumalon ako sa tubig at hindi na umahon pang muli. **** "Nagawa ba niya ang gusto niya? Ha Redder? Ha?" Sinako ni Redder ang maliit na mukha ng manikang nakaupo sa balikat niya. Iniirita siya nito gayong naeengganyo siyang pagmasdan ang kanilang paligid. Nakaupo siya sa kanyang trono at pinanonood ang mga umuulan na mapuputing pulbos. Nakakalat sa lapag ang mga makukulay na damit na yari sa seda. Pinaslang niya ang lahat ng mga ministro, maging ang karamihan sa mga maharlikang bampira. "Tayo na Harlequin. Tapos na tayo sa lugar na to." "Whuu.. Kawawang mga bampira. Malas lang at sila ang napag-initan mo." "Hindi sila malas. Isa lang itong dagok para sa kanila. Marami pa ang mga natitirang bampira. Nasisiguro kong babangon at babangon sila." "—Saan na tayo pupunta ngayon?" Ngumiti ng makahulugan si Redder pero hindi niya sinagot ang tanong ni Harlequin. Saan nga ba maganda magtungo? Kahit saan basta may nakakatuwang bagay. —— direk_whamba Epilogue Di ako makahingaaa! May nakita akong kamay sa itaas lang ng aking ulo. Mabilis kong inabot yun. Iniahon ako mula sa tubig ng tumulong na yun. Ubo. Ubo. Takteng yan, kamuntikan na akong malunod ah. "Papa nakuha mo ba?!" excited na tanong sakin ng unico hijo kong si Aster. Langya di man lang unahing itanong kung ayos lang ba ako! Kung gaano siya kaexcited, doble pa dun ang excitement ng mga nakikiusyoso. Yung iba ay nagkakabayaran pa! Mga putrages PAGPUSTAHAN DAW BA ANG BUHAY KO?! Teka nga, ano ba yung pinapakuha niya kaya ako nagdive sa fountain ng plaza? Napatingin ako sa hawak ko sa aking kamay. Bell. Ang bell ni Aster. "Yan na ang bell mo. Sa susunod kasi wag ka masyadong maglilikot para hindi nalalaglag kung saan saan yang letseng bell na yan—" "Oy wag ka ngang nagsasalita ng mga di angkop sa harap ng bata." Bumaling ako sa nagligtas sakin. Kaibigan ko siya at sa pananamit niya, isa siyang opisyal sa korte ng palasyo. "Noir, salamat sa pagtulong sakin." Ngumiti siya. "Walang anuman. Sa susunod kasi wag kang magsiswimming kung hindi ka marunong lumangoy. Buweno, aalis na ako at hapon na." Tss. Napakagalang at napakahinhin ni Noir para maging isang lalake. "HOOOH! Magbigay-daan kayo sa ating mga magigiting na Knight!" anunsyo mula sa di kalayuan. Mukhang dumating na ang mga Knight mula sa kanilang ekspedisyon. "Halika anak, dito tayo sa tabi at dadaan ang mga kabayo ng Knight." yakag ko kay Aster. Tumayo kami sa may pavement. Mangha si Aster habang pinagmamasdan ang prusisyon ng mga magigiting na kawal. "PAPA PAGLAKI KO GUSTO KO RING MAGING ISANG KNIGHT!" bulalas ng aking anak. Tinapik ko ang balikat niya. "Ang mga Knight, bata pa lang ay nagsasanay na. Dapat ay masigasig ka sa mga pagsasanay mo." "Opo!" Huminto sa harap namin ang kabayo ng Lord Knight. Siya ang pinakamataas na Knight sa buong kaharian. Bumaba siya mula sa kabayo at ipinrisinta niya sakin ang kanyang espada. "Nasira ang espada mo?" tanong ko. "Hindi. Matibay ang ginawa mong espada. Pero ang sabi mo, pagbalik ko pipinuhin mo pa ito para makahiwa ng asero." Kinuha ko ang espada. "Oo nga pala! Pasensya na at nagiging makakalimutin ako nitong mga nakaraan, kuya Div." Nakatatandang kapatid ko ang Lord Knight ng kahariang ito. Biniyayaan siya ng nakakamanghang abilidad sa pakikipaglaban; na wala ako. Ginulo niya ang buhok ni Aster bago muling sumakay sa kabayo. Nakasunod pa rin sa kanya ang mga mata ni Aster. Wala akong magagawa, fanboy siya ng Lord Knight. Anak, SINO BA ANG MAHAL MO? Ako o ang tito?! "Uwi na tayo anak." no answer. "Anak, mamaya pag-uwi, ipapahawak ko sayo ang espada ng Lord Knight!" tila ba dun lang niya napansing ako ang tatay niya. Amp. "Talaga papa?! Yehey! Da best ka talaga!" that's my boy. Nakatira kami sa may tabi ng MALINIS na ilog. Ang bahay namin ay nasa likod ng smithy na pag-aari ko. Mahilig akong magbutingting ng kung anu ano. Mula sa simpleng hobby, naging passion. Ehem.. Ako lang naman ang mastersmith sa bayang ito. Marami akong under na blacksmith sa murang edad kong ito. At matinik daw ako sa chix kaya may anak na ako sa murang edad kong ito. At sa lahat ng pwedeng umander sakin, sa isang chix lang talaga ako tumitiklop— "SAAN KA NANGGALING NA LALAKE KA?! NAMBABAE KA NA NAMAN ANO?!" May nambababae bang basang basa ang damit? Ang ganda ganda talaga ng asawa ko kaso laging galit. Past time niya ang bugbugin ako kahit saan. Sa kama ko lang siya nabubugbog. May hawak siyang duguang itak na pinunas niya sa apron na suot niya. Sa bigat ng kamay niya, ayun matador siya sa palengke. Ang babaeng may mukha ng manika pero kasing bayolente ng isang serial killer. "H-honey, wala akong ginagawang masama. Kasama ko kaya si Aster.. Di ba Aster?" "SIRAULO! PATI BATA TUTURUAN MO PANG MAGSINUNGALING!" Dahil useless ang magpaliwanag sa kanya, nagtatakbo ako. Nakabungguan ko ang kapitbahay naming si Minerva. May dala siyang malaking kaserolang nakatakip. Mabuti na lang at naagapan kaya hindi tumapon yung dala niya. "Bakit ka ba humahangos diyan?" "Pasensya na Mie! Hinahabol ako ng terminator!" "Terminator?" natatawang tanong ni Mie. "Siya nga pala, nandiyan na ba si Patricia? Ibibigay ko sana ito. Nagluto ako ng kaldereta. Malaki ang nahuling usa ng asawa ko." Hunter ang asawa niyang si Race. Magaling na hunter dahil araw-araw may huli. "Pasok ka na lang sa bahay namin. Nagtataguan pung pa kami ng asawa ko eh." Umikot ako sa may eskinita at sumilip silip. Pagliko ko, nakita ko si Shall na nakatalikod. Marahan akong lumapit sa kanya. Kinulong ko siya sa aking mga bisig. Nagulat siya kaya nabitawan niya ang hawak niyang itak. "Shall.. Totoo ka ba? Hindi ka na ba mawawala paggising ko bukas?" Umikot siya paharap sakin. Tinitigan niya ako ng buong sinseridad at— PAK! Naalog ang bungo ko sa impact ng sapak niya. "Putek, masakit yun ah?!" "Hoy lalake, gumising ka sa katotohanan. Sinasaniban ka ba ng masamang engkanto? Ipapatawas kita mamaya—" Yumuko ako para halikan siya. Ito na ang realidad ko simula ngayon. Ang kaharian ng Erdan. Ang terra nusquam. Sa wakas ay may mapupuntahan na ang mga kaluluwang walang mapupuntahan, ang mga kaluluwang hindi tinanggap sa langit o impyerno, at pati na rin ang mga kaluluwang naliligaw. "Uuuy si mama at papa!" nasa harap namin ang aming anak na kinikilig. Kumalas mula sakin si Shall. Namumula siya! Haha! "Uuwi na ako sa bahay. Umuwi na rin kayong dalawa ha?" Hinila ko si Aster tas hinabol namin si Shall. Hinawakan ko ang kamay niya. Nakangiti sakin ang mag-ina ko. Ngayon ay pwede ko nang sabihing, nakauwi na ako sa tunay kong tahanan. **** Kape's POV: Isinara ko ang librong ipinadala sakin ni Hio. Kung sinabi niyang ayos lang siya, dapat akong maniwala. Hio, matagal na rin tayong hindi nagkikita. Gusto kong iparinig sayo ang straight tagalog ko. Haha! Alam mo kasi lagi akong pinagtatawanan dahil sa punto ko kaya nag-aral akong maigi para ma-correct yun. Hindi sila kagaya mo na tanggap ang lahat sakin. Sa susunod na term, third year na ako sa Nursing. Hay wag kang mabigla. Gusto ko kasing magdoktor eh. Syempre may pre-med. Pag naging doctor na ako gusto kong magmedical mission sa mga liblib na lugar para manggamot sa mga nangangailangan. Kapag may libreng oras, nagpapart time job ako bilang support guitarist sa mga studios. Pero wala na akong balak sumali ng ibang banda. Solid ForMad ako. Sige na.. Madami pa akong kailangang reviewhin para sa final exam ko. Ikamusta mo ako sa asawa mo at sa anak mo. Kung nakikita mo pa yung first love ko, pakisabi sa kanyang masaya ako dahil nakilala ko siya, kaya dapat ay masaya din siya kagaya ko. —— WAKAS ©2012 direk_whamba The Making of Forlorn Madness * This is somehow my acknowledgement for all my inspirations and sources. I. Title 2007 ko naimbento ang bandname na Forlorn Madness. That time, inspired ako ng manga ni Ai Yazawa na 'Nana'. As in adik ako dun. The name of the band in that manga is 'Black Stone' at may shortcut name na 'Blast'. So ayun, napaisip ako ng possible bandname for a band na pasok pang gothic ang genre at may shortcut. Yung 'Forlorn' nagcame-out lang nung may tongue twisting kami sa English subject ko. 'Maiden all forlorn' lang ang naaalala ko sa isang tongue twister na merong word na yun. Tas kinabit ko na lang yung 'Madness'. Pag shinortcut, 'ForMad', na ang possible meaning ay 'para sa baliw'. Working title din ang Forlorn Madness ng aking 2010 manga na tinamad na akong ituloy dahil napapangitan na ako sa drawing ko. II. Characters Hio and Shall tandem is ToraDora inspired wherein Ryuji(bidang guy) ay mukhang maangas pero yun pala ay under kay Taiga(bidang girl) na isang 'small but terrible' girl. Ang surname na Darktower ay nakuha ko sa novel ni Barney Leason entitled Grand Illusions. Si kape, wala lang. Last year I live on a Waray community and I think he is my way of showing my gratitude towards them. Hindi po talaga ako fluent sa waray pero I hope hindi naman nag-fail. His surname Mañego ay nakuha ko sa panonood ng Budoy! Seryoso. Minerva is a suggested name. Wala siya sa ForMad kung walang nagrekwes na bigyan ng lovelife si pareng Kape. Race Phalanx, imbentong name ko. Phalanx is an idea from Falange Española. It means 'finger'. Div Umbra Claymore is my oldest character here dating back 2010. Ang 'Div' ay aksidenteng nakita ko lang sa encyclopedia. It is another term for Hell. Umbra is shadow. Claymore is a type of sword. Noir Andrea Rosseau- fav word ko ang 'Noir' pero slightly confused ako kung ang meaning ba nun ay 'night' or 'dark'. Andrea might sound girly dito sa Pinas, pero sa western region, pangalan yun ng lalake. Redder Black- Napagtrippan ko lang kasi favourite color ko ang red and black. Tapos Harlequin is from a western comedy, where he was paired with Pantaloon and Columbine. Medea, Orpheus, Erebus, Nyx, and Thanatos ay galing sa Greek myth. Other characters are from the names of Satellites of Solar System Planets. Uranus- Ophelia, Umbriel, Oberon Jupiter- Amalthea, Io, Europa, Ganymede, Callisto, Elara. Neptune- Larissa, Galatea, Naiad. Saturn-Janus, Enceladus, Hyperion, Tethys, Telesto. III. Scenes A. Book Inspirations The Birth of Venus by Sarah Dunant for Opus 14: Inferno, where I translated the Divine Comedy Canto I. In Opus 57: Fresco for Italian art and places. The Lost Symbol by Dan Brown. The Alchemist by Paolo Coelho. Alice in Wonderland by Lewis Caroll. The Prince and the Pauper by Mark Twain. Ragnarok: Into the Abyss, manwha by Lee Myung Jin B. Movie Inspirations The Black Swan, Op. 8: Swanee Jennifer's Body, Op. 53: Ritwal, Op. 70: Dugo. Silent Hill, Op. 54: Kaluluwa The Sixth Sense, Op. 55: Lason. Insidious, Op. 63: Aster, Op. 82: Nagbabalik. C. Anime Inspirations ToraDora, El Hazard, Code Geass, Pandora Hearts, Shaman King, XXXHolic, Full Metal Alchemist, Ao no Exorcist, Melancholy of Haruhi Suzumiya, Shakugan no Shana. D. Game Inspirations Ragnarok Online, and Granado Espada. E. Songs Op. 5 Losing My Religion- REM OP. 11 The Sound of Silence- Gregorian Chant Op. 19 Namarusa- ©direk_whamba Op. 28 Just Another Woman in Love- Anne Murray Op. 45 Time After Time- Cyndi Lauper Op. 48 Vincent- Josh Groban Op. 77 The God of Comfort Room- direk_whamba Op. 83 Imperial Queen- ©BlackAndWhiteAssassin F. Mga imbento ko lang Kasal ritual ng mga bampira. Sandugo inspired. Paniki system. Farer system. Chess inspired monarchy. Music magic diary of Orpheus. G. Gate spells Portam Secans Ventus- Gate of Cutting Wind. Portam Comburendum Igni- Gate of Blazing Fire. Porta Impotentis Terra- Gate of Raging Earth Infinita Catena- Infinite Chain. Niger Laminae Petalorum- Black Petal Blades. Caeli Sigillum- Heaven's Seal. Porta Tenebrarum- Gate of Darkness. Terra Nusquam- Land of Nowhere. ©2012 direk_whamba Forlorn Madness 2: Chiaroscuro A dream based on reality.. **** Kan: Madilim ang alaala ko tungkol sa kabataan ko. Kabilang ako sa angkan ng Vral na isang kilalang angkan ng mga bampira. Hindi ako purong bampira. Ang sabi sabi ay ang ama ko daw ay isang diwata ng kagubatan. Ang marka sa ilalim ng aking mga mata ang makakapagpatunay nun. Nagkagulo ang aming angkan. Pinatay nila ang aking ina at ganun din ang pakay nila sa amin ng kakambal ko. Mayroon akong nakatatandang kakambal at magkamukhang magkamukha kami pwera lang sa magkaibang marka namin sa ilalim ng mata. Dahil sa pagligtas niya sakin noon, heto ngayon siya at nakaratay ng mahigit sampung taon na. Ang kanyang mga sugat ay habambuhay na hindi na maghihilom pa. Isa iyong sumpa kapalit ng kanyang pananatiling buhay. Ang kanyang diwa at kaluluwa ay kasalukuyang nasa terra nusquam o mas kilala bilang kaharian ng Erdan. Siya ang prinsipe sa kahariang yun. Nagkikita kami ng aking kakambal sa oras ng aking pagtulog. Magpahanggang ngayon ay umiisip ako ng paraan kung paano ko siya maibabalik dito sa totoong mundo. **** En: Matagal na akong naninirahan dito sa Erdan. Para sakin, ito na ang realidad ko, kaya naman hindi ko maintindihan ang aking kakambal kung bakit pinipilit pa rin niya akong bumalik sa totoong mundo. Minsan nagtataka ako kung paano kami naging magkakambal. Una sa lahat, hindi ko pa nakikita ang kanyang mukha. Para siyang isang black mage kung manamit tapos ay nakasuot pa siya ng isang maskara. Siguro sa tunay na mundo ay makikita ko ang kanyang hitsura. Pero pasensya siya dahil walang paraan para makabalik ako ngayon sa totoong mundo. Masyadong mahina ang katawang lupa ko. Susuko din si Kan. Pero natutuwa ako sa kanya dahil lahat ng gusto ko ay sinusunod niya. Ang gusto ko ay siya ang permanenteng manirahan dito sa Erdan para magkasama na kami habambuhay. **** Asha: Aminado ako. ISA AKONG DIE-HARD FAN GIRL NG FORMAD! Ay hindi niyo alam ang ForMad? Golly, saang planet kayo nag excursion ba? Forlorn Madness rocks! Sila yung sikat na sikat as in super duper sikat na gothic-rock band! Hindi lang yan! Ang hot pa ng mga members. All-male sila pero my eyes are only for my Prince Kan! Siya ang vocalist ng band. Weee.. Super ganda ng mga mata niya. Plus yung cool tattoo sa under his eyes. Marami na nga akong nakikitang gaya gaya sa tattoo niya. Pero siya pa rin ang orig! Grabehan. Ultimate fan girl ang peg ko. Lahat ng album nila, bumili ako ng tigsasampung kopya. Pag may nakikita akong posters and other collectibles of ForMad, pinapakyaw ko. Ni-reraid ko pati mga online stores. Pag may concert sila, kulang na lang ay ipareserve ko ang buong VIP area. Pag pinapanood ko kasi sila gusto ko yung walang tumutulak o naniniko sakin. Pag may live naman sila, sinusuhulan ko ang mga organizer para makapunta ng backstage. Yun ang pros ng mayamang fan girl! Hays.. I can't get enough. Ang gusto ko ay pansinin ako ni Prince Kan ko. As in yung mahabang pansin. Kilala na ako ng mga bandmates niya. Binansagan na nga nila akong 'backstage princess' ee. Kinakausap nila ako, pero siya simpleng 'Hi' lang tas pupunta sa isang sulok. Napakatahimik niya and at the same time eh napaka-cold. Hindi pa diyan natatapos ang pagkaadik ko kay Prince Kan. Pati hanggang panaginip ko siya pa rin ang nakikita koo! Pero weird ang panaginip ko. Recurrent at parang realistic. In fact naalala ko pa nga ang place eh. Erdan yun. Para siyang isang kingdom at si Prince Kan ko ang Prince. Kaso ewan. Kakaiba siya sa panaginip. He's saying his name is En pati iba yung mark sa ilalim ng mga mata niya. But apart from that, siya pa rin si Prince Kan right? Yiee.. ©2012 direk_whamba Forlorn Madness: AMNESIA Kamusta! Hahaha.. hindi ko muna bibitawan ang ForMad kaya I-EXTEND natin! Yey! This is not BOOK 2! Ako na bangag -_- I just bumped with an idea. So guys I decided to extend ForMad kahit pukpok pa rin ako sa pag-study ng Norse mythology for Loki. I hope I can manage them both. Anyways, after watching the walkthroughs from different horror games, I'm having an insomnia and the only way for me to get better is to put every creepy imaginations away through writing it. Walkthroughs are videos of a game; it shows the actual happening on a particular game since the player recorded it while he/she is playing. You could assume that someone is playing it for you if you're too scared of the game esp. when it is horror. (Amen to that because I love to see horror games but I'm to scared to play them on my own.) The following chapters will be horror/ thriller na may kadiri factor so kung matatakutin kayo eh I don't recommend it for you to read. Disclaimer: I do not own the main concept of the following story which you will read. I just adapted it. BUT I revised and improvised several obstacle course, mazes, and plots. This is an Amnesia: The Dark Descent Fan Fiction. A Masterpiece by direk_whamba Opus 88 Unknown's POV: Argh! Masakit ang ulo ko.. Bumalikwas ako ng bangon at sinapo ko ang ulo ko. Mukhang natulog ako sa maalikabok na sahig ah? Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at muling dumilat. Sinubukan kong analisahin kung nasaan ako. May kadiliman din sa lugar na ito at nasa may bandang gitna ako. Tanging mga apoy galing sa torches lang ang nagbibigay-liwanag sa paligid. Circular ang hall na ito at maraming pinto ang nakapalibot. Nung tumingala ako, nakita ko ang spiral staircase paakyat. Sa ikalawang palapag ay napakarami ring pinto. Hindi ko alam kung hanggang ilang palapag ang maaakyat dito, pero sigurado akong isa itong tore! Teka nga.. Sino nga ba ako? Bakit ako nandito? Bakit parang.. wala yata akong maalala? Tumingin ako sa suot ko. Isang puting kamiseta ang aking pang-itaas na pinatungan ng itim at mahabang coat. Nakapantalon akong itim at rubber shoes na itim. Kinapa ko ang mukha ko. Makinis at walang bako. Bukod sa pawis, wala naman akong nahinuha pa. Sunod ay kinapa ko ang buong katawan ko. Tumayo pa nga ako para kapain sana pati ang pantalon ko. Pero bago yun, may nakuha akong dalawang bagay mula sa inside pocket ng aking overcoat: isang note na minadaling sinulat, at isang bell. Binasa ko ang mga nakasulat sa note: Ang pangalan ko ay Hio. Kung nawala man ang alaala ko sa huling engkwentro, iniiwan ko ang sulat na ito pampagana lang. Pasensya naman kung wala akong masyadong idedetalye in case mapunta ang sulat na ito sa maling kamay. Kailangan kong marating ang ituktok ng toreng ito bago ang itinakdang panahon upang patayin ang isang Vizconde at isang Duke. Habang nandirito ako sa toreng ito, gagawin ko ang lahat upang walang makapansin sa akin. Iiwas ako sa liwanag subalit hindi ako maaaring kumanlong ng matagal sa dilim. Para ito sa mga mahal ko sa buhay. Ako si Hio ganun ba yun? Binasa ko ulit ang linyang tumatak sakin. —Para ito sa mga mahal ko sa buhay? Bakit? Naano ba sila? At sino sila?! Baka kailangan ko silang iligtas mula sa mga taong binanggit sa note? Creak! Lumangitngit sabay-sabay ang anim na pinto sa palibot ko. Dala ng instinct, umatras ako at sumandal sa gilid ng pintong hindi nagbukas. Kapantay ko yung lalagyanan ng sulo at aksidenteng natabig ko yun. Gumulong ang nagliliyab na sulo papuntang gitna. Kaagad na binalot ako ng dilim sa sulok na pinagsiksikan ko. "H-Hio? Asan ka? Oh Hiooo?" Marahas kong isinalpak ang kamao ko sa bunganga ko para hindi ako makasigaw sa tindi ng kilabot na naramdaman ko pagkakita ko sa babaeng lumabas sa gitnang pinto. Tapyas ang bewang niya at malalaglag na yata yung torso niya. Naglalambitin sa likuran niya ang upper body niya at gumagalaw pa ang ulo niya. Patalikod maglakad ang paa niya kaya paika ika siya. Ginamit na rin niya kalaunan ang mga kamay niya sa paglalakad. Bukod sa hiwa niya, tadtad pa siya ng kung anu anong sugat. Naupo ako sa pwesto ko at pinaglalabanan ang panginginig. Paano ko tatalunin ang mga kumuha sa mahal ko sa buhay kung dito pa nga lang ay hindi ko na yata kaya? Sunud-sunod pang naglabasan ang kung sinu-sinung mga putol putol at duguan. Lahat sila ay binabanggit ang 'Hio'. Napapaisip din ako kung may pandama pa nga ba sila? Kasi diba kanina pa dapat nila ako nalocate dito? Hindi eh. Para silang mga bulag kung maghanap. Sa napansin kong handicap nila, nakasilip ako ng kaunting pag-asa. Nakita ko ang hagdan sa gawing kaliwa ko at yung pintong nasa kanan ko lang na bahagyang naiilawan ng torch ng adjacent door. Dinisregard ko ang hagdan nung makita kong may mga pugot na bumababa. Patuloy pa rin ang pagpasok ng mga mutilated people mula sa bukas na anim na pinto. Mabilis akong kumilos. Sa isang hakbang na ginawa ko, tumapat ako sa pintong katabi ko at hinila ang seradura. Ayaw. Tinulak ko. Ayaw pa rin! Naalerto ang mga living dead sa paligid ko! Sa may bandang gilid ko, tanaw ko sa corner line of sight ko ang isang lalakeng nakatalikod. "H-Hio? I-ikaw na lang a-ang hini-hintay n-namin!" nakatalikod siya sakin nung sinabi niya yan. Nagtwist patalikod ang ulo niya. WALA SIYANG PANGA! Tinaga ang bibig niya hanggang lalamunan. Nakalaylay sa dibdib niya ang baba niya. Tinayuan ako ng balahibo nung pakiramdam ko ay may mga kamay nang humagod sa likuran ko! Maliksi sila. Ni hindi man lang ako nakakurap ay nakuyog na nila ako! Nung pumalag ako— Tling! Tling! Tumunog ang bell na hawak ko. Huminto sa paggalaw ang mga nilalang as in wala talagang gumalaw maski isa! Phew. Salamat holy bell! Sinubukan kong itulak ang isa sa may bandang kanan ko pero dahil putol ang paa niya, natumba siya. Pagkatumba niya, gumalaw siyang muli! Inalog ko kaagad ang bell. Awa naman at naging immobilized ulit siya. Ang kaso mo, mayroong isa na gumalaw mula sa likod. Pinagkakalmot niya ang katawan ng nasa unahan niya habang nanlilisik ang mga mata niyang nakatitig sakin. So hindi ko sila pwedeng galawing masyado kapag nagpass ako? Pero dapat kong bilisan bago ako abutan nung gumagalaw sa dulo. Ayoko na ulit gamitin ang bell dahil baka may mga gumalaw pang iba. Eh paano ko sila dadaanan?! Nakabukaka yung babaeng hati ang tiyan. Nung maupo ako ay naging kalevel ng mukha ko ang inverted niyang mukha. Nakatingin sa kawalan ang mga mata niyang tinanggalan ng iris. Dinig ko ang mahinang shrill niya kaya kinakatakot kong anytime ay gagalaw na naman siya. Yumuko ako at dumapa tas gumapang sa pagitan ng mga hita niya. Pagkalampas ko sa kanya, nakakita na naman ako ng siwang sa isang lalakeng putol hanggang singit ang hita at binti. Pagkaalpas ko, tumayo ako at patagilid na dinaanan ang dalawang babaeng magkaharap. Kapwa sila biyak ang mga ulo; yung utak nila ay parang buhok lang na nakasampay sa bukas nilang bungo. Gumapang ulit ako sa pinakahuling lalagpasan ko. Naging mabangis yung nag-iisang gumagalaw na nilalang. Pagkatulak niya sa dalawang kasamahan niya, para nang domino na nagtumbahan silang lahat. Nagsipaggalawan na naman sila! Kumaripas ako ng takbo paakyat ng hagdan. Namangha ako dahil hindi na sila sumunod sakin paakyat. Instead, nagkasakitan sila. Pagkarating ko sa ikalawang palapag, sinubukan ko kaagad ang unang pintong nadaanan ko. Pumasok ako sa loob. Parang isang selda yun. May nakabitin pang tao na inaagnas na. Tumaas ang acid ng bituka ko at ibig kong masuka. Mabuti na lang at umurong nung hinagod ko ang lalamunan ko. Sa may lumang mesa nakapatong ang isang kandila. Mahaba pa yun kaya kinuha ko at ibinulsa. Kanina ay may nakapa akong lighter sa bulsa ng pantalon ko kaya magagamit ko ang kandila anytime. Pinagbubuksan ko ang mga drawer sa isang tokador. Puro mga walang laman eh. Sinubukan kong kapain ang ilalim ng tokador— May nakakapa ako! Kinalawit ko yun gamit ang aking hinliliit. Isa lang yung nilamukos na papel pero matigas. Parang may ibinalot na kung ano sa loob niyon. Binuklat ko ang papel na isa na naman palang note. Ang bagay na nakabalot dun ay isang susi. Ito ang nakalagay sa note: September 3 ako unang napadpad dito. Isa ito sa mga itinuturing kong 'safe spot' ng tore dahil bibihira ang pumapasok dito. Sa dami naman kasi ng silid dito ay hindi na ito masyadong gamitin. Nag-iwan ako ng palatandaan dito sakaling mabigo ako sa misyong ito at may ibang humalili sakin. Hindi ko na sasabihin kung para saang pinto ang susi para sa karagdagang secrecy ng aking ginagawa. Magtiwala ka sakin, kung sino ka mang nagbabasa nito. (pero kung mangyaring ikaw ay isang kalaban, PAKYU KA!) Kung nagawa mong mahanap ito, kumpyansa akong mahahanap mo din ang iba ko pang iniwang mga palatandaan. Mag-ingat ka. P.S. Useful ang bell ni Aster laban sa mga humonculus; ngunit lurer ng mga chimera. So far hindi ko naman siya kailangan pero wala akong balak iwaglit yun sa akin. Nangunot ang noo ko sa aking binasa. Ako ba ang nagsulat ng ikalawang memo o ibang tao? Para makumpirma, inilabas ko ang unang note at pinagkumpara ko ang dalawa. Medyo magulo ang pagkakasulat nung unang note pero malaki pa rin ang pagkakahawig ng handwriting. Kung ako nga talaga si Hio, bakit ako mag-iiwan ng mga palatandaan? Alam ko bang mawawala talaga ang mga alaala ko? At sino si Aster? Bakit nasa akin ang bell niya? Ano ang homonculus at chimera? Sila ba yung mga nasa unang palapag? Bakit sila nagkaganun? Mukha silang dumaan sa matinding torture o dissection tas hirap silang magsipagkilos. Pero yung drive nila ay sobrang nakakapagtaka. Akala mo mga hindi nakakaramdam ng sakit eh. Ang dami kong tanong! Nasaan naman kaya ang mga kasagutan sa mga yun? Nakakaburyong na dito! Madilim na nga, mamamatay ka pa sa sindak! Once again, inulit ko ang paghahalungkat. This time ay possible weapon naman ang hahanapin ko. Nakakita ako ng kinakalawang na thongs sa ilalim ng nakabiting bangkay. Pinulot ko yun tas nakakita ako ng isang drawing na circle. Maliit lang yun at di masyadong pansinin. Sa loob ng circle ay may nakadrawing pang mga kakatwang simbolo. Para saan ang drawing na yun? Karagdagang tanong na naman yun sa aking isipan hanggang sa paglabas ko ng silid. Opus 89 Hio's POV: PUMASOK kaagad ako pabalik sa silid pagkalabas ko dahil may naulinigan akong paparating. Hindi ko masyadong isinara ang pinto para makita ko kung ano o sino yun. Woooohhh.. Wooohhh.. Malaking bulto ng isang hindi ko pa matukoy na nilalang ang naglalakad sa circular corridor. Nung tumapat siya sa torch ng nadaanan niyang pintuan, napagmasdan kong maigi ang hitsura niya. Kahindik hindik iyon. Parang pilay ang hita niya at naglalakad siyang karag ang baliko niyang paa. Messy at tangled ang buhok niya tapos may hawak siyang napakalaking butcher's knife. Ayon sa pananamit niya, (na ngayon ay duguan at sira-sira) mukhang isa siyang tagapagluto noon. Ang mga eyeballs niya, na supposedly dapat ay kulay puti— kulay dugo na. WHAM! Nagulat ako dahil sa isang lagapak lang ng kamay niya ay nagawa niyang wasakin ang pintong nadaanan niya! Naunat ang lahat ng gulugod ko lalo pa at parang tiningnan niya ang looban ng sinira niyang pinto! Ipinagpatuloy niya ang paglalakad hanggang sa malapit na siya sa pinto ng pinagtataguan kong kwarto. Nagtatalo ang isipan ko kung isasara ko ang pinto o lalabas ba para tumakbo. May possibility kasing warakin din niya ang pintuang ito gaya ng ginawa niya sa naunang pinto. SHIT ayaw kumilos ng katawan ko! Bakit ako natatakot ng ganito? Tug! Dug! Tug! Dug! Bahagya akong lumayo sa pinto tas kinalamay ko ang dibdib ko at nag-inhale exhale ako. Nung sumilip akong muli— Haaa.. Wag kang sisigaw.. Haaa.. Wag! Pinigil ko ang paghinga ko. Nakasilip sa mismong siwang ng pintuan ko ang nilalang! Ang isa niyang mata ay isang pulgada lang ang layo sa sarili kong mata na nakasilip din. Lumalabas na nakatingin kami sa mata ng isa't isa. Halos maduling ako habang nakapokus sa pulang pula niyang mata. Hindi iyon kumukurap kaya pinilit ko ding wag kumurap. Any movement mula sakin ay siguradong katapusan ko na! Sawakas ay kumilos na din siya! Lumayo ang mukha niya sa siwang. Dahan dahan akong umatras.. Creak! Malas! Nakatapak pa ako ng loose floorboard! WHACK! Gumilid kaagad ako nung binayo ang pinto. SAAN AKO MAGTATAGO UTANG NA LOOB?! Napatingin ako sa tokador. Hindi yun nakasagad sa kanto ng silid. Nagsumiksik ako dun. Pumasok ang nilalang at nagpalinga linga. Una niyang nakita yung nakabiting bangkay. Hinablot niya yun na parang tela lang at ibinalibag. Dinukwang niya ako sa pinagtataguan kong sulok tapos ay nakiramdam siya. Hindi ulit ako huminga. Lagot na talaga ako pag napansin niyang ka-face to face ko siya. Mayamaya ay lumabas na rin siya ng kwarto. Sigurado na talaga akong wala silang pandama sa dilim. Yun ba ang sinasabi sa note na 'Iiwas ako sa liwanag ngunit hindi ako maaaring kumanlong sa dilim'? Sandali.. Hindi ako maaaring magtagal sa liwanag at dilim.. Ibig sabihin ba nun ay dapat kong balansehin ang dalawang yun? Hrrrr.. Bumalikwas ang bangkay na ibinalibag kanina ng malaking nilalang. Nangimi ako sa takot habang nasa madilim na sulok. Bakit ba ako nandito? Natatakot ako.. Ayoko na— AYOKO NA TALAGA! Nawawala na ako sa aking huwisyo! Sinilip ko ulit yung bangkay. Hindi naman yun gumagalaw. Imagination ko lang ba yung kanina?! Habang hindi pa siya gumagalaw, kailangan ko nang umalis sa sulok na ito. Walang masama kung tumakbo takbo ako at puntahan nga ang tuktok ng tore. Ang masama ay maduwag na lang ako at hintaying may kumatay sakin! Nagtatakbo ako palabas ng silid. Tinalunton ko ang pinanggalingan ng nilalang kanina. Sa pang-apat na pinto ako pumasok dahil most likely na dun nanggaling ang monster chef. Sobrang luwag doon. Nakasindi ang mga kandila sa kandelabra kaya kita ko ang paligid. Nasa top landing ako dahil may hagdan pababa. Parang dirty kitchen dito; at literal na DIRTY. May tatlong pinto sa bawat pader bukod sa pinasukan kong pinto. Ibig sabihin may outer part pa ang tore? Nung bumaba ako ng hagdan, nabasa ang sapatos ko. Baha hanggang bukong bukong. Ewan ko kung saan nanggaling ang tubig. Kakaiba ang amoy dito. Fetid at bulok. Sinipat ko ang kaserolang nakasalang sa gas range na hindi naman nakasindi. Umaapaw yun ng dugo. Ewan ko ba kung bakit parang bigla akong nagutom. Hindi maalis ang paningin ko sa kaserolang yun. Kaya ang ginawa ko, ni-drain ko na lang sa sink. Dating gawi, pinagbubuksan ko ang mga cupboard at kung anu ano pa. Paghatak ko sa pinto ng ref— M-may pugot na ulo ng isang babae! Sinara ko kaagad yun. Shit ito ba yung tinatawag nilang Hostel?! Reluctant na tuloy akong magbukas bukas. Kaso matindi ang pangangailangan ko ng clues. Nagdahan dahan na lang ako sa mga next drawers na binuksan ko para hindi ako masyadong magulat. Sa pinakalast drawer ay nakakita ako ng maruming papel at may nakasulat. Parang dugo ang ginamit na pansulat: Young master Hio, nung unang beses kitang makita ay nahulog na ang loob ko para sayo. Marami din namang dinadalang mga ginoo ang mag-asawa kong amo dito; pero iba ang taglay mong karisma sa lahat. Napakaamo ng iyong mukha at narinig kong napakatalino mo daw. Para patunayan ko sayo ang aking sinseridad, ginamit kong tinta ang sarili kong dugo. Pasensya na kung masyado na akong maraming sinasabi gayung hindi mo ako kilala. Ako si Shantal. Isa lamang akong hamak na utusan dito sa tore at pinagbabawalan akong makipag-usap sa mga panauhin. Pero sana ay wag mong masamain kung sinulatan kita. Sakaling isumbong mo ako sa aking mistress, nakahanda akong maparusahan. Kahit na anong parusa! Nakahanda akong ipaputol ang mga daliri ko kung iyong hihilingin. Basta hayaan mo lamang akong hangaan ka mula sa malayo. P.S. Huwag ka na sanang bababang muli sa una at ikalawang palapag. Tiyak kong magagalit ang mistress sayo kapag nahuli ka niyang nasa unang palapag. Naroroon kasi ang mga koleksyon niya ng kanyang mga paboritong manika. Dapat mo ring iwasan ang tagapagluto dito sa ikalawang palapag. Mainitin ang ulo niya at pinupugutan niya ng ulo ang sinumang mang-istorbo sa pagluluto niya. Napakawirdo naman ng taong sumulat ng liham na ito. Tsk. Sorry huli na ang lahat. Nakita ko na ang sinasabi niyang mga 'manika' at yung 'tagapagluto'. Kabugnot lang yung mga nakikita kong memo. Puro late warning! Kung ganun ay panauhin ako sa toreng ito. Bakit ako dadalaw sa toreng puno ng lagim in the first place? Ibinulsa ko ang note bago binuksan ang backdoor. Lumabas ako sa isang fancy corridor. Magara ang carpet pati ang wallpaper at mga pinto; para akong nasa isang makalumang hotel na pangmayaman. Maingat akong naglakad pakanan, at huminto sa pinakamalapit na pinto. Bukas! Agad agad akong pumasok. Simple lang yung loob ng kwarto. Yung pinto lang ang makikita mong elegante. Ang tanging liwanag sa kwartong ito ay nagmumula sa gaserang nasa isang study table. Bukod dun sa study table, may isang plain na kama sa gitna katabi ang isang oak dresser sa kanan at isang oak cabinet sa kaliwa. Inuna kong halungkatin ang cabinet. Syempre dahan dahan ko lang na binuksan yun at baka may tyanak sa loob. Salamat at wala naman. Puro maid uniform lang ang laman ng tokador, suggesting na ang corridor na pinasukan ko ay servant's quarters. Wala naman akong nakitang importanteng clue. Balak ko na sanang lumabas, nang napansin ko ang isang talaarawan sa tabi ng gasera. Ordinaryong task schedule lang ang mga nakatala dun sa unang bahagi. Sa pinakahuling pahina na may tala, dated September, nakasulat ang tungkol sa isang 'young master' na ang pangalan ay 'Hio'. Mabuti na lang pala at ang unang clue na iniwan 'ko' para sa sarili ko ay ang pangalan ko. Binasa ko ang tala: Nasasaktan ako sa nasaksihan ko. Ang young master na iniibig ko ay umiibig na sa aking mistress! Diyos ko, patawarin mo po si young master Hio. Ibibigti ko ang aking sarili kung yun ang magbibigay ng kapatawaran para sa aking mahal. Hindi po niya kagustuhan ang makiapid, sapagkat alam ko ang katotohanan! Ginagayuma siya ng aking mistress gaya ng ginawa niyon sa mga naunang ginoong nakapiit sa ikatlong palapag ng toreng ito! BUMIG BANG sa utak ko ang binabasa kong ito. Ako? Ginagayuma tas nakikiapid sa may-ari ng toreng ito? What the hell? Sino ba ang mistress ng tore? Mukha din ba siyang pilipit gaya ng mga halimaw na naencounter ko? Nung makarecover, ipinagpatuloy ko ang pagbabasa: —Ang tagapagluto ang siyang naghahalo ng gayuma sa inihahandang pagkain para sa young master. Ayoko talagang mapahamak ang young master. Pero natatakot ako sa bagsik ng tagapagluto! Ano ang dapat kong gawin? Lumangitngit ang pinto sa may likuran ko. I froze to death. SINO YUNG PUMASOK?! Tap! Tap! Tap! Maingay. Kinakalampag ang pader! Slowly.. Slow.. Slow.. Ipinaling ko ang leeg ko para lingunin ang pinto— Pu~ PU~ PUTANG INA MAY DUGUANG MAID NA PUGOT ANG ULONG NAGKAKAKAPA SA PADER! Natutop ko ang bibig ko. Di ba masama ang magmura? Sa takot ko, lumayo ako sa study table at sumandal sa sulok. Mukhang hindi siya makakita, makarinig, o makapagsalita dahil WALA NGA SIYANG ULO! Kumapa siya ng kumapa hanggang sa makapa niya ang desk, gasera at talaarawan. Parang gusto niyang magsulat kaso hindi niya mahanap ang pluma. Wala na rin nga pala ang utak niya kaya lahat ng ginagawa niya ay force of a habit na lang ng kanyang katawan. Naawa ako para sa kanya. Siya na ba si 'Shantal'? Nagpunta ako sa likuran niya at hinawakan ang magkabilang balikat niya. Ininda ko na lang ang mga nakikita kong nakalawit na litid sa kanyang leeg. Napapitlang ang katawan ng pugot na maid pero narelax ito nung maramdaman nitong wala akong balak na masama. Kinuha ko ang pluma at ipinahawak sa kanang kamay niya, tapos ay ni-guide ko ang pagsusulat niya. ...Nababaliw na ang mistress— ...Ayaw niyang paalisin sa mga namatay nang katawan ang kaluluwa— ...Nakakulong kaming lahat sa toreng ito— SERYOSO?! Anong meron? ...Wala nang makakatakas— Sa mga next na isinulat ng maid na pugot, waring addressed yun para sakin— ...Umalis ka na rito.. Kanina pa niya ako sinusundan.. malalagot ka kapag nakita ka niya— S-sino yun?! HRRRGGGH.. Nasa likuran ko ang 'tagapagluto'. —— direk_whamba Opus 90 Hio's POV: Tumayo ang maid na pugot tas itinulak niya ako nang napakalakas kaya bumalandra ako sa pader. Siya tuloy ang nasaksak ng tagapagluto. Sinamantala ko yun at lumabas ng silid. Tumakbo na naman ako hanggang sa tumambad saking harapan ang isang kinakalawang na pintong de rehas. Napansin ko kaagad ang napakalaking kandado. Dug. Dug. Dug. Ayun na! Naririnig ko na ang yabag ng tagapagluto! Sinipat ko ang kandado at nagbakasakali akong bukas yun. May nakabarang papel sa keyhole. Hinatak ko yun. May dala nga pala akong susi ano? Bakit hindi ko subukan! Click! Bumukas ang kandado. Pumihit ako at namataan ko na ang tagapaglutong papalapit. Mabilis akong pumasok ng pinto tas ikinandado ko ang sarili ko. BAM! BAM! Niyugyog ng tagapagluto ang pintong rehas. Inunday unday pa niya ang hawak niyang butcher's knife. Nakakita ako ng hagdan paakyat paglipas ng maiksing lakarin. Habang umaakyat, binuklat ko ang maliit na papel na nanggaling sa keyhole ng kandado. Binasa ko ang miniscule writing: WAG KANG UMAKYAT! Bumalik ka ng ikalawang palapag at humanap ng ibang daraanan dahil mapanganib sa ikatlong palapag! Pero kung hindi mo maiwasang dumaan dito, wag kang gagamit ng any source of light kahit pa sobrang dilim. Ingatan mo ang pagkilos mo upang hindi nila mahalatang hindi ka kabilang sa kanila; at higit sa lahat, wag mong masyadong pansinin ang mga makikita mo upang mapanatili ang iyong katinuan.. Tatandaan mo, sa oras na mabaliw ka ay katapusan mo na.. BUSET! Ano yun?! Tinakasan ko ang tagapagluto para lang pumunta sa MAS mapanganib na lugar?! Nilock ko pa man din ang sarili ko! Ah hindi ako tutuloy sa daang ito. MAPANGANIB NGA DAW DITO DI BA? Yung susi nga pala? Nagkapa kapa ako. Hala! Wala! Nasaan na yun?! Wooooh.. Wooooh.. Naririnig ko na ang pamilyar na ungol ng tagapagluto. Nawasak na yata niya yung pinto. No choice! Kailangan ko talagang umakyat. Padilim nang padilim kaya wala akong ideya kung ilang baitang pa ang kailangan kong akyatin para marating ang ikatlong palapag. Kinuha ko ang kandilang itinabi ko at sinindihan iyon. Yumuko kasi ako nung ibinulsa ko ang lighter. Kaya pag-angat ko ng paningin— M-may panibagong halimaw sa harap ko! Hindi lang yan, kanina pa ako umaakyat ng hagdan pero ngayon ko lang nakitang may mga nadadaanan na pala akong kung sinu sino na mga nakatambay sa gilid ng hagdan! Pare-pareho silang mga lalakeng hubo't hubad, kalbo, pinutol ang ari, dinukot ang mga mata, duguan, at maraming nakabaong kung anu anong bakal sa kanilang katawan. Kung gumalaw sila, parang loose ang mga joints nila. Pero ang kaibahan nila sa mga nasa unang palapag ay hindi sila mutilated. "Li-li-liwanaaaag!" hirap sa pagsasalita ang nilalang na nakaharang sa daraanan ko. Yung kandila lang ang nakapagitan saming dalawa. Nagsipagkilusan ang mga kauri niyang nakatengga kanina. Totoo ang sinabi sa note na wag gagamit ng any source of light— Pwooh~ Pagkahipan ko sa kandila, tumigil ang mga pagkilos. Gumilid ako para lagpasan ang nakaharang sa harapan ko. Surprisingly, may naaaninag pa ako kahit sobrang dilim. Ang ikatlong palapag ng tore ay inilaan upang gawing bilangguan. Paikot ang mga seldang gawa sa matibay na bato na may mga rehas na kinakalawang. Nagtataka nga lang ako dahil bukas ang lahat ng selda. Posible kayang pinakawalan ang mga presong nandirito? Sila ba yung mga nasa hagdan kanina? Creeeeeaaaaaakkk! Nakakapangilo ng ngipin ang paglangitngit ng pinto ng isang selda na niluwagan ko ang pagkakabukas. "M-mahal ko... I-ikaw ba yan—?" Chink. Chink. Naalarma ako sa narinig ko. Meron pa yatang preso ang may kaunting pag-iisip na nandirito! Lumayo ako sa selda at nagtago sa gitnang poste. Paika-ikang lumapit sa binuksan kong selda ang isa na namang hubo't hubad na preso. Karag karag niya ang ball n' chain na nakakabit sa kanyang paa. "—MA-HAL KO? N-nasaan ka?! Sabik n-na ako s-sayo~" Sa gilid ko ay may presong gumagapang. Kinakapa niya ang kanyang daraanan. Naiisip ko kung gaano kaya sila kapanganib kung may liwanag. May kakaiba sa tore. Hindi lang isang simpleng penomenon ang kadiliman dito. Parang humihigop iyon ng katinuan ng kahit sino. At ang matagal na pananatili sa dilim ay nagdudulot ng halu halong takot, pagkalito, at panibugho. "Mahal ko~" pumihit patalikod ang presong pinagtaguan ko. Nung makalayo na siya ng tuluyan ay pinasok ko ang seldang pinagdiskitahan kong buksan kanina. May isang lumang kama sa gitna ng napakaliit na espasyo. Sa isang pader ay may nakasabit na tuxedo. Maalikabok na yun nung mahawakan ko. Nakapa ko ang isang envelope sa inside pocket niyon. Sumilip ako sa mga rehas kung may palakad-lakad na preso. So far ay wala naman. Umupo ako sa gilid ng kama at ni-risk na sindihan muli ang kandila. Bukas na yung envelope ng sulat kaya hinugot ko na lang ang laman. Mabilisan ang ginawa kong pagbabasa: Mahal kong Luca, Kailangan ko ang iyong tulong. Hindi sinasadyang makadiskubre ako ng isang napakalaking cryptic circle sa isang abandonadong estate sa bansang Pilipinas. Sadyang malakas ang pandama ko sa mga magic circle at ang nakita kong ito ay lubhang kakaiba sa lahat. Pinagana iyon gamit ang isang pambihirang kapangyarihan. Hindi lang yan Luca, may katawan akong natagpuan sa epicenter ng circle. Sigurado akong isa din siyang bampira. Sa tingin ko ay hindi ganun katagumpay ang ginawa niyang mahika dahil hindi pa nawawasak ang kanyang katawan. Gusto kong hanapin ang kanyang kaluluwa kung nasaan man iyon, at pagkatapos ay ibalik yun sa katawan niya. Alam kong ikaw lang ang makakatulong sakin pagdating sa mga kaluluwa. Maaasahan ba kita? Nagmamahal, Magdalia Pinatay ko ang kandila pagkatapos kong magbasa. Napakamot ako sa ulo habang isinisilid sa inside pocket ko ang sulat at kandila. Bakit pati hanggang sa sulat ay puro kabaliwan nila ang nababasa ko? 'Sino' yung bampirang tinutukoy sa sulat na walang kaluluwa? At sino sina Magdalia at Luca? Mayroon pa bang ibang clue? Kinapkapan kong muli ang tuxedo. Wala nang ibang nakalagay dun. Sumunod ay sumilip ako sa ilalim ng kama. Wala din. Binaligtad ko ang kutson— Bingo! May nakalagay doong long-sleeved na polo, na parang sinadyang itago dun. Namamantsahan yun ng dugo pero in a way na sinadya dahil may isinulat dun gamit ang dugo. Pinagliwanag ko na namang muli ang kandila tas binasa ang tala sa polo: Ang sabi niya, ako lang ang mahal niya. Ang sabi niya, malapit na kaming magsama dahil papatayin niya ang asawa niya. Pero bakit niya ako ipiniit dito at ginamitan pa ng pilak?! Sa isang iglap ay nahibang siya sa lalakeng hinugot namin mula sa terra nusquam! Inagaw siya sakin ng binatang iyon! Papatayin ko ang taong umagaw sa mahal ko oras na makalaya ako dito! Mayroon pang mga nakasulat sa ibang bahagi ng polo pero napatigil akong bigla nung maramdaman kong parang may humihinga sa aking balikat. "—I-i-ikaw ba a-ang bi-natang u-umagaw sa mahal k-ko?!" anang isang malamig na boses. "H-hindi ako yun.." pabulong kong sagot. Hinipan ko kaagad ang kandila. KRUNCH! Nakagat niya ako sa leeg. Parang dahil dun, gumana sakin ang adrenaline rush. Buong pwersa kong itinulak ang kalaguyong bilanggo. Lumabas ako ng selda at isinara yun. Binuhat ko ang naaninag kong crate at binarikada ko sa pinto ng selda. Tink! Tink! Kaching! Naghanap pa ako ng mga pwedeng ibarikada dahil napakalakas niya; magigiba pa nga yata yung pintong rehas! Guho ang isang selda sa gawing kanan ko. Sinubukan ko kung kaya kong buhatin yung malaking tipak ng bato. Hindi ko maexplain kung bakit yung inaakala kong mabigat eh ang gaan lang pala nung binuhat ko. BAM! Bumigay yung pintong rehas sa selda ng nagwawalang bilanggo. "KAININ MO TO!" ibinato ko na lang sa kanya ang buhat ko sabay karipas ng takbo. Nagtago ako sa isa na namang bakanteng selda. "H-HAYUP KA! B-BABAWIIN K-KO SI M-MAGDALIA! P-PAPATAYIN KI-TA!" Nanatili akong nakakubli sa gilid ng pintong rehas kahit nakaalis na siya. Pinahid ko ang dugo mula sa sugat ko sa leeg. Ha? Nasaan na yung sugat? Imposible namang wala eh nagdugo nga! Panibago na namang misteryo ito! Kailangan ko pa ng maraming clue! Sumilip ako sa labas. Hindi na bumalik yung mad prisoner. Pagkakataon ko nang tumakas! Lumabas ako sa pinagtataguan ko. Katapat nung nilusutang pasilyo nung preso, may isang nakasarang gate na magbubukas lang pag inoperate ang lever sa gilid. Sa loob ng gate na yun ay may hagdan paakyat! Eh nasaan yung lever handle?! Paano ko mabubuksan ang gate pag wala yun?! Nagsagawa na naman ako ng search operation. Inisa isa ko ang mga selda. Natagpuan ko ang hinahanap ko sa ikalawang seldang pinagtaguan ko kanina. Nasa likod yun ng isang sirang mesa kaya hindi kapansin-pansin. Katulad nung susing natagpuan ko, may kasama iyong papel na nakarolyo sa shaft. Ito ang nakasulat: Yehey ito na ang lever handle! Pwede ka nang umakyat sa 4th floor pare! Pasensya na kung medyo kalog ang pagkakasulat ko nito. Masaya lang talaga akong nahanap mo ito. Imagine, natakasan mo ang pinakawalan kong mga prisoners? Ikaw na maangas! Naningkit ang mga mata ko hindi dahil nahihirapan akong magbasa sa dilim, kundi dahil nakakabadtrip ang nalaman kong 'ako' yata ang nagpakawala sa mga nakakulong dito! Nahihibang rin yata ako dati. I think I'm beginning to embrace my amnesia mula ngayon. Ah may nakasulat pa pala— Mag-iingat ka sa bilanggong nagngangalang Luca. May katinuan pa rin sa kanya dahil sa kanyang pusong gustong maghiganti. Hindi mo alam, baka gumawa siya ng paraan para habulin ka. Sa ngayon ay wala ka nang dapat ipanghilakbot sa susunod na palapag; SUBALIT gusto kong iwasan mo ang 'sister-in-law'. Siya ang may-ari ng ikaapat na palapag. Kung hindi niyo maiiwasang magpang-abot, wag mong aamining wala kang maalalang kahit na ano. Maaaring pasinungalingan niya ang mga katotohanan tungkol sayo. Maaari ring kasinungalingan ang ituring mo sa mga katotohanang sasabihin niya. Goodluck. Akala ko mas okay kung may forewarning akong matatanggap. Tas nitong meron na, mas lalo yata akong na-chichicken. Buset talaga. Ikinabit ko na nga ang lever handle at ibinaba iyon. Umangat ang gate na nakasarado. Saktong nakapasok na ako nung lumitaw yung mad prisoner. Kinalawit ko yung lever para bumaba yung gate. BANG! BANG! Sumugod siya at binayo yung gate pero hindi kaya ng lakas niya. Pumihit ako para simulan ang pag-akyat. —— direk_whamba Opus 91 Hio's POV: Matapang na amoy mula sa sari-saring kemikal ang sumalubong sakin pagkaakyat ko sa ikaapat na palapag. Bahagyang sumakit ang ulo ko. Maputik ang corrdor dahil sa lupang nakatambak sa sahig. Natatamnan yun ng mga rosas na nagsipaglanta na. Mula sa isang nakasarang kwarto ay may dumadaloy na kumukulong likido na kulay lila. Asido yata iyon. Bumabaha ang asido sa mga tanim kaya't hindi na nakapagtataka na malanta ang mga iyon. Nagdahan-dahan ako upang iwasan ang asido. Success naman akong nakarating sa pintuan ng pinakamalapit na kwarto. Tlaaak.. Puno ng shelves ang pinasukan kong silid. May nakita akong hanging candelabra na nakaturnilyo s tagiliran ng bawat shelf. Kinuha ko ang lighter ko para sindihan ang mga kandila. Nung magliwanag, kaagad akong naghalungkat. Sa isang table ay may naka-pin na telegrama sa pader— Ang kasalukuyang prinsipe ay naglaho matapos niyang patalsikin sa trono ang mahal na hari, at matapos niyang lipulin ang mga maharlika sa loob lamang ng isang gabi. Inaabisuhan ang mga natitirang maharlika na umiwas at magtago muna. Sa gilid ng telegrama ay may nakasulat na side comment, written with a pink ink: Magtago? Hanggang kailan kami magtatago sa toreng ito?! Duh? Hindi na nagpakita pa ang prinsipeng yun kaya nasisiguro kong ligtas na sa labas! Isa pa, hindi ko na talaga matagalan ang makasama dito ang malanding Magdalia na yun. Hindi ako makatulog sa ungol at palahaw ng mga ibinilanggo niyang mga kalaguyo sa ibaba. Hindi na siya makuntento sa aking kapatid. Pati ang mahal ko ay ginalaw pa niya. Naku bumaba lang talaga siya dito ay sasabuyan ko ng asido ang mukha niya! Ah.. Siguro ang nagsulat nito ay ang tinutukoy na 'sister-in-law'. Batay sa kanyang komento, lumalabas na hindi niya kasundo ang hipag na si 'Magdalia'. Nagbuklat buklat ako sandali ng mga libro, na itinigil ko rin dahil wala akong maintindihan kahit isa. Kakaiba kasi ang laman ng mga libro; puro mga diagram, circle at numero. "— Mahal ko, ikaw ba yan?" natigilan ako. May trauma na yata ako sa 'Mahal ko'. Pero this time ay disente naman sa pandinig ang boses ng nagsalita. Sa timbre ng boses ay halatang galing iyon sa isang dalaga; idagdag mo pa ang kahinhinan ng pagkakabitaw niya ng mga salita. Itatanong ko sana kung sino siya pero ang sabi sa sulat ay magpanggap akong may naaalala. Pumihit ako paharap— Magandang maganda ang babaeng nasa harapan ko kaso hindi ko mabigyan ng tamang reaksyon yung kulay ng balat niyang turning gray. Nakasuot siya ng pantulog na gawa sa silk tas yung kulot niyang buhok ay nakaladlad hanggang bewang. Ngumiti siya at kumapit sa braso ko. "Sabi na nga ba at ikaw yan eh— alam ko namang ang unang pupuntahan mo dito ay ang aklatan ko." Tumingkayad siya, para ilapit yata ang mukha niya sa mukha ko. Anong gagawin niya? Hahalikan niya ako? Dapat ba akong magpahalik? May relasyon ba kami? HINDI KO ALAM! Out of confusion, itinulak ko siya. Bahala na! Maghahabi na lang ako ng dahilan. Hindi siya nagalit sa ginawa ko bagkus ay umiyak siya. "Ang sabi ni Magdalia, nag-away daw kayo— " may dinukot siyang isang papel sa dibdib ng kanyang pantulog at ibinigay iyon sakin— Wynona, kapag nakita mo ang aking ginoo ay agad mong ipagbigay-alam sakin. Nagkaroon kami ng pagtatalo at gusto kong makipag-ayos sa kanya. — Magdalia. Tumango-tango ako. "Oo.. Ang totoo niyan ay paakyat na ako sa taas para puntahan siya— " Niyapos ako ng babaeng si Wynona. "Hinde! Hindi kita papayagang pumunta sa kanya! Dito ka lang sa piling ko!" Bakit ba parang pinag-aagawan ako ng mga babae dito?! Eh sabagay, ang mga lalakeng nandito ay puro mga halimaw na. Malakas ang pakiramdam ko na ganun din ang sasapitin ko pag nagtagal pa ako sa toreng ito. "Sige hindi muna ako aalis. Dito muna ako sa palapag mo." 'Dito muna ako'. Peste. Bat ba yan ang nasabi ko? Paano kung madiskubre niya ang kapansanan ko? At paano na lang kung maisipan niyang papaniwalain ako sa mga kasinungalingan? "Halika, tulungan mo ako sa aking eksperimento— " hinila niya ako palabas ng aklatan. Tinungo namin ang silid kung saan nagmumula ang asidong lumalason sa mga rosas. Napaatras ako pagkakita sa loob ng silid. Mistula iyong isang kwarto ng mangkukulam slash laboratoryo. Nakapalibot sa apat na sulok ng silid ang daan daang nakasinding kandila. Sa may bandang gitna ay may hubbard tank kung saan may nakahigang kung sino na nakagapos at pumapalag. Lapnos na lapnos ang balat niyon na umuusok pa. Imbes na tubig ang laman ng tank ay asido. Umaapaw yung asido kapag inilulubog doon ang lapnos na katawan ng nilalang. Yun ang naglalawa at lumalanta sa mga rosas. Alam kong nais sumigaw ng nilalang sa tindi ng hapdi at sakit na nararamdaman nito. Ngunit nanatili iyong walang imik. Gusto kong itanong kay Wynona kung bakit niya nagagawa ang ganoong kalupitan sa kaawa awang nilalang? "Mahal, kung napansin mo na, bangkay na ang isang yan." ani Wynona. Hindi ako nagreact. Hinintay kong magsalita siyang muli. "Lahat ng bangkay sa toreng ito ay malaya pa ring nakagagalaw. Ibang klase talaga si Magdalia." Hindi pa rin ako nagsalita. Pinanood ko ang nagpupumiglas na bangkay. Biglang yumakap na naman sakin si Wynona. Tss ang lakas maka-chancing. "— Hindi ba kaya mong wasakin ang isang kaluluwa?" Patay.. Kaya ko nga ba yun? "— Nakita ko sa mga mata mo ang awa mo para sa nilalang na iyan. Bakit hindi mo siya tulungan? Tapusin mo na ang paghihirap niya.." Bakit ako susunod sa kanya? Wala ba akong sariling desisyon? "Aalis na ako. Kailangan ko nang umakyat." pamamaalam ko. BANG! Winasak ni Wynona ang isang bahagi ng pader gamit ang isang kamao lang. Lumapit ako dun nang matamaan ng sinag mula sa kandila ang isang lalakeng nakagapos ng kadena at nakabitin. Kumabog ang dibdib ko pagkakita ko sa mukha niya. Sino siya?! Bakit parang kilala ko siya? "W-Wynona pakawalan mo siya— " utos ko habang nakatitig pa rin sa binata. Malakas ang dikta ng instinct ko na dapat ko siyang iligtas. Hrrr.. Hrrr.. Walang sahig ang kinalalagyan ng bihag; direcho yun sa ikatlong palapag kung nasaan ang bilangguan ng tore. Dahil sa liwanag, naakit ang mga presong nasa ibaba na tumingala sa gawi dito. Yung iba ay tumatalon pa. "Wynona, hindi magandang biro yan!" "Hindi ako nagbibiro.. Ipakita mo sakin ang iyong kakayahan pagkatapos ay palalayain ko na ang kaibigan mo." Kaibigan ko nga ba talaga ang nakagapos sa kadena? Paano kami naging magkaibigan at kung kaibigan ko nga siya… paano siya napunta dito? Kasama ko ba siya? Pinapunta ko siya dito? O sapilitan siyang dinala dito? But wait… Anong malay ko na baka isa lang itong kasinungalingan— na kapag namatay ang bihag ay kargo de konsensya ko pa! "Paano ko naman masisigurong hindi mo siya ilalaglag kahit nagawa ko ang gusto mo?" basta ang alam ko, madadaya ang mga nagbibigay ng ganitong kondisyones. Lumapit si Wynona sa butas at hinablot at dulo ng kadenang nakatali sa bewang ng bihag. Iniabot niya sakin yun. "Oh ikadena mo sa bewang mo." Sinunod ko siya. Na ewan ko kung bakit ako nagpapauto sa kanya. Pasalamat siya at wala lang talaga akong ideya kung paano siya matatakasan lalo na ngayong may bihag pala siyang kaibigan ko. Sinigurado kong secured yung kadena; yung tipong hindi aabot sa ibaba yung bihag kahit bumigay yung kadenang nakabitin sa itaas. Pero eto talaga ang problema eh— kung paano ko magagawa ang gustong mangyari ng babaeng to. Sirain ang kaluluwa? Tch— Ano nga ulit ang problema dito sa tore? Lahat ng bangkay ay stucked pa rin ang mga kaluluwa?! Eh di ba may nakita nga akong isa sa ikalawang palapag, yung nakabigti?! Ano ang ipinagkaiba ng bangkay na yun sa karamihan? Cause of death? Height? Weight? Last wishes?! Arggh! Sakit ng ulo ko! Bigla biglang may imaheng rumehistro sa isipan ko. Yung circle drawing na nakita ko sa paahan ng bangkay. Naupo ako sa sahig (sa tapat ng nagpupumiglas na bangkay sa hubbard tank) at iginuhit ang circle ayon sa natatandaan ko, gamit lamang ang aking hintuturo. Habang ginagawa ko yun, isang alaala ang parang nagbabalik. Alaala kung saan iginuguhit ko ang circle sa sahig ng isang kwarto. Mababa ang paningin ko at tanging pumapalag na mga paa na lamang ang tanaw ko. "— Hindi ko ito gustong gawin sayo. Di mo man masabi ay alam kong pagod ka na. Wag kang mag-alala, wala ka nang mararamdaman pagkatapos nito. At ipinapangako ko sa iyo na palalayain ko rin ang iba mo pang mga nakasama dito." Nagliwanag ang mga simbulo, kasabay ng paglabas ng kung anong maputing usok sa katawan ng bangkay. "Exterminatore. " usal ko. That 'mystical' word is from the vague memory, of course. Yung English ko, trip lang. Katulad ng sa alaala ko, may lumabas na wispy silvery na usok sa katawang nasa tank. Pagkatapos, hindi na muling gumalaw yung bangkay. Napapalakpak si Wynona sa nangyari. "Magaling! Wala kang katulad mahal ko— " Tumayo ako at hinawakan ang kadena. "Pakawalan mo na ang bihag— " Bahagya akong dumausdos dahil parang bumigat yung kadena. Parang may— "P-PAPATAYIN KITA— PA-PATAYIN K-KITA!" Kumapit sa kadenang nakalundo ang baliw na bilanggo para makaakyat at marating ang aming palapag! Hinahatak niya ang kadena ko! "S-sino ka?! Bitawan mo ang future husband ko!" nakipaghatakan sa kadena si Wynona. Umisip ka ng paraan Hio! Nadako ang paningin ko sa mga kandila. "WYNONA PATAYIN MO ANG MGA KANDILA!" natataranta kong sigaw. Ikinumpas lang ni Wynona ang kamay niya pero napawi ang lahat ng apoy sa mga kandila. Bulag sa dilim ang mga bilanggo. Tinakbo ko ang butas at tinalon ang 'kaibigan' kong bihag. Sa timbang naming dalawa ay bumigay ang kadena. Lumagapak kami pabalik sa ikatlong palapag. Wala na akong choice kundi ang muling dumaan sa ikatlong palapag na may kasamang hindi ko kilala. — — direk_whamba A/N: Inindicate ko lang yung flashback para sa mga nakamobile watty dahil walang italics.. Hala anu yun T_T maximum na raw sa isang book ang 100 parts...mag iisip muna ako! Dito ko muna pansamantalang iistash ang new UD ng ForMad ---- Opus 92 Hio's POV: Pasintabi lang sa nadaganan naming mga preso. Di yun sadya! Tumayo kaagad ako at hinila ang binatang iniligtas ko dahil baka tumalon pababa dito yung mad prisoner. Tlingggg.. Tling.. Tling.. Binuntutan kami ng mga bilanggo dahil sa tunog na gawa ng mga kadena. Okay.. Dalawa ang sinusundan nila; tunog at liwanag. Isinandal ko ang binata sa nadaanan naming poste at pinagkakalas ang mga kadenang gumagapos sa kanya. Inirolyo ko ang mga kadena at ibinato sa kabilang side para iligaw yung mga engot na sumusunod sa trail namin. Inagapayan ko ang wala pa ring malay na binata at naglakad lakad hanggang sa marating namin ang isang alcove na hindi ko naexplore kanina. May solid metal na pintuan dun at bumukas pagkahila ko ng seradura. Since closed space yun at walang rehas, ayos lang na magsindi ng kandila. Bago ko ilock ang pinto, siniguro ko munang wala nang ibang life forms ang nandito bukod samin ng kasama ko. Maliit lang naman yung kwarto; parang dun tumatambay ang warden. May mahabang desk at mga upuan. Sa may sofa ko inihiga ang kasama ko. Nag-usyoso ako sa mga cluttered paper sa desk. Dinaganan yun ng isang bugkos ng mga susi. September 2. Pinayagan ako ni Magdalia na magtungo dito. Ang sabi niya ay mga halang na kriminal ang lahat ng bilanggo nila. May kakaiba akong napuna sa behavior ng mga preso. Tinotorture kasi nila ang mga sarili nila. Hindi ko rin matukoy kung may buhay pa ba sila o mga patay na. Sa tingin ko ay concentrated sa palapag na ito ang kapangyarihan ng Duke. Tsk.. Habang dumarami ang natutuklasan ko, mas lalo kong narerealize kung gaano ako walang alam sa mga nangyayari. September 4. Pinakawalan ko ang mga preso. Magagalit sakin si Magdalia pero bahala na. Kagaya ng mga preso, halos hindi ko na rin alam ang ginagawa ko— "AAAAAHHHHHH!" sumigaw ang naalimpungatang binata na kasama ko. Dagli akong dumulog sa kanya para takpan ang bunganga niya. "OY KUYA WAG KANG SUMIGAW! Pag narinig ka nila, matutunton nila tayo dito!" Inalis ko lang ang kamay ko nung kalmado na siya. "Anong pangalan mo?" tanong ko. Pinagkatitigan niya akong maigi. "Hio? Ikaw yan di ba? Bakit hindi mo ako maalala?" Gahd ang haba ng pangalan niya. Joke. "Ako nga yata si Hio. Uulitin ko yung tanong ko, anong pangalan MO?" "—Kape." Nangunot ang noo ko. "Walang kape dito. At saka wag kang magkakape baka lalo kang nerbyosin dito—" naiinis na ako sa gunggong na to eh. Tinatanong ang pangalan, kung anu ano ang sinasabi. Pakatanga. "Hindi! Kape ang pangalan ko!" aniya. "Bakit hindi mo ako kilala?" Malamang may amnesia ako ser. "Pasensya na, wala akong maalalang kahit na ano." naiiling kong tugon. Tas may naalala akong itanong. "Bakit ka nga pala nandito? Alam mo ba ang panganib na pinasok mo?" "Isinama ako dito ng isang babae. Ang sabi niya ay karelasyon mo daw siya—" TOK! Binatukan ko siya sa inis ko. Ang tanga tanga niya eh! "Bakit sama ka ng sama sa hindi mo naman kilala?" Nagbaba siya ng paningin tas kumapit sa laylayan ng coat ko. "Eh kasi, namimiss na kita. Mahigit dalawang taon na tayong hindi nagkita. Lalo lang kitang namiss nung natanggap ko yung sinulat mong diary last month. Kaya ayun." Namimiss.. ako? Wag niyong sabihin saking may relasyon kami ng lalaking to?! Anu't anuman, responsibilidad kong patakasin siya dito sa tore. Humawak ako sa balikat niya para sana bigyan siya ng briefing ukol sa mga escapades ko dito sa letseng tore ni Babel. Nung mahawakan ko siya, nakaramdam ako ng kakaibang sensasyon; parang tumigil ang oras.. Kasabay ng pagrewind sa utak ko ng mga pangyayaring naganap na.. *Flashback: "Anong ginagawa ng taong yan dito?!" gulilat kong tanong kay Magdalia habang nakaturo sa binatang hawak niya sa braso. Si Kape ang binatang yun! Paanong— Binitawan ni Magdalia si Kape tas lumapit siya sakin at bumulong. "—Bakit mahal ko? Kilala mo ba siya? Sa tingin ko ay bagay siyang ibilang sa mga koleksyon ko sa unang palapag—" "WAG!" tutol ko. Nahuli ba niya akong bumaba sa unang palapag kaya nais niya akong parusahan ng ganito?! Asar! Pinapapili niya ako sa kanilang dalawa; kung siya ba o si Kape? Lumuhod ako sa harap niya. "Wag mong gawin sakin to.." Shit. Tinatabla na niya ako pero hindi ko siya kayang kalabanin. Sobrang mahal na mahal ko siya. Nababaliw na ako sa pagmamahal sa kanya na parang mapapatay ko na nga si Kape, ipag-utos lang niya— Inakay ako patayo ni Magdalia. "Tumayo ka mahal ko." Inilapit niya ako sa bisprin ko. "—Gusto kong patunayan mo sakin ang pagmamahal mo. Patayin mo siya. Wala lang siya sayo diba? Isa lang naman siyang tao.." "Pare—" sinubukang hawakan ni Kape ang balikat ko pero pumalag ako. Nagmamahal ako ng sobra sobra sa dapat PERO may rationality pang natitira sakin. Tumitig ako sa mga mata ng bisprin ko— Kape, magtiwala ka sa akin. Akong bahala sayo.. Pumihit ako paharap kay Magdalia. "Patayin agad? Ayaw mo bang dahan-dahan ko siyang patayin sa sakit?" Ngumiti ang aking pinakamamahal. "Gusto ko yan.. Ano ba ang nasa isip mo, mahal?" "May bagong klase ng asido na dinedevelop si Lady Wynona sa laboratoryo niya. Paano kaya kung subukan kong ilubog dun yang taong dinala mo dito?" "H-Hio?" nahintatakutan si Kape sa mga naririnig niya. Napapalatak si Magdalia. "Excited na ako!" "Paano, ibababa ko na siya sa ikaapat na palapag. Bukas ay ipapakita ko sayo ang lapnos niyang bangkay." hinaklit ko ang braso ni Kape at inihilamos sa mukha niya ang palad ko. Kaagad siyang nawalan ng malay. Binuhat ko siya pababa ng ikaapat na palapag. "Mahal! Napadalaw ka?" bati sakin ni Wynona. Badtrip ako sa babaeng to pero kailangang sikmurain. Nginitian ko siya. "Maaari mo ba akong tulungan?" "Oo naman, basta ikaw. Ano bang tulong ang kailangan mo? Teka sino ba yang dala mo?" "Ah! Siya ang magiging subject ko sa gagawin kong eksperimento." "Eksperimento?" Tumango ako. "Gusto ko lang malaman kung may pagmamalasakit pang natitira sakin— ililigtas ko ba ang taong ito o hahayaan siyang mamatay?" Nangunot ang noo ni Wynona. "Napakapayak naman niyan." "Hindi, makinig ka muna, balak kong gumamit ng oblivion potion para sa eksperimentong ito." Gaya ng inaasahan ko, nakuha ko agad ang interes niya. "Awee! Sabik na akong malaman ang magiging resulta.. Pero sigurado ka bang gusto mong uminom ng oblivion potion?" Ang oblivion potion ay nakakapagbura ng mga alaala. Long lasting ang epekto nun. Isang baronet si Wynona kaya marunong siyang magbrew niyon. Nagpaturo lang ako sa kanya kung paano; ang gusto ko ay ako ang gagawa ng potion na iinumin ko. Baka kasi may ihalo pang ibang sangkap ang mangkukulam na to. Mahirap na. Isa pa, gusto kong i-regulate ang tagal ng bisa ng potion. Sinabi ko kay Wynona ang eksperimento. Kapag nawala ang alaala ko, may dalawang posibleng pwedeng mangyari: iiwasan ko siya, o magpapanggap akong may naaalala. Sa puntong yun, kailangang magpang-abot kami kahit na anong mangyari upang magawa ang ikalawang bahagi ng eksperimento. Alam niyang wala akong naaalala kahit aminin ko o hindi. Pagkatapos ay ibibigay na niya sakin ang 'problem to solve'. Mahigpit kong ipinagbilin na wag akong paaalisin hanggat hindi ko nakikita ang bihag na nakabitin sa walang sahig na bahagi ng ikaapat na palapag. Bibili lang ako ng oras upang magtagal pa ang buhay ni Kape hanggang bukas kung kelan ko talaga binabalak isagawa ang plano kong pagtakas dito sa tore. Risky ang gagawin ko at isa lang ang chance na meron ako para iligtas si bisprin. Habang malakas ang loob ko, ayokong isiping mabibigo ako; hindi ko kakayanin ang mga konsekwensya— *End of Flashback Hanggang dun lang ang nagbalik na alaala sakin. Tumingin ako kay Kape. Wala pa rin akong masyadong maalala tungkol sa nakaraan namin subalit gumaan ang loob ko sa nalaman kong nagtagumpay ang balak ko. Akalain ko bang magkakakonekta ang mga pangyayari! Ngunit si Magdalia.. Ano ang hitsura niya? Bakit malabo ang mukha niya sa isipan ko? Gaano ko ba siya kamahal? Bakit hindi ko na maalalang mahal ko ang babaeng nagngangalang Magdalia? Si Kape nga lang ba ang dahilan kung bakit ko boluntaryong binura ang alaala ko.. O meron pang mas mabigat na reason? "Kape? B-bakit ka umiiyak?" bahagya ko siyang niyugyog. "I-isang bangungot ang lugar na ito! Nakita ko ang mga halimaw na pagala gala. Parang.. parang hindi na yata tayo makakaalis ng buhay dito.." Niyugyog ko ulit siya. "Ano ka ba? Isa lang itong panaginip kaya't wag kang panghihinaan ng loob. Pareho tayo— natakot din ako sa umpisa. Masasanay ka din sa dilim. Wag mo masyadong bigyang pansin ang mga nilalang na makikita mo. Wag kang hihiwalay sakin. Ako ang bahala sayo. Gigising ka sa liwanag. Pangako—" BANG! BANG! BANG! Bahala bahala ako, hayan na ang panganib! Hinipan ko ang kandila. Sinenyasan ko si Kape na wag gagawa ng kahit anong ingay. Sumandal kami sa pader at nakiramdam. Mas mahirap palang gawin ang mga ganitong da moves pag may kasama ka. BANG! Tumalsik yung pinto na nakapagbigay samin ng palpitations. Ini-stalk talaga ako ng Luca na yun! Tiwala pa rin akong random lang at nagkakataon ang pagpapang-abot namin sa iisang lugar. On instinct lang ang ginagawa niyang pagbubukas ng mga nakasarang pinto. Nung pumasok siya sa loob at bumunggo bunggo sa mga upuan, hinila ko si Kape at itinulak palabas ng pinto. Sumunod ako pero agad akong natigilan nung parang may malamig na kung ano ang humigit sa batok ko mula sa likuran. "H-HULI KA!" —— direk_whamba A/N: Okey.. nagrekwes na ako na dagdagan ang parts ng ForMad at pending pa rin…pag naapprove dun na uli ako magpopost ^^ pag hindi, gagawa ako ng new book ---- Opus 93 Hio's POV: Literal na hawak ako sa leeg ng mad prisoner na kanina ko pa tinatakbuhan. Obyus na kilalang kilala niya ako at napakalakas ng driving force niyang patayin ako gayung hindi ko naman maalala kung sino siya pati kung ano ang ginawa kong ikinagalit niya. Sa may unahan ko ay tila naestatwa na si Kape. Mayamaya ay naupo na lang siyang bigla sa sahig at nanginig sa takot. Naaninag niya marahil ang mga bilanggong pakalat kalat sa daraanan namin. Kailangang may gawin ako. Hanggat may mga paa at kamay ako, hindi ako dapat matakot! Pasimple akong kumapa sa coat ko. Malaki pa ang pakinabang sakin ng lighter pero isasakripisyo ko na para makatakas sa palapag na ito. Huminga ako ng malalim. Isa.. Dalawa.. Tatlo! Umatras ako na ikinabigla ni Luca. Bumaon ng bahagya ang matatalim niyang kuko sa balat ko pero ininda ko lang. Sinuswerte ako dahil napaupo si Luca sa upuan na nasa likuran niya. Nawala ang kamay niya sa leeg ko. Wala na yung metal na bolang nagpapahirap sa paglalakad niya pero nasa mga binti niya pa rin yung kadena. Hinanap ko ang dulo nun at ipinulupot sa paa ng upuan. Nagtatangka pa rin siyang tumayo kaya hinampas ko na siya ng isa pang upuan. Sumunod ay nilimas ko ang lahat ng papel sa desk at ipinalibot sa kanya. Lumabas ako ng kwarto at inakay sa may sulok si Kape. Tsk.. Sinindi ko ang lighter tas initsa ko yun sa loob. Kapag kasi sinindihan ko yun nang nasa loob pa ako, anong malay ko at baka lumiksi ang mga preso. Nakaharang pa naman si Kape sa pintuan. Bumagsak yung may sinding lighter sakto sa mga papel na kinalat ko. Dahil combustible ang mga materials sa silid, mabilis kumalat ang apoy. "Liwa-nag!" "L-liwanagg!" Nagsipaglapitan sa kwartong nagliliwanag ang mga bilanggo. Tama nga yung hinala ko, nagkakaroon ng pambihirang liksi ang mga preso kapag may liwanag. Sinamantala ko ang pagtitipon nila sa iisang lugar. Kinaladkad ko si Kape sa kanang pasilyo. Kaso dead end ang naabutan namin. Takte. Inusog usog ko ang malalaking crates sa pagbabakasakaling may natakpang kung anong butas o lagusan sa pader. No luck. Squeak. Squeak. "Waaah!" sigaw ni Kape. Naatrasan niya ako kaya nawalan ako ng balanse. Natumba ako sa isang gilid. Napatid ang napakaiksing hinahon na meron ako. "PUNYETA! Para daga lang natatakot ka pa! Magpakalalake ka nga—!" Plok! Plok! Ano yung tumutulo sa gawi dito? Basa sa inuupuan ko. May tumutulo mula sa kisame! Pilit kong inaninag kung saang parte ng batong kisame nanggagaling ang tumutulong tubig. May apat na kanto kung saan particularly at randomly nanggagaling ang patak.. Hindi kaya— Inusog ko ang pinakamalaking crate. Ipinatong ko naman sa ibabaw nun ang mas maliit. Tumuntong ako sa crates tas kinatok katok ang square sa kisame. Umangat! Isang trapdoor! Masikip ang lugar na nilabasan ko. Hindi ka pwedeng lumakad paharap o paatras kundi pakaliwa o pakanan lang. Dumukwang ako sa ibaba at inilahad ang kamay kay Kape. "Akyat na bilis!" Nagmamadali siyang umakyat sa sobrang taranta niya ay nasipa niya ang mas maliit na crate. Pero matangkad naman kasi siya gaya ko kaya mabilis ko siyang naiakyat dito nung abutin niya ang kamay ko. Isinara ko ang trapdoor. "Haysalamat" nag-unat pa ako. May nasanggi tuloy ang kamay ko. Kinapa ko kung ano yun. Isang papel na nakabitin! Hinablot ko yun at sinubukang basahin ang laman— "Ano yan pare?" tanong ni Kape. "Sulat. Babasahin ko. Wag kang maingay ha?" "Mababasa mo ba yan kung ganito kadilim?" Tiningnan ko siya ng masama. "Ayan o ang linaw linaw! Hindi mo makita?" Umiling siya. "Wala talaga akong makita. Nakakaaninag lang ako ng konte at saka nakikiramdam." Bakit ganun? Anong klase ng kadiliman ang naeexperience ni Kape? Pero bakit ako pakiramdam ko sanay na ako sa kadiliman dito? "Oh siya.. Quiet ka muna tol." Binasa ko ng tahimik ang sulat: May kasama ka ba? Kung wala, dumaan ka sa kanan. Kung meron, dumaan ka sa kaliwa. Sirain mo kaagad ang sulat na ito pagkatapos mong basahin. Pinagpirapiraso ko ang papel gaya ng nasa instruction. Tinulak tulak ko si Kape hanggang sa makarating kami sa espasyong puno ng residues ng mga nasunog na panggatong. Sa harapan namin ay may kaliitang pinto. Sumilip ako doon. Kinabahan ako pagkakita ko sa mga presong pagala gala sa loob ng silid na sinilip ko. "Pare para saan yu—" tinakpan ko kaagad ang pahamak na bibig ni Kape. Sinundan ko ng tingin ang tinuturo niyang may kalakihang box at lubid na nakaangat sa itaas. Dahan dahan kong binuksan ang mysterious item. Walang ibang laman yun bukod sa isa na namang sulat at isang tableta na nakadagan sa papel. Sa puntong ito, naiintindihan mo na siguro kung bakit ko pinakawalan ang mga preso. Actually may dalawang dahilan. Una ay para lumikha ng mas malaking teritoryo kung saan sila makakagala. Pangalawa, walang pakialam sa kanila ang mga nakatira dito sa tore. Dahil nga sa abnormal na imortalidad dito sa tore, iniiwasan lang ang mga preso. Magsisilbi silang bantay para sa tsimineyang ito. Ito na lang kasi ang nakikita kong pinakaligtas na pwedeng pagtaguan ni Kape. Pero nasa sa iyo yan kung balak mo pa rin siyang isama sa iyong misyon. Sakaling wala yan sa options mo, sundin mo ang mga instruction ko~ Isasama ko si Kape? Hindi ko kaya yun. Una, may stalker ako. Pangalawa, masyado siyang naduduwag sa dilim. Pangatlo, ni hindi ko nga alam kung ano ba talaga ang ginagawa ko. Hindi uubra ang 'kaibigan kadamay sa hirap' sa mga ganitong sitwasyon eh. Isang kagaguhan yun. Dinampot ko yung tablet at iniabot sa bisprin ko. "Inumin mo yan." "Para saan ang gamot na ito?" aprehensibo niyang tanong. "Magtiwala ka sakin. Hindi yan lason at lalong hindi yan Viagra!" parang sinabi ko na to sa kanya noon? "Sige.. May tiwala ako sayo." tinapik tapik niya ako sa balikat bago nilunok ang tablet. Mabilis umepekto sa kanya ang pampatulog. Nung nawalan na siya ng malay, siniksik ko siya sa loob ng crate. Kinuha ko ang mga lubid at itinali sa palibot ng crate. —Kapag secured na ang crate, hilahin mo ang pulley ng dalawampung beses. Ang pader na tatapatan ng crate ang pinakamakapal sa tore kaya wag kang mag-alala. Yung pulley naman ay sinigurado kong matibay ang pinagkapitan. Para mas masiguro mong hindi iyon bibigay, aba bilisan mo na lang ang pag-akyat sa itaas ng tore! Buweno. Once na tapos ka na dito, sirain mo ulit ang sulat na ito. Bumalik ka kung nasaan ang trapdoor at pagkatapos ay dumaan ka naman sa kanan. As usual, nagpauto na naman ako sa mga sinasabi ng nang-uutong sulat. Binagtas ko ang kanang daan mula sa binalikan kong trapdoor. TUG! Nauntog ang tagiliran ko. Dead end na naman! Inilapat ko ang palad ko sa pader sa harap ko. Drr.. Umusog yun. Secret passage ba to? Tinulak tulak ko pa ang pader. Naramramdaman kong pati ang tinutuntungan ko ay gumagalaw kasabay ng paggalaw ng pader. Nakagawa ako ng siwang, sakto lang para magkasya ako. Nasilaw ako sa malamlam na liwanag ng silid. Thud! Sumarado kaagad ang lihim na lagusan pagkalabas ko. Ang galing! Hindi halatang nagalaw yung pader! Tok! Tok! Tss.. Ayaw na niyang bumukas ulet. Okay. Oras na para ipagpatuloy ko ang pag-akyat— Teka, nasa isang silid-tulugan ba ako? Anong palapag ito? Hmm.. Umakyat lang kami ni Kape ng kisame. Ibig sabihin, bumalik lang ako sa ikaapat na palapag. Pambabae ang silid.. Kulay pink ang mga kurtina, mabulaklak ang wallpaper ng pader. Brr.. Silid ito ni Wynona?! Pero kung silid nga niya ito, bakit ang daming alikabok? Gusto niyang matulog sa lugar na madumi? Pinasadahan ko ng palad ko ang kobre kama. Ang kapal ng alikabok! Pati mga unan may sapot na ng gagamba— Sandali, ano tong nakakapa ko? Binunot ko ang lumang aklat na nakaipit sa ilalim ng mga unan. Sa pabalat ng aklat nakaembossed ng gold ang pangalang 'Maria'. Diary siguro. Pero nakakapagtaka lang dahil walang petsang nakalagay sa talang naisulat doon sa unang pahina. Sinimulan kong basahin ang pinakaunang tala: Hindi ako mahilig sumulat gaya ng ibang mga dalagitang kaedaran ko. Subalit para maibsan ang aking mga dinaramdam ay heto at sinubukan ko. Isa akong batang bampira. Ibig sabihin, ang edad ko ay katumbas lamang ng edad ng aking katawan. Isinilang ako ng aking ina may labintatlong taon pa lamang ang nakararaan. Hindi ko na kinagisnan si ina sapagkat pumanaw siya ilang araw pagkatapos niya akong isilang. Sa ngayon ay si ama na lang ang kasama ko sa buhay. Dinamdam niya ng husto ang pagkamatay ni ina. Ipinasunog niya ang lahat ng mga gamit, litrato, at mga sulat niyon. Palagi akong napapaisip kung ano ang hitsura ng aking ina. Kapag tinatanong ko si ama, lagi niyang isinasagot sa akin ay 'Napakaganda ng iyong ina. Nakakabaliw ang kanyang kariktan. Wala siyang katulad. Ang pagbanggit lang sa kagandahang taglay niya ay napakasakit na sa mga alaala'. Nakakainggit si ina. Hindi ko ba mapapantayan ang kagandahang taglay niya noon? Naabsorb naman ako sa binabasa ko. Para lang teledrama ang nakasulat. May balak pa sana akong tangayin ang talaarawan para sana basahin pa ang mga next entry. Kaso nga lang nung binuklat buklat ko ang mga pahina, napag-alaman kong dalawang pahina lang ang nasulatan ng may-ari. Patawarin siya dahil sinabi naman niyang 'hindi ko hilig ang pagsusulat'. Binasa ko na ang last page na may sulat bago ko ibalik sa dating kinalalagyan ang talaarawan: Pumasok si ama kanina dito sa aking silid. Nangingilid ang mga luha sa ilalim ng kanyang mga mata. Ang sabi niya ay wag akong matakot dahil ako lang daw ang may kakayahang punan ang kahungkagang iniwan ni ina sa puso niya. Hindi ako nagpakita ng takot; bagkus ay ginawa ko ang sa tingin ko ay magbibigay kay ama ng lunas sa kanyang pangungulila. Pagkatapos ng nangyari, mas nakilala ko ang sarili ko. Natuklasan ko ang kakayahan kong higitan pa ang nakakabaliw na kagandahan ni ina. Simula sa gabing ito, hindi na ako si Maria. WHAT THE— Tama ba ang iniisip ko o malisyoso lang ang utak ko?! Sino kaya si Maria? At bakit hindi na siya si Maria? Ibinalik ko na ang talaarawan at walang ingay na lumabas ng silid. Ano na naman kaya ang makakasalubong ko? —— direk_whamba A/N: Okey I changed my mind.. May other POV na! Mehehe.. Yung mga dedications ko po sa ano ko na ilalagay pag may net na ulit sa bahay.Wala po akong kasalanan sa nangyari dito >_< wag po ninyo akong susunugin! ---- Opus 94 Magdalia's POV: Si Deus me relinquit.. Ego Deum relinquo~ Solus oppressus Nigram clavem habere~ Omnias ianuas praecludo, Sic omnias precationes obsigno~ Sed, qui me defendet Ab me terribilissimo ipse? "Napakaganda ng iyong boses, aking kabiyak—" Huminto ako sa aking pagkanta at pinukol ng tingin ang lalaking nakaupo sa silyang de gulong. Putol ang kanyang mga kamay at paa kaya naman matagal na siyang nakaupo doon. Ang kanyang mukha ay matagal ko nang hindi namamasdan sapagkat kinulapulan ko iyon ng itim na tela. Lumapit ako sa kanya at marahas na hinaklit ang braso niyang walang kamay. "Tumigil ka kung ayaw mong putulin ko ang iyong dila! Hindi mo ako kabiyak—" "Ano'ng sinasabi mo asawa ko? Ikaw ang—" "TUMAHIMIK KA!" pahisterya kong sigaw. Dapat nga siguro ay putulan ko din siya ng dila! Wala siyang ibang sasabihin sakin kundi puro mabulaklak na salita, puro pagpapahayag ng wagas na pagmamahal, at puro papuri sa nakababaliw na kagandahan kong taglay! Pero alam ko sa puso ko na hindi yun bukal sa kanya. Isa lang siya sa daan daang lalake na nalason sa aking kapangyarihan. Kahit kailan ay hindi nila ako mamahalin ng totoo gaya ni— Humarap ako sa lalakeng nakaupo sa silyang de gulong. Inilabas ko ang dala kong patalim. "Ikaw ang puno't dulo ng lahat ng ito. Ikaw ang may kasalanan kung bakit nag-aalinlangan siya ngayon. Papatayin na kita!" Nanginig ang kamay ko kaya nabitawan ko ang patalim. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Napaupo ako sa sahig at napasandal sa kandungan ng lalake. "H-hindi.. Kailangan kong maghintay. Kapag pinatay kita ngayon ay mapapahamak siya sa ibaba.." "Asawa ko.. Bakit masyado mong pinahahalagahan ang iyong kalaguyo? Nasasaktan ako sa tuwing ipinararamdam mo sakin na mas mahal mo siya—" Sumigok ako bago nakapagsalita. "—Hindi kita minahal kahit kelan. Hinayaan mo lang na mainggit ako kay ina kaya't pinangarap kong maging siya! Sa tinagal ng panahong lumipas, ngayon lang ako nagkaroon ng kahihiyan sa sarili ko! DAHIL UMIIBIG NA AKO! At yung binatang iniibig ko ay ang tanging lalakeng tumawag sakin sa aking tunay na pangalan!" "—Ang iyong pangalan ay Magdalia mahal kong asawa. Sa tuwing maririnig ko iyon ay para na rin akong kinakantahan ng isang anghel!" "ARGH!" nakakaumay na siya! Dagli akong lumabas ng kanyang silid at lumapit sa barandilya ng bilog na butas sa gitna ng pabilog na pasilyo. Dumukwang ako sa ibaba. Dito mismo sa palapag na ito nangyari ang aming pagtatalo ng aking ginoo. Bago yun, sigurado akong maayos pa ang lahat sa amin.. *Flashback (Earlier in Augost) Wala pa siya nung pumasok ako sa silid na aming tagpuan. Pinatay ko kaagad ang sindi ng dala kong kandila at naghubad ng suot kong pamatong. Isa akong babaeng pinalaki sa makalumang disiplina. Hindi ko kinasanayang makita ang aking kahubaran o ang ipakita iyon sa ibang tao. Kumportable ako sa suot kong chemise. Umayos ako ng upo sa gitna ng kama at naghintay. Ang tagal naman niya. Nasasabik na ako sa mga haplos niya.. Mayamaya ay umawang ang pinto. Iniluwa niyon ang ginoong hinihintay ko. Isinara niya ang pinto at dahan dahang lumapit sa kama. Nakaramdam ako ng matinding pananabik. Itinaas niya ang laylayan ng aking saya at hinayaan siyang gumapang paloob. Tinalukbong ko sakanyang muli ang saya at dinama ang mga ginagawa niya. "Ahihi~ wag! Wag diyan! Nakikiliti ako! Waaaag.." ang mga hagikhik ko ay napalitan ng ungol. Pinarusahan niya ako ng romansang hindi ko mapaglabanan, hanggang sa parang sasabog na ako. "H-Hio.. Hindi ko na kaya.. Parang awa mo na.." hinila ko ang saya pataas at inakay siyang umakyat. Alam na alam niya kung paano ako sasaktan at kung paano ako paliligayahin. "Ahh.. Ahh.. Ahh.." patuloy kong ungol habang pinapasok niya ang aking pagkababae. "Masakit ba?" bulong niya sa tenga ko. "H-hindi.. M-masarap.." sa sobrang sarap, nasabunutan ko siya habang paulit ulit kong sinasambit ang pangalan niya. "Gumagawa tayo ng kasalanan.." nasambit yun ng aking ginoo pagkatapos ng aming pagtatalik. Sinabi niya at alam kong mayroon na siyang asawa. Hindi ko na nga lang nagawang itanong kung sino samin ang mas mahal niya. Ang mahalaga ay nasa akin siya ngayon at hindi ko siya hahayaang bumalik sa tunay niyang asawa. Marahan akong humalik sa kanyang mga labi. "Sa tingin mo ay kasamaang maituturing ang makakita ng panibagong pag-ibig kahit mayroon ka na niyon?" "Iyon ang batas ng mundong ito hindi ba?" aniya. Nagsumiksik ako sa mga bisig niya. "Maaari bang wag banggitin ang tungkol sa mga asawa natin kapag tayong dalawa lang? Nasasaktan ako kapag nararamdaman kong pinagsisisihan mo ang pakikipagrelasyon sakin. Pakiramdam ko—" Niyakap niya ako. "—Mahal kita Magdalia. Hindi ka panakip butas sa nawalay kong asawa." Dinama ko ang yakap niya pati na ang mga katagang binitawan niya. Sa kanya lang umikot ang mundo ko; at akala ko ay ganun din siya sakin. Subalit minsan ay lumalabas ang kanyang likas na pagkarebelde. Sinuway niya ang utos kong huwag magpupunta sa tatlong pinakaibabang palapag ng tore. Dinala ko ang aking espada upang maprotektahan siya sakaling may magtangkang manakit sa kanya. Palihim ko siyang sinundan hanggang sa kusina. Nagkataong walang kahit sino ang nandoon dahil oras ng pamamahinga ng tagapagluto at ng utusan. Binuksan ni Hio ang pinakadulong tokador at may inilagay na kung ano sa loob. Nung makaalis siya ay binuksan ko ang tokador. Mangilang papel ang nakita ko. Ang una ay isinulat gamit pa ang dugo. Sulat iyon ng aking utusang si Shantal. Nagpapahayag siya ng paghanga sa aking minamahal. Sa ibang mga sulat ay nakalagay naman ang tungkol sa gayumang inihahanda ng tagapagluto. Naibalik ko pa ang unang sulat sa tokador; pero yung iba ay napunit ko dahil sa sobrang galit. Young master Hio, marahil ay inililihim ito sa inyo ng mistress pero hindi ko kayang magsawalang-kibo na lamang. Ang katotohanan ay hindi siya ang totoong mistress Magdalia ko. Pumanaw na po iyon matagal na panahon na ang nakalipas. Ang Magdalia po na ating nakikita ngayon ay ang anak niyang si Lady Maria. Masakit na ginagamit niya ang nasirang katauhan ng aking pumanaw na amo para paibigin ang sarili niyang ama. Young master, nakikiusap ako, umalis na kayo dito sa tore at hanapin ang inyong tunay na pag-ibig sa mas karapat-dapat. ANO ANG KARAPATAN NG UTUSANG YUN PARA SIRAAN AKO SA MAHAL KO?! "SANTIAGO! SHANTAL!" inulit ulit ko ang pasigaw na pagtawag sa dalawang tauhan ng kusina hanggang sa nasa aking harapan na sila. "Ano po ang aming maipaglilingkod, Madam?" magalang na tanong ni Santiago. Itinaas ko ang aking kamay at sinakal siya. "M-mistress, bakit niyo po yan ginagawa kay Santiago?!" Hindi ko tinigilan sa sakal ang tagapagluto hanggang sa umakyat ang dugo niya sa ulo, hanggang sa namula ang puti ng mga mata niya. Pagkabitaw ko sa leeg niya ay nag-ibang bigla ang kanyang aura; naging mabalasik. Hudyat na gumana na ang aking kapangyarihan. Kinuha ko ang malapad na kutsilyo sa estante at ipinahawak sa bago kong alagad. "Santiago, mahal? Pwede mo bang pugutin ang ulo ni Shantal para sakin?" "M-mistress.. Maawa kayo!" pagsusumamo ng pangahas na utusan. Hindi ako tumugon. Pinanood ko lang silang dalawa. Nahagip ni Santiago ang gripo ng lababo kaya tumagas ang tubig. Nakakuha ng isang maso si Shantal at binayo ang hita at paa ni Santiago. Nung may pagkakataon si Shantal, lumabas siya ng kusina patungong silid ng mga utusan. Naglaho ako sa kinatatayuan ko. Nang idilat ko ang mga mata ko, patakbo sa direksyon ko si Shantal. Binunot ko ang espadang dala ko tapos ay hinagip ng talim ang leeg niya. "Santiago?" tinawag ko ang tagapagluto at iniutos na itago ang ulo ni Shantal. At ang katawan niya— gumagalaw pa rin. "Iyan ang nababagay na parusa sa mga mahaderang gaya mo! Magdusa ka!" Hinihintay na ako ng mahal ko nung dumating ako sa aming silid tagpuan. Lumapit siya sakin para punasan ang mga tilamsik ng dugo sa aking mukha at leeg. "Saan ka nanggaling? Bakit ka may talsik ng dugo?" "Nagutom ako kaya't nagpunta ako ng kusina!" paasik kong sagot. Bigla siyang natigilan. Nagsimula akong maiyak. "Totoong ginagayuma ko ang mga inihahandang dugo para sayo—" Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at sinabi niya ang isang bagay na lalong nagpatindi ng nararamdaman ko para sa kanya. "Simula nung napunta ako dito, hindi pa ako umiinom ng dugo. Tinatapon ko lagi ang ibinibigay sakin. Hindi ko naman yun ikamamatay di ba? Kaya hindi mo ako ginayuma kahit kelan. Maria, minahal kita nang walang kahit anong disturbance sa puso at isipan ko." "Ano nga ulit ang sinabi mo? Tama ba ang narinig kong itinawag mo sakin?" "Maria.." ulit niyang sambit. Wala sa hinagap kong ganun kaganda pakinggan ang pangalang kinalimutan ko na. Wala na akong nakitang mali na hadlang pa sa aming dalawa. Kaya hindi ko lubos maisip kung bakit humantong ang lahat sa isang laro ng buhay at kamatayan. Sa huli naming pagtatalo, nagwakas ang lahat sa pagsampa niya sa barandilya ng pinakamataas na palapag habang hawak ang isang maliit na botelya. "Hio, mahal ko, mag-usap tayo ng maayos— wag ganito!" "Naguguluhan na ang isip ko Maria. Parang nababaliw na ako. Kailangan kong mahanap ang sarili ko—" nilagok niya ang lahat ng laman ng botelya. "Paggising ko magsisimula ang ating laro. Kapag nakaakyat ako dito nang buo pa ang pag-ibig na nararamdaman ko para sayo, iyong iyo na ako. Payag akong gawin mo ang lahat ng gusto mo sakin. Pero kapag umakyat ako rito nang wala ka na sa puso ko, asahan mong papatayin kita dahil yun ang una kong itatanim sa utak ko. Habang sinusubukan kong umakyat, malaya ka para patayin din ako—" Nawalan siya ng panimbang at bumulusok pababa sa kadiliman. Hindi ko na siya nagawang hawakan. *End of Flashback Ilang beses kong ginustong bumaba ng tore para bihagin siya o patayin na lang ng tuluyan pero sa puso ko, umaasa akong mahahanap pa niya ang pag-ibig niya para sakin.. —— Translation of the song: If God has forsaken me, Then I shall forsake God too. Only the oppressed, may possess a black key. I closed all doors Thus I seal away all prayers. However, who protects me From the me who is most terrible? direk_whamba Opus 95 Hio's POV: Lumabas ako sa main corridor sa dulo ng tinahak kong pasilyo kung nasaan yung maalikabok na kwarto. Seryoso to, kakaiba ang architecture ng tower na ito. Pero salamat na rin kasi pakiramdam ko ay nasa tamang track ulit ako pagkakita ko sa winding staircase at sa butas sa gitna. Tumakbo na ako para mabilis na makapunta sa stair landing pero— Pak! Nadapa ako. Flat na parang palaka ako sa cobbled flooring. Hindi ako napatid; may humatak sa paa ko! Dahan dahan kong nilingon ang cause of delay. Safe naman dito sa 4th floor di ba? Wala namang sinabing may aswang dito tama? Napapitlag ako nang makita ko si Wynona! Lapnos ang halos kalahati ng mukha niya. Lapnos din ang maraming bahagi ng kanyang katawan partikular na ang dalawa niyang kamay. Umuusok usok pa siya. Agh mahapdi! Humahapdi ang bahagi ng paa ko na hawak niya— "Bitawan mo ako!" utos ko. "Mahal, iiwan mo na ba ako dahil sa aking hitsura?" "Eh? H-hindi! B-bakit ka ba nagkaganyan?" sinikap kong ayusin ang tono ko. "Paano kasi, yung baliw na preso kanina sukat ba namang ilublob ako sa tangke ng asido? Huhuh~ nilagyan ko pa naman yun na mataas na Argentum!" aniya na himig nagpapaawa. [Argentum-silver] Ahh.. Walang nangyaring masama sa kanya. Sabihin na lang nating nagisa siya sa sarili niyang mantika; o pwede ring she had a dose of her own medicine. Naaawa naman ako sa kanya; mas naaawa nga lang ako sa bangkay na ni-deep fry niya kanina. Napakislot ako dahil ang sakit sakit na talaga ng paa ko. "Wynona, bitawan mo naman ako please? Nasasaktan na ako eh!" "Hindi! Hindi kita bibitawan! Bigyan mo ako ng dugo para gumaling ang mga lapnos ko!" Bumuka ang bibig ni Wynona. Kitang kita ng dalawang mata ko ang paghaba ng kanyang mga pangil! Sa takot ko na baka kainin niya ako nang buhay, sinipa ko ang mukha niya gamit ang isa kong paa. Tumalsik siya ng ilang talampakan! Whoa ang lakas ko palang sumipa! Nagmadali akong tumayo kaso something's wrong with my other foot. Masakit na masakit siya na hindi ko talaga malapat sa sahig! Ssh! Ngayon pa ako nafracture?! Umuusok din ang paa ko gaya ng umuusok na katawan ni Wynona. Ano bang klase ng asido yun? Ang lakas ng induction! Pinilit kong maglakad kahit paika-ika. Pak! Dapa na naman ako! Di lang yan! Hinila ako pakaladkad ng ilang talampakan din— "Hindi ba sinabi ko nang kailangan ko ng dugo mo?! BAKIT MO AKO LALAYASAN?!" Malala na ang hitsura niya. Malalim na ang sinusunog ng asido sa katawan niya. Kung anu anong katas na rin ang tumutulo sa kanya! Pumalag palag pa rin ako kahit paano. Aksidenteng gumulong sa inside pocket ng coat ko ang bell na kanina ko pa dala. Kumuliling yun. Naabot ko rin yun pagkastretch ko ng braso ko. Tas may barefeet na umapak sa kamao kong nakahawak sa bell. Nag-angat ako ng paningin para sana tingnan kung kaninong paa yun. Sa isang— WAAAAAAH ANG MATA KO! Napapikit ako! Tas dumilat ulit. Ganun pa rin ang nakita ko— AT DUMAMI PA ANG KAGAYA NIYA! Mga babaeng walang saplot! Ang gaganda nila! Model! "P-Pwede bang magdamit k-kayo? Nakakadistract eh!" Ngumiti yung isang nakatapak sa kamay ko. Dinilaan pa niya ang end to end ng lower lip niya. Syet. Magtimpi! "Mukha kang masarap—" M-mukha akong masarap?! Eka nga bat ganito ako makapagreact.. Virgin pa ba ako? Di ko maalala eh— Fwp.. Suddenly bumuklat ang gitna ng mukha ni miss hubo't hubad! Parang bulaklak na namukadkad at punung puno ng ngipin! "WAAH! Aaaah! Aaah!" napaatras ako nung lumawit ang mahabang dila sa bumukang mukha nung babae. Napasiksik ako kay Wynona. "Nagustuhan niyo ba ang mahal ko?" ani Wynona. Yung mga babae yung kinakausap niya! Tinayuan ako ng balahibo nung dinilaan pa niya ako sa leeg. Nagsipagbukadkad ang iba pang mga bulaklak! I mean yung mga babae sa paligid namin ay nahati ang mukha at naging malaking bibig! "AAAAAAHHH PAALISIN MO SILAAA!" kakausog ko, natabig ko si Wynona na may balak yatang kagatin ang leeg ko. "Nakakapagtampo ka kasi eh. Gusto mo akong takbuhan. Ang sama mo. Kaya naisip kong parusahan ka— pagkatapos kong sairin ang dugo mo, ipapameryenda kita sa mga chimera ko!" Pinagkiskis ko ang mga palad ko. "Maawa ka naman sakin Wynona my labs— ayokong maging fertilizer sa mga bulaklak mo~" "—Ititira ko ang puso mo at ibibigay ko kay Magdalia! Tingnan ko lang kung ano ang magiging reaksyon ng haliparot na yun! Bwahaha!" oye hindi niya ako pinakinggan. Eeeeewng~ Nauntog ako sa barandilya matapos akong itulak ng kung sinong nanggaling sa itaas! Biglaan ang mga pangyayari eh— Si Wynona, bigla na lang naka-pin sa sahig. May espadang nakabaon sa kanyang dibdib, tagos hanggang likuran. Ang espada ay hawak ng isang babaeng nakaputi. See-through yung suot niyang gown na hanggang talampakan. Pero may panloob siyang fitting tube na hanggang kalahati ng hita ang haba. Wala akong ideya kung sino siya dahil sa suot niyang maskara. Mata lang yung natatakpan ng maskarang yun. Visible ang maganda niyang ilong at labi. Misteryosa+Cool+Sexy+Mukhang maganda= naiinlab yata ako. "Habang nabubuhay ako, hindi ko pahahawakan ni dulo ng daliri niya sa kahit na sino sainyo!" anang mystery girl. Alerto ang mga flower girls sa paligid niya— ano ba ang sabi ni Wynona? Mga chimera sila? Parang nabasa ko na ang word na yun sa isang sulat? Ah! Tama! Sila yung sinasabing responsive sa tunog ng bell na dala ko! "—Hah! Pamaskara-maskara ka pang nalalaman! Kahit takpan mo pa yang mukha mo, naaamoy pa rin ang sangsang m—" "WALANGYA KA!" naprovoke yata si mystery girl ng mga sinabi ni Wynona. Binunot niya ang espadang nakatarak sa dibdib niyon at saka pinagsasaksak si Wynona sa bibig! Hala! Tama na yan— Tila ayaw niyang tumigil. Kung saan-saan pa niya pinagsasasaksak si Wynona. Di katagalan ay pinaghihila na niya ang mga limbs niyon na humiwalay na lang ng kusa dahil sa dami na ng hiwa. From murder, mutilation na ata ang trip niyang krimen! Kakaturn off! Then sabay-sabay siyang sinugod ng mga chimera. Hindi ko na pinanood ang pagsasabong ng mga chix. Sinamantala ko ang pagkakataon. Gumapang gapang ako. Sumandal ako sa barandilya para makatayo. Napatingin ako sa ibaba. Wala akong maaninag dahil sa kadiliman. Napatanga ako. Waring may mga nagsasalita. Nakakarinig ako ng mga boses ngunit hindi malinaw ang sinasabi. Tinatawag nila ako— Doon daw ako nararapat— TUK! May solid na bagay ang tumama sa ulo ko. Lumingon ako. "Hindi mo pwedeng tingnan ang kadilimang yan. Lalamunin niyan ang iyong katinuan." sabi ni mystery girl. Tumba na ang lahat ng chimera na pinagpira-piraso niya. Narealize ko ding ang ibinato niya sakin ay isang putol na kamay! Nagwriwriggle pa yun na parang isdang nawala sa tubig. Tumalikod na ulit ako at sinimulang lumayo kahit paika-ika. Mahirap nang pati ako ay maging mince meat. "TEKA SAAN KA PUPUNTA?" tawag niya sakin. Nagsimula na akong kabahan para sa kaligtasan ko. Binilisan ko pa ang pagkakandirit. Bwiset na paa kasi to! Konti na lang at malapit na ako sa hagdanan— Nag-appear na lang basta sa harapan ko si mystery girl. Punong puno ng mantsa ng dugo ang suot niya. Duguan ang kanyang mga kamay lalo na ang hawak niyang espada. Umatras ako. Lalo siyang lumapit. "—Wag kang matakot sakin. Hindi kita sasaktan.." aniya. "W-wag akong matakot sayo pagkatapos mong pumers blood, magbrutal kill, magkilling spree, at mag-god-like?!" pang-uusig ko sa kanya. Hinila na lang niyang bigla ang shirt ko. Bahagya akong napayuko at siya naman ay tumingala. Ayun, nagtama ang mga labi namin. Eto yung first kiss ko simula ng wala akong maalala. Nakakahypnotize na ewan. Nangangatal ang mga labi ko nung inilayo niya ang mga labi niya. Parang— BITIN! Siya naman ang hinila ko. Hinalikan ko siya with feelings. Ganun talaga pag action-horror mga dre. Kailangan din ng konting lampungan. Pero ano tong nararamdaman ko? Parang kilala ko na siya dati.. May alaala ang biglang pumasok sa isipan ko— *Flashback Pabalibag na binuksan ni Luca ang pinto. Pumasok siya sa loob ng silid at parang may hinahanap. Unang napagdiskitahan niya ang kama. Pinaghahagis niya ang mga unan at halos ibalibag na niya ang kutson. Humagikhik si Maria na katabi ko lang. Inilagay ko ang daliri ko sa pagitan ng kanyang mga labi. "Shhh. Wag kang maingay, maririnig niya tay—" Hinalikan ako ni Maria. Nagrespond ako. Dahil sa katahimikan, nahirapan si Luca na hanapin kung saan kami nagtatago. Pero dahil may kakayahan siyang maka-sense ng aura, natukoy din niya ang napakalaking aparador sa kanyang kanan. Pagkabukas niya niyon— Wala na kami. *End of Flashback Itinulak ko ang misteryosang binibini. Minumulto ako ng mga alaalang hindi ko pa masyadong mapagtagni-tagni. Wala na akong oras para magpetix. "Aalis na ako, kailangan kong umakyat—" Bago ko siya malagpasan, inunday niya ang hawak niyang espada. Tumalsik ang dugo mula sa mahabang sugat na tinamo ko. Napaluhod ako. "Ang asidong lumalason sa paahan mo ay may pilak. Sa tingin mo ay maipagpapatuloy mo pa ang pag-akyat sa ganyang kondisyon?!" pagalit na sigaw ng binibini. Lalong hindi na. Paduguin mo ba naman ako eh. Naupo siya sa sahig para lumebel sakin. "Kung hindi mo pa naaalala ang tungkol sa iyong katauhan, pwes panahon na—" sinugatan niya ang kanyang leeg gamit ang matalim na kuko. Natakam naman ako sa tumulong dugo mula sa sugat. "Nararamdaman mo na ba ang gutom? Ganyan tayong mga bampira kapag nasa bingit ng kamatayan." Ano daw? Bampira?! Hinawakan niya ang magkabilang braso ko. "Kulay dugo na ang iyong mga mata. Inumin mo ang dugo ko kung gusto mo pang mabuhay." "A-ayoko!" pagmamatigas ko. Niyugyog niya ako. "Pag namatay ka ngayon, pagsisisihan mo yun—" Muntik nang mawala sa isipan ko na walang nakakalaya sa toreng ito. Kaya pikit-mata kong inilapit ang bibig ko sa leeg niya. Gutom na gutom ako. Kulang pa ang nasisipsip kong dugo. Di ko na namalayan pero nakagat ko na pala siya. Bilib din ako sa tapang niya. Bumuntong-hininga lang siya nung bumaon ang pangil ko sa laman niya. Nung tapos na, daig pa niya ang lantang gulay. Habang ako, parang lumakas. Wala na ang sugat sa aking katawan. "Iwan mo na ako dito.." nanghihinang wika ng binibini. Pinagmasdan ko siya. Tatanggalin ko sana ang maskara niya ngunit hinawi niya ang kamay ko. "Sinabi nang iwan mo na ako!" Okay! Aakyat na nga! Wag masyadong hot! Pagkatayo ko, wala na ang pilay ko sa paa. Nakapaglakad na ako ng tuwid. "—Magkikita pa tayong muli.." Bago ako tuluyang umakyat ng hagdan, nilingon ko ang nakahigang binibini. Siya yung nagsalita di ba? Ikinamangha ko nung hindi ko na siya nakita sa kanyang kinahihigaan. I guess naglaho siya na parang bula. —— direk_whamba Opus 96 Hio's POV: Malagkit ang hagdanan paakyat ng ikalimang palapag. Dumidikit ang swelas ng sapatos ko sa bawat paghakbang na ginagawa ko. Iniwasan ko rin ang railings at pader dahil balot yun ng mamasa masa at napakalagkit na gooey substance na katulad ng sa chewing gum ang consistency. Dahil dun, usad pagong ako. Hindi ko tuloy maiwasang ientertain ang mga dumagdag na misteryo ng aking nawawalang alaala. SINO yung babaeng nagligtas sakin kanina? Bakit sa lahat ng dapat kalimutan eh nakalimutan kong itanong ang pangalan niya?! At ano yung sinabi niyang 'bampira' kami?! Hala? So yung sugat ko na kaagad gumagaling, yung kakayahan kong naipamalas sa laboratoryo ni Wynona, at yung di maipaliwanag na lakas ko ay dahil bampira nga ako? Eh kung ganun naman pala, BAKIT AKO NATATAKOT?! Napasuntok ako sa ere, saktong nasa top landing na ako. Bampira ako! Invincible ako! Wooh— HWARRGH! May nilalang na tumalon mula sa itaas! Sakto ang bunganga niyang nakabuka sa kamao ko. Pagkahila ko sa kamay ko, parang napunit. Pagtingin ko, nasa bibig na ng nilalang ang sariwang laman na galing mismo sa aking kamay! Nginuya nguya niya yun like fresh meat. "WHAT THE FUCK?!" Anong klaseng nilalang ang nandito sa fifth floor?! Pinagmasdan ko siyang maigi. Wala siyang kamay at wala siyang paa. Ang meron siya ay katawan at mga galamay gaya ng sa isang gagamba. Ang katawan niya ay balot din ng balahibo! Halata sa kanyang mga nanlilisik na titig sakin na gutom na gutom pa siya. Langya naka-free taste ang isang to sakin! Nagpatalon talon siya sa sala-salabid na lubid na gawa sa gooey substance. Matagal bago naprocess ng utak ko na yun ay isa palang NAPAKALAKING sapot! Okupado nun ang halos buong palapag. Di ko na tuloy mahinuha kung saan ako next na aakyat. Nagdive ang nilalang putungo sakin. Binuklat ko ang sapot sa harap ko at pumasok pa sa loob. Tss.. Nasusundan niya ako! Dahil yata sa amoy ng dugo? Ganun ang mga flesh-eater diba? Malakas ang pang-amoy nila sa mga malalansa. Gumapang ako, gumilid, nagpaikut ikot para magpenetrate sa mga layers ng sapot. Expected kong may makikita akong sulat na may instruction kung paano makakatakas dito. Pero wala pa rin. Katunayan nga ay near-panic na rin ako dahil WALA talaga. Masyado na yata akong nagiging palaasa. May utak ako! Dapat paganahin ko yun! Huminga ako ng malalim. Pagdilat ko, nawarak ang sapot na nasa harap ng pagmumukha ko. Bumulaga ang gagambang may mukha ng tao at nakanganga na naman! Wata ako. Hindi pa nga ako nakakabwelo nalocate na niya ako kaagad?! Nadale niya ako sa leeg. Lumawit ang ilang litid ko pero di naman ganun kagrabe ang damage. Napasandal ako sa panibagong layer ng sapot sa likuran habang ang isang kamay ko ay nasa aking leegan. K-kung bampira talaga ako, may magagawa ba ako para makatakas dito?! Meron di ba?! ANO?! Sumugod na naman siya. Kung siya lang ang sugod ng sugod, EH NAMUMURO NA SIYA ANO?! Hinaklit ko ang mga sapot sa paligid at iwinasiwas sa kanya. Nadikit siya sa mga sapot sa likod niya. Tinuntungan ko ang likod niya at saka inakyat ang sapot. Ang galing! Parang ang gaan ng katawan ko! Naaakyat ko ang sapot nang hindi yun nasisira— TOG! Aguy! Nauntog ako! Kisame na yari! Nang maisandig ko ang dalawang braso ko sa kisame, nag-iba ang pakiramdam ko— TOG! Lumapat bigla ang buong katawan ko sa KISAME! WHOA ASTIG! Ayun, habang pumapalag yung gagambang nilalang sa sarili niyang sapot, ako naman ay nagpagapang gapang sa kisame. Napadpad ako sa isang sulok kung saan may tambak ng mga malalaking cocoon-like shell. Yung iba ay hindi gaanong naibalot at may mga bukas na. Kitang kita ko ang mga kalansay at buto buto ng tao na nagkalat! Tumalon ako paibaba at sinuri ang mga yun. Karamihan sa kanila ay tila frozen in time. Habang tinitingnan ko sila, para akong nawawarp.. yung pakiramdam na may buhay pa sa kanila. Bakit kaya? May mga boses akong nauulinigan.. Kanino yun?! Ugh.. Ayoko ng ganitong feeling! Marahas akong umiling para mashook-off ang mga nabubuong halusinasyon ng malikot kong pag-iisip. Tas muli kong tiningnan ang mga kalansay. May mga napansin akong mga nakatingala at iisang direksyon lang ang tinitingala nila. May isa pa nga sa kalansay ay nakataas ang mga braso. Waring gusto niyang makaligtas. Sinundan ng paningin ko ang kisame kung saan sila nakatingala— Sa kisame ay may nakita akong butas. Hindi siya ganun kalaki; na sa tantsa ko ay kasya lang ang iisang tao. Pwede akong makaalis dito kung dun ako dadaan? Tinuntungan ko ang mga cocoon at inakyat ang pader. Paglapat ko sa kisame— Isang matibay na lubid na gawa sa sapot ang pumulupot sa leeg ko— SHIT! Nasundan na ako ng gagamba! Galing sa bibig niya ang sapot. Dahil fresh pa yun, mainit init at napakalagkit pa! Bumaba ako ng kisame. Hinihila niya ako palapit sa kanya. Kaya ko to! Hindi dapat ako matakot! Dapat akong magalit dahil kinagatan niya ako! Hinawakan ko ang lubid na sapot; mahigpit na mahigpit. Tas nakipag-tug of war ako kay gagamba hanggang sa siya na ang hinihila ko palapit sakin. Lalo ko pang nilakasan ang paghila. Umangat siya at tumilapon papalapit. Saktong kalahating ruler na lang ang pagitan namin, kinuyom ko ang aking palad, bumuwelo, at ipinatikim sa kanya ang aking super mega ultra electromagnetic punch! Sa lakas ng pagkakasuntok ko, nabasag ko ang pagmumukha niya. Nawarat ang lubid sa leeg ko. Tumalsik ang gagamba papunta sa mga sapot na siya mismo ang may gawa. Inulit ko ang pag-akyat sa pader at kisame. Lumusot ako sa butas. SOBRANG SIKIP! Limited air supply at ni walang way para maitaas ko ang mga braso ko! Feels like bulateng kumikislot kislot ako habang pinipilit umangat. Gaano pa ba kalayo to? Nakakaclaustrophobia na oy! Pero ang ipinagtataka ko lang ay malinis ang pagkakagawa ng butas na ito. Hindi siya yung butas na hinukay lang para may malusutan. Ito yung tipo ng butas na pinasadya dahil may purpose. Hmm.. Paglipas ng hindi-ko-alam-kung-gaano-katagal— TOG! TANG INA OH! Kung tao lang ako malamang kanina pa ako may brain hemorrage kakauntog! Eka, bat ako nagmumura? Nagmumura ba ang mga bampira? Back to my original problem, nauntog ako. Ibig sabihin, may nakaharang sa itaas ng ulo ko. Hindi naman siya mukhang dead end dahil nakakasagap ako ng mas maraming hangin sa taas. Kaya baka takip yun. Since disabled talaga ang mga braso ko, no choice! Iuntog mo ang ulo mo don Hio! Tog! Tog! Tog! Siguro hindi ako lalabas ng toreng ito nang hindi nakastraight jacket! (A/N: Ang straight jacket ay yung sinusuot ng mga pasyente sa mental hospital, yung may mahabang manggas at itinatali sa likod.) Sa ikaapat na pagtulak ko gamit ang ulo ko, nabuksan ang harang. Naiangat ko ang ulo ko sa mas maluwang at may liwanag na environment. Ang liwanag ay mula sa mga paupos nang kandila. Kumawag-kawag ako para tuluyang maiangat ang kalahati ng katawan ko. Nung maiahon ko na ang mga braso ko, mas mabilis akong nakaangat. Hindi ko alam kung paano ko mailalarawan ang silid na ito. May kung anu-anong makina ang naka-stash dito. Sa may pader ay may isang bakal na upuan. Parang dental chair siya, pero napakaraming strap at sa taas ay may headpiece na gaya sa silya elektrika. Katabi nun ay isang kama na marami ding strap. Ang kamang yun at ang paligid nun ay ang tanging bahagi ng silid kung saan pinakamaraming mantsa ng dugo. Kakalakad ko, kamuntikan na akong mahulog sa isa na namang butas. Malaking square yun. Maraming aparato at gears ang nandun. Natutop ko ang bibig ko pagtapos kong matukoy kung ano yun: isang improvised na strappado. Hindi ko maalala pero alam ko kung para saan yun. Ang strappado ay isang uri ng hindi makataong torturing machine. Ibinibitin doon ang taong parurusahan nang paulit ulit hanggang sa humiwalay na ang mga joints ng kanilang buto. Kinuha ko ang kandila ko mula sa aking bulsa at sinindi sa mga paupos na kandilang nasa kandelabra. Nilibot ko pa ang silid. Sa isang bahagi ng pader ay nakasabit pa ang iba't ibang uri ng mga iron poker na pamaso at kung anu ano pang pangtorture. Walang dudang ang silid na ito ay pangtorture— Nanggaling na kaya ako dito nung hindi pa nawawala ang alaala ko? May mga documents sa karatig na desk. Halos liparin ko yun. Ang nasa ibabaw ay isang folder na naglalaman ng mga 'resulta' ng ewan. Binasa ko nga: March 15. 1:36am Tore ng Svanr Bilang isang Baronet, tungkulin kong itala ang bawat resulta ng mga gagawing pagsusuri sa pasyente. Isa itong dokumentong nagpapatunay na ginawa ko ang aking trabaho. Ang pangalan ko ay Luca Rionn Ceccini. Ako ang kinuha ng mahal na duke upang tumingin sa lumalalang kalagayan ng kanyang vizcondesa. Kadarating ko lamang ngayong araw at ibinigay nila sakin ang chamber na ito sa ikalimang palapag upang gawing lunan para sa eksaminasyon. Ito na daw ang pinakadulong palapag na pupwedeng puntahan sa tore dahil ipinagbabawal ang bumaba pa. Kakaiba nga ang lugar na ito dahil sa pinakaituktok na palapag ang main entrance. Wala na akong iba pang ibibigay na deskripsyon sapagkat hindi iyon gaanong kailangan. Buweno, nakita ko na at nakadaupang-palad ang aking pasyente. Ang pangalan niya ay Lady Magdalia Cerinza Ross. Isa siya sa tatlong huling vizconde ng monarkiya. Ayon na rin sa kanya, siya ay isang necromancer. Ngayong gabi rin na ito ay ipinamalas niya ang kanyang kapangyarihan dahil na rin sa aking rekomendasyon. Ang kapangyarihan niya bilang isang necromancer ay pambihira! Kaya niyang ikulong ang kaluluwa sa loob ng isang nilalang pagkatapos niyong mamatay. Bukod pa iyon sa paglikha ng isang gravehunter. Sa aking patuloy na pakikipagpanayam sa pasyente, nalaman kong ang kanyang aksidenteng pagkakadiskubre sa kapangyarihang iyon ang inisyal na dahilan sa kanyang pagkakaroon ng sakit. Mayroon siyang hindi maipaliwanag na obsesyon ng pagpira-pirasuhin ang kanyang mga binuhay na bangkay— Okey.. Sa tingin ko ay may kahalagahan ang dokumentong ito. Marami kaagad akong nalaman ukol sa doctor-patient relationship nila Luca at Magdalia. Binasa ko pa ang mga next pages.. pero wala na akong naintindihan dahil puro scribble at mga abbreviations. Charting ata ang tawag dito? Ibinalik ko na lang ang folder. Ngunit bago ko yun mailapag, may papel na matatabunan sana ang pumukaw sa aking pansin. Isa iyong drawing na ampanget ng pagkakadrawing. Sa kaliwang bahagi ng papel ay nakadrawing ang isang tao na nakahiwalay ang ulo sa katawan; then sa kanan ay may nakadrawing na— gagamba YATA. May follow-up drawing pa sa ilalim. Tungkol yun sa mga proseso kung paano pagdudugtungin ang dalawang magkaibang parte ng magkaibang nilalang! Nagets ko yun kasi may detailed explanation kung ilang millimetres ang stitches, kung gaano kalaki ang incision blah blah. Hopya! May footnotes pa! Ang nakalagay— June 29. Eksperimentasyong ukol sa pagsasanib ng isang gravehunter at isang homunculus. Ang isang gravehunter ay kumakain ng laman habang ang homunculus naman ay may hindi maipaliwanag na lakas at liksi. Mainam itong gawing isang alaga sa toreng ito para linisin ang mga hindi kanais-nais na mga buhay na bangkay. Sa ngayon ay nasa ilalim pa rin ito ng aking obserbasyon. Naglalaglag ako ng bangkay sa butas deretso sa kulungan nito. Balak kong iregalo ko ito para sa pinakamamahal kong si Magdalia sa kanyang darating na kaarawan. ANO DAW?! Ginawa ang halimaw na yun nang ganun ganun lang?! Hah! Ibang klase! Ang bawat nilalang ay binigyan ng buhay at purpose.. Anong karapatan niya para babuyin yon?! —— Direk_whamba Opus 97 Hio’s POV: Ibinalik ko ang mga kinalkal kong papeles sa dati nilang kinalalagyan. May nakita akong bakal na pinto sa may di kalayuan subalit nakasarado iyon mula sa labas! Tumingala ako sa kisame at nagbakasakaling may makikita akong butas. Bigo ulit ako. Binalikan ko ang pinto tapos ay binarge ko. Kahit pa malakas ako, sobrang bigat ng pinto at sa tingin ko ay sinadya yun para hindi basta-basta mabuksan kahit pa ng mga bampira. Kinalabog ko rin ang mga pader at kisame. Tsk. Para pala itong isang vault sa bangko huh? Pero siguro naman ay may kahit na anong extrang butas pa ang nandito bukod sa dalawang butas na para sa strappado at para sa gagamba? Naburyong nako sa tagal ng pagka-trap ko dito sa silid. Nagsimula na akong mag-usog usog ng mga eskaparate. Halos lahat ng mga aparador at tokador na nakasandal sa pader ay pinaghihila ko papuntang gitna. Nung maiusog ko ang isang malaking lalagyan ng mga botelya sa gilid ng kwarto, bumilis ang tibok ng puso ko pagkakita ko sa isang air vent na tinakpan nito. Para akong nabuhayan! Medyo malaki naman yun kumpara sa butas na nilusutan ko kanina. Pwedeng pwede naman siguro akong gumapang. Crank! Crank! Yumuko ako tas pinuwersa ko ang bakal na takip hanggang sa maglaglagan ang mga turnilyo nito. Gumapang ako papasok sa loob ng air vent. May mga nakasalubong akong mickey mouse na kasing lalaki na ng pusa. Buset na yan. Pinitik ko yung nguso nung isa na may balak yata akong ngatngatin. Tumulpit siya at humampas sa tin metal wall. Nice one Hio! Tss.. tingin ko ay magiging isang napakalaking maze na naman para sakin ang masikip na lugar na ito. Tumigil ako sa paggapang nung makita ko ang dalawang magkasalungat na daan. Centralized yata itong air vent. Pinili kong dumaan sa kanan. Gapang dito gapang doon— hanggang sa makakita ako ng isang butas na may takip gaya ng tinanggal ko kanina. Hindi ako agad agad na lumabas. Tinakpan kong maigi ang bibig ko dahil sobrang tahimik at konting ingay ay tiyak na dinig na dinig. Hindi lang yan ang dahilan; may narinig kasi akong parang kaluskos at distinct echo ng mga panaghoy. Sumilip ako sa pagitan ng mga siwang. Natanaw ko ang ilan sa mga preso. Malayo na rin pala ang nararating nila ano? Ibig sabihin lang nun ay hindi lang limitado ang mga daanan at lagusan dito sa tore. Nagkataon lang na ang mga napipili kong puntahan ay yung mga mahihirap lusutan. Nagpatuloy ako sa paggapang. Mayroong bahagi ng vent na papataas. Dumaan ako dun sa pag-asang makakapag-accelerate ako sa mas mataas na palapag ng tore. Nang silipin ko, napakataas pala niyon. Sinubukan kong tumayo subalit kulang ang pinagsamang height at arm reach ko para abutin ang dulo niyon. Nagrely na naman ako sa kakayahan kong magpalit ng center of gravity. Dahil dun, tagumpay kong naakyat ang dulo. Medyo napatakip ako ng mata pagkakita ko sa sinag mula sa mga siwang sa dulo ng diretsong trail. Nasanay na kasi ang mga mata ko sa dilim eh. Although meron pang mga lagusan sa kaliwa at kanan ko, dumiretso na lang ako. May music akong naririnig habang papalapit sa siwang. Isang music na base sa alam ko ay gawa ng grand piano. Dalawa lang ang naiisip kong sasalubong sakin kapag lumabas ako— isang matinu tinong nilalang na maaari akong tulungan o isang matinu tinong kalaban na ilulure ako sa mas maraming panganib; or worse... papatayin niya ako. Either way, kailangan kong magbakasakali. Unang una sa lahat, wala pa rin akong mahinuha sa mga nangyayari sa paligid. Malaki pa rin ang puwang na dapat punan sa aking mga nawalang alaala. Pero alam ko ring wala akong maaaring mapagkatiwalaan dahil sa ako ay may amnesia. Tama na yung horrible experience ko kasama ng baliw na si Wynona. Bahala na! Basta lalaban ako kung kinakailangan! Marahas kong itinulak ang takip ng air vent. Napalakas yata yung ginawa ko dahil tumalsik yun at tumama sa katapat na pader, which is I think 3 meters away from me? Malaki yung kwarto eh! And so, tumalon ang inyong superhero palabas ng vent! Sinipat ko ang paligid. Bukod sa napakalawak ay napakaelegante ng silid na ito. Tatlo tatlo ang chandeliers sa kisame, Persian ang mga carpet, antigo ang mga furnitures pati na yung mga china na nasa coffee table. Ang pinakanotable sa silid ay ang malaking grand piano sa tabi ng bintana— WAIT! MAY BINTANA?! Bakit may bintana dito?! Patuloy pa rin sa pagtunog ang piano kahit pa gumawa na ako ng komosyon kani-kanina lang. Ang tumutugtog niyon ay isang binatang lalake na nakasuot ng itim na cloak. Ang buhok niya ay kulay pula at may suot siyang salamin na puti ang rim. Huminto rin siya sa kanyang pagtugtog nung tumikhim ako. “Ginoo, may problema ka ba?” ang kampante niyang tanong sakin habang ang kanyang paningin ay nasa scores na nilipat niya ng pahina. Ah?! Parang mali yata siya ng tanong sakin? Ang expected kong itatanong niya ay ‘Ginoo, anong ginagawa mo dito?’. Hello? Hindi ka ba magugulat kung may duguang estranghero ang bigla na lang lumabas mula sa ventilation system ng iyong kwarto? Unless— Ineexpect niya talaga ako dito?! Tumugtog uli ang binata. “Bakit parang wala kang ideya kung nasaan ka ngayon?” Dapat pa nga ba akong magkunwaring ‘may naaalala’ kahit wala? Sino ba kasi ang taong kasama kong nandito ngayon? “Isa akong lodger dito sa Svanr.” Aniya sabay ngiti nang makahulugan. “Ayos lang kung hindi mo ako nakikilala. Sa sobrang dami ng mga bampirang umuupa sa lugar na ito, mahirap talagang tandaan ang bawat pangalan at mukha ng iyong makakasalamuha.” “Lodger? Ibig sabihin, pinauupahan ang toreng ito?!” amazed kong tanong. Bahala na siya kung ano ang balak niyang isipin sa kaengotan kong tanong. Ang mahalaga ay may malaman pa ako! Muling ngumiti ang binata. “Kumbaga sa mundo ng mga tao, maituturing mong isang ‘hotel’ ang tore ng Svanr. Matagal na itong nag-eexist alam mo ba yun?” “—Para saan ang tore ng Svanr? Ang alam ko ay sa tatlong lugar lamang tumitigil ang mga bampira— sa mansion nila, sa sementeryo, o di kaya’y sa ospital.” Saan ko ba nahugot tong mga pinagsasabi kong to? “Ginoo? Bakit bigla ka na lamang yatang nablangko? Nawala na ba sa iyong ulirat ang patungkol sa walang habas na pamamaslang sa mga maharlika nung nakaraang buwan? Naririto ang mga bampira para magtago. Ang tore ng Svanr ay napapalibutan ng kakaibang mahikang nagmula pa sa mga sinaunang bampira na itinuturing na malakas na proteksyon. Ikaw, naririto ka rin dahil dun hindi ba?” Tumango na lang ako. “Ahh— so marami ang mga bampirang naririto?” DRIIIIIN!!! Ikinagulat ko ang biglaang paghampas ng mga kamay niya sa piano keys. Malay, baka naiirita na siya sa kakatanong ko. “Ah pasensya na— nanigas bigla ang mga kamay ko. Kanina pa kasi ako tumutogtog nang walang tigil eh.” Paghingi niya ng dispensa sa akin sabay tayo. Nawala siya sa kanyang kinatatayuan, then instantly, nasa tabi ko na siya! Inilapit niya ang kanyang bibig sa aking tenga. “—Ang ikapito hanggang ikalabindalawang palapag ay puno ng mga silid-paupahan. Marami rami ring naging lodgers ang Svanr bukod sakin. Marami rin ang nagtataka kung para saan ang unang anim na palapag... ikaw, alam mo ba?” Umiling ako. Hindi ako magsasalita ganitong nakakaramdam ako ng discomfort mula sa kanya. Kalaunan ay lumayo din siya sakin. “Aalis na ako ginoo—” itinuro niya ang isang hourglass na nasa coffee table. Nasa ibaba na ang lahat ng buhangin. “Oras ko na para mag-check out.” “S-sandali!” wehe pinigil ko pa siya eh no. “Hmm? Nasa hitsura mo na marami ka pang gustong itanong sakin. Pero pasensya na! Paaalalahanan na lamang kita na mag-ingat. Alam mo kase, hindi lahat ng lodger dito ay nakakalabas pa ng toreng ito. Lalung-lalo na kung hindi isang maharlika—” Nangunot ang noo ko. “Anong ibig mong sabihin?!” Hindi niya ako sumagot. Tinalikuran niya ako at nagtuloy tuloy siyang lumabas ng pinto. Mabilis ko siyang sinundan dahil hindi naman siya nawala na parang magic. 7005 yung nakalagay sa brass plate ng pintong nilabasan namin. Along the way, may naencounter pa akong mga pintong may brass plate— 7004 7003 7002 7001 May hagdan sa dulo ng corridor! “T-teka saglit nga lang? Sino ka at ano ang pangalan mo?!” tanong ko sa binata. Nahinto siya sa pag-akyat ng hagdan at bahagyang sumulyap sa gawi ko. “Ako ang El Fuhrer— yun ang kilalang tawag nila sakin.” El Fuhrer?! What the— Sinimulan na ulit niya ang pag-akyat. Mataman ko siyang sinundan; ni ang pagkurap ay hindi ko ginawa! Pero habang paakyat, palabo ng palabo ang kanyang pigura na kagaya sa isang multo. Pinilit kong makahabol sa yapak niya kaya lang ay naglaho siya nang tuluyan bago ko pa mahawakan ang likuran ng kanyang cloak. Mag-isa akong nakarating sa top landing. Sa floor na ito ay may mga pintuan ding kagaya nung sa ibaba— yun nga lang ay nagsisimula sa numerong 8 ang room numbers. Ibang iba na ang 7th at 8th floor sa naunang anim.. Ano kaya ang ibig sabihin nun? Bumalik sa isipan ko ang bintanang nakita ko kanina. Kung may bintana nga sa isang silid, ibig sabihin ganun din sa iba tama? At pag may bintana, madali na lang tumakas! Sinubukan kong pihitin ang seradura ng nadaanan kong room 8010. Sa kabutihang palad ay bumukas iyon. Walang occupant at halos hindi nagalaw ang mga gamit. Tama ang hinala kong may bintana rin dito. Agad akong nagtungo sa tabi niyon tas binuksan— AYAW! Hindi ko rin mabasag ang mga salamin! May mahika NGA yatang nakabalot sa toreng ito. Ah di bale na! Sigurado akong may iba pang daang palabas dito. Ang sabi ng binatang nakilala ko kanina ay check out time na niya— Kaya meron nga talagang way para makalabas! —— direk_whamba Opus 98 (3rd Person) Nakangiwi ang El Fuhrer habang binabagtas ang lobby patungo sa counter. Paglapit niya doon, nginitian siya nang pagkatamis tamis ng magandang receptionist. "May sumira ba sa magandang gabi mo, ginoo?" magiliw nitong tanong sa kanya. Pilit siyang ngumiti. "Wala naman." "Aalis na po ba kayo?" "Hindi. Hindi pa sa ngayon. Mayroon akong hinihintay—" pagkasabi niya nun, bumukas ang napakalaking double door sa may gawing kanan nila. Iyon ang pangunahing pintong pasukan at labasan ng tore. May pumasok na isang grupo ng mga bampira. Anim silang lahat na nakasuot ng mahabang itim na cloak at nakapandong ang mga mukha. May buhat buhat silang isang kabaong na sa liit ay tila para iyon sa isang bata. Maingay ang kabaong na iyon; waring kinakalampag mula sa loob. Muling bumaling El Fuhrer sa receptionist. "Isang batang makulit siguro ang ipinadala ng kanyang magulang dito nang sapilitan upang pansamantalang magtago." Tumango ang receptionist at binuklat buklat ang kanyang guest list. "—Isang bata.. Maharlika ba siya? Pwede ko bang malaman ang pangalan niya?" Walang ibinigay na sagot ang anim na may buhat ng kabaong. "Ako na lang ang magtatanong mismo sa bata." lumapit ang El Fuhrer sa kabaong at binuksan iyon. Tumambad sa kanya ang isang batang lalakeng edad pitong taon. Maamo ang mukha niyon subalit puno ng takot at pagtataka. Ang mga asulang mata nito naman ay hindi mawari kung saan titingin. Inalis ng El Fuhrer ang busal sa bibig ng bata, dahilan para ilabas niyon ang kinikimkim na mga tanong— "Nasaan ako? B-bakit ako nandito? Nasaan ang mama at papa ko?" Hinawakan siya ng El Fuhrer sa baba at bahagyang itinaas ang kanyang mukha upang magtama ang kanilang paningin. "Makinig ka sakin. Ang pangalan mo ay Stephano. Isa kang duke." Natigilan ang bata. "A-ang pangalan ko ay Stephano.. Ako ay isang— Duke." Binitawan ng El Fuhrer ang bata sabay lingon sa receptionist. "Narinig mo ba ang sinabi niya?" "Ah! O-oo naman ginoo!" nagdudumaling binasa ng receptionist ang listahan, pagkatapos ay ginuhitan ng ekis ang isang pangalan, at kumuha ng susi sa mga stack ng susi sa kanyang likuran. "Heto ang susi sa kanyang silid. Magandang gabi." Inabot ng isa sa mga tagabuhat ang susi. Bumaba ang grupo sa hagdan dala ang kabaong. Maganda na ang mood ng El Fuhrer. Naupo siya sa isang bakanteng sofa. Tiningala niya ang kisame/bubong na dome-shaped at gawa sa salamin. Tanaw mula dun ang mga nagkalat na bituin sa madilim na kalangitan. "Hindi niya ako maaaring utakan sa laro kong ito. Magaling ang naisip niyang paraan pero.. kinakailangan niyang harapin ang napakalaking konsekwensya— tingnan natin kung anong gagawin niya pag nagkita sila. Magkakakilanlan pa nga ba sila? O hindi na?" Tumawa siya matapos ang pagsasalita niyang hindi mawari kung kanino patungkol. Hindi siya ganun kaseryoso sa kanyang paglalaro, subalit ayaw na ayaw niya ang natatalo. Lalung lalo na sa mga nakakababa sa kanya. Sinipat niya ang higanteng grandfather clock na nakasandig sa isang bahagi ng lobby. Ang tunog ng pendulum ay ang siyang nagbibigay ng matinding pananabik sa kanya. Sasandaling panahon na lamang ang kanyang hinihintay. **** Hio's POV: Bakit wala pa akong nakikitang mga lodgers? Pumasok ako sa room 8007. Ito lang ang kwartong bukas at walang lodger bukod sa 8010. Parang may umokupa na rito dahil magulo ang silid, at may mga gamit pang naiwan ang previous lodger kung sino man yun. Binusisi ko ang mga gamit na nasa kama. May ESPADA at may— nilamukos na papel. Nauna kong hinawakan ang espada. Mistula akong naflash bomb dahil wala akong makita kundi literal na PUTI. Tas nagflood sakin ang isang nakaraang nagbabalik... *Flashback Ikalabindalawang palapag. Private residency yun ng mag-asawang may-ari ng toreng ito; kaya kung tutuusin ay.. off-limits. Pero walang off-limits off-limits sakin. Ito kasi yung pinakagusto kong parte ng tore. Yung oval na corridor ay punung puno ng magagandang bulaklak at direkta pang nasisinagan ng UV-free sunlight. Tumatambay ako dito ng palihim, at namboboso na rin. Dejoke. Hindi, kasi isang beses nakita ko si Magdalia na nagsasanay ng paggamit ng espada. Simula nun, lagi ko na siyang pinanonood tuwing ganitong oras. Nganga ako sa husay niya! Bihira ang mga babaeng TIM YAP (Tang Inang Mukha Yan Ang Pretty) na eh maangas pa! Medyo naiinggit din ako sa galing niya. Okay okay naman ang swordplay ko nung bago ako nanirahan sa Erdan, kaso nung nasa Erdan na ako, nagwane na ang skills ko— ayos lang naman dahil hindi ko pinaghirapan ang kakayahang yun kaya hindi ko pinanghihinayangan nung nawala. Matagal ko na ring tinanggap na hindi talaga ako para sa espada. Pwede pa naman akong maging astigin sa maraming paraan eh. Habang pinapanood ko si Magdalia, hindi ko maiwasang malungkot at manghinayang. Alam niyo ba yung pakiramdam na sa puso mo, alam mong siyang siya yung taong matagal mo nang kakilala, pero sa kasamaang palad ay ibang tao pala. Matagal kong ipinagpilitan na tama ako; tas dadating din pala ang araw na tinanggap ko na ngang hindi talaga siya si— “Ginoo, anong ginagawa mo diyan?” Tae. Nasa harapan ko na pala yung pinanonood ko. Napansin na niya ako! “Namboboso—ah este nanonood!” sa sobrang pagkagulat ay natongue-tied ang inyong abang lingkod! Nadulas pa tuloy ako nung tinangka kong tumayo. Yawa ka Hio. Nagtawa si Magdalia pero inilahad niya ang kamay niya sakin. Sinunggaban ko yun pero imbes na magpaakay ako para tumayo, hinila ko siya para matumba siya sakin. Pinagmasdan ko ang mukha niya. Yun pa rin ang mukha na magpapa-inlab sakin. Peste. “Ah ginoo—” nahihiya niyang sambit, tas nagbaba siya ng paningin. Ginagap ko ang kanyang pisngi at itinaas ang kanyang mukha. “Nasa ibang dimension ba ako? Sabihin mo nga?” Sunod sunod ang kanyang pag-iling. “Ginoo, ilang ulit mo nang itinanong yan sakin at uulitin ko uling sabihin sa’yo na hindi ko alam.” Kailangan ko ng kumpirmasyon kung anong dimension ito— magulo eh. May mga facts na nagfifit in the right places habang meron namang hindi. Sa pagkakaalam ko kasi, base na rin sa napag-aralan ko, walang dimension ang hahawig sa isa pang dimension. Kung magiging tama ang hinala ko, lalabas na may gumugulo sa mga pangyayari sa dimensyong ito. Ngunit sino at bakit? “Malalim yata ang iniisip mo?” pukaw sakin ni Magdalia. Ngumiti ako sa kanya. “Wala ito. Hmm.. Maaari mo ba akong turuang gumamit ng espada?” “O-oo, pwede!” sagot niya. Sineseduce ko talaga ang babaeng ito at hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit. Wala. Marami akong gustong mapatunayan ukol sa pagkatao niya. For one, hindi ako naniniwalang hindi siya si— *End of Flashback —ARRRRGH!!! Sumakit bigla ang ulo ko! SERYOSONG MASAKIT! OVERLOAD! Kinuha ko yung espada at pati na yung nilamukos na papel. Sapo ko ang ulo ko hanggang sa paglabas ng silid. Hindi sinasadyang may nakabungguan akong grupo— Nagcollide kaming lahat sa corridor! Nasagi ko yung dala dala nilang ataul at tumilapon yung batang laman nun sa sahig. “Hindi mo ba tinitingnan ang dinaraanan mo?!” galit na tanong sakin ng isa sa mga tagabitbit ng ataul. Pansin kong lahat sila ay nakasuot ng itim na cloak at may talukbong ang mga ulo. KULTO?! Naupo ako para i-check yung bata— “BATA AYOS KA LANG—?!” natigagal ako pagkakita ko sa mukha niya lalung lalo na nang idilat niya ang kanyang China-blue eyes. Pamilyar siya sakin eh... Lalo pang nag-ibayo ang sakit ng ulo ko habang pinipilit kong alalahanin kung saan ko siya unang nakita. May isa sa grupo ng kulto ang bumitbit sakin palayo sa kanya. “Anong ginagawa mo? Sino ka para kausapin ang aming mahal na Duke?!” WHAAAAAT?! Isang maharlika ang batang dala nila? Ibinalik nila yung bata sa loob ng ataul at sinimulan na uli ang kanilang prusisyon. Nalagpasan na nila ako pero hindi ko pa rin magawang tumayo sa pagkakasalampak ko. Bakit ganun? Bakit parang sinasabi ng unconscious mind ko na dapat kong snatchin yung bata sa grupong yun? BAKIT?! Kumilos ako. Binunot ko ang espada sa sheath. Susundin ko ang idinidikta ng ituisyon ko. Sinugod ko ang anim na tagapagbitbit ng kabaong. Ginamit ko lang na panlito ang espada since wala akong balak na pumatay. Natural na iiwasan nila ang talim; na sinamantala ko naman para patamaan sila sa mga stun points ng katawan upang pansamantala silang paralisahin. Surprisingly, MERON nun ang mga bampira.. o as long as mayroong muscles at nerves ang inaatake mo eh shoshoot ang taijutsu (hand-to-hand combat). Wag niyo akong tanungin kung bakit ako natuto ng taijutsu DAHIL DI KO ALAM. Stock knowledge lang siya. I therefore conclude na hindi lahat ng nakalagay sa loob ng utak ko ay nabura ng oblivion potion. Nakipaghilahan ako para sa kabaong. Binuksan ko kaagad yun at binuhat ang batang nasa loob, tas bitbit ko siya paakyat sa ikasyam na palapag. Pinagpipihit ko ang mga seradura ng bawat pintong nadaanan ko. Nung walang bumukas, lumiko ako sa panibagong pasilyo. Nagtry ulit ako. Nung wala, lumiko ulit. Haaaah! Kakahingal to. Bakit ganun ang daming kwarto dito kumpara sa ibabang floors? Pero parang may kusa na ang mga paa ko. Parang dinadala niya ako patungo sa lugar na tila napuntahan ko na dati— 9035 9036 Nilagpasan ko sila kahit pa gusto kong subukang buksan ang mga seradura. Huminto ako sa tapat ng 9037— click! Ayun bumukas! Kung hindi tanga ang mga sumusunod sakin, matutunton nila ako dito within five minutes. Kung may pagkatanga, pwedeng 10minutes. Tiwala lang. Napansin ko agad ang napakalaking magic circle na nakaguhit sa blankong pader na ilang metro lang ang layo sakin. —— direk_whamba Extra Chapter! Ginawa ko lang ang part na ito para hindi po kayo malito in case na bigla na lamang umappear si Div on the later parts! Binabalak ko ring gawan si Div ng separate story KUNG magkakaoras... happy reading! Div Umbra’s POV: Ang Impyerno.. Ano nga ba ang meron sa lugar na iyon? Nalaman ko ang sagot nung napagpasyahan kong sa wakas ay magpunta na doon. Hindi gaya ng gusto kong asahan, wala akong ideya kung nasaang bahagi ng impyerno ang aking mga kaibigan. Isang napakalawak na mundo ang impyerno, na mas malawak pa sa kinagisnang mundo ko dati. Hindi ko eksaktong mailalarawan ang impyerno para sa mga nabubuhay pa, dahil ang tanawing iyon ay para sa mata lang ng mga namatay na. Ang masasabi ko lang ay karima-rimarim ang lugar na ito. Mas masahol pa sa kahit na anong deskripsyong naisulat at nabasa ng kahit na sino. Para itong isang koliseo kung saan wala kang pagpipilian kundi ang manalo o ang matalo. Kahit-saang dako ka magpunta ay may maririnig kang panaghoy o palahaw ng mga kaluluwang habambuhay nang nakapunla sa lupa ng mga makasalanan. May oras din namang sadyang inilaan para sa pagtatalastasan. Ganyan dito. Pantay-pantay ang lahat ng mga makasalanan. Pero depende pa rin iyon sa lakas ng iyong kapit sa sarili mong mga paniniwala at paninindigan noong nabubuhay ka pa. Kapag ikaw kasi ay naitanim na sa lupa ng mga makasalanan, hihigupin sayo nito ang lahat ng iyong katinuan, pag-asa, pag-ibig at kung anu ano pang damdaming makamundo hanggang sa masaid ka. Mali, hindi ka nito titigilan kahit wala nang kahit na anong natitira sa iyo. “—Ayon sa mga bulungan, maaari daw umalwan ang iyong pamumuhay kung makikita mo raw ang hari ng impyerno!” ang sigaw ng isang makasalanan. “Siyang tunay! Hahahaha! Subalit sino ang makagagawa niyon kung lahat tayo ay nahahatulang ipunla dito?!” Maalwan na pamumuhay? Anong klaseng buhay yun dito sa impyerno? Hindi pa ako nakapunla kagaya ng mga nadaanan kong mga yumao na. Nandirito ako sa isang Bangka na pumapalaot sa itim na ilog. Ayon sa bangkero, kinakailangan ko munang maiharap sa ‘hari’ upang matukoy ang tamang lugar kung saan ako ibibilang. Batay sa narinig ko sa usapan, isang pambihirang pagkakataon dito sa impyerno ang mapakipaharapan ang hari. Ano nga ba ang mga sasabihin ko sa hari sakaling magkita kami? Kalokohan naman siguro kung sasabihin kong gusto kong bumalik sa mundo ng mga nabubuhay? Pumalaot pa kami ng bangkero sa mas madilim na bahagi kung saan napapalibutan ng mga patay at masangang puno na may resemblance sa katawan ng tao. Kumakapal din ang hamog. Narating namin ang bunganga ng itim na ilog at saka nagtuloy patungo sa itiman ding dagat. Kakatwang payapa ang mga alon na animo’y may nagbabantang bagyo anumang sandali. Sa dagat na aming nilayag ay nagpalanguy langoy ang mga yumaong nahatulang doon maglagi habambuhay. Kahit pa naitataas nila ang bahagi ng kanilang katawan, kailanman ay hindi na sila maaaring umahon pa. Kinawkaw ko ang tubig. May kamay na humaklit bigla sa aking braso at sinusubukan akong hilahin pababa. Gumewang ang bangka— “Ginoo, mag-iingat ka kung maaari lang? Kapag nahulog ka sa tubig ay hindi ka na makakaahon pang muli.” Anang bangkero. Dala ng aking lakas, mabilis kong nabawi ang aking braso. “Bakit ako kakatagpuin ng inyong hari? May ideya ka ba?” Umiling ang bangkero. “Patawad ginoo. Ang aking tungkulin ay ang maghatid lamang ng pasahero sa kanilang dapat patunguhan. Hindi na ako nakikialam sa mga bagay bagay na labas sa aking gawain.” Tss.. masyadong masunurin at tapat sa trabaho ang isang to. Mano man lang ay may ikinukwento siya sakin kahit konti. Dumaong ang aming munting bangka sa isang isla pagkalipas ng mahabang oras ng pagtawid sa dagat. Itinuro ng bangkero ang daan sa unahan ko. “Magpatuloy ka na sa paglalakad ginoo. Tapos na ang aking paninilbihan sa iyo.” Pamimitawan niya. Tinalunton ko ang masukal ngunit diretsong daan patungo sa hindi ko alam kung saan. Papataas iyon patungo sa isang buntok na kulay abo. Ang tuktok niyon ay natatakpan ng makapal na hamog. Walang oras sa lugar na ito ngunit, basta ang alam ko lang ay gumugol ako ng napakahabang panahon para lang umakyat sa tuktok ng bundok. Yun lang kasi ang alam kong dapat kong puntahan at wala nang iba. Medyo may kuryosidad rin ako kung ano ang nasa likod ng makapal na hamog at kung nandun na nga bang talaga ang tinatawag nilang ‘hari’. Sa tuktok ng bundok ay nakakita ako ng isang napakalaking trono. May nakaupo roon pero hindi ko maaninag dahil sa kapal ng hamog. Ang tanging naaaninag ko lamang ay ang napakalaki niyang anino at ang makinang niyang mga mata. “Kamusta. Ang pangalan ko ay Div Umbra Claymore.” Pagpapakilala ko. Pakiramdam ko ay bahagyang lumapit ang ga-higanteng anino para suriin ako. “Hahahaha! Ikaw na nga! Ang pansamantalang naging tagapag-ingat ng Nyx sa mundo ng mga tao! Anong nasa isip mo at ikaw mismo ay pumasok sa loob ng tarangkahan?” “Wala. Gusto ko lang na permanenteng maisara na ang mga lagusang nagdudugtong sa mundo ng mga tao at sa impyerno—” hindi pa ako tapos magsalita nung makaramdam ako ng pagyanig. “Pangahas ka para magsalita nang ganyan sa harapan ko! Hindi ko ikinatutuwa ang nangyari sa tatlong tarangkahan alam mo ba yun?” “—Pero wala akong pakialam. Parusahan mo ako kung yan ang gusto mo. Ang mahalaga ay nagawa ko ang gusto ko bago ako napunta dito sa iyong poder.” Muling yumanig. Dahil iyon sa kanyang pagtawa na dumadagundong. “WAHAHAHA! Ngayon lang ako nakilala ng nilalang na gaya mo! Wala kang kinatatakutan huh? Oo parurusahan kita— na sa tingin ko ay aayunan mo rin!” “Anong klaseng parusa?” “Oobligahin kitang magtrabaho para sakin! Yun ang gusto kong kompensasyon sa ginawa mong pagsasara sa aking mga tarangkahan! Dalhan mo ako ng maraming kaluluwa! HAHAHA!” Magtrabaho para sa kanya? Ibig sabihin— “Gusto mo akong maging isang Diablo?” “TAMA! Pero bago iyon, may tatlong bagay akong kukunin mula sayo!” anang hari ng impyerno. “—kung hindi ka naman papayag ay kaagad kitang itatanim sa lupa ng mga makasalanan! Alin ang gusto mo?” “Bago ako gumawa ng desisyon, ano muna ang tatlong bagay na kukunin mo sakin?” “Makinig ka, ang tatlong bagay na kukunin ko sayo ay ang iyong buhay, ang iyong puso, at ang iyong kakambal!” Si Penumbra?! Makakaya kong isuko ang aking buhay at puso ngunit ang aking kakambal? “—Si Penumbra ay mahalaga para sakin! Bakit kailangan mo siyang kunin?” “Div Umbra, hindi ko kailangan ng iyong tanong. Ang kailangan ko ay ang iyong kasagutan. Pumapayag ka bang maging isang Diablo o habambuhay kang magiging isang makasalanan?” Penumbra, anong gagawin ko? Patawad kung palagi na lamang kitang hindi sinusunod sa mga gusto mo. Ngayon ay pagbibigyan na kita. Pangako— Lumabas ang aking kakambal mula sa aking aninong nasa likuran. Yumakap siya sakin. “Umbra, isa iyong pagkakataon, bakit hindi mo pa sunggaban? Alam kong gusto mo pang bumalik sa mundo ng mga nabubuhay!” “—Seryoso ka ba? Kukunin ka niya sakin!” giit ko. “Hindi ako mawawala Umbra. Palagi akong nasa iyo. Sige na.” Nakipagkasundo ako sa hari ng impyerno. Simula nung ako ay naging isa nang ganap na Diablo, hawak na niya ang aking buhay, ang aking puso, at ang aking kakambal. Simple lang ang aking pangunahing gawain— ang gumawa ng kontrata sa mga tao. Maaari kong tuparin ang isa nilang kahilingan kapalit ng pagkuha ko sa kanilang mga kaluluwa sa oras ng kanilang itinakdang kamatayan. Dahil sa kailangan kong maghintay, marami akong libreng oras. Kapalit ng napakalaking pagsasakripisyo, nagkaroon din ako ng lubos na kalayaang makapaglabas-masok sa kahit na ilang milyong dimensyon. Wala man akong puso, may alaala pa rin ako. Magagawa ko pa ring pangalagaan ang mga nilalang na itinuring kong importante noong ako ay isang bampira. Nagawa kong makapasok sa terra nusquam na siyang nilikha ni Hio. Marami ang nagkakainteres sa dimensyong iyon dahil sa iisang rason— ginawa iyon. Ang paggawa ng isang dimensyon ay itinuturing na isang mito. Ibig sabihin, walang sinuman ang maaaring makalikha nun. Ang mga dimensyon ay hindi nilikha ninuman at ang maaari lamang gawin ay ang maglakbay dito. Isang buwan pa lamang ang nakakaraan nang may dumaang napakalaking bulalakaw sa kalangitan ng terra nusquam. Nakabubulag ang liwanag na nilikha niyon nang oras na sumadsad iyon sa kalupaan. Doon na nagsimula ang matinding kaguluhan. Nawala ang lahat ng nilalang na dapat ay payapang naninirahan sa terra nusquam. Naglakbay ako patungo sa orihinal na mundo sa pagbabakasakaling makakatulong ako sa kinakaharap na problema ni Hio. —Hanggang sa natunton ko na nga ang tore ng Svanr. Ito na lang ang huling lugar sa mundo kung saan ko dapat hanapin ang mga nawawala. Nakapunta na ako sa lugar na ito matagal na panahon na ang nakalipas. Malaki na ang ipinagbago ng tore— balot na balot na iyon ng sari-saring kapangyarihang itim. At ang pinakamalaking surpresang bumulaga sakin ay ang makita ang tore na nakabaligtad. Dahil dun, ang pasukan ay nasa ituktok na bahagi. Mas lalo tuloy akong binalot ng pagtataka. Binabalak kong pasukin ang tore upang kumalap pa ng impormasyon. Subalit hindi yata nila ako mapauunlakang papasukin sapagkat hindi na ako isang bampira. Ah! Kamuntikan ko na nga palang makalimutan. Ako nga pala ay isang nilalang na hindi sanay lumabas at pumasok sa pinto. Lulusot ako kung saan ko gusto. —— direk_whamba Opus 99 Hio's POV: Hindi ako nakatiis at lumapit sa pader na may nakadrawing na malaking magic circle. Pero palapit pa lamang ako ay binobombard na ako ng mga alaala— *Flashback May bulalakaw na dumaan sa langit isang gabi sa kaharian ng Erdan. Nagliwanag yun at nagmistulang araw. Nakasisilaw. Hindi muna bumagsak ang misteryosong bulalakaw, huminto yun sa gitna ng langit na parang ikalawang araw sa gabi. Lahat ng residente ng Erdan ay nakatingala sa langit nang may pagkamangha sa kanilang mukha. "Wow! Papa, hindi ba pwede kang humiling kapag may dumaang bulalakaw?!" bulalas ni Aster na nakakapit sa aking braso. Masama ang kutob ko ngunit hindi ko alam kung bakit. Ginagap ni Shall ang aking kamay. "Bakit parang balisa ka? Matagal na kitang hindi nakikitang ganyan—" Hinawakan ko ang mga braso ng mag-ina ko. "May mali dito at.. at sa tingin ko ay hindi ko kayang baguhin yun!" Isang sakuna ang nakatakdang maganap. Sigurado ako doon. Sa lahat ng lugar.. Bakit ang terra nusquam pa?! "Anong sinasabi mo? Wala nang makapangyarihang nilalang pa ang nandito—" Umiling ako kay Shall. "Wala nga. Pero may darating." Isang malaking pagkakamali kong nagawa ay ang hindi ko pinag-ukulan ng seguridad ang mundong ito. Anong gagawin ko?! Maghihintay na lang kung ano ang susunod na mangyayari, o wawasakin ang buong terra nusquam para walang kahit sino pa ang makinabang dito? Huminga ako ng malalim. "Kahit na anong mangyari, wag kayong bibitaw sakin." Nagliwanag ang patag na kinatutuntungan ko. Lumawak iyon at lumalawak pa. "Waah?! Papa ano po yang ginagawa mo?" curious na tanong ni Aster sakin. “—Ang asteeeeg!” "Shhh.. Wag kang maingay anak." saway ko naman sa kanya. Bago ko pa namalayan, bumagsak na pala ako s lapag. Masyadong kulang ang lakas ko para palawakin pa ang seal. "Asawa ko, kailangan mo ng tulong?" Tumingala ako kay Shall. Hindi. Hindi niya ako matutulungan sa bagay na ito. Inilapat ko pa ang mga kamay ko sa lupa. Kailangan kong kayanin to. Dahil kung hindi— MARAMI ANG MAMAMATAY DITO! "—Ano ba ang mga ginagamit mong simbolo para sa seal? Tutulungan kita." anang dumating na si Minerva. Kasama niya si Race na dumating. Muntik ko nang makalimutan na isa ring seal specialist si Mie. Tumayo ako. "Halika, lumapit ka." Inilagay ko agad sa noo niya ang aking palad paglapit niya. "Mas maganda kung magtitipon tipon lang ang mga tao sa isang lugar!" suhestyon ni Race. "—Uutusan ko ang mga hayop sa buong Erdan upang harangan ang mga lagusan palabas ng Seinen." (Seinen-kapitolyo ng Erdan) Nasakop ng seal namin ang buong kapitolyo. Hindi man nun mapipigilan ang nagbabantang pagkasira ng terra nusquam, maililigtas naman niyon ang mga naninirahan dito. Nagpaalam si Race upang tingnan kung may mga natitira pang mga tao sa labas ng Seinen. Mayamaya ay bumagsak si Mie. "P-patawad, hindi ko na kaya—" "Hindi kaya?" pagkatapos kong magtanong, nakarinig ako ng malakas na 'crack'. Napatingin ako sa kalangitan. Gumagalaw na muli ang bulalakaw. Binabangga nito ang isang hindi nakikitang barrier na ngayon ay naglalamat na! "Ibig sabihin, ikaw ang pumigil sa bulalakaw na yan?" Tumango si Mie. "Oo. Pero pansamantala lang." Bumigay rin ang barrier kalaunan. Nagtuloy tuloy na bumagsak ang bulalakaw sa gitna mismo ng Seinen— na siyang puso ng Erdan. Halos bulagin kami ng nakasisilaw na liwanag. Niyakap ko si Shall, si Mie, at si Aster. Patawad pero katapusan na yata natin to. "P-papa! Mama!" sigaw yun ni Aster! May humila sa kanya palayo sakin. Tinangka ko siyang hilahin pabalik pero ang nahila ko lang ay yung bell na suot niya. "—Malaki ang potensyal ng batang ito sa hinaharap. Sayang naman kung idadamay mo lang siya sa iyong mga kamalasan!" "SINO KA?! IBALIK MO SI ASTER!" Aster? Hindi ko na naririnig ang sigaw niya! "Ahhhh!" tili ni Shall. Maging siya ay hinila palayo sakin! "WALANGYA KA MAGPAKITA KA! BAKIT MO AKO GINUGULO?!" Isang hindi pamilyar na mukha ang naging visible sa nakasisilaw na liwanag. Nakangiti siya pero mukha siyang madman sa paningin ko. "Isasailalim kita sa isang eksperimento bago kita patayin! Gusto kong alamin kung anong meron sayo kaya NAGAWA MO ANG BAGAY NA HINDI KO KAYANG GAWIN!" Ano kamo?! EKSPERIMENTO?! "AYOKO! HINDI—" natigilan ako nung takpan niya ang mga mata ko gamit ang palad niya. "Gusto mo bang ibalik ko sayo ang mga kinuha ko? Kung ganun ay makipaglaro ka sakin—" Tae. Ang daming mahilig sa laro! Pabalibag kong tinanggal ang kamay sa mga mata ko— "Ahh! P-pasensya na ginoo! H-hindi ko sadyang hawakan ang mga mata mo!" Nagdilat ako ng paningin at ang nabungaran ko ay ang asawa ko. Pero kakatwang iba ang datingan niya ngayon dahil mukha siyang isang eleganteng binibini. Nakahiga ako at nakapatong ang ulo ko sa kandungan niya. Nung mapakiramdaman ko ang sarili ko, basang basa ako! Tling! Tling! May hawak akong bell— BELL NI ASTER! "ASTER!" bumalikwas ako ng bangon at nagpalinga linga. Nagulat ako dahil nandito ako sa aking estate. Nasa tabi mismo ako ng aking fountain! Bukod saming dalawa ng asawa ko, may kasama siyang isang binata. Hindi ko yun kilala. Bumaling ako sa aking asawa. Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya. "Nasaan ang anak natin?" Nagulumihanan silang dalawa sa sinabi ko. "H-ha? Anak? Natin?" Saka lumapit ang binata. Iritable ang pagmumukha niya. "Ginoo, nasa tamang pag-iisip ka ba? Bakit ka magkakaanak kay Lady Magdalia? May relasyon ba kayo?" Ako naman yung nagulat. Nainis din ako dahil parang may something siya para sa asawa ko. "Are you fucking kidding me? Eh asawa ko lang naman siya!" Hinalikan ko si Shall sa labi para pruweba. Pumalag siya, at inilayo naman ako ng binata sa kanya. "ANO BANG PROBLEMA MO GINOO? SINABI NANG HINDI SIYA ANG ASAWA MO!" Sasapakin ko na tong lalake na to eh! "Oh eh bakit ba masyado kang apektado ha? Ikaw ba ang asawa niya?!" buwelta kong tanong. "Hindi." simple niyang sagot. "WAHAHAHAHA." tumawa ako ng malakas para ipamukha sa kanyang loser siya. Tae. Fuck this Earth because of this idiot. "G-ginoo, may asawa talaga ako. P-pero nasa Svanr siya ngayon." ani Shall. "ANO?!" sigaw ko. Buset! Bakit ganun? Nasaang lupalop na ba ako nag-eexist ngayon?! "Lady Magdalia, dapat siguro ay sa Asylum natin siya ipadala. Nasisiraan na yan ng bait eh." "Asylum Asylum mo mukha mo! Hindi ako baliw! Bakit ka ba nandito sa lupain ko?" Sasagot pa sana ang binata pero tumikom nung tingnan siya ni Shall KO. "Ginoo—" "WHAT THE HELL?! WAG MO NGA AKONG TAWAGING 'GINOO'?! MAG-ASAWA TAYO OKAY?" Ano ba kuya Div, mag-asawa na naman ba kayo? Anu to Laban Bawi?! Hinawakan ni Shall ang mga kamay ko. Tumingin siya sakin na puno ng sinseridad. Dapat na yata akong kabahan— "Ang pangalan ko ay Magdalia Cerinza Ross. Asawa ako ni Lord Cedric Ross. Naglalakbay ako nung aksidenteng madaanan ko ang tarangkahan ng iyong malawak na lupain. Patawarin mo ako kung pumasok ako nang walang pahintulot. Ang totoo niyan ay napahanga ako sa mga cryptic symbols na nakaguhit sa paligid— hanggang sa nadiskubre ko ang walang malay mong katawan sa fountain. Humingi ako ng tulong dito kay Ginoong Luca upang maibalik ka sa iyong katawan." Kalokohan. Isa itong malaking kalokohan. Hindi na ako maaaring tumuntong pa sa dimensyong ito kahit kailan. Bakit naging posible yun ngayon? At kung ito nga ang orihinal kong mundo, ano ang ginagawa dito ni Shall?! Kumilos yung Luca. Inakay niyang patayo si Shall na si Magdalia na ngayon. "Umalis na tayo dito Lady Magdalia. Natulungan ko na ang gunggong na yan. Wala na tayong pakialam kung manganib siya gaya ng iba pang maharlika—" "Sandali! Ano ulit ang sinabi mo? Nanganganib ang mga maharlika?" Dineadma ako ni ungas. Si Magdalia ang sumagot ng tanong ko. "Isang buwan na ang nakakalipas nung napatalsik ang ating hari. Humalili ang Prinsipe ngunit pinagpapatay niyon ang mga ministro at halos lahat ng mga malalakas na maharlika. Dahil sa nangyari, lumakas ang loob ng mga barbaro at iba pang mga lihim na organisasyon para lipulin ang mga natitirang maharlika." Ako yung 'hari' na yun ah? Imposibleng hindi nila ako kilala? Ah! Nabura na ang existence ko dati? "S-sino yung napatalsik na hari? Kilala niyo ba?" "Hindi. Nakakapagtaka nga dahil wala kaming kahit na anong maalala tungkol sa kanya, ganun din ang mga paniki. Basta ang alam ko lang ay may dating hari." "Tama na yan. Umalis na tayo—" Sinundan ko sila ng tingin habang papunta ng gate. Ganun ganun na lang? Si Shall yun oh? Hahayaan ko na lang ba siyang umalis? Tumayo ako. Kaso bago ako nakahakbang, may humawak sa braso ko. "—Maligayang pagbabalik!" Napaatras ako nung makita ko kung sino yun— "P-pierrot— har este R-Redder Black?" Nakakapangilabot ang ngiti niya! "Hindi kita papatayin kaya wag kang masyadong kabahan—" "Anong kailangan mo sakin?" "Magtrabaho ka para sakin." AW? "Anong trabaho? Pwede bang iba na lang ang utusan mo? Busy ako eh—" Nagkibit balikat si pierrot. "Isa ka pang malas sa babae. Wala kang magawa kundi ang maghabol na lang palagi sa babaeng hindi mo alam kung para sayo ba talaga o—" "BWISET. Ano ba yung ipagagawa mo?!" nyeta sapul na sapul ako dun ah. "Hahaha—" pagkatapos niyang tumawa ng wagas, itinuro niya yung dalawa (Si Luca at Magdalia) na nakalabas na ng gate. Angas hindi man lang nila naramdaman ang aura ni Redder? "—pabalik na sila sa tore ng Svanr. Nandun ang nilalang na hinahanap mo. Magpunta ka lang dun. Yun lang." Nangamot ako ng ulo. "Parang gagawin mo akong guinea pig ganun?" "Hindi naman. Isipin mo na lang na isa kang manok na panabong— iwasan mo ang kamatayan habang nandun ka ha? Hwahaha!" Tae. Mautak pa rin tong pierrot na to. "Heto ang paunang bayad ko—" may inabot siya saking dalawang maliit na botelyang may lamang asul na usok. Portable shabu extract? Mehehe. "Oy nababasa ko ang isip mo! Portable shabu extract ka diyan! Tinatawag ko yang bottle of existence. Maaari mo yang gamitin para mabigyan ng existence sa mundong ito ang mga kaluluwang wala pa sa langit o impyerno. Oh paano, aalis na ako?" Naglaho agad agad si Redder. Diputa MARAMI PA AKONG TANONG EH! Itinago ko ang mga botelya. Nagfocus ako hanggang sa maglaho ako sa aking kinatatayuan. Nalipat ako sa pwestong dadaanan pa lang ng farer nina Magdalia. Dumipa ako para alam ng farer na hinaharang ko sila. "HOOOH!" hinigpitan ng farer ang renda ng mga kabayo kaya nahinto ang karwahe. Inis na bumaba dun si pareng Luca. Sinundan siya ni Magdalia. "Hoy baliw! Bakit ka nakaharang sa dadaanan namin?!" Di ko siya pinansin. Lumapit ako kay Magdalia. This is it Hio, pag nauto mo to pwede ka talagang mag-artista! "Isama niyo ko, parang awa mo na—" mangiyak ngiyak pa ako kunwari. Ginagap ko ang kamay niya at ni-rub sa pisngi ko. "Wag Magdalia!" kontra ng ugok. "—Natatakot ako, b-baka patayin din ako ng mga barbaro!" Binawi ni Magdalia ang mga kamay niya para tapikin ang mga pisngi ko. "Wag ka nang mag-alala, isasama kita sa tore. Ligtas dun. Marami ang mga katulad nating nandoon." Tsk.. Tsk.. EASY. Pinauna ko silang sumakay ng karwahe bago ako. Magdalia pala huh? Sinong ginago mo Shall. Baka gusto lang yata niya ng temptations of husband? —— Flashback to be continued direk_whamba Opus 100 Hio's POV: (continued flashback) OH MY FUCKING COW! Ano yun?! What the fuck?! "Y-yan na ba yung sinasabi niyong tore?! Bat ganun? Bat parang— baligtad yata?" pinagkaturo turo ko ang nag-iisang toreng naka-erect sa gitna ng madilim na disyerto. Nagsalubong ang mga kilay ni pareng Luca. "Anong baligtad ang sinasabi mo diyan? Yang utak mo ang baligtad oy!" Taenang Luca talaga na to masyadong highblood sakin. Tama naman ako eh. Kahit anong gawin kong tingin, baligtad naman talaga sa paningin ko yung tore. Kamukha niya yung pawn sa chess, inverted nga lang. Oh well. Mas maigi kung makisakay na lang muna ako sa trip nila. Lesser arguments. Ibinaba kami ng farer sa mismong tabi ng tore. Tiningala ko ang base 'dapat' ng tore na nakapayong ngayon samin. So saan naman ang entrance mga paps? This is freakin' absurd. Lumapit sakin si Magdalia. Hinawakan niya ang kamay ko. "Ito ang unang beses mong magpunta dito hindi ba? Kailangang makipag-joint teleport ka sakin." "Okay." With just a blink of an eye— voila! Nandito na kami sa patag at malawak na tuktok ng tore. Masyadong madilim pero hindi nakalagpas sa aking paningin ang malaking cryptic circle na sinakop yata ang buong lugar na ito. Gusto ko sana siyang pag-aralan pa pero agad akong hinila ni Magdalia sa pinakagitna. "Dito ang pasukan—" itinuro niya yung pintong nakadikit sa sahig. SHIT. This place is shit. Bumukas yung pintong yun— na isang napakalaki at napakaeleganteng double door. "Mauna na ako." nauna nga si Luca. Tumalon siya papasok sa loob. Really freaking crazy! "Ginoo? Pumasok na tayo?" anyaya sakin ni Magdalia. Ready na siyang tumalon! Napakapit ako sa braso niya. "Mahal wag mo akong bibitawan ah?" Namula siya sa tinuran ko. Gusto ko ang ganung expression niya. Gusto ko rin yung pagiging submissive niya, minsan. Yun yung mga moments na parang pakiramdam ko e ang lakas lakas ko? Wahaha. Fuck it. Okay back to the ball game. Ayun na nga, sabay kaming tumalon papasok. Napahigpit ang hawak niya sakin dahil kung hindi niya gagawin yun ay baka tuloy tuloy akong dumausdos. Ang akala ko kasi malalim na hukay yung tatalunin namin. But this is a typical hotel lobby. Not a shit is wrong with it. Paglingon ko sa pintuan— Fuck! Nakatayo na ang pintong nakahiga kanina?! Ibig sabihin... nakatagilid kami ngayon? Impit na natawa si Magdalia. Habang si Luca ay suminghal. "Tonto! Hindi mo ba kaya ang mabilisang pag-aadapt sa gravity ng tinutuntungan mo?" Nagkibit balikat ako. "Eh di sorry." walang masama kung magtanga tangahan ako minsan. Kape-style yan. Nagulat ako pagtingala ko— gawa sa salamin ang dome na roofing ng hayup na toreng ito. Kitang kita ko ang mga bituin! Sa pinakagitna ng lobby ay may barandilya. Dagli ako dumukwang dun. Whoa may mga tanim na bulaklak sa ibabang floor! Pagkatapos ng mga ilang floors, wala na akong makita. It's pitch black down there. Anong klaseng tore ba ito? It's defying Physics men! "—Magandang gabi Lady Magdalia, Lord Luca, at bagong panauhin." narinig kong bati ng receptionist na nasa likod ng shiny counter. Lumapit dun si Magdalia at nag-usap sila. Mayamaya ay may kinuha ang receptionist mula sa shelf na nasa likod niya. Isang susi na ibinigay naman niya kay Magdalia. "Halika dito ginoo." Lumapit ako. Ibinigay niya sakin yung susi. "Yan ang silid na iyong tutuluyan habang nandito ka sa tore. Magpahinga ka na." bumaling siya kay ungas. "Halika na ginoong Luca—" "Hindi mo man lang ba itatanong ang pangalan ko?" pahabol kong tanong nung nakatalikod na sila. Saglit silang tumigil. Yun nga lang, si Luca ang naglook back at hindi yung mahal ko. "Hindi niya kailangan ang pangalan mo. Para sa kanya, isa ka lang estrangherong pinagmagandahang loob niya—" "—HIO ANG PANGALAN KO." sigaw ko. Badtrip na talaga si Luca at parang gustong gusto na niya akong paslangin. Pero sumalakay siya sa ibang paraan. Hinigit niya sa bewang ang asawa ko! Kamuntikan nang madeform ang hawak kong susi sa higpit ng pagkuyom ko. Kung di lang talaga ako nakapagtimpi nako! Sinundan ko sila pababa. Sa may landing ko nakita ang isang binatang nakasuot ng itim na cloak. Pula ang buhok niya at may suot siyang salaming kulay puti ang rim. Lumapit siya kay Magdalia at may ibinulong na kung ano. Kinilabutan ako nung tumingin siya sakin pagkatapos. Lumayo din siya agad kay Magdalia tas lumiko sa isang pasilyo. Ako naman yung lumapit kay Magdalia. "Sino yung binatang bumulong sayo ngayon lang?" "Binatang bumulong sakin? Wala naman ah?" ANO?! Niloloko niya ba ako? Eh kitang kita kong may bumulong sa kanya! Siguradong nakita rin yun ni Luca— "Alam mo Lady Magdalia, nag-aalala ako dahil nagdala ka talaga ng siraulo dito. Kita mo na? Kung anu anong halusinasyon na ang gumugulo sa isipan niya!" "Sigurado ako sa nakita ko—" "Ginoo tama na. Wag mo na kaming guluhin pa." ani Magdalia. "Pero—" "Kung patuloy kang mangungulit, mapipilitan akong palabasin ka ng toreng ito." aniya pa. Amp. Pinagbabantaan ba niya ako?! FINE. Pansamantala muna akong nakipagceasefire. Pero nakakainis! Sa inis ko, sinipa ko ang mga crocus na nakatanim sa bandang gilid ko. Pumasok lang sa isang malaking pinto yung dalawa at wala akong magawa. Sinipat ko ang susing kanina ko pa hawak hawak. 9037 Walang ibang pinto dito bukod sa malaking pinto na pinasukan nina Magdalia at Luca. Where the hell is 9037? Triny kong bumaba pa uli ng hagdan. Marami na akong nakitang mga pinto na may brass plate at embossed number. Yun nga lang ay nagsisimula sa '11'. 11029. 11028.. and so on. Bumaba pa ako ng dalawang beses hanggang nasa '9' na nga ako. Nakita ko naman kaagad ang iniassign saking kwarto. Pwede na rin para kang nasa isang fivestar hotel noong bago pa mag World War I. Hindi uso ang elecricity dito pati mga gadgets. Nakasindi lang ang chandeliers at yung candelabra sa mesa. Yun lang ang only source of light. Malamig kahit walang aircon, damp nga lang ang pakiramdam. Ang una kong ginawa sa loob ng silid ay naghanap ng materyal na panulat. Inalis ko ang malaking painting sa isang bahagi ng pader at nagdrawing dun. Sinubukan kong alalahanin ang lahat ng mga simbolong ginamit ko noon para sa terra nusquam. Hindi naman talaga ako ang orihinal na nakaisip gumawa ng isang panibagong dimensyon. Kay Orpheus ang ideya na yun. Siya rin ang nagdisenyo at gumawa ng magic circle. Ako lang yung nag-execute. Nung ginagawa ko ang magic circle, ni hindi pumasok sa isip ko kung si Orpheus nga lang ba talaga ang nakakaalam ng tungkol sa terra nusquam. Kung gusto pa nga ba niya itong ipagpatuloy, o kung katuwaan lang kaya niya ginawa ang unang seal. Hayan, tapos na akong gumuhit. Panlito lamang ang guhit na ito. Marami na ang nakakaalam sa magic circle ng terra nusquam kaya ayos lang na out for show ito. Pero kapag may binura akong mga symbols sa kaliwa, kanan, taas, at baba— Magagamit ko ang circle na ito bilang isang lihim na dimension point nang walang magsususpetsa. Inilapat ko ang palad ko sa gitna ng circle. Magbabakasakali akong ma-pick ang aura ni Mie. Alam kong hindi pa siya patay. Hindi pwede. 'Mie, nararamdaman mo ba ako? Pilitin mong pumasok sa dimension point na ginawa ko.' Wala akong response na natanggap. Nainip ako kaya pumasok na ako sa dimension point. Lumubog lang ako sa pader at natransfer sa isang madilim na espasyo. Magenta ang kulay ng hiyas sa aking dimension point. Nag iiba-iba yun depende sa caster. Lumitaw ang pintuang rekta sa Erdan. Bumukas yun ngunit hindi ako nakapasok. Nirepel ako ng isang hindi maipaliwanag na kapangyarihan. Nakikita ko kung ano ang nangyayari sa loob. Puro lamat kahit saan, umaangat ang mga tipak ng lupa, nag-aalburoto ang mga bulkan— No choice. Huhugutin ko ng sapilitan sina Minerva at Race. "Infinita Catena!" lumabas mula sa aking palad ang mga kadenang walang katapusan ang haba. Idol ko talaga si Kurapika kaya minaster ko ang technique na to. Pero nagagamit lang siya mostly for retirieval and leashing operations. Chink! May nahuli na ang mga kadena. Sinimulan ko na ang paghila. Medyo may kahirapan ang proseso dahil sa letseng forcefield sa loob. Nagbunga naman ang effort ko. Nahatak ko sina Mie palabas ng pinto. "HIO! Ikaw ba talaga yan?" tanong sakin ni Mie. Tumango ako habang inilalabas ko ang dalawang bottle of existence. Ibinigay ko yun sa kanila. "Buksan niyo ang laman niyan." utos ko. Nung binuksan nila ang mga bote, tumakas ang asul na usok mula dun. Bumalot iyon pansamantala sa kanilang katawan pero nawala din agad. "Existence to hindi ba? Sino ang nagbigay—?" si Race naman yung nagtanong. "Saka na ang mga tanong." bumaling ako kay Minerva. "Mie, gumawa ka ng ibang daanan niyo palabas ng dimension point na ito. Hindi ko kayo maaaring isama dito sa tore ng Svanr. Kailangang nasa labas kayo. Imbestigahan niyo ang nangyari sa terra nusquam at sa mundong ito. Regular niyo akong balitaan." "Gagawin namin ang mga bilin mo." "Sige. Aalis na ako." nauna akong lumabas ng dimension point. Ibinalik ko ang mga binura kong symbols sa circle na nakaguhit sa pader. Lumabas ako ng kwarto at nagpagala-gala. May mga bampirang nasa corridor. Lodgers yata sila. Eh kasi nga hotel ito. Hotel na puno ng kawirdohan. Namataan ko si pareng Luca na bumaba mula sa itaas na palapag. Bababa pa siya. Nagteleport ako para mabilis na makahabol sa pace niya. "Pare saan ka pupunta?" umakbay ako sa kanya. Inirapan niya lang ako bago inalis ang braso ko. Gay. Gay. Gay. Pero sinundan ko pa rin siya pababa ng hagdan. "BAKIT KA BA SUMUSUNOD SAKIN?!" iritable niyang tanong. "Ooh.. Bakit ka nakaasik agad diyan. Wala naman akong ginagawang masama ah?" Narealize niya atang tama ang katwiran ko kaya nanahimik siya. Hinayaan niya akong sumunod. Pagkatapos ng floor kung saan ang numero sa brass plate ay nagsisimula sa '7', wala na akong nakitang mga kwarto kwarto. At wala na rin akong nakitang hagdan pababa. "Teka, last floor na ba ito?" parang hindi. "Oo. Ito na ang last floor na pwedeng puntahan ng mga lodgers." ani Luca. Ngumuso ako. "Ibig sabihin ay meron pang mga lower floors?" "Hindi ka naman pala tanga kahit may lahi kang baliw. Oo, may mga lower floors pa. Pero makakapunta ka lang dun kung tatalon ka ng diretso sa butas ng ikalabintatlong palapag o kung bibigyan ka ng permiso ni Magdalia." Permiso? Narinig ko na ang tungkol dun. Isa yung uri ng charm na ginagamit para makapagtago ng isang gamit o lugar. Maaari lamang makita ang mga tinago kapag may permiso mula sa caster. Bakit nga ba hindi ko gawin yun sa 9037? Yun ang magsisilbing base ko sa toreng ito. "Mas madali yata ang tumalon na lang mula sa ikalabintatlong palapag. May gumagawa ba nun?" Umiling si Luca. "Ang mga gustong makarating sa ibaba ay hindi na nakakabalik pa. Nakita mo na yung kadiliman kanina nung dumukwang ka sa barandilya hindi ba? Naisip mo ba kung bakit wala kang maaninag na kahit ano gayung sanay ang mga mata natin sa dilim? Dahil hindi yun pangkaraniwang kadiliman. May kakayahan iyong humigop ng katinuan. Isa iyong kapangyarihan na dapat mong iwasan. Pero dahil baliw ka, Malaya kang tumalon at magpalamon sa dilim." Isa itong shelter para sa mga bampira hindi ba? Kaya bakit may nagtetake-effect na kapangyarihan dito at bakit may restrictions? Nandito daw ang nilalang na hinahanap ko ayon kay pierrot. At nandito rin si Shall. Posibleng nandito rin ang aking anak. —— Flashback to be continued. direk_whamba A/N: So sorry pero may pinalitan akong ilang phrases sa past chapters dahil contradicting sila sa flashback na ito. Pero konti lang yun >_< Opus 101 Hio’s POV: (continued Flashback) "Hops! Hanggang diyan ka na lang. Hindi ka maaaring pumasok sa loob!" hinarang sakin ni Luca ang isang palad niya nung nasa tapat na kami ng isang bakal na pinto. AW COME ON! "Bakit ako bawal sa loob?" "SINABI NANG BAWAL EH!" bulyaw niya. Siya po ang lalakeng may PMS. "Siya sige aalis na ako." disappointed kong tugon. Hindi maubos ubos ang swearing ko sa hinayupak na Luca na yun. Nasa hagdan na ako nung lingunin ko siya. Napatda ako dahil nakita ko ulit ang lalakeng pula ang buhok tas may ibinubulong yun kay Luca! Taeness na yan. PINAGKAKAISAHAN NILA AKO! Nung bumulong yung lalakeng yun kay Magdalia, dineny niya. Tas ngayon malaman laman kong pati siya ay binubulungan?! Oye fuck Luca. Teka nga, saan nanggaling si red-head? Iisa lang ang hagdan kaya imposibleng hindi ko siya makita kung bumaba man siya. Nagteleport? Pwede. Naglaho siya pagkatapos niyang bumulong. "OY LUCA, BAKIT KA BINULUNGAN NUNG LALAKE? SABI MO HINDI MO SIYA KILALA?!" sumigaw lang ako dahil tinatamad na akong lumapit. "GAGO! WALANG IBANG NANDITO KUNDI TAYONG DALAWA LANG! NABABALIW KA NA KAYA IKAW LANG ANG NAKAKAKITA NG MGA NAKIKITA MO!" Tang ina. Bahala ka! Bumalik ako ng 9037. Pagpasok ko sa loob, amoy food. Nakatengga sa dining table ang bowl ng blood soup. Hindi ko kailangang kumain. Kakayanin kong hindi kumain at wala akong gana. Kinuha ko ang bowl at ibinuhos ang lahat ng laman sa sink. May pumupuntang room service dito kaya mabilis nilang malalaman kapag naglahong basta ang room 9037. Change plans. Maghahanap na lang ako ng ibang gagawing base. Tak! Napailag akong bigla dahil akala ko ay may solid na bagay ang tatama sa pagmumukha ko. Crumpled paper lang naman pala yun nang pulutin ko. But hey, where the hell did it came from?! Binuklat ko ang nilamukos na papel. Merong nakasulat: Hio, ito ang naisip kong way of communication natin. Sa ngayon ay nandito ako sa isa pang shelter ng mga bampira. Si Race naman ay mas gustong magmanman sa open space. Medyo magulo pa ang situation dahil abolished na ang monarkiya at napakarami ang nagke-claim na mamuno sa mga bampira. Wala pa akong gaanong nakukuhang impormasyon tungkol sa terra nusquam pero nagtatanong tanong na ako. Kung gusto mo akong padalahan ng mensahe, sumulat ka lang sa isang papel at lamukusin mo. Pagkatapos ay iitsa mo 1/2 foot mula sa iyong noo. Mayroon akong ginawang vacuum space sa pagitan nating dalawa at kasing laki lamang yun ng isang baseball. Mag iingat ka diyan. Mie Sinira ko kaagad ang papel na may mensahe ni Mie tas pumunit ako ng isang sheet sa notepad na nakita ko sa bedside table. Mie, maraming misteryo dito sa loob ng Svanr. Pamilyar ka ba sa toreng ito? Nandito ngayon si Shall pero iba ang pagkatao niya. Hindi kagaya natin na naretain kung ano tayo bago napadpad sa terra nusquam. At may isa pa pala akong gustong iconsult na gumugulo sakin. May nilalang kasing dalawang beses kong nakita ngayong gabi. Kitang kita kong lumapit siya kay Shall at may ibinulong. Ganun din ang ginawa niya sa isa pang bampira. Pero parang hindi yata nila siya nakikita. Isang multo ba yun? Hio Nilamukos ko ang sulat pagkatuyo ng tinta. Ibinato ko yun nang forehead level. Para siyang nahigop sa kung saan at biglang nawala. Matyaga akong naghintay para sa reply ni Mie. Di katagalan ay may bumagsak na crumpled paper. Lumanding siya sa paahan ko. Pagkapulot, ni-flatten ko, at binasa: Iisipin kong isa lamang ordinaryong bampira ang naikwento mo kung hindi mo binanggit ang tungkol kay ate. Alam mo kasi, kung bumalik ang existence natin sa orihinal na mundo, kahit pa wala nang nakakakilala satin, hindi mawawala basta basta satin ang ating pagkatao, at LALONG hindi tayo basta basta magkakaroon ng bagong pagkatao. Posibleng isang whisperer ang nilalang na tinutukoy mo. Kakaunti lang ang naniniwalang existing ang mga kagaya nila. Kasing rare sila ng isang destroying angel. Dahil may destroying angel, maniwala kang mayroong whisperer! Kabaligtaran sila ng mga destroying angel. Maaaring mas mahina sila o mas malakas kaysa sa destroying angel kaya mag-iingat ka. Ayon sa mangilan ngilan na nakakita na ng whisperer, may kakayahan iyong baguhin ang katauhan ng isang nilalang sa pamamagitan ng pagbulong. Maaaring marami pang ibang kakayahan ang whisperer bukod dun. Hio, isa kang destroying angel at hindi yun dapat malaman ng whisperer. Iwasan mo siya o magpanggap kang hindi mo siya nakikita. Hanggang dito na muna. Regular mo akong balitaan. Matagal bago nagsink-in sakin ang binasa ko. Nagbibiro lang siya right? Pero nanginginig ang kamay ko. Isang nilalang na ang kapangyarihan ay kabaligtaran ng sa akin. It makes sense now. Kung bakit posibleng mag-exist ang mga kawirdohan sa toreng ito, at pati na ang pagkakaroon kong muli ng existence. Siya na ba.. ang Diyos?! Tae imposible. Hindi Diyos ang may kakayahang sumira ng isang nilalang dahil trip niya lang. Ang whisperer na nga ba talaga yung nilalang na hinahunting ko? Siya ang tumarantado sa aking terra nusquam? Paano ko siya lalabanan kung napaka-uncooperative ng kapangyarihan ko? Isip isip rin Hio! Lumabas ako ng 9037 para umakyat ng 12th floor. Baka sakaling mainspire ako ng mga halaman at bulaklak. Yun ang first time kong nakita si Magdalia na nagsasanay gamit ang espada. Nahinto siya nung mamalayan niyang mayroon siyang audience. "G-ginoo, bakit ka naririto?" tanong niya. Ang ekspresyon ng mukha niya ay cross sa pagitan ng pagngiti at pagsimangot. Nilapitan ko siya tas pinahid ko ang pawis sa kanyang noo. "Magdalia, masakit.." Painosente siyang kumurap kurap. "Masakit ang alin?" Sinapo ko ang aking dibdib. "Ito." "Nangungulila ka siguro para sa iyong nawalay na asawa—" Kinabig ko siya at mariing niyakap. "Sumasakit ang puso ko dahil hindi mo ako pinag-uukulan ng pansin!" putangina nakakahiya tong mga pinagsasabi ko. "H-ha? Pero ginoo—" "Manhid ka ba Magdalia? Gusto kita. Pinagnanasahan kita. Hindi ako mapakali dahil maya't maya kitang naiisip. Wala ka ba talagang pakialam sakin? Sana ay hindi mo na lang ako niligtas at hinayaan na lang akong matetano sa fountain ko para hindi na kita nakilala." Di na siya umimik pero niyakap niya ako. Kinocomfort niya lang ako nung una pero nung nakatikim siya ng waka waka, sakin na umikot ang mundo niya! Naniniwala akong si Magdalia ang sentro ng kwento sa toreng ito kaya ginawa ko ang lahat para mabaliw siya sa pag-ibig sakin. Lalong nagngitngit si Luca siyempre. May mga pagkakataong kinukunsensya ko si Magdalia para magkaroon ng disturbance sa kanyang isip, nagbabakasakali akong may kahit kaunting pagka-Shall na bumalik sa kanya. Naaawa na rin ako sa kanya dahil ginagamit ko siya upang makalapit sa kalabang still unknown entity. Sa loob ng isang buwan ko dito sa tore, unti unting nabuo ang kwento ng isang Vizcondesa na may asawang Duke. Kahit kailan ay hindi ko pa nakikita ang mukha ng duke na yun. Nakita ko lang siya minsan na nakatambay sa garden ng 12th floor. Naka-wheelchair siya, putol ang mga kamay at paa. May itim na talukbong ang kanyang ulo. Si Luca ay isang baronet na tumatayong 'psychiatrist' ni Magdalia pero nainlove yata si pareng Luca kay Magdalia. Kung anu anong pabor ang ginagawa niya para kay Magdalia eh. Si Hio naman ay isang nilalang from outer space na umibig din kay Magdalia dahil kamukha nito ang asawa niya. Okay seryoso na tayo. Nagawa kong mabrainwash kahit kaunti sa Magdalia. Napapayag ko siyang bigyan ako ng permiso para makababa sa lower floors. Yun nga lang, ayaw niya akong bumaba ng una hanggang ikatlong palapag. Parang hollow shell ang 5th floor. Pero parang may naririnig akong mga boses sa likod ng isang pader. Inignore ko yun at bumaba ng 4th floor. Doon ko na-meet ang sister-in-law ni Magdalia na si Wynona. Trip niyang maglagi sa dilim dahil nandito ang laboratoryo niya. Marami din siyang chimera. Nakita ko ang mga yun one time, nung di sinasadyang nalaglag ko ang bell ni Aster. Magaganda ang mga chimera ngunit mapanganib kung mahuhulog ka sa kanilang kagandahan. Kinaibigan ko si Wynona (na namisinterpret yata niya). Nagkaroon siya ng romantic fixation sakin na pinabayaan ko lang dahil kailangan ko ang library niya. Napag-alaman ko rin mula sa matabil niyang bibig na ang kanyang kapatid na duke ang may kagagawan ng kakaibang kadilimang ito sa tore. Isang canceller ang duke at ang kadilimang likha ng kapangyarihan niyon ay nakakapagpawala ng katinuan sa matagal na exposure. Ayaw man aminin ni Wynona, halata namang infected na siya ng insanity na dulot ng dilim. Abnormal na nga pati ang kulay ng balat niya kakaturok niya ng kung anu anong gamot 'pampaganda' sa sarili niyang katawan. Nang wala na akong mahita sa 4th floor, pumuslit ako ng 3rd floor. May kulungan sa malaking bahagi ng 3rd floor. Gawa sa malalaking tipak ng mga bato ang mga selda at yung mga pintong de rehas ay kinakalawang na dahil sa kalumaan. Walang nakakulong sa mga selda sa bukana. Papasok pa sana ako sa mismong looban pero may humatak sa likuran ng damit ko. Naging yakap iyon. "Ipinangako mo saking hindi ka bababa sa huling tatlong palapag. Ngunit ano at nandirito ka?" "Sino ang mga nakapiit dito? Bakit may ganitong lugar ang tore?" sinagot ko ng tanong ang tanong. "Mga kriminal sila kaya nararapat lamang silang parusahan at ikulong." iba ang tono ni Magdalia ngayon kaya pinili ko na lang na manahimik at sumunod sa kanyang bumalik sa itaas. Paakyat kami ng 7th floor nang makita kami ni Luca na noo'y papasok ng kanyang mahiwagang vault. Padabog niyang isinara yun. "Iniiwasan na niya ako." bulong ni Magdalia. Hinigit ko ang bewang niya. "Hindi mo siya kailangan kaya tama lang na umiwas na siya." ganting bulong ko. Iyon na ang huling beses na nakita kong ayos si Luca. Naging magulo ang mga pangyayari, o nagsimulang gumulo nang hindi ko nalalaman kung paano o bakit. Nagkaroon ako ng hindi maipaliwanag na sintomas. Unang beses nangyari yun bago ako magtungo sa aking silid, pagkatapos kong ihatid si Magdalia. Wala akong naramdamang sakit o ano pa man. Nablack-out ang diwa ko at hindi ko alam kung gaano katagal. Namulat ako dahil sa malamig na patak ng tubig galing sa shower. Bakit ako nandito?! Napatingin ako sa tubig na inaanod ng drainage. May kahalo iyong dugo! Inangat ko ang mga kamay ko. Punung puno ako ng dugo. —— direk_whamba Opus 102 Hio's POV: (continued Flashback) Gumagawa ako ng mga bagay na labag sa sakin. Ang masama pa nun ay hindi ko alam kung ano yung ginagawa ko kapag nabablangko ako. Naaalarma nako dahil duguan palagi ang aking suot kapag natatauhan ako. Kung inaakala kong kontrolado ko na ang sitwasyon, doon ako nagkamali. Unti unting ako na ang nakokontrol ng sitwasyon. Huminto ako sa pakikipagcommunicate kay Mie dahil sa tingin ko ay kulang ang oras na ginugugol ko para sa mahal kong si Magdalia. Wala na rin akong pakialam kung nawawala si Luca sampu ng iba pang lodgers na nawawala din. Naging baligtad nga ang lahat. Ako na ang nababaliw para kay Magdalia. Si Magdalia na pasama ng pasama sa bawat araw na lumilipas. Pero imbes na layuan ko siya, lalo pa akong nahihibang kapag wala siya saking tabi. "—Saan ka pupunta?" hinaklit ko ang maliit na braso ni Magdalia upang pigilan siyang makatayo ng kama. "Titingnan ko ang kalagayan ng aking asa—" "ANG LINTEK NA ASAWA MO ANG INIISIP MO?! Pag pinatay ko ba siya ay mananahimik ka na sa piling ko?" bayolente kong binitawan ang braso niya. Tumayo ako ng kama, nagbihis, at kinuha ang espadang ginagamit ko pag nagsasanay kami. "SAAN KA PUPUNTA HIO?!" SAAN PA?! Fuck. Murderous ako ngayon! Wag niyo akong pipigilan! Habang paakyat ng hagdan, inalis ko na sa sheath ang espada. Naabutan ko ang duke na nasa garden pa rin. Dun siya iniwan ni Magdalia mula pa nung isang gabi. Kumislot ang duke nang maramdaman niya ang aura ko. "S-sino yan?" "Ako ang tatapos sa paghihirap mo." nakangisi pa ako nung sinabi ko yan. Bakit nga ba hindi siya maiwan ni Magdalia?! Mas magandang lalake ba siya?! Patingin nga ng pagmumukha niya? Hinablot ko yung itim na telang nakatalukbong sa ulo ng duke. Bahagya akong napaatras dahil sa nakita kong hindi kanais-nais. Patay na ang duke kung pagbabasehan ang malalang pagkaagnas sa kanyang mukha. Kita na ang malaking bahagi ng kanyang bungo. Ngunit may bampira nga bang naaagnas?! At may patay pa bang nakapagsasalita?! Isa ba siyang gravehunter? Sa kakaisip, naatrasan ko si Magdalia na nasa likuran ko lang. "Anong nangyari sa mukha niya bat ganyan?" histerikal kong tanong. "Wag kang mag-alala. Buhay pa siya. Dinapuan lang siya ng sakit." "ANONG SAKIT?!" "Huminahon ka mahal ko. Ang sakit niya ay isang espesyal na uri ng ketong na ang dinadapuan lang ay mga bampira. Kinakain ng sakit na yun ang laman at pinahihinto ang regeneration ng mga cells." Nagbagong bigla ang emosyon ko. Kung kanina ay galit na galit ako sa duke, ngayon naman ay awang awa. "K-kung may sakit pala siya, bakit hindi mo siya ipagamot?" Ngumiti si Magdalia. "Ang totoo ay gusto na niyang mamatay kaya pinutulan ko siya ng mga paa at kamay para hindi niya magawa yun. Ang gusto ko ay makita siyang naghihirap sa habangbuhay. Kaya hindi ako makakapayag na patayin mo siya." May isang evil spirit ba na nagpapasalit salit sumapi saming dalawa ni Magdalia? Kanina lang, ako ang masama dito tas ngayon— Tumawa siya ng malakas. "Hahaha! Ang galing hindi ba mahal ko? Hindi niya tayo mahahadlangan sa ating pag-iibigan!" Lumayo ako kay Magdalia at bumaba ako ng hagdan nang walang sinasabing kahit na ano sa kanya. Natutuliro ang isip ko. Kailangan ko lang siguro itong ipahinga. "Ginoo, nawawala ang aking nobyo. Hindi na siya nagbalik mula pa kagabi. Heto ang larawan niya. Nangyari bang nagkita kayo?" Walang kagana gana akong umiling sa babaeng nakasalubong ko sa corridor ng 11th floor. May nawawala na naman. Saan ba nagpupunta yung— Bumalik sa isipan ko ang piitan sa ikatlong palapag. Posible kayang— Kinuha ko ang isang nakasinding sulo sa tabi ng pintuang pinakamalapit sakin. Bababa ako ng ikatlong palapag ngayundin. Nahulaan yata ni Magdalia ang plano ko. Nangangalahati pa lang ako pababa ng 10th floor ay nandun siya sa landing at naghihintay sakin. "Hio wag matigas ang ulo. Wala kang mapapala sa lugar na balak mong puntahan!" "Pupunta ako kahit saan ko man gustuhin." "Babawiin ko ang permiso—" banta niya. "—Tatalon ako mula sa itaas." banta ko. Huminga ng malalim si Magdalia. "Sige tumuloy ka na. Ang ikatlong palapag na ang huli. Kapag sinuway mo na naman ako ay parurusahan na talaga kita." Sobrang gulo ng isipan ko kaya kahit simpleng pagteleport ay hindi ko magawa. Pinagtyagaan ko ang hagdan hanggang sa makarating ulit ako sa bukana ng bilangguan na walang ibang dala kundi sulo. Tumambad sakin ang ibat ibang mga presong hubo’t hubad, duguan, at puno ng kung anu anong mga bakal na nakatusok sa kanilang katawan. Lahat sila ay severed na ang mga daliri. Mga bampira ba sila? Lumapit ako sa isang selda. Ang alam ko ay mabilis magregenerate ang mga cells ng mga bampira pero kung titingnan ang isang ito, mukha siyang isang kaawa awang tao na nakaranas ng matinding pagpapahirap. “Sino ang gumawa nito sa mga presong nandirito?” tanong ko. Ngumanga ang preso ngunit ungol lang ang lumabas sa kanyang bibig. Mayroong maliliit na bakal ang nakabaon sa dila nila diretso sa ngalangala. Useless ang magtanong. Hindi siya makakausap ng matino. “Hrrrr... li-wa-nag b-ba yun?!” May nagsasalita! Hinanap ko ang seldang pinagmulan ng impit na sigaw. So hindi naman pala lahat ng nandito ay disabled ang pagsasalita— “LIWA-NAG! L-LIWANAG!” Umingay ang paligid. Kinakalampag ng mga preso ang mga rehas na pinto! Sa tagal yata nilang nakababad sa nakakapraning na dilim, ang tanging hinahangad nila ay ang liwanag. Hinipan ko ang sulo. Muling naghari ang katahimikan sa pumailanlang na kadiliman. Sinanay ko ang mga mata ko sa dilim at ipinagpatuloy ang obserbasyon sa mga preso ng bawat selda. Iba iba ang behaviour nila. May ibang self-destructive; yun bang boluntaryo nilang sinasaktan ang sarili nila. Gusto na yata nilang mamatay pero hindi nila kayang magpakamatay. Ngunit ang karamihan ay hindi gumagalaw gaya ng estatwa. Nung sinindihan ko ulit ang sulo, nagsipaggalawan sila at huminto nung mawala ang liwanag. Kamangha mangha ang kanilang behaviour kapag may liwanag; may tendency na maging agresibo sila. Tumawag ng pansin ko ang pinakahuling preso sa pinakahuling selda. Nakahiga lamang siya ngunit dinig na dinig ko ang kanyang mga hikbi. Umiiyak siya! Lumapit ako sa rehas na pinto. “Ano ang kasalanan ng mga presong nandirito?! Sino tumorture sa kanila bago ibinilanggo dito?!” Biglang tumayo ang bilanggong yun at lumapit sa rehas. “—Ikaw.. i-kaw—ikaaaaw!” ‘Ikaw?’ Ako ba yung tinutukoy niya? Teka—parang namumukhaan ko siya... kamukha niya si— Nahablot niya ako sa leeg. The next moment, tumilapon na lang ako sa isang bakanteng selda. Mabuti na lang at walang nakakulong dun. Gumuho ang mga bato at binagsakan ako ng mga debris. Bumangon ako at tinapatan ang selda ng presong bumalibag sakin. Bang! Bang! Bang! Niyuyugyog niya ang rehas! “PA-PA-TAYIN K-KITA! PAPATA-YIN KI-TA!” Napakalakas niya na hindi halata sa hitsura niya. Kung wala siyang ball ‘n’ chain sa paa niya ay baka nakakawala na siya ng selda niya. “Infinita Catena!” lumusot sa mga siwang ng rehas ang mga kadenang mula sa aking palad. Pumulupot yun sa buong katawan niya, kasama na ang bibig. Hindi ko naman siya kailangang pagmalupitan ng ganun pero dahil sa ginawa niya ay naparanoid ako. Narating ko ang isang alcove kung saan may pinto. Kung may pinto, may kwarto. Bukas yun at deserted. Space yata ito para sa warden. Naghalungkat pa ako sa desk kung nasaan nakatambak ang kung anu anong papel na walang kwenta ang mga nakasulat. Nakaprop-open ang isang log-book na walang kalaman-laman. Naawa ako kaya sinulatan ko; inilagay ko ang petsa ngayon at kung ano ang naobserbahan ko sa mga presong nandito. Nag-ala warden daw. Pagkalabas ko ng pinto sa alcove, diniretso ko ang pasilyo at nakakita ako ng hagdan pababa. Ano pa nga ba ang ginawa ko kundi bumaba! May rehas na pinto pagkatapos ng hagdanan. Lumabas ako dun. Nakasabit pa sa pinto ang malaking padlock na nakakabit pa ang susi. Pinadlock ko yung rehas na pinto at ibinulsa ko ang susi. Paranoid mode still active. Okay. Napunta ako sa corridor na kahawig ng corridors sa 7th-1th floors; ang kaibahan nga lang ay walang brass plate ang mga pinto dito at sa iisang pader lang sila magkakahilera. Hindi ko na sinubukang buksan ang mga pintong yun dahil secret lang na nandito ako. Paano na lang kung may mga tauhan dito si Magdalia tas isumbong ako? Brineak ko agad ang restrictions ko after 1second nung makita ko ang nag-iisang malaking pinto sa kabilang pader. Nangati talaga ang kamay kong buksan yun— Ops... kusina yata to. Nagkatangahan kami ng malaking mama na may hawak na butcher’s knife, at nung assistant niya na mukhang aanga-anga. “SINO KA? ANONG GINAGAWA MO DITO?!” bulyaw ng malaking mama. Oye I’m spotted. Sinarado ko ulit ang pinto at nagtatatakbo. May hagdanan na namang pababa! Sinuswerte ako! Wala naman akong nakita sa ibaba kundi pitong pinto. Wala ring kakaiba. Ngunit napakaingay. Kung nakanood ka na ng movie na ‘The Grudge’, yung tunog na ginagawa ng babaeng multo dun, ganun ko madedescribe ang tunog na naririnig ko at this time. Madali akong nakaalis sa first floor. I just teleported! Ewan ko ba. Palagi akong pine-fail ng teleporting skills ko. Minsan naman epic siya. Baka dapat pa akong magsanay maigi? Pagkatapos kong umalegwa sa forbidden floors, nakakatanggap na ako ng mga messages mula sa isang tagasilbi sa kusinang aksidente kong nasilip— —— Flashback to be continued direk_whamba Opus 103 Hio's POV: (continued Flashback) Mula sa mga sulat ng isang utusang nagngangalang 'Shantal' na nabighani yata sa aking kagwapuhan, nadiskubre ko ang isa pang kwento na si Magdalia ay si Maria talaga. Si Maria ay anak ng duke at ng totoong Magdalia (na pumanaw na). Pero nagkaroon yata ng incest relationship si Maria at ang duke kaya si Maria ngayon ay nagcocosplay bilang si Magdalia. Hayop sa twist. Batay sa mga masochistic pledges ni Shantal na malaya niyang ipinahahayag sa sulat, infected na rin siya ng dark insanity. Sinadya kong hindi magreply, magreact; o dineadma ko talaga ang tungkol sa sulat. Kung persistent ang Shantal na yun para patunayan saking masama si Magdalia, marami pa siyang sasabihin sakin. Marami akong malalaman syempre. Gaya ng aking inaasahan, nagpatuloy nga siya sa pagbibigay sakin ng sulat na kahit kelan ay hindi niya nagawang iabot sakin ng personal. Palagi na lamang niyang iniiwan yun na nakaipit sa ilalim ng pinto ng 9037. Kalaunan ay naungkat ang tungkol sa 'gayuma' at lalo akong naguluhan sa aming storya. Apektado na rin siguro ako ng insanity at unti unti ko na iyong nararamdaman. Ako pa rin si Hio, pero nakakaroon na ako ng parte sa isang kwentong pinapaikot dito sa loob ng tore ng Svanr. Dapat siguro akong magpasalamat kay Shantal dahil kahit papaano'y binigyan niya ako ng konting realization. Pumilas ako ng notepad at nagsulat sa bedside. Shantal, Ito ang unang beses na tinugon ko ang iyong mga mensahe. Nais ko sanang— Nagulat ako nang hablutin sakin ang sulat na ginagawa ko. Worst pa nun ay si Magdalia ang gumawa nun. "Nais mo sanang ano?" tanong niya sakin habang nilalamukos ang papel. Todo iling ako. Shitbrix. Corner! "Wala." Pak! Sinampal niya ko! SOLID. Nadeformed yata ang panga ko. Hinaltak niya ang kwelyo ko. Akala ko sasampalin niya ulit ako— Hinalikan niya ako. She bit my lower lip ng sobrang diin hanggang magsugat. Dinilaan niya ang tumutulong dugo. Hindi niya ako tinigilan hangga't hindi naghilom yung sugat na ginawa niya. Oh well. Sanay na ako sa pananadista niya dating dati pa. Kaso lang ngayon parang nakakatakot na siya. Inihiga niya ako sa kama at dumagan siya sakin. Tapos ay ipinagpatuloy niya ang paghalik sa mga labi ko. Stressed yata siya? Inangat ko ang mga braso ko para yakapin ang maliit niyang katawan. Making out with her is like abusing a child. Pero kung pagbabasehan ang edad namin, ako po yung 'child' na tinutukoy dun. Wehehe. Pumihit ako, and trapped her. Pinagmasdan ko ang maamo niyang mukha gaya ng palagi kong ginagawa. Pwede ko bang sabihin sa kanyang ako ang bahala sa lahat? But what can I really do? Hindi ako makapangyarihan. Isa lang akong lucky guy na mas madalas ay minamalas. Inalis ko ang bara sa aking lalamunan para malinaw ko tong masasabi sa kanya. "Tanggalin mo ang insanity ko. Please.." All along, ikaw lang naman ang nakapagpapabaliw sakin hindi ba? Bumalik ka na sa dati.. Or kung sawa ka nang maging si Shall, tatanggapin kita bilang si Magdalia basta.. Basta— Sinapo niya ang magkabilang pisngi ko. "Hio, akin ka lang. Dito ang lugar mo, sa piling ko, sa tore ng Svanr.. Habambuhay—" Kinilabutan ako, lalo na sa malalim niyang tono. Tumayo ako at lumayo sa kanya. "Ayaw mo na sakin? Mas mahal mo ang dati mong asawa ganun ba?!" ani Magdalia habang nakahiga pa rin sa kama. Shit. Hindi pwede ang ganito. Hindi pwedeng dalawa kaming susuko sa insanity! Lumabas ako ng silid. Hindi ko alam kung saan ako partikular na pupunta pero dun ako nagtungo sa halamanan. Mataas ngayon ang buwan at kitang kita ang buong kabilugan niyon sa glass dome. "Nandito ka na naman ginoo?" Nilingon ko ang papalapit na duke. Namanage niyang pagulungin ang wheelchair niya kahit wala na siyang mga kamay. "Gusto kong makita ang buwan at ang mga crocus." pagdadahilan ko. "Mas makabubuti para sayo kung lilisanin mo na ang toreng ito." mahinahon niyang sabi sa kabit ng asawa-asawahan niya. "Nakakatawa ka." tuya ko. "Paaalisin mo ako sa toreng ito? Hindi ba ang dapat nga ay matuwa ka pa dahil nagpapalason ako sa kadilimang nilikha mo mismo?" "I-inaamin kong marami akong naging pagkakamali sa nakaraan. Pinagsisisihan ko na ang mga iyon subalit huli na ang lahat—“ “—Anong ibig mong sabihing huli na ang lahat?” kunot noo kong tanong. “Nagsinungaling sa iyo ang aking asawa. Matagal na akong pumanaw. Hindi pa ba halata yun?” “PERO BAMPIRA KA! MAY BAMPIRA BANG NAAGNAS?! YOU FUCKING ASSHOLE!” temper explosion, yea! Pumaling paling ang ulo ng duke. “Sa tingin ko ay hindi mo pa lubos na naiintindihan ang kapangyarihang taglay ni Magdalia.” Vizconde si Magdalia. Ibig sabihin katulad siya ni Race. Saan banda yung hindi ko naiintindihan? “—Si Magdalia ay isang necromancer.” Pagpapatuloy ng duke. “Pero hindi basta bastang necromancer na gumagawa lang ng mga gravehunter. Ang kanyang kapangyarihan ay kayang kulungin ang kaluluwa sa namatay nang katawan. Dahil sa ako ay biktima na ng kapangyarihang iyon, wala na akong control sa sarili kong kapangyarihan. Samakatuwid, ang kadilimang bumabalot sa toreng ito ay kombinasyon ng pinagsamang kapangyarihan namin ni Magdalia. Kapag namatay ka sa loob ng toreng ito, makukulong ka sa sarili mong bangkay. Unti-unti kang maaagnas gaya ko— at kahit pa kalansay ka na, mararamdaman mo pa ring nabubuhay ka.” Kinuyom ko ang mga palad ko upang pahintuin sila sa panginginig. Naisip ko lang bigla ang tungkol sa binaggit ni shantal sa sulat na ‘mga koleksyong manika ni Magdalia’. “May itatanong ako at nais kong sagutin mo yun. ANO ANG NASA UNANG PALAPAG?!” “Ang mga bangkay na pinagtatanggalan ni Magdalia ng iba’t ibang parte ng katawan. Homunculus na rin ang maitatawag sa kanila dahil sa produkto sila ng masamang kapangyarihan.” “Hindi! Bakit niya magagawa ang ganung bagay?!” “—Noong unang beses na nadiskubre ni Magdalia ang kanyang kapangyarihan, natakot siya ng husto. Paulit-ulit niyang itinatanong kung bakit hindi pa mamatay matay ang nilalang na dapat ay patay na. Sa takot niya, pinutulan niya iyon ng mga paa at kamay— hanggang sa naniwala siyang hindi na siya masasaktan ng mga bangkay na nilikha niya kapag may nawawalang bahagi sa mga iyon; o kung nagkapira-piraso na ang mga yun. Ang kanyang takot ang nagtulak sa kanya upang magkaroon ng isang obsesyon.” Umismid ako. Mariin kong hinawakan ang magkabilang arm ng wheelchair. “Magtapat ka nga. Ikaw ba ang pinakaunang pinatay ni Magdalia?!” Mahabang patlang ng katahimikan muna ang lumipas. Alam ko na ang sagot sa tanong ko kaya pwede ring hindi ko na kailangan pa ng sagot niya. “—Oo. Mabait si Maria at hindi niya magagawang pumaslang noon. Pagtuntong niya ng edad labintatlo nung nagsimula akong magnasa sa kanya. Hindi ko mapigilan ang sarili ko dahil lumalaki siyang kaakit-akit. Kamukhang-kamukha niya ang kanyang nasirang ina. Isang gabi ay pinasok ko siya sa kanyang silid. Nagtagumpay ako. Ngunit sa pangalawang pagtatangka ko ay umalma na siya— aksidenteng napatay niya ako.” Iiyak ba ako o tatawa?! Gusto kong patayin tong duke na to dahil nacorrupt ang utak ko sa mga kwentong barbero niya; yun nga lang, patay na siya eh. Si Shall. Si Magdalia. Magkaiba ang kanilang kapangyarihan. So ano na to?! Paano na? Gegewang gewang akong bumaba ng hagdan. Pagbalik ko sa 9037, wala na dun si Magdalia. Inipon ko ang mga sulat ni Shantal at kinuha ko ang espada. Ibabalik ko ang lahat ng sulat na yun. Dinala ko ang espada para may pansalag ako in case na atakihin ako ng malaking mama sa kusina. Balita ko kasi eh namumugot daw yun ng ulo. Wala akong naabutang kahit sino sa kusina pagdating ko dun. Pinili ko na lang ang pinakadulong drawer para ilagay ang mga sulat at mabilis na sumibat. Nagkulong ako sa 9037 at nagpirmi sa isang sulok. Nababaliw na ako. Damang dama ko na. Pumasok si Magdalia sa silid ko na puno ng talsik ng dugo ang suot niyang bestida. Maaari naman siyang magpalit ng damit bago pumunta dito ngunit hindi niya ginawa. Sinadya niya yun upang ipaamoy sakin ang halimuyak ng dugo na kapares ng halimuyak mula sa natanggap kong sulat mula sa isang utusan. “Saan ka nanggaling? Bakit ka may talsik ng dugo?” “Nagutom ako kaya’t nagpunta ako ng kusina!” pagalit niyang sagot. Dahil dun, na-gets ko na kung ano ba talaga ang ginawa niya. Sa loob loob ko ay puno ako ng pangamba. Pero dala na rin ng kalituhan, mas nangibabaw sakin ang awa para kay Magdalia nung nagsimula na siyang lumuha. Mas pinili kong i-comfort siya at nagawa ko pa nga siyang tawaging ‘Maria’. Akala niya ay ayos lang sakin ang lahat. Lalo niyang dinagdagan ang kabaliwan ko. Siguro pumitik na ako pagkatapos ng isang hindi inaasahang insidente. Akala ko ay natulog lamang ako. Pagmulat ko, nasa isang silid ako. Nakatayo, at nasa harapan ko ang isang nakabigting nilalang. Kahit pa wala siyang kagalos-galos bukod sa still-open wound sa kanyang dibdib, mababakas sa kanya ang paghihirap sa dami ng dugong lumabas sa kanyang katawan. Pilit niyang inaalis ang kadenang gumagapos sa kanyang leeg— na hawak hawak ko ang dulo. Ang isang kamay ko naman ay hawak ang aking espada na kasalukuyang nakatusok sa kanyang puso. Nabitawan ko ang kadena dala ng matinding gulat; ngunit nanatiling nakabitin ang nilalang. Umagos ang dugo sa kanyang dibdib nang bunutin ko ang espadang tagus-tagusang nakabaon doon. Wasak na ang puso niya kaya sa tingin ko ay kanina pa siya namatay. Dumating sakin ang isang hindi katanggap-tanggap na realisasyon. Ako ang nambibiktima sa mga bampirang nawawala sa tore. Paano ko nagagawa ang ganitong bagay?! H-hindi maaari! Pagbubura ng eksistensya noon, ngayon naman ay ang walang habas na pagtotorture at pagpatay na rin— BAKIT GANITO AKO KASAMA?! WHY THE FUCK?! Pinagmasdan ko ang nilalang na nakabitin. Ako nga marahil ang nagpahirap at pumatay sa kanya pero hindi ko yun ginusto. Alam ko sa sarili ko na hindi ko magagawa yun— Kung sino man ang lihim na kumokontrol sakin, pagbabayarin ko siya! Naupo ako sa sahig at gumuhit ng maliit na magic circle sa paahan ng gumagalaw na bangkay. "— Hindi ko ito gustong gawin sayo. Di mo man masabi ay alam kong pagod ka na. Wag kang mag-alala, wala ka nang mararamdaman pagkatapos nito. At ipinapangako ko sa iyo na palalayain ko rin ang iba mo pang mga nakasama dito." Nagliwanag ang mga simbulo, kasabay ng paglabas ng kung anong maputing usok sa katawan ng bangkay “Exterminatore.” Usal ko. —— Flashback to be continued.. direk_whamba Opus 104 Hio's POV: (continued Flashback) Natatakot na akong matulog. Napaparanoid ako na baka pag wala akong malay ay kontrolin na naman ng kung sinong halang na nilalang ang katawan ko. Madalas din akong tumulala sa isang sulok na parang timang. Ngunit kahit pa alam ko na ang misteryo sa likod ng pagkawala ng mga bampirang lodgers ng tore, hindi pa rin nahinto ang pagkawala ng iba pa. Hindi lang ako ang gumagawa ng kasamaan; mayroon pang iba. Si Maria. Matyaga ko siyang binabantayan at sinusundan sakaling may gawin siyang kakaiba. Awa naman at wala. Pagkatapos kong magstalk sa kanya, nahinto na rin ang pagkawala ng mga lodgers. Nang hindi na nadagdagan pa ang bilang ng mga nawawala, may nagpadala sa akin ng isang imbitasyon mula sa room 7005. 'VIP' suites maituturing ang limang malalaking kwarto sa ikapitong palapag. Nakakapagtaka lang kung bakit ako iniimbitahan doon. Pumunta na lang din ako. Nagdala ako ng sandata sakaling magkaaberya. Kusang bumukas ang pinto ng 7005 pagdating ko dun. Nilakad ko ang kabuuan ng parlor. Mayroong tumutugtog sa piano na malapit sa bintana. Di ko sadyang malaglag ang papel na imbitasyon sa sahig dala ng pagkagulat ko. Hinding hindi ko malilimutan ang nilalang na iyon; pulang buhok, puting salamin, itim na cloak. Sino ba talaga siya? "Maupo ka— " itinuro niya ang sofa na nakaharap sa piano. Tumayo siya nung makita niyang nakaupo na ako. "Anong kailangan mo sakin?" sarkastikong tanong ko. I don't trust him. Nawala siya sa kinatatayuan niya. Namalayan ko na lang na magkatabi na kami sa sofa at nakaakbay pa siya sakin! Pero ang mga mata niya ay fixed sa piano. "Hindi na ako magpapaligoy ligoy. Nabili ko na ang tamang oras." aniya . Lumingon siya sakin finally. "Gusto mo bang makita pa ang anak anakan mo?" Hinablot ko ang kwelyo niya. "TAMA NGA AKO! IKAW ANG MAY KAGAGAWAN NG LAHAT NG NANGYAYARI SAKIN DI BA?! NASAAN NA SI ASTER?!" Inalis niya ang kamay ko. "At tama rin ako. Kahinaan mo ang iyong makataong pag-iisip." Tumayo ako ng sofa at binunot sa sheath ang dala kong espada. Itinutok ko yun sa kanya. "Ikaw ang kumontrol sakin para patayin ang mga bampirang nandirito di ba?!" "Anong masama dun? Yun naman ang dapat mong ginagawa hindi ba? Alam nating dalawa kung ano ka ba talaga— " BAM! Bumaon ang espadang hawak ko sa pagitan ng mga hita niya. Ni hindi man lang siya natinag. "Si Aster.. Ibalik mo siya— " "Ibabalik ko siya kung makikipagtulungan ka sakin." Umismid ako. "Kung gusto mong tulungan kita, bakit hindi mo na lang ulit ako gamitan ng mahika mo?" Tumawa siya sa tinuran ko. "Hahaha! Wala ka nga talagang alam tungkol sa— " PAK! Sinuntok ko siya sa mukha. Tingnan ko lang kung matawa pa siya. Naglalaho unti unti ang parte ng kanyang mukha na sinaktan ko. Gumagana na nga ba ang kapangyarihan ko ngayon?! Pero panandalian lang ang nangyari sa mukha niya. Bumalik din yun sa dati. "HAHAHA! Nakakatuwa. Iyan na ba ang kakayahan mo?! Pwes hinding hindi yan eepekto sakin!" "EH DI HINDI! NASAAN NA SI ASTER IBALIK MO NA SIYAAA!" Tumayo si red-head at itinuro ang isang hourglass na nakapatong sa coffee table. "Sige pagbibigyan kita. Makikita mo ang anak anakan mo kapag bumagsak na ang lahat ng buhangin sa hourglass. Pero hindi nangangahulugang maililigtas mo siya kapag nagkita nga kayo. Maaaring mamatay siya sa harapan mo; o kaya naman ay ikaw mismo ang kikitil sa kanya." "Ano ba ang gusto mong gawin ko?!" Tumikhim siya. "Gusto kong i-extricate mo ang lahat ng kaluluwang nakakulong sa loob ng Svanr sa makalawa ng gabi." Magperform ng mass soul extraction?! Kaya ba nakatrap pa ang mga kaluluwa sa mga bangkay ay dahil sabay-sabay silang gagamitin?! "Sabihin mo nga, may gagawin ka bang malakas na magic circle kaya kailangan mo ng maraming catalyst?!" Dahil sa uri ng kapangyarihan niya, may mga bagay nga siyang hindi magagawa. Sana nagpalit na lang kami dahil ayoko sa kapangyarihan ko. "Oo. Ngunit wala kang mapapala kapag inalam mo pa kung ano yun. Ang dapat mong iniisip ngayon ay kung paano maililigtas ang iyong mga mahal sa buhay." Namputcha. Ginagamit niya ang tender side ko para magawa ang mga gusto niya?! Magpakamatay na lang kaya ako? Tas isasama ko na si Shall at Aster para tapos na ang problemang to! Dejoke. "Kailan mo gustong gawin ko ang soul extraction?" tanong ko kay red-head. "Isang oras pagkatapos mong makita ang bata sa pinangako kong oras." Nilayasan ko siya ng walang paa-paalam. Pabalibag ko pang isinara ang kanyang pinto. Saka na lang ako babalik pag ubos na yung sand sa hourglass. Sumakit ang ulo ko paglabas ko ng 7005. Gustong gusto kong paslangin ang nilalang na nasa loob para matapos na ito; pero mukha yatang hindi ko magagawa. This is so fucking annoying! Ako na ang may kapangyarihan at hindi ko kilala ang kapangyarihang yun. Kaya fail. I don't freaking know how and when to use it. Kung sakaling alam ko rin, hindi yun gumagana laban sa ugok na yun! Arrggh! Pag-akyat ko ng 8th floor, may nakita akong bolang nakaharang sa dadaanan ko. Balak ko sanang sipain yun. Kaso hindi ko pa nga nasisipa ay tumalbog na yun at huminto, dalawang talampakan mula sakin. Humakbang ako, tumalbog ulet ang bola. HALA?! MAY MULTO?! Asaaaan?! Tae. Bampira matatakot sa multo? So gay. Iniwasan ko ang bola at itinuloy ang paglalakad. Sinadya ng bolang humarang sa dadaanan ko. Tumatalbog naman siya kapag humakbang ako papalapit sa kanya. This fucking ball! Gusto niyang sundan ko siya? Okay sige. Kakasunod sa pesteng bola, napadpad ako sa pintuan ng room 8007. Bago ko mabuksan ang pinto, isang crumpled paper ang naitsa sa mukha ko. Galing yata kay Mie. Long time no paper throws. WHAT SHIT IS THIS?! Pinadalhan niya ako ng blangkong papel! C'mon nag-eexpect ako ng mahabang mensahe! To hell with this shitty blank piece of crap pape— Di bale na. Hawak hawak ko pa rin yung blank sheet pagpasok ko ng silid. May nilalang na nakaupo sa isang armchair at nakatapat sa isang fireplace. Lumapit ako sa kanya. Akala ko kung sinong importante, si pierrot lang pala. "Ang tagal mo. Bobo ka ba para hindi mo ma-pick ang aurang pinaramdam ko sayo?" Ba malay ko. Fucked up clown. Bakit ba lahat yata ng bagay eh kinaiinisan ko ngayon? Ganito ba yung PMS? O bipolar na ako? "Wala akong balak magpakita sayo kung hindi mo nakaharap ang el Fuhrer." Nagsalubong ang mga kilay ko. "el Fuhrer?" "Yun ang tawag niya sa sarili niya dahil wala siyang kinalakihang pangalan gaya mo." Wala akong tiwala sa pagmumukha ng pierrot na to. Magkalaban kami last time right? "Ikaw ang may pakana ng lahat ng ito di ba?!" BLAG! Lumagapak akong bigla. Para akong minagnet ng sahig! "Bad mood din ako ngayon Hio kaya kung may balak kang magbiro ulit ay wag mo nang ituloy." I wasn't even kidding asshole jerk— Crack! Bumaon ako ng ilang pulgada sa sahig. Nawarak ang floorboard. Okay. Okay. Nababasa nga pala niya ang iniisip ko. Sorry naman. Phew. Gumaan din naman ang sentensya ko mayamaya. Hindi na ako nirerape ng sahig kaya nakatayo na ulit ako. "Bihira lang ang mga nilalang na nakakakita sa mga whisperer. Sa kasamaang palad ay hindi ako kabilang dun." sabi ni Pierrot. "Eh ako?" tinuro ko ang sarili ko. "Isa kang destroying angel. Natural lang sayo ang makakita ng whisperer." Umiling ako. "Kung totoo yun, bakit hindi ko pa siya nakitang lumapit sakin bukod sa kanina?" Tumayo si pierrot at ginulo ang buhok ko. "Wag mo akong dismayain. Hindi mo pa rin ba nalalaman ang kahinaan ng pagbulong niya?" Think Hio think. 1st observation- kung nabulungan na ako ng whisperer, how come bumabalik pa rin ako sa true self ko? 2nd observation- bakit niya ako bablackmailin kung kaya naman niya akong kontrolin? 3rd observation- nangyayari lang na nabablackout ako kapag maraming disturbances sa isip ko. 4th observation- hindi gaanong effective ang kapangyarihan ko sa kanya.. Maaaring hindi niya rin masyadong magagamit ang kapangyarihan niya laban sakin— Napatingin ako sa hawak kong blank sheet of paper. Blangko. Empty. Wala. Kung— kung magsimula kaya ako mula sa umpisa? I mean, what if bigyan ko ng bagong pagkatao ang sarili ko gaya ni Shall? Kung hindi ako ang Hiong ito, makakakilos ako nang walang inaaalala, tama? Hindi na ako magugulo pa ni red-head! Hindi ako mapepressure! "Hahahaha!" nagtatawa si pierrot. "Ang hirap naman niyang iniisip mo." Tae. Ang lakas niyang maki-usi. Tumawa pa siya ng tumawa. Mukhang hindi na siya badmood mga ser. “Aalis na ako— ikaw na ang bahala dito ah?” Iniwan niya ako ng ganun ganun lang, without even giving further details. Ang hilig niya talaga akong ipain sa mga nilalang na pinag-iinitan niya. Iniwan ko sa kwarto ang espada at yung blank sheet. Pag-akyat ko sa 12th floor, hindi ko inasahan ang panibagong dagok na ibinigay sakin ng el Fuhrer at ni Shall. Ewan ko kung paano pero dinala niya dito sa loob ng tore si pareng Kape. Nagmature ang mukha ni pare sa paningin ko. Iyak-tawa din ako nung nagsalita siya— Mother of fucks! Straight na ang tagalog niya! Dahil sa pagkakaipit ko sa isang tight situation, umandar ang isang unplanned plan. Tutal ay isang laro naman ito, bakit hindi na rin ako maglaro? Napagdesisyonan kong uminom ng oblivion potion kapalit ng sandaling katinuan. Alam kong malaki ang isusugal ko sa move na yun at alam ko rin ang mga risks. Pero mas maigi nang malaya akong makakakilos sa loob ng tore na pansamantalang guilt-free sa mga kasalanang aking nagawa. Naglagay ako ng mga palatandaan sa palibot ng tore na maaari kong gawing reference o lagpasan lang. Aware din ako sa mga bagay na madidiskubre ko pa lang habang nilalakbay ang kadiliman. Hindi isang kabaliwan itong gagawin ko. Ang el Fuhrer na mismo ang lalapit sakin... nasisiguro ko yan. *End of Flashback — — direk_whamba Opus 105 Hio's POV: Pakiramdam ko ay binabayo ang ulo ko. Naghahalu halo sa utak ko ang kung anu anong mga alaala. Maaaring akin nga ang mga yun; pero hindi ko talaga maikonek sa sarili ko. Inilapat ko ang isa kong kamay sa pader. Binura ko ang ilang mga simbolo gaya ng sa nakita kong alaala. I pressed myself on the wall, habang buhat ko ang batang tinangay ko. Nilamon kami ng pader tas napadpad sa isang madilim na lugar na ang tanging tanglaw lang ay ang malaking gem na nakalutang sa kalagitnaan. Sa ilalim ng gem na yun ay may mesita. Nakapatong sa mesita ang tatlong bote at isang note. Ito ang nakasaad sa note: Malayo na ang narating mo at alam kong puno ka na ng kalituhan at mga tanong. Hindi perpekto ang oblivion potion na ginawa ko kung kaya't nagbabalik pa rin sayo ang mga alaala. Ito na ang pagsubok sa pagitan nating dalawa; ikaw na nilikha ko, at ako na siyang nakaraan mo. Sa ating dalawa, ikaw ang may kakayahang gumawa ng isang mahalagang desisyon at nirerepresenta iyon ng mga botelya sa iyong harapan. Ang isa ay naglalaman ng perpektong oblivion potion— inumin mo kung gusto mong mawala na ako nang tuluyan at ikaw na ang magpapatuloy sa aking buhay. Ang isa ay naglalaman ng panlunas— inumin mo kung gusto mong bumalik ako, subalit kapalit nun ay ang pagkawala mo. At ang isa ay naglalaman ng lason— inumin mo yan kung gusto mong pareho tayong mawala. Crash! Tinumba ko kaagad ang bote ng lason. Sa ganitong pabiting sitwasyon eh sinong engot ang makakaisip na maglason?! Kailangan kong pumili. Tama nga naman. Isa akong panibagong Hio at kailanman ay hindi ako magiging siya— Iisa lang saming dalawa ang maaaring lumabas ng lugar na ito. Sasandaling panahon pa lamang akong nag-exist sa mundong ito at namulat ako sa katatakutan. I want to experience the lighter side... Pero hindi dapat ako maging makasarili. Ang dating Hio ay mas maparaan kesa sakin na walang ginawa kundi ang tumakbo lang. Mas marami siyang magagawa para maisaayos ang lahat. Malaki ang tiwala ko sa kanya. Tshak. Sumugat ako sa aking braso. Ginamit ko ang dugong nagmula dun bilang tinta at sinulatan ang likod ng note. Hio, kahit pa ginamit mo lang ako upang pansamantalang pagpahingahin ang iyong diwa, masaya akong makatulong sayo kahit paano. Hindi man tayo maaring magkita kahit kelan, sana ay hindi mo ako makalimutan. Salamat. Pinahid ko ang luhang nagsimulang tumulo sa mga mata ko. Iniangat ko ang bote ng panlunas at itinapat sa aking bibig. Inubos ko ang laman ng bote. Wala akong itinira ni isang patak. **** Crash! Nabitawan ko ang hawak kong bote at nakiramdam. Ininom ko ang panlunas kaya bumalik na ako sa kung ano talaga ako. Kinabahan ako dun! Hindi ako nag-iisa dito sa dimension point. Tagumpay kong nadala dito ang aking anak. Si Kape na lang ang kailangan kong dalhin dito— Kumislot ang maliit na katawan ni Aster. Tinapik ko ang pisngi niya. "Aster anak? Ayos ka lang? May masakit ba sayo?" Dahan-dahan siyang nagmulat ng kanyang mga mata. "S-sino ka? Bakit mo ako tinawag na anak? Atska hindi ako si Aster. Stephano ang pangalan ko." Malamang ay nasa ilalim siya ng kapangyarihan ng whisperer? Kung magkasalungat kami ng kapangyarihan ng whisperer, I think may fat chance na kaya kong i-undo ang lahat ng mga ginawa niyang milagro. Kailangan ko lang ng tamang concentration. Inilapit ko ang bibig ko sa tenga ng anak ko. "Hindi ikaw si Stephano. Kalimutan mo na ang mga bagay na hindi likas sayo—alam mo kung sino kang talaga.." Kumurap kurap si Aster. "Papa? Ikaw yan papa? Naaa-saan tayo? Anong lugar ito?" Ngumiti ako at niyakap ko siya. "Wag kang matakot. Ligtas dito. Tatawagin ko ang tita Mie mo para dalhin ka niya sa mas ligtas na lugar." "Eh ang mama ko?" Bumuntong hininga muna ako. "Sa ngayon kasi, may inaasikaso kami ni mama. Pero pag okay na ang lahat, pupuntahan ka namin kay tita tas uuwi na tayo. Okay ba?" "Opo." sagot niya. Ang bait talaga ng batang ito. Itinaas ko ang kamay ko para ramdamin ang aura ni Mie. Mie, pumunta ka sa dimension point na ito. Bilisan mo lang— Mabilis nga ang response ni Mie. Lumitaw agad ang pinto niya. "Hio! Pasensya na kung matagal akong hindi nagparamdam! Marami lang nangyari sa labas!" "Ayos lang yun." tugon ko. May mga faults din ako kung bakit on/off ang aming komunikasyon. "Nasa ligtas na lugar ka ba? Pwede bang isama mo si Aster?" Kinuha agad ni Mie ang braso ng bata. "Oo naman. Sige dadalhin ko na siya. Eh paano si ate?" I shook my head."Wala pa. Pero papunta na ako sa kanya. Stand by ka lang dahil may isa pa akong ipapadala sayo mamaya." "Sino naman?" halatang nacurious siya. Okay sasabihin ko na— "Si Kape." Napatili si Mie out of astonishment. "ANO KAMO?! Hindi nga? Bakit siya napadpad sa tore?" "Saka ko na ikukwento! Wala nang isang oras bago ang deadline na ibinigay sakin. Basta yung ibinilin ko ha?!" "T-teka Hio—" Hindi ko na narinig pa ang mga pahabol na salita ni Mie dahil umalis na ako ng dimension point. Nakalabas na ako ng kwarto nang mamataan ko ang mga humahabol sa akin. Itinutok ko sa kanila ang aking espada. Nakapatay na ako kaya pointless kung magiguilty pa ako. Nauna akong sumugod. Pinuntirya ko ang mga puso nila. Hindi sila fighter at walang dalang kahit na anong lethal weapon kundi ang mga matatalas nilang kuko; na advantage para sakin. At dahil hindi rin ako ganun kagaling sa espada, pakiramdam ko ay nag-aaksaya na lang ako ng oras kakailag. Lumuksong-baka ako sa isang kalaban at tumungo ng hagdan paakyat. Nagpahabol ako sa tenth floor, eleventh, twelfth— "Aaaahhh!" nagulat ang receptionist sa komosyong dinala ko hanggang lobby. Naagnas na ang bahagi ng kanyang pisngi, meaning isa na rin siyang living-dead. Napatingin ako kay Shall na papalapit samin. Iba na naman ang aura niya. May hawak siyang espada at— Tsshak! Nasaksak niya ako sa aking tagiliran. "Papatayin na kita Hio. Baka pag nawala ka na ay matigil na ang kabaliwan ko.." aniya. Iwinasiwas ko ang espada ko sa mga kalabang nagtangkang lumapit samin. Wala na akong oras.. Kailangan kong iligtas si Kape; at pati na rin itong mahal ko. Balak ni Shall na i-brutal slice ako kaya pilit niyang inaangat ang talim ng espada niya. Hinawakan ko ang mga kamay niyang nakahawak sa handle ng espada. Binitawan ko na ang sarili kong espada. Bahala na. "PAKAWALAN MO ANG MGA KAMAY KO! KAILANGAN MONG MAMATAY!" Inipon ko ang lakas ko para lumapit pa lalo sa kanya. Tumagos na hanggang sa likod ko ang espada niya. Sumuka ako ng dugo nang sinakmal ako ng iba ko pang kalaban. "Hangal! Gusto mo na palang—" natigilan si Shall sa pagsasalita. Ako mismo ang nakakita kung paano kusang lumuha ang kanyang mga mata. Pinilit ko pang lalon lumapit sa kanya para pahirin ang mga luhang yun. "Shall, alisin mo ang lahat ng iyong mga pag-aalinlangan. Makinig ka sakin—" hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. "—h-hindi ikaw si Magdalia o si Maria. Hindi sila totoo! Paniwalaan mo ako!" Natulala si Shall pansumandali. Pagkatapos ay kumurap-kurap siya. "H-hindi ako si Magdalia. Sino yun? At.. ANONG NANGYARI HIO? BAKIT KA—?" para siyang inantok at biglang nawalan ng malay. Normal pa naman ang tibok ng puso niya nung i-check ko. Ay salamat naman! Cooperative ngayon ang kapangyarihan ko! Arrghh— Dahan-dahan kong binunot ang espadang nakabaon sakin. Hindi pa nga ako nakakarecover, aatakihin na naman ako ng mga kurimaw! Hindi ko inasahan ang sumunod na nangyari. Naputol bigla ang kamay ng kalabang aatake sana sakin! Pinutol yun ng dumating na tagapagligtas— "Kuya Div!" ang astig niya talaga kahit kelan! Paano siya nakalabas ng terra nusquam? Teka.. Anong meron? What's up with the heavy eyelines, black lips, black nails?! Sheyt! EMO na ang kuya ko?! Tinapos niya with one blow ang mga kalaban nang walang kahirap hirap. "Umalis na kayo dito!" utos ni kuya. "Hindi." sagot ko. Ayokong basta bastang iwan ang toreng ito. Kailangan kong panagutan ang mga nakakulong na kaluluwa. Binuhat ko si Shall at ipinakalong kay kuya. "9037. May dimension point doon. I-summon mo si Mie. Darating yun agad kapag may naramdaman siyang aura sa dimension point ko. Iwan mo sakanya si Shall. Hindi pa ako maaaring umalis dito dahil may kailangan pa akong gawin." Tumango naman si Kuya. "Babalik ako para para tulungan ka." Pag-alis ni Kuya, pinulot ko ang aking espada. Halos ikutin ko ang buong lobby para hanapin ang pader kung saan ko tinago si Kape. Nung mainip ako, nanuntok na lang ako ng pader, randomly. Crack. Crack. Mabilis lang nagiba yung mga bahaging nauna kong sinuntok. Sa pang-apat na attempt, nakachamba ako ng makapal na pader. Limang beses ko yung sinuntok bago nagiba. Voila! Nakita ko na nga ang nakasabit na crate! Pero teka.. BAKIT ANG GAAN?! Kabado ako habang inaalis ang lubid sa crate. Hindi kaya nadeflate na ang katawan ni pare? Walang laman yung crate pagkabukas ko. Imposible! Ni hindi nagalaw yung tali ah? "May hinahanap ka ba Hio?" Nagpakita na naman sakin ang el Fuhrer. Hawak niya sa isang armpit si Kape. Kitang kita ko ang tumutulong dugo mula sa leeg at bibig nito. ANONG IBIG SABIHIN NUN?! Ginawa niyang—?! "Haha! Ano ka ba? Bakit busangot ang pagmumukha mo? Hindi ko naman siya pinatay eh. Ang tanging ginagawa ko lang sa mundo ay ang paglikha!" "GAGO KA PALA EH! WALA SA USAPAN NATIN YAN!" katwiran ko. "WALA RIN SA USAPAN NATIN ANG MAG-IMBITA KA NG ISANG DIABLO DITO! Amanos lang Hio. Naghanap lang ako ng pwedeng maging kakampi." aniya. "Diablo? Who the hell?! Ibalik mo na sakin si Kape dahil hinding hindi siya kakampi sayo—" "Talaga?!" tuya ni red-head. "Kahit ano pang gawin mo, hindi mo na mababaligtad pa ang nangyari sa kanya. At wala ka na ring magagawa sa katotohanang ako na ang master niya sa oras na siya ay magising. Hindi ko na siya kailangan pang bulungan dahil pag-aari ko na ang buhay niya—" May humagip kay Kape habang nasa kainitan kami ng pag-uusap ni red-head. "Sino ang kinakausap mo Hio?!" tanong ni Kuya Div sakin. Hindi yata niya nakikita si red-head. Di bale, ang mahalaga ay nakuha niya si Kape! "KUYA, DALHIN MO NA RIN SI KAPE SA DIMENSION POINT!" Pasensya na po kung ginagawa kong deliveryman ang kuya ko. BOOM! Nakarinig kami ng pagsabog sa ibaba. Kumalat na yata yung apoy na kaninang kanina ko pa sinimulan. Nagsimulang yumanig ang tore. "PLEASE KUYA! BAGO PA MASIRA ANG DIMENSION POINT! TUMAKAS KA NA PATI. WAG MO NA AKONG BALIKAN DITO DAHIL BAKA MADAMAY KA!" Tumalima na din siya. Bumaba siya na bitbit si Kape. "Sa akala mo ba ay patatakasin ko sila?!" " Catena Ligáveris!" sigaw ko. Revision lang yun ng Infinita Catena . Natrap sa sala-salabid na kadena si red-head at nakaladkad siya hanggang pader. Bumaon dun ang mahahabang pin ng mga kadena. "DITO LANG TAYONG DALAWA!" Gamit ang talim ng espada ko, gumuhit ako sa sahig. Pinalibutan ko ng mga kakaibang symbols ang oval. Nag-activate ang seal pagkalipas ng ilang segundo. Nagliwanag ang sahig kasama na ang sarili ko. "ANONG BINABALAK MONG GAWIN?!" pasigaw na tanong ni red-head. Weird. Hindi siya pumapalag sa kadena ko. "Gagamitin ko ang lahat ng kaluluwang inimbak natin para burahin ka kasama ng toreng ito!" Magagamit ko ang kapangyarihan ko. Tiwala lang! Lalo pang nag-ibayo ang liwanag. Pakiramdam ko ay hinihigop ako ng isang blackhole. Nanghihina ako bawat segundo— Umangat ang seal na nasa sahig at naghover yun sa ere. Pinanood ko kung paano higupin nun ang mga mapuputing usok mula sa ibaba. Ito na yung best na magagawa ko para magsorry sa lahat ng mga inosenteng nadamay. Unti unti na ngang naglalaho ang mga pader, dingding, at kisame ng tore. Bago pa tuluyang mawala ang tinutuntungan ko, tinakbo ko ang direksyon ni red-head. Sinunggaban ko siya sa leeg at buong pwersang inihagis sa gitna ng napakalaking seal sa itaas namin. "HAHAHA! Isang pagkakamali ang ginawa mo Hio! NAGTAGUMPAY AKO!" Nagulumihanan ako sa huling ipinahayag ni red-head bago si tuluyang naglaho. Hinayaan ko na lang ang sarili kong mahulog sa pagkawala ng sahig kung saan ako nakatuntong. Mataman akong nakatingin sa ginawa kong seal, at sa mga kaluluwang papataas. Ngunit nang mawala ang glassdome, isa pang magic seal ang lumitaw. Hinihigop naman niyon palabas ng unang seal ang mga kaluluwa! Masama ito! Nalinlang niya ako— Naalala ko ang nakita kong cryptic circle na nasa tuktok ng tore bago ako pumasok dito. HINDI MAARI! **** “Hio.. utang na loob, gumising ka!” Naalimpungatan ako sa boses na narinig ko kaya sinikap kong dumilat— “Shall?” nakahiga ako sa kandungan ni Shall, gaya nung natagpuan ako ni Magdalia sa loob ng aking estate. Bumalikwas ako ng bangon. “—asan na si Aster?!” “Nasa ligtas na lugar siya—” sagot ni Minerva na nakatayo sa tabi ni Shall. Present din si kuya Div. Nagpalinga-linga ako. Sunset at nasa may buhanginan kami. Kita ko mula dito ang paghampas ng mga alon sa pampang. Tae. Akala ko nasa kalagitnaan kami ng disyerto. Beach to pre! BEACH! “Grr ang sakit ng ulo ko—” reklamo ko habang bumabangon. Yumakap agad ako kay Shall ko. Welcome back to me my dear. Akala ko katapusan ko na. Wala namang nagligtas sakin. Pero si kuya Div daw ang nakalocate sakin dito. Isinama nila ako sa tinutuluyan nilang mansyon. Naabutan ko dun si Kape na nagkamalay na. Sa ngayon ay palagi siyang tulala at ayaw lumabas ng kanyang silid. Hindi pa nagsisink-in sa kanya na kaisa na siya samin. May mga gabing nagigising siya mula sa isang bangungot. I make sure na lagi akong nandoroon para i-comfort siya at sabihin sakanyang masasanay din siya. Wala na talaga akong koneksyon sa terra nusquam. Lahat ng efforts ko para gumawa ng portal ay nababalewala lang. Nararamdaman kong existing pa siya subalit hindi talaga ako makapasok doon. Pagkalipas ng isang buwan, napagkasunduan ang isang reporma sa pamunuan ng lahing bampira. Binigyan ang lahat ng pantay-pantay na tsansang patunayan ang sarili upang mamuno. Wala ni isa samin ang sumali sa paligsahan. Sa bandang huli, naitanghal ang tatlong pinakamalalakas na bampira upang pamunuan ang binuong tatlong vampire guilds— Ang Eruditas kung saan tinatangkilik ang mga bampirang ang kakayahan ay mula sa talino, mahika, dimensyon, buhay at kamatayan; ang Elementia ng mga bampirang may kapangyarihang kontrolin ang kalikasan at mga element ng mundo; at ang panghuli ay ang Mélange na guild para sa general population ng mga bampira. Ang lahat ng mga bampirang hindi kasapi sa isa sa tatlong guild ay ituturing na kalaban at tutugisin. Napabilang ako, si Aster, at si Mie sa Eruditas habang si Shall ay sa Elementia. Si Kape na hindi pa nagpapakita ng kahit na anong sign ng kapangyarihan ay kabilang sa Mélange. Hiwa-hiwalay ang fortress ng bawat guild. Ang bawat fortress na yun ay sinlaki ng isang syudad na sadyang ikinubli sa mga tao. Ang pagdalaw naman sa fortress ng ibang guild ay pinapayagan lamang isang beses sa isang linggo. Regular akong dumadalaw kay Shall at Kape. Umupa ako ng bampirang taga Mélange na makakasama ni Kape upang magsilbing guide niya para iorient na rin siya. Inaamin ko, nakakainis ang naging sitwasyon namin at mas nakakainis na wala akong magawa para baguhin yun. Naging distant sakin si Shall. Ang gusto niya ay umalis kami ng guild at tumira sa malayo ngunit imposible pa sa ngayon ang gusto niya. Hindi ako kasing galing at kasing tapang ni Kuya Div para piliing walang salihang guild at magventure mag-isa sa mapanganib na mundo. Pero nagulat ako isang gabi pagdalaw ko kay Shall. Ngumiti na rin siya sakin na akala ko ay hindi na mangyayari. "Bakit ang saya mo yata?" Hinawakan niya ang mga kamay ko. "May naisip na akong paraan para mas matagal tayong magkasama—" may iniabot siya saking papel. Isa iyong flyer (yata) na may nakaguhit na isang magic circle. Sa ilalim nun ay may instructions na nagtuturo kung paano iaactivate iyon. Kapag naactivate ang magic circle, iyon na ang magsisilbing beta portal key at maaari ka nang magparticipate sa isang laro— ITO BA YUNG KINAHUHUMALINGANG GAME NG MGA TAGA-ERUDITAS?! Kaya ba paunti na ng paunti ang mga nasa fortress? "—Saan mo nakuha ito?" tanong ko kay Shall. "Uh.. May ka-guild mo ang namimigay ng flyer na yan dito at hula ko pati sa Mélange din. Malaki daw ang premyo kapag natapos mo ang game na yan.” Kalokohan. Pero ewan. May kakaiba akong nararamdaman habang pinagmamasan ang magic circle ng flyer.. Binasa ko ang title ng game— "Crown-Raid Online." —— Fin. ©2012 direk_whamba Forlorn Madness: Crown Raid Online Opus 106 Hio's POV: Eruditas Fortress, 6:06 p.m. Isang napakalaking chunk ng tundra na nakakabit on some hell of a continent dito pa rin sa planet Earth. Bordered ito ng pagkarami raming invisible barrier na gawa ng mga Shielders at Dividers (former Marquis). At dahil nga invisible, you can enjoy living here without the feeling of being a refugee inside a fucking fortress. Hindi rin ito nakikita ng mga tao dahil sa mahika ng mga Hypnotizers (former Barons). Curious ka ba kung ano ang meron sa loob ng fortress? Isang siyudad na ibinase sa siyudad ng mga tao kung saan may electricity, technology, wi-fi, at Starbucks. Karamihan samin ay nakatira sa Condo. One unit per Vampire. If you want to earn money, pwede kang magpart time job sa mga groceries, shops, malls, gas station, casinos, etc. If you want more money, palista ka para maging rogue-hunter. Rogue ang nakasanayang itawag sa mga bampirang hindi kabilang sa tatlong legitimate vampire guilds. Ako.. Nagtatrabaho ako bilang isang dimension meister. Yun ang tawag sa mentor ng mga aspiring dimension hunters. Sa paglipas kasi ng panahon, dumami na ang mga dimension rabbits, o yung mga naglalakbay sa mga dimensyon para maghasik lang ng gulo. During my freetime, estudyante naman ako sa time-travelling at necromancy. Mas marami akong natututunan ngayong nasa isang Vampire community ako kesa nung living solo ako bilang hari. Iba ang learning system namin. Pwede kang magturo at pwede ka ring maging student at the same time. Okay tama na muna ang tungkol sa aral aral. Masyadong maingay dito para mag-isip. Nandito kasi ako sa Chinatown ng fortress. Nagpapalipas ako ng oras dahil 7p.m. pa ang shift ng mga porter (Former Marquis) na naghahatid ng mga visitors sa Elementia at Mélange. Kasama ko si Aster at tuwang tuwa siya sa mga confetti at sa dragon dance. Bumili ako ng sangkaterbang siopao, siomai, mooncake, at kung anu ano pang anting anting para ipasalubong kay Shall at Kape. Pasado alas syete na nung pumunta kami ng Porter's Office na minamanage ng kaibigan kong si Mie. Sa loob ng Porter's Office ay maraming mga compartment. Bawat compartment ay may naka-assign na isang Porter na magbubukas ng daan para sa customer. Tiningnan ko ang ticket namin ni Aster. Cubicle 1B. Sinalubong kami dun ng nakangiting porter na chix. "Magandang gabi Meister." bati niya. Tumango lang ako bilang tugon. Snob ako mga pre. "Aster, wala ka na bang nakalimutan?" palast minute na tanong ko sa anak ko. Kay Shall siya mag-istay ng isang linggo tas next week sakin naman. Ang sagwa no? Hindi kami divorced pero pinagpapasa pasahan namin tong anak namin. "Wala na po Papa." Dahil dun, tumawid na kami sa lagusan na ginawa ng Porter straight to Elementia. Sa tatlong fortress, ang Elementia ang pinakamaganda at pinakamalawak. Parang countryside dito, at ang mga bampira ay pwedeng sa mansyon manirahan. May sariling mansyon si Shall syempre. Ako ang bumili nun para komportable ang buhay niya dito. Madalas na niya akong hindi hinaharap at di kinakausap ngayon. Yun ang way niya ng pagtatampo. May dalawang rekwes kasi siya na hindi ko pa maibibigay sa kanya. Yung una, gusto niyang tumiwalag na kami sa mga letseng guild namin at mamuhay bilang mga rogue. Absurd. Hindi ako gagawa ng kahit na anong karebeldehan hanggat hindi ko pa natutuklasan kung ano ang nangyari sa terra nusquam. Yung pangalawa, gusto na niyang magkaroon kami ng anak. Biological. Asurd again. Nadala na ako sa past ko. What if maging ama ako sa panibagong destroying angel? Hindi ba may point ako? Pero naiintindihan ko rin si Shall. Babae siya; at ang essence ng pagiging babae ay ang pagiging isang ina. Ngunit may himala! Hinarap kasi ako ni Shall nang nakangiti. Ipinakita niya sakin ang isang flyer ng viral na MMORPGV ngayon. Gusto niyang magparticipate kami. Crown-Raid Online.. Kung sinuman ang creator nun, malamang ay ginawa niya yun para magkasama ng mahigit pa sa isang araw ang mga pinaglayo ng guild division. Pag sinabing online game dito sa vampire world, di yun gaya sa mga tao na tinatawag na virtual-reality game. It's called 'reality game' for vamps, bro. Combination kasi yun ng dimension at technology. Upon entering a certain game portal, a player will be transported to another dimension, and is subjected to the game's terms and condition. Hindi ako umoo agad agad kay Shall pero kinuha ko ang flyer. It wouldn't hurt kung pag-aaralan ko muna ang tungkol sa ipinapakalat na beta portal key. Alas otso em punto nung magpaalam ako sa mag-ina ko. Nagtungo ako sa town square ng Elementia kung saan may Porter's Office. Nagpatransport ako patungong fortress ng Mélange. Katulad ng Eruditas fortress ang structure ng sa Mélange, kaso nga lang ay mas crowded. Dito ka makakakita ng mga bampirang nakatira sa squatter's area. Kung ang Eruditas ay maituturing na 1st class city, ang Mélange naman ay 3rd rate. Kapag isa kang bampirang walang espesyal na kapangyarihan, mahihirapan kang makapagtrabaho sa Mélange. Pag walang trabaho, walang pera; pag walang pera, walang pang-upa ng flat, walang pambayad ng everyday expenses, at walang pang Starbucks. Pero libre namang maging isang rogue-hunter, or die trying. Kahit pa hindi kaaya-ayang guild ang Mélange, sinisigurado kong maalwan ang pamumuhay ni Kape sa fortress. Nakatira siya sa isang condo unit at sa mga mamahaling restaurant kumakain. Ako ang nagshoshoulder ng lahat ng expenses niya. Umupa rin ako ng bampirang makakasama niya. Si Beri Nice. Wag na kayong magulat. Ako rin napa-'tang inang pangalan yan' nung umpisa. Nasanay na lang ako bigla at tinawag na lang siyang Nice. Magkasundo naman sila ni Kape; in fact mukhang close na sila. Kaya nga pagbukas ko ng pinto ng kwarto ni pare— "AAAAAAHHHHHH!" **** Kape's POV: Matagal na buhat nang tumigil ang pagkakaroon ko ng mga bangungot. Nakakatulog na ako nang mahimbing ngayon. Unti unti ko na ring tinanggap na hindi na ako tao, na isa na akong bampira. Ang hindi ko lang talaga matanggap ay yung gigising ako isang gabi na sa alam ko ay mag-isa lang ako.. yun pala ay may katabi na ako na nakahawak pa sa aking— SA AKING— "YAWA KA NICEEEEE!" may nakasabay ako sa pagsigaw. Parang nanggaling sa pintuan. Bukas ang pinto nang lingunin ko. Nakatayo doon si Dong! "Ang ingay mo naman master—" mahinang reklamo ni Nice. Naupo siya ng kama kagaya ko at nakahawak pa rin talaga sa aking— Kandalaglag ako sa kama para lumayo sa kanya. Nagtago ako sa likuran ni Dong. "Dong, ilayo mo sakin yang— yang—" "Nice, bakit diyan ka na naman sa kama ni Kape natutulog?! Di ba may sarili kang kwarto?" sita sa kanya ni Hio. "Gusto ko siyang katabi dahil may gusto ako sa kanya." plain namang sagot ni Nice habang nagkakamot ng balikat. Kinilabutan na naman ako. Pastilan oy! Pero si Dong natawa na! "Oh yun naman pala Kape eh." Kumapit ako sa damit ni Dong. "Pare! Maawa kaaa gin-sexual harassment baya ako niyan!" Hindi naman sa ayaw ko diyan kay Nice. Eh kasi ano.. Di kami talo. Isa siyang dating Morpher (Former Count) na lalake talaga. Naikwento na niya ang tungkol sa dati niyang buhay. Maraming babae daw ang naghahabol sa kanya pero wala naman siyang magustuhan. May nagalit sakanyang isang lalaking Brewer (Former Baronet) dahil yung babaeng gusto nun ay naghahabol sa kanya. Nakainom siya ng isang lason na gawa ng Brewer na yun. Dahil dun, naging isa siyang hermaphrodite na dominante ang pagiging babae. Hanggang ngayon ay hindi pa niya alam kung paano malulunasan yun. Kinarir niya na ang pagiging babae at kahilig magbaro ng mga damit na nakakaluwa ng mata. Kilos lalake pa din siya pero andami daming lalake ang nagkakandarapa sa kanya. Tumayo si Nice sa kama tas lumapit samin. Hinawakan niya ang kamot ni Dong habang nakanguso. "Meister, sorry na po. Hindi ko na uulitin, wag niyo lang akong paalisin." Mahirap kasing magkaron ng disenteng trabaho dito. Dahil sa pagkalason ni Nice, hindi na gumagana ang kapangyarihan niya. Kahit minamanyak niya ako, marami siyang mga naituro sakin tungkol sa mga bampira. Malaki din ang naitulong niya para maintindihan ko ang mundo nila. "Sige. Pinapatawad na kita." sabi ko. "YEY!" sigaw ni Nice. Day off niya ngayong gabi at bukas na uli ng gabi siya babalik. "Kamusta na sila?" tanong ko kay Dong nung dalawa na lang kami. Alam na niya kung sino yung mga tinutukoy ko. "Ayos lang." tipid niyang sagot habang nakatingala sa kisame. Marami na ang pinagbago naming dalawa. Hindi na kami yung gaya nung nakaraang tatlong taon na puro tawanan at kagaguhan. Hindi na masayahin si Dong. Marami siyang mga bagay na inaalala. Kinalkal ko ang mga dala niyang pasalubong. Puro Chinese. Pati bag niya kinalkal ko rin. May nakita akong flyer. Tinitigan kong maigi yung nakadrawing dun at binasa ang mga nakasulat. "Akina yan—" hinablot yun sakin ni Dong at nilamukos niya bago ibinulsa. "Aalis na ako. Marami pa akong gagawin. Mag-ingat kayo ni Nice." Kita mo to. Kadarating lang, aalis agad. Hinatid ko siya hanggang pintuan. Tinapik ko ang balikat niya pero wala naman akong masabi. Gusto kong makatulong sakanya kaso hindi ko alam kung paano. Siya na lang palagi ang pumapasan samin.. Naiwan akong mag-isa sa condo. Hindi ako lumalabas kapag walang kasama. Bandang alas nuwebe siguro nung tumunog ang buzzer sa pintuan. Expected ko kung sino ang dumating; pero hindi ako umaasa na lagi niya akong dadalawin dito. Tinungo ko ang pinto at pinagbuksan siya. Ngumiti ako kaagad pagkakita sa maamo niyang mukha. "Gusto mo bang mamasyal, Minerva?" —— A/N: Hermaphrodite is a case in which dalawa ang sexual organ ng isang tao. Fortress ang tawag sa isang lugar kung saan safe dahil sa mga protected walls nito; not necessarily needs to be a castle. direk_whamba Opus 107 Minerva's POV: Pumasok muna ako sa loob ng unit ni Kape kahit inaaya niya akong mamasyal. Mag-isa na lang siya ngayon. Ang alam ko day off ng guardian niya; pero sa pagkakaalam ko rin ay dinalaw siya ni Hio ngayon. Umalis na naman ba kaagad ang lalake na yun? Nagbago na talaga si Hio. He spends more time with his apprentices and lesser time with his friends and family. Naupo ako sa sofa. "Gusto mong magpunta sa Elementia? Namukadkad na ang mga sakura trees dun. Magandang maglakad lakad sa kanilang parke." suhestiyon ko. "Sige. Hintayin mo lang ako saglit. Mag-bibihis lang ako." Ahmm.. nasa dating stage na kami ni Kape. Matagal nang null and void ang kasal ko kay Race since patay na ang ministrong gumagawa ng ritual. Pero friends pa rin kame ni Race. In fact, mag-asawa ang peg namin dun sa Erdan. Rogue-hunter ng Eruditas ngayon si Race kaya he spends most of his days outside the fortress. Ganun ang buhay na nakasanayan niya so natural lang na hahanap hanapin niya yun. To my surprise, siya pa yung nag-suggest na magpakasal ako kay Kape. Yiee gusto ko naman yun. Inaantay ko lang siyempre na si Kape mismo ang mag-ask sakin. At isa pa, hello, magkaiba kami ng fortress. Dapat kasi inaamyendahan ang tungkol sa mahigpit na pagbisi bisita sa mga fortress— "Halika na Minerva.." aw tinatawag na pala ako ng kadate ko. He's so pogi as always. Grr.. nadagdagan na naman pala ang agwat ng physical age namin. Kung dati he's 19, ngayon 21 na. Hindi na kami mukhang mag-kuya. Mag-tito na! I would consider using an aging potion na talaga! Tumayo ako and then tumabi sa kanya. With the help of little magic, dinala ko siya sa Elementia; dun sa park na maraming sakura trees. Nagbabagsakan na yung mga cherry blossoms, and they're dancing in the wind. Hinawakan ni Kape ang kamay ko. "Kamusta ka na? Ibig kong sabihin, yung pag-stay mo sa Eruditas?" lagi niya akong tinatanong niyan kapag magkikita kami. "Nahihirapan na ako. Wala namang problema sa fortress; maganda ang lugar na yun. Kaso yung feeling na magkakahiwalay ang mga loved ones ko, I can't take it sometimes. Para akong nahohomesick na ewan. Dahil dun, I can't make friends with my other guildmates. I prefer to be alone." Ganun din siguro ang nararamdaman ni Hio. Marami kaming nakakasalamuhang tao everyday pero lumilipas ang araw na wala kaming nagiging ka-buddy man lang. What we only have were few subordinates. Gumalaw ang kamay ni Kape. He slipped his fingers interlacing with mine. "Wag ka nang malungkot. Malay mo balang araw mailalayo kita dito." Napasmile ako sa sinabi niya. Far-fetched. Pero parang gusto kong umasang tototohanin niya yun isang araw. "—Ahh!" he beamed like a kid who just got an awesome idea. "Hindi ba taga-rito si Shall? Dalawin kaya natin siya?" "Sige!" **** Hio's POV: Kahit Sunday pa sa kalendaryo, hindi yun excuse para sa aking teaching schedule. Sumulyap ako sa nakasisilaw na araw na dikit sa horizon kung saan nito kinatatagpo ang hindi matapus tapos na kalawakan ng disyerto. Tanging ang mga desert plants at mga nakatira lang sa oasis ang mabubuhay sa napakainit na temperatura dito. Sakaling may mga manlalakbay man, sa gabi nila tinatawid ang disyertong ito kung kailan napakalamig sa pagkawala ng araw, pero hindi naman ligtas sakaling magkaroon ng sandstorm. Limampung yarda mula sa oasis, nakatayo ako sa harap ng aking limang apprentice. All boys. Katulad ko, nakasuot sila ng protective day cloak at salakot. Katabi ko sa aking kaliwa ang maganda kong assistant na si Urua. "PAKINSHET MEISTER! Torture to! Kinakain na ng inet ang utak kooo!" reklamo ng isa sa mga apprentice ko. Astig no? Pati trashtalking tinuturo ko! "Tama po si Soon, meister. Pwede naman po siguro tayo sa beach kesa dito—" ani Urua, na halatang iritable sa kanyan suot. Nginitian ko lang ang mga reklamo nila. "Great dimension keepers work under pressure!" nahawa na yata ako kay Shall sa pagkasadista. Dinala ko lang naman ang klase ko sa dimensyon kung saan may pinakamainit na disyerto. Paunang torture ko sa kanila sa pagbubukas ng term namin ngayong taon. "AWW!" natutuwa talaga ako pag nakikitang nahihirapan sila. Kaya naman puro lalake ang pinili kong mga apprentice eh. Marami pa ang nag-aapply sakin lalo na ang mga babae. Pero naghand pick ako at yung pinili ko ay ang top 5 sa qualifying exam. Limang apprentice lang ang pwedeng hawakan ng isang meister, yun ang school policy. Bago ako naging meister, dumaan muna ako sa butas ng karayom syempre. Bata pa kasi ang time of stay ko sa mundo kung tutuusin. At awa namang naipasa ko ang lahat ng mga naisip nilang ipa-exam sakin. Ehem.. "Bago tayo magsimula, ipapaalala kong muli sa inyo ang old policy nating: ang kasalanan ng isa ay kasalanan ng lahat." Alam na nila kung gaano ako kaistrikto kahit pa magkakaedad lang kami. "Nandito tayo para maintindihan ang mga dimensyon. Lagi niyong isasaisip na hindi tayo maaaring lumikha ng dimensyon. Ang maaari lang nating gawin ay ang maglakbay dun. Samakatuwid, wala tayong maaaring baguhin doon para lang sa pansariling kapakanan. Tayo ang nararapat na mag-adapt sa bawat environment na ating lalakbayin." Nagtaas ng kamay ang isa ko pang apprentice na ang pangalan ay Kero. "Meister kung totoong walang may kakayahang makalikha ng isang dimensyon, bakit naging usap-usapan last year ang tungkol sa terra nusquam?" Kinalma ko ang sarili ko. Hindi ako maaaring magslip. "—Ako na ang nagsasabi sainyo, hindi totoo ang terra nusquam. Isa lamang iyong mito at wala ni isa ang makakapagpatunay na existing ang lugar na yun— bago makarating ang usapan kung saan saan, ang mabuti pa ay simulan na natin ang training." luminga ako kay Urua. Inabot niya sakin ang aking staff. "Simulan natin sa simplified dimension point—" itinukod ko ang dulo ng staff sa buhangin. Nag-emit ng liwanag ang dulo ng staff at kumalat iyon hanggang sa nasa ilalim na kaming lahat ng isang malaking magic circle. "—Ang dimension point ay ang nagsisilbing terminal ng bawat keeper. Mula dun, makakapaglakbay siya sa iba't ibang lugar. Alam niyo pa ba ang basic principle?" Nagtaas ng kamay si Sho. "—Hindi maaaring madaliin ang paggawa ng isang dimension point dahil nangangailangan iyon ng napakaraming kalkulasyon— blah blah~" "Tama. Pero paano kung wala ka nang oras at emergency?" Wala silang naisagot. "May nadiskubre akong paraan para mapabilis ang casting ng isang dimension point." Umangat ang magic circle na nasa paahan namin. Habang umaangat yun, nagbabago ang paligid namin, maging ang aming mga kasuotan. Naglaho ang magic circle nang tuluyan iyong umangat sa uluhan namin. Namangha sila habang inililibot ang kanilang paningin. Nasa loob kami ng isang clubroom at kami ay mga estudyante. "Syet dang cool nun meister!" "—P-pero paano—?" Ngumiti ako. "Walang cheat para mapabilis ang calculations and measurements. Ang sikreto lang dun ay— ang pagiging handa." itinaas ko ang sleeve ng unipormeng suot ko. Nakamarka na sa aking braso ang ginamit kong inscriptions. "Maaari ring sa isang simpleng papel lang isulat ang circle. Pero hindi iyon basta basta gagana hanggat walang direktang energy transfer mula sa caster." Nagkamot ng ulo ang mga estudyante ko. Akala mo binigyan ko ng hard problem eh. "Eh meister paano nga po ang gagawin? Limang minuto mo lang pwedeng maiactivate ang circle pagkatapos mong isulat!" Itinaas ko ang hawak hawak kong staff. "Posible ang ginawa ko kung makakapag imbak ka ng kapangyarihan mo at ikukulong yun sa isang bagay. Gaya nitong staff." "You mean, kailangan po namin ng magic wand?" tanong ni Soon. "Not necessarily. Pero kung gusto mong magpaka-ultra gay, mag magic wand ka. Hindi kita pipigilan. Maaari kayong mag-stock ng kapangyarihan sa kahit na anong bagay at ang gusto ko ay i-work out niyo sa sarili niyo kung paano yun." pagkasabi ko nun, sari-saring protesta na naman ang narinig ko mula sa kanila. Itinaas ko ang kamay ko para patahimikin sila. "Kung hindi niyo kaya, malaya kayong humanap ng bago ninyong meister." "—Ah meister," kinalabit ako ni Urua. "Oras na po." Inulit ko ang ginawa kong procedure kanina hanggang sa nakabalik na kami sa totoo naming mundo— sa loob ng isang silid aralan. Then ibinalik ko kay Urua ang staff. "Hanggang dito na lang muna tayo. Soon at Kero, maiwan kayo." Hinantay kong lumabas ang tatlong hindi ko kailangan bago ko hinarap yung dalawang pinaiwan ko. "Anong balita?" Pinakiusapan ko silang dalawa na palihim na mag-imbestiga sa loob ng C.R.O. since nalaman kong beta-tester sila ng larong yun. [Beta tester-mga gamers na nabigyan ng chance laruin ang game before i-open sa publiko.] Nagkibit-balikat si Kero. "Isa lang siyang ordinaryong game na walang console." [Console- gaming equipments. E.g: playstation, xbox, etc.] "Walang console?" seryoso kong tanong. "—Ahmm, parang nagpunta ka lang sa ibang dimensyon meister. Pero—" Tanginang Soon to nambibitin pa. "Pero?" "Nung sumubok kaming gumawa ni Kero ng backdoor, hindi kami makapasok." oo nga pala, hackers din ang dalawang to. [Hackers- tawag sa mga main cheaters ng isang game.] "—doon ka lang talaga pwedeng dumaan sa portal key." may iniabot saking papel si Soon. "Nagtataka rin ako meister. Tama naman ang mga calculations ko, pero yan ang lumabas oh. Hindi ba yan yung magic circle ng—" "—Terra nusquam." ako ang nagtapos sa gusto niyang sabihin. —— direk_whamba Opus 108 Hio's POV: Pagkatapos kong kausapin ang mga apprentice ko, dumiretso ako sa underground chamber kung saan idinadaos ang Necromancy class. Malapalasyo man ang interior ng vampire assumption na pinapasukan ko, ibang usapan ang underground chamber. Para iyong isang morgue na mukhang banyo dahil sa mga puting tiles. Dumating ako dun at naabutang may mga cadaver; isa sa bawat table. Bali lima lahat. Nandun na rin ang mga kaklase ko pero wala pa ang meister. "Adan! Dito ka na!" sinenyasan ako ng magandang chix na nasa likod. Magkatabi ang tables namin eh. Nga pala. Estudyante ako ngayon kaya maaari nila akong tawagin sa pangalan ko. Hindi ko na maaaring gamitin ang pangalan at apelido ko dati dahil katakut takot na inquest ang mangyayari kapag inassociate ko pa ang sarili ko kay Orpheus. Kaya ako na ang nagpangalan sa sarili ko. Cute naman di ba? Ako si Adan na handang magkasala matikman lang ang mansanas ni Eba! Wahahah. Tang ina. Fuck me! Pero ako pa rin si Hio sa mga taong malapit sakin. Pinuntahan ko ang table ko tas tinitigan ko ang cadaver na nakahiga dun. Babae yun na nasa edad trenta pataas. Nababother ako dahil taas-baba ang kanyang isang pilik-mata. Kumilos ang kamay ko para i-steady sana yun at— BIGLANG DUMILAT ANG BANGKAY! Hinablot niya ang braso ko! "AHHH!" napasigaw ako sa gulat. Hindi naman ako natatakot dahil sanay na ako sa mga bangkay; gulat lang po talaga. Binawi ko ang kamay ko at tumakbo sa isang sulok habang naka-face palm. Arggh! SHIT! FUCK! SHIIIIIT! Hindi ko matanggap na nagoodtime ako ng mga ungas na to! Hayun nagtawanan na silang lahat. Lumapit sakin ang tablemate ko. "Ang sexy naman ng sigaw mo." Tang ina. Bitch please! Alam kong siya ang gumawa nun! Licorice ang pangalan niya. Since lahat ng kamag-anak niya ay pasok sa bracket ng mga malalakas na vamps dito sa Eruditas, sila ang pinakaimpluwensyal at pinakamayaman. Necromancer na talaga siya at sa tingin ko ay hindi na niya kailangang mag-aral pa. Inistalk lang niya ako kaya nagkikita kami sa klase na ito. Persistent kasi siya na pakasalan ako. Pati pamilya niya ay di ako tinatantanan! Yun din ang reason kaya hindi ako nagtatagal pag dumadalaw kanila Shall at Kape. Baka kasi madamay sila, or gawing pamblackmail sakin. Ang pamilya kasi ni Licorice ay interesado sa mga bampirang may ibubuga; para mapabilang sa angkan nila. Ang alam ko ay pinag-iinteresan din nila si Mie. Dahan dahang yumakap sakin si Licorice. "—Ang balita ko ay may asawa't anak ka na. Totoo ba yun kaya ayaw mo akong pakasalan?" Hala ka? Anong isasagot ko?! "Ahh eh hindi totoo ang balitang yun." pagkakaila ko tas humiwalay agad ako sa kanya. "Ahh.. Ganun ba? Mabuti naman. Kasi kung meron ka ngang itinatagong asawa at anak.. siguradong magagalit ako.." Di ko maipaliwanag pero parang kinutuban ako ng masama sa sinabi niya. "Kayo diyan sa dulo, tama na yang sexy time niyo at magklase na tayo!" tae dumating na ang meister. Nang-asar pa! Bumalik ako sa table ko. Hindi na ulit gumalaw yung cadaver pero nanatiling dilat ang mga mata niya. Ipinikit ko yun. **** Kape's POV: "Ahh.. Pumasyal po saglit ang Mistress kasama ng young master!" Hindi namin naabutan sina Shall. Ang nakausap lang namin ay yung mayordoma ng mansyon niya. "Ganun ba.." "—Tutal ay mga kaibigan naman kayo ng Mistress, tumuloy na lamang kayo sa loob kung gusto niyo siyang hintayin. Hindi naman siguro sila magtatagal." Inalog ni Mie ang braso ko. "Ano sa palagay mo Kape?" "Hintayin natin sila. Okay lang sayo?" Tumango siya. Pumasok kami sa loob ng mansyon ni mayora Shall. May nadaanan kaming nakadisplay na full set armor. Inangat ko ang head piece. Wala lang. Baka may multong nagtatago sa loob. Di ba sila natatakot tumira dito? Pagkalaki laking bahay tas kunte lang ang nakatira. "Wuy, wag mo ngang galawin yan!" tinusok tusok ako ni Mie sa tagiliran. Nakiliti ako at di sadyang naibagsak ko sa sahig ang hawak kong head piece! CRASH! Yayks! Magagalit si mayordoma— Teka nga.. Nagpalinga linga ako. "Mie? Nasaan na yung mayordoma? Di ba kasunod lang natin siya?" "Shh.. Wag kang maingay." aniya. Humigpit ang kapit niya sa braso ko. Nakikiramdam siya sa paligid namin. Ganun na rin ang ginawa ko. Singhot. Singhot. May naaamoy ako eh— Splat! Pinahid ko ang kung anong pumatak sa pisngi ko. Malagkit na malansa. Dugo?! Pagkatingala ko.. Nasa itaas ang hinahanap kong mayordoma! Laslas ang leeg niya at lawit na ang mga litid. Yun ata ang dahilan kung bakit hindi na siya makasalita. Kasalukuyan siyang nilalapa ng isang nilalang na nakabaligtad sa kisame. "Gravehunter yun?" itinuro ko sila habang kinakalabit si Mie. POOF! Nag-abo ang katawan ng mayordoma at inulan kame ni Mie ng maputing pulbos. Tumalon mula sa pader ang gravehunter pinanlilisikan niya kame! "Wag kang kikilos Kape. Dito ka lang sa tabi ko." sabi sakin ni Mie. Gumawa siya ng barrier para hindi kami malapitan ng gravehunter. May narinig pa akong mga kaluskos kaya tumingala ako— AGI! Dang dami pala nila! Nagsipagbagsakan sila mula sa kisame. Binayo nila nang sabay-sabay ang barrier na hinde nakikita! Nahihirapan na si Mie.. Trained naman ako. Maaram na ako makipaglaban (salamat kay Nice). Kaso wala man akong sandata! Diri mo malabanan ang mga gravehunter sa suntok lang. Eh bahala na! Humakbang ako palabas ng barrier. "Mga wakwak! Adi ako, haboool!" "KAPE! ANONG GINAGAWA MOOO?! BUMALIK KA DITOOO!" Naglaho ako sa kinatatayuan ko at lumitaw nang nakabalitad sa kisame. Nagkandarapa ang mga gravehunter para akyatin ako. "Mie, gawas ka na dagmiti!" "HA?!" Agay napapawaray na naman ako. "Sabi ko lumabas ka na bilis! Magpapahabol ako sa kanila!" Nawala si Mie sa kinatatayuan niya dahil tumabi siya sakin. "AYOKO! POPROTEKTAHAN KITA!" Ay kulit! Kelangan ko ng kahit ano! Pamalo! Pamukpok! Saan?! Bigla na lang akong may hawak na vacuum cleaner! HALA KA?! Saan galing to?! Di bale na! Pinanghampas ko yun sa kamay ng mga bumabayo sa barrier. Di sadyang nabitawan ko ang vacuum cleaner. Nawala kaagad yun na parang bula! Pusa kinukuyog na talaga kami. PAANO NA TO?! Ang sarap nilang pagbabarilin. Yun nga lang, sana may kahit submachine gu— NAMIRISTI! MAY HAWAK NA AKONG— "Ano yan Kape?!" tanong ni Mie. Umiling ako. "Di ko rin alam eh? Naisip ko lang na baka pwede silang i-machine gun tas.. May machine gun na!" "Tss.. Wag na yan! Gagawa na lang ako ng lagusan para makatakas ta—" Hinawakan kong mahigpit ang submachine gun. "Tatakas? Paano kung dumating sina Shall dito at sila naman ang biktimahin ng mga zombies na to?" Ubusin sila. Yun ang sabi ng boses na naririnig ko sa loob ng utak ko. Nakalabit ko ang gatilyo. RATATATATAT! Nanginig ang tinamaang gravehunter pagkatapos niyang kumain ng maraming bala. Wow. Asteeg. Niratrat ko pa ang ibang gravehunter hanggang sa nagsipaglaglagan sila sa sahig. Buhay pa sila. Anong gagawin mo? Binitawan ko ang baril na agad ding nawala gaya nung vacuum cleaner kanina. Buhay pa nga sila kaya naman— SUSUNUGIN KO SILA! Flamethrower na ang namalayan kong hawak hawak ko. "Huy Kape!" Inusod ko si Mie at tumalon papuntang sahig. Tas sinimulan ko ang pagsunog sa mga gravehunter! Wheeeze! Mabilis na kumalat ang apoy; nagliyab pati ang carpet at mga kurtina. "KAPEEE! Ano ba?!" nasa tabi ko na naman si Mie. Tinabig niya ang hawak kong flamethrower. Nawala yun mismo sa harap ng mga mata niya. Natutop niya ang kanyang bibig. "OMG! M-MAY KAPANGYARIHAN KA?!" Napatingin ako sa kanya. "Kapangyarihan—? Uhk" nakalanghap ako ng usok. Itinuro ko ang lumalaking apoy sa harap namin. "Sunog oh?" Pwooooh! Ang galing! Humipan lang si Mie, naapula na ang apoy! "—Anong nangyari dito?" kapwa kami napalingon ni Mie sa narinig naming boses. Sa wakas ay dumating na sina Shall. "May mga gravehunters na sumugod dito ate." paliwanag ni Mie. Namangha si mayora. Hinila niya palapit sa kanya si Aster. "T-talaga? Sino naman ang magdedeploy ng mga yun dito? Eh di ba ang lahat ng mga necromancer ay taga-Eruditas?" "Nag-aaral ng necromancy ngayon si Hio. Baka may alam siya—" "Hindi ko alam ang tungkol sa bagay na yan. Marami na siyang hindi sinasabi sakin.." Parang iiyak na si Shall. Meron ba silang problema ni dong? Lumapit ako kay Shall. "Kakausapin ko si Dong. Dadalaw ako sa kanya bukas." Nagpaalam kami ni Mie pagkatapos naming tumulong sa pagsasaayos at paglilinis ng nasunog na bahagi ng mansyon. Naglakad lakad ulit kami sa cherry tree park bago bumalik sa Mélange. "Kape? Sino ang creator mo? Si Hio ba?" Nahinto ako sa paglalakad. "Bakit mo naitanong?" "Hmm.. Wala naman. Hindi lang natin napag-uusapan dati eh." "W-wala akong matandaan eh." sagot ko na lang. Hindi ko naman kasi talaga kilala kung sino ang creator ko. Basta malinaw na hindi si dong yun. "—Nagising na lang ako isang gabi na bampira na pala ako. Pagkatapos palagi kong napapanaginipan ang isang tore.." Sinabi ko na sa kanila ang tungkol dun at wala silang ideya kung ano at nasaan ang toreng dinedescribe ko. Paumaga na nung makabalik kami sa unit ko. Nakabutan namin si Nice na papasok pa lang sa loob. Lumapit siya kay Mie at may ibinulong. Tumingin sakin si Mie. Mangiyak ngiyak siya tas biglang nag-walk out! "Nice anong sinabi mo sa kanya?" "Sinabi kong may relasyon tayo." "ANO?!" hinabol ko agad si Mie para pabulaanan ang sinabi ni Nice sa kanya pero nawala na siya. Yawang Nice. Betch eh. —— direk_whamba Opus 109 Kape's POV: Wala talaga. Hindi sinasagot ni Mie ang mga tawag at texts ko. "Ikaw naman kasi eh.." baling ko kay Nice na nakaupo sa tabi ko. Poker face siya at guilt-free kung umasta. "Master ano bang meron sa bulinggit na yun at hinahabol habol mo? Wala naman siya nito ah?" dinakot na lang niyang basta ang mga kamay ko at pinahawak sa kanyang perfect D-cup na dibdib! Sus ginuo ko! Binawi ko agad ang mga kamay kong makasalanan. Ang mabuti pa baguhin ko na ang topic bago pa niya maisipang gahasain ako! Layu layo muna ng konti sa kanya. Mahirap na at baka iba na ang next niyang dakutin. "Alam mo ba Nice—" "—Hindi ko pa alam master." "Ano kasi, kanina habang nasa Elementia ako.. May nangyaring kakaiba." "Hooo?" "Y-yung ano—" ambot mahina ako sa mga explanations. "L-lumalabas bigla ang mga bagay na naiisip ko. Kaso—" "Kaso?" taas-kilay na tanong niya. "Kaso pag nabibitawan ko... nawawala eh—" Tumayong bigla si Nice. Kinuha niya ang remote ng LED. "Isipin mong kailangan mo ng remote—" Ginawa ko man ang sinabi niya. Kailangan ko ng remote~ Kailangan ko ng remote~ Nawala ang remote sa kamay ni Nice at nalipat sa kamay ko! "Sige, ngayon naman ay bitawan mo ang remote." Nung bitawan ko ang remote, nawala yun agad agad. Ang nakamamangha pa dun, bumalik ang remote sa kamay ni Nice! "Walang duda. Taglay mo ang kapangyarihan ng isang Linker." aniya. "Linker?" "Uh.. ang mga linker ay nakakagawa ng isang connection with any inanimate objects gamit lang ang force of mind. Pero kapag nabreak ang connection na yun, babalik sa dating pinanggalingan ang inanimate object. Object-summoning din ang indirect term sa kapangyarihan ng Linkers." EPISTAXIS. [A/N: Epistaxis is a medical term for nosebleed. Mga napulot ni Kape sa pagna-Nursing] Nangamot ako ng ulo. "Explain mo nga ulet?" BANG! Sinipa ni Nice ang mesita tas pinulot niya ang double blade na nasa sahig. "Ayos, dahil nalaman kong may kapangyarihan ka pala, kailangang dagdagan natin ang oras ng training!" "T-TEKA LANG SAGLIT! D-DI PA AKO READY—!" Whack! Naipansalag ko ang favorite sofa ko mula sa atake ni Nice at nahati yun sa dalawa! Hingang malalim. Kailangan kong seryosohin to. Last time kamuntikan lang naman niya akong maputulan ng braso! **** Hio's POV: Crown Raid Online. Gusto kong malaman kung ano ang meron sa laro na yun. At kung bakit lumabas sa kalkulasyon ni Soon ang magic circle ng terra nusquam. Humanap ako ng pinakatagong parte sa condo ko at doon inactivate ang portal key ng C.R.O. "—Welcome to Crown Raid Online. Please step on the inner circle." pumailanlang ang electronic voice ng isang babae. Sinunod ko ang instruction. Tumapak ako sa pinakagitna. Natransport ako sa isang dimension point kung saan may nakaupong babae sa isang holographic chair at nagtatype sa isang holographic computer na nakalagay sa ibabaw ng holographic desk. Nagsalita ang babae. "Player 703 entered the portal key. I am the current server of C. R. O. Please follow my instructions—" [Server-provider ng game] May lumitaw na holographic keyboard sa harap ko. "Please type your desired IGN." [IGN- In-game name/username/alias] Itinype ko na lang ang 'Adan'. "Please remember, changing of IGN is not allowed." I pressed enter. Nawala ang keyboard at ang pumalit ay blank box. May outline dun ng kamay, which means kailangan kong ilapat dun ang kamay ko. Takte need pa nila ng biometrix?! Pero mali ako. Pagkalagay ko ng kamay ko dun, parang nahigop bigla palabas ng katawan ko ang lahat ng lakas ko. Nag-appear ang isang tube-like chamber sa harap ko na kasya ang isang tao. "Please wait while the system creates your stats avatar." What the hell is a stats avatar?! Sandali.. May nabubuong pigura sa loob ng tube! Unti unti yung nagkokorteng tao at— "NOIR?! IS THAT YOU?!" kinalampag ko ang tube na wala namang relevance dahil nirelease naman agad ng tube si Noir. Ang ganda ng hitsura ni Noir. ASTIGIN. Para siyang anghel na anim ang pakpak. Kaso immobilized pa yata siya. This is cool. "Please choose your desired entry way.." Nag-appear sa screen ang apat na choices kung saan ko 'yata' gustong magstarting point: sa Seinen Graveyard, sa Vebarian Sea, sa Matre border, o sa Karin Highland. Nag 'eenie minnie mini mo' ako. Tumapat sa— Vebarian Sea! Pagkapindot ko sa 'OK' button, nawala ang lahat ng nakikita ko. It's all black except sa nakikita kong malaking 'loading...' Paglipas ng ilang saglit, nilamon ako ng nakasisilaw na liwanag. Natagpuan ko na lang ang sarili kong nakasakay sa isang pagewang gewang na galleon sa gitna ng karagatan! Ilang milya mula sa galleon ay may pagkalaki-laking Leviathan na sinisira ang mga nauna saming galleon! Anak ng tipaklong! Bat ito pa ang napili kooo! Naghohover sa itaas ko si Noir. "Hoy Noir, pwede mo bang iexplain kung ano ang dapat kong gawin? Hindi ako marunong lumangoooy!" Eka may mga tripolante pala akong kasama dito. Lumapit ako sa nagtataas ng layag. "Manong, bakit may Leviathan?" Pansamantala niyang itinigil ang ginagawa niya at lumingon sakin nang nakangiti. "Good morning milord. The weather is fine today!" AY PAKYU! Oyea fine weather! But can you fucking explain why there's this giant leviathan in the water?! It's taking a bath perhaps? Useless kausap ang mga NPC. [NPC- Non-Playable Character. Mga tau-tauhan sa game. Wag mo na lang silang pansinin kung hindi sila vendor.] Thud! May lumanding sa deck ng sinasakyan kong galleon. "WOWOW Meister! New player ka lang pero meron ka nang Overlord?" Nalukot ang mukha ko sa bagong dating. "Ano ang Overlord ha Soon?" Itinaas ni Soon ang kamay niya. "Descend!" Nagdive mula sa langit ang isa pang kagaya ni Noir na anghel. "Stats avatar sila Meister. Pero nagkaroon ng slang term sa kanila ang mga players: war madam kapag babae, war lord kapag lalake." "ANO NGA SILA?" di ko pa rin ma-gets eh. "Okay, explain ko. Ang stats avatar ang may hawak ng lahat ng info ng isang player gaya ng HP, Mana, at equipments. Therefore, susundan ka nila kahit saan ka magpunta." [HP-Hit points/life Mana-power/magic] "Eh ano ang Overlord?" May nag-overtake na galleon sa may bandang kaliwa ng sinasakyan namin. Itinuro ni Soon ang player na nakasakay dun. May maliit na fairy ang nakahover sa uluhan niyon. "Nakikita mo yun meister? Ganun lang ang stats avatar ng isang pangkaraniwang player. Ang Overlord ay yang mga anghel natin—" itinuro niya si Noir at yung kanya. "At ang may Overlord lang sa game na ito ay ang mga GM." [GM-Gamemasters. Sila yung mga player na may max level. Karamihan sa mga GM ay facilitator sa loob ng game] "Paano nangyaring may overlord ako?" Nagkibit balikat si Soon. "No idea. Pero kung ako sayo, itatago ko ang Overlord ko. Pwede rin kasi silang targetin ng mga players at mobs. Pag namatay ang stats avatar mo, gameover na yun. Ganito lang ang gawin mo— itaas mo ang kamay mo at tumuro ka sa langit at sabihin mong Ascend!" [Mobs-pulutong ng monsters] Ginaya ko si Soon. Tumingala ang mga anghel namin tas sabay na lumipad papataas hanggang sa kinubli na sila ng mga ulap. "Wag kang mag-alala Meister, maaasahan pa rin sila kahit naka-hide. Gaya nito— EQUIP!" Nag-glow ang kamay ni Soon sabay nag-appear ang isang cloud blade na hawak niya sa handle. [Cloud blade-common term sa mga espadang malalapad. Inassociate siya kay Cloud Strife ng Final Fantasy 7 dahil yun ang main weapon niya] "Sila rin kasi ang tagapag-ingat ng mga items mo pati provider ng lahat ng gagamitin mong magic. In short meister, sila ay ang kapangyarihan ng players." "Power Channel sila?" tanong ko. Tae. Ito yung dinidiscuss ko sa mga apprentice ko kanina lang! Pero wala sa hinagap ko na pwedeng 'something alive' ang pag-iimbakan mo ng kapangyarihan. "Yeeesh. Yun nga." sagot ni Soon. "Okay naiintindihan ko na." itinuro ko ang nag-aalburotong Leviathan. Tangina lumalapit dun ang galyon namin. "Bakit may kalaban agad agad? Mukhang boss monster na yan eh." Ipinatong ni Soon ang blade sa kanyang balikat. "Opo boss nga yan. Pero hindi naman required na padapain yan ng mga newbies. Kailangan lang makagawa ka ng paraan para lagpasan ang dambuhala na yan. Pwede ring sagupain dahil may rare item siyang drop." Nakahinga ako ng maluwang. Lalagpasan lang naman pala eh. Sisiw. "—Eh paano ko gagawin yun?" tanong ko na naman. "Meister, ang ni-rorole play ng mga gamer ng C.R.O. ay ang mga sarili din nila sa totoong buhay. Meaning kung ano ang nagagawa mo sa real-life ay yun din ang magagawa mo in-game. Kaya mo na yan, magaling ka naman eh." "Amp kala ko pa naman tutulungan mo ako." reklamo ko. "Tutulungan nga kita, pero limitado lang ang pagtulong ko dahil GM ako dito. Mahirap sa mga GM ang magkaroon ng favoritism." nawala ang cloud blade niya at napalitan yun ng isang scroll. Iniabot niya sakin yun. "Mapa yan ng buong Erdan— pangalan yun ng kaharian dito sa game." Erdan?! Shit. Tama nga ang kutob ko! Muling nagsalita si Soon. "Sampu ang lahat ng GM dito sa C. R. O. Lima ang player-killer, tatlo ang mabait, dalawa ang abductor." [Player-killers/ PKers- Mga gamers na trip pumaslang ng kapwa player] Sinabi niya ang mga pangalan ng limang PKer: Bloody Mary KeroKeroppi (si Kero) EXE (pronounced as eksey) Mordred Choke Yung tatlong mabait 'daw': Coming Soon (si Soon) Raffine Infinity At yung dalawang Abductor: Genesis Exodus "Kung dapat iwasan ang mga PKers, MAS dapat mong iwasan ang mga Abductors. Nangingidnap sila ng mga players at ginagawang NPC." "Sige. Let's get it on!" Nagready na para umalis si Soon. "Mauna na ako. Mahirap na baka maspot-an pa ako ng ibang players." Crown Raid Online. May sampung GM na mahirap hagilapin at isang Leviathan na dapat lagpasan— That's the least of my fucking concerns. Ang gusto kong malaman ay kung bakit ginawang playground ang aking terra nusquam! —— direk_whamba CROWN-RAID ONLINE NEWBIE GUIDE Game Modes: It's how you play the game! Leveling-up- wala kang ibang iniintindi kundi ang pumatay ng monsters dahil gusto mong magpataas ng level. 24/7 kang killing-spree. Party- You venture with other players. Share kayo sa pagpatay ng monster at share kayo sa experience points. Quest- game mode wherein you follow the game story while levelling-up. Maghahanap ka ng items; punta dito, punta dun. You have to talk to NPCs often because they'll give you clues. Inuuto ka lang ng mode na ito pero sulit dahil may rewards. Custom- you play the game in the fucking way you wanted. May mga gamers na mas inuuna pa ang pagdaldal kaysa sa anupaman. PvP- Player vs Player. Ang gusto mo lang ay ipakita ang iyong lakas. Masaya ka pag maraming player kang napapatumba sa mga LEGAL match. (Don't mess up Player killing with Pvp because they're different) Player-Killing- you enjoy PK everywhere. Hindi ka man ituturing na kriminal in-game, magkakaroon naman ng patong ang ulo mo. When somebody PKed you, may prize money sila. Boss hunting- hindi ka kuntento sa small fry, you go bigtime! Ang masaya sa boss hunting ay ang mga rare items na makukuha mo when you killed a boss monster. Game Zones: Area restrictions and conditions. Safe zone- lugar na walang monster ang pwedeng pumasok, bawal magplayer-kill at bawal magPvP. PvP zone- lugar kung saan pwedeng mag PvP maghapon magdamag. Dungeons- lugar kung saan nagdedwell ang mga monsters. Dito maraming nagpapalevel-up. MAP: Erdan- the main continent where C. R. O. is currently held. Seinen- the capitol city in Erdan where Allgorde castle is erected. Sa Seinen ginaganap ang mga important GM announcements, events, eyeballs, guild meet, at in-game marriage. Ito lang ang safe-zone sa buong Erdan. Vebar- Western province. Nandito ang mga main dungeons. Karin- Eastern Province. Dito situated ang mga upper dungeons. Matre- a Southern free land. Disyerto dito at ginawang trading post ng mga players. Dito pwedeng magbuy and sell ng mga items. It is a Non-PVP zone but not a safe zone dahil pwede pa ring may umatakeng monster. Serion- the newly discovered island na mararating kapag tinawid ang Vebarian sea. More aggressive monsters are there. Parun- PvP land. IMPORTANT NOTE: *Player locations in C. R. O. are determined in x and y coordinates. E.g: Player 1: Nasaan na ba tayo? Player 2: Nandito tayo sa dungeon 203, 75. *The currency in C. R. O. is Lira/ Liras. Happy Gaming! :Server: Opus 110 Hio's POV: Habang hindi pa nakakalapit ang galyong sinasakyan ko sa Leviathan, ginamit ko ang oras para i-familiarize ang sarili ko sa C. R. O. Bawat player ay may sensor sa kamay. Kapag pinagtapik mo ang mga palad mo— lalabas ang isang holographic 'backpack' sa oras na maghiwalay na ang mga palad. Hindi siya yung literal na backpack ah. Para siyang screen na may mga maliliit na boxes. Sa topmost part nakalagay ang player level, messages, at Liras. Ang mga items naman ay nasa lower part. Kapag nagdecide ang player na pumulot ng isang item mula sa ground, automatic na mapupunta yun sa imaginary space ng holographic backpack. Magagamit mo lang yung item kapag binuksan mo ulit ang holographic backpack. Sa ngayon ay walang kalaman-laman ang backpack ko. Player Adan Level zero.. Zero Lira. Zero message. Nakakadepress. C. R. O. egging Adan. Humamba ang buntot ng leviathan kaya biglang tumaas ang alon na nagawang patagilidin ang galyong sinasakyan ko! "Fumus Ala!" sana gumanaaaa! Eksperimento ko pa lang ang Fumus Ala at di ko sure kung gagana siya this time. Hindi sa kamay ko nagmula ang magic circle kundi sa itaas. Lumabas mula dun ang highly pressurized na mga puting usok at nagconcentrate sa aking likuran. Sa tulong nun, nagawa kong makalipad. Oh yeah! Nagpaikot ikot ako sa tuktok ng leviathan na daig pa ang isang langaw. Pwede na akong magpass kung tutuusin; pero umandar ang aking kalokohan. "PORTAM TONITRUI DEUS!" Again, sa itaas ulit nagmula ang aking magic circle. Lumabas doon ang ilang milyong boltahe ng kuryente at dumiretso sa katawan ng higanteng water monster. Dahil conductor of electricity ang tubig, nadamay sa pangunguryente ko ang iba pang new players na gaya ko. Naparalisa ang leviathan subalit buhay pa rin. I guess let's leave it like that. Lumapag ako mismo sa port. Pinagtapik ko ulit ang mga palad ko then lumabas ang holographic backpack. Click. Click. Pinili ko sa storage ang scroll na ibinigay sakin ni Soon. Map daw yun eh. Pagkabukas ko sa scroll, kusang iyong lumayo sa mga kamay ko. 'Item appraised. Please get the item.' Nagfade ang scroll at pumalit dun ay isang astiging eyeglasses. Dagli kong kinuha yun at baka mawala. I tried it on syempre! May nakita agad akong tuldok at xy quadrant. Ito na nga yata yung mapa. Yung tuldok ay representation ko— 0, 4 Vebar Port Area. Pak! Muntik na akong mapasigaw sa pagkagulat. Putcha! "—Ang angas mo tol! Dahil sayo nakaalpas ako sa bwakaw na halimaw na yun!" isang co-player lang pala. Lalake siya at bigotilyo na ang IGN ay Sureball at level 1. Mayroong nakasunod sakanyang war madam (stats avatar). Eto yung practical sa games eh. Kapag humarap ka o tumingin sa ibang player, automatic na lilitaw ang kanilang IGN at level. "Wala yun. Sinuswerte ka lang." sagot ko. "Pre, nagtataka lang ako sayo ha? Bakit parang wala ka yatang stats avatar? At saka bakit ka level zero?" Ako rin nagtataka eh— ANONG SABI NIYA?! Nagpalinga linga ako. Lahat nga ng mga nakikita kong newbieng gaya ko ay LEVEL 1. What the fuck?! "Baka naduling lang yung server." biro ko. "Hayaan mo papatay agad ako ng monster para maglevel 1 din ako." Tinakbuhan ko siya kaagad at nagdire diretso ako hanggang makarating sa isang plaza. Sa gitna nun ay may dalawang posteng magkatapat. May patayong magic circle dun na nagrerevolve ng 360 degrees. Sa bawat revolution, nag-iiba ang kulay niya; nag iiba rin ang destination. Red 'To Seinen' Blue 'To Karin' Yellow 'To Parun' Green 'To Matre' Sa Seinen muna siguro ako pupunta dahil dun malamang na maraming players. Hinantay kong magkulay red ang magic circle bago tumawid sa gitna ng mga poste. Nagpenetrate ako patungo sa isang lugar na hinding hindi ko makakalimutan— Ang ilog, yung mga bahay na gawa sa bato at pawid, cobblestones, yung fountain ng plaza.. at yung kastilyo sa ibabaw ng talampas na tanaw kahit saan kang parte ng kapitolyo nakatayo.. Ito ang terra nusquam na inagaw sakin! Bigla na lang nanikip ang dibdib ko. Para akong sasabog sa sobrang galit lalo na nang magkita kami ulit ng nilalang na hindi ko dapat hayaang mag-exist pa! Nakatayo siya sa isa sa mga poste ng nilagusan kong portal. Maraming players ang nakapalibot samin pero hindi siya nakikita ng mga iyon. Tumalon siya at humarap mismo sakin tas tinanggal niya ang suot kong eyeglasses na agad naglaho sa mga kamay niya. "Tanda mo pa ang lugar na ito ha?" "Babawiin ko ang terra nusquam ko." "Bakit? Ayaw mo na bang makipaglaro sakin?" ASAR! Lalo niya akong ginagalit! Tinangka kong hawakan siya kaso bigla siyang naglaho sa harapan ko. Naispotan ko siya sa bubungan ng isang bahay— nakatalikod at balak na talagang tuluyang umalis. Natigilan ako nung hahabulin ko sana siya. Tumigil din ang lahat ng players gaya ko! Naging crimson ang shade ng buong paligid. May nag-iisang player na nakagagalaw ang namataan kong papalapit sakin— Isang babae na nakapigtails ang mahabang buhok. Hindi ko alam kung dahil ba sa shade o talagang pula ang suot niyang gown. May hawak siyang napakalaking scythe na pito ang talim. Fixated ang mga mata niya sakin. IGN: Bloody Mary Level: 99 Akala ko ba safe zone ang Seinen? Kaya bat may GM na balak mam-PK? "Isang hacker ang nakapasok sa Crown Raid at dapat iyong ligpitin." ani Bloody Mary. "Overlord descend!" sigaw pa niya kapagdaka. Bumaba mula sa langit ang kanyang anghel. Nadeformed yun at sumanib sa scythe. Sabihin na nating ako nga ang target niya. Siya na max level ay balak i-one hit sa kanyang pinakamalakas na atake ang isang LEVEL ZERO? Unless— One second at nasa harapan ko na siya. Nakaamba na ang kanyang malaking karit. "—Natatakot ka sakin?" hamon kong tanong sa kanya. Nahuli ko siyang nagbuckle. Napahigpit ang kapit niya sa kanyang karit. "Ang Crown Raid ang naging kanlungan ko sa loob ng isang taon. Dito ko nakuha ang katanyagan na wala ako sa totoong mundo. Ang lahat ng magtatangkang sumira sa larong ito ay makakatikim ng masakit na kamatayan!" She touched a nerve. "FUCKED UP! KAHIT KELAN HINDING HINDI KO BIBITAWAN ANG TERRA NUSQUAM! BABAWIIN KO TO SA KAHIT NA ANONG—" Bumalik ang paninikip ng dibdib ko. May gustong kumawala mula sakin at natatakot ako sa maaaring mangyari kapag hindi ako nagresist! "L-lumayo ka sakin! I-ilayo mo ang mga nandito sa akin—" nangangatal kong utos sa kanya. Kailangan kong makagalaw kahit anong mangyari.. Ilang pulgada lang ang layo ko sa portal oh! Katawan makisama kaaaa! "YAAAAH!" makulit si Bloody Mary. Tinaga niya ako ng karit. Last minute ay nakagalaw din ako sa wakas. Nahagip ng kamay ko ang handle bago tumama sakin ang talim. Sinadya kong ma-out of balance para mashoot ako sa portal. Di sadyang nahila ko rin si Bloody Mary. Natransport kami sa walang taong plaza ng Karin— "L-LUMAYO KA NA SAKIN!" histerikal ko nang sigaw. Kung bakit pa kasi nahila ko pa tong babae na to eh! Itinutok niya uli sakin ang scythe. "K-kung gagamitin ko ang lahat ng Mana ko sa isang atake, magagawa kitang—" Hindi ko na talaga kaya. Unti unti nang nag-take over sakin ang kasamaang matagal ko nang sinusuppress. Ang totoo niyan ay hindi ko na alam kung babalik pa ba ako sa dati kong sarili pagkatapos nito. Ako ay isang nilalang na matagal nang walang kaluluwa subalit niresist kong mamatay dahil hindi ko pa nababawi ang terra nusquam. Para sakin kasi, ang terra nusquam ang nag-iisang tama sa isang libong pagkakamali na nagawa ko. Iyon lang ang paraan para mapatawad ko ang sarili ko sa mga pagkakasala ko. Pagkalabas ko mula sa tore ng Svanr noon, may natitira pa saking maliit na pitak ng aking kaluluwa. Subalit hindi ako maaaring tumigil sa paggamit ng reverse alchemy sa dami ng pasanin ko. Natutunan kong gamitin ang negatibong enerhiya na nasagap ko noon sa Svanr bilang replacement catalyst. Yun nga lang, kinakain ng kadiliman ang pagkatao ko. Masyado akong nagpadala sa galit ko kanina. Patawad. I guess kailangan ko lang itanim sa isipan ko na babawiin ko ang terra nusquam kahit anong mangyari. **** (3rd Person) Napaatras ang GM na si Bloody Mary nang kumawala mula sa katawan ng player na si Adan ang napakalakas na kapangyarihang itim. Bumalot iyon sa kanilang kapaligiran. "H-HAA ANO TO?!" nagsimula sa sandata, sumunod ay unti unti na ring naglalaho ang kanyang katawan. "A-ANONG GINAWA MO SAKIN?!" Bukod sa kanya, naglalaho ang kanyang kinatutuntungan; naglalaho lahat lahat— maliban lamang sa Level zero player na natutuwa sa nangyayari. "HAHAHAH! Kung iniwasan mo na lamang ako una pa lang, hindi ka sana nagkaganyan!" Nag-iba na ang pagkatao ni Adan pagkatapos kumawala ng kung anong kapangyarihan sa katawan pa mismo nito. Ipinikit ni Bloody Mary ang kanyang mga mata. Hindi siya takot mamatay. Takot siya sa nilalang na ginising niya! 'Gamit ang natitira kong kapangyarihan, ipinadadala ko ang mensaheng ito sa lahat ng mga GM. Ang player na ang IGN ay Adan—' Wala nang katuloy ang mensahe, sapagkat naglaho na siya nang tuluyan. Naglaho kasabay ng pagkawala ng paligid. Ang ang player na si Adan ay nagpatihulog sa void na kagagawan nito. [Void- empty/ hollow spaces na hindi pwedeng puntahan ng players.] Hindi na mapapakinabangan pa ng kahit sinong player ang parteng iyon ng Karin; pwera na lamang kung irere-create iyon ng el Fuhrer. Nagawang itaas ni Adan ang isang kamay habang patuloy siyang nahuhulog. "Descend!" Lumipad pababa ang kanyang overlord. Nayapos siya niyon. "Isang anghel? Nagpapatawa ka ba?" ani Adan habang tinatapik ang pisngi ng overlord. Mayamaya ay inilagay niya ang kamay sa dibdib niyon pagkatapos ay bumaon. Kagyat na naglagas ang mga puting pakpak ng anghel subalit kapalit ay tumubo ang mga itimang pakpak; nagbagong bihis din iyon. "Yan.. Bagay ang anyo mo sa pangalan mong Noir.. Ngayon Noir, sasakupin natin ang dimensyong ito. Aasahan kita." —— Gate Spells: Fumus Ala- Smoke Wing Portam Tonitrui Deus- Gate of The Thunder God direk_whamba Opus 111 Shall's POV: Hmm.. Nakatulog na pala si Aster. Itinabi ko na sa bedside ang binabasa ko sa kanyang libro tas pinagmasdan ko siya habang nakapatong ang ulo niya sa kandungan ko. Ito na ang last day naming magkakasama. Bukas ipapadala ko na siya sa isang boarding school sa Eruditas. Kung ako lang, hindi ko siya gustong humiwalay sakin. Pero nag-aalala ako para sa kaligtasan niya higit pa sa kaligtasan ko. Kapag sinundo na ng headmistress si Aster, kikilos akong mag-isa para hanapin ang mga may bantang masama samin at parurusahan ko sila. Hindi ko pa nasasabi ang balak kong ito kay Hio dahil hindi ko siya mahagilap. Ang sabi ay nawawala daw siya. Ewan ko. Isa pa siyang nagbibigay sakin ng alalahanin. Marami na akong bagay na hindi ko maintindihan sa kanya lalo na nung malaman kong naglilihim na siya sakin. Nalaman ko pa sa iba ang pagpupursue sa kanya ng angkang Vral. Sandali.. May nararamdaman akong masamang aura! Sino yun?! Talagang hindi man lang nag-effort na itago ang kanyang aura eh no? Nananadya? Bakit ba ayaw nila kaming tigilan?! Ni-ready ko ang aking crucifix. Inayos ko sa kama si Aster bago ako walang ingay na lumabas ng pinto. Dahan dahan kong binagtas ang corridor hanggang sa makarating ako sa balkonahe kung saan tanaw mo ang unang palapag. Sumilip ako sa balustrahe. Tahimik sa unang palapag pero ayon sa nararamdaman ko, malapit na ako sa masamang aura— Nagulat ako dahil paglingon ko ay nasa tabi ko na ang magaling kong asawa! "Hio, ginulat mo ako!" pagalit kong sita sa kanya. Salamat naman at ni-risk niyang pumuslit ng dalaw ngayon. Kailangan naming mag-usap. "Ikaw ba ang babaeng mahal ko?" tanong niya. Napasimangot ako. "Anong klaseng tanong ba yan? Eh kung sampalin kaya kita ng kaliwa't kanan?" Sasampalin ko nga talaga siya pero nahawakan niya ang braso ko. "—Napakaganda mo." anas niya. Alam ko yun; at lagi niyang sinasabi yun sakin. Di ko lang maintindihan kung bakit pakiramdam ko ay namula ako. Lalo akong namula nung ilapat niya ang mga labi niya sa mga labi ko. Namimiss ko ang halik niya pero may kakaiba sa kanya ngayon. Mapusok ang kanyang paghalik. Lumayo ako sa kanya nang hinahabol ang hininga. "A-ano to?" nabalot ako ng itim na aura na nanggaling sa kanya! Nakalahad ang kamay niya. "Mahal ko, sumama ka na sakin. Hindi ko na makakaya pa ang magdaraang sandali na wala ka sa aking tabi." Isinasama na niya ako? H-hindi ko ito inaasahan! Hinawakan ko ang kamay niya. "Gigisingin ko si Aster—" "—Ano bang pakialam natin sa batang yun? Hindi natin siya tunay na anak—" Bumitaw ako sa kanya. "Ano yang sinasabi mo? Ang dugo mo ay nananalaytay sa batang yun! Marami kang ginawang sakripisyo dahil mahal mo siya— mahal natin siya— ANAK NATIN SIYA! IKAW BA TALAGA YAN HIO?!" Nagbagong anyo ang aking krusipiho sa espada. Itinutok ko ang talim niyon sa kanya. "S-sino ka? Anong ginawa mo kay—" nabitawan ko ang sandata. Bigla akong nakaranas ng matinding pagkahilo. "Ako ang asawa mo kaya kung nasaan ako, dapat ay nandun ka rin." Humakbang ako paatras. "W-wag kang lalapit sakin!" Pero nakalapit siya at nagawa pa niyang yakapin ako. Bakit ganun? Kusang kumilos ang mga braso ko para gumanti ng yakap sa kanya. "I-isama mo na ako.." hala? Bakit ko sinabi yun? Lalo pang nag-ibayo ang kapangyarihang itim na bumabalot sakin na nanggaling sa kanya— Padilim nang padilim ang aking paningin at para bang hinihigop ako patungo sa kung saan— **** (3rd Person) "MAMAAAA!" nagising ang batang si Aster matapos ang isang napakalakas na sigaw. Bumalikwas siya ng bangon at nagpalinga-linga. "Young master? Kumalma po kayo!" anang isang tagasilbi na hindi pamilyar sa kanya ang mukha. Naghire ba ang mama niya ng bagong utusan? Lalo lamang siyang nalito nang mapagtanto niyang nasa ibang silid siya taliwas sa silid niya sa bahay ng kanyang mama. "S-sino ka? Nasaan ang mama ko?" Hindi magkandatuto ang tagasilbi kung paano magpapaliwanag sa kanya. Biglang may kumatok at pinili niyang pagbuksan na lang muna iyon. Nakahinga siya nang maluwag dahil ang pinagbuksan niya ay ang headmistress. "Na-sense kong nagkamalay na siya kaya agad akong nagpunta dito. Gusto ko siyang makausap ng masinsinan kaya kung maaari ay lumabas ka muna ng silid na ito." anito sa kanya. Bahagyang yumuko ang tagasilbi. "Masusunod po madam." Nang umalis na iyon, naupo ang headmistress sa bedside. "Nasa hitsura mo na nagkaroon ka ng isang masamang panaginip." "Nasaan ako?" demand ng bata. "Ako si Angeli Dupré, headmistress ng boarding school na ito kung saan ka ipinadala ng iyong ina." "B-boarding school? Eh p-pero—" tila ba nawawala siya at ang tanging kailangan niya ay ang bisig ng kanyang ina. Lalong lumapit sa kanya ang headmistress para yakapin siya. "Dinala ka namin dito habang ikaw ay natutulog. Nagkausap kami ng iyong ina noong isang gabi. Ang sabi niya ay may mahalaga siyang aasikasuhin kaya pansamantala ka niyang iiwan sa aming pangagalaga. Nangako siyang babalikan ka niya kaya ipanatag mo ang loob mo. Ang mga bampirang gaya natin ay may isang salita." Natahimik ang bata at hindi na nagprotesta pa. Ang tanging ginawa niya ay ang umiyak lamang. 'Ang isang batang mabait na gaya niya ay napalaki ng maayos. Hinahangad kong magkasama sama silang mula ng kanyang mga magulang. Sa ngayon ay gagawin ko ang lahat para mapangalagaan siya.' saisip-isip ng headmistress. **** Soon's POV: Ilang oras na rin simula nang mag-log out ako sa C. R. O. Well, umaalis lang ako ng game kapag gabi na sa totoong mundo at kapag may pasok ako sa assumption. 'Consumer' ang classification ko bilang vampire. Yun ang tawag sa mga bampirang nabubuhay sa pagconsume ng iba pang anik anik bukod sa dugo. Kumbaga sa mga tao, kami yung mga drug addicts. Mabisyo daw kaming mga consumer type. Kapag kasi hindi namin nabubunuan ang cravings namin, nagkakaroon kami ng severe withdrawal syndrome. Iba iba ang addiction ng mga consumer. Mayroong trip kumain ng laman-loob ng tao, or laman-loob ng hayop; may nakilala pa akong trip kumain ng innards ng ipis. May mga consumer ding kumakain ng abstract tulad ng happiness, depression, at sari saring feelings. Mas kilala sila bilang energy vampires. And if you're wondering about me? Hindi ako belong sa mga nabanggit ko. Mamaya na lang. Nagmamadali ako eh. Limang minuto na lang at magsisimula na ang dimension-keeping. Kahit pa isa akong consumer, may kalayaan akong mag-aral pa upang mas mapalawak ang aking kaalaman sa mga bagay bagay. Dati na talaga akong mahilig sa mga online games kaya nahilig na rin ako sa kahit na anong tungkol sa dimensions. Yun nga lang, isa akong barbaro dati at ang mga barbaro ay walang proper organization. Kung gusto mong matuto, figure it out yourself. Pagdating ko sa room, nandun na si Kero at talo pang kaklase. Wala si meister pero may panibagong meister na nasa kalagitnaan ng pag-eexplain ng kung ano. Nahinto siya pagkakita sakin. "Nasaan si meister Adan?" Bumuntong hininga ang meister. Paano, obligado siyang ulitin ang mga nasabi na niya. "Nagpunta kaninang takip-silim ang inyong meister sa headmaster. Nagpasa siya ng resignation na agad inaprubahan. Kaya ngayon ay pinagdedesisyon ko ang klase niyo. Kung gusto niyong idissolve itong klase niyo— o kung gusto niyong magkaroon ng bagong meister na—" Nganga ako. "Anong nangyari ba?" Wag niyong sabihing nagresign si meister dahil lang sa nawili siya sa C. R. O.? Umiling iling ang meister. "Wala kaming ideya. Ang personal na buhay ng mga meister ay hindi na namin problema pa." Tae. Kung hindi na rin lang si Adan ang maghahandle sa dimension keeping class ko, quit na ko. Reluctant akong mag-aral sa assumption na to. Pero nung maging meister ko si Adan, natuwa akong mag-aral. Astig siya kahit may pagka sadista. Marami siyang itinuturo na taliwas sa syllabus pero di hamak na mas effective. Tinungo ko na ang pinto. Babalik na lang ako ng C. R. O. kung wala nang gagawin dito. "Oy Soon? Saan ka?" habol-tanong sakin ni Kero. Di gaya ko, alam kong ipagpapatuloy pa rin niya ang pag-aaral. Kita kits na lang kami sa C. R. O. Umuwi ako sa condo unit ko at nag- log in pabalik ng game. Kasalukuyan akong boss-hunt mode sa Vebar nung tumunog ang message alert ko. Kagabi pa ang petsa ng message at nasa private box na para lang sa mga GM. Nagulumihanan ako pagkabasa ko ng message. Walang pangalan ng sender ang naka-indicate. Ito pa, binanggit ang tungkol sa player na ang IGN ay Adan! Kapag taken na ang IGN, hindi na yun magagamit pa ng ibang newbie. Kaya sigurado akong iisa lang ang Adan na nandirito sa C. R. O.! Di inaasahang nanginig ang kalamnan ko. Nyeta kailangan kong kumain! Ipinagpaliban ko ang boss hunting upang bumalik ng Seinen. Marami rami ang mga players ngayon than the usual. Tumayo ako sa pinakamataas na bubong at namili ng bibiktimahin. Don't worry, hindi ako PKer. Inilabas ko ang isang instrumentong hawig sa mga kamay ng orasan: the long hand, and the short hand. Inayos ko sila ng pang 4 o' clock tapos ay initsa na parang boomerang. Tumama yun sa isang player pero hindi niya naramdaman o napansin. Nang ikumpas ko ang aking kamay, lumipad sakin pabalik ang hands of time. May naka-ikid na doong napakanipis na hibla ng maputing sinulid. Isinubo ko yung dulo ng sinulid at hinigop na parang spaghetti. Huminto ako sa paghigop nung nasa kalahati na ang nakain ko dahil busog na ko. Ang kinoconsume ko ay ang 'life span' ng mga nilalang na may buhay. Kapag kinalahati ko ang life span ng isang nabubuhay, mamamatay siya nang mas maaga kaysa sa takdang oras ng kanyang kamatayan. Pasensyahan na lang. Kapag itinigil ko ang pagkain ng life span, ako naman ang matitigok. Gets niyo na marahil kung bakit ang IGN ko ay 'Coming Soon'.. Pag nakain ko ang life span mo, coming soon na ang kamatayan mo! Nyahahaha! Pagkatapos kong kumain, bumaba ako ng bubong at nakihalubilo na sa ibang players. Painosente pa ako kunyari. May pinag-uusapan ang karamihan. Hindi daw maaccess ang portal papuntang Karin. Tumingin ako sa main portal para kumpirmahin. Tatatlong kulay at destination nga lang talaga ang available! "—Paano na tayo makakapuntang dungeon niyan?" tanong ng isang player. "Awee! Nagmessage ang hubby ko. Trapped daw sila sa Karin dahil sira ang plaza! Under constrution daw! I was like 'Duh? Nasisira ang C. R. O.?" anang isa pang maarteng babaeng player. Sumunod pa ang iba sa pagrereklamo. Anong nangyare?! —— direk_whamba Opus 112 (3rd Person) Dinama ni Adan ang pisngi ng babaeng kanyang tinangay mula sa Elementia, pagkatapos ay tinakpan niya iyon ng isang maskara. "Walang maaaring makakita sa iyong mukha. Naiintindihan mo ba, Eba?" Tumango lang iyon. Lahat ng iuutos niya ay pihadong susundin ni Eba; na siyang magiging espada niya sa larong pinasok niya. Magmula ngayon ay lilimitahan ni Adan ang paggamit niya ng kapangyarihan at iisip pa ng paraan kung paano mas magiging malakas. "Ang el Fuhrer. Kapag nakuha ko ang kapangyarihan niya, ako na ang magiging pinakamalakas." aniya. Tiyak na maghihilahan silang dalawa ng el Fuhrer para sa kapangyarihan ng bawat isa. At ngayong nagising na siya sa tunay niyang pagkatao, nakasisiguro siyang pakakainin lang niya ng alikabok ang mayabang na whisperer. Madami siyang alas, sapagkat marami ang nagmamahal sa kanyang dating pagkatao. "Maari ko bang malaman kung ano ang iyong hinahangad, mahal kong asawa?" ang tanong ni Eba. "Ang Porta Tenebrarum." walang kagatol gatol na sagot ni Adan. "Mahigit isang taon na ang nakakaraan nang makatakas ako sa katawang ito." itinuro niya ang kanyang sarili. "Sumanib ako sa tatlong nilalang para matagumpay na sirain ang mundong ito. Subalit binigo ako ng aking sarili. Kung alam mo lang ang mga pagsisisi ko dahil pinili kong ipanganak muli. Sana ay naghintay na lang ako kahit nakakabagot!" "Pero nagawa mo nang maagaw ang katawan na yan, tama ba ako?" "Kayang kaya kong kunin ang katawang ito anumang oras ko gustuhin. May sinusunod lamang akong takdang oras sa bawat hakbang na ginagawa ko. Tsk. Itigil mo na nga ang katatanong? Tayo na." **** Hio's POV: Masakit tanggapin ang katotohanang nalaman ko pagkatapos kong mahulog sa dilim. Hindi ako tao. Hindi ako bampira. Isa akong anima. That explains why I'm dead weak at pabugso bugso lang kung gumana ang kapangyarihan ko. Ang kakayahan ko lang bilang Anima ay ang matuto, magmahal, at makisama. Samakatuwid, front lang ako ng totoong Hio, kung sino man siya. Nalulungkot ako dahil ginamit lang ako. Bakit ba hindi pumasok sa isip ko na planado na lahat simula pa lang? Isang bluff ang pagtatangkang buksan ang Porta Tenebrarum noong isang taon. Sinadya yun ng totoong Hio upang tiyakin na mabubuo ang terra nusquam. Ang terra nusquam ay ang first phase ng totoong pagbubukas sa porta tenebrarum. Dalawa ang purpose ng dimensyong iyon: ang mag-imbak ng maraming kaluluwa, at ang i-lure ang whisperer. Sinubukan ng totoong Hio kung ano ang kakayahan ng whisperer kaya naman sinadyang mapadpad kami sa tore ng Svanr. Hindi ako binulungan ng whisperer kahit kelan habang nasa Svanr ako. Kapag nabablack out ako, ang nagtatake over sa katawan ko ay yung isa kong pagkatao. Nang maagaw ng el Fuhrer ang terra nusquam, hudyat na yun para matapos ang silbi ko. Nasa loob na ng terra nusquam ang whisperer kaya malamang ang susunod na gagawin ng totoong Hio ay ang kunin ang kapangyarihan niyon. Hay.. Wala na akong pakialam kung ano na ang susunod na mangyayari. Isa lang akong entity na malapit nang maglaho. I'm a nobody. **** Kape's POV: (1 Month Later) "—Tito kunin mo na ako dito.. Gusto ko nang makita ang mama at papa koo~" Humahagulgol si Aster habang nakakapit sa bewang ko. Beerday na beerday umiiyak gani. Kami lang dalawa ni Nice ang dumalaw sa kanya dito sa boarding school niya. Ni wala ngang nagsabi sakin na nandito siya. Si Nice lang ang nakaalam. Nawawala man silang lahat! Se Race, se Dong, se Shall, pati na se Mie. Hain na ba ang mga murat na yun? "Tumigil ka nga sa kakangawa. Inumin mo na yung potion para makaalis na kami. Hindi mo ba narinig si master? Hahanapin namin ang mga delingkwente mong magulang—" Siniko ko si Nice sabay bulong. "Ano ka ba? De ganyan makipag usap sa bata!" Hinaplos ko ang buhok ni Aster. Kinuha ko ang aging potion sa mesita at itinapat sa bibig niya. "Sige na inumin mo na ito—" Hinde na siya tatanda kaya pinapainom siya ng aging potion kada taon; tuwing beerday. Seguro pag binata na siya bahala na seya magdesisyon kong iinom pa siya o diri na. Kinuha niya ang botelya at uminom habang sumisigok. "Iinom din naman pala nagLupang Hinirang pa—" Siniko ko ulet si Nice. Ambot hindi seya nice sa mga bata. "Magpakabait ka Aster. Hahanapin ko ang mama at papa mo, pramis." "H-hindi po ba ako pwedeng sumama?" Umiling ako. "Baka kasi hinde kita maasikaso. Pero babalitaan kita palagi." Nagpaalam kami sa headmistris bago kami umales. "—Sa tingin mo ba mahahanap pa natin si Meister?" "Oo naman." sagot ko. "Simulan natin kaya sa condo unit neya?" Nagsalubong ang kilay ni Nice. "Hindi ba sinabi ko na ngang wala akong masagap na aura ni Meister sa loob ng tirahan niya?" Pag nawawala ang isang bampera, walang pakialamanan. Baka namatay lang somewhere. Genun sela mag isip. Bawal din ang force entry sa tirahan ng isang bampera. Miron kasing mga bamperang inuupahan para maglagay ng sumpa sa mga pinto ng bahay (Shielders). Mamamatay na lang basta ang dumistrongka sa pinto nang may pinto. Piro kapag me susi ka o inimbitahan ka, abswelto ka. Pati rin ang mga gravehunter excemptid sa sumpang yun. Kaya pala mey mga nakapasok noon sa bahay ni Shall. Dumukot ako sa bulsa ko at inilabas ang isang cardkey. "Sareh, kelan ko lang naalala na binigyan pala ako ni Dong ng duplicate." Parang gusto akong paslangin ni Nice kung makatingin siya kaya lumayo ako ng kunte. Hinablot niya sakin yung cardkey. Pumunta kami ni Nice sa condominium tower na tinitirahan ne Dong. May isang buwan na siyang nawawala gaya nila Mie at Shall. Pero last week lang namin sinimulan ang paghahanap. Nung una kasi iniisip ko lang na baka busy sila. Tas nabalitaan ni Nice na ipinadala si Aster sa isang boarding school. Dun na ako nagtaka. Si Shall at si Dong, hindi nila iiwan sa kung saan lang ang anak nila eh. Ang mali lang namin, nagsimula kaming maghanap ni Nice sa mas malawak na field. Nagpaka-rogue hunter kami sa labas ng fortress pero wala kaming nahita kundi reward money. Ting! "Oy 31st floor na!" hinila ako ni Nice palabas ng tube elevator. Luminga linga kami para tingnan ang mga unit number. Unit seven ng 31st floor ang nakalagay sa cardkey na hawak ni Nice. "Ayun!" tinuro ko ang pintong may embossed brass na numero syete. Inislide agad ni Nice ang cardkey. Malinis sa loob ng unit ni Dong pero ang baboy tingnan. Hindi siya nagkakalat pero pinuno niya ng vandalism ng kung anu anong circle ang mga pader, kisame, at sahig ng buong unit. Mangkukulam na ba seya? Pinagbubuksan namin ang lahat ng silid. Sa lahat ng lugar, sa banyo ako namangha. Nagliliwanag kasi ang circle na nkaukit sa tiles. Katabi nun yung lukot na flyer na hinablot dati sakin ni Dong. "Nice! Punta ka ditong banyo, dagmiti!" "—Baket master, gusto mong mag-do tayo?" Potang yawa oy. "DIRI!" itinuro ko yung liwanag. "Ano man yang nasa sahig?" Pinagtulakan ako ni Nice para makapasok din siya ng banyo. "—Welcome to Crown Raid Online. Please step on the inner circle." may nagsalita pagkalapit ni Nice sa umiilaw na circle. "Ah, portal key lang ito ng isang multiplayer game. Narinig ko na ang tungkol sa larong yan. Pero bakit meron nito dito?" Dinampot ko yung lukot na flyer sa sahig. Ipinakita ko yun kay Nice. "Nung last na magkita kami ni Dong, nakita ko ito sa bag niya. Ano sa tingin mo?" Tumapak agad si Nice sa gitna ng bilog. "Tara dali! Baka nga nasa loob lang ng game si meister!" Nakisiksik ako sa gitna ng bilog. Naglaho ang paligid namin at napunta kami sa ibang lugar na futuristic. Nagsalita yung babaeng nakaupo sa gilid namin. Titingalain mo siya kase elevated siya. "Player 898 and Player 899 entered the portal key. I am the current server of C. R. O. Please follow my instructions—" May lumitaw na screen sa harap namin. Tinampal ni Nice ang kamay ko nung hahawakan ko yun. "Don't touch anything! Baka patibong lang ito! Ako na—" Siya na nga ang bumahala sa lahat lahat. Ginamit ko lang ang kamay ko nung lumabas sa screen ang hand print. Parang iniscan lang yung palad namin. Pagkatapos nun, nagkaroon ng isang tube cylinder sa harap namin. Nabuo dun ang isang— "PERI!" bulalas ko. "Anung PERI?" tanong ni Nice. "Peri, yung maliliit na diwatang me pakpak ng paruparo!" explain ko. "Ah fairy!" napapalakpak si Nice. "Yung totoo master, ang galing mo talaga! Nakakaimbento ka ng mga bagong salita at hindi ka natatakot ibahagi ang iyong karunungan sa iba. Lalo mo akong pinapaibig!" AGIDAW! Kelan baya niya ako tatantanan ng ka-bekihan niya?! "Matagal pa ba tayo dito?" chins topic. "Ah.. Last na to, pipili na lang ako ng entry way natin.. Saan ba maganda?" May ni-click si Nice pero di ko na nabasa kung ano yun. Dumilim ang kapaligiran namin. Loading... Asteg ah. Parang nagpeplaystation lang. Sinilaw kami ng unexpected na liwanag tas ayun, napadpad kami sa isang luma at nakakapanindig-balahibong SEMENTERYO! Nilingon ko si Nice. Me lumabas na kung ano sa taas ng ulo niya. IGN: Beri Nice Day Level: 1 Imba! Tas kasama na namin yung mga peri. Tag-isa ata kami. "Saan na tayo Nice?" "Sa sementeryo malamang. Yung pinili kong 'entry way' ay yung Seinen Graveyard eh. Hanapin na natin yung gate para makaalis na tayo dito." Hindi pa kami nakakapagsimulang maglakad nang may mga dumating para salubungin kami— —— direk_whamba A/N: CGI [Computer-generated image] character ang pinili kong cast para kay Nice.. look at the multimedia. Kaine as Beri Nice. Kaine is a Hermaphrodite character on a game entitled ‘Nier’. Lalake siya dati pero nagkaroon siya ng sumpa. Sa kanya talaga inspired si Nice. Merong cosplays niya na nasa fb page ng ForMad. Check if you like. Opus 113 Kape's POV: Binunot agad ni Nice ang mga blades niya pagkakita sa pulutong ng mga nilalang na patungo sa dereksyon namin. Nakasuot sila ng mahabang itim na tela, naka belong itim kaya hindi ko makita ang mga pes nela, tas lahat sila may nakadikit na papel sa noo na may nakasulat. "Ningyo—" ani Nice. "Mga undead gaya ng gravehunters. Pero kinocontrol sila sa pamamagitan ng opuda— yung papel sa noo nila ay isang example ng opuda." [Opuda- talisman] "Ah.. Eh di mas madali silang talunin kase aalisin lang yung opu—" TSWIIIK! Tinangka akong sakmalin sabay-sabay ng limang Ningyo na nagmula sa iba't ibang direksyon habang kausap ko pa se Nice! Bute na lang at nakatalon ako! Sinampahan ko ang mga braso nela! AGI! Kamuntek muntek na ako dun! Ni hindi ko man lang naramdaman na kumilos sila— Winasiwas ni Nice samen ang mga blade niya. Natumba tuloy ako dahil nagsiilagan ang mga pisting Ningyo. "—Doble ingat dapat tayo. Hindi sila gumagalaw on instinct gaya ng mga gravehunter. Ang bawat paggalaw nila ay kontrolado ng kanilang master!" Pinatunog ko ang mga buto ko sa kamay."Ang gagawin lang ay potolen ang koneksyon nela sa kumokontrol sa kanila tas madali na ang neks—" Eheh itinuro neya sakin yon. Laging may master ang mga nilalang na walang free-will. "Ikaw na bahala dito." sabi ko pa habang nagpapalinga linga. Nakahanap ako ng magandang pwesto sa tabi ng isang lumang estatwa ng anghel. Lumipat ako don. Mukha namang walang kalaban ang susunggab sakin dito sa susunod na limang minuto. Pinabayaan ko se Nice na manu manong umatake sa mga Ningyo tutal mas expert siya sakin lalo na kung bilis ang pag-uusapan. Nag-materialize sa kamay ko ang isang sniper. Akala ko hanggang counter strike lang ako pwedeng mang-one shot. [A/N: Kilala sa tawag na 'One shot' ang mga sniper gun dahil isang tama lang, deads agad ang kalaban] Uke silipin ko na mga target. Yawa ang bibilis mang kumilos! Paano pag natamaan ko se Nice? Kinalabit ko pa rin ang gatilyo. Talu talo na yan. Kaya yang iwasan ni Nice. Sana. Pagkatapos ng isang putok, natumba ang isa sa mga Ningyo. YEH HEADSHOT! Madali naman patamaan yung opuda kung tutuusin eh. Kehet pa gaano sila kabilis, may momentum kung kelan sela pansamantalang titigil; mapa-isang segundo pa yon o kalahati ng segundo lang. Ang disiplina ng pang-iisnipe ay hindi ang pagiging asintado kundi ang pagkakaroon mahabang pasensya sa paghihintay. Naks! Tsnk. Tsnk. Nawili ako sa kwento keya nawala sa isip kong ubos na pala ang bala ng one shot. Don't worry. Infinite ammo to mga dong. Medyo may katagalan i-reload ang sniper dahil di naman siya kumakain ng magazine. [Ammo- short for ammunition. Gamer's slang term sa lahat ng klase ng baril/ bala/ explosives. Magazine- lalagyanan ng bala gaya sa mga armalite, handgun, etc.] Ipuputok ko na sana yung sniper pero di ko naituloy. Binitawan ko yun at napalitan ng isang espada na pinansalag ko sa espadang galing sa likuran. Hawak yun ng isang estranghero na nakamaskara ang buong mukha. Kakaiba ang suot niyang damit, para bagang galing siya ng masquerade sa Venice. Halos magkasing tangkad lang kami pero ewan ko lang kung magkaedad kami. "Hin-o ka man?" tanong ko. Sigurado akong diri siya Ningyo. Bumitaw ang isa niyang kamay sa espada niya gawa ng gusto yata niya akong hawakan. Natakot man ako kasi puno ng itom na aura ang kamay niyang yun! Saloob loob ko, naiisip kong dapat siyang iwasan. Mapanganib seya. Tumalon ako pabalik key Nice. "Tumakas na lang tayo dito! Hinahanap lang natin se Dong, hinde tayo magpatiwakal!" Nagkibit-balikat lang seya. "Tss.. Hindi ka pa nga pinagpapawisan gogora na tayo? FINEEEE~" Nagpahabol kame hanggang bakod. Kung tutuusin kayang kaya naman din seguro nilang mag ober da bakod pero kakapagtakang natigilan sila nung nasa kabilang side na kami. "Oh well.. Territorial ang mga mobs dito. Game nga pala ito. Ang mga undead ay sa graveyard lang." "Ligtas na ba tayo?" tanong ko. Di na nga niya sinagot, inirapan pa ako gihap! Nya nya. Dalawa nga pala katauhan niya. Di ko pa nabanggit— yung babaeng side niya, ded na ded sakin; pero yung lalakeng side niya, gusto akong deduin. Walang malinaw na sequence kung kelan seya nagbabago ng persona. Pasumpong sumpong lang. Pinagtapik niya ang mga palad niya. "Holographic storage ito. May napulot akong item sa graveyard kanina." ni-click niya ang isang maliit na box sa holographic screen. Umangat sa ere ang isang gem na bigla na lang lumitaw sa harap namin. "Power gems na ang attribute ay magagamit laban sa mga Undead. Pwede siyang i-combine sa sandata." Tumango tango ako. Nagegets ko kasi marami na rin akong nalarong games. Naiiba nga lang dito dahil ako mismo ang nag-aadventure. Binunot ni Nice ang mga blade niya. Pumasok sa loob ng talim ng isa ang gem. Dapat dalawa yung pinulot niyang gem para dalawa ang nagkaroon ng attribute. "UN-EQUIP!" pagkasabi niya nun, nawala ang sandata niya. "Asan na napunta yun?" "Sa kanya—" itinuro niya ang peri na sumusunod sa kanya. "—pwede niyang itago ang mga equips. Maigi yun para hindi na ako nahihirapan. Ganun din ang silbi niyang 'peri' mo. Kaso sa tingin ko hindi mo na rin siya kailangan." Bat ang dami niya agad alam sa game na to? Malisbot. [Madaya] "Bayan ba yung nakikita ko?" itinuro ni Nice ang mga kalat na ilaw ilaw sa di kalayuan. "Siguro? Tara puntahan natin." yaya ko. Pababa ang dinadaanan namin, meaning nasa mataas na bahagi yung sementeryo. Habang papalapit kami, mas hindi namin makita kung bayan nga ba yung pupuntahan namin dahil sa matataas na puno. Nagpasya kaming magpalipat lipat na lang sa mga sanga ng puno. Bayan nga talaga ang nakita ni Nice. Maraming tao at napakaingay. Saka basta basta na lang kaming nakapasok sa loob. Wala man lang gwardang nanita. Tanaw mula sa kinatatayuan namin ang isang magandang kastilyo. Nasa ibabaw yun ng talampas sa dulo ng bayang ito. "Tara lakad pa tayo. Maghanap tayo ng mapagtanungan—" Sinipulan kami ng nadaanan naming grupo. Puro sila mga lalake. Alam ko namang si Nice yung sinipulan nila dahil luluwa talaga ang mata ng mga lalake sa suot niya. Pero kahit na. Walang bastusan sana. Hindi sila nakuntento sa pagsipol at talagang nilapitan kame! "Pare, sexy ng kasama mo ah?" bungad ng isa. Saglet akong natulala pagkakita ko sa mga pangalan nila. Pinalobo ko ang pisngi ko para hindi ako matawa— IGN: Gobilam Level: 60 IGN: Golteb Level: 21 IGN: Tarub Level: 79 IGN: Domat Level: 40 IGN: Nilublub Level: 46 Yawa hindi ko na mapigilan ang tawa ko— Kaso nauna pa yata silang tumawa kesa sakin. Anong nakakatawa? Hinampas ako sa balikat ni Tarub. "PARE ANG ANGAS MO! SASAMBAHIN KA NAMIN ANYTIME!" Hah?! Nag-apir pa yung Gobilam at Domat. "May mas aangas pa palang mag IGN kesa satin pre!" BAKEEEET?! ANO MERON SA IGN KOOO?! Pinagtapik ko ang mga palad ko. Sa holographic backpack may nakalagay na IGN kasi nakita ko yung kay Nice kanina— Napanganga ako ako habang tinititigan kung ano ang IGN ko; na ngayon ko lang binigyang pansin: Six Dix. **** Hio's POV: Nagkamalay ako sa katawang akala ko ay hindi ko na magagamit pang muli. Nasa loob pa rin ako ng C. R. O. at nasa Matre ako sa kasalukuyan. Gabi at puno ng buhangin ang kada pag-ihip ng hangin. Ngunit marami pa ring players at NPC ang nandirito. Dinadaan daanan lang nila ako at walang pumapansin sakin. May kung anong nakatakip sa mukha ko na sa hula ko ay isang maskara. May hawak hawak din akong bugkos ng mga papel na may nakalagay na kakaibang marka. Mga talisman. Magaan lang ang pagkakahawak ko sa mga papel kaya't nabitawan ko sila. Nagpalipad lipad ang mga talisman sa paligid. Pag-angat ko ng aking paningin, mamataan ko sa pagitan ng dalawang magkausap na player ang isa pang player. Maliit lang yun kumpara sa mga taong dinadaan daanan rin siya. Nakasuot siya ng maskara pero sa impresyon ko ay pinagmamasdan niya ako. Feminine ang kanyang maskara at ang suot niyang itim na gown ay puno ng mga lace. She reminds me of someone. Sinikap kong basahin ang IGN niya bago siya tuluyang pumihit patalikod. IGN: Eba Level: 0 "—Hoy ano ba?" nagalit yung player na itinulak ko. Kasalanan naman niya yun eh. Nakaharang siya sa view! Nawala sa paningin ko si Eba. Nagmadali ako para hanapin siya. Nakita ko siyang muli sa likod ng isang nagtitinda ng mga panacea. Tulak dito, tulak doon ang ginawa ko. Kung ang pangalan ko dito ay Adan, bakit siya si Eba? Ano to destiny? Habang hinahabol ko siya, mas malayo siya nang palayo sakin. Alam niyang sinusundan ko siya kaya siya nagpapahard to get. Amp. Nakarating na ako ng portal bago ko naisipang itigil ang paghahanap kay Eba papaya. Pero pagpihit ko— Nasa likod ko pala siya at halos mag-collide kaming dalawa. Ano ang ekspresyon niya ngayong magkaharap kami? Nakangiti ba siya? O nakataas ang isang kilay? I was dying to know. Hinawakan ko ang maskarang suot niya. Naiangat ko na yun actually. Pero tinalikuran niya ako bago ko pa makita ang kanyang mukha. Naglaho siya pagkalipas ng ilang hakbang palayo. Nanatili sa mga kamay ko ang suot niyang maskara kanina.. Sino siya? —— direk_whamba Opus 114 Kero's POV: Nagmessage sakin si Soon. Ang sabi niya ay nandito daw sa C. R. O. si Meister Adan at mukhang may balak iyong magtagal sa game. He's fucking kidding me, right? Nagresign siya bilang meister namin pagkatapos nandito siya sa game at naglalaro? Insane. Sayang. Marami pa sana akong gustong matutunan sa kanya; Cuss words particularly. I find it stress-relieving kung puno ng fuck ang mga sinasabi ko. And I don't give a fuck if people thinks I'm a shit. Dahil curious na rin lang ako, nagpunta ako ng Seinen para kumalap ng impormasyon tungkol sa player na Adan ang IGN. So far negative pa. Dadalawa lang ang GM na may access sa database ng C. R. O. at close friend nila mismo ang developer ng game. Para maaccess ko yun, dadaan muna ako sa abo ng mga GM na yun. Ahe wag ko na ngang isipin. Hindi kami ganun kaclose ni Adan para magbuwis buhay ako. So there. Punta na ako sa next agenda ko. Kailangan ko nang makahanap ng asawa. Malas ako sa mga babae IRL kaya dito ako magbabakasakali in-game. Ang advice sakin ni Soon, maghantay lang daw dahil ang tunay na pag-ibig ay kusang dumarating— SCREW THAT. [IRL- In Real Life] Kakapesteng hintay na yan, 93years old na ako! Hindi naman ako panget. Gwapo ako! Marami ang humahabol saking chicks. Yun nga lang, wala talagang mapusuan. Kaya kung walang darating, ako na lang ang maghahanap! Ano ba ang hinahanap ko sa isang babae? Maganda; silvery hair na nakatirintas ang isang side habang nakalugay yung kabila; sexy at imba ang fashion sense, pwede na sakin ang D-cup; at higit sa lahat— badass! Nagkusot kusot ako ng mga mata ko pagkakita ko sa babaeng napapalibutan ng ilang lalake. Tae siyang siya yung dinedescribe ko eh! Nagkaroon ba ako ng halusinasyon?! Pero nung kinusot kusot ko ang mga mata ko, nandun pa rin siya; at yung puso ko, naaabnormal na sa pagtibok! Shit. **** Kape's POV: Pes-palm tuloy ako. Nakakahiya talaga. Sa dami ng ma-L ngayon, sinong hinde gets ang Six Dix?! Nakita kong umakbay si Golteb key Nice. "Hi Beri Nice, gusto mo bang makakita ng gintong dragon na may sisiw?" Inales ni Gobilam ang kamay ni Golteb sa pagkakaakbay key Nice. "Tol in your dreams! Wala ka nun, nakita ko na yang iyo! Yan yung mahiwagang itim na dildo ng kabayong negro!" "PUTCHA NANINILIP KA NG KARTADA KO?! BADING KA DRE?!" Hinatak kong palayo sa kanela si Nice. "Ah Taguro braders, wag na kayong magtalo, aalis na lang kami." "ANONG AALIS?! Gusto pa naming makilala si Beri Nice!" sabay sabay nila akong binulyawan! "Wag na natin silang pansinin Master. Safe zone ang lugar na ito. Hindi nila tayo maaatake habang nandito tayo." ani Nice at may pahabol pa— "Wag ka nang magselos sa kanila. Hindi ko pinagnanasahan ang mga panget na yan kumpara sa pagnanasa ko para sayo." Tae yan na naman siya. Hinablot ni Golteb ang braso ni Nice. "Narinig ko ang sinabi mo ah? AKO PANGET?!" "Oo panget ka! Bagay sayo IGN mo. Mukha ka talagang betlog! Lumabas ka lang ng safe zone na to, babasagin kita!" Hala, nanggigil na si Betlo— este Golteb! "TALAGANG GUSTO MO AKONG SUBUKAN HUH?!" "—BITAWAN MO SIYA!" Lahat kami napalingon sa sumigaw. Usang binata na nakaitim at kita abs. May sandamakmak na kadena ang tumitililing sa likuran neya. IGN: KeroKeroppi Level: 99 Awa naman at binitawan ni Golteb se Nice. "Oy boy batingting, wag ka ngang makikialam sa pangchichicks namin!" Naningkit ang mga mata ni keropipi— ambot ano bang pangalan yan. "You unbalanced psychopathic asshole, hindi mo ba kilala ang kausap mo?!" Lumura si Golteb. "Pweh. Kilala ka namin! Kaya nga tinawag kitang 'boy batingting' di ba? Wala kaming pakialam kung GM ka pa. Kapag pinagsama sama ang level namin, mas mataas pa yun sa 99!" Umismed lang si Kerokepi. Kinuha niya ang isang linya ng kadena at pinanduro sa limang uragon. "Tatandaan ko yang mga IGN niyo. Siguraduhin niyong hindi kayo lalabas ng Seinen kundi, katapusan niyo na—" "Tara na nga mga kasama, wala tayong mapapala dito." niyaya ni Gobilam ang tropa niya. Nagsialisan sila sa wakas. "Ales na rin tayo Nice—" "—Sandali lang!" pinigil kami ni Kerokoppi. Lumapit siya key Nice at nakipagtitigan. Mukhang mey sasabihen siyang empurtante kay Nice— "—Bigyan mo ako ng limang anak." seryoso niyang sabi. Dang ASTEG! Bago na pala ang pagsasabe ngeyon ng 'mey gusto ako sayo'. Try ku nga yang sabihen kay Mie pag nagkita kame. Nagpasalet salet muna ng tingen si Nice saming dalawa. Tas kay KeroKopipo siya huling bumaling. "Wala kang dating sakin. Ayoko sayo. Kay master pa rin ako— tara na master." Hinila ako palayo ne Nice, at nung lingonin ko se KeroPokippi, maisog ang hitsura niya! [Maisog-matapang] De ko tuloy maiwasang kabahan— **** Kero's POV: Six Dix. That shit's pissing me off! Tatandaan ko ang IGN ng hayup na yun! Grr.. Nakakainis talaga. Dahil sa kanya mapupurnada pa yata ang balak kong pag-aasawa! Hindi pwede to sakin. Ipi-PK ko ang kamoteng yun kung kinakailangan! Sinamsam ko ang mga kadena kong nakalawit at tahimik silang sinundan. Eeeeewng~ BOOM! Napahinto ang lahat sa fireworks. Kasabay niyon nag-appear ang malaking 4D bulletin screen sa gitna ng Seinen plaza. Lumabas mula sa screen ang CGI events representative. "Raiders, oras na para sa isa sa mga big events ng Crown Raid Online— ang 'Gift of Eloquence'!" Marami sa mga player ang natuwa at nabuhayan. Ang Gift of Eloquence event ay isa sa mga chance para maabot ang pagiging GM lalo na ng mga Level 79 pataas. "—Ang lahat ay maaaring magparticipate. Pinakawalan na ng server ang boss Monster na si Kvasir at pagala gala na siya ngayon sa mga dungeons. May dalawang part ang event at mas maganda kung makikipagtulungan kayo sa kapwa niyo players. Ang unang part ay ang pangunguha ng Blood of Kvasir. Hindi required na patayin ang boss monster para sa event; ngunit ang makakapatay sa kanya ay may additional reward na 2million Liras. Ang Blood of Kvasir ay isang elixir. Kapag ininom iyon, marerestore ang inyong full health. Ngunit kung hangad ninyo ang mas awesome reward, proceed to the second part of the event! Iyon ay ang paghahanap sa mahiwagang chalice na kung tawagin ay 'Sonu'. Ang chalice na iyon ay isang rare item drop ng mga Fjal Gnomes. Tandaan ninyo, iisa lang ang Sonu at napakarami ng mga Fjal Gnomes na nagkalat sa buong Erdan. Kapag nakuha ang Sonu, maaari doong ilagay ang Blood of Kvasir upang maging Magical Mead! Ang lahat ng makakainom ng Magical Mead na iyon ay automatic na tataas ng 20 levels! Ang player na successful na makakagawa ng Magical Mead ay maaaring magpainom sa iba pang players hanggang sa maubos ang laman ng Sonu. Maaari ring nakawin ang Sonu kaya mag-iingat kayo. GOODLUCK AT SIMULAN NA ANG EVENT!" Isa pa ulit round of fireworks display ang sumakop sa kalangitan ng Seinen. "Master sumali tayo ng event, dali!" sa may di kalayuan, narinig ko ang future wife ko. Kinakalabit pa niya si Six Dix. Tch. Pareho lang silang Level 1 tas balak nilang magboss hunt? Kalokohan. Lumapit ako sa kanila. "Gusto niyong maunang makakita kay Kvasir? Alam ko kung nasaan siya—" Baka magalit sakin si Beri Nice kapag ni-PK ko si Six Dix agad agad kaya magandang ipaubaya ko na lang ang pagkamatay niya kay Kvasir. Fwahaha~ Tinaasan lang ako ng kilay ni Beri Nice ko. "—Ayun ba yung tinatawag niyong Kvasir?" tumuro siya sa Hilaga. Kitang kita dun ang silhouette ng isang higante na nagliliwanag ang mga Magentang marka sa katawan. Fuck. Higante nga pala si Kvasir. Sinlaki siya ng mount Everest kaya walang hindi makakakita sa kanya. "Oo siya na nga yun." mahina kong sagot. "Halika na master!" yakag ni Beri Nice kay Six Dix na halata namang na-gegay. Isinuot ko ang aking electronic map para ilocate kung nasaan ba si Kvasir, exactly: Vebar Icelands 133,702 Holy Shoe! Ang layo pala— Kung pupuntahan ng isang common player ang Kvasir, malamang na abutin siya ng 7days on foot at 3days on teleport! Pero kung teleport, ubos Mana yun. Kaya sigurado akong on-foot ang gagawin ng karamihan. Ena, masyadong matagal. Lumabas ako ng kapitolyo ng Seinen. Dun ako sa may kataasang burol. Isa akong Linker pero dahil sa constant na pag-aaral ng mga dimension gates, mas lumakas pa ang aking kapangyarihan. Itinapat ko ang mga palad ko sa direksyon ni Kvasir. "VITA SUMMONENDO!" Lumabas ang isang napakalaking magic circle sa aking harapan. Tapos ay nagsipag-angatan ang mga kadena ko na lumusot sa loob ng circle. Sinimulan ko na ang pagsasalin ng enerhiya mula sa akin patungo sa mga kadena. Ilang sandali lang ang nakalipas ay napuno ng usok at hamog ang paligid ko kasabay ng bayolenteng pagyanig! Nasa harapan ko na mismo ang higante— Kalebel lang ng mga mata ko ang bukong bukong niya. Nung tumingala ako, hindi ko maapuhap ang kanyang ulo. "Ang laki mo pa rin Kvasir, wala kang ipinagbago.." Ganito rin ang ginawa ko noon sa Kvasir na pinaslang ko dahil tinatamad akong lumapit sa kanya. Pero iba na ang sitwasyon ngayon. Kakampi ko ang Kvasir na ito. Humanda ka Six Dix. Katapusan mo na sa C. R. O. at sa tunay na buhay! —— Gate Spell: Vita Summonendo- Life Summoning direk_whamba Opus 115 Hio's POV: Hanggang kelan ko magagamit ang katawang ito? Totoo ba talagang kayang mag-take over ng isa pang Hio kung kelan niya gustuhin— Nawala ako sa concentration nung nagsiputukan ang mga fireworks sa ere. Kasabay nun ay ang pag-aanunsyo ng isang event na tinawag nilang 'Gift of Eloquence.' Kasalukuyang nasa Seinen ako; pero wala ako sa mismong plaza. Dinig na dinig lang sa buong kapitolyo ang boses ng announcer kaya may idea ako tungkol sa event. Goodluck na lang sa mga sasali. Wala akong interes sa mga ganyan. Ang interes ko ngayon ay nasa— May kung sino ang humablot sa maskarang hawak hawak ko! Tae maskara yun ni Eba! I squinted. Sinundan ko ng tingin ang nagnenok sa maskara. Sumuot siya sa isang eskinita sa bandang kanan. Pagliko ko, nakahinto lang siya. Saka lang siya naglakad ulit nung papalapit na ako sa kanya. Napansin ko rin ang maliit niyang height pati ang suot niyang itim na gown na frilly and lacy. "—Sandali!" pasigaw kong tawag. Lumingon siya sakin. Suot na niya ang maskara at nakatakip pa ng pamaypay ang kanyang bibig, akala mo kung sinong virgin na Maria Clara lang. Siya na nga yata si Eba? Nabasa ko rin yung IGN niya eh. Inaakit ba niya ako?! Namputcha. Iba talaga sex appeal ko eh. Partida na, nakamaskara pa ako nito! Sinundan ko siya pero dumistansya naman ako kahit paano. Papunta na yata kami sa pinakadulo ng kapitolyo. Binagtas namin ang pataas na daan patungo sa kastilyo sa tuktok ng talampas. Ewan ko na lang kung makasunod pa ako sa loob. Fortunately, nakapasok rin ako. Wala kahit isang bantay na kawal na siyang ineexpect ng lahat kapag nasa isang kastilyo. Ah di ko na problema yun. Nagpaka stalker mode na talaga ako at nakitawid na rin sa courtyard. Pumasok sa main door si Eba na ginaya ko rin. Pagpasok mo sa loob ng kastilyo, empty hall ang sasalubong sayo. Sa pinakagitna ay may isang napakalaking magic circle na nakaguhit sa pulang tinta. Naglahong parang usok si Eba pagtapak niya doon. Sinuri ko ang magic circle. Isa lang iyong transporter kaya di ko gaanong magets kung bakit sobrang laki nun. Galit sa space eh. Tumapak ako sa red circle. Dagli akong hinigop nun at napadpad sa isang shady na silid— ewan ko kung silid dahil sobrang laki eh. Sa kalagitnaan ay may susyal na sofa. Nakaupo dun si Eba, nakataas ang saya, at exposed ang nakakasilaw niyang legs. Naaappreciate ko na ang maliit na legs di gaya dati; thank Shall. May hawak hawak na mansanas si Eba at nakalahad iyon sakin. Seriously okay lang sakin kung kagatan ko ang mansanas niya pati na yung legs niya. PERO magagawa ko naman yun mamaya. May kung ano lang talaga ang higit na tumawag sa atensyon ko— Isang napakalaking crystal work ang nakadisplay sa likuran ni Eba. Sa pinakagitna niyon ay may pigura ng isang dalagita. Hindi iyon gumagalaw at parang nakatrap siya sa loob. Nagliliwanag ang kristal kada isang minuto. Tumatawid ang liwanag sa mga sinulid na parang galamay ng jellyfish sa tubig. Pinagkatitigan ko ang dalagita. Natigagal ako at ang tanging nasambit ko na lang ay— "—M-Minerva.." What the hell is she fucking in here?! Di ba nasa Eruditas siya? "WAG MO SIYANG GAGALAWIN!" saway sakin ni Eba nung hahawakan ko sana ang kristal. "Bakit hindi? Kaibigan ko siya! Hindi pwedeng pabayaan ko na lang siyang ganyan!" "—Kapag ginalaw mo siya diyan, mas lalo mo lang siyang ipapahamak." ani Eba. Tumayo siya at lumapit sakin. Ginagap niya ang isa kong kamay bago inilagay dun ang mansanas. "Sige na Adan, kagatin mo ang mansanas. Tinitiyak ko sa iyong makakamit mo ang karunungang ninanais mo." Tae. Alam kong MAY DAMIT AKO. Balot na balot pa nga eh. Paano ko aalisin si Mie sa loob ng kristal? Sino nga pala ang nagpasok sa kanya dun at sa anong kadahilanan? Nakakagutom mag-iisip. Sige na nga kakainin ko na tong apple. May kumuha ng apple na yun mula sakin! "Weiss alam mo ba kung para saan ang mansanas na ito?" Hopiamanipopcorn, pati si Redder nandito?! Player din ang ungas. May IGN siya at may level. IGN: Infinity Level: 99 AT— "Anong sinabi mo?! TINAWAG MO AKONG WEISS?" (pronouced as Vays. Weiss means day or light) Tumango si pierrot na si Infinity in-game. Biglang hindi na gumalaw si Eba. "Alam mo na ang katotohanan.. Subalit ikinalulungkot kong sabihin sa iyo na wala pa sa kalahati ang nalalaman mo." ani Pierrot. Bahagya akong napaatras. "Hindi ko na alam. Bakit kahit anong pilit ko ay hindi ako maaaring mamuhay ng simple? Ano ang kasalanan ko?" "Wala kang kasalanan Weiss. Kung may nilalang na dapat kang kapootan, walang iba yun kundi ako lang—" Whack! Inihagis ni pierrot ang mansanas. Kumawala ang isang nakakatakot na enerhiya mula sa prutas nung sandaling tumama iyon sa pader. "Ang tanging nakakaalam na isa kang anima ay si Div Umbra. Ang una niyang nakilala ay si Noir ngunit katagalan din ay nalaman niya kung ano ka. Sinabi ko kay Div noon na pangalagaan ka— na naging resulta sa kanyang pagkakatali sa impyerno. Nagsakripisyo siya para ilayo ka sa Erebus at sa Nyx." "Naalala ko yun." sagot ko. "—kukunin ko ang Erebus ngunit ayaw niya. Naaalala ko rin na pinag-iinitan ako ng Nyx." "Ang Erebus at Nyx ay mga negatibong ererhiya na makakapagpahina sa iyo samantalang makakapagpalakas pa lalo kay Grimoire." "S-sino si Grimoire?" "Si Grimoire ay ang totoong nagmamay-ari sa katawang yan, ang totoong master ng animang si Noir, at ang totoong destroying angel." Tumango na lang ako. Hinawakan ako ni Redder sa balikat. "—Ikaw ay si Weiss. At ikaw ay ang aking anima." Ako ay ang anima ni Redder? "Bakit?" "Noong unang panahon, may tatlong makapangyarihang nilalang na nilikha. Sila ang magiging hukom ng mundo balang araw, kapag itinakda nang magunaw iyon. Ang tatlong yun ay ang destroying angel, ang jester, at ang whisperer. Ang jester ang siyang tagabalanse sa dalawang nagbabanggaang magkasalungat na kapangyarihan, at ako yun. Sa paglipas ng panahon, nabagot ang destroying angel at piniling mahimlay. Iniwan niya ang kanyang anima sa mundo upang maging saksi sa mga pagbabago. Sa di ko malamang kadahilanan, ang whisperer ang siyang naging responsable sa pagbubukas ng tatlong tarangkahan ng impyerno. Mahirap para sakin ang makita ang whisperer kaya pinaalpas ko ang nangyari. Dumating din ang sandali ng isilang ang destroying angel. Siya lang ang may kakayahang makakita sa whisperer, subalit nag aalangan ako sa napapanahon niyang pagbabalik. Ginamit kita upang i-posess ang katawan ni Grimoire, hanggang sa naging dominante ka sa katawang iyan. May mga pagkakataong napagtatagumpayan niya ang pagkakasapi mo kaya nagagawa niyang magamit ang kanyang kapangyarihan lalo na nung maging bampira ang katawan ninyo. Paunti unti siyang gumagawa ng paraan para wasakin ka ng tuluyan. Sa tagal mo na rin kasing nakasapi sa katawang yan, humihina ka na. Nagbalik ka ngayon dahil binigyan kita ng lakas; ngunit kung nangyaring kinain mo ang mansanas na yun, tiyak na katapusan mo na." Mariin akong pumikit upang ianalize ang mga pinagsasabi niya. Parang ayoko nang maniwala. Pagkatapos ng katotohanan, may panibago na namang katotohanan ang darating— "Kung totoo ang sinasabi mong yan Redder, lumalabas na isa akong parasitiko na pinepeste ang katawang ito, tama? Bakit hindi mo na lang ipaubaya ang katawang ito sa tunay na may ari?!" Pak! Sinampal niya ako. Natanggal ang maskara ko at tumalsik yun hanggang sa paanan ng malaking kristal. "Noong una, wala akong pakialam kung ano ang mangyari sayo basta ang dapat ay mahuli ko ang whisperer gamit ang destroying angel. Kapangyarihan lang ang tingin ko sayo eh. Pero nung nakikita kitang masaya kasama ng mga taong natutunan mong pahalagahan at mahalin, namangha ako doon. Lalong lalo na nung mga ilang beses mong isinugal ang buhay mo para lang protektahan sila. Natutunan kitang mahalin bilang isang mahalagang parte ko." Sa tingin ba niya ay nakakatulong pa sakin ang mga sinasabi niya? "Makinig ka sakin Weiss, kahit gustuhin kitang tulungan, huli na ang lahat ngayon. Ang kaya ko lang gawin ay ang sabihin sayo ang lahat ng dapat mong malaman. Pagkatapos nito, ikaw na ang bahalang magdesisyon kung gusto mo pang mabuhay o maglaho na ng tuluyan. Nagising na ang totoong pagkatao ni Noir. Kapag nakilala ka niya bilang anima, tiyak na katapusan mo na—" tumuro si Redder sa itaas niya. "Kaya iwasan mo siyang tawagin. At layuan mo rin pansamantala ang babaeng yan—" sunod niyang itinuro si Eba. "Nababalot siya ng itim na kapangyarihan ni Grimoire, pero wag mo siyang sasaktan. Sa ngayon ay sapat ang iyong kapangyarihan para makatagal ka ng dalawang araw. Gamitin mo ang oras na yun para hanapin ang Whisperer. Wag mo hayaang mawala ang kontrol mo sa katawang yan." Inutusan na naman niya ako. Pero atleast mabait bait na siya ngayon kumpara sa last time. "Sandali, paano ko maililigtas ang kaibigan ko na nasa loob ng kristal? Alam mo rin ba kung bakit siya nasa loob ng kristal?" "Hmm.." inilagay ni Redder ang kanyang kamao sa ilalim ng kanyang baba. "—Siya ang nagsisilbing Generator ng lahat ng portal dito sa C. R. O. Ang alam ko ay regular nilang pinapalitan ang generator kapag namatay na ito." Kinuyom ko ang mga palad ko. "SINONG WALANGYA ANG MAY KAGAGAWAN NITO?! ANG WHISPERER BA?!" "Hindi. Walang direktang epekto ang kapangyarihan ng whisperer sa mundo at sa mga dimensyon. Naisasakatuparan ang kanyang mga balakin kapag may gumagawa niyon para sa kanya. Alam mo ba kung sino ang may-ari ng C. R. O.?" I shook my head. "Ang angkan ng Vral. Alam kong kilala mo sila. Ang kanilang angkan ay dating kilala bilang pinakamalakas na barbaro, subalit nung nagkaroon ng reporma sa pamahalaan ng mga bampira ay sumali na sila sa Eruditas." Inilahad sakin ni Redder ang kamay niya. "—Hindi mo maaaring iligtas ngayon ang iyong kaibigan. Kapag pinuwersa mo siyang ilabas ng kristal, mas lalo siyang mapapahamak. Ang tanging paraan para mapalaya siya ay ang kapangyarihan ng isang Linker. Kung wala ka nang iba pang gagawin dito, halika na at pansamantala kitang ilalayo dito." Bago ako humawak sa kamay ni Redder, kinuha ko ang maskara sa paahan ng kristal at muling isinuot. Nahuli ng mga Vral si Mie. Yun pala ang dahilan kung bakit sila interesado sa mga kagaya namin.. Ililigtas kita Mie. Hintayin mo ako.. —— direk_whamba Opus 116 Hio's POV: Gumulantang sakin ang napakalaki— NAPAKALAKI talagang higante! Tuhod lang niya ang pinakaabot ng paningin ko dahil sobrang lapit niya! Tancha ko ay nasa labasan lang siya ng Seinen. Nagre-appear ako sa kinatatayuan kong kalsada kanina bago ko sinundan si Eba Fonda. Wala na si Infinity so ako na ang bahala sa next 48 hours ko. Dug. Dug. Dug. Grabe ang pagyanig, feeling ko nagsasommersault ako sa sementadong daan. Hindi nasisira ang Seinen dahil nga safe zone. Blindspot iyon ng mga monsters kaya natural lang sa kanilang iwasan ang lugar. Ano ba ang dapat kong gawin?! "—WAAAH KANINA AYON SA LOCATOR KO NASA VEBAR ANG KVASIR! BAKIT BIGLA SIYANG NAPUNTA SA TARANGKAHAN PA MISMO NG SEINEN?!" sigaw ng isa sa mga player na dumaan sa gilid ko. "—SABI LINKER DAW ANG MAY GAWA NIYAN! SINO PA NGA BA?" anang isa pang player na kasama nung nauna. The 'Linker' word I heard ringed a bell. Ang sabi ni Infinity kailangan ko ng tulong ng Linker para palayain si Mie! Sa nakikita ko kasali ng event ang Linker. Hindi ko yun basta basta makukumbinsi na tulungan ako gayung prestigious ang mga rewards ng event. Ano kaya ang pwede kong maging kontra-offer para tulungan niya ako? Ah tama! Naalala ko ang tungkol sa Sonu! Wala pang nakakaalam kung ano ang hitsura ng Sonu na yun kaya siguradong mangangamote sa second part of event ang Linker! Habang busy silang lahat sa Kvasir, hahanapin ko na ang Sonu. **** Kero's POV: Nagtago ako sa kagubatan nang magsipagsuguran na sa Kvasir ang mga surebet na sasali ng event. Hehe idiots. Hindi basta bastang mahihiwa ng kahit anong talim ang balat ng higante. Gawa iyon sa pinakamatibay na adobe. Pinag-iibayo pa yun ng mga kristal na nakakabit sa kanyang katawan. Lalong hindi rin uubra dito ang kahit na anong elemental magic. "Ano to? Bat maraming kadena?!" Pang! Pang! Nagkalat ang mga kadena ko sapagkat nakapalibot ang kabilang bahagi ng mga iyon sa katawan ng Kvasir. Syempre kapag bumitaw sa link ko ang Kvasir, babalik siya sa dati niyang pinanggalingan! Pang! Pang! Hyahahaha! Kahit anong pukpok pa ang gawin nila, nuncang masira nila ang mga kadena ko! Namataan ko nang lumabas ng tarangkahan sina Six Dix. Ano kaya ang binabalak nila? **** Kape's POV: Maraming kadena ang nakakabit sa katawan ng higante. Matibay man ang yari dahil hindi nasira kahit nung sinubukang warakin yun ni Nice. Dug. Dug. Dug. Umaalog kami sa bawat paggalaw ng Kvasir! Pag di ka nag ingat, pisak ka! Kakatakut baya! "Dapat siguro wag na tayong sumali. Hayaan na natin to sa kanila." sabi ko key Nice. Pinandilatan niya ako. "Ano ka ba master? Isipin mo na lang na training to! Kailangan mong sumabak sa mga mapanganib na laban para mas lalo kang mag improve! Bampira ka na at yun ang way of living ng mga gaya natin!" May tama nga siya. Hinde pa ako masyadong ekspus sa mga mapapanganib na laban— Eka, ano ba ang dapat kong gawin? Walang silbe sa higanting ito ang AK. Eh kung bazooka kaya? Kaso parang bakal ang balat niya. Eh kung itanong ko muna kay Nice? [AK- Baril na pangmasa ng mga warfreak] "Ano ba sa tingin mo ang magandang gawin sa kalaban Nice?" "May napansin akong kakaiba master. Nasa malayong lugar kanina ang higanteng ito—" "—Miss ganda kanina natrace siya ng map namin sa Vebar Icelands. Sobrang layo nun at aabutin ng pitong araw ang player pag nilakbay yun!" mey sumingit na isang player sa pag uusap namin. Kras ata niya se Nice kaya mabait na nagshare samin ng impormasyon. Nginitian yun ni Nice sabay kindat. "Salamat sa impormasyon kuya!" Yawa halos mahimatay na si kuya sa simpleng pagpansin lang sa kanya ne Nice. "—Mabalik tayo sa sinasabi ko master, wala akong nakitang any sign na tumakbo ang Kvasir para mapunta dito. Samakatuwid, may nagtransport sa higante. Nakikita mo ba ang mga kadena?" Tumango ako. "Matibay ang mga kadena at walang makasira sa mga yun. Sa tingin ko ay hindi galing sa higante ang kadena." "Tama ka master. Kung titingnan mo ang pinanggalingan ng mga kadena— ang lahat ng iyon ay mula sa iisang direksyon lamang." Sinundan ko ng tingin ang dulo ng mga kadenang patungo sa pinakamalapit na pila ng puno. Walang pumapansin dun dahil busy ang lahat para tuklapin ang balat ng higante. "May nagtatago sa banda dun!" itinuro ko yun kay Nice. "Susugurin ba natin siya?" "Hindi natin gagawin yun." sagot niya. "May kutob akong isa ding Linker ang nagmamay-ari ng mga kadena. Kapag sinugod natin siya posibleng bitawan niya ang Kvasir." Isang Linker ang nagdala deto sa higante. Grabi napakalakas sigoro nun! Piro hindi ako papadaig. Mey naisip na ako. Ipinakita ko kay Nice ang bagay na hawak ko sa aking kamay. Kenina nung pinagmamasdan ko ang higante, iniisip ko kung lahat ba ng parte ng katawan niya ay may buhay. Nalaman ko ang sagot nung makakuha ako ng maliit na piraso ng kanyang bakal. "May protective hard shell ang higante at kaya ko yung tanggalin sa kanya!" Nangiti si Nice. "Equip!" Nagliwanag ang kanyang peri tas lumitaw sa mga kamay niya ang kanyang sandata. "—Piro kelangan ko muna ng space! Madadaganan tayu pag inalis ko ang mga bakal bakal!" Ininguso saken ni Nice yung mga kadena. "Kunin mo ang mga kadena. Automatic na lalayo ang higante. Ngunit bago yun, hantayin mo muna akong makadikit sa kanya. Tas kunin mo ang shell niya. Sasamantalahin ko yun para makapag extract ng Blood of Kvasir." Tumalon si Nice papunta sa isang daliri ng paa ng higante. Itinusok niya sa gatla ng kuko ang kanyang espada. Tumango siya sakin pagkatapos. Umatras ako ng konti para may bwelo. Saka ko dinama sa mga kamay ko ang kadenang tinititigan ko. Nung nararamdaman ko na sila, agad kong hinatak. **** Kero's POV: GODDAMNIT! WHO THE FUCK DID THAT?! Halos masakal ako nung may matinding pwersa ang humila sa mga kadena ko— Nawala sa pagkakagapos ko ang Kvasir at automatic na bumalik iyon sa original location. Lumabas ako sa pinagtataguan ko para lang makita si Six Dix na hawak ang kabilang dulo ng mga kadena ko! "YOU FUCKING DICK! NAPIPIKA NA AKO SAYO ALAM MO BA?! BITAWAN MO ANG MGA KADENA KO NGAYON DIN!" "Eh di bitawan.." pa-cool niyang sagot sabay bitaw sa mga hawak niya. BANG! Halos humambalos sakin ang lahat ng kadenang ibinalik niya! "YOOOUUUU DUMBASSSSS!" Paano niyang nakuha ang kadena ko?! Isa ba siyang— Nagfocus siya sa direksyon kung nasaan ang Kvasir. Itinaas niya ang mga kamay niya... Don't tell me he'll fuck that giant?! "HOOOOY GAGO DELIKADO YANG INIISIP MOOOO! YOU MAD BRO?!" sigaw ko. Wait. Bakit ako concern sa mapapala niya? Bahala siya— **** Kape's POV: Langya kala ko se Dodong Hio lang ang foul-mouthed na bampera. Di yata't nanghawa siya ng virus neya! Minura mura ako ne KeroKokok nung nakita neyang ninenok ko ang kadena niya. Ih malay ko bang sa kanya pala yun. De naman niya ako inatake kaya tinuloy ko na lang yong plano namen ni Nice. Heto... nanginginig ang buong kamay ko habang pinipilit kong ilagay sa isip ko ang kabuuan ng higanteng nasa malayo. Kaya ko baya ito?! Kailangan kong pigilin ang panginginig na to. Go Kape go! Arggh.. MAUL-OL! (Masakit) Pero nararamdaman ko, konte na lang— GRUMBLE! GRUMBLE! Yomanig sa paligid ko. Lalo pang tumindi ang pagnginig ng mga kamot ko! Para na rin akong nahahapo. Ang hirap humingaaaa— "—Paghiwalayin mo ang dalawang braso mo. Mas effective yun kapag malaking bagay ang gusto mong i-link." napalingon ako kay KeroPoppi na nasa tabi ko na pala! **** Kero's POV: Ewan ko ba kung anong pumasok sa isip ko at naisipan kong bigyan ng tip itong si Six Dix. Pwedeng pwede ko na siyang i-PK ngayon kung tutuusin eh. Napakaungas niya to let his guard down and focus on 'greater' things. I therefore conclude that he's an idiot with nothing but one neuron and six dicks! Fuck. He'll be a freaking freak if he really have six dicks. And now I have to add that he's a certified king of idiots for taking my advice! Pinaglayo nga niya ang dalawang braso niya (an arm position like you're welcoming some crazy slut in open arms) AT INULIT ANG LINKING PROCEDURES! "Seryoso ka ba talaga sa ginagawa mo? Kahit Linker ka pa, may mga bagay na sadyang hindi pwedeng hawakan ng ating mga kamay at hindi pwedeng i-link kaya isuko mo na yan. Go find some other way para—" GRUMBLE! GRUMBLE! Mas matindi ang pagyanig ngayon. Nagcoconcentrate ang air pressure sa magkabilang gilid ni Six Dix. Holy shit may tumutulo nang dugo sa ilong at bibig niya! "Six, pag hindi mo pa itinigil ang katarantaduhang yan, you'll fucked up! I SWEAR GANYAN DIN YUNG NANGYARI SAKIN NUNG—" HOLY SHIT! Nasa harap namin ang outer hard shell ng Kvasir... I can see the fleshy giant from a distance, swaying as if in pain. Tumumba si Six Dix pero hindi niya inilayo ang kamay niya sa napakalaking piece of crap metal. Creak! Creak! Isa pang HOLY SHIT! Tutumba na yung buong hardshell! Don't freaking forget that that's mountain high! We'll skyrocket to hell pag nabagsakan kame! Nagteleport ako ng mga isang kilometro. Binuksan ko ang magic circle ko at inilusot dun ang aking mga kadena. Kinuha ko ang halos kalahati ng papabagsak na hardshell ng Kvasir. Phew. Mas mahirap talaga ang object summoning kesa sa life summoning. Pag life summoning kasi, nagrereact agad ang soul sa aking magic circle; mas napapadali ang proseso. After five minutes pinalaya ko ang link ko. Nawala ang hardshell sa harapan ko. Nagteleport ako pabalik kay Six Dix. Hindi pa rin siya gumagalaw. May '£' sign sa ulo niya. That's how I know na buhay pa siya. Ang £ sign ay nag-aappear kung may nakuhang reward cash ang isang player na pwede niyang i-claim sa treasury ng Seinen. He just got a whopping 2million Liras for the shit he’s done. Mahina ko siyang sinipa sa tagiliran. "Bitawan mo na yan. Napatay mo ang Kvasir dahil sa ginawa mo." "H-ha?" he asked stupidly. "Ang utak at puso ng Kvasir ay nasa kanyang hardshell. Hindi mo ba alam yun?" Umiling siya tas inilayo niya ang kamay niya mula sa higanteng metal; na agad nawala. Nag-indian seat pa siya akala mo walang nangyari. "Hindi ka pa aalis?" tanong ko. "Hihintayin ko dito si Nice." sagot niya. Wow. Mahihintay niya ang isang linggo? Naiinis ako na naaawa sa kakaiba niyang mentality. Para siyang kinulang sa sustansya! At mas naaawa ako sa sarili ko dahil binalak ko siyang patulan kanina lang. —— direk_whamba Opus 117 Hio's POV: Fjal Gnomes, two-feet creatures na may pointy hats. Mas cute sila kesa sa mga Dwarves. Ang mga dwarves kasi mukhang mga gurang at balbasin. Kung mga craftsman ang mga dwarves, ang mga gnomes ay may itinatagong treasures saan man sila naglulungga. Same ang behaviour nila sa mga Leprechauns; pero ang mga leprechauns ay mga fairies naman na nagdidisguise bilang old man in green. Pag nahuli mo sila, dun lang nila irereveal ang tinatago nilang pot of gold. Ayon sa mga napagtanungan kong players, maraming Fjal Gnomes sa Underground dungeons ng Vebar. Pumunta ako dun kaagad gamit ang Fumus Ala. Tinatawag na dirt underground ang dungeon kung saan naglalagi ang mga midget creatures. Mayroon yung apat na basement pababa. Sa first basement pa lang dagsa na ang mga players na pumapatay ng mga Gnomes. Takte annihilation na ang ginagawa nila eh. But that's a good sign meaning wala pang nakakakuha sa Sonu. May lumapit saking isang Gnome. Inuumpog niya ang noo niya sa kaliwang binti ko. Hehe. Masyado siyang cute para patayin. Tsaaak! Isang player ang sumaksak sa ulo ng Gnome. Agad naglaho yun at may iniwang ilang barya na pinulot pa ng player na yun. "Putya, KS ka ah?!" reklamo ko. [KS- Kill-Steal, pang-aagaw sa monster na kinakalaban na ng ibang player pagkatapos ay kukunin mo pa ang drop] Itinutok niya sakin ang hawak niyang spear. "Bakit papalag ka? Tss.. Level zero." IGN: Manic Level: 31 Nagkibit-balikat na lang ako. Iiwas ako sa gulo hangga't maaari. Tinalikuran ko siya pero wala yata siyang balak patakasin ako— "TORPESCO!" sigaw ko. Masama talaga akong nagugulat eh. Nag-appear sa itaas ng ulo niya ang isang magic circle. Nilamon siya ng liwanag na nagmula dun at ginawa siyang batong estatwa. Kusang gumalaw ang kamay ko— na huli na para pigilan ko. Dinurog ng kamay ko ang batong estatwa. Crumble! Crumble! Nanginginig ang kamay kong may mga alikabok pa. May kung anong pwersa ang nanlalaban sa loob nun. Si Grimoire yata yun. Mukhang mahirap ang pinapagawa ni Redder sakin. Hindi ko daw pwedeng hayaan na makabalik sa kontrol si Grimoire at hindi ko rin pwedeng hayaan na makatakas siya sa loob ng katawang ito. Anak ng pusang baog. Ang hirap lang magpigil. Si Grimoire ang power source ko eh. Kapag gumagamit ako ng gate spells, nadedrain ako ng negatibong kapangyarihan. "—May PKer dito!" "—Anong gagawin natin?" Pinagtitinginan na pala ako ng halos lahat ng player. Karamihan sa kanila ay nagtatakbo na papunta sa ibang cell. Yung iba deadma kunwari pero alerto; mga tipong passive at gagalaw lang pag prinovoke mo. Para wala na TALAGANG gulo, bumaba ako sa basement 2. Lesser players in here dahil may iba pang mas agrresive monster na kasama ng mga Fjal Gnomes— ang mga poisonous Mandragora. Halaman sila na na may makakapal na ugat. Gumagapang ang mga yun at nanglilingkis. Ang simpleng pagdikit sa kanila ay nakalalason na. Kinailangan kong maglakad sa kisame para hindi nila ako mabiktima. Mabuti na lang at may palundag lundag na Gnome. I caught one when I stretched out my hand. Niyakap ko ang Gnome na parang flush doll. Kasi nga ang cute niya. Pwede bang dalin ko to IRL tas ibibigay ko kay Aster? Nagulat ako nung biglang nagliwanag ang Gnome na yakap ko. Naglaho siya— awe! Pero may pumalit sa kanya na isang silver chalice na tadtad ng mamahaling gemstone! What the fuck?! Ito na ba yung Sonu? Ba't ang dali kong nakuha?! Baka naman lahat ng Fjal Gnome ay may posibilidad na carrier ng Sonu? Tas kung sino ang maunang maka-figure out kung paano yun kukunin, sa kanya mapupunta ang Sonu! Ah so para makuha mo ang treasure na itinatago ng Gnomes, hindi dapat sila patayin bagkus ay dapat mo silang kumbinsihin na karapat dapat ka sa treasure nila! Neat. Tit. Tit. Tit. Tumunog ang public message alert. Nagpakita sa harap ko ang isang holographic bulletin na kusang lumalabas kapag may public announcement ang server sa mga players. "—Hello Raiders! Napatay na ang Kvasir at nakuha na ang Sonu! Ito na ang fastest time na nagawa ang dalawang part ng Gift of Eloquence event sa kasaysayan ng C. R. O.! Hinihintay na lamang kung sino ang pagpapalain ng Magical Mead! GOODLUCK RAIDERS!" Nag-fade ang bulletin pagkatapos ng mensahe. Nakakuha kaya ng Blood of Kvasir ang Linker? Sana lang.. Nang-loot ako bago bumalik ng Seinen para may pambayad ng bulletin fee. [Loot- items o pera na nilalaglag ng mobs. May mga players na hindi interesado sa loots kaya pinapabayaan na lang nila hanggang sa may ibang player na pumulot] Nagpa-announce ako na kailangan ko ng tulong ng isang Linker kapalit ng Sonu. **** Kape's POV: Mahilo hilo pa ako habang nakaindian seat. Tuyok tuyok ang paligid. [Tuyok- ikot] Nakiindian seat din sa tabi ko si Kero. "Hindi ko akalaing may makikita pa akong kapwa ko Linker dito sa C. R. O. dahil bibihira na lang ang mga gaya natin." Tumango tango ako. "Kilan ko lang nadiskubre ang kapangyarihan ko. Marami pa akong hindi alam." Tinapik niya ako sa balikat. "Napakareckless mo kung ganun. Hindi ka ba natatakot mamatay?" "Natatakot." sagot ko. "Pero may nagturo sakin na sa buhay, kapag walang wala ka, hindi ka na dapat nagkakaroon pa ng hesitations. Once nasimulan mo nang isipin, ituloy tuloy mo nang gawin." "Ganun ba.." aniya. Wala na akong maisipang sabihin sa kanya pero pakiramdam ko gusto pa niyang magsalita pa ako. Magkwento ba. Mabuti na lang ang dumating se Nice. Dun siya nanggaling sa loob ng Seinen! WEH?! Paanong—?! "—May mabait na porter ang naghatid sakin pabalik ng Seinen. Ang galing mo master, tagumpay tayo!" Pinakita niya samin ang holographic backpack niya. Marami siyang nakuhang Blood of Kvasir. "Parang kagaya sa Mercury element ang consistency ng Blood of Kvasir. Mabigat siya at kapag pinaghiwalay mo ay nagiging bilog." Ibinigay niya sakin yung tatlong bilog na Blood of Kvasir. Ibinigay ko ang isa kay Kero. "Ah, hindi. GM na ako kaya hindi ko na kailangang sumali ng event—" tanggi niya. Ipinilit ko pa rin. "Full health restore ito di ba? Tutal tinulungan mo naman ako kenina." Ayun tinanggap din neya. "Aay master, may 2million reward ka pala! Kunin na natin yan sa treasury. Hati tayo ah?" Oo na lang ako. "—Alam niyo ba kung nasaan ang treasury? Sasamahan ko kayo!" sabi ni Kero. Eh madali lang makita ang mga shops sa Seinen titingin ka lang sa townmap. Bakit di na lang niya kasi direchong sabihen na gusto niyang sumama samin. Ngumiti ako. "Gusto mo bang sumama samin habang nandito kami sa game?" Sumimangot se Nice. "Huy master?! Seryoso ka?!" Halatang nagulat se Kero sa proposition ko. Atleast hinde na siya magmukhang timang. "Hmp. Ang swerte niyo para may makasamang GM! Pero sige, tutal nabobore na ako." Inilahad ko sa kanya ang palad ko. Nagshake hands kami. Nung bumalik kami sa loob ng Seinen, nadaanan namin ang isang anunsyo sa gitna ng plaza. Pwede yung gamitin ng mga players kaso may bayad ang magpa-announce sa 4D bulletin na yun. Isang player na ang IGN ay Adan ay nangangailangan ng tulong ng isang Linker kapalit ng Sonu— Pamilyar saken ang pangalan na yun. Pero baka nagkataon lang. "Oh.. Si Meister Adan ata yan eh!" bulalas ni Kero na binabasa rin yung anunsyo. "Kilala mo si Meister Adan?!" sabay naming tanong ni Nice. "Oo naman. Siya yung Meister ko sa Eruditas sa pag-aaral ng mga dimensyon. Bigla na lang siyang nawala last month, yun pala active siya dito sa C. R. O." Si Hio na nga yata yung tinutukoy niya! "Paano mo naman nasabing siya yun? Baka napagkamalan mo lang?" tanong ko para makasiguro. "Hindi, siya talaga yun. I fucking swear! Sinalubong siya ng kaklase ko pagka-join niya ng game na to. Adan talaga ang IGN niya." "—Tingnan mo master, may ibinigay siyang coordinates! At dito lang din sa loob ng Seinen!" Binalikan ko ng tingin yung bulletin at tiningnan yung sinasabi ni Nice. Tama nga siya. "—Tara puntahan natin!" yakag ko sa kanila. Seinen 289, 322 272, 184 280, 300 Nakarating kami sa paakyat na daan papunta ng malaking kastilyo. Bago makarating ng tarangkahan, may taong nakatayo. Kinilabutan yata ako nung matandaan ko kung saan kami unang nagkita— Doon sa Graveyard! Siya yung nakamaskara na umatake sakin habang nang-iisnipe ako ng mga Ningyo! Nakakatakot ang aura niya noon na hindi ko maramdaman ngayon. Siguro itinatago lang niya yun. Napaatras ako pero nahawakan ni Kero ang braso ko. Tas kinawayan niya pa yung nakamaskara! "Meister! Ikaw ba yung nangangailangan ng Linker?! Eto oh!" itinaas pa ni Kero ang kamay ko at iwinagayway; eh di ba Linker din siya?! Bat ako inuna niya?! Humangos na lumapit samin ang nakamaskara. Adan nga talaga ang IGN niya. Di ko yun napansin dati sa takot ko. Hinawakan niya ako sa magkabilang braso ay bayolenteng niyugyog. "Kape, anong ginagawa mo dito?!" Kilala ko ang boses na narinig ko. Sa tinagal naming nagsama, imposibleng di ko marecognize ang boses ni pareng Hio. —— Gate Spell: Torpesco- Petrify direk_whamba Opus 118 Hio's POV: Naalala ko na. Player nga pala ng C. R. O. si Kero at Linker siya. Pero bakit kasama niya si Nice pati si Kape na ipiniprisinta niya pang Linker? May kapangyarihan si Kape? Kaya ba naglakas loob siyang pumasok dito sa C. R. O.? "Kape, anong ginagawa mo dito?!" Binitawan ko rin ang mga braso niya nung mapansin ko ang takot na takot niyang hitsura. Bahagya akong lumayo sa kanya at inialis ang suot kong maskara. "Ako to!" Nahimasmasan naman si tanga nung mamukhaan ako. "Hi— este Adan! B-bakit ka ba nandito?" tanong niya. Nagpasalit salit ng tingin samin si Kero. "Magkakilala kayo?" "Oo." chorused naming sagot ni Kape. And what a fucking name is SIX DIX?! Sakin huling bumaling si Kero. "Meister, totoo bang nagresign ka dahil naadik ka dito sa C. R. O.?!" Ako nagresign?! Malamang na kagagawan yun ni Grimoire. Ano pa ba ang mga na-miss ko nung pansamantala akong nawala? "Anong petsa na ba?" Humawak si Kape sa balikat ko. "Alam mo bang mahigit isang buwan ka nang nawawala at dalawang linggo ka na naming hinahanap ni Nice? Ke ano dong?" Mahigit isang buwan na pala... Ibig sabihin— "TAPOS NA ANG BIRTHDAY NI ASTER?!" oh shit. Fuck you Grimoire. Tumango si pare. "Alam mo ba, umiiyak yung anak mo nung dinalaw namin siya sa boarding school neya—" "Anong boarding school?" kunot-noo kong tanong. "Hindi ba siya kasama ni Shall?" "Nawawala po si Lady Shall, mahigit isang buwan na rin. Pero bago siya nawala ay nakapag-arrange na siya para ipadala sa isang boarding school ang anak ninyo." sagot ni Nice. What the— aray, sakit ng batok ko. Kahit gusto ko pang i-check si Aster, wala naman akong oras! "Pero okay lang ba siya dun? Naaalagaan ba siyang maigi?" Sana lang. Alam ko ang pakiramdam na iiwan ka sa isang institusyon dahil walang mag-aalaga sayo. Sana rin wala siyang maging tagapatnubay na matutina at istrikta. "Sa tingin ko ay maaalagaan siya dun. Nakausap ko yung headmistress. Mabaet baet naman." Haysalamat. "Eh si Shall kaya? May alam na kayo kung nasaan siya?" "Wala pa eh. Lahat kayo nawawala. Pati si Mie—" Ah oo nga pala. "Nakita ko na si Mie. Kaya ko kailangan ng tulong ng isang Linker ay para iligtas siya!" "BAKIT?" "Ah.. Kasi— basta sundan niyo na lang ako!" muli kong isinuot ang maskara at nagpatiunang pumasok ng tarangkahan. Nung makarating na kami sa main hall, wala na dun yung malaking magic circle! Naaalala ko pa ba ang inscriptions na ginamit dun?! "Peram ng kahit na anong patalim." susubukan kong irewrite yung magic circle. Iniabot sakin ni Kero ang isang rapier mula sa kanyang storage. Gamit yun, ginasgasan ko ang marmol na sahig. Nagflash ang magic circle once na natapos ko ang pagguhit. "Tara na. Nandito si Mie." nagsettle kaming apat sa pinakasentro. Dagli kaming natransport sa lugar na pinagdalhan sakin kanina ni Eba. Lahat sila ay di makapaniwala nung nakita nila ang malaking kristal. "Sino ang nagkulong sa kanya diyan?!" galit na tanong ni Kape. Nagkibit balikat ako. May ideya ako, di ko nga lang ma-pin point kung sino. "—Ang mga Abductors ang may kagagawan niyan." ani Kero. "Sila ang pinakamalakas at pinakamaimpluwensya sa lahat ng mga GM dito sa C. R. O." "Sinabi na sakin ni Soon ang tungkol sa mga abductors na yan; pero hindi ko pa sila nakikita kahit kelan." Lumapit si Kape sa kristal at pinagmasdan ang nakakaawang hitsura ni Mie. "Paano siya mailalabas dito?" "Kunin mo ang kristal. Gawin mo yung gaya ng ginawa mo kanina sa Kvasir." ani Kero. Okey. Linker nga talaga siguro si Kape. Bumuo kami ng mabilisang rescue operation. Lumayo ng ilang metro sina Kape, Nice, at Kero. Si Kape ang magtatransport sa kristal tas back up niya si Kero, habang si Nice naman ang babasag dun. Ako na ang bahalang kumuha kay Mie kapag nawala ang kristal. **** Kape's POV: Sinimulan ko ang pag-link sa napakalaking kristal na nagkukulong kay Mie. Hinde ko talaga inaakalang sa ganitong sitwasyon pa kami muling magkikita. Tama ang desisyon naming pumasok dito sa C. R. O. "—Nanginginig na naman ang mga kamay mo. Kaya mo pa ba talaga?" puna ni Kero. Medyo hindi na, piro kakayanin. Wala ito kumpara sa kanina. Kaya pa— Crack! Crack! Naglamat ang kristal pero hindi ko pa rin siya nakukuha. "Aaaaaghh~" nadinig naming lahat ang impit na daing ni Mie! "Nasasaktan na siya! Itigil mo muna—" hinawi ako ni Kero. "Ano bang problema mo? Wag kang magmadali! Kumalma ka lang. Hindi mo yan madadaan sa pagmamadali!” Mey tama siya. Muntek ko na yung makalimutan. Kinakabahan na kasi talaga ako dahel hinde na maupay ang kalagayan ni Mie sa loob ng kristal! Huminga ako ng malalim bago muling inulit ang paglink. Inalalayan na rin ako ni Kero para syor na hindi na ule ako papalya. Nahawakan ko na sa wakas ang sorpis (surface) ng kristal. Dahan dahan ko yung hinila palapit saken. Sinalo agad ne Dong si Mie at binuhat patungo samin. Smash! Winasak naman ne Nice yung kristal kaya durog durog na yun nung bumalek sa orihinal na pwisto pagkabitaw namin ni Kero. "Heh.. Sinira ninyo ang portal generator! Alam niyo ba kung ano ang magiging bunga ng inyong kapangahasan?!" HINO MAN NASARING NUN?! Hindi baya yun boses ng isa man samin! (Sino ang nagsabi nun?) "—Mabuti naman at nagpakita ka?" kusap ne dong yung bukas na bintana— ah ambot. Baka may nakikita seyang hindi namin nakikita, o baka molto! Bumaling sakin si dong. Ipinabuhat neya sakin si Mie. "Ingatan mo siya at wag mo siyang hayaang malayo ulit sayo. Umalis na kayo dito sa kastilyo. Kero at Nice, kayo din. Kung may pagkakataon, mag-log out na kayo dito sa C. R. O. at wag nang babalik pa!" **** Hio's POV: "—Ih ikaw dong? Hindi ka ba sasama samin?" "Hindi. May kailangan pa akong gawin. Lumakad na kayo bilis! Susunod ako sa inyo pagkatapos. Padadalahan ko kayo ng mensahe—" bago ko pa makalimutan, inilabas ko ang Sonu at ibinigay kay Kape. Wala yung silbi sakin. Ibenta niya o itapon, bahala na siya. Hinaltak na ni Kero ang braso niya. "Mas mabuting sundin na lang natin si meister. Wala ka bang tiwala sa kanya ha?" Napilitan na din siyang sumunod. "Ilalayo ko sila sa kastilyo na ito meister at tutulungan silang mag-log out. Pero ako, mananatili dito sa C. R. O. Hindi kita maintindihan. Kasi matagal na akong player dito— hindi ko basta bastang bibitawan ang larong ito dahil masyado na akong maraming na-achieve dito." pahabol ni Kero. "—Wawasakin ko ang C. R. O. Kero. Yun lang ang malinaw kong masasabi sa ngayon." "Kung gagawin mo nga talaga yang banta mo meister, pipigilan kita. Paalam na." Lumabas silang lahat sa malaking pinto na nasa dulo ng silid na ito. Pinanood ko lang sila mula sa sulok ng aking paningin. Ang buong vision ko kasi ay focused pa rin sa whisperer na nakaupo sa window sill. Hindi siya bastos ano? Hinintay niyang matapos ang pag-uusap namin hanggang sa pag-alis ng mga kaibigan ko— "Ano nga ulit ang sinasabi mo tungkol sa portal generator?" tanong ko sa whisperer. "Wala. Hindi naman yun ganun kahalaga—" aniya. Humakbang ako papalapit sa kanya. "Sigurado akong sinadya mong palayain ang portal generator. Hindi ako tanga para hindi maisip yun. Kasi kung talagang vital siya para sa C. R. O., you can do better para hindi siya ganun kadaling matagpuan." Nagdekwatro siya. "Wala naman talaga akong pakialam kung makalaya siya o hindi. Wala rin akong pakialam sa C. R. O.. Ang gusto ko lang ay gawin ang mga bagay na makakapagpaengganyo sakin—" "PORTA AQUAE DECURRENTIS!" Swwishh! Rumagasa sa kanya ang ga-ilog na dami ng tubig na may malakas na current galing sa isa sa mga gate seal ko. Kaso nabalewala lang yun. Lumabas lang ng bintana ang tubig dahil nakapagteleport agad siya sa likuran ko. "Sa akala mo ba ay maaapaektuhan ako ng kapangyarihang elemental?" "Nagwawarm-up lang ako—" palusot ko. Gagawa na sana ako ng tamang seal para mahuli siya... Kaso— Naramdaman ko na naman yung pakiramdam na para bang may nagpupumiglas sa loob ko. Hindi na naman ako sinusunod ng mga kamay ko. Bakit ganun? Ang akala ko kaya ko pang makatagal ng atleast two days? Unti unti nang sumisingaw sa katawan ko ang masamang aura ni Grimoire. Mas lalong hindi ako makapag isip ng tama. Mahapdi ang aura na yun— parang asido kung makapaso sakin! Walang ginagawang kahit na ano ang Whisperer bukod sa pag-oobserba sa nangyayari sakin. Bumalik pa talaga siya sa pag-sitting pretty sa basang window sill! Naisip kong hindi naman talaga invasive ang gaya niya, kundi evasive. Ang mga direktang pag-atake sa kanya ay iilagan lang niya o kaya ay tatakas siya. Umaatake siya sa paraang hindi mo inaakala. Kayang kaya niyang baguhin ang takbo ng mundo mo sa isang iglap... "Hanga din ako sayo. Sumapi ka sa katawan ng isang mapanganib na nilalang at nakokontrol mo pa talaga ang isang tulad niya! Hindi ka ba naaawa sa kalagayan mong yan?" Heh! Masuwerte pa nga ako kung tutuusin eh. Ang mga partial na anima gaya ko ay wala talagang katawan. Kadiri naman kung 24/7 akong nakabuntot kay Redder di ba? Deserve ko ang katawang ito. Mas deserve ko pa kesa sa totoong may-ari. Yun nga lang ramdam ko na talagang wala na akong itatagal. For twenty one years, nabuhay akong standalone— ibig kong sabihin humiwalay ako totally kay Redder kaya hindi na narereplenish pa ang kapangyarihan ko. Darating at darating talaga ang aking paglalaho. Pero bago ako mawala, o bago ako bumitaw, sisiguraduhin kong kasama si Grimoire. Arrgh.. Hindi ko inaasahan ang biglang pag-agos ng itim na kapangyarihan sa aking buong katawan. Natalo ako... —— Gate Spell: Porta Aquae Decurrentis- Gate of Rushing Water direk_whamba Opus 119 (3rd Person) Nabawi na ulit ni Grimoire ang katawang hindi niya napakinabangan ng mahigit dalawampung taon. Hindi niya isusuko ang katawang yun kahit pa gaano yun kawalang kwenta dahil parte pa rin yun ng kanyang existence. Isa pa, hindi niya magagamit ang kapangyarihan niya to the full extent kung sasanib na naman siya sa ibang katawan. Itinuro niya ang kanyang hintuturo sa el Fuhrer. "MAGLAHO KA NA WHISPERER! AKINA ANG KAPANGYARIHAN MO!" Tumakas mula sa dulo ng kanyang hintuturo ang isang pahabang linya ng itim na kapangyarihan. Sumusunod yun sa galaw ng kanyang braso; at ang lahat ng madaanan niyon ay nawawasak. Napilitang tumakas ang whisperer. Dumaan ito sa bintana at nagpahabol gaya ng palagi nitong ginagawa. Sinundan siya ni Grimoire sa labas. Nagsettle siya sa itaas ng isang spire at hinanap ng paningin ang kanyang target. "HAHAHAH! PAGBIBIGYAN KITA KUNG MAS GUSTO MONG SA MALUWANG NA LUGAR KITA PAHIHIRAPAN!" Buong kamay na ang ginamit niya. Gumawa siya ng bolang itim at ibinato randomly sa mismong syudad ng Seinen. Sumabog ang mga yun na parang bomba ngunit wala kang maririnig na kahit ano; at wala rin itong itinitirang kahit ano. Nagiging blangko ang lugar na tinatamaan ng pagsabog. Nasa ikaapat na bolang itim na ang ibabato niya nung may lumipad na kung ano mula sa apat na direksyon. Tumulo ang dugo mula sa mga butas ng suot niyang maskara— Apat na malalapad na patalim ang nagpahinto sa kanya. Nagkabit kabit ang mga dulo nun at pahigpit nang pahigpit habang bumabaon sa kanyang dibdib. Bumigat yung isa na nakabaon sa likuran niya dahil may nakatuntong doon. "NASAAN ANG WHISPERER GRIMOIRE?" si Redder ang pangahas na gumapos sa kanya. May hawak pa itong napakalaking lancer na handa nang ibaon sa bungo niya anumang oras. "MAGLALAHO ANG PINAKAMAMAHAL MONG ANIMA KAPAG PINATAY MO KAMI. SA ISANG BAHAGI SA LOOB KO, NARIRINIG KO PA ANG MAHINANG BOSES NIYA—" "—YUNG TINATANONG KO ANG SAGUTIN MO!" BAM! Inihambalos ni Redder sa ulo ni Grimoire ang hawak niyang lancer kaya bumulusok pababa si Grimoire. Paglagapak niya sa courtyard, naararo niya ang mga cobblestones. Nakaabang pa ulit si Redder at nakaamba na naman ang lancer nito. "Hindi ka ba talaga magsasalita Grimoire?" sarkastiko na ang tono ni Redder. Naalarma si Grimoire nang bigla siyang makulong sa loob ng isang pyramid ng mga simbolo. "—N-nagbibiro ka ba? Hindi mo—" "HINDI AKO NAGBIBIRO. Wala akong pakialam kung mawala sakin si Weiss ngayon. Dun din naman ang kahahantungan niya di katagalan." "Sa clocktower ng Seinen. Nakatayo siya sa may tuktok—" BANG! Iniwasan ni Redder ang isang biglaang aerial attack mula sa isang nakamaskarang babae: si Eba. Naglaho ang pyramid ng mga simbolo na kumukulong kay Grimoire dahil nawala sa konsentrasyon si Redder. 'Harlequin nasaan ka sa mga panahong kailangan kitaaa?!' saisip isip ni Redder. Minanipula ni Eba ang matalas na device para maalis sa dibdib ni Grimoire kung saan iyon patuloy na bumabaon. "Hindi ko basta isusuko sayo ang whisperer. AKIN SIYAAA!" ani Grimoire pagkatayo niya. Bigla din silang naglaho ni Eba. Kung saan pupunta si Grimoire ay tiyak na nandun ang whisperer. Sinundan niya ang aura niyon at napadpad siya sa gitna ng mga nagkakagulong players. Inaccessible ang portal patungo sa ibang maps ng C. R. O.. Walang magic circle sa gitna ng dalawang poste. Ang iba ay lumabas ng kapitolyo mula sa apat na gate ng syudad. Dahil siya ay may status ng GM, pinagkaguluhan siya na parang artista. Inulan siyang ng kung anu anong reklamo. "—Hindi kami makapag log out ng game!" sigaw ng isang player. "M-MAY MGA PARTE RIN NG SEINEN NA BLANGKO! MAY NAGDEDELETE BA SA C. R. O.?!" "Sira ba ang server?!" Sari saring aura na nasasagap niya kaya di na niya matukoy ang kay Grimoire. Dumukot siya ng pula at itim na laso sa kanyang sleeves. "Huminahon kayo kundi ip-PK ko kayong lahat!" banta niya. Nagteleport siya malapit sa clocktower. Bumalik ulit ang aura ni Grimoire, indikasyon na malapit lang ito. Humaba ang mga laso niya na kusang lumigid sa clocktower ng Seinen. Ngunit may pumutol ng mga yun. Sinundan yon ng paglitaw ng isang napakalaking magic circle sa tuktok niya. Mas inuna ni Redder iwasan ang mga umuulan sa kanyang mga piraso ng asulang kristal kesa ang hagilapin ang caster nun. Dumating na ang aide ng whisperer na pawang mga GM ng C. R. O.. Kung hindi siya nagkakamali, sila yung dalawang kinatatakung GM na mga Crystal manipulator. Wala silang alam tungkol sa whisperer at wala din silang kamalay malay na ang mga ginagawa nila ay kagustuhan pala niyon. Nasulyapan ni Redder ang isa na nakikihalo sa mga nagkakagulong players. Nagwield agad siya ng isang projectile at pinuntirya ang GM na si Genesis. [Projectiles- any kind of power na ipinupukol sa kalaban] Dahil splash damage ang projectile niya, maraming player ang natamaan. [Splash damage- type of skill kung saan maaaring matamaan din pati ang mga kalapit ng target] Sinalag lang ni Genesis ang atake niya gamit ang manipis na layer ng kristal na nabasag agad. Sadyang maninipis ang mga layer ng kristal na ginagamit pandepensa ngunit hindi dapat ipagkibit-balikat yun. Makakaya niyong umabsorb ng malalakas na damage. Yun nga lang ay ephemeral ang Crystal defence. Ang isang cast ay sapat lang para tumanggap ng isang damage— "—Tingnan natin kung gaano ka kabilis sa casting!" Sinunod sunod na patamaan ng iba't ibang klase ng projectiles si Genesis. Itinigil niya ang pag-asinta nung may nakita siyang umuusbong na Kristal na kulay pula sa di kalayuan. Papaataas yun ng papataas; at papataas din ng papataas ang nilalang na nakakulong dun. Huminto ang palaki ng kristal nung pumantay na ang taas nun sa clocktower. Hindi siya makapaniwala. Nahuli nila si Grimoire. PANG! Inilagan niya ang atake mula kay Eba. Malinaw na naguguluhan ito kapag walang direktang koneksyon mula kay Grimoire. Marapat kung aalisin niya dito ang itim na mahika ni Grimoire dahil baka maging sakit sa ulo lang ito sa mga susunod. Nung tumalon si Eba, hinuli niya ito gamit ang pulang laso. Tumama ito at sumadsad sa mga tisa ng bubungang tinutuntungan niya. Sunod ay nilupig niya ito ng itim na laso. Lalong humihigpit yun pag nagpupumiglas ang babaeng bampira. Hinihigop din ng laso ang itim na kapangyarihan palabas ng katawan nito. Pansamantalang nawalan ng malay si Eba pero walang panahon si Redder para hintayin pa siyang kusang magising. Tinapik tapik siya nito. "Gumising ka!" Naalimpungatan si Eba. "Nasaan ako? Bakit—?!" "Wala akong oras para idetalye sayo ang lahat. Ang maipapayo ko lang sayo ay magtago ka. Papadalahan kita ng mensahe para sabihin sayo ang lahat—" Pagkatapos siyang palayain ni Redder ay itinulak naman siya nito na ikinalaglag niya ng bubong. "Aaaaahh!" Plakda siya sa cobblestone. Kung hindi siya agad nakatayo baka stampede victim na siya ngayon sa dami ng mga nagkakagulo. Mahirap sundin ang sinabi ni Redder. Nagpatangay na lang siya sa kung saan maraming bampira. Sa kabilang dako naman, tumakas ang dalawang abductor. Ang misyon lang nila marahil ay ang isecure ang destroying angel sa loob ng Seinen. Tagos hanggang sa kailaliman ng lupa ang kristal na kulungan ngayon ni Grimoire kaya hindi iyon maaapektohan ng lindol. Marahil ay yari na ang patibong ng whisperer. Kaya ito naghihintay sa clocktower ay dahil alam niyang susunod dun ang destroying angel na walang kamuwang muwang sa nakaabang na Crystal manipulators. Nagbago ng plano si Redder. Bubuntutan niya ang mga abductors para matunton ang whisperer. Umaasa pa rin siya sa kakayahan ni Weiss kaya pababayaan niya ang kristal. **** Kape's POV: Pinanood lang namen ang naganap na kaguluhan. Nagsimula yon sa mga pagkabura ng ilang bahagi ng kapitolyo sa mapa pag nasasabugan ng mga lumilipad na bolang itim. Naabutan namin ang plaza na nagkakagulo dahel walang makalabas ng Seinen at walang makapag log out dito sa C. R. O.. Pagkatapos, me nag-away pa gihapon! Hinde ko kilala yong mga nag-aaway. Ang sabi ni Kero mga GM daw yon kaya mabuting wag na kaming makialam. Sunud sunuran lang kami sa agos ng mga bampera. Kung saan sila, dun din kame. Maherap magtago sa loob ng mga building dahel baka bumalik yong mga bolang itim. Natigel ang away nung may tumubong napakalaking kristal na kulay pula katabi ng clocktower. Parang ganun yung nakita naming pinagkulungan kay Mie sa kastilyo. Parang mayroon ding kung sino ang nasa loob nun piro di ko masyadong maaninag dahil malayo kami. Nakiramdam kaming lahat kung mey susunod pang delubyo. Awa naman at wala na. Nagsimula ang system restoration. Bumalik ang mga nawalang building at mga bahay. Naayos din ang mga nasira. Lumabas ang 4D bulletin ng C. R. O. piro hinde gaya ng dati na nasa gitna lang yun ng Seinen. Nasa ere yun at sobrang laki. Tapos nagsalita ang server. "Raiders, simulan na natin ang tunay na labanan dito sa C. R. O. Ibibigay ko na ang ultimate event! Ipinapaaalam ko lang sa mga players na as of 04:07:32, sarado na ang server. Wala nang player ang maaaring maglog-in at maglog-out. Idinedeklara ko rin na ang Seinen ay isa nang PK ZONE. Tingnan ninyo ang napakalaking kristal sa tabi ng clocktower. Ang player na makakadurog sa kristal at makakapatay sa ultimate boss na nasa loob ay ang siyang may karapatang maging hari ng Erdan at ng C. R. O. Ngunit ang kristal ay pinoprotektahan ng isang mahiwagang seal. Iisa lang ang maaaring makapasok at bumasag sa kristal. Ang unang goal ninyo ay protektahan ang kristal sa kapwa niyo players at ang pangalawa ay sirain ang kristal para maideklarang Hari. Ang kristal ay ituring ninyo bilang Korona na hinahangad ninyong mga Raiders. Sa huli, ang tatanghaling Hari ng Erdan ay makakamit ang isang natatanging bagay sa mundo— ang WISH TEAR! Goodluck Raiders, simulan na ang event!" "Hmm.. Sa ganda ng premyo sinong bampira ang hindi makikipagpatayan para dun!" bulalas ni Kero. "Ano ba yung wesh ter na yun?" tanong ko. Inayos ko ang pagkabitbit kay Mie. "Wish Tear.. Nabasa ko ang tungkol dun master. Isa yung maalamat na artifact sa totoong mundo. Luha yun ng isang whisperer. Kapag meron ka nun, maaari kang humiling ng isang beses— kahit anong imposibleng bagay pa ang hilingin mo ay matutupad." ani Nice. —— direk_whamba A/N: This is my first Halloween special ^_^ pero may bearing pa rin siya sa kwento kaya ilalagay ko siya sa Chapter ng C. R. O.. The second Halloween special will be a special chapter— about Div Umbra and 8 year old Hio. —— Opus 120 Aster’s POV: Isang buwan na ang nakakalipas mula nung nawala sina mama at papa. Wala na rin akong balita kay tito at sa kasama niyang nakakatakot na babae. Mababait naman ang lahat ng nandito sa boarding school kaya minsan hindi na rin ako gaanong nalulungkot; lalong lalo na si Mistress Angeli. Para siyang anghel. Palagi niya akong kinakausap tuwing umaga bago ako magtungo sa aking klase. Minsan kung may oras siya bago ang oras ng pagtulog, pumupunta siya ng aking silid at binabasahan niya ako ng aklat. Ang boarding school na ito ay katulad din naman sa boarding school ng mga tao. Itinutoro din ang mga aralin na pinag-aaralan ng mga tao pero mas mahirap nga lang konti yung mga itinuturo samin. Ang ipinagkaiba nga lang siguro ay ang oras ng klase. Sa gabi kasi kami nagkaklase habang sa umaga ang oras ng pagtulog. Once a week ay nagkakaroon ng blood-feeding pagkatapos kaming suriin ng school doctor. Pagkatapos nun, normal na pagkain ang inihahanda sa komedor. Bago mag alas sais ng gabi pumunta ako sa left wing ng dormitory mansion para sunduin si Rosary. Sa left wing kasi ang kwarto ng mga girls tas sa right wing ang sa mga boys. Nagkakilala kami dahil pareho lang na nasa ikalawang palapag ang aming mga silid. Magkaedad kami at marami kaming pinagkakasunduang bagay, bukod dun, magkaklase kami at seatmates pa. Bestfriend na nga ang turing ko sa kanya, ganun din siya. Yun nga lang parang nagiging demanding na siya. Ang gusto niya ay lagi ko siyang sinusundo pagpasok at inihahatid pagkatapos ng hapunan. Tok! Tok! Bumukas agad ang pinto pero walang Rosary ang sumalubong sakin. Nandun siya at nakaupo sa kanyang kama. Ready na siya dahil nakauniporme na rin siya. Nagpapamalas na siya ng telekinesis sa murang edad niya kaya marami ang nagsasabi na magiging isang makapangyarihang bampira siya balang araw. Lumapit ako sa kanya at inilahad ko sa kanya ang aking kamay. “Halika na at baka mahuli pa tayo sa klase.” Nagpout siya tas pinagkrus niya ang mga braso niya. “—Hindi pa ako ready. Hindi pa nasusuklay ang buhok ko.” “Problema ba yun—” pumunta ako sa dresser niya tas kinuha ko ang kanyang hairbrush. Lumapit akong muli sa kanya tas kinuha ko ang ilang hibla ng kanyang mahabang buhok. Inistroke ko dun ang hairbrush “Tinatamad ka na namang magsuklay. Bakit ba kasi hindi mo na lang ipaputol yang buhok mo?” Umismid siya.“Hmp. Ayoko! Di ba ang sabi mo gusto mong nakikita ang mahaba kong buhok?” Ako pala ang may sala. Natahimik na lang ako at tinapos ang pagsusuklay sa kanya. “—Si Renna… anong tingin mo sa kanya?” mahinang tanong niya mayamaya. “Si Renna? Yung magandang classmate natin?Bakit?” Kusang nag-umalpas sa kamay ko ang hairbrush. Lumipad yun at bumagsak sa isang sulok ng kwarto. “—Talaga maganda ang tingin mo sa kanya? Mas maganda kesa sakin?” Napaisip ako.Bakit ba ganun ang mga babae? Nagagalit ba talaga sila pag may sinabihan kang ibang babae na maganda sa harap nila? Itatanong ko nga yan kay mama pag nagkita kami ulit. Pero ang turo sakin ni papa dapat i-flatter kung sino ang girl na kaharap ko— “Eh mas maganda ka naman dun Ary…” Ary ang tawag ko sa kanya kasi sabi niya yun ang itawag ko sa kanya. Hindi naman ako napipilitan sa sinabi ko. Totoo yun. Wala nang mas gaganda pa kesa sa kanya. Nagliwanag ang kanyang mukha. Humalik siya sa pisngi ko. Ganun siya kapag masaya.“Sinabi mo yan ha? Paglaki ko magpapakasal tayo ha?” Tumango ako. Nakapangako na nga pala ako sa kanya. Ewan ko kung bakit? Pero kelangan ko nang tuparin yun. Yari ako kay mama at papa. Eight pa lang ako tapos pag-aasawa na agad tong napasukan ko! Dahil maganda ang mood niya, siya na yung tumapos sa pasusuklay niya sa sarili niyang buhok. Pagkalabas namin ng kwarto, biglang napundi ang ilaw sa chandelier na nasa corridor. Humawak ako sa kamay ni Rosary. “Ary wag kang lilingon sumabay ka lang sakin at wag kang hihinto sa paglalakad—” “Bakit Aster?” Inilagay ko ang hintuturo ko sa mga labi ko. “Shhhh…” Hinila ko si Rosary at naglakad kami ng mabilis. Nandiyan na naman yung sumusunod sakin. Matagal na niya akong sinusundan mula pa nung nasa piling pa ako ng mga magulang ko. Wala akong mapagsabihan tungkol sa pagsunod niya sakin dahil hindi ko alam kung ano ba siya. Saka hindi niya ako sinasaktan. Para lang siyang nakamasid. Bumitaw sakin si Rosary nung nasa dulo na kami ng corridor. “—Sino ba kasi yun?! Ayoko nang maglakad hanggat hindi mo sinasabi sakin kung sino yun!” “Nakita ko na ang hitsura niya minsan—” inalala ko yung unang beses na nilingon ko yung stalker. “Matangkad siyang tao tapos nakasuot siya ng suit. Akala ko nun siya si papa kaya lumapit ako sa kanya. Dun ko napansing wala siyang mukha at walang buhok. Hindi siya gumagalaw. Kapag nagpapakita siya, nakatayo lang siya pero may nangyayari sa paligid— bigla din siyang nawawala. Ganun.” Namilog ang mga mata ni Rosary. “—Slenderman!” “Slenderman?” ulit ko. “Hindi mo alam ang tungkol sa Slenderman?” Umiling ako. “—Sabi sa mga kwento nag sstalk siya kung kani-kanino pero paborito niya ang mga bata. Pag napagod na siya kakastalk kikidnapin niya ang biktima tas kukunin niya ang ang mga laman-loob at isisilid sa plastic bag. Ibabalik din niya yun sa loob ng katawan ng biktima tas isasabit niya sa puno.” “Totoo ba yan?Siya siguro yung napapabalitang nangunguha ng bata ano?” “Hmm—hindi rin siguro. Ibang slenderman na yung pinag-uusapan ngayon. Ang sabi si Slenderman daw ay passive lang. gaya ng description mo, hindi siya umaatake at nagstay lang sa isang lugar. Hinihintay lang niyang mabaliw kakaisip ang biktima bago niya tatangayin sa lugar na walang makakakita dito—nakooo nababaliw ka na ba Aster?! Ha?” Ano ba tong si Rosary! “Ahh hindi ko alam kung nababaliw na ako. Pero natatakot ako sa kanya—eh di ba normal lang ang matakot?” “HINDI YUN NORMAL! Kailangan kong hulihin ang Slenderman na yun dahil ayaw kitang mawala!” bulalas niya. Parang siya yata yung apektado ng Slenderman eh! Crack! Napundi pa ang mga bumbilya sa chandeliers sa taas namin. Nagpagewang gewang din mismo yung chandelier. Mabuti na lang at maagap si Rosary napigilan niya ang tuloy tuloy na pagbagsak nun. Tumakbo kami ni Rosary sa panibagong corridor. Kung saan kami pumupunta, sinusundan kami ng dilim; pero hindi pa rin nagpapakita si Slenderman. Hindi naman siya ganito kaaktibo dati eh—possible kayang ginalit ko siya dahil sinabi ko kay Rosary ang tungkol sa kanya? Nahinto kami sa pagtakbo nung may dalawang lilikuan na corridor. Taka akong napatingin kay Rosary.“Ary di ba wala namang ganito dapat? Kasi—” Dalawa lang ang wing ng dormitory mansion kaya imposible talaga. Isa sa mga daan ang hindi totoo! “Wag ka nang mamili, dumaan na tayo sa isa—” hinatak ako ni Rosary papunta sa kaliwang corridor. Grumble. Grumble. Habang binabagtas namin ang corridor na yun pakiramdam ko parang gumagalaw ang mga pader. Parang pasikip rin nang pasikip ang daraanan namin! “—Pipigilan ko ang pader!” ani Rosary. “Wag hindi mo kaya!” niyugyog ko siya para ihinto niya ang ginagawa niya. Sa sobrang lakas ng pwersa ng mga pader, hindi nga yun kinaya ng kapangyarihan niya kaya nawalan siya ng malay. Paano na kami?mayuyupi kami ni Rosary dito! Mama… Papa… Nagdilim ang paningin ko nung dumikit na sa balikat ko yung pader… Wala akong ideya kung ilang oras na ang nakalipas pagkatapos nun, pero nagising ako na nakahandusay sa gitna ng walang taong corridor na katabi si Rosary. Wala pa rin siyang malay. Ang nakapagtataka lang ay bumalik sa normal ang mga pader; at hindi kami naipit ng pader! Halusinasyon lang siguro yung nangyari kanina. “—Aster…” Narinig kong may tumawag sa pangalan ko. Nakakatakot ang boses ng kung sino man yun. Boses na nanggaling sa kailaliman ng lupa! “Ary, gising! Kailangan nating makaalis dito!” tinapik tapik ko ang pisngi ni Rosary. Di pa rin siya magkamalay kaya binuhat ko na siya— “Aster… wag kang umalis anak—“ Si papa ba yung tumatawag sakin? Nilingon ko ang aming likuran. Mayroon akong naaaninag na silhouette. Medyo malabo eh. Hindi naman ako gumagalaw pero parang HINILA niya yung buong corridor para magkalapit kami! “Anak—lumapit ka sakin… tulungan mo ako—” Kahindik-hindik ang hitsura ng kumakausap sakin. Hugis tao siya kaso itim lang siya gaya ng anino. Ang malinaw lang sa kanya ay ang kanyang mga pulang mata at ang nakalahad niyang kamay! “H-hindi kita kilala!”sigaw ko. Hindi ako makahakbang. Yung maitim na parang glue mula sa katawan niya ay maagos sa paahan ko. “—Halika na…” Hahawakan na niya ako nun sa may balikat nung marinig kong tinawag ako ni Mistress Angeli— Para akong natauhan mula sa isang bangungot. Nawala sa harapan ko yung nilalang, pati Malaya na ulit ang mga paa ko. “Aster, bakit nandito pa kayo ni Rosary? Hindi ba’t may klase kayo?” Naalimpungatan din si Rosary pagkarinig sa boses ni Mistress. “Papunta na nga po kami sa aming klase. Sige po!”pamamaalam ko sabay hatak kay Rosary patungo sa may hagdanan. “—Anong nangyari Aster? Bakit ako nakatulog?” Ah wala siyang naaalala? Mabuti na rin yun. Hindi totoo ang nangyari. Baka may kaeskwela lang kaming nagbibiro. Ngumiti na lang ako. “Walang nangyari. Antukin ka lang talaga.” —— direk_whamba Special Chapter This story happened when Hio is eight years old. Hio’s POV: “Young master, ipinapatawag na po kayo ni master Div.” anang isa sa mga maids ng aming mansyon na nakasungaw sa pinto ng kwarto ko. Eliza ang pangalan niya. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama at lumapit sa kanya. Kumapit ako sa saya ng uniporme niya hanggang sa makarating kami sa tapat ng maindoor kung saan naghihintay na si kuya ko. Kasama ni kuya si lolo at ang iba pa naming mga kasambahay at katiwala sa mansyon. “Magandang gabi Hio!” masayang bati sakin ni kuya. Bagay sa kanya ang palaging nakangiti pero kinakabahan ako kapag masaya siya. Basta! Iba yan si kuya eh. “Magandang gabi rin po kuya—” ngingiti ngiti kong bati sa kanya. “Loloooooo!” nagtatakbo ako kay lolo at yumapos sa bewang niya. Kailangan ko ng makakapitan dahil anumang sandali ay lights off na! “Alam mo ba kung anong araw ngayon?!” lalo pang sumaya si kuya. Ako naman nanginig sa kinatatayuan ko habang nakayakap kay lolo. Lumunok muna ako bago ko siya sinagot. “October 31?! H-h-ha—llo—” “Tama! Tradisyon na kapag katapusan ng Oktubre ang pagdaraos ng Halloween party!” Pero ayaw ni kuya sa mga party at pagtitipon. Kaya naman may naisip siyang trip kapag katapusan ng Oktubre— Sinipat ko ang grandfatherclock na nakasandal sa isang pader… limang minuto na lamang at tutunog na yun para sa pang-alas dose. Inaantok ako habang pinanonood ang pagparoo’t parito ng pendulum. Lumapit sakin si kuya at iniabot ang tig-isa sa mga papel, lapis, karayom, kandila, at posporo na nakalagay sa trolley sa tabi niya. Inabutan din niya ng mga yun ang iba pang kasama namin. Pagsapit ng midnight maglalaro kami ng isang game— The Midnight man… boooohoooo~ Weird talaga nila para magustuhan ang larong pangkulto na yuuuuuun!!! “Sige na isulat na ninyo ang mga pangalan ninyo sa papel.” Utos ni thrill-seeker kuya. Pagkasulat namin sa papel ng aming mga pangalan, ang next step ay ang pagprick sa daliri hanggang sa magdugo— Ipapatak ang dugo na yun sa papel na sinulatan namin ng pangalan. “Tapos na ba kayong lahat?” Nung tapos na kami, idinikit namin lahat ang mga papel sa maindoor ng mansyon. Lights off na pagkatapos nun. Nagsimatayan ang lahat ng chandelier. Dumilim hanggang sa wala nang pinagkaiba ang nakadilat sa nakapikit. “Sindihan na natin ang ating mga kandila—” Sisindihan ko na nga sana ang kandila gamit ang posporo kaso— Biglang sumindi isa isa ang mga kandila namin. Magic! “Lolo wag mokong bibitawan haaaaaaa~” maya’t maya kong kinakalabit si lolo dahil natatakot na talaga ako. I’m scared you know! “—Mas maganda siguro kung si Hio ang kakatok para satin!” bulalas ni kuya. Nag-echo sa paligid ang boses niya. Lolo pushed me! How could he?! Hinila pa ako ni kuya papuntang harap ng aming pinto— “Sige na Hio! Kaya mo yan! Walang kinatatakutan ang isang tunay na lalake!” Paano kung sabihin ko kay kuya na hindi ako tunay na lalake? Me magagawa ba siya?! Okey na ako sa pagiging ‘lalake’ di ko na need maging ‘tunay na lalake’. “Bilisan mo na Hio wala nang oras!” Pinapatagal ko talaga para mag-fail ang summoning! Hohoho. Sabi daw kasi hindi papasok si Midnight man kapag hindi sumakto sa alas dose ng madaling araw ang ikadalawampu’t dalawang katok. Kaso pag nag-fail ako tiyak na malalagot ako kay kuya! Tok. Tok. Hindi ko na binilang kung nakailang katok na ako—bahala na! Kakatok pa sana ako ng isa ngunit pinigil ni kuya ang kamay ko. Saktong ginawa niya yun ay tumunog ang chime ng grandfather clock. Binuksan ni kuya ang pinto tas biglang umihip ang napakalamig na hanging nanunuot sa balat. Nagsipagtayuan ang mga balahibo ko! THUD. Pagkasara ng pinto, hudyat na yun na pumasok na sa loob si Midnight man. Ang objective ng kaewanang game na ito ay ang makasurvive sa dilim hanggang 3:33 AM. “K-kuya? Lolo?! E-Eliza?” Walang sumasagot ni isa sa mga tinawag ko! Uhuhuhu~ WALA as in WALA akong nakitang kahit na sino! LAHAT SILA NAWAWALAAAAAA! Ehem… hahanapin ko sila! Mas nakakatakot magstay sa iisang lugar ano? “KUYAAAA! LOLOOOOO!!!” nakakabugaw ng mga multo ang malakas na boses kaya pag malakas akong sumigaw siguradong hindi ako didikitan ng kahit sinong multo! Tinahak ko ang papuntang stairwell. Dahan dahan akong umakyat at pinakiramdaman ko ang paligid— May mga naririnig akong kaluskos at mga yabag ngunit hindi ko matukoy kung galing ba yun sa likuran ko o sa harapan ko. “Kuya?!” Creak! Tumunog yung floorboard pagkaapak ko sa top landing. Medyo kinabahan ako dahil akala ko kung ano na! Whew. Nakailang hakbang din ako bago ko nakita ang isang liwanag sa di kalayuan. Mula yung liwanag sa isang kandila kaya sinundan ko. Thud. Thud. Napalingon ako sa sumarang pintuan sa likuran ko kaya nawala sa paningin ko yung sinusundan kong liwanag. Kung hindi ba ako inabot ng katakut takot na malas ay namatay naman ang kandilang hawak ko! Nanginginig ang mga kamay ko habang kinakapkap ko ang mga bulsa ko para sa posporo! Dalian mo Hio! Pag namatay daw ang kandila ibig sabihin nasa malapit lang si Midnight man! Mayroon lang akong sampung segundo para ilawan muli ang kandila kundi kukunin niya akoooo! 10 9 Nabali ang unang palitong ikiniskis ko sa box. Nabali rin ang pangalawa, pangatlo—ano ba takot na takot na kaya ako! 3 2 “AHHHHHHHH~” nagjumpscare ako dahil may biglang lumapit sakin. Awa naman at si kuya pala yun. Mayroon siyang ibinubudbod na kung ano sa palibot ko. “—K-kuya ano yan?” nangangatal kong tanong. “Asin to! Para may lasa ka kapag kinain ka ni Midnight man! Wahahah!” Nugmuso ako. “—KUYA NAMAN EEEEEEEHHH!” Ang angas ni kuya ni hindi man lang siya gumagamit ng kandila! Sana ganun din ako katapang… Ginulo niya ang ulo ko. “Oh sindihan mo na yang kandila mo. Mahaba pa ang gabi! Gumalaw galaw ka. Wag kang mag-istay sa isang sulok kundi—makikita ka niya.” “Bakit ba kasi natin tinawag si Midnight man kung iiwasan lang din natin siya?!” hindi ko nga kasi magets ang logic eh! “—Sa ilan, isang kalokohan lang ang larong ito… pero para sa mga kagaya natin, isa itong pagsasanay ng buhay at kamatayan. Ang simpleng pagsunod at di pagsunod sa mga patakarang ibinigay ay may malaking epekto sa kung ano ang mangyayari sa katapusan.” I shook my head. “Wala pa rin akong maintindihan kuya— natatakot ako—yun lang ang alam ko! Nasaan na ba kasi si Midnight man? Magpapakita ba siya?” Ngumiti si kuya. “Natagpuan mo na siya Hio… Siya ay ang takot na nararamdaman mo ngayon. Kapag nagpadaig ka sa takot na inihahatid ng Midnight man, ibig sabihin ay nagpadaig ka sa sarili mong takot.” S-SANDALI! SI KUYA! UNTI-UNTI SIYANG NAGLALAHO! Hinablot ko ang braso niya pero hindi ko nahawakan! “KUYA BAKIT KA NAWAWALA? KUYAAAAA!” Sinindihan ko ang aking kandila at nagpatuloy sa paglalakad lakad—nandito lang sa mansyon si kuya. Imposibleng kinuha siya ni Midnight man dahil lang sa wala siyang hawak na kandila! “Kuya?! KUYAAAAA?!” Nag-echo sa corridor ang sigaw ko. Habang naglalakad, dumarami ang mga naririnig kong mga yabag. Kahit pa alam kong wag dapat lumingon dahil baka may makita akong kung ano—eh matigas ang ulo ko— Nanlaki ang mga mata ko nung makita ko ang napakaraming nilalang na nakasunod sakin. Lahat sila ay nagsasalita at naririnig kong tinatawag nila ang pangalan ko! Hala! Sino sila?! Binilisan ko ang paglalakad at binilisan rin nila ang pagsunod sakin! Magtatago ba ako sa kanila o tatakbuhan ko na lang sila? Huminto ako sa tapat ng pinto ng nadaanan kong kwarto. Hawak ko na ang seradura nung napaisip ako. Kung magtatago ako, mahihinto lang ako sa iisang lugar. Hindi ko na mahahanap si kuya— Kung tatakbuhan ko sila— Humarap ako sa mga sumusunod sakin. Idinipa ko ang aking mga kamay sabay sigaw. “ANONG KAILANGAN NINYO?! BAKIT NINYO AKO SINUSUNDAN?” May binatang nakatayo sa pagitan ko at sa mga nakakatakot na sumusunod sakin. Pamilyar sakin ang mukha niya pero hindi ko siya kilala, at ngayon ko lamang siya nakita. Kaibigan ba siya ni kuya? “S-sino ka po?” halos pabulong kong tanong. Ngumiti siya ngunit bakas sa mukha niya ang lungkot. “Hanga ako sa iyo—handa mong harapin ang iyong takot. Dapat siguro ay tularan kita—” “K-kaibigan ka po ba ng kuya ko?” Wala siyang tugon sa katanungan ko. Lumapit pa siya sakin. Nagulat ako nung niyakap niya ako! “Wag kang mag-alala. Hindi ikaw ang sinusundan nila… namimiss lang kita kaya triny kong makita ka. Poprotektahan kita hanggang sa sumapit ang katapusan ng laro.” “Eh—pero sino ka po?” “Malalaman mo rin kung sino ako… pag laki mo.” Bigla akong nakaramdam ng antok. Ang alam ko bawal makatulog hanggang hindi pa natatapos ang game, kaso hindi ko na talaga mapigilan! Pagmulat ko, nasumpungan ko na lang ang sarili ko na nakaupo sa isang armchair at pinapaligiran ako nina kuya, lolo at pati na ng aming mga kasambahay. Nakasindi na rin ang lahat ng ilaw. Sinipat ko ang grandfather clock. 3:45 AM na. “Ang galing mo! Nakapaglakbay ka sa dilim hanggang sa takdang oras!” ani kuya. Nagpalakpakan silang lahat. Hindi ko alam kung bakit parang masaya sila na nakasurvive ako sa nakakatakot na game na yun pero somehow masaya na rin ako dahil buhay pa ako! Sa loob ng mahigit tatlong oras, nakatagal ako kahit alam kong takot na takot ako. Mabuti na lang at okey lang si Kuya. Sa lahat ng kinatatakutan ko, ang pinaka dun ay ang mawala ang kuya ko— mahal na mahal ko siya. Niyakap ko si kuya tas bumulong sa kanya. “—Kuya wag mo akong iiwan ha?” Ginulo niya ulit ang buhok ko. “Ano ba yang pinagsasabi mo? Syempre hindi ano? Kahit pa wala ako sa tabi mo, palagi akong nandiyan. Babantayan kita habambuhay… pangako.” —— direk_whamba Opus 121 Madame Patricia Antigone, Hindi ko po alam kung sa paanong paraan kita hahagilapin, subalit magbabakasakali pa rin akong magbabalik pa kayo sa inyong tahanan kaya naman doon ko iaaddress ang liham na ito. Maayos naman ang kalagayan ng iyong anak na si Aster. Mayroon na siyang mga nagiging kaibigan at hindi ko siya pinababayaan. Sumulat ako upang iparating sa iyong kaalaman na siya ay nagpapamalas na ng kapangyarihan. Ang mga batang bampira na may espesyal na kakayahan ay amin din namang napapatnubayan. Ngunit si Aster ay posibleng nagtataglay ng kakayahan bilang isang Medium. Nababahala ako sapagkat hindi ordinaryong mga ispirito ang umaaligid sa kanya at hinahangad ang kanyang katawan. Nakita ko mismo ang isa sa kanila at hindi na ako mapalagay pagkatapos nun. Madam, habang bata pa ang iyong anak, maaari nating alisin sa kanya ang kanyang kapangyarihan gamit ang aking kakayahan bilang Canceller. Gusto kong pagdesisyonan mo ang bagay na ito habang hindi pa huli ang lahat. Lubos na sumasaiyo, Angeli Dupré Headmistress **** Kape's POV: Nasaksihan ko ang pagbabago ng takbo ng larong C. R. O. sa loob lamang ng ilang oras. Panganib ang naghihintay sa mga bamperang magtatangka sa napakalaking pulang kristal. Piro namangha ako dahil hindi nangyare ang patayan na inaasahan ko. Bawat isa ay nag-iisip, nakikiramdam, at nagpaplano. Ang mga malalakas na bampera ay gumawa ng kanya kanyang teritoryo sa palibot ng kristal. Yung pinakamalakas ang nasa pinakamalapit sa seal. Kahit pa abot kamay na niya ang kristal, wala pa rin siyang palag pag penagtolonan siya. Kapag may tumapak naman sa teritoryong sakop niya, automatic na hinahamon siya sa isang duelo. Pero bago mo makalaban ang pinakamalakas, keilangan mo munang harapin ang mga bampera na gumawa gihap ng teritoryo nila papunta sa kristal. "—FUCK THAT FUCKING SEAL! WALA TALAGA! HINDI TATALAB ANG KAPANGYARIHAN NATIN SA SEAL!" sigaw ni Kero. Dang kolet niya kase eh. Sinubukan ko na nga kaninang i-link yung kristal eh. Ayaw ba. "—So wala talaga tayong magagawa kundi ang kalabanin ang lahat ng may teritoryo?" Ang dami baya! Saka sabi ni Kero mga GM daw yung nasa huling tatlong pinakamalapit na teritoryo sa kristal! "Gumawa na rin kaya tayo ng sarili nating teritoryo?" suhestyon ko. Umiling se Kero. "Mang-agaw tayo. Gusto ko dun sa pinakamalapit pero pinakaligtas—" "Uhnn.." kumislot si Mie. Nagkakamalay na siya! Paluhod akong naupo at hinintay ko siyang magmulat ng mga mata niya. "—K-Kape?! Asaan tayo?" hinang hina ang boses niya. Pulang pula ang kulay ng kanyang mata na ibig sabihin ay kailangan niya ng dugo— Inilabas ko ang Blood of Kvasir sa storage. Isinubo ko yun sa bibig niya. Bumuti ang kalagayan niya kaso pula pa rin ang mga mata niya. Galit ata siya— KRUNCH! ARAAAYYYY~ Kinagat neya ko sa leeg! "—Tara Nice. Dun muna tayo." dinig ko se Kero. Di ko na sila magawang tingnan dahil namamanhid ako. "Yumakap ako sayo, mahigpit na mahigpit. Hindi mo pa yun mararamdaman kaya sinabi ko—" bulong ni Mie. "Galit ka ba sakin kaya ka nawala?" tanong ko. "Hindi ah... Nainis lang ako sa sinabi ni Nice nung last tayong nagkita. Pero alam ko namang nang-iinis lang siya—ASAAN NGA TAYO?! Dito ba ako dinala ng mga Crystal Manipulator?" "Nasa loob tayo ng isang multiplayer dimension game. Se Dong Hio ang nakakita sayo dun—" itinuro ko yung kastilyo sa tuktok ng talampas. "—Nakakulong ka sa isang kristal at hinihigop nun ang kapangyarihan mo. Pagkatapos ka naming iligtas, wala na ulit akong balita kay Dong." "—Ahh.. Yung tungkol sa dimension game, binanggit yun ng mga humuli sakin!" Nauna akong tumayo tas inalalayan ko siya. Gusto ko na ata dito sa C. R. O. kesa sa totoong mundo. Walang pumapansin sainyo kahit ano pa ang gawin niyo sa gitna ng lansangan. Piro ako may napapansin lang eh. May mga players na pagulong gulong. Yawa. Sa tagal na siguro nilang online, di na nila alam kung paano maglakad ng matino. Muntanga sila at NORMAL lang yun dito. [A/N: Para sa karamihan ng mga RPG Players, roll over ang pinakamabilis na means of transpo para makarating sa patutunguhan. Mas mabilis pa ito kesa sa pagtakbo ng avatar. Trust me.] "Anong tinitingnan mo?" Umiling ako at muling bumaling kay Mie. "Ahh wala.. Gusto mong mamasyal dito sa Seinen?" "—Pamilyar sakin ang lugar na ito..." aniya. "Sige, maglakad lakad muna tayo." Nagmessage ako kay Kero at Nice. Sila na muna ang bahala sa isa't isa. Sorry pero aaksayahin ko muna ang araw ko kasama si Mie! Ikinuwento ko sa kanya ang tungkol sa C. R. O., kung ano ang ginagawa namin dito, at kung ano pa ang mga balak naming gawin. Sa ngayon ang importante ay ang makuha namin ang Wish Tear. Kehet gaano pa yun kahalaga mas mahalagang makalabas ang lahat dito sa game. Hindi na nga kasi maganda ang sitwasyon dito. "—Bakit Six Dix ang IGN mo? Ano ibig sabihin niyan?" Napakamot ako sa ulo sa tanong niya~ Tae di ko sasagutin. Stay Innocent Mie ko. Iibahin ko na sana ang usapan kaso tamang timing yung nakabungguan naming isang NPC na Mountebank habang naglalakad kami. May hawak siyang isang amulet. "Bagay na bagay sa iyo ang amulet na ito magandng binibini! Idagdag mo pa ang swerteng ihahatid nito kapag iyong isinuot ito!" Maganda nga yung amulet at sigurado akong bagay yun kay Mie. "Magkano yan?" Apat na daliri ang isinenyas ng mountebank. "Apatnapung libong liras ginoo!" Wala pa akong alam sa takbo ng ekonomiya dito sa C. R. O. pero since may isang milyong liras ako (na di ko naman magagamit IRL), eh binili ko na yung amulet. Isinuot ko yun sa leeg ni Mie. Tama nga ako. Bagay na bagay yun sa kanya. "—Ang sweet niyo namang magkapatid." komento samin ng isang napadaang player. Ayun, sumama tuloy ang mukha ni Mie. "Hmp. Pati talaga sa game napagkakamalan tayong magkuya?!" Hinawakan ko ang kamay niya. "Gusto mong magpakasal tayo in-game?" itinuro ko yung simbahan ng Seinen. Isang mabilis na proseso lang ang in-game marriage dito. Magbabayad ka lang. Parang marriage booth lang. Naaalala ko nung hayskul pa ako. Nagset up ng marriage booth ang section namin at ako yung ginawa nilang pari. "—Awee! GUSTO KO! Tara!" kulang na lang ay kaladkarin niya ako patungong katedral. Ang una kong gagawin pagkalabas namin dito sa game ay ang pakasalan siya. Natakot nako sa nangyari sa kanya at ayoko nang maulit pa yun. Gusto ko magkasama na kami palagi. "Sandali." hinatak ko siya. "Hindi tayo dadaan diyan dahil teritoryo yan ng iba—" "Teritoryo? Wala namang barrier of sorts— aura lang." katwiran niya. "Yun na nga. Kapag malakas ang aura, ibig sabihin handang umatake anumang oras. Dito tayo dumaan." Napatagal kami sa pagpunta ng katedral kakaiwas sa mga bamperang matindi ang pagnanasang maging hari. Baka nga dumagsa pa dito ang iba pang player na nasa labas kaya habang payapa pa, samantalahin! Wala pang limang minuto natapos ang in-game marriage ko kay Mie. Ang mga damit pangkasal ay kusang nag-aadjust sa size ng katawan kapag isinuot. Galing nga eh. Konti lang ang sinabi ng bishop na sasagutin mo ng 'I do'. Tas nagpalitan kami ng singsing, na adjustable din. Dumating ang sandali na hahalikan ko na ang bride ko. Dahan dahan kong inangat ang kanyang belo. Matagal tagal ko nang hinde nakakahalik dito kay Mie. Ano na keya ang feeling ngayon? Chu~ Naglapat na ang mga labi namin nung makarinig kami ng pagsabog sa labas... **** Soon's POV: Yeah nakarating din ako ng Seinen! Ilang Mana potion din ang nilagok ko para makateleport hanggang dito eh! Puta kasi bakit pati mga magic portal ni-block ng server?! Akala ko gera na ang dadatnan ko dito. Nagkamali ako sirs. Behave pa ang lahat. Karamihan sa mga players petix petix na lang sa mga establishments. Passive. Kunwari mga hindi interesado sa ultimate event pero wag ka, mga nakikiramdam lang at nag aabang ng tamang pagkakataon. Kakaunti lang yung mga Active o yung mga lantarang ipinaparating kung gaano sila kalakas gaya nina GM Choke, EXE, at Mordred. Sila yung tatlong ugok na pinakamalapit sa kristal. Pinagmamasdan ko sila mula dito sa tuktok ng katedral. Sila yung tatlong gusto kong pataubin dahil lagi nila akong dinedescribe na weak sa ibang players. Tinatamad nga lang akong huntingin sila dahil ang gagaling talaga nilang magtago. Wala akong kainte-interes sa Wish Tear na yun. Isang kalokohan ang bagay na yun. Pero kung may mga interesado man dun, mas gugustuhin ko pang mapunta ang artifact na yun doon sa mga may mabuting hiling. And sad to say, wala nun yung tatlong bugok na pinag-iinitan ko. Inequip ko ang major weapon ko na gamit ko maging sa totoong mundo— ang mahiwagang hands of time. Iniayos ko ang long hand at short hand sa oras na nagreresemble sa six o' clock. "IFREET LUMABAS KA!" Humigop ng kapangyarihan ang hands of time palabas sakin. Nagconcentrate ang enerhiyang naipon sa dulo ng short hand, na naging apoy na may pigura. Si Ifreet ay isa sa tatlong elemental sprite na meron ako. Nakokontrol ko siya para makontrol ko rin ang elemento ng apoy. Nag-inat si Ifreet at nabanat ang kanyang nag-aapoy na pakpak. Lumaki yun nang lumaki at nung ikinampay niya na ay nagpaulan yun ng daan daang fireballs. Boom! Sumasabog ang mga fireballs kapag may tinatamaang solid at concrete. Hahaha! Simulan na natin ang kaguluhan! —— direk_whamba Opus 122 Kero's POV: Tae boring. Kasama ko ang future wife ko pero di niya ako pinapansin! Kinalabit ko nga. "Huy kausapin mo naman ako—" Inirapan niya ako at LALO pa niyang binilisan ang paglalakad. Humabol ako sa kanya syempre. Hinaltak ko ang braso niya. Kung ayaw sa santong dasalan, daanin sa santong paspasan! "Bakit ba ayaw mo akong pansinin?! May mali ba sa mukha ko?!" "Eh bakit ba ang kulit mo? Sinabi nang ayoko sayo eh!" ba pinagtaasan ako ng boses! This bitch— ehem kalma lang. "Hindi na mahalaga kung ayaw mo saken ngayon. Basta ang gusto ko eh magpakasal ka sakin!" "—Hindi ako pwedeng magpakasal. Lalong lalo na sayo. Maghanap ka ng iba. Yung—" "Yung ano?! GODDAMNIT ITULOY MO!" "—MAGPAKASAL KA SA TUNAY NA BABAE!" pagtapos niyang sumigaw, sinapak pa niya ako! Naalog pati ang laman loob ko— Magpakasal ako sa 'tunay' na babae? What the hell?! Hindi siya babae?! "Paanong hindi ka babae?" "Lalake ako noon. Nilason ako ng isang Brewer kaya ako naging ganito. Hanggang ngayon ay naghahanap pa rin ako ng lunas sa sumpang ito— palagay ko ay dito ko makukuha ang lunas na yun." Ang Wish Tear ba ang tinutukoy niyang lunas?! "Iisa lang ang Wish Tear, hindi ba ang plano natin ay kunin yun para hilinging makalabas ng C. R. O. ang lahat ng player na stranded?" I pointed that out. Mahal ko ang C. R. O. at gaya ng sinabi ko kay meister Adan, pipigilan ko siya sakaling wasakin niya ang lugar na ito. Subalit iba na ang laro ngayon. Inipit kaming lahat sa sitwasyon kung saan iisa lang ang matitirang buhay bandang huli. Hindi ko gugustuhing manatili sa lugar ng pag-iisa. Kaya ngayon mas pipiliin ko ang totoong mundo— "—Pinag isipan ko na itong maigi. Wala na akong pakealam kung pare pareho tayong makulong dito. Itong C. R. O. ay wala din namang ipinag-iba sa totoong mundo." Kahit pa sinabi niya yun, halata pa rin ang pagdadalawang isip sa mukha niya. "Hindi ka pwedeng maging makasarili sa sitwasyong ito binibining Nice." humakbang akong palapit sa kanya. "P-Pero..." Tuluyan akong nakalapit at humawak sa magkabilang balikat niya. "Nahanap mo na ang lunas mo pero hindi mo lang pinapansin." "Anong lunas?" maang niyang tanong. "Ang pagtanggap sa sarili mo. Kung ano ka bilang—" BOOG! Sinuntok niya ako sa dibdib at ininda ko lang yun. "Nasasabi mo ang ganyang bagay dahil hindi mo naiintindihan ang pinagdaraanan ko! At lalong hindi mo alam kung ano ang pakiramdam ng pinandidirihan!" Niyakap ko siya ng mahigpit para itigil niya ang pananadista niya sakin. "May tama ka nga. Wala akong alam tungkol sayo dati. Ang tanging maibabahagi ko lang sayo kung saan sa tingin ko ay nagkakatulad tayo ay ang aking kabataan. Lumaki ako na palaboy at walang kinikilalang magulang. May mga panahong naiihi ako sa takot kapag hunting season. Ang mga maharlikang bampira, kung inabot mo pa ang monarkiya noon— nanghuhuli sila ng mga bampirang palaboy bukod sa mga barbaro at pinapatay just for entertainment. Bata pa ako nun nung mahuli ang kaibigan ko at brutal na pinaslang sa harapan ko mismo. Ang bampirang gumawa nun ay may sinabi sakin— "Sa susunod na titingnan mo ako sa mga matang yan, siguraduhin mo lang na mapapaslang mo ako pagkatapos." Dahil sa kanya kaya ako naging isang halang na bampira. Inubos ko ang mga taon ko para lang pumatay at hanapin siya. At nung napaslang ko siya, wala man lang akong naramdaman ni katiting na self accomplishment. Nasayang lang ang mga taon ng buhay ko sa wala. Pero heto ako ngayon. Natutunan ko ang dalawang importanteng bagay sa buhay..." "Ano ang mga yun?" "—Na palaging mayroon kang magandang lugar na mapupuntahan. At may tatanggap sayo kapag nakapunta ka na dun." Siya yung tipo na hindi iiyak sa harap ng sinuman. Kaya napakalaking bagay sakin na ipinakita niya ang pagluha niya. Tumango ako. "Tinatanggap kita. Mas higit pa sa pagtanggap sayo ng mga kaibigan mo." Wala akong nakikitang masama sa kanya o sa pagkatao niya. Babae siya sa paningin ko no matter what. Evil is in the eyes of the goddamn beholder na lang. "Gusto ko nang umuwi..." bulong niya. "—kaya tutulong ako sa anumang plano ninyo ni master." She fucking smiled at me! For the fucking first time! Di ko napigilan ang sarili ko— dahan dahan akong yumuko so I could kiss her... and then— BOOM! May mga pagsabog na naganap! WHAT IN THE NAME OF FUCK WAS THAT?! Sinu sino sa mga nakatuntong sa high places ang nagpasabog?! "Sandali ah?" abiso ko kay Nice. Umakyat ako ng bubong tas nagpalinga linga. Spotted sa tuktok ng katedral— Si Soon at ang kanyang magic wand. Ang mga mata niya ay nakatuon sa malaking kristal. Looks like na-enemy spotted na niya yung tatlong GM na hinahunting niya. Sinubukan kong mag-message sa kanya: To Player Coming Soon: Magkita tayo. Nandito rin ako sa Seinen! Nanalasa na ulit ang fireballs niya, wala pa rin akong natatanggap na reply. I used one of my chains, at ini-link sa kanyang hands of time. Wala pang two seconds nang makuha ko ang instrumento, heto't katabi ko na si Soon. "TANG INA MO KERO IBALIK MO YAN! CAN'T YOU SEE I'M BUSY?!" "Interesado ka din ba sa Wish Tear?" Nagkibit balikat siya. "HINDE. Now give me back my—" Isinaksak ko sa baga niya ang hands of time niya. "Tulungan mo akong makapasok sa seal ng kristal Soon." Umarko ang kilay niya. "Ganyan ka na ba kadesperado Kero? To the point na hihilingin mo na sa Wish Tear na magkaasawa ka na?" "FUCK YOU IDIOT! That freaking tear is our only way out of here! Salvation Soon, SALVATION!" "Ahh.. Oo na! Sige tutulong ako." "Saglet lang. May mga kasama pa ako na tutulong sa plano ko— magmemessage lang ako sa kanila." "Bilisan mo lang!" he said impatiently. To Player Six Dix: May tutulong satin. Expected ko na ready kayo anumang oras. Now here's the plan— **** Kape's POV: Nagkatitigan kami ng babaeng nakabungguan namin pagkalabas ng katedral. Pares siya ni Dong na nakamaskara pero hinubad niya yun. "S-SHALL?!" magkapanabay naming bulalas ni Mie. "Paano ka napunta dito Shall?! Iniwan mo na lang basta se Aster. Hinahanap ka baya ng anak mo!" "Alam ko alam ko.. Wag mo muna akong pagalitan, wala nang oras—si Hio kasi—" "Agi anong nangyari kay dong?!" Itinuro ni Shall ang napakalaking kristal. "Nandun siya sa loob—" EH?! "Sigurado ka ba Shall? Kakasabi lang ng Server na Ultimate Boss ang laman ng kristal di ba?" "May GM dito na nagsabi sakin ng lahat lahat tungkol sa sistema dito sa C. R. O. ang mga pumapasok na level zero player dito ay tinatarget at ginagawang kabahagi ng game. Si Hio yun Coffee— kailangan natin siyang ilabas ng kristal kundi ay manganganib ang dimensyong ito!" "Oh!" napatingin kami ni Shall kay Mie. "—Tama si ate... Humihigop ng kapangyarihan ang kristal na yun tapos ay nagcicirculate dito sa buong game environment. Isang destroying angel si Hio at ayokong isipin ang mangyayari kapag pinakawalan ng kristal ang kapangyarihan niya!" Tit. Tit. "May message ako galing kay Kero. Sandali lang." Pinapakilos na rin kami ni Kero. Tutulong daw ang kaibigan neya— "—Kung ganun ay puntahan na natin yang kaibigan mo." yakag ni Shall. Halatang balisa siya pero di na siya umiimik nung papunta na kami kanila Kero. "—Nagpakasal kami ni Mie in-game. Masaya. Siguro dapat niyo rin yun i-try ni Hio pag nailigtas na natin siya." kala ko gagaan ang pakiramdam niya sa sinabi ko. Lalo lang siyang naligalig. Kehet maisog na babae se Shall mababaw pa din ang luha niya. "Bakit Shall?" Huminto seya sa pagtakbo. Kinailangan namin siyang balikan dahil nalagpasan namin siya ng dalawang talampakan. "H-hindi na natin maililigtas si Hio." "Eh di ba nga ilalabas natin siya sa kristal?" "Pagkalabas niya ng kristal... papatayin ko siya." **** Shall's POV: Sinabi na sakin ni Redder ang lahat ng dapat kong malaman. Wala nang pag-asa pa si Hio... yung Hio na minahal ko. Madami na siyang hirap na pinagdaanan at masakit tanggapin na pati sa pagtatapos ng buhay niya ay sa paghihirap pa rin. Si Hio ang korona sa C. R. O. siya ang susi na maaaring magpalaya o magwasak sa dimensyong ito; depende yun sa kung ano ang gustong mangyari ng mauuna sa kanya. Kinakailangang maging ako yun. Ako lang ang may karapatang tumapos sa kanya. Wala siyang dapat ipag-alala... Nakahanda akong sumunod sa kanya. Kahit saan. Matagal ko nang panata yun sa kanya. "Coffee... Kahit anong mangyari, wag mong pababayaan si Aster ha? Mahal na mahal ko ang anak kong yun kahit hindi siya nagmula sakin." "—Shall, wag kang magsalita ng ganyan! Hindi pa pwedeng mawala se dong!" Bakit ko pa nga ba sinabi sa kanya ang plano ko. He's always the bird-brained anyway. "Oo baka may iba pang paraan para iligtas siya. Sorry sa nauna kong sinabi. Tense lang—" I lied. Kung anuman ang mga nangyayari ngayon, hindi ako isang author para gumawa ng perfect happy ending namin ng pinakamamahal ko. Ang gusto ko ay wag na siyang masaktan. Ang gusto ko ay makapagpahinga na siya. At ang gusto ko ay makapunta na siya sa dream place niya— "Tara na." tumakbo na ulit kami hanggang sa marating namin ang meeting place. Ilang metro lang ang layo namin sa pinakaunang nagbabantay sa seal. Pinakikiramdaman niya kaming mga nag-uumpukan. Simple lang ang plano but God knows kung gaano yun kahirap gawin. —— direk_whamba Opus 123 Kape's POV: Ginamit namin ang Sonu na dala ko tas pinuno namin ng Blood of Kvasir. Nakagawa kami ng magical mead at ininom naming mga low level. Di naman talaga sukatan sa C. R. O. ang level ng isang player pero mas maigi daw kung atleast level 20 kami. Ang level sa game na ito ay nagsisilbing regulator ng kapangyarihan namin. Sa totoong mundo malaya naming magagamit ang 100% nun; pagdating dito 50% na lang. Sa level 99 mo pa magagamit ang 100% na yun. Ang mga player na level zero naman ay tinatawag na 'restrained'. Malaya kasing makapasok ang kahit sinong bampera sa key portal ng C. R. O. pero kapag yung mga sobrang malalakas, bina-ban ng server ang paggamit ng kapangyarihan. Samakatuwid pag level zero ka dito, magiging walang kwenta sayo ang larong ito. Hindi lang yun, pag-iinitan ka ng mga abductors. Pag kahuli ka daw nila, idedrain nila sayo ang kapangyarihan mo. Sa ganun nagpapatuloy ang takbo ng larong C. R. O.— Pumosisyon na kaming lahat. Sa pinakamalayo kami ni Kero; habang nasa likod namin si Mie. Kami ni Kero ang bahalang mag-clear sa dadaanan ni Shall. Si Nice ang bahala sa counter-attacks. Si Mie naman ang sasalag sa lahat ng mga pag-atake tapos yung GM na kaibigan ni Kero ang bahala sa aerial projectiles. Huminga ako ng malalim. Hinding hindi na ako papasok pa ng kahit na anong key portal pagkatapos nito. "NGAYON NA SIX DIX!" ibinigay na ni Kero ang hudyat. Mas malaki pa kesa sa dating nakita ko yung magic circle na ginawa niya. Nagkalat ang mga kadena niya at ang lahat ng dulo nun ay pumasok sa magic circle niya. Naghahanda pa lang siya ng lagay na yan. Mas mauuna akong kumilos kesa sa kanya— Itinaas ko ang dalawa kong kamay at nagsimulang yumanig ang paligid. Nagbitak-bitak ang maraming bahagi ng daanan kaya't naalarma ang karamihan sa mga may teritoryo. Tumagilid ako pagkatapos kong hilahin ang malaking bahagi ng kalsada at lupa papunta sakin. Nakita ko ang mga ugat ng kristal na nakabaon hanggang sa pinakailalim pa! Nagtalunan ang mga bampera mula sa hinila kong daan. May balak silang paslangin ako, mabuti na lang at maagap sina Mie at Kero. Hinila ni Kero ang lahat ng bamperang kaya niyang hilahin. Tinulungan siya ni Nice na kalabanin ang mga yun. "TINATAWAGAN KITA SYLPH!" sigaw ni GM Soon. Nagmaterialize sa likod niya ang napakalaking diwatang hangin. Bumuga yun ng napakalakas na buhawi kaya nagkadurog-durog ang ni-link kong malapad na daan. "SIX BITAWAN MO NA!" utos yun ni Kero. Inulan ng malalaking tipak ng bato na mey kasamang makapal alikabok ang mga natirang bampira malapit sa kristal. Sa isang iglap nagkagulo na dito sa Seinen, at kami ang may pakana! Bumaha ng dugo; nasa kill-mode na halos ang lahat. Ang iba berserk na. Nagcast pa ng apoy sa paligid si GM Soon kaya nagmistulang impyerno dito. Naglink ako ng isang espada na galing sa isang player dun sa malayo. Dahil nadis-arm siya, wala siyang naipansalag nung sinugod siya ng saksak ni Nice. Kailangang pikit-mata ko na lang suportahan ang violence na ito para maprotektahan ang mga kaibigan ko. Kaso... nanginginig ang kamay ko. Natatakot ako— Hindi na ako natatakot pumatay... Natatakot ako kung magiging ano ako pagkatapos nito— Lumapit sakin si Mie. Humawak siya sa kamay kong may hawak ng espada. "Kung ayaw mo, bitawan mo." aniya. Umiling ako sa kanya. Walang pangingimi kong sinaksak ang bampirang nakaamba sa likuran niya. —Hindi matatapos ang gulong ito sa simpleng pagbitaw ko ng espadang hawak ko. Walang halaga ang konsensya ko... Natanaw ko si Shall mula dito. Malapit na siya sa kristal pero hindi siya tumatakbo. Naglalakad siya ng dahan dahan sa gitna ng mga naglalaban— "Mie, sundan natin si Shall!" Kinukutuban ako ng masama. Baka may mangyari sa kanyang di maganda kung mag-isa lang siya! "MASTER SAAN KAYO PUPUNTA?!" tanong ni Nice. May balak siyang sumunod samin kung di ko siya pinigilan. "Dito ka lang— tulungan mo si Kero." Kagyat siyang tumango bago muling hinarap ang pakikipaglaaan. Malapit na kami kay Shall nung huminto yun sa paglalakad. Nakaharang sa kanya ang isang GM at ilan pang mga bampira. **** Shall's POV: Malapit na ako kay Hio. Konting hakbang na lang; kaya hinding hindi ako magpapapigil kahit na kanino pa! Level zero ako sa game na ito. Wala akong kapangyarihang pampisikal pero mayroon akong overlord. Ibig sabihin mayroon akong napakalaking Mana. Bug yata yun kapag ban ang level ng player. [Glitch/bug- minor in-game error that could be BENEFICIAL or pesky to players. But I'd say it's more beneficial] "Overlord descend!" si GM Mordred ang nasa harapan ko, at siya yung nagsummon sa kanyang overlord na gagawin ko pa lang. Iba iba ang hitsura ng overlord. Yung kanya ay lalakeng anghel na apat ang pakpak. Nagrelease yun ng napakalaking amount ng aura na ginamit ni Mordred para makalikha ng malawakang storm gust. Isa rin siyang elementer gaya ko kung ganun. Wala akong pakialam kahit malakas siya. Mas malakas ako! "OVERLORD DESCEND!" first time ko lang makita ang overlord ko. Napakaganda niyang anghel at anim ang pakpak. Ginamit ko siyang power source para buuin ang pinakamalakas kong sandata— ang Medusa. Nakisabay sa storm gust ang pagkakalas kalas ng lahat ng uri ng metal dito sa buong kapitolyo. Minsan nang nasira ang Medusa ko bago ko pa napakinabangan. Ngayon ay sisiguraduhin ko nang wala ni isang peste ang makakatakas pa sa kanya! Naipon sa tabi ko ang lahat ng scrap metals. Nagrere-shape sila ng kusa hanggang sa unti unti na nitong nireresemble ang isang napakalaking ulo ng babaeng Gorgon. Tumalon ako sa tuktok nun kung saan napakaraming metal na ahas. Extendable sila— na hindi naman talaga tunay na property ng metal. Magiging malambot at matigas sila kung ang kinokontrol mo ay ang kanilang temperatura. Kalokohang maging isang elementer kung hindi ka creative at basta mo na lang gagamitin nang hindi pinag-iisipan ang iyong elemento. Gawa sa Argentum ang ulo ng mga ahas kaya marami ang na-abo agad agad nung magsimulang manuklaw ang mga ahas sa ulo ni Medusa. Wala silang choice lahat kundi ang maging maliksi at i-dodge ang mga malilikot na ahas. Konting panahon pa ang kailangan bago tuluyang dumilat ang mata ng Medusa. Sana lang ay walang strong enough para wasakin na naman ito! Wala na akong Mana para gumawa ulit ng panibago! Once na dumilat ang Medusa, panalo na kami. Magiging bato ang lahat ng living things na masilayan ng kanyang paningin; it doesn't matter kahit pa walang eye-contact sa kanya— "ATE! WAG MONG ITULOY YAN! MAY BALAK KA BANG UBUSIN ANG LAHAT NG BAMPIRA SA C. R. O.?!" Nakita ko si Mie pati si Coffee just below me. "Oo." tipid kong sagot. Now that I'd done it here, bakit nga ba hindi ko naisipang gawing bato ang lahat ng mga bampira dun sa Eruditas? Life could be better than this if I did that. Umiikot na ang leeg ng Medusa. I'm gonna petrify everyone at 360! Pagdilat ng mga mata niya, napetrify agad ang mga nasa harap at— Crank. Crank. Nakarinig ako ng tunog ng machine na nag-jam. "COFFEE ANONG GINAGAWA MO?!" Nakalayo na siya at pinipilit niyang hatakin into his private linking space ang revolver mechanism sa leeg ng Medusa! "SHALL TAMA NA! Pumasok ka na ng seal! Sino ba yang kasama mo diyan?! Inuutusan ka ba niya?" sigaw niya. Oh! Kamuntikan nang mawala sa utak ko yun! Wait—KASAMA?! Nagpalinga-linga ako. Wala naman akong kasama! At saka tama sina Mie eh. Bakit ko nga ba need i-petrify ang lahat?! Ako ba yun?! "Bakit ka tumigil Patricia?" someone whispered on my ears. Nung lumingon ako, wala talaga akong kasama dito! May invisible entity ba na kumokontrol sakin?! CRACK! Bumigay na ng tuluyan ang Medusa ko. Natransport ang major parts nun sa kinaroroonan ni Coffee. Ibang iba na siya ngayon huh. Ginagamit na niya ang God-given brain. Since sira na ang Medusa, I can't stay on top anymore. Papasok na ako ng seal! Saktong pagkatalon ko, nagbanggaan ang dalawang naghiwalay na parts ng Medusa. All the metals fell off dahil inalis ko na ang kontrol ko sa kanila. Isang hakbang na lang ako mula sa seal nung mapatingala ako. May disturbance sa kalangitan— nagkaroon ng mala-blackhole na butas at may isang darkangel na nagdescend. Sobrang lapad ng kanyang nakakatakot na pakpak, and I think I knew him! Si Noir nga ba talaga yun?! He charged and then nagpaulan siya ng napakaraming itim na lancer. Walang hindi natamaan. Ako, duguan matapos bumaon ang napakalaking lancer sa aking tiyan. Pagbagsak ko sa lupa, dun ko lang napansing nagbabago ng kulay ang kristal. Dark red going to black! Nagfetal position habang nasa ere ang dark angel. Binalot siya ng kanyang pakpak. Nawala siya kasabay ng pagkalagas ng mga itim na feathers ng pakpak niya. Ganun ganun lang natapos ang walang puknat na labanan kanina. At nung sa inaakala nga namin ay tapos na nga, yun pala ay may kasunod pa. Nag-emit ng napakalakas na masamang enerhiya ang kristal. Nagcrack yun na waring hindi na kayang i-contain ang nakakulong sa loob. Ang mas masama pa ay ang lahat ng natamaan ng negative energy wave ay nawawala! Nadedelete at napapalitan ng hollow darkness! Sisirain nun ang buong C. R. O. kapag nagpatuloy ang kristal sa pag-eemit ng dark energy! —— direk_whamba Opus 124 Race's POV: Bumalik na ulit ako ng Eruditas pagkatapos ng isang linggo pang paghihintay para sa balita ni Minerva. Regular ang aming komunikasyon at mahigit isang buwan na nang mahinto yun. Nagtanong tanong ako sa mga kakilala niya sa Porter's Office pero wala silang alam. Sunod kong pinuntahan ang tirahan niya sa isang distrito. Mayroon akong sparekey dahil dito rin ako nag-istay kapag wala ako sa field. Meron akong sariling kwarto. Magulo ang loob ng bahay. Halatang may struggle. Sa carpet ng sala ay may natagpuan akong maliliit na tipak ng kristal. Anong nangyari?! Ayos lang kaya siya? Naglibot pa ako sa buong kabahayan. Nasa ayos at di nagalaw ang ibang mga silid. Sa sala lang talaga. Pinulot ko ang nakataob na organizer ni Minerva na tumilapon yata nung binalibag ang mesa. —D-Day! Aayain ko si Coffee na pumunta ng Elementia mamaya! Elementia? Dinalaw nila ni Coffee sina Shall? Nagdash ako palabas. Nagmadali ako para humabol sa last port hour papuntang Elementia. Wala din akong naabutan dun kundi ang isang katiwala. "—Pasensya na po master, lagpas isang buwan nang wala ang mistress. Hindi na rin dumadalaw ang kanyang asawa dito... Pero dumalaw nga po dito ang mga bampirang tinutukoy niyo nung nakaraang buwan din." NASAAN NA SILA?! "Nandiyan ang young master mo? Gusto ko siyang makita." Umiling ang utusan. "Nasa isang boarding school sa Eruditas ang young master ngayon. Ipinadala siya dun ng mistress— Ahh... mayroon nga po palang sulat na dumating galing sa headmistress ng boarding school na yun. Maaari po bang kayo na ang magbigay sa mistress kapag nakita niyo siya? Urgent daw po kasi yun." may dinukot na rolyo ng liham ang utusan mula sa kanyang apron. Kinuha ko yun at nagpaalam agad. Habang pabalik ako ng Porter's office, binuklat ko ang sulat. Siguro reklamo yun. Baka nakipag-away si Aster o baka mababa ang mga nakukuha niyang marka. Ano ba kasi ang ginagawa ng mga nangakong magiging magulang niya?! Babawiin ko na siya kung hindi din naman pala siya maaalagaan nina Hio— ANO TO?! Nanlaki ang mga mata ko pagkabasa sa mensahe. Tungkol yun sa pagmamanipesto ng kapangyarihan ng bata at ang rekomendasyon ng headmistress na alisin yun! "S-sir kayo po ulit? Kakadating niyo pa la—" "WALA NA AKONG ORAS! KAILANGAN KONG MAKABALIK AGAD NG ERUDITAS!" sa pagmamadali ko nabulyawan ko ang magiliw na porter. Nag-atubili siyang buksan ang portal patungo sa destinasyon ko. Humingi ako ng paumanhin dahil nasigawan ko siya. Ngumiti siya. "Ayos lang po yun. Alam kong may importante po kayong dapat habulin." Masyadong malaki ang Eruditas at wala doong naitulong ang pagmamadali ko. Sa tagal ng panahon kong nasa labas ng fortress ni hindi ko pa naexplore talaga ang kabuuan nito. Sa dami kong napagtanungan, awa naman at nakarating din ako sa sinasabing boarding school. Medyo sumama ang panahon pagdating ko dun. Lumakas ang ihip ng hangin at puno ng mabibigat na ulap ang madilim na kalangitan. Walang sinuman ang nakabantay sa labas ng paaralan ngunit kusang nagbukas ang gate. Nawala ako sa kinatatayuan ko at lumitaw sa harap ng pinakapintuan ng pinakamalaking mansyong nakatirik sa malaking estate. Tlaaak! Pinagbuksan ako ng pinto ng isang may katandaang babaeng kuba na at may hawak na lantern. "Magandang gabi sayo master. May appointment po ba kayo kay mistress Angeli?" tanong niya. "Wala pero gusto ko siyang makausap tungkol sa isang batang nag-aaral dito." Niluwagan niya ang awang ng pinto. "Pumasok ka master. Ihahatid kita sa kanya." Si Angeli Dupré, na isang middle aged na babae ay may maamong mukha na gaya sa isang anghel. Napuno yun ng pangamba nung sandaling ipakita ko sa kanya ang liham na siya mismo ang sumulat. "Ako ang Guardian ni Aster. Ako ang responsable sa kanya pag wala ang kanyang mga magulang. Gusto ko muna siya makita bago tayo mag-usap." "Ipapatawag ko siya." Dalawang palapag ang opisina ni binibining Angeli. Naiwan siya sa ikalawang palapag nung bumaba ako para kitain si Aster. Naabutan ko si Aster na nakaupo sa isang couch at may kasa-kasamang batang babae. "TITO!" napatayo siya pagkakita niya sakin. Nung yumakap siya sakin, napansin kong mas lumaki na siya ngayon. "Ang laki mo na ah? Totoo bang dito ka na nag-birthday at ni hindi ka man lang dinalaw ng mama at papa mo?" Tsk. May ipinadala akong regalo sa kanya pero malamang na hindi pa niya natatanggap dahil naka-address yun sa Elementia. Kawawa naman tong batang ito. Baka iniisip na niyang wala kaming pakialam sa kanya— "Ayos lang po yun tito. Baka may nangyari lang kanila mama at papa. Kahit kelan hindi nila ako pinabayaan— nag-aalala lang po talaga ako. Pati si tito Kape ang sabi niya babalitaan ako pag nahanap sila; pero pati siya ata nawawala na rin." May hindi tama dito eh... "Aster, isasama na kita ngayon. Hindi magandang nandito ka— bahala na. Hahanapin natin sila—" I was surprised dahil mas kalmado pa siya sakin. Ginagap niya ang isa kong kamay at umiling. "—Gusto ko na po ang boarding school na ito. Mababait ang mga guro at kaklase ko, marami na rin po akong kaibigan. Alam ko naman pong ampon lang ako nila mama at papa. Sooner or later kailangan ko na rin pong humiwalay sa kanila para mabuhay sa sarili ko. Ito yung magandang opportunity para mapaghandaan ko po yun. Pero sana makita na sina mama at papa—" Napakamature na bata. Proud ako sa kanya. I patted his shoulder. "Sino yang friend na kasama mo? Bakit hindi mo ako ipakilala sa kanya?" Nagkamot siya ng ulo at nahuli ko rin ang kanyang pamumula. "Siya po si Rosary Vral. Kaibiga—" "—Fiancé po niya ako." anang kaibigan ni Aster. Tumayo siya sa harap ko tas nag-curtsy. Cute. Bagay na bagay sila. "Wow. Eight ka pa lang may nakita ka nang mapapangasawa? Ako nga seventy five nung nagpakasal noon kay tita Minerva mo." "—Mahal ka ba ni tita Minerva?" isang straightforward na tanong niya na hindi ko yata masasagot. "Oo. Bilang kaibigan." sagot ko. "Hmm.. Minsan tito parang ayoko nang tumanda. Magulo kasi kayo. Kayo ni papa. Si papa mahal si mama pero nagpakasal muna siya kay tita Medea. Ikaw nagpakasal kay tita Minerva pero nagdedate na sila ni tito Kape at hinahayaan mo lang. Ganun ba talaga pag tumanda?" Face-palm. Nagiging awkward kausap ang mga bata pag tungkol sa pag-ibig. Feeling nila mas marunong sila! "Ah baka hinihintay na ako ng headmistress sa taas. Wag muna kayong umalis. Pagkatapos naming mag-usap, i-tour niyo ako dito sa school niyo okay?" Dinungaw ko sila sa balcony pag-akyat ko ng hagdan bago ako pumasok ng opisina ni Bb. Angeli. "Maupo ka ginoo." itinuro ni Bb. Angeli ang velvet armchair katapat ng desk niya. Marahan akong naupo dun. "—Wala namang akong napapansing kakaiba kay Aster habang kausap ko siya kanina. Wala akong nakikitang dahilan para alisin ang kapangyarihan niya. Kailangan niya yun para maipagtanggol ang sarili niya sa hinaharap." Umiling si Bb. Angeli. "Hindi. Hindi mo naiintindihan. Wala sa katawan niya ang kanyang kapangyarihan kundi— nasa ating paligid! Kanina bago ka pumasok dito sa paaralan, wala ka bang napapansing kakaiba?" Ibig sabihin ang biglaang pagsama ng panahon ay gawa ni Aster?! "—Ginoo, habang tumatagal lumalawak ang sakop ng aurang sumusunod sa bata. Masama ang aura na yun. Sa pagka-expose dun ng aming paaralan— tingnan mo." itinuro niya ang mga haligi. Nadedeteriorate na yun at parang malapit nang bumigay. "Bumibilis ang pagkasira ng mga gusali namin. Pati may mga estudyanteng nagkakasakit. Ayon sa infirmary, may mga estudyante kaming nakakaranas ng unti-unting pagkaagnas—" "PERO bb. Angeli, unfair naman yan kung isisisi niyo ang mga kaganapang yan sa isang walong taong gulang na paslit! Convert lang siya kaya imposibleng magkaroon siya ng napakalakas na kapangyarihan! At isa pa, ang creator niya ay isa lamang damphir!" "Ginoo hindi ako nagkakamali—" Padabog akong tumayo. "Pwes sabihin niyo na lang kasi ng diretsahan kung ayaw niyong nandito ang bata. Wag kang mag-alala, isasama ko na siya sakin. Pakiasikaso na ang kanyang pag-alis ngayong araw din na ito—" Aaaaahhhh—! Isang matinis na sigaw ng batang babae ang umagaw ng atensyon namin. GRUMBLE GRUMBLE! Kasunod nun ay ang malakas na pagyanig! Hinila ko agad si bb. Angeli nung kamuntikan na siyang bagsakan ng malaking bookshelf na nasa likod niya. Sinira ko ang pinto palabas dahil nag-jam yun. "ASTER!" isang hindi inaasahang eksena ang nadatnan ko mula sa balkonahe. Butas ang kisame at nagkandalaglagan ang mga debris. Nakahandusay sa sahig ang batang babaeng si Rosary habang si Aster— NAKALUTANG SIYA SA HARAPAN NG ISANG ITIM NA NILALANG NA MAY PAKPAK! "Saan mo siya dadalhin?!" Tumalon ako pababa ng unang palapag, siya namang paglipad ng nilalang tangay si Aster! Hindi ito maaari! "Adara—" bigo akong tawagin ang familiar ko dahil sinibat ako ng itim na nilalang ng isang itim na lancer. Drinill nun ang tagiliran ko. Patihaya akong bumagsak sa sahig kaya kitang kita ko kung paano binalot ng nilalang ng mga pakpak niya ang sarili at si Aster. Itinaas ko pa ang isa kong kamay na waring gusto ko silang abutin. Nawala sila na walang iniwan kundi mga itim na feathers. At saang lupalop sila pupunta?! Ang isa pang problema ngayon ay unti unti nang nagiging abo ang nakataas kong kamay! Naubos ang dugo ko sa tinamo kong sugat mula sa isang atake lang na yun! Mamamatay na nga ba ako ngayon?! Sino na ang magliligtas kay Aster kung ganun?! —— direk_whamba Opus 125 Hio's POV: "Uhn..." nauupos ako. Manhid na ako sa sari saring sakit na pinagdaraanan ko. Nakayakap sakin si Grimoire; na exact replica ko, except ang buo niyang katawan ay parang itim na anino. Ang kalahati nun ay puno ng matatalim na spikes at ang apat dun ay nakabaon sa aking sikmura, sa aking puso, at sa aking mga hita. "Kaya mo pa ba Weiss?" Tssshak! Bumaon ang ikalima sa noo ko tagos hanggang sa aking bumbunan. Lumabas mula sa aking bibig ang napakaraming itim na usok. Winawasak nun ang kristal at ang ibang nakalulusot mula sa mga bitak ay sinisira naman ang environment sa labas. Humiwalay na sakin si Grimoire pero sinisira niya ang aming katawan! Kinukuha niya sakin ang lahat ng natitira kong lakas— May bago siyang binabalak. Yun ang nararamdaman ko! "Hanggang kelan kaya ang itatagal ng miserable mong buhay kapag wala na ako? Hahaha~" Hindi ako papayag. Kailangan ko siyang maibalik sakin! Ibinuka ko ang aking bibig as wide as possible at kinagat ko ang balikat niya! Naging deformed smoke ang bahaging kinagat ko. Pumasok sa bibig ko yun. "WHRAAA!" magwala siya kung gusto niya. As far as I know pure energy lang siya ngayon kaya pwedeng pwede ko siyang i-consume! "DESPERADO KA NA WEISS! HINDING HINDI MO AKO MAKAKAIN NANG BUO!" Dahil sa ginawa ko, dumistansya siya sakin. Nagkaroon din ako ng konting lakas. Natuluyan na siyang nagberserk. Bumangga bangga siya sa pader na kristal hanggang sa nabasag na nga. Nag-free fall ako habang si Grimoire ay nag-hover sa ere. May fine line pa rin na nag-uugnay saming dalawa kahit paano. Ibig sabihin di pa siya tuluyang nakakakawala sakin. Bumuka ang madilim na ulap sa itaas namin— at nagpakita si Noir sa kanyang disembodied form. Wala na siyang katawan at wala na siyang kakayahang mag-isip pa; binago na siya ni Grimoire. Tangay niya ang anak ko! Sinasabi ko na nga ba at siya ang last option ni Grimoire! Na-posess na niya dati si Aster; but not the second time around! Kailangan kong i-consume pabalik si Grimoire sakin. That's the only fucking way I know! Masama ang pagbagsak ko. Natusok ako ng mga matatalas na base ng kristal! That shit hurts! Hindi nadugo ang lumabas sa katawan ko kundi itim na usok. Inabsorb yun ng kristal— Sandali... umaabsorb nga pala sila ng enerhiya! Posibleng magamit ko sila bilang catalyst! Itinaas ko ang kamay ko para makalikha ako ng isang Sigil upang i-contain pabalik sakin si Grimoire. Nagwala si Noir nung lumabas ang magic circle dahil isa pa rin siyang Overlord technically. Tumilapon na lang bigla si Aster! Buti na lang at bumagsak siya sa ibabaw ng isang tolda. "GRR! HINDI KA TALAGA TITIGIL ANO?!" sigaw ni Grimoire. Sinugod ako ni Noir. Nasakal niya ako ng isa niyang kamay. Masyado siyang malakas kaya di ako makapanlaban— "Noir, tulungan mo ako! Wag mo akong kalabanin forchristssake!" pakiusap ko sa kanya while nagchochoke. For 1second, masasabi kong pinakinggan niya ako. Basta nag-idle siya saglit. Sapat na ang time na yun para mag-activate ang Sigil. Sumanib sa Sigil si Noir. Sinubukan kong hawakan siya ngunit bigo ako. Nagliwanag pagkatapos niyang maglaho. I braced myself for the impact nung nirere-absorb na ng katawan ko si Grimoire. Kailangan ko siyang iposess atleast 50%. "H-HINDEEEE AYOKONG BUMALIK!" kung saan saan siya kumakapit pero wala din dahil nawawasak ang bawat madikitan niya. Tuluyan siyang nahila pabalik sakin. Pagkatapos nun, nagdedeteriorate na naman ang aking katawan. Ang kanang braso ko pati na ang kanang binti ay kulay itim; nanlalaban yun dahil kay Grimoire. Pinayapa ko ang isip ko. Buhay pa ang lahat ng tinamaan kanina ni Noir. Ang next agenda ko ay ang hulihin ang whisperer. Inakyat ko ang clocktower by means of changing my center of gravity and running. Tinanaw ko ang tatlong matatayog na poste sa tatlong magkakahiwalay na bahagi ng Erdan. Equal distance sila sa isa't isa at kapag gumuhit ka ng imaginary line, makakabuo ka ng pyramid. Parallel ang base ng pyramid na yun sa sentro ng Seinen: ang fountain. Tinitigan ko ang nangingitim kong braso. "Inihanda mo na ito hindi ba Grimoire?! Ginawa mo na ang preparasyon para sa Porta Tenebrarum habang natutulog ako! Wag kang mag-alala, hindi masasayang ang pinaghirapan mo... gagamitin ko ang portal sa kapaki-pakinabang na paraan." Itinaas ko ang kamay kong yun at kumawala ang masamang enerhiya mula kay Grimoire. Naglakbay ang enerhiya patungo sa unang poste sa Seinen graveyard. Nagliwanag ang dulo ng poste at tumawid ang liwanag sa magkabilang direksyong tungo sa posteng nasa Vebar at sa Karin. Nagtapos ang dalawang linya ng liwanag sa fountain ng Seinen. Naipon at lumaki ang liwanag; naging isang napakalaking bola. Mayamaya ay bubukas na ang portal na malilikha niyon. Lalapit at lalapit dito ang whisperer anumang sandali at dapat ko yung bantayan. Sa dami ng kamaliang naganap ngayon. Hindi sasapat ang isang luha niya para maisaayos ang lahat. Ang kailangan ko ay ang ulo niya! Hindi ako binigo ng whisperer. Natatanaw ko na siya na paparating. Siguro kaya siya drawn sakin ay dahil namamangha siya; sa aking swerte at sa aking kakayahan. Minsan na rin niya akong nalinlang at hindi na yun dapat maulit ngayon... **** Redder's POV: Ni-lure ko sa isang masamang panaginip ang dalawang abductor bago ko ipinakain ang kanilang diwa sa aking familiar na incubus— Hindi na masamang wakas para sa kanila. Sa ngayon ay buhay pa ang kanilang katawan; ewan ko na lang mamaya. Wala na akong nakikitang dahilan para makipaglaro pa sa kanila. Nabuksan na ang sinumpang portal ng kadiliman. Napasugod ako sa Seinen dahil nandun ang magiging pintuan sa oras na magbukas ang porta tenebrarum. Madali lang pigilan ang pagbubukas niyon; ang kailangan lang gawin ay ang wasakin ang mga poste at tumakas. Pero dahil may tiwala ako kay Weiss, papanoorin ko ang gusto niyang wakas. **** Kape's POV: Sa kaliwang balikat ako tinamaan ng malaking itim na lancer. Dumaples lang pero wasak ang balikat ko— "Mie! Minerva!" gumapang ako papunta sa kanya. Nakadapa siya at may malaking sugat sa likod niya. Nung ipinaharap ko seya tagos ang sugat na tinamo niya! Paktay ka diha! Hindi gumagaling ang mga sugat namin! "K-Kape—" "Nandito ako Minerva!" hinawakan ko ang kamay niya. Kailangan niya ng tulong! Pero— Si Nice at Kero magkaharap na nakahiga habang naliligo sa dugo. Si Shall duguan din. Si Soon ganun din. VVWHOOSHHH~ Napatakip ako ng mata kasi umihip ng malakas ang hangin. Dun ko napansing may nakatayo malapit samen. —Si dong ba yun?! Nasa loob siya ng isang sphere ng mga nagliliparang itim na usok. Hawak niya sa leeg yung kaninang nakita kong tumabi kay Shall. Wala siyang kaemo-emosyon kehet pa sinasakal na siya. Nagtama ang paningin namin tas mey naramdaman akong kakaiba... Inuutusan niya ako— kusa bagang kumikilos ang katawan ko kehet ayaw ko! Kusang naglink sa kamay ko ang napakahabang lancer habang naglalakad ako papalapit sa nakatalikod na si Hio! Inaamba ko sa kanya ang sandata— "A-ayoko—tigilan mo ako!" Hinde! HINDI MO AKO KOKONTROLIN PARA MANAKIT NG KAIBIGAN KO! Tsssak! Ibinaligtad ko ang talim at ibinaon yun sa katawan ko. "Ergh.." napaluhod ako sa lupa. Grabi di ako makahinga! Segoro naman di na ako makokontrol ng kahet sino. Baldado na ih. Thud! Lumingon si dong pagkaplakda ng buong katawan ko. "K-KAPE! Hinde—" "DONG, INGOTS KA! WAG MO NA AKONG LINGUNIN! MAUPAY AKO!" Nagpanggap akong kaya ko pa hanggang di na siya nakatingin sakin. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko dahil hilong hilo na talaga ako. **** Hio's POV: AMP dinuguan na si Kape! Ayoko nang patagalin ito. Walang sinuman ang mawawala. WALA! Nahuli ko na ang whisperer at mukhang wala na siyang maaaring gamitin pa para labanan ako. Nakasakal sa kanya ang kanan kong kamay kaya kaliwa ang ginamit ko para bigyan siya ng isang Sigil. Ang Sigil na yun ay para mapreserba sa ulo ng whisperer ang kanyang buong spirit o para hindi siya makatakas in any way! "Paalam sayo whisperer." Ngiti ang iginanti niya. Ipinikit pa niya ang kanyang mga mata. Wala ring kahit anong tangka ng panlalaban. "Tapos na ang ating laro." pagdedeklara niya. Pinahaba ko ang aking kuko para pugutin ko ang ulo niya. "—Nanalo ka.." usal ko. Mas lumapad ang pagkakangiti niya. Ang pagkapanalong hinahangad niya ay ang kamatayan. Ang Wish Tear na niluha niya noon ay para sa kanyang kamatayan na hindi niya makuha kuha... Nawala ang bola ng enerhiya sa itaas ng fountain at napalitan yun ng isang blackhole. Hinihigop nun ang halos lahat ng nasa kapaligiran. Dali dali kong initsa dun ang ulo ng whisperer. Nagbago ang rhythm sa loob ng portal. Huminto yun sa paghigop sa Erdan; sa halip ay naglabas yun ng sparkly dusts. Binabalutan nun ang lahat ng mga bampirang nakahandusay. Gamit ang kapangyarihan ng whisperer at ni Grimoire, ang binuksan ko ay ang porta fati at hindi ang porta tenebrarum. Bawat isang bampirang nandirito ay dadalhin ko sa isa sa kanilang alternative destiny kung saan hinding hindi na nila muling dadanasin ang impyernong ito. Lumapit ako kay Kape na nagliliwanag na ang buong katawan— "Ligtas ka na pare. Dadalhin kita sa isang tadhana ng buhay mo kung saan hindi tayo nagkakilala kahit kelan. Alam mo mapapahamak ka lang kung kasama mo ako sa buhay mo. Mas maiging ako na lang ang may alam sa pinagsamahan natin. Paalam bisprin." Pagkawala ni pare, kinuha ko si Aster mula sa tolda. Binuhat ko siya hanggang makarating kami sa kinaroroonan ni Shall. Ang mag-ina ko sa buhay kong ito... Kapwa sila walang malay but I let them be. Niyakap ko silang dalawa— "Mahal na mahal ko kayo kahit lagi tayong nagkakawalaan. Sasamantalahin ko na itong last minute nating magkakasama—" "Ikaw Weiss ayaw mo bang magpaligtas?" Nag-angat ako ng paningin sa nilalang na lumikha sakin. "Ako... Maililigtas?" Tumango siya at bahagyang yumuko. Pinahid niya ang luha sa matahan ko. Kanina pa ako lumuluha habang namamaalam sa aking mag-ina. "Hindi ako naniniwalang maililigtas pa ako; pero sana makasama ko pa sila ng kahit isang taon." "Pagbigyan mo muna ang sarili mo. Pagkatapos ay magkikita tayong muli—" Naglinger pa rin ang mga sinabi niya kahit naglaho na siya. —— direk_whamba ENDINGS: Kero's POV: Hrrgh... My head freaking hurts! It's been a month since makalabas kami ng C. R. O.. Ang lahat ng nangyari sa loob ng game na yun ay parang isang good dream turned nightmare. Pero masaya ako sa experience at sa dami ng natutunan ko. However, nothing beats the real world. Tok! Tok! BAM! What's the point of knocking when you'll destroy the door anyway? "AW SYET NAKABIHIS NA AKO'T LAHAT LAHAT TAS IKAW HINDI PA PALA NAKAKABANGON?!" Itinaas ko ang magkabilang braso ko. "Ibangon mo ako Ms. Nice!" After she went out of C. R. O. with me, nagpasya siyang mag-aral din gaya ko. Padabog siyang lumapit sakin— hah nahuli siya sa trap ko! Hinila ko siya kaya napahiga rin siya sa kama and I embraced her. Nagsisinungaling siya when she said she's a hermaphrodite. Babae naman talaga siya, napatunayan ko yun. Of all the jokes yun pa ang napagtripan niyang sabihin sakin! Dang halay eh. "I love you!" bulong ko sa kanya. Namula siya, natigagal, di makapagsalita— basta, she looked stupid! Haha! But then she smiled at me... Ako naman tuloy ang nagmukhang stupid. Goddamnit. "Ano ba kayo diyan? Papasok ba o maglalandian na lang?" there goes Soon. Nakasungaw siya sa bukas na pinto. With full force akong bumangon then hinablot ang uniform na nakasampay. "Tara tara!" "YUCKS DI MAN LANG MALILIGO!" natatawang sigaw ni Nice. Inamoy amoy ko ang sarili ko. "Uy di pa expire yung deodorant. Pwede pa!" "Tikas mo talaga Kero!" sabat naman ni Soon. "Loko kayo ah!" I chased them out at nagtatawanan kami like psychos hanggang labas ng apartment. Yes I'm finally happy. We are. **** Kape's POV: Hah? Ano yon?! Panagenep? Malek-mata? Yawa ambot. Tinitengnan ko lang yung binata sa kabilang kalasada andami nang pumasuk sa emajenishen (imagination) ko! Pagtolak ko ng kunte sa kariton ko, napalingon ulet ako sa kanya. Para kaseng matagal na kami magkakilala piro de man. Tsaka mukha seyang temang. Wala yata seyang mapuntahan kaya nakalorong na. Tumingala seya ng langit tapos ay ngumiti. Sayang magandang lalake pa naman kaso takas ng mintal. Homakbang seya ng pavement na ikinagolat ku. Tatawed yata seya! Eh ang kaso mo gren pa baya ang estaplayt! "HUY WAG KANG TATAWED! GO PA!" segaw ko. Diri ata neya ako narineg. Iniwan ko ang kariton at saka ako nagmadaling tomawed— BEEEEEEEP! Napatakip ako ng mga mata dehel may kutseng babangga sakeeeeen! Ambot diri ko na alam ang gagawen dehel nabingi ako sa busina. Nagblack out ako. Pagmolat ko, malewanag. Busag (puti) ang kolay ng mga pader at kisame. Hilong hilo man ako! "Awe mabuti naman at may malay ka na!" sabe ng dalagang nakatonghay saken. Nakasuot seya ng uniporme ng mamahaling eskwelahan. "—Ano'ng nangyari?" nagugulumihanan kong tanong. Masakit ug braso ko. Pagtingen ko nakasemento! "Nabangga ka ng driver ko. Nagmamadali kasi kami eh! Sorry! Hayaan mo sasagutin namin ang pagpapagaling mo. By the way ako nga pala si Minerva. Ikaw anong pangalan mo?" "C-Coffee.." Ngumiti siya. Kaambot naman kasi pangalan ko. "Magandang pangalan. Unique! Ano nga pala ang ginagawa mo sa kalsada?" "Nangangalakal!" proud ako sa genagawa ko! "Anong nangangalakal?" "Namumulot ng kahet anong pwedeng ibenta sa junkshop." "Ahh..." tumango tango seya. "Hindi ka ba pumapasok sa school? Nasaan ang mga magulang mo?" "Ulila na ako. Gradwit na ko ng hayskol. Gusto ko maging duktor piro malabo yata yun. Mag-iipon muna ako para pag-aralin ang sarili ko—" Nalungkot seya. Masyado bang madrama ang buhay ko? Ginagap niya ang mga kamay ko. Dyahe kase marumi. "Sayang ang pangarap mo. May foundation ang parents ko. Hayaan mo tutulungan kita para magkaroon ng scholarship!" Ang swerte ko naman. May nakilala akong anghel. Nasaan na kaya yung binata kanena? Hinde ba seya nabangga? Sana ayos lang seya kase pakiramdam ko hinde na kami magkikitang muli... **** Shall's POV: (1 Year Later) Tok. Tok. "Mahal ako ito—" why did I knocked anyway. I'm sure hindi na niya ako pagbubuksan ng pinto. Nag-force entry na ako. Naabutan ko siyang nasa tapat ng bukas na pintuan ng veranda, in his wheelchair. Kasalukuyan niyang ibinabandage ang isa niyang braso. Six months na siyang nakaupo sa wheelchair. He can't walk anymore. Lumapit ako sa kanya then hinaplos ko ang suot niyang maskara. Ayaw na rin niyang ipakita ang kanyang mukha as if he's hiding a deformity. "Hindi ba ang sabi ko pag may kailangan ka tawagin mo lang ako? Pagsisilbihan kita—" I kneeled as I grabbed the end of the bandage. Maayos ko yung nai-fasten. "Maganda ang buwan ngayon. Gusto mo bang maglakad-lakad tayo? Tatawagin ko si Aster—" When I stood up, he moved and wrapped his arms around my waist. Please Hio talk to me... "Mahal na mahal kita. Alagaan mo ang mga anak natin." "Ang mga matatalinong gaya mo ay hindi nagsasabi ng ganyan. We both knew na hindi natin sila pinababayaan." Kumalas ako sa yakap niya. I bended low. Umiwas siya nung tatanggalin ko sana ang mask niya. "I want a kiss!" reklamo ko. "Sinasabi mo palagi na mahal mo ako pero hindi ka na nagiging asawa saken!" "Tampo agad. So like you. Pumikit ka—" I obliged. In the midst of darkness, all I can hear is the beating of my heart; all I can feel is his warm breath nearing as he gets closer and closer. God, I will never be ready to lose him. When I opened my eyes, suot na niya uli ang kanyang maskara. Bahagya kong itinulak ang wheelchair niya palabas ng veranda. We gazed at the moon while I held his hand. "—Mama, umiiyak po si Antigoné!" humahangos na pumasok si Aster sa kwarto. Antigoné was our three-month old darling daughter. Si Hio ang nagpangalan sa kanya. "Pupuntahan ko ang anak natin. Dito ka lang ah?" bulong ko kay Hio. He slightly nodded. I turned on my heels then nagpa-escort ako kay Aster patungong nursery. Naabutan namin si Lily— the wet nurse— na kalong kalong si Antigoné. Uhaaa~ Uhaaa~ "Akina siya." I hoisted my hand so I could have my baby. When I cuddled her, huminto siya sa pag-iyak. She giggled so loud. "Gusto mo siyang buhatin Aster anak?" His eyes widened. "Can I?" "Oo naman! Dalhin natin siya sa room ni papa." Hinayaan ko si Aster na magdala kay Antigoné. Nakaalalay lang ako just in case. "Paglaki ko mama, ako ang poprotekta kay Antigoné! Aalagaan ko siyang mabuti!" ani Aster. "Dapat lang. She's your little sister after all." Nandun pa rin sa veranda si Hio when we get back. Inilagay ko sa kandungan niya si Antigoné. He smiled. I can't see it though. Ibinalik din niya sakin agad ang bata. He don't cuddle up our daughter too long. Hindi sa ayaw niya kay Antigoné; but he's afraid to have a fatherly connection to her, especially because— Ugh. I don't want to think of anything now. Magkakasama kami tonight. Everything's fine. That's enough. —— THE END OF MADNESS A L L R I G H T S R E S E R V E D ©2012 direk_whamba Final Notice: Ito na po yung very ending ng ForMad, at ito na rin ang best ending that I could give. You should stop reading here. I still have an ending sequel po BUT I do not recommend you to read that ESPECIALLY kung ayaw niyo ng drama. YOU'VE BEEN WARNED. So don't nag me and say "Bat ganun ang nangyari?" Swear I won't answer to that question. The next ending sequel is my personal choice for the ending. I just deducted it so that readers could choose the lesser tragic ending in advance. Thank you for supporting ForMad. :) I don't think I could come this far without your inspiring messages and remarks. You keep me going! Muah! Ending Sequel Hio's POV: Hinintay kong iwan ako nina Shall bago ako dahan-dahang tumayo sa aking wheelchair. Ni-conserve ko talaga ang natitirang lakas ko para sa gabing ito. I limped out of my room. Sumilip ako sa first floor pagdating ko ng balcony. I found no one. I took a short trip to Aster's classroom. Nandun siya at naglelesson sila ng teacher niya. Sa nursery ko naman na-glimpse si Shall. Nakatunghay siya sa kuna ng anak namin. Bumaba ako ng stairwell, at pagdating ko sa main hall ay inalis ko ang benda sa aking braso. Gumawa ako ng isang charm para patulugin ang lahat ng nandito sa mansyon. Dumiretso ako sa napakalaking chapel ng mansyon na para nang isang simbahan. Malalaki ang mga bintana nun; mas malaki pa sa dalawang pinto. Hindi pa hundred percent na gawa ang chapel na ito. Wala pa kaming nakokomisyon na stained glass artist kaya nakatiwangwang ang mga bintana. Nilagyan na lang yun ng kurtina pansamantala. Malakas ang ihip ng hangin kaya nagpapalipad lipad ang mga kurtina na parang sampay. Nakaupo sa altar table si Redder black. "Kanina ka pa dito?" tanong ko. Inalis ko ang maskara. Infested na ng itim na kapangyarihan ang kalahati ng mukha ko at ayaw ko yung makita nila. "Kadarating ko lang. Nakahanda ka na ba?" Huminga ako ng malalim. "Hindi pa. Pero wala akong choice kundi ang maging handa." Lumapit ako hanggang sa 2 feet na lang ang layo ko sa kanya. As if on cue, may nag-activate na magic circle sa ilalim ko. "Bilisan mo dahil hindi ko na ito kayang pigilan— Hindi ko na kayang kontrolin pa ang kapangyarihang nasa loob ko. Parang any moment lalamunin ako nun ng buhay— AAAAAAHHHH"" Sobrang sakit! "Tiisin mo. Ipagsasanib ko na kayo ni Grimoire. Sa oras na makumpleto ang proseso, mawawalan ka na ng diwa. Pero posible nang puksain si Grimoire kapag sinira ang puso mo." Sige. Konti na lang at mawawala na ang sakit— Kailangan nang mawala ng tuluyan si Grimoire para sa ikatatahimik ng lahat! "—HIO!" Nag-echo ang sigaw ni Shall. Nasa bungad siya ng chapel at ang kanyang mga mata ay nagugulumihanan sa kasalukuyang nangyayari. "BAKIT KA NANDITO?!" ang boses ko ay fusion na ng boses naming dalawa ni Grimoire. Hindi ba tumalab sa kanya ang charm na pampatulog?! Inilabas ni Shall ang kanyang krusipiho na naging espada. Masama ang tingin niya kay Redder. "Siya ba ang nagpapahirap sayo Hio?!" Makukumpleto na ang fusion... Konti na lang— "SHALL MAKINIG KA SAKIN—" **** Shall's POV: Minsan na akong nabiktima ng pampatulog kaya naman hindi na ako magpapabiktima sa ikalawang pagkakataon. Kagagawan yun ni Hio. For some reason, nakatayo siya mula sa wheelchair niya. Sinundan ko siyang hanggang chapel only to find na may ginagawa sa kanya si Redder! Pero si Hio parang consented pa niya ang ginagawa ni Redder! Ano ba kasi ang nangyayari?! "SHALL MAKINIG KA SAKIN—" oh God nagboboses halimaw na si Hio! Kinoconsume siya ng itim na aura and I don't know what to do! "—KAPAG NAWALA ANG MAGIC CIRCLE, I'LL GO BERSERK. GUSTO KONG TUMULONG KA PARA PATAYIN AKO..." "WHAT?!" I can't believe this! NO! "—SASALO NA AKO NANG TULUYAN KAY GRIMOIRE PARA TULUYAN NA SIYANG MAGLAHO. HINDI KO NA SIYA KAYANG I-SUPRESS DAHIL ARAW-ARAW SIYANG LUMALAKAS." Ting! Nabitawan ko ang espada. "AYOKO! There's got to be another way! Wag yung ganito!" "CONSIDER IT! PALAYAIN MO NA AKO SHALL... PAGOD NA AKO— AAAARGH!" Tuluyan nang nawala sa paningin ko si Hio. Naging isa siyang black entity at ang prominent lang sa kanya ay ang nagliliwanag niyang mga mata. Sakin siya unang bumaling. Sinugod niya ako para sakmalin pero naipansalag ko ang aking espada. "Hio bumalik ka na! Paano na kami!" "HINDI SIYA MAKIKINIG SAYO! ANG MABUTI PA AY TUPARIN MO ANG KANYANG HULING KAHILINGAN! ISAKSAK MO ANG ESPADA MO SA KANYANG PUSO!" ani Redder. Sinipa ko palayo si Hio. "Ayoko! Gagawin ko ang lahat para iligtas siya! Saka bat ako maniniwala sayo? Minsan mo na siyang ipinahamak di ba?!" WRAAAARRR! Tumira ng mga shadowy projectiles si Hio. Insane na nga talaga siya! "KUNG PATULOY KANG MAGMAMATIGAS MAS LALO LANG LALALA ANG SITWASYON! HINDI MAGTATAGAL ANG BARRIER DITO SA CHAPEL! PAG NASIRA YUN MAKAKATAKAS PA SI HIO! DARAMI PA ANG MAPIPINSALA!" Hindi ko na alam ang gagawin ko— pero tama si Redder. Kapag nakatakas si Hio dito, hindi natin alam ang delubyong idudulot niya! "Ano ba ang plano mo Redder?" "Kapag nakakuha ako ng pagkakataon, pipigilan ko ang pagkilos niya. Ipagpatuloy mo lang ang pagdistract sa kanya!" Nagcast si Redder ng panibagong magic circle habang sinubukan kong kalabanin si Hio— Hanggang sa napapunta ko siya sa trap na inihanda ni Redder. Nahinto ang kanyang paggalaw at napasalampak siya ng sahig. Naunang makalapit sa kanya si Redder bago ako. "May dalawang paraan para iligtas ang pinakamamahal mong si Hio." sabi sakin ni Redder. "Ano ang mga yun?" "Ang una ay ang ibaon mo yang espadang hawak mo sa kanyang dibdib. Yun naman ang gusto niya after all." "Eh yung pangalawa?" "Ang pangalawang paraan ay gawin siyang tao muli. Ngunit para magawa yun, kailangan mong i-trade ang existence mo para sa kanya. Tandaan mo lang na sa oras na mawala ang iyong existence, mabubura ka sa alaala ng lahat ng mga nakakakilala sayo." I asked Redder. "Bakit mo siya tinutulungan? Ano para sayo si Hio?" "—Siya ay mas mahalaga pa kesa sa sarili ko. Yun lang. Enough talk and decide now." Ano ang pipiliin ko sa dalawang choice para iligtas si Hio?! —— A/N: The following is a choice for the final conclusion of Shall's decision. Readers must choose A or B. If you choose A, simply read the next part. If you choose B, skip A and proceed to B. Choice A Shall's POV: Itinarak ko ang aking espada kay Hio. Unti unti siyang nauupos. "Hio..." I leaned closer and kissed him. Nawala siya just like a smoke after the fire. Napasalampak ako sa sahig and I embraced myself. Iniimagine kong kayakap ko pa rin siya. "Hio, umuwi na tayo..." I said absent-mindedly. "Maraming salamat sa pagkakaligtas mo sa kanya!" I stood up. Nandito pa nga pala si Redder— Tinungo niya ang bintana. Malapit nang mag-umaga so therefore he's gonna leave. "Kilala ko siya higit kaninuman. Alam ko ang sakit na pinagdaanan niya nitong mga nakaraang taon. Kaya pag sinabi kong malaya na siya, gusto kong paniwalaan mo ako. Salamat sayo at nailigtas na rin siya sa wakas." papatalon na si Redder ng bintana nung muli siyang sumulyap sakin. "Ah muntik ko nang makalimutan, may final message siya para sayo—" At the exact time that he left, umihip ang hangin. "Mahal na mahal kita Shall..." anang boses na sumabay lang sa hangin. Hio's voice. I find myself crying. Pero pinahid ko agad yun nung makita ko si Aster na papalapit sakin. "Mama anong ginagawa mo dito? Mag-uumaga na! Nakita mo ba si papa?" I hugged my beloved child. "He's gone out for a long journey." "Ehh? Biglaan naman po yata! Bakit di niya sakin sinabi? Magtatagal po ba si papa sa pupuntahan niya?" "Yes." I whispered softly. "Pero makikita din natin siya when the time comes..." Hio, we'll always be together. I know you're with me. Please watch over me and our kids. —— THE END direk_whamba Choice B Hio's POV: Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa maalikabok na sahig ng chapel. Pinakiramdaman ko ang buong katawan ko— Ang braso ko, pati ang binti ko— wala na sakin ang itim na kapangyarihan ni Grimoire! "PAPA!" nilingon ko si Aster na papalapit sakin. "Papa? Kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala— WAW NAGBALIK NA ANG LAKAS MO! Hindi mo na kailangan ulit ng wheelchair! Makakapaglaro na ulit tayo ng habulan!" I can't comprehend what my son is saying... Hindi ko alam tong nararamdaman ko. Parang may hollowed part sa puso ko. Parang may kulang— "Aster, pumasok ka na sa loob at baka abutan ka ng sikat ng araw. Susunod na lang ako—" Natigilan ako nung may pumasok sa isipan kong pigura ng isang babae. Mabilis na mabilis lang yun. Ni hindi ko nakita ang kanyang mukha... Sino siya? "Papa umiiyak ka ba?" Ako? Kinapa ko ang pisngi ko. Tears are really running down. "Uhh... S-siguro." "Papa... wala ka nang sakit at lahat pero bakit parang hindi ka masaya?" Inakbayan ko siya paharap sa isang bintanang hinahangin ang kurtina. Wala akong maisasagot sa tanong ng aking anak. Something unknown is overwhelming me... "Pakiramdam ko nagkaroon ako ng isang bagay na espesyal... Napakaespesyal." usal ko. —— THE END direk_whamba